Bastusin Mo Ako Part 15

Maagang nakatapos ang mga estudyante sa exam ni ibinigay ni Daniel. Hindi na rin niya pinahirapan ang case presentation ng mga ito dahil wala rin siya sa mood….Lalo pa nga at parang nakakaloko si Mailyn tuwing tumitingin sa kanya. Allowed ang mga estudyanteng mag civilian clothing pag sabado.

Naka white wrap around mini skirt si Mailyn. Hindi mo maiiwasang mapahanga lalo na pag naglalakad ito. Sa magandang at mahabang hugis ng legs nito at ang magandang umbok ng puwet na lalong nagiging prominente pag umiimbay ito sa paglalakad. Naka pink Hello Kitty shirt ito na fitting na tinernuhan naman ng pink din na nike running shoes. Naka pony tail ang buhok nito. Very sporty.

As opposed to Marie na naka Jeans at white shirt. Simple lang. Pero alam ni Daniel na ang kasimplehang yun ang nagpapasexy kay Marie sa paningin niya. Kung si Marie ay simple ang kaseksihang pino project, si Mailyn ay parang naghahamon. Yun tipong pag naglakad sa kalye e di mapipigilang habulin ng paningin. Na kung may tambay sigurong nakatingin ang sasabihin ay: Nakupu, mukhang babali ng tubo ito!

Medyo naiilang din si Daniel sa sitwasyon lalo pa nga’t di mapigilan si Mailyn sa simpleng pangungulit nito. Nandung isubo at kagatin ang dulo ng ballpen na kunwari nag iisip ngunit biglang aangat ang mukha patingin sa kanya at titiyempong busy ang mga kaklase sa exam sabay ilalabas masok ng mabilis ang ballpen sa bibig nito sabay dila sa dulo. Paulit ulit ito. Umaalinsangan lalo ang pakiramdam ng lalaking CI. Nang tignan naman niya si Marie ay nakasimangot ito sa kanya. Nagseselos. Nakikita rin nito ang pasimpleng ginagawa ni Mailyn sa Sir Dan niya.

Nang makita ni Mailyn ang tingin ni Marie sa kanya na parang galit, inilobo nito ang bibig at binangga bangga ng dila ang tagiliran ng sariling bibig kung kaya bumubukol ang pisngi nito sabay kindat sa kaibigan.

Lalo nang naasiwa sa sitwasyon ang lalaking CI. Patay malisya siyang tumungo sa desk na kunwari ay may binabasa. Titingin tingin naman si Mailyn at tuwang tuwa sa pagka asiwa ng CI. Hehehe. Kahit bagsak tong exam ko, sir…ipapasa mo ko..hahaha. sa isip isip pa nito. At umiral pa lalo ang kapilyahan niyo. Hinintay na mapatingin sa kanya ang Ci at nang matyempuhan ito ni Mailyn ay biglang ibinuka ang dalawang hita upang makita ng kanyang CI ang puting undies na suot niya…sabay kindat at sabay sara uli nito… at nag tap ito ng ballpen sa test paper…mabilis…alam niyang alam ni Sir Dan ang ginagawa niya.

Napalunok naman si Daniel. Siyet na bata talaga to. Exasperated ika nga. Pag titingin siya kay Marie, alam niyang nagagalit ito…nagseselos..at sa tuwing lilipat siya ng tingin kay Mailyn, wala itong paki sa panunukso sa kanya…at simpleng pang aasar nito kay Marie. Ano ba to. Di niya maitatanggi…Nagsisimulang tumindig ang bandila ng bayan. Ay naku, ano nga ba yung nabasa niya sa isang American novel? A stiff prick has no conscience? Lintek na tarugo niya…nag uumalma..natotorture… Naku, Mailyn ka…you’ll pay for this…pagbabanta ng kanyang isip.

Natapos ang exam ng 12NN…idinismiss nito ang klase na may mga papasukan pang minor subjects. Naghiwa hiwalay na sila nung makaabot sila ng hallway. Nakatungo lang naglalakad si Marie kasabay ng grupo. Si Mailyn ay may kakaibang sigla sa mga hakbang nito. Ngiti ng ngiti…the cat who swalloed the canary, isip isip ni Daniel.

Dahil Sabado, halos walang tao maliban sa mga CI na nagpapaexam. Nang pumasok na si Daniel sa faculty room ..(na ginawa kong fuck–ulty room…sa isip ng binatang napailing na lang), nadatnan na nya dun si Ver na nagchecheck ng papel. Umangat ang mukha nito mula sa desk at binati siya.

” o, Pre…tapos na exam mo?” tanong nito.

“Yeah…” Matamlay na sagot ni Daniel.

Napatigil sa ginagawa si Ver. Matagal na rin silang magkaibigan ni Daniel. Alam niya pag namomroblema to. Sa tagal na rin naman ng panahong pinagsamahan nila, alam na niya ang likaw ng bituka nito. Kung meron man siyang itinuturing na tunay na barkada, si Daniel ang una sa listahan niya. At alam niyang ganun din ito sa kanya. Nadagdag nga lang sa listahan nila si Gary. And so far, dahil na rin nga pare pareho halos ang hilig nila, ok naman ang tropa. Iniwanan ni Ver ang ginagawa nito at lumipat sa swivel chair ni Gary. Hinarap niya si Daniel na nakaupo na rin sa swivel chair nito.

“Pera ba, pre? Magkano?” tanong nito sa kaibigan. Umiling lang.

“Hmnn…kung hindi pera…malamang babae…” sundot nito. Tinignan lang siya ni Daniel. di pa rin umiimik. Medyo tumungo ng kaunti si Ver sa desk ni Daniel at sinalo ng kanang kamay ang baba.

“Anak,” simula ni Ver, ” Ano man ang dinaramdam mo, mangumpisal ka na…ituring mo akong Father Confessor mo, ” seryosong saad nito kay Daniel.

Hindi naman mapigilan ni Daniel ang mapangiti. Nag aalanganin pa rin siya. Pero kung meron man siyang mapagkakatiwalaan sa university na ito, si Ver at Gary lang yun. In that order. Gusto nyang protektahan si Marie. Ayaw niyang masira kinabukasan nito ng dahil sa kanya…at kailangan niya ng kakampi sa balak niya.

“Sige na, pre…anumang mabigat na bagay ay gumagaan kapag pinagtutulungang buhatin…” pangungumbinsi nito. “Mangumpisal ka na anak at mapagpatawad ang nasa itaas…at higit sa lahat…sabik din ako sa chismis…hehehe” nakangisi pa nitong dagdag.

Lumingon lingon sa buong paligid ng faculty room si Daniel. Huminga ng malalim…at marahang tumango sa kaibigan…

Nagsimulang magkuwento si Daniel nang mga nangyari. Nung una’y pabugso bugso, waring hindi sigurado at tagni tagni. Nakatingin lamang si Ver. Ngunit ang mukha nito’y tiim na nakikinig sa kaibigan. Hindi siya nagsasalita o nagkokomentaryo. Ini engganyo nya ang kaibigan nyang magtiwala ng buo…na sabihin ang bagay na bumabagabag dito. At unti unting parang tubig na umaagos dahan dahan ang mga alala sa isipan ni Daniel. Naging tuloy tuloy ang kuwento nito. Magkakahalong emosyon ang bumabalot dito. Nandun ang guilt, ang takot…at ang nananaig sa lahat…ang ligaya. Tuloy lang sa matamang pakikinig ang kanyang CI. Nang makatapos sa kuwento niya si Daniel, tumingin ito kay Ver…Hinihintay nito ang pag aakusa…at nakakaramdam siya ng hiya sa harap ng kaibigan niya dahilan sa mga pangyayaring naganap. Tumayo lamang si Ver. Tahimik. Wari’y tinitimbang ang mga sinabi ng kaibigan. Tinignan niya ito ng mga nagtatanong na mata. Tumango lamang si Daniel. Guilty as charged, Your Honor. Hinintay niya ang paninisi o panghuhusgang inaasahan niya sa kaibigan niya.

Lumapit si Ver kay Daniel. Marahang ipinatong ang kanyang kanang kamay sa kapwa CI.
Umiling iling ito…at biglang binatukan ng marahan ang kaibigan. Nagulat si Daniel.

“Bakit?” naguguluhang tanong nito kay Ver. Hindi naman galit ang hilatsa ng pagmumukha nito.

” Ayup ka….ang swerte mo!” Bulalas nito na may halong inggit sa nangyari sa kaibigan.

“Anong swerte?” pakunwaring tanong ni Daniel ngunit alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Napangiti rin siya.

“Siyet…dalawang magandang…ehem…” luminga linga muna ito uli sa loob ng faculty room upang masiguradong uling walang ibang tao. ” Dalawang maganda at malilibog na dalaga may gusto sa yo…..Hmnnn may anting anting ka no?” nakakalokong tanong pa nito.

“Wag ka ganyan dre…namomroblema na nga eh….kawawa naman si Marie pag nagkabistuhan,” pakiusap nito kay Ver.

Parang wala namang narinig si Ver at lumapit pa sa desk ni Daniel…suminghot singhot.

“Kaya pala may kakaibang amoy …amoy sex pheromones” nangingiting pang aasar pa nito patungkol sa human chemical na nagtitrigger daw ng sexual attraction.

“Parang alam mo ang amoy nun…huh.” sagot ni Daniel. “Tama na yang kakenkuyan mo dyan…kaya ko sinabi eh para tulungan mo ako…hindi yang kung ano anong pinagyayawyaw mo,” medyo inis na dagdag ni Daniel.

“E ano ba naiisip mo?” tanong naman ni Ver. ” Paano mo mapipigil si Mailyn aber?”

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *