Sobrang Sabik Part 2

Umuwi din naman agad ko, dahil sa pagod sa paglalaro ay nagutom talaga ako, pagkatapos kumain ay nagshower muna ako at humiga na sa kama, pero hindi ako makatulog dahil sa laging nasa isip ko si besi at sa twing maalala ko ang mukha.

Ngiti at ang pagkasweet nya sa akin ay parang matutunaw ako sa saya at kaya bumangon ako at nagpunta ng terrace. John gising ka pa pala, sabi sa akin ni kuya Allen ang gardener namin, hindi kasi ako makatulog eh, bakit namin eh 10pm na sabi nya sa akin.

Kumuha ako ng 2 beer in can, at tinagay namin yon, habang ang mga ito ay ang nagkakainoman ay tinanong ko sya, Kuya Allen, anong ibig sabihin paglagi mong naiisip ang isang tao?nagulat si kuya Allen sa tanong ko kaya, inisar nya muna ako,close din kasi kami nitong si kuya allen.

Pero hindi ko sya sinagot. Dahil ayaw kong malaman nyang si Jane ang nasa isip ko, kaya nagtanong ulit sya, Babae ba? Mr. Numb” Oo eh kuya, kaya pinayuhan nya ako, alam mo John sa palagay ko, kaya ka nagkakagandyan, kasi inlove ka na, ooyyy inlove na si mr numb.

Asarin ba naman ako, sabi ko sa kanya, alam mo john kung ako sayo eh sasabihin ko na agad ang nararamdaman ko sa babaeng nagusgustohan ko habang maykakataon, kasi ang pagkakataon minsan lang dumating, kaw din baka mgasisi ka.

Aba galing naman ni fr. Allen, pang-aasar ko sa kanya, kasi kilala ko tong si Kuya Allen babaero sya, at kahit kailan ay hindi ko pa sya nakitang nagseryoso sa babae,

Nagpatuloy ang inoman namin,nang medyo naliliyo na ako dahil sa nakailang beer din kami ay nagkwento sya sa akin tungkol sa first love nya, at naging 1st girlfriend nya, kaya pala sya chickboy ay dahil niloko sya nito, may iba pa palang bf ang gf nya at pinagsabay pa sila.

Nang nalaman nya ito ay parang gumuho ang mundo nya, dahil sa sinabi ng girlfriend nyang pampalipas oras lang daw ang mga lalaki, pero dahil nga sa 1st love nya ito ay hinabol pa nya ito, pero hindi na ito pinagbigyan ng 1st girlfriend nya, kaya ganon na lang ang galit nya dito, kay simula ng medyo naka move-on sya ay pinangako nyang hindi na sya magseseryoso sa mga babae.

At sinabi din nyang kung sakali dawn a muling ii-big sya ay hindi na ito mag aaksaya ng panahon, sasabihin nya agad ito sa babae. Nakailan din lata kami ng beer, kaya napadami din ang mga kinuwento nito sa akin, lalo na tungkol sa sex.

Talaga palang madami nang pinaluhang mga babae itong si kuya allen, magandang lalaki, maskulado, maputi kaya hindi na rin nakakapagtaka na madami na syang naging syota, hindi nga sya mukang hardenero lang eh, medyo kahawig kasi sya ni Albert Martinez kaya madaling nakakabingwit ng babae.

Natapos ang aming inoman parting 1am na rin kaya madali ako nakatulog, pero bago ako nakatulog ay si besi pa rin ang nasa isip ko. Kinabukasan habang kumain ako ng breakfast.

Hi John, good morning aba besi, kaw pala, kain ka. Habang kumain kami ay niyaya nya akong maglaro ng tennis, kya pagkatpos naming kumain ng breakfast ay nagpunta agad kami sa sportsplaza at naglaro kami ng tennis don, ng medyo pagod na kami ay nagpahinga kami,

Nauuhaw ako besi bili ka naman ng tubig utos nya sa akin kaya bumili ako ng mineralwater, habang umiinom sya ng tubig ay napatingin ako sa kanya, Jane!! Sabi ko sa kanya na medyo kinakabahan, Bakit?tanong nya sa akin,

Kasi may itatanong ako, ano yun?sabi ni jane na nakatingin malapit sa mukha ko na medyo nagpapacute, besi ,,kasiii,may bf ka na ba talaga? Oo nga diba sinabi ko na sayo, Miguel ang pangalan nya, bakit mo nga pala natanong?sabi nya sa akin na habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.

Wala kalimutan mo na lang, tara laro ulit tayo at naglaro kami at don na rin kami kumain may lunchbox kasi kaming dala, inabot din ng gabi bago kami nakauwi nanood pa kasi kami ng liga ng basketball.

Habang naglalakad pauwi, tinanong ko ulit sya, Jane may bf ka na ba ang talaga? bakit mo tinanong na naman yan?, kaw talaga inaasar mo na naman ako”sabay kurot sa pisngi ko ang cute talaga ng besi ko, bakit ha?wala kalimutan mo na lang. Pagdating sa gate ng bahay nila.

Sige besi pasok na ko sa loob” sabay halik sa pisngi ko, ng papasok na sya sa loob ay bigla ko syanghinila at hinalikan. nagulat sya sa ginawa ko,kaya nagsalita sya john wag, pero hindi ko sya pinakingan bagkus niyakap ko pa sya ng mahigpit.

John hindi ako makahinga, sabi nya sa akin, pero imbis na bitawan ay muli ko syang hinalika “john wag” sabi nya sa akin, bigla nya akong tinulak, sige baka hinahanap na ako ni mommy ,sabi nya sa akin.

At pumasok sa loob ng kanilang bahay,Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko sa best friend ko, kaya agad akong pumasok ng bahay at nagkulong sa kwarto..

Kinabukasan,lumipas ang isang buong araw na hindi sya napunta ng bahay, siguradong galit sya sa akin gusto ko sanang magsorry pero hindi ko magawa kasi sobrang nakakahiya ang ginawa ko, kinahaponan, biglang kinatok ni mama ang pinto ng kwarto ko.

Agad akong bumangon at lumabas, pero pagdating sa may terrace kung nasaan si jane ay bigla akong kinabahan dahil sa ginawa ko sa kanya,pero bigla syang bumati sa akin,

“Gandang Hapon” advance merry Christmas nagulat talaga ako dahil parang baliwala sa kanya ang ginawa kung paghalik sa kanya, akala ko galit sya pero, Punta ka sa amin bukas ha,wag mong kakalimutan ang gift ko(every year naming ginawa yong sabay na pagkain kasama pamilya nya kaso last yr lang hindi kasi hindi sya sa kanila nagchristmas don sa lola nya).

Kailangan special gift mo sa akin ah hintayin kita bukas ng gabi sa amin ka na mag dinner…talagang nagulat ako kasi parang wala lang yong ginawa ko sa kanya, magsosorry sana ako kaso biglang syang umalis at hindi ko na napigilan kaya bukas na lang ng umaga ako magsosory sa kanya, sabi ko sa sarili…

Kinabukasan.,”Christmas day”! Pagkatapos kong kamain ng agahan ay agad akong pumunta kina jane para kausapin sya at syempre para magsorry, ate mina asan po si jane?tanong ko sa maid nila na kasalukuyang naglilinis ng swimmingpool,ay naku wala totoy may pinuntahan sabi ni ate mina sa akin, umalis na agad ako at umuwi,

Hinintay ko syang dumaan,at naghintay ako sa may terrace pero tanghali na ay di pa sya nadaan kya kumain muna ako ng tanghalian, pagkatapos kong kumain ay naghintay uli ako sa may terrace, mag ti 3o’clock na rin nung sya ay dumaan pero laking gulat ko ng may kasama syang lalaki,agad akong pumasok sa loob para di nya ko makita.

Itutuloy…