Kung Ako Nalang Sana Part 3

Natahimik kaming dalawa habang dahan dahang lumalapit sa kinauupuan namin si Glen.
“Hey…”
Ang sabi ni Glen noon kay Stella
“Oh, El Nunal, it’s been a while”
Ang sabi ni Glen sa akin at nagpakita siya nang pakikipagkamay at kinamayan ko naman siya bilang respeto
“It’s been a while too, sir Glen”
“Ikaw, bakit hinde ka manlang umalis nang maayos sa company, nakakuha ka pa sana nang back pay”
Tanging ngiteng aso lang ang nagawa ko noon
“So, I heard na kinasal pala si Mam Cha doon sa, who’s that guy, Mac nga bay un?”
Ang tanong niya sa akin, hinde ako nakapagsalita at ngite lamang ang nagawa ko
“Akala ko kayo ang magkakatuluyan eh, alam mo ban a hinanap ka din niya sa akin, sabi ko nga sa kanya bakit hinde ka niya puntahan sa lugar nyo, since sigurado namang mahahanap ka niya, pero ewan ko ba, di ko alam kung bakit hinde ka niya pinuntahan”
Sa sinabing iyon sa akin ni Glen ay napaisip ako bigla, kung sakali man na totoo ang sinabi ni Glen, bakit nga ba hinde, at bigla kong naalala ang sinabi ko kay Charice noon na ako na mismo ang lalayo sa kanya, hinde ko inakala na hinahanap pala ako ni Charice noon.
“Glen… si TamTam?”
Ang singit noon ni Stella
“Nasa work niya pero papunta na siya dito, teka, nga pala, nagdadate ba kayo?”
Ang tanong ni Glen noon na tila ba napaisip nang makita kaming magkasama, nagkatinginan lang kami ni Stella noon, nagpapakiramdaman kung sino ba ang unang sasagot, napangite lang ako noon nang sinabi na ni Stella na
“Yes, were dating, bakit, bawal na ba idate ang boyfriend ngayon?”
“Di nga?! Boyfriend mo na tong lalaking to?”
Ang sabi ni Glen na tila ba di makapaniwala, hinde ko alam kung bakit siya nagulat noon pero ilang sandal pa ay naunawaan ko na nang sabihin niyang
“Paano naman yung nireto ko sa iyo? Di ba ilang beses na din kayo nagdadate noon?”
“Aba Glen, sino ba siya? In the first place kayo lang naman ni TamTam ang namilit sa akin na idate ko yung isang yun di ba?”
Hinde nakasagot noon si Glen at napakamot lang sa ulo
Eh… teka, kayo ba ni TamTam nagkaayos na?”
Ang tanong niya kay Stella, hinde nagsalita noon si Stella bagkus ay tinignan niya ako at tila ba sinasabi niya sa akin na
“Tara, umalis na nga tayo dito”
Kaya naman ilang sandal pa ay nagpaalam na ako kay Sir Glen
“Sir Glen, una po muna kami ha? Ay pupuntahan lang kami”
“Saan naman kayo pupunta? Dito muna kayo, antayin nyo na kaya si Eusha?”
Ang sabi ni Glen sa amin
“Glen, alam mo, kahit na anong pilit mo na bati sa amin, hinde kami magkakabati nang isang iyon, parang hinde mo naman kilala si TamTam”
“Kaya nga sinusubukan ko na ayusin di ba?”
“Alam mong hinde ganoon kadali makipagbati sa isang yun, isa pa, kung ayaw niya, wag nang ipilit, isa pa, alam mo naman kung talaga ang pinagmulan nang away naming dib a?”
Hinde nakaimik si Glen nang mga oras na iyon, napaisip ako dahil hinde nabangit sa akin ni Stella na may kinalaman din si Glen sa pagaaway nila ni Eusha, gusto ko sanang sumingit sa usapan nila pero minabuti ko na lamang na manahimik muna at makinig sa kanila pero, hinde na nagsalita noon si Stella at hinawakan ang kamay ko sabay sabing
“Let’s go”
Matapos ay nagtungo kami papasok nang mall noon subalit sa di inaasahang pagkakataon, laking gulat ko nang pagbukas nang pinto ay nakita nasalubong namin si Eusha. Hinde ko naiwasan na mapatingin sa kanya, talagang ang laki nang pinagbago nang itsura niya, nagmatured na ang look niya, nawala na ang inosenteng dating niya at hot and daring na ang impact nang katauhan niya noon, nagpakulay na siya nang buhok, medyo dark brown ito, habang nakasuot nang itim na turtle neck na damit na walang sleeves at nakasuot siya nang fit na itim na tights at talagang kitang kita ang kurba nang bewang niya, nakahigh heels siya siya noon at talagang kung titignan mo siya ay mapapanganga ka, subalit, tila ba, nagiba na din talaga siya, dahil ni hinde manlang niya kami ningitian ni Stella, at para bang wala siyang nakita
“E-eusha…”
Isang mahinang bulalas na aking nagawa noon nang halos lampasan na niya kami, humarap siya noon at nagulat ako nang sabihin niyang
“Please, stop talking to me, and also, don’t text me again ok?”
Matapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Pakiramdam ko noon, para akong nasiko nang sobrang lakas sa dibdib, nasaktan ako sa sinabi ni Eusha at damang dama ko ang bigat nang mga salitang lumabas sa mumunti niyang labi, mga labi na noon ay matatamis at nakakatuwang salita lamang ang binabangit sa akin sa tuwing nakakausap ko siya.
“Tara na, let’s go at my place… hayaan mo na siya El Nunal”
Sabi sa akin ni Stella habang nararamadaman ko ang pagdiin nang hawak niya sa akin kamay na siyang nagalis sa pagkakapako noon nang aking paa sa aking kinatatayuan. Habang naglalakad kami ni Stella noon, dama ko na tila ba may gusto siyang sabihin sa akin, pero para bang pinipigilan lamang niya na magsalita, kita ko naman sa itsura nang mukha niya noon habang naglalakad kami mayamaya pa ay bigla siyang tumigil sa paglalakad, napatingin ako sa kanya at nagulat ako nang makita ko na lumuluha siya.
“Are you ok? Bakit ka umiiyak?”
Ang tanong ko noon sa kanya. Napailing lang siya habang nagpupunas n ang luha maya maya, huminga siya nang malalim at sabay sabing
“Do you love me?”
Natigilan ako sandal noon, hinde ko kasi alam kung ano ba talaga ang nararamdaman k okay Stella, alam ko lang, magaan ang loob ko sa kanya, at napapasaya niya ako, pero mahal ko ba siya, do I love her? Isang tanong din ang biglang pumasok sa isip ko, then isang malakas na kaltok nang kunsensya ko ang bigla kong naramdaman nang makita kong muling tumulo ang luha niya. Maya maya ay naglakad na siya noon nang may kabilisan
“S-stella, wait”
Subalit hinde pa din siya tumitigil sa paglalakad nang mga sandaling iyon kaya naman mabilis ko na siyang hinabol at agad na hinawakan ang kamay. Tumigil naman siya at tumingin sa akin
“Ano ba yung sinasabi niyang tigilan mo na siya?”
Hinde ako nakaimik nang mga sandaling iyon, and I feel really bad and guilty for what I did, and for the plans na binabalak ko noon kaya ako nakikipaglandian kay Stella. Hinde ako nakapagsalita dahil wala akong masabi, hinde ko alam ang aking sasabihin, meron pumapasok sa isip ko noon na gusto kong sabihin pero alam ko na it will just make things worse, wala akong nagawa kung hinde yakapin lamang siya at sambitin ang natatanging salitang naisip ko noon
“Sorry”
And I really meant that. Dahan dahan niya akong inilayo sa kanya, matapos ay hinawakan niya ang aking kamay
“Alam mo, kung wala ka namang nararamdaman sa akin, let stop this nonsense, stop wasting each other’s time… ayaw ko naman na eto ako sa iyo seryoso tapos di ko alam… mahal mo ba si TamTam?”
Isang mahina pero matigas na tanong ni Stella sa akin, hinde na naman ako nakasagot, dahil, maging ako, hinde ko alam, mahal ko nga ba si Eusha. Matapos noon ay binitawan ni Stella ang kamay ko matapos ay muling napahid nang luha, susundan ko sana siya nang bigla niyang sinabing
“Please, leave alone… please”
Hinde ko na noon naihakbang ang aking paa at pinanood na lamang siya na maglakad paalis. Napaupo lang ako noon isang sulok at nagsindi nang sigarilyo sabay tingin sa kalangitan
“Putang ina ano ba tong pinaggagawa ko?”
Tanong ko noon sa akin sarili
“Ano ba tong agenda na pumapasok sa isip ko…”
Matapos ay muli akong humithit nang sigarilyo, isang malalim at mahabng puff sabay buga nang isang makapal na usok, ngunit, kahit anong lalim pa nang hithit na aking gawin sa sigarilyo ko, hinde mawala yung bigat nang nararamdaman ko, at muli, naalala yung bagay na nirereklamo sa akin ni Fae kay Mcoy, at napangite na lang ako noon, ang kapal din talaga nang apog ko para maasar sa taong yun, eh halos wala kaming pinagkaiba, that time, I’m still having thoughts kung ano ba ang gagawin ko, sino ba ang susuyuin ko, si Eusha, na naging malapit na sa akin simula pa noong una, na alam kong mayroong nararamdaman sa akin noon na inignore ko lang, o si Stella, na nagpapakita sa akin nang pagkagusto, to the point na may nangyare na sa amin, inalis ko na noon ang agenda kong maitim, na gamitin si Stella para lang makausap si Eusha, natawa din ako sa pagiisip na maaring magselos sa amin si Eusha, isa din kasi yun sa aking plano kaya naisip kong maging close kay Stella, after a while, napaisip ako, what have I become… why am I being such an asshole to Stella, ambait bait nang tao, tapos gagaguhin ko… so I made up my mind that day, at agad na tumayo sa aking kinauupuan
“Taxi!”
Ang sigaw ko noon sa padating na taxi at nagpahatid sa address kung saan nakatira si Stella. Makalipas ang halos tatlumpung minuto nang biyahe ay nakarating na din ako kina Stella at sakto namang pagdating ko ay nakita ko siya noon, nakasuot lamang siya nang pambahay na damit, shorts at puting tshirt at may nakasabit na tuwalya sa kanyang leeg. Nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya na tila ba nagulat siya nang makita niya ako, agad naman akong lumapit sa kanya
“Oh.. bakit ka pa pumun—“
At bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay niyakap ko na siya agad noon
“Ayii!!! Naka naman Stellaa!!”
Ang sigaw nang mga kapitbahay niya noon at bigla niya akong kinurot noon sa tagiliran
“Ano ka ba? Adik to”
Agad ko namang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya nang mga sandaling iyon at hinawakan ang kamay niya.
“Sorry…”
“Sorry sorry bwiset ka”
Sabay kurot noon sa akin.
“Alam mo di mo ko madadaan diyan sa payakap yakap epek mo, umuwi k a na”
“Bahala ka hinde ako uuwi”
“Edi wag, wag kang papasok sa loob nang bahay ha?”
Ang sabi niya sa akin, matapos ay bumili siya nang isang kahang yosi matapos ay naglakad na siya noon patungo sa kanyang bahay at agad naman akong sumunod
“Haven’t you heard me earlier… I want you to leave me alone”
“Stella…”
Ang sabi ko noon with full of guilt at panunuyo sa kanya, but she just keep on walking hanggang sa makarating na kami sa gate nang bahay niya
“Diyan ka lanng!”
Ang sabi niya sa akin matapos ay bigla niyang sinara ang gate matapos ay pumasok nang bahay at sinarhan ako nang pinto. Hinde naman ako nainis sa ginawa niya, natural lang naman kasi na magawa niya yun after niyang marinig yung sinabi ni Eusha kanina. Mayamaya pa ay nakatanggap ako nang text mula kay Stella
“Umuwi ka na at matutulog na lang muna ako, hinde na ako galit, pero ayaw ko muna na makipagusap sa iyo ngayon”
Sinabi man iyon sa akin ni Stella ay hinde ako umalis noon sa labas nang bahay nila, nagsindi ako nang yosi noon at naupo sa may gilid nang gate. Halos maubos ko na noon ang isang kaha nang yosi pero tila ba walang balak lumabas si Stella sa kanyang lunga nang mga sandaling iyon, total sinabi niya naman sa akin na matutulog na muna siya kaya siguro ganoon kaya lang ay halos gabi na noon, mag aalas syete na subalit hinde pa din siya lumalabas, wala pa ding ilaw noon sa bahay niya, iniisip na siguro ay tulog mantika itong si Stella. Mayamaya pa ay nagulat ako nang makaramdam ako nang malamig na bagay sa aking batok, sa pisngi, sa kamay, umaambon na pala noon. Mayamaya pa ay bigla na lamang bumugso ang malakas na buhos nang ulan, dali dali ako noon nagtungo sa katapat na bahay nila Stella noon kung saan kahit papaano ay mayroong masisilungan subalit tila ba nanadya ang ulan dahil biglang nagbago nang direksyon ang hangin kung saan talaga namang mababasa ako. Natatawa ako noon sa aking sarili kung bakit ba imbis na maghanap pa ako nang pwesto na maaring silungan ay nagpabasa na lamang ako sa ulan.
“Huy! Bakit nandito ka pa?! Hinde ka ba umalis?!”
Sigaw noon ni Stella, nakita ko siya na nakasilip sa bintana at mukhang kakagising lamang niya nang mga sandaling iyon. Mayamaya pa ay nakita ko na siyang binuksan ang pinto at binuksan ang gate.
“Halika nga dito! Para kang tanga!”
Ang sabi ni Stella, agad naman akong nagtungo sa may gate niya na kasalukuyan niyang binubuksan at kasalukuyan ding nababasa na noon nang ulan. Ilang sandali pa ay nabuksan na din niya ang gate at agad niya na akong pinatuloy at maging siya ay nanakbo papasok nang bahay niya.
“Ikaw para ka talagang tanga kahit kelan, wag mong sabihing kanina ka pa nandoon?”
Ang tanong ni Stella sa akin noon habang naglalakad noon patungo sa kanyang kwarto, matapos ay sinindihan niya na ang mga ilaw, natigilan ako nang mapansin ko na habang nagpupunas siya nang ulo niya noon ay bumabakat sa suot niyang t-shirt ang utong niyang nakatayo noon, at nakakalibog pa siyang pagmasdan dahil sa wet look niya, napangisi siya nang mapansin niya siguro na nakatingin ako sa dibdib niya at pumasok nang kwarto niya, mayamaya pa ay lumabas siya noon na may dalang tuwalya at napansin ko na nagsuot na siya nang bra. Mayamaya pa ay binato niya sa akin ang tuwalya na dala niya
“Manyak ka talaga”
Ang sabi ni Stella sa akin matapos ay nagsindi siya nang yosi
“Di ba sabi ko umuwi ka na muna, para kang tanga talaga, simula kanina nang dumating ka gang ngayon nandoon ka lang?”
Ang nakangising sabi niya at tumango lang ako noon, mayamaya pa ay isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa matapos ay muli kong sinabi sa kanyang
“Sorry Stella”
Hinde siya kumibo noon at humits lang nang sigarilyo, nabalot nang katahimikan ang sala niya noon at tanging buhos lamang nang malakas na ulan sa kanyang bubong ang maririnig. Mayamaya pa ay sinenyasan niya ako kung gusto ko nang yosi at agad naman akong kumuha at nagsindi. Mayamaya pa ay nagsalita na siya noon at siya mismo ang bumasag nang katahimikan
“Ano bang gusto mo sa akin?”
Tanong ni Stella noon, seryoso siya at mata sa mata siya kung makipagusap sa akin noon, hinde ko naman pinutol ang pagtitig sa mga mata niya noon at buong tapat na sinabing
“Gusto ko kasing makausap sana si Eusha”
“At ako ang naisip mong gawing tulay ganoon? Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Eusha?”
Hinde ako nakasagot noon, hinde ko kasi alam kung ano ba ang isasagot sa kanya, bawat salitang sasabihin ko nang mga sandaling iyon ay may malaking epekto sa kanya, at sa akin na din, kaya naman pinagisipan ko noon ang aking sasabihin, ilang sandali pa, ay isang buntong hininga ang aking ginawa sabay sabing
“Hinde ko alam… hinde ko talaga alam Stella”
“Bullshit na sagot naman yan El Nunal, ako pa gagaguhin mo, yung totoo, mahal mo siya di ba?”
“Stella… sana maniwala ka… hinde ko talaga alam… kung mahal ko ba siya… dahil mas inisip ko ngayon.. eh ikaw”
“Titi mo may asin!”
Ang natatawang sabi ni Stella sa akin sabay bato nang unan na sinsandayan niya noon
“Alam mo, kung mahal mo naman siya, wala naman nang kaso sa akin yun eh, pero ako na mismo ang nagsasabi sa iyo, kalimutan mo na siya, dahil pag si TamTam nagalit at naiinis na sa isang tao, hinde na yan basta basta pa mamansin kaya nga –“
“Stella hinde naman yan ang pinunta ko dito eh”
Ang agad kong sabi sa kanya ng may kalakasan ang tono nang boses na siyang pumigil sa kanya sa pagsasalita “I came here… to apologize, for being such a jerk, at gusto ko sana, na maging tayo”
“A-ano?”
Ang sabi niya noon na tila ba natigilan at napailing
“Wait wait wait, please, alam mo, hinde na tatalab sa akin yang mga ganyang chukchakchenes mo, maging tayo, ulul! Kung di pa pala natin nakita si Glen at si Eusha edi mukhang tanga pala ako na magmamahal sa iyo tapos ikaw, si TamTam lang pala ang habol, gagamitin mo pa ako, sorry, mali ka nang taong ginagamit”
“Stella, hinde naman kita ginagamit eh”
“Sus! Tumigil ka nga, alam mo, kung gusto mo siya, doon ka na lang sa kanya, wag na sa akin, yung nangyari sa atin, kalimutan mo na ok?”
Tumayo siya noon at nakita ko na nangingilid na ang luha sa mata niya at nang mapansin ko na tila ba papasok siya nang kwarto niya ay agad ako tumayo at agad siyang hinabol at niyakap habang nakatalikod, mahigpit habang ang ulo ko noon ay nakadiin sa kanyang batok
“Ano ba El… bitwan mo ko…”
“Stella… sorry… please… forgive me… I did’nt mean to do that… this time… it will just be you and me… pangako”
“Mukha mo!”
Ang naiiyak na sabi ni Stella noon habang pilit na pumipiglas sa pagkakayakap ko sa kanya, subalit hinde ko kinakalas ang pagkakayakap sa kanya, matapos nang ilang minuto ay hinde na siya pumiglas noon at narinig ko na lamang siyang umiyak, dahan dahan ko siyang binitawan at hinarap sa akin at dahan dahan ko ulit siyang niyakap. Naawa ako nang makita ko siyang umiiyak, nanghihina talaga ang loob ko sa tuwing makikita ko ang isang babaeng umiiyak, at nakakakonsensya nang husto lalo pa na ang dahilan nang pagluha nang babaeng iyon ay dahil sa akin
“Tahana… Babe… tahana”
Ang sabi ko sa kanya, at nagulat ako nang yumakap na din siya noon, mayamaya pa ay dahan dahan niya akong tinulak palayo at nagpunas nang luha mayamaya pa ay nagulat ako nang bigla na lamang niya akong sinapak. Napaatras ako noon at nagulat sa nangyari matapos ay natawa siya
“Tang ina ka, pinaiyak mo ko! Wag mo nang uulitin yun ha?! Wag mo nang itetext si TamTam, akin na nga yang cellphone mo!”
Agad ko naman binigay sa kanya ang cellphone ko, nagulat ako nang buksan niya ito, kinuha ang simcard matapos ay binali niya ito at tinapon.
“Bumili ka na lang nang bagong simcard ha? Wag mo nang itetext si TamTam ok? Ayaw ko nang mauulit yun?”
Ang sabi ni Stella at tumango ako noon na daig pa ang maamong tuta at umupo sa upuan
“Sakit ba?”
Ang tanong niya sa akin at napangite lang ako habang hinihimas ang pisnge ko, masakit ang pagkakasapak sa akin ni Stella, para siyang lalake kung manuntok, nawala sa isip ko na nagjujuso nga pala ang babaeng ito at nagbalik sa akin ang ala ala nang una naming pagkikita, nang sinipa niya ako nang sobrang lakas.
“Ipagluto mo ko”
Ang biglang sabi ni Stella sa akin
“H-ha?”
“Sabi k o ipagluto mo ko”
“Ano naman lulutuin ko?”
“Ikaw na bahala, maliligo lang ako”
Ang nakangiteng sabi niya noon. Nakahinga na ako nang maluwag noon, pero somehow, parang gusto ko pa ding sabihin sa kanyang sorry, kaya naman muli akong tumayo at hinabol siya at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at napangite
“Oh?”
Tanong niya sa akin noon at tila ba inaantay ang sasabihin ko
“Sorry talaga”
“Unli? Paulet ulet lang? Oo na, pero ayaw ko na mauulit yun ha?”
Hinalikan ko ang kamay niya noon at isang matamis na ngite naman ang gumuhit sa kanyang labi. Matapos noon ay nagtungo na siya sa banyo at ako naman ay sa kusina at tinignan ang mga maaring lutuin, meron siya noong repolyo, napansin ko din na may tuna noon sa may shelf nang kusina niya, sibuyas, bawang. May nakita din akong tirang lechong manok noon sa loob nang ref niya, at nakaisip ako nang lulutuin.
“Bango ah?!”
Ang sabi ni Stella noon at sa tono nang boses niya ay tila ba ok na siya at masaya at napatingin ako noon sa kanya at nagulat ako nang makita ko siyang nakatapis lang noon, agad kong binaling muli ang aking pagtingin sa aking niluluto noon
“Mukhang masarap ah”
Ang sabi niya noon at nagulat ako nang mapansin kong nasa tabi ko na siya noon, kumuha siya nang kutsara sa malapit na lagayan nang mga utensils niya tumikim sa niluto ko
“Aba, pwede, sarap ah, buti pala at ikaw ang pinagluto ko”
“Di ka ba marunong magluto?”
Ang tanong ko sa kanya habang ang mata ko noon ay nakabaling sa aking niluluto.
“Medyo medyo lang, adobo, yan alam ko yan tska prito yun, tska saing, atleast marunong magluto ok nay un, isa pa, kadalasan naman kasi, sa mga fast food o restaurant na ako kumakain, uuwi na lang ako para maligo at matulog”
Tatango tango lang ako noon, mayamaya pa ay kinalabit niya ako, paglingon ko ay nagulat ako nang bigla na lamang niya akong I ismack sa labi.
“Bihis lang ako babe ha”
Ang sabi niya sa akin at nagtungo na sa kwarto. Ako naman noon ay napangite na dahil alam ko nang mga sandaling iyon na ok na ulet kami ni Stella. Masaya akong naghain nang pagkain sa hapag kainan noon, maya maya pa ay lumabas na siya nang kwarto niya at halos malaglag ang panga ko noon sa ganda ni Stella, kahit na wala siyang kolorete sa mukha, palong palo na talaga ang ganda niya, at sa suot niyang sando noon na talaga namang medyo fit sa kanya at naeemphasize ang dibdib niya, at nakapajama na siya noon.
“Aba, talagang ipinaghain na talaga ako ah”
Agad akong nagtungo kung saan siya uupo at agad na inusog ang upuan
“Parang timang to”
Ang natatawang sabi niya sa akin matapos ay umupo na siya. Agad kong kinuha ang kanina at nilagyan siya nang kanin sa plato sunod ay ang ulam na niluto ko.
“Aba talagang full service pa ah, sige, waiter water na din please”
Ang nakangiseng sabi niya at nagkatawanan lang kami. Masaya kaming kumain noon at nagkwentuhan tungkol sa trabaho niya
“Alam mo ba, minsan pa nga, eh kahit nakabili na sa amin nang properties yung client naming, binobola bola pa din namin, ayun bumibili pa din naman, ang masaya nito, yung iba kong kasama, magpapaligaw, tapos pag hinde nila sinagot, ayun, gusto ipull out yung investment nila eh kahit na gusto nila, hinde na nila pwedeng irefund yung binayad nila kasi nasa rule yun”
“Ganun? Edi kumikita pala talaga yang company mo?”
“Well sabihin na nating parang ganun na nga pero, hinde naman lahat ganoon, yung iba naman eh sineseryoso nila, tulad nung isa kong kasama, next year ikakasal na siya sa German na nakilala niya”
“Wow naman, buti ikaw hinde ka natutukso sa ganyan?”
“Naku, wala pa naman ako balak magasawa noh, isa pa, bata pa naman ako, madami pa ako gustong gawin sa buhay, gusto ko pang magabroad, yung aalis ako nang bansa na wala akong inaalalang papadalhan sa Pinas na anak o pamilya”
“Ahh ganun ba?”
“Eh ikaw ba? May balak kang magabroad?”
“Ewan ko lang, wala pa sa isip ko, wala ata”
“Bakit naman?”
“Eh nasa ibang bansa naman ang mga kapatid ko, pati mama ko”
“Pero alam mo, dapat habang bata ka pa or wala ka pang asawa, umalis ka nang bansa”
“Pinapaalis mo na ba ako?”
“Aba kung ikakaunlad mo naman yan bakit hinde di ba?”
“Ganun?”
Ang medyo disappointed kong sabi sa kanya noon
“Oh, bat napamangot ka?”
Ang tanong niya sa akin habang nakangite
“Wala lang… naisip ko lang, bakit handa mo akong palayuin sa iyo?”
“Ay magemot daw ba?”
“Pero kung sakali man na kasal na tayo?”
“Wow! Makakasal ka wagas hampasin kaya kita nang baso sa peslak mo?”
Ang natatawang sabi ni Stella noon, mayamaya pa ay muli siyang nagsalita
“Alam mo, nasa tao naman yan El Nunal, kung lumayo ka man sa taong mahal mo at talagang mahal mo siya, kahit ano pang tuksong dumating sa iyo, kahit ano pang lumbay ang maramdaman mo at pangungulila, hinde mo magagawang hanapin sa iba yan, dahil isasaisip mo na, kaya umalis ang taong mahal mo ay para din naman sa kinabukasan nyo, nasa pagmamahal, tiwala at disiplina lang naman yan eh”
Ang sabi niya matapos ay sumubo na siya nang pagkain. Saglit kaming natahimik noon hanggang sa matapos na kaming kumain.
“Ako na maghuhugas ha?”
Ang pagpriprisinta ko noon sa kanya
“Naku, sasabihin ko naman talaga na ikaw maghugas eh”
Mayamaya pa ay tumayo na siya at nagtungo sa sala at binuksan ang TV, pumasok siya noon nang kuwarto at napansin ko siyang may dalang isang maliit na box.
“Bilisan mo diyan! Dali! Nuod tayo!”
Ang sabi niya noon na excited na parang bata. Ako naman ay agad na minadali ang paghuhugas noon at agad na umupo sa upuan.
“Dito ka nga sa tabi ko!”
Ang sabi niya noon at agad naman akong tumabi sa kanya, matapos ay inabot niya ang remote at plinay ang dvd
“Anong palabas yan?”
Ang tanong ko sa kanya, at napangite ako nang makita ko kung anong palabas iyon, Forest Gump.
Pinause bigla ni Stella ang palabas at tumingin sa akin
“Napanuod mo na ba yan?”
Ang tanong niya sabay kuha nang throw pillow noon sa kabilang upuan
“Di pa, maganda ba yan?”
Ang tanong ko sa kanya
“Di ko pa natatapos yan, maganda yan eh”
Mayamaya pa ay nilagay niya ang kinuha niyang throw pillow sa aking hita si Stella matapos ay doon ito umulo sabay higa.
“Play na natin wag kang maingay ha?”
Tahimik kaming nanunuod noon nang pelikula, isa itong kwento tungkol sa isang lalakeng hinde katulad nang ibang lalake, medyo may diperensya siya, parang may sakit siya, pero hinde naman siya baldado o authistic, pero may pagkaganun yung dating niya, at naaliw at naantig ako noon sa palabas, may halong romance comedy at drama ang pelikulang iyon. Nang matapos naming ang pelikula, nagkatinginan kami at nagkatawanan
“Kalalakeng tao umiiyak sa drama?!”
Ang sabi niya noon, medyo nangilid kasi ang luha ko sa ending kung saan yung bida eh umiiyak sa harapan nang puntod nang pinakamamahal niyang babae. Sa eksenang iyon, naalala ko bigla si Amanda, the reason why, I couldn’t help myself to cry that time. Dahan dahan siyang umupo noon at pinunasan ang luha ko
“Para ka pa ngang babae”
Matapos noon ay nagulat na lamang ako nang biglang…

Itutuloy

2 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *