Dream Girl Ko Part 9

“Kaya pala di na kita nakakasabay.”

Nagkaroon muna ng kunting katahimikan, pagkatapos nito. Saka nag usisa si Ariel..

“A-asan na yung kasama mo nun sa mall?”

Napatitig si Meanne sa binata, tila nag-isip.

“Hmm naalala ko yun. Yes. Teka, si Emman, tama si Emman ang kasama ko. Classmate ko yun. Bumili yata kami ng mga gagawing project. Oo, naalala ko na.” Medyo natawa si Meanne. Nakamasid si Ariel. “Hahaha, nalala ko, nag grocery ka. Ang cute mo nun.”

Ang ngiti ni Meanne ay unti-unting napawi matapos maisip ang kanyang pinakahuling nasabi. Nakaramdam siya ng hiya. Ganun din si Arien, bagama’t umiinit yata ang kanyang pakiramdam sa narinig.

Mula dito nailang ang isat-isa. Nagkaroon muli ng katahimikan dahil nag aantay kung sino ang mau-unang magtanong o mag salita. Mapadako sa mag ibang lugar ang kanilang mga mata.

Halos magkasabay na lumabas si Dindy at Sara pero sa magkaibang pinto. Si Sara mula sa main door, malapit sa porch , si Dindy mula sa kusina dala ang tray kung saan me laman lasagna at ilang baso ng ice cream. Papalapit sila.

“Psst. Lika muna sandali.” Tawag ni Sara.

“Me dala akong snacks.” Sumabad agad si Dindy.

“Si Dad eh, kausapin daw to.”

Sa narinig ki Sara, kahit aka-angat na sa pagkaka-upo si Ariel, bigla siyang napaupo. Natawa tuloy si Dindy at Meanne. At magkasabay na nanakot.

“Hala. Lagot.”

“Dindy ano ba. Meanne.” Saway ni Sara. “Halika na at gabi na.”

“Ariel, dalhin mo na itong ice cream mo, matutunaw eh. Saka, kailangan mo to. Sure ako mainit ang upuan dun. Hahaha.”

“Hot seat. Hahaha.” Si Meanne.

“Hey, stop it.” Medyo pikon na si Sara.

Tumigil si Dindy, bagamat naka ngiti, pinalakas niya ang loob ng binata, na halatang kinakabahan.

“Sige na Ariel. mabait naman si Dad. Kunting usisa lang naman yan. Curious lang yun, kaya mo yan.” Sabi ni Dindy.

“Go bro. Aja!” Sabi ni Meanne.

Walang nagawa ang binata kundi samahan ng tuluyan si Sara. Bitbit niya ang isang baso ng ice cream. Tama si Dindy, kailangan niya ang pampalamig sa gabing paigting ang init.

***

Wala na ang mga kausap ng heneral. Wala ng bisita. Ang mag-asawang Altarez na lang nakaupo sa iron sets na nasa porch. Maging ang mga aide ni Leo ay hindi makikita sa paligid. Tatlo sa kanila nasa gate nakabantay. Ang dalawang opisyal, umiinom na ng beer sa tabi ng kalsada.

“Dad si Ariel.” Si Mrs. Altarez na mismo ang nagpakilala sa binata, habang katabi ito ni Sara.

“Maupo kayo..” Sabi ni Leo.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Tahimik na naupo ang magkasintahan. Kinuha ni Leo ang hindi gamit na brandy glass at tinagayan ito ng Jack Daniels saka itinulak sa harap ni Ariel. Napakilos si Sara.

“Uhm Dad, di yan umiinom.”

Tiningnan ni Leo ang dalaga. Iniusog pa rin nito baso sa tapat ni Ariel. Tiningnan ni Sara ang ina, ngunit sumenyas ito na hayaan ang ama. Ibinaba ni Ariel ang hawak na ice cream, upang damputin ang alak.

Tahimik muna ng maraming segundo. Hanggang sa bumira ng bigwas ang tatay ni Sara.

“You two are fuckin morons!” Bungad ni Leo.

Nagulat si Sara at Ariel, lalo na ang ina ni Sara.

“Leo, ano ka ba!” Si Eleanor.

Nagkibit balikat ang heneral.

Binuksan ni Leo ang bag sa tabi ng kanyang silya at hinugot ang isang brown envelope. Inilapag sa mesa.

“Buksan mo. Tingnan mo.” Utos nito sa anak.

Nanginignig ang kamay ni Sara ng kunin ang brown envelope at dahan-dahang ilabas ang isang larawan, na nasa 8″x 9″ ang sukat. Super imposed ang picture. Pero mas lalong tumulo ang luha ng dalaga ng makita ng maayos.

Tumambad sa kanya ang torrid na halikan nila ni Ariel sa loob ng kanyang tahanan. Nakapasok pa ang kamay ng binata sa laylayan ng kanyang bestida. Tila kuha sa may bintana. Dito, biglang nanikip ang dibdib ni Sara. Alam niyang invation of privacy ang ginawang ito sa kanila.

Walang karapatan ang kanyang ama na panghimasukan ang kanyang personal na buhay, lalo pa’t kuha ito sa sarili niyang bakuran at tahanan. Tumutulo ang kanyang luha at hinarap ng namumula niyang mukha ang ama. Umusal ang nanginginig na labi.

Galit.

“H-how could you..? Dad!?”

Napatitig si Leo sa anak. Muling tumagay ng kunti sa kanyang baso. At umusal, una mahina hanggang sa palakas na tinig.

“Fool. Do you think I did that? Can I do that to you? Jesus Christ, Sara. Grow up.”

Nababagabag si Mrs. Altarez kung ano ang nasa larawan. Ngunit ayaw niya munang makialam. Naaninag ni Ariel ang picture habang hawak ni Sara. Nangangatog ang tuhod niya sa nakikita.

Nakatitig pa rin ang dalaga sa ama. Naghihintay ng karugtong. Dahil kung hindi siya ang may gawa nito, sino? paano? at bakit? Hinarap siya ng maayos ni Leo.

“Kuha yan nang a certain Julius Canojado. Does the name ring a bell?”

Kagyat na napaisip si Sara. Pamilyar.

“Well, ‘tong hayop na to, Ibinagsak mo for being late and most the times absent almost everyday sa 7:20am class mo. Tamad eh. Laging lasing kaya di umaabut sa klase mo na napaka-aga sa kanya. You warned him, kinausap mo pero patuloy siyang wala sa klase. Make the story short, you failed him…”

“…When he realized the damage, saka lang siya nag isip na kausapin ka. Pero hindi ka niya naabutan sa campus. Isang Sabado, around 6pm on 27th of October pumunta siya sa bahay mo para makiusap at magpaliwanag. That didn’t happen. Ito ang dinatnan niya. Bukas ang mga bintana mo. Umakyat siya sa bakod, kinunan ka sa cellphone..

“…And oh, by the way, hindi siya picture ah. Ito ay video. A 3-minute sex video. My men only captured a snapshot for printing to clearly verify na kayo nga ito.”

Napahawak na si Sara sa kanyang bibig. Hindi siya makapagsabilita sa labis na pagkabigla. Hinahaplos halos ni Ariel ang likod ng dalaga, dahil maging siya hindi alam kung ano ang reaksion sa tagpong ito.

“My God.” Naiusal ni Mrs. Altarez. Nagpatuloy si Leo..

“I learned this a day after he took the video, nung magyabang ang bata sa kausap niyang a certain Dennis Barba, they’re fraternity brothers. Sabi niya, may papasabuging bomba laban sa’yo. Because my sex video ka daw. He was in a bar nung marinig ito ng dalawang tao ko na nagkataong naroon din. Ang hindi nila alam, kilala kang anak ko. In fact, ang gonggong na ito, pinatulan ang mga tao ko at ipinagyabang dun ang sex video nang teacher niya. Ipina-nood niya. And they confirmed it kayo nga ito. That night, after calling me, they grabbed Canojado. Sabihin na nating naholdap siya ng gabing yun, kaya nakuha namin ang lahat na dala niyang gadgets. At eto, eto ang narecover namin ‘so far’ sa kanyang cellphone.”

Tumigil sandali si Leo. Uminom ng kunti sa baso.

Umiling si Leo. Napatingin sa asawa at ki Ariel. Inilaglag niya pa ang envelope at nahulog sa mesa ang isang maliit na plastic na laman ang memory card.

“Ang hindi namin alam kung meron pang ibang kopya. Ipagdasal ninyong wala ng iba. God, Sara ano bang nangyayari sayo? This is damaging stuff.”

“D-Dad” Manipis na ang garalgal na tinig ni Sara. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito, pilit na binabalik-balikan ang mga nasabi ng ama.

Nakanganga si Mrs. Altarez. Biglang-bigla.

“S-Sara.” Hindi pa rin makapaniwala ang ginang sa narinig.

Nanghina lalo ang dalaga. Umiiyak na ng todo. Si Ariel ay tahimik na pinakikinggan ang nakagigimbal na mga sandali. Ito na yata ang katapusan nila.

“At ikaw naman.” Ibinaling ni Leo ki Ariel ang nanlilisik na paningin. “You’re so stupid! Hindi ka ba nang-hihinayang sa scholarship mo? Hindi ka ba naawa sa tatay mo, na kahit papaano pilit na nilalakasan na habaan ang buhay niya sa wheel chair, just to see you finish your engineering studies? You fucking idiot!”

“Leo. Please.” Kahit umiiyak si Mrs. Altarez, nagawa pa rin nitong sawayan ang asawa na tila sumubra na ang bibig sa kanilang bisita.

Hindi na nakakahinga si Ariel sa sakit na naramramdaman. Wala yatang hindi alam ang ama ni Sara tungkol sa kanya. Si Sara, napatayo sa pagkaka upo at biglang yumakap sa ama. Mahigpit.

“Dad.” Umiiyak ito.

Inakap din siya ni Leo ng mahigpit. Sa mga tagpong ganito, inaakap siya ng mga anak, nagiging marupok si Leo. Mabilis siyang nadadala ng kahinaan.

“S-Sorry Dad.” Sunod sunod ang patak ng luha ng dalaga sa balikat ni Leo.

Matagal bago nakasagot ang ama. Medyo kumalma sa higpit ng yakap ni Sara.

“I was not born yesterday. Alam ko lahat, mula sa umpisa. Pero hindi kita hinusgahan diba? wala kang narinig sa akin. You’ve been through this before. Alam kung responsable ka na. All these years hinayaan kita. Until this one. Until this one, anak. Kasi alam kung nabubulag ka na sa nararamdaman mo, that you become so careless forgetting things to protect you and your kid. Kailangan kung makialam. All my life I have been protecting the lives of people at hindi ko pwedeng isantabi at pabayaan ang pamilya ko dahil sa aking ginagawa. I love you. I don’t wanna see you get hurt. It’s too painful for me, see you cry.. like this.. Anak.”

Maririnig ang iyak ni Sara habang nagpapaliwanag ang ama. Sa gitna ng lahat, proud si Sara si Leo ang kanilang ama. Nakararamdam siya ng hiya sa sakripisyong ginagawa nito para lang makita siyang maligaya.

Para pa ring maligno si Ariel sa mesang ito. Kasabay ng dala niyang ice cream, tunaw na tunaw siya sa labis na hiya. Ang buong maghapong sa tahanan nina Sara ay isang pinakamahabang sandali ng kanyang araw. Bawat tagpo, bawat sandali, sunod sunod ang mga surpresa.

Linagok ni Ariel sa unang pagkakataon ang basong hawak na may laman ng Jack Daniels rhum upang ibsan ang nanlalamig niyang katawan sa umiinit na gabi.

Hindi pa sila tapos. Nag-uumipisa pa lang.

***

“Mommy, bat umiiyak ka?”

Malungkot ang tagpo ngunit nabasag ang atension nila sa munting tinig na narinig mula sa pinto.

“Pretty..” Nagulat si Leo.

“Trish anak, nagising ang baby ko, me kailangan ka? Come…” Si Eleanor.

Agad tumayo si Sara. Pinunas ang luha sa namamagang mata.

“Come here, baby.”

Pupungat pungat ang bata na naglakad papunta sa kanila. Ngunit imbes na tumungo sa ina, lumapit si Trish ki Ariel, nagpakalong at yumakap. Saka ipinikit muli ang mga mata. Napatingin si Sara ki Ariel. Medyo nagulat din si Leo at Eleanor. Sa bisig ng binata, nakatulog muli si Patricia.

Sa kanilang kaliwa, papalapit na sina Dindy at Meanne. Dala ang tray ng kanilang pinagsaluhan sa gazebo. Tila walang narinig sa kanilang usapan.

“What’s up guys.” Si Dindy. “Matutulog na yata ako, magdi-dinner pa ba tayo? kasi busog na ko.”

Walang pumansin ki Dindy.

“Aba, nagising ba si kulit, akin na nga.” Si Meanne.

Kinukuha sana ni Meanne si Trishia pero nung naramdaman ito ng bata, mas along hinigpitan ang pagkakayakap ki Ariel.

“Yaan mo na, pasok na kayo.” Sabi ni Sara.

“Okey.”

“Ipapahatid kita mamaya Ariel. Ipasok mo muna ang bata sa loob, maambon dito.” Sabi ni Leo. Mukhang kalmado na.

Tumayo ang ama ni Sara, dinampot ang mga pictures, memory card at envelope sa mesa, at muling isinilid sa bag. Hindi ito nakita ng magkapatid na Dindy at Meanne.

“Sara.” Inalok ni Leo ang anak papunta sa lawn.

Pagtayo ng dalaga, saka lang napansin nina Meanne ang mugtong mata ng kapatid. At pati ang kanilang ina. Papalayo si Leo at Sara narinig nila ang usisa ng magkapatid sa ina habang papasok sila kasama si Ariel, Trishia at papasok sa bahay.

“What happened Ma?” Bulong ni Dindy.

***

May ilaw ang mga poste pero medyo madilim ang kinatatyuan ni Sara at kanyang ama sa lawn. Sa mahinang tinig, nag usap sila habang lumuluha ang dalaga. Pinunas ni Leo ang pisngi ng dalaga.

“Ang solusyon nito anak, break-up. Break up with him. Huwag mong patagalin.”

Nabigla si Sara.

“Dad?”

“Look, Sweetie. It’s getting out of hand. Hindi ko makokontrol lahat. It will explode. nakikita ko.”

“Dad, h-hindi ko kaya.”

Napailing ang ama, napatitig.

“My God, mahal mo nga ba talaga yan? Ano na bang alam niyan sa buhay?” Hinaplos niya ang buhok ni Sara, at nag biro.

“..Pero in fairness, mas guwapo ng isang ligo sa pesteng si Freddie. Hahaha.”

Medyo natawa si Sara, naibsan ang nadaramang sakit sa dibdib.

“Seryoso anak, can you at least cool it down with him kahit for a while? Say, a year or two?”

“Daadd naman eh.”

“Sara, listen. Hindi ako nagbibiro. Pag-sumabog ang relasyon mo sa batang yan, mawawalan ka ng trabaho. Nakakahiya. You could end up nothing. Please itigil mo na muna ito. We are still looking kung mayroon pang nakakaalam na baka mag-umpisa ng tsismis.”

“W-wala Dad, I swear.”

“We’re not sure about that. Masyado kang malapit sa vartsity team at sa cheer squad. Ano ka ba naman, sumama ka pa sa outing nila noon. So, imposibleng wala. Delikado. It’s a serious offense Sara. The school board will kick you out. Worst they might file a case against you. Think about it.”

Saglit na nanahimik si Sara. Saka nakiusap.

“Can you let me handle this Dad? I mean, ako naman issue dito kaya let me handle this on my own. I’ll decide on whatever. I’ll come up with something. Pero huwag mo naman akong lagyan ng pressure.” Sabi ni Sara.

“Tsk. Hinayaan na kita and what happened? You made a mess, Sara.”

“Dad, please.”

Filipina Porn Pinay Sex Pinayot.com

Pinagmasdan ng maigi ni Leo ang pakiusap ng anak. Pinag aralan. Tumango ng bahagya.

“Alright, I don’t totally agree with this pero sige, I’ll give you a shot. But don’t do anything stupid, okey?”

Yumakap si Sara.

“Thank you Dad. I’m so sorry. Sorry talaga.”

Hinalikan ni Leo ang noo ni Sara.

“You’re gonna be fine. Narito ako, don’t worry.”

Ilang sandali ang mahigpit na pagkakayakap ng mag-ama.

“Dad?”

“Hmm?”

“A-anong nangyari dun sa kumuha ng video?”

Natahimik si Leo. Napalunok ng laway.

“Let’s just say, inayos namin siya.”

“Dad?” Tiningnan ni Sara ang mata ng ama.

“What? ano ka ba? hindi ko ililigpit yun. Hahaha.”

“Are you sure?”

“Tsk. Pumasok ka na, tawagin mo si Ariel, I need to talk to him alone.”

“Daad?” Tila hindi pa rin kuntento ang dalaga kung anong nangyayari ki Julius Canojado.

“Sweetie, relax. Pinababantayan ko siya. Yun lang. Huwag lang siyang magkakamali na gumawa ng kagaguhan, may paglalagyan siya.”

“Dad!”

“Hahaha, relax. Hindi ako mamamatay tao.”

“Sinabi mo yan.”

“Tsk, sige na tawagin mo si Ariel.”

***

Dalawang araw ang nakalipas, nagpasya si Sara na huwag muna sila magkita lalo na sa loob ng campus, cellphone ang tangi nilang kumunikasyon. Gabi na ng makatanggap ng text si Sara.

Ariel: I miss you, babes.

Sara: Hi, how are you?

Ariel: OK naman, Ito namimiss ka.

Sara: Miss u 2, babes. Teka, ano ba yung napag-usapan niyo ni Dad?

Ariel: Wala naman masyado, sabi niya lang eh umiwas nga muna ako sa’yo pansamantala.

Sara: Yun lang?

Ariel: Alagaan daw kita. 😉

Sara: Sinabi niya yun??

Ariel: Hindi sa ganun.

Sara: Gago ka talaga. Ano nga? :-/

Ariel: Well, sabi niya papatayin niya ako, pag sinaktan kita.

Sara: Ha!?

Ariel: Yes.

Sara: Babes naman eh. Ano nga?

Ariel: Yun nga sabi niya.

Sara: Warfreak talaga si Dad. So, anong sabi mo?

Ariel: Sabi ko, ikaw ang buhay ko. At huwag siyang mag-alala, dahil magpapakamatay ako pagnawala ka.

Sara: Heh! Ano ka ba? Seryoso nga.

Ariel: Seryoso. Sabi ko, without you, wala akong karapatang huminga.

Sara: Lier, matulog ka na. late na. :p

Ariel: I really miss you, babes.

Sara: Miss u 2. I luv u. But we have to be carefull. General’s order.

Ariel: Yeah, General’s order.

Sara: Goodnight.

Ariel: Babes?

Sara: Hmm.

Ariel: Anong sout mo? I’m dying to see you naked now.

Sara: Shut up. Loko-loko, matulog na tayo.

Ariel: SOP please.

Sara: No.

Ariel: Please.

Sara: Katabi ko si Trish, next time.

Ariel: Aw ;-(

Sara: Thong sout ko. Wet pussy ko. Night babes.. Mmuuaah!

Ariel: Tease. Grr.

***

Two weeks. Tawag at text lang ang kanilang kumunikasyon. Umpisa na second semester ngunit malimit nilang nakikita ang isat isa sa campus kahit binabatak sila ng labis na paninibugho at kasabikan.

***

“Hey, Ladrido.”

Nagulat si Ariel sa isang tapik mula sa kanyang likuran. Hawak ng magkabilang kamay niya ang mga groceries para sa supplies na kailangan. Pagharap niya, hindi niya inaasahan si..

“Meanne.”

“Hihihi. Funny ka, tuwing magkikita tayo sa mall may bitbit kang grocery. Me tindahan ka ba?”

“Ha- W-wala, talagang supplies lang. Sino kasama mo?”

“Wala. Napadaan ako, nakita ko likod mo hinala ko ikaw eh. Ikaw nga, so nilapitan kita. Tagal mo ng di napapasyal sa bahay brother.”

“Oo, me general’s order eh.”

“Yeah, I know.”

Nagtaka si Ariel.

“Yung video niyo ni Ate, I know.”

Nakaramdam ng hiya ang binata.

“Alam mo?”

“Yes. Napanood ko.”

Napalunok si Ariel.

“N-napanood mo?”

“Wag kang mag-alala, nasa safe hand ang copy. No reproduction.”

“P-Pero napanood mo?”

“Ahuh. Ayos nga eh, hanep. Tindi mo pala – – bayaw hihihi.”

“Meanne.” Napailing ang binata.

“Ay teka, me MacDo pala dito. Tara, libre kita ng chicken joy.”

“H-ha?”

“Tsk, tara na. Arte mo.”

***

“I have a favor to ask.” Si Meanne, magkaharap sila sa isang table sa Mac Donalds, mag-aalas kuatro ng hapon. Kunti ang mga tao.

“Oo ba, ano yun?”

Ang totoo, ilang na ilang si Ariel. Matagal na niyang pinangarap ang pagkakataong ito na makita, makausap at makilala ng lubusan ang babaeng laman ng kanyang panaginip. Ang babaeng hindi nilubayan ang kanyang utak, sa kabila ng pagmamahal niya ki Sara.

Sadyang mapanukso ang tadhana dahil hindi niya inaasahan kapatid ni Sara ang babaeng ito. Kinakabahan si Ariel dahil sa malagkit na mga matang nakatitig sa kanya. Pinagpapawisan siya.

“Me outing kami sa Sunday, wala akong kapareha.” Natigil si Meanne.

Dinugtungan ni Ariel.

“Aha. Ihahanap kita.” Nakangiti. “Lam mo daming bagay sayo sa team ko, gusto mo dadalhan kita ng mga pictures, pakikilala kita don’t worry. Pipili ako ng mabait. At pogi.” Sabay kindat.

Pero namasdan niya ang pagsalubong ng kilay ni Meanne, tumulis din ang nguso. Tila hindi sang-ayon sa mungkahi.

“O, bakit?”

“Yoko nga, total strangers. Huwag.”

“So, sino?”

Nakatitig si Meanne at unti unting gumanda ang aura nito dahil sa matamis na ngiti. Pantay ang maputi at makinis na ngipin.

“Ikaw. Sana. Pwede ba?”

Nabilaukan ng iniinom na Coke si Ariel. Nasamid.

“Uhuh! uhu!”

Napaatras ng kunti sa kinauupuan at nagpunas ng tissue sa bibig.

“Sira ulo ka.” Sabi nito. Ngunit ang totoo, tila lumundag ang kanyang puso sa nakaka-akit na imbitasyon.

“What, ano naman.” Namilog ang mata ng babae.

“Anong what? it’s wrong. GF ko ate mo. Magagalit yun.”

Napatitig ng husto si Meanne. Kumabog din ang dibdib. Gusto niyang malaman ng tapatan.

“Ikaw, magagalit ka ba? Halimbawa wala sa picture si Ate Sara. Gusto mo di ba?

“Meanne…” Hindi alam ni Ariel ang sagot, hindi niya alam kung bakit.

“Sagutin mo.”

“Meanne, dine-date ko si Sara, kapatid mo. Kaya mali. Hindi tama.”

Tumango ang dalaga. Inilapat ang likod sa upuan. Ngumiti.

“Weird ka, lam mo?” Sabi nito.

Napataas ng kilay ang binata. Lumapit muli ang katawan ni Meanne at umusal. Pabulong.

“Di kita niyaya na maging boyfriend. Nagpapasama lang ako.”

Nakaramdam ng hiya si Ariel.

“Oh. Uhm, eh ganun pa din eh. Mali pa rin, lalo na kung hindi alam ni Sara.”

Nakatitig si Meanne. May naisip.

“What if alam ni Ate?”

Natawa si Ariel.

“You’re crazy, ano ka ba? Hindi papayag yun.” Tatawa-tawa ito.

“Malay natin.”

Kasunod nito, binunot ni Meanne ang cell phone sa kanyang bag. Natanto ng binata ang plano ng dalaga. Naguunahan ang kabog sa kanyang dibdib.

“Meanne, please.”

Pero tila determinado si Meanne hanggang sa i-dial nito ang cellphone. Ang kasunod, parang hindi makapaniwala si Ariel sa naririnig.

“Ate… nasaan ka?… talaga?… Ok… May favor ako sa boyfriend mo… yes… Hindi sa Sunday kasi, papunta kami ng Cavite… hindi… kung ok lang sana, isama ko si Ariel… Wala akong partner eh… Hahahaha… hindi poh… Talaga? Wow, thank you Ate… Ok, bye…”

14 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *