Boss Ko Ex Ko Part 5
After makipag ayos ni Alyssa sa amin ni Tanya ay pumasok na ako sa opisina. Naging professional kami sa isa’t isa at bumawi na ako sa aking trabaho. Isang linggo kasi akong absent dahil sa lagnat.
Alyssa: O Mr Yao. Alas Singko na. You can go home. Baka sabihin mo sa kapatid mo minamaltrato kita.
Pabirong hirit niya sa akin.
Me: Naku hindi po Maam. Kailangan ko lang bumawi sa mga absent ko. Isang linggo din kasi akong nawala. Tsaka ang dami ko na pong atraso sa inyo. Para dito man lang makabawi man lang ako sa atraso ko.
Alyssa: Nick di mo na kailangan gawin ito. Sa dami ng nasara mong kontrata eh bawing bawi ka na sa akin. Pati nga mga mahihirap kasuap at kuripot na kliyente nakukuha mo kontrata.
Me: Nakaka chamba lang po Maam. Maam I want to apologize for the profane words that I have discharged last week. Inaapoy na po kasi ako ng lagnat that time.
Alyssa: Ramdam ko nga. Napaso kaya kamay ko nung sinampal kita hahaha
Me: grabe ka naman Maam. Para mo na ding sinabing demonyo ako hahaha
Alyssa: Ikaw nagsabi nyan ha. Hindi ako. Hahaha
Pabirong lambing niya sa akin.
Alyssa: Patingin nga kung ano ginagawa mo.
Me: Sure Maam. Pinag aaralan ko ang galaw ng kalaban at kung saan tayo pwede bumawi. Kung pano natin makukuha ang kiliti ng kliyente.
Alyssa: Wow! Di ko naisip yun ah. Good job Nick. By the way nagbabakasyon ba dito si Tanya?
Me: Thank you Maam. Maam dito po siya nag aaral. She’s taking up Management Engineering sa Ateneo. 4th year na po siya maam.
Alyssa: Grabe! Di ko alam that she opted for Ateneo De Manila. Nakapag bonding man lang sana kami.
Me: Actually Maam gusto ka niya tawagan pero nahihiya siya. Lalo na sa mga kagaguhan ko.
Alyssa: Nick kalimutan na natin yun. Immature pa tayo that time.
Me: does it mean na pinapatawad mo na ako?
Alyssa: well konti. Masyado kasi akong nasaktan. Kailangang maghilom muna ng tuluyan yung sugat.
Me: I understand Maam. Maam wala po kayong lakad ngayon? Friday night ngayon. Wala kayong date ng fianc mo?
Alyssa: Naku! I already planned everything pero may biglaang lakad daw. If I know makikipag inuman lang siya sa mga high school classmates niyang bugok!
Me: Edi mag inuman din tayo.
Alyssa: SIRA! Tapos ihahatid mo ako. Utang na loob Nick ha marami pa akong plano sa buhay.
Me: Just trust me Alyssa. Tara may opening promo sa Mayer’s Acoustic Bar. Malapit lang siya dito. Buy 1 take 1 ang bucket ng beer. 6 bottles per bucket so tig isang bucket tayo.
Alyssa: Nick ha. Sinasabi ko sa iyo. Oras na pagsamantalahan mo ako papatayin talaga kita! Wala akong pake kung makulong man ako.
Me: Naku! Bakit ko naman gagawin yun? Niyayaya kita to have fun hindi para gahasain. Just trust me Alyssa. I promise.
Alyssa: Sige. Just make sure ha. Nick hindi ako nagbibiro!
Me: Ok para mawala ang duda mo eh sasakyan mo ang gagamitin natin. Game?
Alyssa: Nick pagbibigyan kita pero oras na inisahan mo ako hindi ako nag bibiro, malilintikan ka sa akin!
Me: Tara na at baka mawalan pa tayo ng magandang spot.
We went to the said bar and took a seat near the stage. All songs are sang in an acoustic way na hindi mabigat sa tenga.
Alyssa: Nick ang ganda dito.
Me: Sabi ko sa iyo eh. Tig isang bucket tayo?
Alyssa: GAME! Order ka pulutan.
Nag order ako ng Sizzling Sissig, Fried Chicken at Crispy Pata and we opened our first bottle.
Me: Cheers!
Alyssa: Cheers!
Naginuman kami ni Alyssa while watching the acoustic band perform. They played our favorite songsat enjoy na enjoy si Alyssa habang inuupakan namin ang mga pulutan. We continued on popping beer bottles until we’re down to our last bottle.
Me: Last bottle. Bottoms up?
Alyssa: Sure. Cheers.
Me: Cheers.
We toasted to each other at nilaklak na namin ang huling bote hanggang sa maubos na ito.
Alyssa: Nick may tama na ako. Uwi mo na ako sa bahay please…
Me: Sure. Teka magbabayad lang ako.
I paid for our bills at hinatid ko na siya sa bahay nila.
Me: Well Alyssa nandito na tayo sa inyo. Here’s the key to your car.
Alyssa: Thanks Nick.
Pumasok na siya ka bahay nila at naghanap na ako nang masasakyang taxi pata umuwi sa condo.
Kinabulasan ay tinawagan ako ni Alyssa.
Alyssa: Nick sorey to boyher you early this morning.
Me: ok lang po yun maam. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?
Alyssa: Wala kasi akong maalala sa nangyari kagabi. Pwede mo ba ikwento?
Me: After natin mag bottoms up on our last bottle sinabi mo may tama ka na at nakiusap kang ihatid na kita sa inyo. I just paid for our bill at hinatid na kita sa inyo. Pagdating natin sa bahay niyo ay binigay ko na sa iyo ang susi ng sasakyan mo then naghanap na ako ng taxi pauwi ng condo.
Napahinga ng malalim si Alyssa that time.
Alyssa: Nick actually hindi ako lasing kagabi. Nagpanggap lang ako. Thank you very much Nick.
Me: Walang anuman yun. Sabi ko naman sa iyo good boy na ako eh. Hahaha.
Alyssa: Sorry na. Nag iingat lang naman ako eh. Pero bitin ako kagabi.
Me: Libre mo ako?
Alyssa: Game! Tig dalawang bucket tayo mamayang gabi.
Me: Game din ako hahaha.
Kinagabihan ay nagbalik kami sa nasabing acoustic bar at nag inuman ulit kami ni Alyssa. Tig isang dozenang bote kami ng beer and we enjoyed every song na kinakanta sa stage. After our last bottle ay hinatid ko na siya sa bahay nila.
Alyssa: Nick thank you.
She gave me a very tight hug at pumasok na siya sa bahay nila. I was shicked with Alyssa’s action pero ayokong bigyan ng meaning ang ginawa niyang iyon. Maybe she just did it to thank me na hindi ko minolestya ang katawan niya nung nagpanggap siyang lasing. It was a night that she and I enjoyed. After that hug ay naramdaman kong mahal ko pa rin si Alyssa. May nararamdaman pa kaya siya sa akin?