Nalibugan lang

Pinalaki ako ng auntie ko na lesbiana at ng partner nya kaya noong bata pa ako akala ko ay normal lang talaga na magkasama sa buhay ang babae at babae. Kaya noong tumungtong ako ng highschool ay puro babae nalang ang mga ito at nakarelasyon ko at puro lalake naman ang kabarkada ko.

Sa totoo lang mas gusto ko na kaibigan ang mga lalake kasi totoong tao sila, walang maldita, plastic at ang mga ito ay backstabber. Aminado naman ako na bully ako at babaero din kasi minsan napagsasabay ko na meron akong dalawa hanggang tatlong girlfriend. Syempre hindi mawawala ang kissing, petting, finger at kainan ng puke.

Ang sexual drive ko noon ay parang sa isang lalake. Natutuwa ako makakita ng malulusog na dyoga, wetpax, hita at pekpek so talagang “OBIT” ako noon. Medyo inggit ang mga kabarkada ko dahil mas cute at mas magaganda mga nagiging girlfriends ko kaysa sa kanila.

Pagtungtong ko ng fourth year highschool, May bagong pasok na obit sa section namin, kung ikukumpera sa kanya ay mas fem pa ako pero naging matalik ko syang kaibigan at hindi kami talo. Nalaman nya na sobrang “fan” ako ng anime at meron syang kaibigan na collector at mahilig din sa anime.

Noong mga panahon na iyon, mahirap pa maghanap ng anime. Vintage pa ito at hindi pa ganoon ka-sikat kaya mahirap maghanap ng kapwa “otaku”. Pinakilala nya ako sa ate ng naturing kaibigan, si “Ate Jen” na pitong taon ang tanda sa amin at sa totoo lang, na love-at-first-sight ako kay ate Jen. Si ate Jen ang nagaabot sakin ng mga drawing, anime tapes (VHS) at ng mga CD soundtracks ng kapatid nya.

Laging sinusundo ni ate Jen ang kaklase ko sa school kaya panay ako nakakasilay sa kanya. Lingid sa kaalaman ko ay sila na pala ng kaklase kong obit pero dahil nga sa hindi ko alam ay panay ang tawag ko sa bahay nila par lang ang marinig ang boses ni ate Jen.

Isang araw ay nakulitan na sa akin si ate Jen at nagkataon na nasa bahay ang nakababatang kapatid na si “Kuya John” na mas matanda sakin ng apat na taon. Sa simula ay wala akong interest kay kuya John pero dahil pareho kaming mahilig sa anime ay humahaba ang kwentuhan namin.

Magaan ang loob ko kay kuya John kahit hindi ko pa sya nakikita. Madalas kaming magtelebabad at magusap tungkol sa mga bagay-bagay. Dahil apat na taon ang tanda nya sakin ay madami akong natutunan sa kanya Presidente ako ng arts club namin noon at nangailangan ako ng ipapakita sa mga clubmembers, Nagpresinta si kuya John na magpapadala ng mga drawing nya kay ate Jen para sa club namin dahil sa architect sya, madami syang mga drawing at yun ang mga pinadala nya.

Doon nagsimula ang paghanga ko kay kuya John, nakita ko ang agwat ng “level” namin. Ang ganda at ang linis ng mga templates nya, pulido at sobrang galing ng mga perspectives na ginagawa nya. Wala akong makitang sablay para tirahin at kantyawan ang kanyang gawa.

Lumalim ang kagustuhan ko na makilala at makita ang maestro na ngpadala sa akin ng kanyang mga obra. Gusto ko na maging kasing husay nya, gusto ko maging katulad nya. Piesta noon at niyaya ako ni ate Jen na pumunta sa kanila, kasama ko ang obit ko na kaibigan at nagtungo sa bahay nila.

Pagdating doon ay sinalubong naman kami ng masasarap na pagkain na luto ng mommy nila at pinatagay pa kami ng tatay nila. Talagang napakasaya ng piesta sa lugar nila ngunit isa lang ang pakay ko. Gusto ko makita ang maestro na ayon kay ate Jen ay tulog pa.

Alas tres na ng hapon nang lumabas sya ng kwarto nya at mukhang galing sa pagkakalasing. Nakatayo ang makapal at kulot nyang buhok sa kanyang ulo at mukhang hirap syang dumilat. Napansin ko na maputi at makinis ang kanyang ang balat, matipuno ang kanyang katawan at maganda ang hubog ng kanyang dibdib na bakat na bakat sa suot nyang t-shit.
“Panget!” sigaw ko sa kanya pero sinuklian lang nya iyon ng pagsenyas ng “fuck you” at naghilamos. Napansin ko na matambok din at maganda ang hubog ng kanyang pwet na sa totoo lang medyo bihira sa mga lalake.

Lumapit sya at nagkamustahan kami. Doon lang ako nakaramdam ng paghanga sa isang lalake. Liban sa matalino at may talento.. grabe ang gwapo pala nya. Makapal ang kanyang kilay at mabilog at malalim ang kanyang mga mata at ang
Matangos ang kanyang ilong, manipis ngunit maganda ang hubog ng mapupula nyang mga labi. Pantay at maputi ang kanyang mga ngipin at may cheekbone sya n katulad ng sa ate nya. Maihahawig sya kay Mark Anthony Fernandez pero swear mas gwapo sya.

Niyaya nya ako sa kanyang kwarto at nag-playstation. Naglaro kami ng tekken at natalo ko sya kaya lalo yang nabagot at paulit ulit kaming naglaro. Napuna ko na puro vandal ang kanyang maliit na kwarto at puno ito ng mga collection nya ng anime at gundam.

Tugma ang ugali namin at hilig, lagi kaming naghahalakhakan. Para kaming magkapatid kaya hinayaan nya na tawagin ko syang “kuya”. Lalo kaming naging “close” mula noon at lagi kaming lumalabas para mag arcade at tumambay sa mall. Minsan ay nagtungo kami sa Binondo, sa suki kong tindahan ng Anime. Tinanong ako ng tindera kung boyfriend ko ba sya at naghalakhakan lang kami.

Lagi namin pinaguusapan ang mga babae sa buhay namin. Alam nya na inlove ako sa bestfriend ko na babae at sya naman ay isang malibog na lalake na kung sino-sino nalang yata ang pinapatulan. Minsan naman tunkol sa mga problema sa pamilya, minsan tunkol sa mga kabarkada etc. etc.

Lumipas ang dalawang taon at nagkaroon ng distansya ang pagkakaibigan namin ni kuya. Naging busy sya sa thesis nya at sa mga babae nya habang ako naman ay patungtong na ng collage. Nabusted ako ng besftfriend ko at nagpatuloy ako sa lovelife ko at nagkaroon ako ng boyfriend pero long distance relationship kami kasi nasa Australia sya. Umbot ang long distance relationship namin ng ex ko ng dalawang taon kaya naman 20 na ako ay virgin pa ako.

Isang araw ay nangailangan ako ng artist para sa isang project namin at tinawagan ko si kuya. Nagkataon na medyo libre sya ng mga panahon na iyon kaya dali-dali syang pumunta sa bahay namin. Gabi na iyon at umaambon na nang nagring ang doorbell namin.

Pinagtimpla ko sya ng mainit na kape habang ginagawa nya ang project ko. Tumabi ako sa kanya para matutunan din ang style nya at inaliw ko sya sa kwento. Pansin ko na parang nagwawala ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero sa totoo lang, sya ang dahilan kung bakit ako nagpapaka-babae. Gusto ko sya. Yun lang ang nasa isip ko.

Matapos nya gawin ang project ko ay nagpasalamat ako sa kanya, hinatid ko sya palabas ng gate. Wala na ang ambon at malamig ang paligid. Pinanood ko syang maglakad papalayo na may ngiti sa aking mga labi. At nang hindi ko na sya matanaw ay dahan dahan kong sinara ang gate namin at isa lang ang nasa isip ko.

One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *