Kakambal Na Mga Asawa Part 1

Magkakambal na magkapatid kami. Ako si Miguel mas nakakabata sa aming 2. Siya si Rommel ang mas nakakatanda kong kakambal na kapatid. Pareho kami sa lahat nang angulo sa pangangatawan. Mula sa pagka panganak sa amin nang aming ina ay di kami makitaan nang pagkakaiba. Nakapag aral at nakatapos kami sa aming piniling kurso sa unibersidad na pinasukan. Nang makatapos ay namasukan na sa mga iba’t ibang kompanya na maaring pasukan. sinuwerte naman kami at natanggap. Nagsumikap kami pareho sa trabaho na ibinibigay sa amin. Ang malas ko nga lang eh si Kuya Rommel ay napromote dahil sa kaniyang masuwerteng tiyempo na tataas ang halaga nang mga ibinebentang stock holdings sa SE. Habang ako ay natagalan mapromote sa posisyon doon sa pinapasukan ko na export/import na negosyo. Dumating ang panahon na pareho na kami may mga nobya. Si Kuya Rommel ay nanligaw sa 1 anak mayaman na intsik, ewan ko kung papaano niya nadagit ang dalagang ito, lalo pa na tangapin siya nang magulang. Pero ayun na nga dahil sa kaniyang promotion ay lalo pa siyang nagsumikap at 1 araw ay siya na ang nag mamayari nang 1 malaking korporasyon. alam natin na ang mga intsik ay gusto nila na ang kanilang lahi ay palagi puro. Ayaw nila malahian nang ibang lahi. Siguro dahil sa kagalingan nang aking kuya sa negosyo ay natanggap na rin siya kahit papaano nang magulang nag kaniyang napangasawa, Si Vicky.

Noon ipakilala pa lang sa akin ni kuya si Vicky ay asiwa na ako sa kaniyang pagkatao. Halata ko na si kuya ay tangap niya pero ako na 1 simpleng empleyado ay 1 maliit na tao ang pagtingin niya. Naikasal sila sa engrandeng kasalan. lahat na ata nang mga big shot sa komersyo ay naimbitahan. gusto ko man makihalubilo ay nanliliit ako sa aking pagkatao. isipin ninyo ang kapatid nang 1 sa mga tumatanyag sa larangan nang komersyo ay may kapatid na hindi kasing abot sa kalibre sa negosyo. Pag napapa bisita ako sa kanilang mansyon na bahay ay hindi kaagad ako pinapapasok nang personal guard. Kailangan pa ang permiso sa asawa at hindi sa aking nakababatang kapatid. Kung makaharap ko man ay iniirapan ako. Di ko na lang sinasabi sa aking kuya dahil ayokong masira ang kaniyang buhay dahil lang sa aking mga napupuna na maling pagtrato nang kaniyang asawa kapag wala siya sa aming paligid. Mula noon ay iniiwasan ko na makatungtong ang aking mga paa o makahalubilo sila sa publikong okasyon o lugar. Kahit pa kaarawan nang aking kapatid na may RSVP na inbitasyon na dumalo sa 1 mamahalin na restaurant o sa bahay niya ay tinatangihan ko. Minsan ay tinawagan niya ako.

‘Mig’s punta ka sa bahay ko mamaya, ha?!’

‘Uy Kuya rommel, Happy Birthday!’

‘Mamaya dumaan ka sa bahay ko. Magcelebrate tayong magkapatid kasama nang mga tauhan ko at si Ate Vicky mo. Masarap ang ipinaghanda ko na pagkain at saka inumin. Lalo pa yung sa chicks! ipapakilala kita sa mga young and available na empleyada sa korprasyon ko. ano punta ka mamaya, ha?’

‘Ay naku, kuya. Gustuhin ko man ay hindi ako tiyak na makakadalo mamaya.’

‘Ha! Bakit?!’

‘Paano natiyempo na mag iinventory kami sa aming mga produkto, kasi nadiskubre nang 1 sa mga kasama ko na nadidispalkuhan kami sa pera. ang masakit pa niyan e may missing stocks kami. Kaya malamang e OT kami sa buong departamento namin mamaya.’

‘Tawagan ko kaya yung may ari at sabihin ko na importanteng dumalo ka. Remember, I do have influence and your boss does owe me a few favors.’

”Kuya, natutuwa ako na importante ako sa iyong buhay kahit ba 1 ka nang CEO e pinapahalagahan mo ang 1 mistulang empleyado na namamasukan pa rin. Salamat na lang kuya, pero tulad mo may ugali rin ako na pag importante e di talaga iiwanan. Tandaan mo KAMBAL tayo at pareho din sa ugali. Di ba?!’

‘Talaga itong kapatid ko….O siya sige kung hindi ka makakadalo mamaya e padadalahan na lang kita nang pagkain at inumin na inihanda. Diyan sa opisina ninyo ko na lang ipadadala sa driver nang mrs ko. Abangan mo na lang dumating, ha?!’

‘Sure kuya, muli happy birthday! Salamat sa pagkain.’

Ganoon kaming magkapatid. Marahil sa nakasanayan nga namin na magkasama kami palagi lalo pa sa araw nang aming kapanganakan. Di ko ipinapaalam sa aking mga kasama na bday ko din. kaya’t pag may dumarating na pagkain o mamahalin na inumin ay pinagdadahilanan ko na lang na may iba akong kamag anak na naka alala. Buti at hindi naitatanong nila kung ano bang handaan nang aking kakambal.

‘Wow ‘pre! Sarap nang pinadala sa iyong pagkain nang kamag anak mo, ha?’

‘Kumpletos rekados, pulutan with pang inuman ‘no?!’

‘Oy! tama na nga kayo diyan sa pambobola sa akin. Tara nang pagsaluhan natin ito at hindi ko kayang mag isang ubusin ito ‘no? Lalo pa’t inumin ang mamahalin na alak na kasama.’

‘O narinig ninyo ang sabi ni Mig’s…Kainan na! ha!ha!ha!ha!’

Nakakaingit kung iisipin na ang aking kapatid ay nasa mataas na posisyon sa buhay habang ako ay nasa pinaka ilalim na posisyon. Pero okay lang yun sa akin. Kasi naniniwala ako na may nakalaan din para sa akin balang araw.

Di naman sa nagmamalaki pero may napangasawa ako na taga probinsya. Si Marie, dating empleyado sa pinapasukan ko. Nang magsama na kami ay nabiyayaan kami nang 3 anak. Muntikan na nga maka anak nang kambal sa panghuling pagbubuntis niya kaso premature kaya’t namatay din nang ilang oras. Di man ako nasa mataas na posisyon sa trabaho ay kumikita nang tama lang sa pang gastos sa araw araw na dumarting. Nag tayo kami nang 1 maliit na sari sari store sa bahay na nirerentahan para naman makatulong din sa gastusin at saka para may pinag aabalahan siya habang ako’y nagtratrabaho. Masaya ako na kahit ganito ay mayroon akong narating na pag unlad sa aking buhay.

1 araw habang ako’y nasa bodega na pinupuno nang mga finished products galing sa regional factories ay pinatatawag ako nang supervisor ko. Di ko naman malaman kung bakit kaya’t pumunta na ako sa opisina na niya.

‘Mig’s may sulat akong natanggap…’

‘Sir, tungkol saan po ba?’

‘Ang sabi dito ay may kliyente tayo na specifically ikaw ang gustong makausap sa oorderin na mga produkto.’

‘Ha! Ba’t ako at saka sino ba yang kliyente na oorder nang produkto?’

‘Mig’s yun lang ang nakasulat sa memo na ito. Basahin mo…’

Binasa ko ang memo. Pucha! galing mismo sa aming amo na nagmamay ari nang kumpanya na pinapasukan ko.

‘Sir, galing sa may ari itong memo, ha?!’

‘Oo nga eh! ‘lam mo kapag makuha mo yung job order nang kliyente. Sigurado ako ikaw na ang papalit sa akin.’

‘Ha?! E paano kayo?’

‘Wag kang mag aalala. Once you get promoted. Pati rin ako e promoted sa susunod na puwesto papaitaas nang kumpanya. Kaya pagbutihin mo na mameet natin ang requirements na kinakailangan sa produkto na oorderin nila thru you.’

‘Sige po, pagbubutihin ko na makuha ko ang job order nila.’

‘Good luck Migs!’

Nalaman ko na kailangan akong pumunta sa Hong Kong para doon kami magkita nang kliyente. Sagot nila ang gastos, mula sa airfare, food and lodging at may kaunting spending money pa nga. Aba, kakaiba itong kliyente na interesado na kami ang gumawa nang produkto. Too make it short, in 2 weeks time ay naproseso ang aking passport sa DFA. Papalipad na ako sa Hong Kong. Masaya na may kaunting lungkot ako na hindi kami magkikita nang aking pamilya nang ilang linggo. Pero kailangan dahil sa sitwasyon. Araw nang paglakbay ko at nagtaxi na lang ako papunta sa NAIA 3.

‘Attention all passengers bound for Hong Kong on Flight 302 of Maya Airlines please proceed to gate 3 for boarding…’

Yun ang flight number nang trip ko. Kaagad ako pumunta sa baggage counter at ticketing. Nang ma checkin na ang bagahe ko ay pumunta na ako sa boarding gate. Ilang oras na paghihintay ay sumakay na papunta sa Hong Kong.

Gabi na nang mag landing ang sinakyan ko sa bagong island airport nang Hong Kong. Kinuha ko ang aking Bagahe at nagpunta na sa taxi stand para tumuloy sa hotel na kung saan naka book akong tumira nang pang samantala. Nakatayo ako naghihintay sa taxi nang may tumapik sa aking balikat mula sa likod. Pag lingon ko ay may nakatayong ubod nang laki na lalaking intsik! Patay! Mukha yatang nakursunadahan pa ako dito, paano ba ito?

‘Yeeeessss…?!’

Naka ngiti na naka ngisi na inabot sa akin ang 1 sulat. Kinuha ko at binuksan ang nilalaman.

Sir, you are directed to please go with Mr.Po for he will be your personal escort to the hotel on your temporary stay in Hong Kong-Signed President of Chowchow Tsuka.

‘Preese farow me…’

Tumango na lang ako at sumunod sa gahiganteng intsik. Ano ba itong kliyente na kakausapin ko? Baka naman grupo ito nang mga kriminal. Pero nandirito na, panindigan ko na makuha ko ang job order tutal yun naman ang pakay ko sa kanila.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *