The Enslave Story Part 9
Naihilamos ni Raffy ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Napatingin siya kay Monique na ngayo’y hinahaplos ang namumulang pisngi.
Habang papasok siya sa lobby ng condominium building nito ay nakita niya si Michael. Kaya naman nagpupuyos siya sa galit habang paakyat sa unit ng dalaga.
Ano’ng ginawa ng mga ito? Did they have sex while he was out comforting his bestfriend, Rebecca?
He’s turning into a monster. No, he is already a monster. How could he do this to his fiancee? How did he end up resorting to physical violence?
Muli niyang nilapitan si Monique at inalo. Napapitlag pa ito sa pagdapo ng kanyang kamay sa balikat nito. He heaved a sigh as he hugged her tight.
“I’m sorry, b-baby…” Mahinang usal niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. He cupped her face and wiped away her tears.
“I’m so sorry, ‘Nique.” Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Everything that he’s done to her these past few days… every physical pain he inflicted… every hurtful word he said… it all flashed before him and echoed in his mind.
Napatiim-bagang siya. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano siya kagago. Oo, pinagtaksilan siya ng kanyang fiancee pero hindi pa rin tamang saktan niya ito. Sana lumayo nalang muna siya. Sana hinayaan niya nalang munang humupa ang init ng kanyang ulo at ang poot sa puso niya.
Kung sana kayang pawiin ng halik at yakap ang bawat sampal, ang bawat masasakit na salitang kanyang binitawan. Pero hindi. Huli na ang lahat. Napakasama niyang nobyo. Alam niyang habang buhay siyang uusigin ng kanyang konsensya sa lahat ng kanyang ginawa kay Monique.
Ang malambot nitong palad ay humaplos sa kanyang pisngi. Hinawakan niya iyon at hinalikan. How could she still be this sweet?
“Ako ang dapat h-humingi ng tawad, R-Raff…” anito. Hilam ng luha ang mga mata.
“Sssshhh.. You made a mistake, but that doesn’t give me the right to hurt you,” he said as he surveyed all the parts of her body that has bruises. Umigting ang kanyang panga nang makita ang namuong pasa sa palapulsuhan nito.
Siya, at wala nang iba, ang may kagagawan no’n.
You’re a bastard, Raffy! Aniya sa kanyang sarili.
Pinangko niya si Monique at dinala sa kwarto. Pagkalapag sa kama ay kinumutan niya ito.
“Rest. I’ll cook you breakfast and I’ll bring it here,” aniya pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito.
Pagkalabas niya ng kwarto ay halos suntukin niya na ang pintuan upang mailabas ang lahat ng kanyang kinikimkim na emosyon.
Wala nang patutunguhan pa ang kanilang relasyon ni Monique. Kung ipagpapatuloy pa nila ito ay magkakasakitan lang sila. If they continue with their relationship, they might end up not just hurting each other but hating each other as well.
MASUSUYONG haplos sa kanyang buhok ang nagpagising kay Monique. As she opened her eyes, she saw Raffy smiling at her. But his smile didn’t reach his eyes. Alam niyang nasasaktan pa rin si Raffy.
Despite all the violence and the physical pain he caused her, she believes that he’s still the same Raffy she knew. The same Raffy who loves her dearly. The same Raffy who supports her and believes in her. The same Raffy whom she wanted to spend her lifetime with…
Nakangiting isiniksik niya ang sarili sa dibdib nito. She inhaled his manly scent and took him all in. His familiar scent filled her senses. The same scent which gave her all sorts of feelings. Love, longing, and even security.
“‘Lika na? It’s already lunch time. Pagbalik ko dito kanina, himbing na himbing ka na, kaya hindi nalang kita ginising,” anito sabay ngiti.
Ginagap niya ang kamay nito at sabay na silang lumabas ng kwarto. May nakita siyang take-out bags sa mesa. Nang mamataan niya ang mga nakasulat roon ay natutop niya ang kanyang bibig.
“Oh my God! I totally forgot about my restaurant!” Bulalas niya.
Raffy chuckled. “‘Wag kang mag-alala. Tinututukan naman iyon ng mga magulang mo. And I went there earlier so I ordered for our lunch.”
Talagang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya dahil sa mga pangyayari. Halos makalimutan niya na ngang may gourmet restaurant nga pala siya sa BGC.
Napapailing iling siya habang inililipat ang mga pagkain sa bowls at mga plato. Sana ganito nalang palagi. Sana hindi na sila mag away ni Raffy. Sana makalimutan nalang nila ang lahat.
WEEKS passed and everything went well between her and Raffy. They never had a fight. He was very attentive to her. The cheating issue was never brought up. And everything was perfect, as if nothing happened. It’s as if they were under a spell.
But that spell was broken when he went home one day, tipsy. Naungkat na naman ang lahat. Lahat ng kanyang pagkakamali. Lahat ng nagawa niyang kasalanan. Lahat ng kataksilang ginawa niya na ikinasira ng relasyon nila.
Nanginginig siya sa takot nang gabing iyon. Inakala niya kasing nagbago na ang lahat at hindi na sila mag aaway pa ni Raffy sapagkat ni hindi na naulit pa ang pananakit nito sa kanya. Kaya naman nang makita ang panlilisik ng mga mata nito habang tila lasing na isinusumbat sa kanya ang kanyang kasalanan ay halos hindi na siya tumitingin dito. Baka kasi saktan na naman siya nito.
Pero hindi naman iyon nangyari. Kitang kita niya ang ibayong pagpipigil ni Raffy na saktan siya. Nang humupa na ang galit nito ay natulog sila sa magkaibang kwarto.
Kinabukasan niyon ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa mga katagang namutawi sa bibig nito.
“This isn’t working anymore, Monique.” anito sa paos na boses.
“R-Raff…” nanginginig niyang turan. May nagbabadya nang mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“I tried… I tried so fucking hard, ‘Nique.” tila nagsusumamong wika nito pagkatapos ay umiling iling.
“But every time I remember it… I… I just spiral down to my violent streak. Kapag magkasama tayo, kapag niyayakap kita at hinahalikan, when we make love… I can’t help but think about what happened between you and…” pumiksi ito. It’s as if Michael’s name is poison to his lips.
“H-hindi ko kaya, ‘Nique… So let’s just part ways. Mahal kita… Mahal na mahal pa rin kita. Despite everything, I know that I still love you. Pero hindi gano’n kadaling kalimutan ang lahat, babe. If we continue this, we’d end up hurting each other more. Ayokong saktan ka… God knows kung gaano ako nagsisisi sa ginawa kong pananakit sayo.” Mahabang paliwanag nito habang umiiyak sa kanyang harapan.
“So, let’s just end this while we still can… that way, we could still cherish our happy memories, baby.” His voice was almost pleading.
Unti unting nag sink in sa kanya ang mga pangyayari.
Iiwan na siya ni Raffy. Hindi pa rin pala siya tuluyang napapatawad nito. Akala niya may pag asa na talagang maging okay sila sapagkat naging maayos naman ang takbo ng relasyon nila nitong mga nakaraang linggo. Pero… Bakit? Paano?
Sunud-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Raff… Raffy, baby please don’t do this…” Pagmamakaawa niya habang nakayakap dito.
Hindi. Hindi siya makakapayag na tuluyan na silang maghiwalay. Hinding hindi niya hahayaang mangyari iyon.
“Raff, please!” sigaw niya nang pilit nitong kinakalas ang pagkakayakap niya rito.
“Raffyyyyy!” Hysterical niyang sigaw.
Ngunit tila binging tinungo nito ang pintuan. Kaya mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan niyon at iniharang ang sarili doon.
“Baby, please… Saktan mo ‘ko, okay lang. Slap me, beat the hell out of me! It’s okay, I deserve it. I deserve all of it. Saktan mo ko… ‘wag mo lang akong iwan…”
_________
Chapter 13
“Baby, please… Saktan mo ‘ko, okay lang. Slap me, beat the hell out of me! It’s okay, I deserve it. I deserve all of it. Saktan mo ko… ‘wag mo lang akong iwan…”
Lumuhod siya sa harapan nito. She clung onto his knees. Pleading and crying her heart out as though it’s the only way to make him stay.
Ngunit tila buo na ang desisyon ni Raffy na tapusin na ang kanilang relasyon. At iyon ang hindi niya kayang tanggapin. Mahal na mahal niya si Raffy. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. What kind of life would she live if he’s not by her side?
“M-mahal na mahal kita…” she whispered in between sobs.
“If you really did love me, you wouldn’t have cheated on me.”
His words were like a thousand daggers slicing through her heart. The coldness in his voice was like a slap to her dignity. Mas masakit nga pala talaga ang mga salita kung ikukumpara sa pisikal na pananakit. Agad siyang nanghina. Dahan-dahan siyang napabitiw mula sa pagkakakapit sa mga binti nito.
Gusto niyang tumawa ng pagak. Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Gusto niyang ipamukha sa kanyang sarili na kagagawan niya ang lahat ng ito. Na kung iiwan man siya ni Raffy ay nararapat lang iyon sapagkat masama siyang babae. Nagpatalo siya sa kaway ng tukso. Nasaan na nga ba ang sinasabi niyang pagmamahal niya para rito? Nasaan na ang naturang pagmamahal noong maka-ilang ulit niya itong pinagtaksilan?
She hugged her knees as if it’s the only way to gather all the broken pieces of her soul. Binalot siya ng kahihiyan, ng pagsisisi, at pagkamuhi sa sarili.
Unti-unti niyang naramdaman ang pagluhod ni Raffy sa kanyang harapan. He cupped her face until their gazes met.
“I… I was caught off guard. I didn’t mean what I said, ‘Nique. I’m sorry.” Anito habang hinahalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
“Y-you’re right. You’re right. I don’t deserve you… I deserve to be alone and miserable.”
“No… Ssshhh. Please…”
She smiled bitterly as she wiped her tears. Kailangan niyang tanggapin ang mapait na katotohanan. The thought of losing him forever pains her but then again, she deserves all the pain.
Nag-aatubiling iniangat niya ang kanyang kamay upang haplusin pisngi nito.
Will this be the last time that she would get to caress his face?
Habang nakatitig sa mukha nito ay may sumaging alaala sa kanyang isipan…
Walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang puso habang tinititigan ang princess cut diamond engagement ring na binigay sa kanya ni Raffy nang magpropose ito sa kanya kani-kanina lang. Nasa isang bahay bakasyunan sila ngayon sa Tagaytay. Ang akala niya ay dinala lamang siya doon ni Raffy bilang sorpresa para sa kanya. She just graduated with Latin honors on her business management degree. Ipinaalam siya nito sa kanyang mga magulang na dadalhin diumano siya sa Tagaytay para magkapag-relax.
Hindi niya naman akalain na magpo-propose ito. Sabay silang nakatanaw sa papalubog na araw nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. Tandang tanda niya pa ang mga katagang namutawi sa bibig nito.
“I know this is too soon, but I can’t wait any longer. When you were in high school, when you asked me to be your escort to your prom even though I’m already in college, I knew back then that you’re the one. Kinaya kong maghintay, at kaya ko pang maghintay. But I want to wait while fully knowing that you’re mine to keep. Kung hindi ka pa handa, okay lang. Maghihintay pa rin ako… Just, please spend your lifetime with me, Monique Valerie Velez…”
Sunud-sunod ang pagpatak ng kanyag luha. Ano pa bang maihihiling niya? Napakabait nitong boyfriend. At sa loob ng limang taon nila bilang magnobyo ay iginalang siya nito.
Hinaplos niya ang pisngi nito at tumango tango. “Yes, I’ll spend my lifetime with you, Rafael Ephraim Gamboa.” Hilam ng luha ang kanyang mga mata ngunit nakangiti siya. The near-crimson hue of the setting sun casted shadows upon his handsome face. Kaya naman hinaplos niyang muli ang pisngi nito.
“Have I ever thanked you, baby? Thank you for being so understanding, so gentle… I love you…” Puno ng emosyong turan niya habang hinahaplos pa rin ang mukha nito…
“I love you…” Tila wala sa sariling bulalas niya habang hinahaplos ang mukha ni Raffy.
He stared at her intently like he wanted to look deeper into her consciousness. She was like awakened from a trance. Hindi niya namalayang naibulalas niya pala ang mga katagang iyon. Perhaps, to him, those words mean nothing, especially because it’s coming from her. It’s coming from a lying, cheating bitch named Monique.
“I’m sorry… I’m so sorry…” wika niya habang dahan dahang tumayo. He helped her stand. She held his hand and gathered all the courage left of her to smile at him as she bids farewell.
“Before you leave, a-allow me t-to wish you well. Kahit ubusin ko pa lahat ng sorry sa mundo, alam kong malabo na’ng mapatawad mo ‘ko. But, please do know that I wish you happiness, Raff. I hope that one day, you’ll find her. Sana balang araw matagpuan mo ang babaeng para sa’yo. And I hope that when you find her, she would turn out to be the right one who deserves to spend a lifetime with you.” Kagat ang ibabang labing wika niya, pinipigilang maigi ang paghagulhol.
“‘Nique…”
Pinilit niyang ngumiti.
“Salamat sa lahat lahat, Raff.”
Niyakap siya nito ng mahigpit. Gusto niyang gumanti ng yakap pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Natatakot siya na kung gagawin niya iyon ay baka hindi niya na kayang bumitiw. She’s afraid that she might be selfish again and never let him go despite the fact that he deserves to be free.