One Time lang to
Nasa isang private beach resort ang nagmamahalang Ace at Ryan na sila lamang dalawa ang kasalukuyang tao sa resort na iyon. Nasa dalampasigan sila noon at naglalakad na magkahawak kamay ng bigla na lamang hablutin ni Ace ang suot na sombrero ni Ryan na yari sa native na materyales.
Hinabol nga ni Ryan si Ace. Mga athlete sila noong college pa sila sa iisang unibersidad. Si Ryan ay sa athletics at si Ace naman ay sa swimming. Una silang napalapit sa isa’t isa nang sabay silang ipinadala ng kanilang school sa isang inter-university sports fest. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan at nang malaman nila ang tunay na pagkatao ng isa’t isa ay mas tumindi pa ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa tunay na pagmamahalan. Pards ang nakasanayan nilang tawagan sa isa’t isa. Magpipitong taon na silang nagmamahalan at doon sa private resort na iyon nila nais magkasarinlan sa kanilang anibersaryo.
“Akala mo hindi kita mahahabol ah.” ang biglang nasabi ni Ryan ng malapit na niyang maabot si Ace.
“Pero hindi mo makukuha ang sombrero mo.” ang nasabi naman ni Ace na pilit pa ring iniiwas ang sombrero ni Ryan upang hindi niya ito maagaw.
Sinunggaban ni Ryan si Ace na naging sanhi ng pagbagsak nilang dalawa sa buhangin. Naglapat ang kanilang mga katawan. Nagkatitigan. Dahan-dahang naglapit ang kanilang mga mukha. Hanggang sa lumapat na ang mga labi ni Ryan sa mga labi ni Ace. Naghalikan ang dalawa sa tabing dagat na iyon saksi ang haring araw. Hindi na inalintana ng dalawa na baka may naliligaw na mangingisda doon at nasasaksihan din ang tila pulo’t gata nilang pagpapahayag ng pag-ibig sa isa’t isa.
“Ha ha ha ha….. Akala mo mabagal na ako sa pagtakbo ha. Kayang-kaya ko pang tumakbo sa 100 meter dash na less than 13 seconds. Ako parin yata ang may hawak ng record ng school natin.” ang pagmamayabang naman ni Ryan ng tumigil ang dalawa sa halikan.
“Dyan ka lang naman magaling eh. Hindi mo naman ako kakayanin sa swimming. Naka-ilang gold medal na rin ako sa mga palarong sinalihan ko.” ang pagmamayabang naman ni Ace.
“Ganoon ah. Sige nga. Unahan tayo sa paglangoy papunta sa bangkang iyon.” ang hamon ni Ryan kay Ace.
Kinagat naman ni Ace ang hamon ni Ryan dahil alam naman niya na mas mabilis siyang lumangoy kaysa kay Ryan.
“Ready. Get set. Go!” ang sigaw ni Ace at nagsimula silang tumakbo papunta sa dagat.
Nilangoy ng dalawa ang dagat papunta sa nakadaong na bangka sa di naman kalayuan sa dalampasigan. Subalit may kalaliman na rin ang kinalalagyan ng bangkang iyon.
“Help Pards! Hindi ko maigalaw ang isang paa ko!” ang sigaw ni Ace at tila nalulunod na siya.
Bahagyang tumigil sa paglangoy si Ryan at tinignan lamang si Ace. Biglang naisip ni Ryan na isang biro na naman iyon at nais lamang makauna sa languyan si Ace kaya umaarte siya ng ganoon. Nakailang ulit na rin kasing ginagawa ni Ace ang ganoong biro kay Ryan. Hindi na ito pinaniniwalaan ni Ryan dahil napakagaling naman talagang lumangoy ni Ace at natitiyak ni Ryan na hindi siya malulunod.
Nagpatuloy lamang sa paglangoy si Ryan hanggang sa marating niya ang bangkang nagsisilbing finish line nila. Umahon si Ryan sa tubig at tumungtong sa bangkang iyon. Muli niya tinanaw ang kinaroroonan ni Ace. Subalit laking gulat niya ng wala siyang makitang Ace na lumalangoy. Biglang kinabahan si Ryan. Bigla niyang naisip na totoo na pala ang paghingi ng saklolo ni Ace sa kanya.
Dali-dali siyang nag-dive sa dagat at binalikan ang kinaroroonan ni Ace. Sisid dito, sisid doon ang ginawa ni Ryan upang matunton lamang ang kinalalagyan ni Ace sa ilalim ng dagat. Subalit kahit anong gawing pagsisid ni Ryan ay hindi niya makita si Ace sa ilalim ng dagat. Hanggang sa makaramdam siya ng pagod at panghihina ng katawan. Napilitan siyang tumigil sa paghahanap kay Ace.
“Pards, nasaan ka na! Pards!!!!!!!!!!!!!!!” ang biglang sigaw ni Ryan nang hindi na niya makita si Ace.
“Ahhhhhhhh!!!!!!!!” ang sigaw ni Ryan ng magising siya.
Isang masamang panaginip lang pala ang nangyaring iyon kay Ace. Kahit na panaginip lamang iyon ay kinabahan pa rin si Ryan. Subalit pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Nasa Baguio si Ace ng araw na iyon at sa kinabukasan pa siya makakabalik sa Manila. May convention kasing dinaluhan si Ace at siya ang pinadala ng kanilang kumpanya. Anibersaryo nila ng araw na iyon. Pero kahit anong pakiusap ni Ace na iba na lamang ang ipadala sa convention ay hindi niya napapayag ang kanyang boss. Okey lang naman kay Ryan iyon. Pagbalik na lamang ni Ace sa Manila sila magce-celebrate ng kanilang anniversary.
Nagbabasa na ng newspaper si Ryan habang hinihigop ang mainit na kape sa balcony ng tinutuluyan nilang condominium unit nang biglang lapitan siya ni Ace. Ikinagulat iyon ni Ryan.
“O bakit nandirito ka na? Akala ko bukas pa ang baba mo?” ang tanong ni Ryan.
Hindi na sumagot si Ace. Bigla na lamang niyang hinalikan sa mga labi si Ryan. Ilang minuto din ang tinagal ng halikan nilang iyon. Tapos ay niyaya ni Ryan si Ace na pumasok sa loob ng kanilang condo.
“Grabe namang pananabik iyan sa akin ah.” ang nabanggit pa ni Ryan bago na naman siya hinalikan ni Ace sa mga labi.
“I miss you a lot Pards.” ang paulit-ulit na binibigkas ni Ace habang nakikipaghalikan siya kay Ryan.
“Ilang araw pa lang naman tayo nagkakalayo. Tapos sobrang miss mo na ako.” ang nasabi naman ni Ryan habang patuloy pa rin ang kanilang halikan.
“I don’t want to loose you Pards. Hindi ko kaya ang mawalay sa piling mo.” ang nasabi na naman ni Ace habang matindi pa rin ang kanilang halikan ni Ryan.
“Hindi tayo magkakawalay magpakainlanman. Pangako yan.” ang pangako naman ni Ryan.
“Kahit na sa kabilang buhay?” ang tanong ni Ace.
“Pangako, hanggang sa kabilang buhay.” ang tugon naman ni Ryan.
“Sana magkita pa rin tayo hanggang sa kabilang buhay. Para doon natin ipagpatuloy ang ating pagmamahalang wagas.” ang nasabi naman ni Ace.
Nagpatuloy sa halikan ang dalawa habang papalapit sila sa kanilang kama. Bago sila tuluyang nahiga sa kama ay isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga damit. Kapwa hubo’t hubad na ang dalawa ng mahiga sila sa ibabaw ng kama. Halos walang parte ng kanilang katawan ang nakaligtaan nilang halikan. Matindi din ang kanilang pagsuso sa ari ng isa’t isa. Grabeng ligaya ang naging dulot ng ginagawa nilang iyon sa bawat isa. Pati ang pagpasok ng kanilang ari sa likuran ay palit-palitan din nilang ginawa. Lahat na yata ng alam nilang makakapagpaligaya sa isa’t isa ay kanila ng ginawa. Labis-labis ang kanilang kasiyahang nadama ng matapos ang kanilang pagtatalik.
Marahil sa tindi ng kanilang romasahan ay nagdulot ito ng sobrang kapaguran sa dalawa. Ilang minuto din silang nahiga sa kama na magkayakap subalit wala ni isa man sa kanila ang ibig magsalita. Dahil sa katahimikan ng paligid ay tiyak na mararamdaman ng dalawa ang mga pintig na kanilang mga puso. Kung pati ang kanilang mga puso ay marunong magsalita tiyak na ang mga katagang ‘I love you so much’ ang paulit-ulit nitong bibigkasin kasabay ang mga pagpintig nito na nagsisilbing background music.
“Hanggang kailan mo ako mamahalin Pards?” ang tanong ni Ace na pumukaw sa kanilang katahimikan.
“Tinantanong pa ba yan. Syempre habang tayo’y nabubuhay, ikaw lamang ang aking pakamamahalin.” ang tugon naman ni Ryan.
“Sana hindi lamang habang tayo’y nabubuhay. Kung maaari ay hanggang sa kabilang buhay. Hanggang sa magpakailanman.” ang hiling naman ni Ace.
“Yun ba ang gusto mo? Pangako, hanggang sa magpakailanman. Hanggang sa kamatayan. Magkaroon man tayo ng ikalawang buhay. Mamahalin pa rin kita. Pangako yan.” ang sagot naman ni Ryan.
Biglang tumayo si Ace. Muling isinuot ang kanyang mga damit. Laking pagtataka ni Ryan ng biglang lumabas ng kanilang silid si Ace ng hindi man lamang nagpapaalam sa kanya.
“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Ryan.
Parang hindi narinig ni Ace ang tanong ni Ryan. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglabas niya sa kanilang silid. Laking pagtataka ni Ryan sa kakaibang inasal ni Ace. Kaya naman dali-dali siyang tumayo at nagbihis upang sundan si Ace. Paglabas niya ng kanilang silid ay hindi niya nakita si Ace. Sinubukan niyang lumabas sa kanilang condo unit, subalit wala na rin si Ace sa hallway at sa elevator lobby. Hindi mawari ni Ryan kung bakit biglang naging ganoon si Ace.
“Hello guard. Dumaan na ba dyan si Mr. Ace Barron?” ang tanong ni Ryan sa lobby guard ng tinawagan niya ito sa telepono.
“Hindi pa po. Teka po sir, dumating po ba siya kagabi?” ang tanong naman ng guard kay Ryan.
“Kanina lang siya dumating ah. Hindi nyo ba na-record ang kanyang pagpasok sa building?” ang tugon at tanong na rin ni Ryan.
“Wala po sa logbook namin. Sige po sir, itatanong ko kasamahan ko sa panggabing shift. Baka sya po ang nakakita pero hindi nai-log. Na-late po kasi ako kanina at siya muna ang nagpatuloy sa pagbabantay habang wala pa ako.” ang tugon naman ng guard kay Ryan.
“Sige, thank you na lang. Bye.” ang paalam ni Ryan sa kausap sa telepono.
Sinubukan ni Ryan na tawagan si Ace sa kanyang celfone. Subalit tila nakapatay ito o nasa lugar na walang signal. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan sa celfone si Ryan. Pero talagang hindi nagri-ring ang celfone ni Ace.
Naupo sa sofa si Ryan upang muling gamitin ang landline sa pagtawag nito sa mga guard ng building. Malakas ang pakiramdam ni Ryan na nasa building lang si Ace. Pero kung saang parte ng building ay hindi mawari ni Ryan. Subalit talagang walang nakakita kay Ace sa pagdating niya sa building o kahit ang paglisan niya. Pati ang mga roving guard ay wala ding napapansin na isang lalaki na tugma sa description ni Ace sa ano mang parte ng building na iyon.
Kabababa lamang niya ng telepono ng biglang mag-ring ang kanyang celfone. Pangalan ni Ace ang lumitaw na name ng tumatawag sa kanya.
“Hello Pards. Nasaan ka na? Bakit bigla kang umalis?” ang mga tanong agad ni Ryan.
Subalit walang naririnig na sagot si Ryan mula sa kabilang linya.
“Hello…… Hello……. Hello…….. Pards… Ace….. Ace…. Nandyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako? Nasaan ka na?” ang mga tanong muli ni Ryan.
Bahagyang tumahimik si Ryan upang pakinggan ng mabuti ang tumawag sa kanya sa kabilang linya. Baka mahina lang ang signal sa kinaroroonan ni Ace. Kaya hindi niya marinig ang mga tugon ni Ace sa kanya. Subalit walang marinig na nagsasalita sa kabilang linya si Ryan. Nanatili pa rin siya sa pakikinig. Hanggang sa marinig niya ang mga buntong hininga.
“Happy anniversary Pards. Paalam.” ang mga huling narinig ni Ryan mula sa kabilang linya.
Bigla na lamang naputol ang linya. Muling tinawagan ni Ryan ang celfone ni Ace. Subalit hindi na niya ito matawagan. Kabadong-kabado na si Ryan ng mga sandaling iyon. Hindi niya rin malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang sa mag-ring muli ang kanyang celfone.
“Hello.” ang sagot ni Ryan.
“Ryan, si Marge ito ang ate ni Ace. Alam mo na ba ang balita.” ang bungad naman ng tumawag sa kanya.
Halata sa boses ng kausap ni Ryan na umiiyak ito.
“Bakit Ate Marge? Bakit ka umiiyak? Ano yung balita?” ang mga tanong ni Ryan.
“Wala na si Ace. Iniwan na niya tayo.” ang tugon naman ng ate ni Ace.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong na naman ni Ryan.
“Kaninang madaling araw ay biglang nag-decide na bumalik sa Manila si Ace. Madilim pa sa daan at medyo umuulan. Madulas ang kalsada. Iniwasan daw niya na mabangga ang isang papasalubong na jeep. Hindi na niya na-control ang kanyang kotse. Nagtuluy-tuloy siya sa bangin. Patay na siya ng ma-recover ang kanyang katawan.” ang nasabi ni Marge kay Ryan.
Parang natulala na lamang si Ryan dahil sa kanyang nalaman. Hindi na niya nakuha pang kausapin ang ate ni Ace. Naupo na lamang siya sa sofa at inabot ang isang picture frame na may larawan nilang dalawa ni Ace. Tinitigan niya ito at hindi nagtagal ay nagsimula ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Unti-unting niyang naala-ala ang mga nangyari ng umagang iyon. Sa wari niya ay hindi iyon isang panaginip. Totoong kapiling niya si Ace ng umagang iyon. Marahil kahit sa huling pagkakataon ay pinilit pa rin na minsan pang ipadama ni Ace ang pagmamahal niyang wagas kay Ryan.