Ang Kwento sa Buko Pie Part 2

Nandito na naman ako sa bbq-han ni Aling Mameng at nagdadrama.

I am wreck! I cannot function well! Sobrang mahal ko si Teddy. Sya ang buhay ko. Sya ang tubig. Sya ang Ilaw. Sya ang hulog ng langit. Sya ang aking pag-ibig. Sya ang katuparan dito sa aking daigdig. Tinungga ko ang boteng hawak ko. Bago ulit humagulgol.

“Bes, ano ba ‘yan! Tigilan mo na nga ang kakainom dyan! Nakakatatlong litro ka na oh!” Pigil sa akin ni Luci bago pilit na kinukuha sa kamay ko ang hawak kong bote.

“Ano ba hayaan mo na ako! Gusto kong magpakalasing!” Sabi ko naman habang binabawi din ang bote.

“Aray!” Daing ko ng batukan ako neto.

“Anong lasing pinagsasasabi mo! Di ka malalasing dyan no! UTI ang aabutin mo dyan, gaga ka!” Sabi nya habang nakaturo sa hawak kong Litro ng Coke. “Hay nako ewan ko ba naman sayo! Para ka talagang si Coco.” Dugtong pa nya.

“Martin?” Tanong ko.

“Hindi! Martyr! Coco Martyr!” Sigaw nya.

“Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko! I love him and I will always love him deep inside this heart of mine… I will love him!” Naiinis na sigaw ko din sa kanya.

“Kaya nga ako nandito, bes. Dinadamayan kita sa pagmomove-on!” Sigaw din pabalik ni Luci.

“Move-on from what?!” Napatayo na ako

“From everything that’s keeping you from moving on.” Sagot naman ni Luci.

“Stop acting like you know my pain! Stop acting like you own it! Hindi ikaw si Teddy and you will never be Teddy!” Sigaw ko ulit.

“Oo! Dahil maasim lang ako pero hindi ako tomboy! Tangina ka!” Magwo-walk out sana si Luci ng pinigilan ko sya.

“Bakit?!” Pagalit nyang tanong.

“Bes, bayaran mo muna ‘tong softdrink wala kasi akong dalang pera eh.” Nakangiti kong sabi pero tinalikuran lang ako nito.

“Bes! Beeeeeeeeeeeees!”

———-

Naisipan ko munang mag-unwind. Kailangan ko ngayon ito para makaisip ng plano kung paano ko babawii si Teddy Loves ko.

“Uy, bes! Ano ba akala ko ba tutulungan mo akong mamili ng damit para sa meet and greet namin ng mudrakels ni Butchoy ko!” Sabi sa akin ni Luci habang namimili ito ng damit. Nandito kami ngayon sa Ukay-Ukay at nagsashopping.

“Oo nga! Hmmmmm…” Sabi ko.

“Oh! Ano na nga. Hindi pa rin ako makapili. Gusto ko sana eh yung pag nakita ako ng future mother-in-law ko eh mapapamura sya sa gulat.” Sabi pa ni Luci.

Kinuha ko ang gown na puti sa aking gilid.

“Oh! Eto i-try mo.” Sabay abot ko sa kanya ng damit.

“Sigurado ka ba dito, bes?” Alangan pang sabi ni Luci habang kinikilatis ang damit.

“Oo! Tiyak ko pag nakita ka ng nanay ni Butchoy eh mapapamura talaga yun.” Sabi ko pa. Excited naman itong pumasok sa fitting room.

“Ay putangina ka, Coco!” Sigaw ni Luci paglabas. Nanlalaki pa ang mata nito habang nakatingin sa akin.

“B-bakit, bes?” Sabi ko naman.

“Ang ganda nito! Para akong prinsesa.” Sabi ni Luci habang umiikot-ikot pa sa harapan ko.

“Oo nga eh ang ganda mo dyan. Kabaong nalang ang kulang.” Bulong ko.

“May sinasabi ka?”

“Ha? Ah wala, bes. Ang sabi ko ipabalot na natin yan at baka maagaw pa ng iba.” Palusot ko.

“Ay! Tara na dali.” Pagdating namin sa counter ay agad naman itong binalot.

“Magkano ho, ate?” Tanong ni Luci.

“250 po.” Sagot naman ng ale.

“Buwakang ina ka! 250?” Sigaw ni Luci. Kahit ako ay nagulat sa presyo tangina ang mahal nga nun. Gaga tong ale na to dadayain pa kami.

“O-oho, 250 ho talaga yan mga ma’am.” Sabi naman nito.

“Hindi! Oh ayan 500. Keep the change. Dapat ang ganto kagandang damit eh mamahalin.” Sabi ni Luci. Napanganga na lang ako dito.

——–

Pagkatapos namin mamili ng pamburol—este damit pang meet and greet ni Luci sa nanay ng bf nya ay dumiretso kami sa Mcdolibee. Pagpasok namin ay namataan agad ng mga mata ko ang babaeng ruler. Doon kami umupo sa tapat ng mesa nila. Nakapaharap ang upuan ko sa kanya.

Tinaasan nya ako ng nagmumura nyang kilay na ukit na ukit at sumisugaw ng “kilay ako! Kilay ako!”

“I thought this is a fastfood so what is a trash doing in here?” Parinig nya sa akin.

“Ang mundo nga naman parang isang malaking qiapo. Maraming mukhang snatcher.” Parinig ko din. Ngumisi naman ito sa akin.

“Begging for someone’s love? How pathetic!” Nainis na ako. Tumayo ako at pumunta sa mesa nila.

“Ikaw ang pathetic, tangina ka! Inakit mo ang boyfriend ko sa buto-buto mong katawan!” Sabi ko dito. Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan kami ng ibang tao. Napatayo na din sya.

“What?! I don’t understand you?” Maarteng sabi nya gamit ang kanyang malakiking boses.

“Wala akong pake kung wala kang maintindihan! Tangina kang babae ka! Etong tatandaan mo! Babalik sa akin si Teddy! At pag nangyari yun! Ipapatokhang kita kay bato!” Sigaw ko dito habang dinuduro sya.

“Oh how stupid can you get? Can’t see and feel it. Theodore, doesn’t love you. No, actually he never did!” Sigaw din nya pabalik. Sinabunutan ko sya sa sobrang inis (Yes! Sadista po ako).

“Putangina ka! Buto-buto! Ruler! Panget! Flatchested! Wala kang dede! Mabahong kiki!” Sabi ko habang sinasabunutan sya.

“You Bitch! Pathetic! Trash! Stupid! Fuck you!” Sagot naman nga habang gumaganti.

“Tama na po yan! Tama na po yan!” Awat sa amin ng gwardya sa fastfood.

“Panget! Walang dede! Ibubulalo kitang buto-buto ka! Punyeta ka! Tagyawatin ka sana sa mani mo!” Sigaw ko habang hinahatak ako palabas ng gwardya.

Binitawan din agad ako nito ng mailabas na nya ako. Nagngingitngit talaga ako sa galit sa babaeng yun. Ipinapangako ko talaga na gagawin ko ang lahat mapunta lang ulit sa akin si Teddy.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *