Muling Pagsasama-sama Part 1

Di ko naman talaga inaasahan pero siguro sadya lang talaga nang tadhana. May ilang taon na akong walang kakontact contact sa aking dating mga kaibigan. Dahil sa nauso nga ang social networks ay nakiuso na rin ako. Ang panganay na anak ko ang gumawa nang aking social network account sa pinaka sikat na social network. Di ko naman gaano pinaniwalaan na sa ganitong paraan ay muli kung makakasalamuha ang mga tao sa aking nakalipas.

1 araw ay sa walang kadahilanan ay pinabuksan ko sa aking anak yung account ko. Ang dami palang nag aapply na ilista ko sila sa aking friends list. 1 sa mga naunang nag apply ay yung dati kung crush noon. Kaagad agad ay tinangap ko siya pati na din yung iba kung mga kakilala. sa isang apps nang social network ay may chat page. Dahil nga sa baguhan lang ako e bigla na lang sumulpot ang pag bati niya sa akin. Nagulat ako pero sinagot ko rin naman. Ayun inabot kami nang 3 oras na walang patid na kuwentuhan sa aming mga naging buhay mula nang magkahiwa hiwalay na nga kami sa aming dating pinapasukan noon. Nabangit niya sa akin na may class reunion at imbitado ako.

‘Sandali…Nakalimutan mo ba na kickout ako sa ating batch?’

‘Wag mong intindihin yun. ang importante ay dumalo ka. Ikaw ang guest ko ‘no?’

‘Ha?! Bakit, hindi mo ba isasama yung asawa mo man lang para makilala niya ang mga dati mong kaibigan noon?’

‘Wag mo na muna akong usisain tungkol doon. Basta, ikaw ang ‘guest’ ko sa class reunion sa darating na okasyon.’

‘Okay, sinabi mo eh! Sige pupunta ako alang alang sa iyong imbitasyon.’

‘See you there…bye!’

‘Sandali!…Ano bang dress code?’

Huli na nang maitanong ko yun sa kaniya sa chat page. Nag log off na kaagad. Matapos ang ilang araw ay may dumating na email sa akin via social network. Doon sinasaad niya na hindi naman pormal, casual wear lang maari na. At saka aabangan niya ang pag dating ko doon sa may gate nang dati naming pinapasukan. At least, may idea na ako kung ano nga ba ang dress code.

Gabi nang class reunion. Nag ayos ako nang maayos at nag paalam sa aking may bahay na aatend ako sa class reunion.

‘Ha?! May class reunion kang pupuntahan? ba’t di mo sinabi sa akin?’

‘E naimbitahan lang naman talaga ako. Di naman ako talaga nagtapos doon sa eskuwelahan na pupuntahan ko.’

‘E bakit ka naman inimbitahan?’

‘Gusto lang talaga nila ako makita muli. 1 time affair lang naman ito eh. O sige na mauna na ako at baka gabihin ako nang pag uwi mamaya.’

‘Okay, enjoy your reunion. ‘Wag kang masyadong magpuyat o uminom.’

‘I will at pipilitin ko na ‘wag uminom o umagahin sa pag uwi. Bye!’

Malapit lang naman talaga sa aking bahay yung pupuntahan ko na lugar. Kaagad ay narating ko at ipinarada ang aking sasakyan sa parking lot. Kay laki na nga nang pinagbago nang aking dating pinapasukan.sa may entrance ay may pila nang mga tao na papasok din sa social hall na kung saan nagaganap ang class reunion. Malayo pa lang ay nakita ko na siya. 1 pala siya sa mga welcoming committee. Pumila ako sa kahuli hulian. Di ako nag pakilala sa mga ibang nauna sa akin pero naririnig ko yung mga usap usap nila.

‘Pare, ang ganda niya ngayon ah!’

‘Sinabi mo! yan ang tipo kung maiuwi matapos itong gimmickan natin.’

‘Owwwwsss! Buti kung sumama siya sa iyo?’

‘Ako pa?! Yan pa papalag sa akin e madali yan sukbitin…’

‘Uhum…Nag pa ere ka nanaman diyan…tara na nga at pumasok na tayo. Nasa loob na yung iba nating kabatchmates.’

Narinig ko ang usapan nang mga dati kung kaklase na ubod nang yayabang. Sigh! Sadya yatang wala pa rin ipinagbago ang iba. Kung anong naiwan na alaala ay muli nanaman mararanasan ko ata. Pero binale wala ko muna ang mga narinig ko. Ang importante ay nandirito na ako at muling makasama ang mga dati kong kaklase.

‘Good evening, i’m the guest of Ms.Garcia….’

Lumingon ang babae na nakayuko busy sa isinusulat sa ilang papel na nakalapag sa ibabaw.

‘OH MY GOD!…’

‘Hi!…’

Tumayo siya at umikot sa lamesa na namamagitan sa aming 2.

‘I thought you’d never come.’

‘You did invite me and you know I can never decline anything from you, specially with a class reunion…’

Di ko inaasahan pero hinagkan niya ako sa aking labi. Akala ko sa aking pisngi siya gagawi pero doon sa akin mga labi dumampi ang kaniyang pag bating halik.

‘TSUP!’

Let’s go!’

At pumasok nga kaming 2. Nakahawak siya sa aking kanang braso. Ang daming kong nakitang dating mga kakilala noong kabataan. Alam ko class reunion nila pero ang pakiramdam ko e parang para sa akin ang okasyon na ito kesa sa kanila.

‘Huh?! Pare! pare! Si Dee…’

‘Long time no see Dee1’

‘Thanks! You too Mike….’

‘Hi! Dee, don’t you recognize me? It’s me!’

‘Oh yeah! Gumanda ka kasi bigla….’

‘Bolero!’

‘Wha!ha!ha!ha!’

Madaming batian at kamayan ang inabot ko bago kami nakaupo nang dati kong crush. Napansin ko na para yatang walang masyadong bumabati sa kaniya. Di bale, siguro pag magkakuwentuhan na kami maya maya e may paliwanag na lalabas sa kaniya.

‘Here’s our table.’

‘Allow me…’

‘Thank you, Dee…’

‘The pleasure and honor is mine Celine…..’

Siya si Celine Garcia, ang dati kong crush noon. Kung noon ay patingin tingin lang ako ngayon ay siya ang kadate ko sa class reunion noong bata pa kami. Diyos ko po kung noon ay cute ngayon ay 1 magandang babae na siya. Mas malaki siya sa akin. Ako’y 5’4″ pero siya ay nasa pang beauty queen category. Meztisahin ang lahi, so imaginenin nyo na lang na nasa 34D-26-35 body stats. Casual pero elegantly kung dalhin ang sarili, nanliliit nga ako kasi nakita ko sa 1 sa mga old pictures nang class niya ay siya ang nanalong prom queen.

‘Good evening sir and ma’m. What would you like to drink please?’

‘1 glass of red wine while the lady would have….’

‘Same as of what my guest is having too, waiter…’

‘Very good, i’ll be back with your drinks…’

Iniwan kami nang waiter. Tiningnan ko si Celine. Oy! Matatanda na kayo pareho ‘no? get over with that ‘crush’ feeling. Saka, hindi ka niyan papatulan, sa ganda niya. Malamang e may guapo at succesful na asawa ito. nasabi ko sa loob loob ko.

‘Thanks for attending. I was really surprised when you came up to me outside.’

‘Like I told you, I can never decline an invitation from you.’

‘Kasi ‘crush’ mo ako noon….Aminin mo!’

‘Bwa!ha!ha!ha! Ang tatanda na natin magpapadala pa ba ako doon?’

‘Malay mo…Some of the people here have’nt got passed what they where before even until now.’

‘I know, I heard a few while coming up to you….’

‘Sinabi mo.’

‘Your drinks sir and madame…’

Inilapag nang waiter ang inumin namin. Nagtoast kami at nilasahan ang alak. Maya maya ay inimbitahan na ang lahat na kumain sa buffet na inihanda. Tumayo kami at kumuha na nang makakain naming lahat. Masaya ang gabi na ito para sa akin at pati na din siguro kay Celine. Umabot na sa pang katapusan noong reunion nang may sumira nito.

‘Hey! Celine…Hik!’

‘Let go!’

‘Aba at pumapalag ka na sa akin, ha?!’

‘I said let me go, your drunk!’

‘Sooo whaaat if i’m drunk? Hik!’

‘Owwww!!! Your hurting me, let go of my arm!’

‘Asawa mo ako! Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo!’

‘NO! Bitiwan mo ako sabi eh! Lasing ka na!’

‘PAK!’

Sinampal si Celine nang lalaki na 1 sa mga kaklase nang batch na dapat kasama ako. Dahil sa pangyayari na iyon ay napilitan na akong sumali. Ayaw ko man ay nagmagandang loob akong makialam sa pagtatalo nila.

‘Pre….Easy ka lang. Class reunion ninyo e magkakalat pa ba dapat tayo?’

‘PAKI KO! Saka di ka naman gumaradweyt dito ha?! Hik! Di ba KICKOUT ka sa batch namin?! Hik!’

‘Dude, no need to dwell in the past…Past is past, okay?’

‘Shut up! Out of my way shrimp! O gusto mong gulpihin kita sa harap nang buong grupo? Hik!’

‘Whoaaa…come on man. I’m just a guest of Celine. I didn’t come for trouble…’

‘Teka nga…’

Kumasa ang kanang braso nang kaharap ko. Pero nasa akin ang pagiging llamado dahil hindi ako lasing na tulad niya. Umatras ako para matigil ang eksena, biglang namagitan si Celine. Inaawat ang kaniyang lasing na asawa pero tinulak at hinawi na para bang 1 laruan. Bumagsak si Celine sa sahig, at papasugod ang kaaway ko.

‘CRASH!’

Ewan ko na kung nasaktan ko ba pero ang natatandaan ko ay may nahawakan akong 1 bagay at naihampas ko sa ulo nang makakaaway ko nga. Bagsak siya at mukha pa yatang nawalan nang ulirat. Lapitan kaagad ang security guards nang eskuwelahan. Pinagtitinginan ako nang lahat. Buti na lang at may mga nakakita at tumestigo na hindi ako ang nagsimula at pinagdepensahan ko lang ang sarili ko dahil sasaktan ako. Hiyang hiya si Celine sa akin dahil sa pangyayari. Nang maiklaro na nga ako sa security office ay pinakawalan na ako with no charges para sa akin pero sa nakaaway ko e siguradong madedemanda siya.

‘I’m sorry for this Dee. I did’nt want this to happen…’

‘Okay lang Celine, di naman ako naabutan o nasaktan nang asawa mo.’

‘Former asawa!’

‘Eng, waddya mean former?’

‘Matagal na kaming hiwalay niyan…i’ve been on my own.’

‘Really?! You never told me anything about that.’

‘Nakakahiyang ikuwento sa iyo ‘no?’

‘Well, at least this party ended with a bang.’

‘Yeah, right…’

‘Tara ihahatid ko na ikaw sa bahay mo…O may sarili kang sasakyan?’

‘Now that you mentioned it..my ride is in there, asleep.’

‘Well I guess i’m still your date till I bring you home.’

‘Okay lang?’

‘Come on….’

Kinuha ko ang aking sasakyan sa parking lot at pumunta sa waiting area kung saan iniwan ko sandali si Celine. Itinigil ko sa harapan niya at dali dali kong ipinagbuksan nang pintuan at inalalayan makasakay siya sa harapan na upuan. Kaagad inarangkada ko na at tinanong kung saan ko ba siya ihahatid.

Add a Comment

Your email address will not be published.