The Enslave Story Part 12

“HIJA, baka mahipan ka ng masamang hangin at hindi mo na maigalaw ‘yang leeg mo,” tudyo kay Monique ng kanyang Yaya Mercy.

Ngumiti lang siya. Ilang segundo na ring nawala sa paningin niya ang sasakyan ni Raffy subalit naroon pa rin siya sa labas ng bakuran nila at nakatanaw sa kalsada.

She refused his invitation. Alam niya namang pabalat-bunga lamang ang imbitasyong iyon. Perhaps he just felt the need to do that out of respect. Isa pa, kahit pa siguro sinsero ang pag anyaya nito sa kanya, hindi pa rin talaga siya sasama kasi walang papalit sa kanyang ina sa ospital. Mabuti na ring masolo nito si Eon. That would give Raffy the chance to bond with his son freely without her constant nagging.

“Mabuti naman at nagkakaigihan na kayo ni Rafael,” wika ng kanyang yaya habang papasok na sila sa loob ng bahay.

“No, no. Hindi kami nagkakaigihan, yaya. Walang gano’n,” nakangiwing tugon niya. “We’re just being civil towards each other for the sake of our son.”

Tumaas ang kilay ng kanyang yaya. “Sus, sa tanda kong ito, ako ba’y mapaglalalangan niyo pa, anak? Halata naman sa mga kilos ninyong dalawa na mahal niyo pa rin ang isa’t isa,” dagdag pa nito saka ngumiti ng makahulugan.

“Yaya!” She felt her cheeks flush.

“Naku, halika na’t mag-agahan, hija. Amy, handa na ba ang pagkain?” Baling nito sa kawaksi.

She silently ate her breakfast. Her mind’s still occupied by the thought of her only son.

PAGDATING ni Monique sa ospital ay ang maaliwalas na mukha ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya. Her dad woke up and he’s recovering well. Masayang masaya ang kanyang ina sapagkat nakakapagsalita ang kanyang daddy ng maayos. Ayon sa doktor nito, mabuti at naagapan nila agad at ilang araw na lang umano itong mananatili sa ospital para maobserbahan.

She told her mom to go home. Ayaw pa sana nitong umuwi ngunit pinilit niya ito sapagkat kailangan nitong magpahinga. Natatakot siyang ito naman ang magkasakit dahil ilang araw na rin itong nagpupuyat.

“Call me when your dad wakes up. The doctor said he’s just sleeping because of his meds,” anito sabay halik sa kanyang pisngi.

“And by the way, where’s my grandson? I’m sure matutuwa si Manolo kapag makikita niya si Eon paggising niya,” dagdag pa nito.

“He’s with his dad. Raffy and I agreed on a shared custody and parenting plan for Eon,” sagot niya.

Tila namangha ang kanyang ina sa narinig. “That’s good to hear. Mabuti naman at nagkasundo kayo ni Rafael.

Tumango lang siya. Ayaw niya nang mag usisa pa ito kagaya ng ginawa ng kanyang yaya. Sa ngayon ay nababahala siya kung na ano na ang nangyayari kay Eon. Did Raffy even give him breakfast? Baka sa sobrang excitement ay dumiretso na ang dalawa sa Subic!

Nang makaalis ang kanyang mommy ay halos ngatngatin niya na ang kanyang mga kuko dahil sa labis pag-aalala. She knows she’s being paranoid. But what the heck, she can’t help herself. Ever since Eon was born, she was the only one who took care of him.

Magmula nang manirahan siya sa California ay naging dormant na ang lahat ng kanyang social media accounts. That was her personal choice. Nanatili lamang siyang konektado sa kanyang pamilya at kay Dra. Delgado sa pamamagitan ng Skype.

And all the while, she’s just been a lurker. She also decided to unfollow some people that reminded her of her past. Nangunguna roon si Raffy. She unfollowed him on Facebook. She never unfriended him because that would raise suspicion amongst their own circle of friends. Kaya in-unfollow niya lamang ito para hindi na siya makakita ng anumang update mula rito.

Pero ngayon, wala siyang ibang paraan para malaman kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanyang anak. She got her phone from her purse and checked his feed. She ticked the ‘Follow’ button and set it to ‘See First’ so she’ll readily see his updates on her newsfeed. Maging sa Instagram ay naging alerto siya.

Ah, yes, she just went from being ‘Monique the Super Mom’ to becoming ‘Monique the Stalker Mom’, real quick.

Napakagat-labi siya. Wala naman sigurong masama sa ginagawa niya.

Ilang sandali pa ay nagbunga rin ang stalking skills niya. She received a Facebook notification saying that “Rafael Ephraim Gamboa is live now”. It’s as if all the blood from her extremities surged up to her brain. Sa nanginginig na mga kamay ay pinindot niya ang naturang notification.

Base sa naturang video ay si Eon ang may hawak ng cellphone nito. Maraming comments na gumagalaw sa screen pero hindi siya nakatutok roon. Pinakikinggan niyang maigi ang pinagsasabi ng mag-ama.

“Dad, look!” Bulalas ni Eon mula sa video.

“Eon, buddy, enough of that. You should eat first,” sagot naman ni Raffy.

“Hello everyone, hello dad’s friends! Let’s eat!” Bibong turan ni Eon habang nakatutok ang camera sa mukha nito. He even has brown stains on the sides of his mouth which, she gathers, he got from drinking hot chocolate.

“Oh, hey! Mommy’s watching! Hi there, mommy! Dad took me to a superb breakfast buffet!”

Huh? Paano nito nalaman na nanunuod siya sa live video ng mga ito?

“Shit,” she cursed. She was about to exit from the said video but she caught a glimpse of a familiar face.

“Eon, dear, tama na ‘yan. Eat your breakfast na,” nakangiting wika ng babae sa tabi nito. Pinunasan pa nito ang chococate stains sa paligid ng bibig ni Eon.

“Thank you, Tita Becc!” Her son said before the live video ended.

Tila nanlamig ang buong katawan niya sa nakita. She tried to watch the video again but Facebook says it cannot be accessed anymore.

Hindi niya maapuhap kung ano ang emosyong namumuo sa kanyang dibdib. She just can’t process the fact that her son is out there having fun with Raffy’s woman, Rebecca.

“M-Monique…” ang mahinang boses ng kanyang ama ang pumukaw sa kanya.

“Dad!” Tili niya. Agad siyang tumabi rito at niyakap ito.

“I’m glad you’ve finally come home, sweetheart,” anito sabay ganti ng yakap.

“Dad…” namalisbis ang mga luha sa kanyang pisngi. She’s so happy yet she’s mad at the same time.

“You scared us to death, daddy!” Aniya. “Don’t you ever do that again!” Nagtatampong bulalas niya.

“Kung hindi pa ako inatake sa puso, hindi uuwi ang aking unica hija,” nahihimigan niya rin ang pagtatampo sa boses nito.

“Dad, I’m sorry…” aniya.

Ginagap nito ang kanyang kamay.

“Where’s my grandson?” Tanong nito. Sabik na makita ang kaisa-isang apo.

“Eon’s with… with Raffy,” aniya. Nagmistulang bulong ang pagkakasabi niya ng mga naturang kataga.

Her dad eyed her intently. Tila sinusukat nito ang mga sinabi niya, ang reaksyon niya, ang buo niyang pagkatao.

“Consuelo and I suffered from great pain and anguish when our only daughter, our princess, left us without telling us what really happened,” simula nito. Nakatanaw sa bintana.

“It was such a mystery that our daughter, our perfect daughter, is suddenly leaving…” dagdag pa nito.

Perfect daughter…Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang isipan.

“You’ve never been a problem child. You graduated with latin honors, you were sweet and loving. You’re kind to people, even to our household help. But then you dropped everything and decided to go to the States. Gabi-gabing umiiyak ang mama mo, asking me what happened, what went wrong. Bakit bigla ka nalang umalis,” napapailing ang kanyang ama.

“You’re mom didn’t have the courage to ask you what happened. She’s just constantly bugging herself about the possible reasons why you left. Umabot sa puntong naglalagi na siya sa dating kuwarto mo at doon magdamag na umiiyak. Ni hindi na siya kumakain…”

“Dad…” aniya sabay hikbi. Hindi niya sukat-akalain na nasaktan niya pala ng labis ang kanyang mga magulang sa pag-alis niya.

“That was when your Yaya Mercedita came to the scene, ibinunyag niya ang nangyari. Ang lahat-lahat. I wanted to kill those men. I wanted to kill Rafael for hurting you. And God knows how furious and driven I am to kill that bastard who… who…” hindi na nito naituloy ang sasabihin. Napahawak ito sa dibdib nito.

“Dad! Daddy, please!” Huminahon ang kanyang ama. Binigyan niya ito ng basong tubig kapagkuwan ay tinawag ang nurse. They took her dad’s vital signs and urged him to rest. Nakiusap din siya ritong huwag na muna itong mag-isip ng mga bagay na magiging sanhi ng alta presyon nito.

Nanlulumong nanatili siya sa tabi nito. Humihingi ng tawad sa ginawang pag iwan sa mga ito nang walang sinasabing rason.

Mag-aalas sais ng gabi nang dumating ang kanyang ina. Habang abala ito sa paghahanda ng mga dalang pagkain ay binalikan niya naman ang kanyang cellphone. Wala nang iba pang update si Raffy kundi ang isang picture na kanina pa nito in-upload. Kasama sa naturang larawan si Rebecca. Yakap-yakap nito si Eon.

Sa mga mata marahil ng ibang tao ay magmimistulang larawan ng isang masayang pamilya sina Rebecca, Eon at Raffy. A lot of people are congratulating them on the said post.

Since Rebecca was tagged on that picture, she decided to inflict some more pain on herself and visited her profile. There’s nothing much on Rebecca’s feed. Masyadong pribado ang account nito. What shook her though is the fact that her relationship status is listed as ‘married’.

She’s married to a certain Michael Vincent del Valle. And upon checking the linked account, the guy’s profile picture shook her to her core.

CHAPTER 22

Rationalization

“OUCH! Ah! Ouchy! Aaawww!” Napapangiwi si Raffy sa tuwing dumadaing ang kanyang anak.

“Anak, just stay still!” Bulalas niya habang pinapahiran ng cooling ointment ang magkabilang balikat at braso ni Eon. His skin’s roasted. Araw ng Biyernes at maghapon silang nag-surfing sa San Felipe. Sigurado siya na hindi na nila maitutuloy ang planong wakeboarding bukas. Pulang pula na kasi ang balat nito. Para nga silang pinagbiyak na bunga ni Eon pero hindi naman maitatangging ang kutis nito ay namana nito kay Monique.

“Patay talaga tayo sa mommy mo nito,” napapailing at napapalatak na wika niya.

Wala na siyang magagawa. Nakalimutan niya talagang pahiran ito ng sunblock bago pa man sila lumusong sa dagat. Hindi rin naman kasi siya gumagamit niyon. Nag-isip na siya ng pwedeng gawing palusot kay Monique. Sasabihin niya nalang na wala siyang dalang sunblock. Binasa niya rin ang email nito. Nakalagay nga roon na kung sakaling maglalalagi sila sa dagat, dapat tuwing tatlumpong minuto ay magpapahid ng sunblock.

“Dad,” anito saka nakapikit na inilapit ang mukha sa kanya.

“Jesus Christ!” He uttered in shock. Pulang pula ang pisngi at ilong nito. Tiyak na sa pagbalik nila ng Maynila sa Linggo ay iitim na ang kanyang anak.

“Daddy! Hurry! It’s so painful!”

“Teka, teka… I’m not sure if we can apply this to your face, buddy. Shit!” Natatarantang wika niya.

He grabbed his phone and dialed Monique’s number. Sa unang ring pa lang ay sinagot na nito agad ang tawag.

“What happened? Is Eon okay?” Bungad kaagad nito. She sounded frantic.

“Ah, y-yeah…” sagot na lamang niya. Hindi pa nga niya nasasabi kung ano ang problema, medyo beast mode na ito. Paano nalang kung malaman nito ang nangyari kay Eon.

“‘You sure?”

“Yes.”

“Then why did you call up?”

“Aaahhhhh!” Bigla siyang napalingon kay Eon. Tinakpan niya ng kanyang palad ang bibig nito.

“Nothing. I just wanna tell you that we’re having a great time. B-Bye,” aniya sabay kansela ng tawag. Kapagkuwan ay tinawagan niya si Rebecca.

“Becc, ano’ng gagawin ko? Mahapding mahapdi raw ang balat ni Eon. His skin’s severely sunburnt,” litanya niya nang sagutin nito ang tawag.

Humikab muna ito bago nagsalita.

“Didn’t you apply sunblock before you went surfing?”

“What do you think?!”

“Chill out, dadzilla!” Anito sabay tawa.

“Should I bring him to the hospital?”

Humalakhak naman ito sa kabilang linya.

“I never thought that fatherhood could turn you into this…” humalakhak na naman ito.

“Becca!” Bulyaw niya.

“Okay, chill, just ice it and he’ll be fine,” anito.

“Thank you,” he said and ended the call.

Kumuha siya ng ice cubes sa mini fridge ng tinutuluyan nilang hotel. It’s actually one of the hotels where he has some sizable share.

Sinimulan niya nang lagyan ng ice ang pisngi at ilong ni Eon. Mukhang gumagaan na rin ang pakiramdam nito. He could see Eon’s lips twitch into a smile.

“We’ll try the jetski tomorrow, right? Right, dad?” He sounded so excited.

“No, buddy. Look at your skin. Your mom will kill me if I return you this way,” paliwanag niya.

Eon pouted and turned his back on him.

“Eon,” untag niya.

Ngunit hindi siya nito pinansin. Bagkus ay kinuha nito ay bowl ng ice cubes at mag-isang pinapaikot ikot ang yelo sa mukha nito.

He sighed.

“Okay, okay… We’ll try the jetski tomorrow,” aniya.

“Yehey! I love you, daddy!”

STABLE na ang kondisyon ng ama ni Monique kaya napagpasyahan niyang dumalaw sa kanyang therapist na si Dra. Delgado. Malaki ang utang na loob niya rito. During the darkest moments of her life, the therapy sessions she had with her, coupled with her faith, kept her sane.

Pinaghintay muna siya ng receptionist sa receiving area ng clinic nito sapagkat may kliyente pa diumano si Dra. Delgado. She didn’t mind waiting. Besides, she did not book an appointment.

Makalipas ng mahigit labinlimang minuto ay may lumabas na mga kliyente mula sa private office kung saan ito nagco-conduct ng therapy. The clients seemed to be a couple. Namumukhaan niya ang babae. She was the famous British-Filipina Victoria’s Secret model who was once involved in a murder case. Masayang lumabas ng naturang clinic ang dalawa.

“Ms. Velez, pwede na po kayong pumasok,” untag sa kanya ng receptionist.

Nginitian niya ito at naglakad na siya papasok sa opisina ng doktora.

“Monique, what a pleasant surprise!” Anito.

Hindi niya napigilang sugurin ito ng yakap. She’s aware that the nature of the relationship they have is strictly professional. But over the years, she considered Dra. Delgado as a second mother.

“When did you arrive from the States?” Tanong nito.

“Mahigit isang linggo na po,” aniya.

The elegant psychiatrist eyed her intently. Humiga naman siya sa sofa nito kagaya ng nakagawian niya na noon.

“Did you bring Gideon with you?”

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *