Tukso kay Dan Season 2 Part 10

Chapter 10

Pagpasok ni Dan sa loob ng restobar ay mabigat ang pakiramdam na tumingin siya sa direksyon ni Mika. At ng gumawi din ang paningin ni Mika sa kanya ay isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa dalaga. Dahil mamaya na ang huling gabi na maihahatid at makakatabi niya sa pagtulog si Mika. Ang kanilang nakatakdang paghihiwalay ay magaganap na din, na kahit gabi-gabi silang magkikita sa trabaho ay ang katotohonang wala na silang relasyon ay dapat nilang kapwa tanggapin.

Mula naman sa kinaroroonan ni Mika ay isang pilit na ngiti ang ibinigay niya kay Dan. Pagod na siyang lumuha, masyado na siyang kaawa-awa sa harapan ni Dan. Masakit man sa kanya ang pagtatapos ng kanilang relasyon ay hindi naman niya mapipilit na si Dan. Kung hanggang kailan siya makakatiis ng nakikita at nakakasama sa lugar na ito si Dan ay ang hindi niya alam. Dahil ang bawat sandali na nasa iisang lugar silang dalawa ay sadyang napakasakit naman sa kanya. Dahil para saan pa at nakikita niya si Dan kung hindi naman niya mararamdaman na parte pa din siya ng buhay nito. Kapwa nila kailangan ni Dan ang manatili sa lugar na ito. Kay Dan para sa patuloy nitong pag-aaral, at sa kanya upang makatulong sa pamilyang nakasadlak sa malaking pagkakautang sa probinsiya. Ngunit siya na lang ang magsasakripisyo at lalayo kay Dan. Isang huling regalo sa iniibig niyang binata kasama ng isang hiling na sana ay makamtan ni Dan ang tunay na kaligayahan na hindi nito nakita sa kanya.

“Mika…” ang mahinang pagtawag ni Alex sa dalaga.

Tumingin naman si Mika kay Alex at isang malungkot na ngiti ang muling sumilay sa kanyang labi. Kung ang puso lamang sana ay maaaring turuan ay hindi na sana siya nagdurusa ng ganito.

“M-May kailangan ka ba Alex?”

“Kung kailangan mo Mika ng makakausap? Makikinig sa mga nasa loob ng “alam mo na”. Ayaw ko ng sabihin at baka magalit ka pa sa akin.” si Alex na pilit na tumawa ng bahagya.

Ayaw man ni Mika ay napangiti din siya. Dahil alam naman niyang ang malusog niyang dibdib ang tinutumbok ni Alex.

“Sira ka talaga Alex, wala naman malisya sa akin kung ikaw magsasabi.”

Napakamot na lang sa ulo si Alex habang nahihiyang nakangiti kay Mika.

“Kapag di ko na talaga kaya Alex, damayan mo ako ha.”

Sumaludo naman si Alex, “Makakaasa ka Mika.”

“Sige na Alex, bumalik ka nasa ginagawa mo, okay lang naman ako.”

Nakangiting tumalikod sa Alex, at ang ngiti na nasa kanyang labi ay naglaho na ng hindi na niya kaharap si Mika. Alam naman niyang pilit ang saya ni Mika habang magkausap sila. Dahil si Dan lamang ang may kakayahang magbigay ng totoong saya sa puso at damdamin ng dalaga.

“Alex…”

Lumingon naman si Alex sa direksyon ni Mika.

“Thank you.”

Ngumiti lang si Alex at saka siya muling lumakad na palayo. Isang hiling niya na kung hindi na talaga babalikan pa ni Dan si Mika ay maging daan sana ito upang mabuksan naman kahit kaunti ang puso ni Mika sa kanya. Alam niyang iyon ay suntok sa buwan dahil sa ang isang tulad ni Mika ay isang pangarap lamang sa isang tulad niya. Ngunit ang mangarap ay wala namang kapalit na halaga at maaring gawin ninuman. At kung tunay ngang may Isang Makapangyarihang nakikinig sa bawat nating daing, ay loobin sana Nito na mangyari ang kanyang natatanging napakatagal ng hiling.

Pagkatapos magpalit ng damit ni Dan ay nagtungo na siya sa opisina ni Arcelle. Kailangan niya ng pera para sa kulang niya sa upa. Kay Arcelle siya lalapit na alam niyang hindi din siya magdadalawang salita. Kailangan siya ni Arcelle dahil sa matinding pagkauhaw nito sa kanya. Kailangan din niya si Arcelle hindi lamang dahil sa ligayang ibinibigay nito sa kanya kung hindi mas higit dahil sa trabahong ayaw niyang mawala kasama ang mga iba’t-ibang pabor na para sa kanya lamang. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa ngunit nakasadlak na sila ni Arcelle sa sitwasyong kapwa nila kailangan ang isa’t-isa.

(“tok” “tok”)

“Mam…”

“Come in Dan.”

Binuksan ni Dan ang pinto at sinalubong naman siya ni Arcelle. Kaagad na ini-lock ni Arcelle ang pinto at saka siya yumakap sa binatang kanina pa niya hinihintay. Kusa ng bumaba ang labi ni Dan sa alam niyang sabik na labi ni Arcelle. Alam niyang ito ang gusto agad ni Arcelle sa tuwing magkikita silang dalawa, ang kalinga ng kanyang mainit na yakap at halik.

“Mabuti naman at maaga kang pumasok ngayon.” si Arcelle na nakayakap pa din kay Dan.

“Kailangan Arcelle, lumipat na kasi ako ng tirahan, mataas ang upa kaya kailangan ko talagang magdagdag ng oras sa trabaho.”

Nakangiting nilaro ni Arcelle ang labi ni Dan gamit ang kanyang daliri, “Baka maapektuhan naman ang pag-aaral mo Dan, basta pumasok ka ng seven, ako na bahala sa iba mo pang gastusin. Alam mo naman ang kapalit na gusto ko.”

At saka hinila palapit ni Arcelle ang batok ni Dan at muling naglapat ang kanilang labi.

Pilit na ngumiti si Dan at saka niya sinabi kay Arcelle ang kanyang kailangan.

“Arcelle, nakakahiya man, pero kailangan ko sana talaga ang tulong mo.” ang banayad na sabi ni Dan, mababa ang kanyang tinig ng sinabi ang kanyang nais.

“Don’t be shy, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin Dan. Just tell me.” si Arcelle na masayang nakatingin sa maamong mukha ni Dan. Ganito ang mga sandaling isa sa nagpapasaya sa kanya. Ang mga sandaling kailangan siya ni Dan. Hindi na mahalaga sa kanya kung pisikal o materyal na pangangailangan ang hangad ni Dan sa kanya. Kapwa niya iyon handang ipagkaloob kay Dan ng walang pagtutol.

“Kailangan ko sana ng two thousand, kulang ang ibinayad ko kanina para sa kwarto.”

“Kiss me again.” ang mabilis na tugon ni Arcelle sa sinabing suliranin ni Dan.

Isang masarap na halik ang ibinigay ni Dan kay Arcelle at saka ito kumalas na sa kanya. Lumapit si Arcelle sa kanyang table at naglabas ng pera mula sa kanyang dalang shoulder bag.

“Here.” at iniabot ni Arcelle ang five thousand sa natigilang si Dan.

“Ang laki naman, two thousand lang, okay na to.” at saka ibinalik ni Dan ang sobra kay Arcelle.

Umiling naman si Arcelle, “Keep it, gamitin mo para sa allowance mo yung iba.” ang masayang sabi na lang ni Arcelle, nais niyang mabaon sa ibat-ibat tulong at pabor mula sa kanya si Dan. Upang ang kanyang bawat hiling ay hindi din naman nito tanggihan.

“Thank you Arcelle.” si Dan na pilit na ding tinanggap ang kabuuang halaga na ibinigay nito sa kanya.

“Just “thank you” lang Dan?” ang sabi ng naglalambing na si Arcelle.

Napangiti naman si Dan at siya na ang kusang muling yumakap kay Arcelle ng mahigpit. Iniangat ang maganda nitong mukha at saka muling hinalikan ng mainit sa labi.

Pagkatapos ay buong init at pananabik na tiningnan ni Arcelle si Dan.

“Dan, miss na miss na kita…”

“Hindi na pwede dito Arcelle, baka may makahuli na sa atin.” ang sabi ni Dan habang nasa isipan niya ang sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Alex. Alam na ni Alex ang relasyon niya sa kanilang manager. Kung hindi sila mag-iingat ay malaki ang posibilidad na may iba pang makaalam. May tiwala siya kay Alex ngunit sa iba niyang kasamahan ay wala.

Natigilan din naman si Arcelle, alam naman niyang may punto si Dan.

“Next week ay start na ulit ang bagong project ng asawa ko. Linguhan na ang kanyang uwi, so I want some nights na akin ka Dan.” si Arcelle na lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya kay Dan. Nais niyang maramdaman ni Dan ang matinding init ng kanyang katawan kahit balot siya ng damit.

“Basta ikaw sana ang bahala sa lugar.”

Matamis na ngumiti si Arcelle, matutupad na din ang matagal na niyang gustong mangyari, ang makapiling si Dan sa buong magdamag at gigising na ito ang katabi niya sa isang malambot na kama, sa loob ng isang malamig na kwarto. Sa kwartong paulit-ulit na magiging piping saksi sa kanilang bawal ngunit napakasarap na relasyon.

“Don’t worry about that Dan, I’ll arrange everything and then sasabihin ko na lang sayo kung kailan.”

“Okay Arcelle.”

Muli nilang pinaghinang ang kanilang labi ng matagal pa na parang ayaw na nilang paghiwalayin pa.

“G-Go to work na Dan.” ang sabi ni Arcelle na punong-puno ng pagpipigil ng maghiwalay na ang kanilang labi. Dahil kung siya lang masusunod ay ayaw na niyang palabasin pa si Dan ng kanyang opisina.

Tumango naman si Dan, “Salamat ulit dito…”

Kinalma ni Arcelle ang sarili at saka siya ngumiti kay Dan. “It’s always my pleasure Dan.”

Ngumiti ulit si Dan kay Arcelle, at saka siya lumabas na ng opisina. Wala na siyang suliranin sa kanyang gagawing paglipat maliban na lamang sa huling gabi ng pagpapaalam niya kay Mika.

Bumalik naman sa kanyang pagkakaupo sa harap ng kanyang table si Arcelle. Mainit pa din ang kanyang pakiramdam ngunit kailangan niyang tiisin ang matinding libog na pilit na tumatakas sa kanyang katawan. Sa next week ay nasa malayo na ulit si Arman. Nag-iisip siya kung saan sila magpapalipas ni Dan ng gabi. Maaari naman sila ni Dan magpunta sa hotel na malayo sa lugar na ito.
Ngunit bago sila maghotel ay may isang pumasok sa isipan ni Arcelle na lalong nagpainit sa kanyang pakiramdam. Sa mismong apartment nila ni Arman niya nais na dalhin si Dan, sa mismong kama nilang mag-asawa dapat na maganap ang una nilang karanasan sa labas. Tulad ng ginawa ni Arman at ng babae nito, doon din sila magtatampisaw ni Dan sa kasalanan. “Sorry Arman, but I really can’t go back now. So please, I hope you don’t come back home unannounced. Or that would be the end of our marriage.” ang laman ng isipan ni Arcelle. Dahil kung malalaman ni Arman ang kanyang patuloy na pagtataksil ay tiyak na maghihiwalay na sila sa kabila ng katotohanan na mahal pa din naman niya ang asawa. Ngunit alipin na siya ng tukso at nakalusong na siya dito. Masakit man sa kanya ay hindi niya kayang tiisin ang matinding uhaw ng kanyang laman kay Dan. Si Dan ang mas higit niyang kailangan ngayon kaysa sa asawa niyang si Arman. At sa sandaling iyon, hindi na siya basta maaring kalasan ni Dan. Mahigpit na hinawakan ni Arcelle ang panulat na nasa kanyang kamay, “Dan, don’t expect na madali kang makakakalas sa akin kapag naghiwalay kami ng asawa ko dahil sayo. Over my dead body Dan.”

*****

Nasa bahay nina Leandro si Samantha na kausap ang ina ng binata. Dahil sa nalalapit na naman ang kaarawan ni Leandro ay nais ni Samantha kausapin ang ina nito tungkol sa gusto niyang mangyari.

“So, what do you think Tita?” ang nakangiting tanong ni Samantha kay Susan.

“I think it’s an excellent idea Sam. I like Lean to be more open about social functions and gatherings.” saka siya muling uminom ng juice mula sa basong nasa harapan.

“I know you’ll love the idea Tita.” ang masayang sabi ni Samantha na sinabayan sa pag-inom ng juice ang ina ni Leandro.

Ibinaba ni Susan ang basong hawak, “But we both know Lean doesn’t like an extravagant event, more especially when it comes to his own birthday.”

“We can tone it down naman Tita. Not something that big, pero hindi din naman boring affairs like everytime na magbe-birthday si Lean.”

Sabay silang napatingin sa may pinto ng bumukas iyon at pumasok si Leandro.

“Lean, you’re late na naman. Anong silbi ng telepono natin sa bahay kung hindi mo kami tatawagan para ipaalam kung saan ka pupunta at male-late ka ng uwi. You naman how worried I am sa inyong magkapatid lalo’t nasa States pa ang Daddy nyo.”

Lumapit si Leandro sa kanyang ina at humalik sa pisngi nito, “I’m sorry Mom, urgent matter lang na di ko pwedeng i-delay.” ang sabi ni Leandro sa kanyang ina na may kasamang matamis na ngiti. Dahil ipina-develope pa niya ang picture ni Angela na kuha ng dalaga sa may library.

“There is no next time Lean ha. Promise me that.” ang may diin na sabi ni Susan, dahil ayaw niyang nag-aalala sa kanyang mga anak.

Nagtaas si Leandro ng kanyang kanang kamay, “I promise.”

“Hi Lean…” si Samantha na nakangiti sa binata.

“Sam…” ang tipid na sagot ni Leandro sa pagbati ng kaibigan.

“Lean, stay for a while, pinag-uusapan namin ni Tita Susan ang event sa upcoming birthday mo.” ang masayang sabi ni Samantha.

Napatingin naman si Leandro sa kanyang ina, “Mom, like before, I want it be to more simple and casual. Small gathering is enough.”

Napabuntunghininga naman si Susan, “Lean, I know that, but please, just this once. Can you give in? It will do you good to have more connections early on.”

Lihim namang natuwa si Samantha, dahil parang mangyayari ang nais niya. Sa mga nakalipas na birthday ni Leandro ay laging piling kaibigan at kamag-anak lang ang napunta at simpleng salo-salo lamang ang nangyayari. Nais niyang may mag-iba, yung maraming magpupuntang mga kaibigan at kamag-anak, at may program din na mangyayari, at sa gabing iyon niya ipapakita sa lahat na siya lamang ang natatanging babae para kay Leandro. Ngayong pa lang ay parang nasa ulap na ang pakiramdam ni Samantha.

Huminga ng malalim si Leandro, “Mom, please it’s my own birthday. I’m the one suppossed to decide about it.”

“Lean, you’re Dad and I will be particularly more happy about it. You can invite more friends and everyone will have a good time.”

Saglit na natigilan si Leandro, ilang araw na lang ay pauwi na ang kanyang ama mula sa ibang bansa. Noon pa nais ng kanyang mga magulang na magdiwang siya ng kaarawan ng hindi simple gaya ng gusto niya. Dahil sa kanilang antas sa lipunan, koneksyon ang isa sa pinakaimportante na dapat ay nasa kanya bilang kahalili ng kanyang ama balang araw sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

“Fine Mom.” ang pagsang-ayon na lang ng binata.

“Lean, I’ll promise you, you’ll love every second of it.” si Samantha na masayang-masaya dahil sa pagpayag ni Leandro.

“I’ll just change my clothes.” ang paalam na ni Leandro.

Umakyat na siya sa taas at iniwan ang kanyang ina at si Samantha na masayang pinag-uusapan ang detalye ng kanyang kaarawan. Lumapit siya kwarto ng kapatid dahil nais niyang ipakita agad dito ang bagong kuha na larawan ni Angela.

(“tok” “tok”)

“Khate…” at saka napangiti si Leandro sa isiping kapag siya ay nakatok muna sa pinto ng kwarto ni Katrina. Samantalang si Katrina ay basta na lamang nagbubukas ng pinto ng kanyang kwarto.

“Come in Kuya…”

Pumasok si Leandro sa loob ng kwarto at mula sa kanyang bag ay inilabas ang isang maliit na envelope at ibinigay iyon kay Katrina.

Itinigil naman ni Katrina ang kanyang ginagawa sa study table at nakangiting kinuha naman iyon mula sa kapatid.

“Hmm? Let me guess Kuya Lean, it’s Angela.” ang masayang sabi ni Katrina. Hindi niya kailangang itago pa sa kapatid ang labis niyang pagkagusto sa dalaga.

Naupo naman si Leandro sa gilid ng kama ni Katrina habang nakatingin sa magiging ekspresyon sa magandang mukha ng kapatid.

Isang matamis na ngiti ang nasa labi ni Katrina ng masilayan ang larawang hawak. Dahil isang larawang hindi malilimutan ang nasa kanyang kamay. Ang ekspresyon ni Angela sa larawang hawak ay inosente na bagay sa maganda at napakaamo nitong mukha.

“What do you think Khate?”

“I like this picture more, napaka-angelic talaga ng face niya Kuya Lean.” ang nakangiting sabi ni Katrina.

“Yeah…” at saka napabuntunghininga si Leandro.

Tumingin naman si Katrina sa kanyang kapatid, “Is there a problem Kuya?”

Malungkot na ngumiti si Leandro, “I feel somehow guilty Khate, dalawang pictures na niya ang nasa sa akin ng hindi niya alam. Angela told me na to give her that picture. But I can’t help myself na hindi magpagawa ng copy.”

Tumabi naman si Katrina sa kapatid niyang nakaupo sa may kama habang hawak pa din niya ang larawan ni Angela.

“How long are you going to keep it a secret Kuya? For sure na angela already thinks na you like her.”

“I don’t know Khate. Gaya ng sabi ko, ayaw kong magmadali para hindi siya mabigla. Because I’m more afraid na kapag sinabi ko sa kanya, umiwas naman siya sa akin.” ang malungkot na sabi ni Leandro.

“Why don’t you invite her Kuya Lean? Sa birthday mo.”

“Khate.., you know naman na I would love to, pero kailan lang kami nagkakilala.”

Hinawakan ni Katrina ang kamay ng kapatid, “Mahalaga ba talaga ang tagal ng pagkakilala Kuya Lean, for me, love is also matter of chance, you have a good reason for her to come here. She might not come, pero andun ang chance na she will come. I like her Kuya Lean, and I also like your chances sa kanya.”

“Just ask her Kuya Lean to come and be part of your special celebration. Then…, on that night, if you found a perfect moment, then tell her.”

Inalis ni Leandro ang pagkakahawak ni Katrina sa kanyang kamay, at saka niya ito niyakap. “Thank you Khate, I think I’ll do that. Since nahihirapan na din ako, I want her to be mine and for that to happen. I need to have more courage. I hope there’s magic moment waiting for me and Angela, then I’ll confess my feelings for her.”

Yumakap din si Katrina sa kapatid, “A kiss for my wonderful advice?” ang naglalambing niyang sabi sa kanyang Kuya Leandro.

Nakangiting hinalikan naman ni Leandro sa pisngi ang kapatid. At saka ito humilig sa kanyang dibdib habang kapwa sila nakatingin sa mala-anghel na larawan ni Angela.

Pagkatapos kausapin si Katrina ay lumabas na din si Leandro sa kwarto ng kapatid. Nagtungo na siya sa kanyang kwarto at inabutang nakasandal sa may pinto si Samantha.

“Sam, may kailangan ka ba?”

“I’m going home na, gusto lang kitang makita bago ako umuwi. Not unless, gusto mo akong i-invite sa room mo…” ang sabi ni Samantha na may himig ng pakiusap. Dahil ni minsan ay hindi pa siya hinayaan ni Leandro na makapasok sa sarili nitong kwarto.

“Sam…”

“I know Lean, I’m just hoping na ako ang unang girl na makakapasok sa room mo besides your Mom and Khate. I wish that it would be me Lean” ang sabi ni Katrina sa mababang tinig. Sa napakatagal na panahon ay hirap pa din siyang paamuin ang puso ng binata.

“Later Lean, see you in school tomorrow.” ang matamlay niyang paalam.

“See you Sam, take care sa pag-drive.”

Tumango lang si Samantha at saka siya bumaba na upang umuwi na din sa kanila. Kailan kaya mapagbibigyan ang kanyang hiling, na makalampas sila ni Leandro sa pagiging magkaibigan. Ngunit nakahanda pa din siyang maghintay kahit gaano man katagal. “Nobody deserves your heart Lean more than me, it only belongs to me.”

Ngayon ay may pangamba sa dibdib ni Leandro dahil kay Samantha. Kailangang malaman na ni Samantha ang totoo ngunit hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa dalaga. Isang malaking suliranin ito para kay Leandro na kailangan niyang harapin at hanapan ng solusyon. Alam niyang mahirap itong tanggapin para kay Samantha ngunit kailangan niyang aminin na ang totoo.

“I’m truly sorry Sam.” ang malungkot na sabi na lang ni Leandro habang nakatingin sa papalayong dalaga.

*****

Nasa may madlim na veranda si Christine at umiinom ng wine ng mag-isa. Katatapos lang nilang mag-usap ni Brandon, isang special dinner ang ihinanda para sa kanya ni Brandon bukas. Ramdam din niya ang labis nilang pananabik ni Brandon sa isa’t-isa ngunit mayroon sa kanilang magkaiba. Masidhing pag-ibig ang nasa damdamin ni Brandon samantalang laro at init lang naman ang na kay Christine.

Mapakla siyang ngumiti, dahil kinain niya ang sarili niyang salita na hindi siya kailanman matitikman ni Brandon. Ngunit narito siya ngayong mainit ang pakiramdam na kung pupuntahan siya ni Brandon ngayong gabi ay baka sa mismong madilim na verandang ito maganap ang una nilang pagiging isa.

“If only you can come now Brandon…” ang malamyos at buong init na sabi ni Christine.

At saka siya muling uminom ng wine habang nakatingin sa madilim na kapaligiran.

Huminga siya ng malalim, “After my first night with Brandon, then you can beg for it na Dan, sa moment natin na alam kong nasasabik ka na din. And then I’ll tell you how it feels na ibang lalake ang kapiling ko for the whole night.”

Alam niyang masasaktan si Dan dahil masasaktan din naman siya. Kailangan nilang kapwa masaktan ng tuluyan hanggang sa dumating ang araw na hindi na kaya ni Dan at pumili na ito ng isa. Anuman ang desisyon na gagawin ni Dan ay isa lang ang tiyak niya, isang malaking kapalit ang naghihintay kay Dan sinoman sa kanila ni Angela ang piliin ng binata.

“There’s no easy way out Dan, you know that already in your heart.”

*****

Habang nakahiga sa kanyang kama ay yakap ni Angela ang munting teddy bear na bigay sa kanya ni Dan. Ngayon pa lang ay nais na niyang dumating ang umaga upang magkita na ulit silang dalawa. Nais na niyang marinig mula sa labi ni Dan na may kwarto na silang dalawa. Napangiti siya ng matamis, tiyak na babawi sa kanya si Dan bukas at may masarap na yakap at halik na naman siyang pampapasigla sa umaga. Inilapit niya ang teddy bear sa kanyang mukha at saka niya iyon banayad na hinalikan, “Goodnight Dan.” At saka niya iyon inilagay sa tabi ng lagayan nitong lata na may nakataling lasong maganda. Doon siya humarap habang nakahiga, minsan pa niyang pinagmasdan ang laso at muli siyang napangiti, malapit na niyang maibigay ang regalo niya para kay Dan. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at nagsimulang mangarap sa isang masayang buhay na sila lamang dalawa ni Dan ang magkasama.

*****

Pagkatapos na ayusin ang kanyang sarili ay tahimik na lumabas ng kanilang kwarto si Mika. Nakaawang na ang pinto sa kwarto ni Dan na parang naghihintay na talaga sa kanya. Pamasok na siya sa loob at humiga sa kama habang naririnig pa niya ang lagaslas ng tubig muna sa banyo sa kwarto ni Dan. Nakatingin siya sa lumang kisame na habang iniisip na hindi na muli niya ito makikita bago matulog. Ang lahat ng alaala niya sa kwartong ito ay babaunin na lamang niya sa kanyang pag-iisa.

Bumukas ang pinto sa may banyo at lumapit sa kanya si Dan, naupo ito sa gilid ng kama at banayad na hinaplos ang kanyang buhok.

Malungkot na ngumiti si Mika, “Higa ka na Dan, alam kong pagod ka na din.”

At saka marahang tumabi si Dan sa nakahigang si Mika. Niyakap niya ito ng mahigpit at gumanti din ito ng mahigpit na yakap sa kanya. Kapwa sila nakatingin sa mukha ng isa’t-isa at ang lungkot ay nasa kanilang mga mata.

“M-Mami-miss mo kaya ako Dan?” ang mahinang tanong ni Mika.

Tumango naman si Dan at saka niya banayad na hinaplos naman ang pisngi ng dalagang nagsimula ng mabasa ng mainit nitong luha. Luha ng pamamaalam dahil sa huling gabi na magkakatabi silang dalawa.

“Mabait naman ako Dan pero bakit kaya ganito palagi ang kapalaran sa akin?” ang malungkot na muling tanong ni Mika saka siya sumubsob sa dibdib ni Dan at doon patuloy na lumuha.

Hinaplos-haplos naman ni Dan ang buhok ni Mika na parang nagpapatahan ng isang bata.

“Lilipas din ito Mika, sa tulong ng panahon, malilimutan mo din ako.” si Dan na iniangat ang malungkot na mukha ni Mika.

Umiling naman ang dalaga, “Hindi kita malilimutan Dan, dahil sa bawat sandaling hindi na kita nakikita, aalalahanin ko palagi ang unang araw na nagkakilala tayo, ang unang gabi na naging magkasama tayo sa kwartong ito, ang lahat ng alaala natin Dan ay babaunin ko sa paglisan mo sa buhay ko.”

Malungkot na ngumiti si Dan, “I’m sorry Mika. Muli ka namang lumuha dahil sa akin.”

Hinaplos ni Mika ang mukha ni Dan, “Alam ko naman na sa ganito tayo magtatapos Dan, pero magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na umasa pa din ako Dan. Na mamahalin mo din ako.”

“At kung kailangang gawin ko ulit ito, kahit alam kong muli akong masasaktan sa huli. Ito pa rin ang pipilin ko, dahil ang makasama ka Dan at maging parte ng buhay mo ay kaligayahan ko na.”

“Ngunit alam kong hindi tayo pareho makakalimot dahil nasa iisang lugar pa din tayo, kaya ako na lang ang lalayo. Huling regalo ko sayo Dan, kasama ng puso ko. Baunin mo sana sa gagawin kong paglayo ko ang pag-ibig ko na para lamang sayo.”

“Mika…, pakiusap, hayaan mong ako na lang ang umalis sa pinagtatrabahuhan natin.”

Nakangiting muling umiling si Mika, “P-Please Dan, kahit ito lang ang huling maibigay mo sa akin.”

Napapikit naman ng mga mata si Dan habang hinahaplos ni Mika ang kanyang Mukha.

“I love you Dan.”

Nagmulat ng mga mata si Dan at tumingin sa mukha ni Mika na malungkot na nakangiti sa kanya.

Minsan pa niyang hinalikan sa labi ang dalagang alam niyang sa simula pa lang ay tapat ng umibig sa kanya. Kung maaari nga lamang na hindi na masaktan si Mika ay gagawin niya. Ngunit ang kanilang kapalaran ay naiguhit na. Masakit din man sa kanya ay hiling niyang matagpuan ni Mika ang pag-ibig na hindi niya kayang ialay sa dalaga.

Nang alam ni Dan na tulog na si Mika ay nanatili siyang nakayakap dito, at sa mahinang tinig ay sinabi niya sa dalaga ang mga katagang matagal ng panahon na nais nitong marinig mula sa kanya.

“I love you Mika.”

*****

Isang tahimik na umaga ang namagitan kay Dan at sa magkapatid na sina Ella at Mika. Alam na din ni Ella na lilipat na si Dan ng tirahan mamaya. Hindi na sumabay ng pagkain sa kanila si Mika na nanatiling nakahiga lamang sa kama nito na nakatalikod sa kanila. Nang wala na si Dan ay saka lumapit si Ella sa nakahigang si Mika. Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok ng nakatalikod na kapatid, “Magiging maayos din ang lahat Mika. Kaya mo yan Mika.”

Tahimik namang umiyak si Mika na bahagyang tumango sa kanyang kapatid na nasa kanyang likuran.

Tumayo ng muli si Ella dahil kailangan na din niyang pumasok sa kanyang trabaho. Saglit pa niyang tinignan si Mika at saka siya lumabas na din ng kanilang kwarto.

*****

Hindi muna nagtuloy si Angela sa loob ng building kung saan naroon ang library. Nais niyang makita muna si Dan dahil hindi talaga siya papayag na sa ikatlong araw ay hindi pa din sila magkasama sa umaga. Magtatampo na talaga siya, sa kanilang dalawa ni Dan ang umagang ito. Malayo pa lang si Dan ay matamis ng nakangiti si Angela na itinaas ng bahagya ang kanyang kamay habang yakap ang ilang aklat upang mapansin siya agad ni Dan. Nang tumango na sa kanya ang kasintahan ay saka pa lang siya naunang pumasok na sa loob.

Ngunit bahagyang natigilan si Angela ng makita niyang naroon ng nakatayo si Leandro sa lamesang para sana sa kanila ni Dan. Kasalukuyan itong nag-aayos ng mga gamit ng napansin siya nito.

“Hi Angela, morning.” ang nakangiting bati sa kanya ng binata.

“H-Hello Lean…, m-morning too.”

“Hindi ka ba mauupo?” ang nagtatakang tanong ni Leandro.

Napilitang naupo na din si Angela sa harap ni Leandro kahit nais sana niyang sila ni Dan lang magkasama. Inilabas na niya ang mga gamit at inayos ang mga iyon sa lamesa. Nang mapansin niyang nasa loob na si Dan ay tumayo na si Angela gaya ng dati.

“I’m just going to get anotherbook.” ang sabi ni Angela sa kaharap na nag-angat ng paningin sa kanya.

“Then let me help you Angela.” si Leandro na tumayo na din.

“N-No, please don’t bother Lean, alam ko naman kung nasaang shelf. Thank you.” ang sabi ni Angela na may alinlangang ngiti sa labi.

“Okay, I’m just offering my assistance.” si Leandro na bahagyang nanamlay at muling naupo.

Lumakad na si Angela patungo sa kabilang parte ng lugar na lagi nilang pipuntahan ni Dan. Ayaw sana niyang doon siya puntahan ni Dan ngunit baka mag-isip na si Leandro kung bakit doon sa tagong parte lagi siya napunta. Kung siya lang masusunod ay ayaw niya ng ganito dahil balewala naman sa kanya ang iisipin sa kanya ng ibang tao. Ngunit ang nais na mangyari ni Dan na ilihim ang kanilang relasyon ang inaalala niya.

Sa kabilang parte na din dumaan si Dan upang hindi na niya kailangan pang lumampas sa lamesang gamit ni Angela at ng kasama nitong estudyante.

Mabilis na nagyakap silang dalawa ng mahigpit na parang kaytagal nilang hindi nagkita. At saka nila pinaghinang ang kanilang labi ng wala ng salita pang nauna.

“Ang sarap talaga ng morning ko Dan everytime we do this.” ang masayang sabi ni Angela.

Ngumiti naman si Dan, “Ang alin?”

“Dann, ikaw talaga..” ang naglalambing na sabi ng dalaga.

Muling hinalikan ni Dan sa labi si Angela, “Lilipat na ako mamaya Angela.”

Matamis na ngumiti naman ang dalaga, napakasaya ng kanyang pakiramdam, “Tomorrow na ang sleep over ko ha.”

“Yes, bukas na po Mam Angela.” ang nagbibirong si Dan, masaya din naman siya kapag nabibigyan niya ng kasiyahan ang kasintahan.

“Kiss me pa Dan, I want more pa…”

At saka nila muli pang nilasap ang sarap ng kanilang halik na bugso ng pag-ibig nila sa isa’t-isa.

Hinaplos ni Dan ang malambot at makinis na pisngi ni Angela.

“Angela, sa kabilang table na lang ako.”

“D-Dann… pwede ka namang maki-share sa amin ni Lean…”

“Ah, si Lean.” ang nakangiting si Dan.

“I-I’ll cry na talaga Dan, s-sige ka.” ang sabi ni Angela dahil sa panunukso sa kanya ni Dan.

“Hindi na…, stop na ako…” saka hinaplos ni Dan ang buhok ni Angela.

“Dun sa ka table natin or ako ang pupunta sa table mo.” ang madiin na sabi ni Angela na parang malapit ng maiyak.

“Join na lang ako sa inyo, yan ha. Pumayag na din ako.” ang nakangiting si Dan.

“Ikaw talaga Dan, lagi mo na lang akong pinapaiyak muna. Napaka-bad mo talaga sa akin.” ang nagdaramdam na sabi ng dalaga.

Gamit ang kanyang daliri ay pinalis ni Dan ang luha sa ngilid ng mga mata ni Angela.

“I’m sorry na, nag-iingat lang ako Angela, kilala mo naman si Christine.”

“I know that naman, pero magkasama lang naman tayo sa table. We’ve been doing this for months na, ayaw kong hindi kita kasama Dan.”

“Okay, I get it na Angela, balik ka na sa table natin. Doon ako sa kabila magmumula.”

“No, kiss me more pa Dan, pinaiyak mo ako. It’s your penalty.”

Ngumiti naman si Dan, hinigpitan ang pagkayakap niya sa malambot na katawan ni Angela at muli nilang pinagsaluhan ng mas matagal pa ang masarap na pagkakahinang ng kanilang ng labi.

Napansin naman ni Leandro na parang natagalan si Angela. Nagpasya siyang tumayo at naglakad papunta sa may likurang parte ng library.

“Lean..” si Angela ng makasalubong ang binata habang hawak niya ang isang libro.

“Ahm, I’m starting to get worried Angela, kaya nagdecide akong sundan ka.”

Napa-giggle naman ang dalaga, “Lean, we’re still in the library naman ah.”

Napahiyang napangiti na lang ang binata, “Let’s go back.”

Tumango naman si Angela na nauna ng lumakad pabalik sa kanilang lamesa. Nakaupo na silang dalawa ni Leandro ng nakalapit na sa kanila si Dan.

“Pwede ba akong maki-table sa inyo?” si Dan na tipid na nakangiti sa dalawa.

Nakaramdam naman ng alinlangan si Leandro dahil nais niyang masolo si Angela sa iisang lamesa. Nais niyang tumanggi ngunit nahihiya naman siyang magsabi kay Angela.

“Lean, this is Dan, classmate at partner ko siya sa research.” ang nakangiting sabi ni Angela habang nakatingin kay Dan.

“Dan…” saka inilahad ni Dan ang kanyang palad sa kaharap na binata.

Pinaunlakan naman iyon ni Leandro, “Nice meeting you Dan, Leandro, pero Lean na lang.” ang nakangiting pakilala din niya sa sarili. Ayaw niyang maging rude sa partner ni Angela dahil sa biglang pangamba na dumating sa kanya kanina. Dahil ngayong napagmasdan niya itong mabuti ay mas higit siyang magandang lalake, maamo lang itong tingnan at maganda ang bakingkinitang pangangatawan. Hindi naman siya nagmemenos o nag-uuri ng kapwa ngunit kung sila ni Dan ang magkakasabay sa pagkamit sa puso ni Angela ay tiyak na napakalaki ng lamang niya. Lalo’t napagmasdan din niya ang paraan nito ng pananamit. Nakaramdam siya ng lungkot para kay Dan, sana ay mali siya ng iniisip upang hindi na ito umaasa at masaktan. Sana ay manatili na lamang na kaibigan at kaklase ang hangarin ni Dan para kay Angela.

Nang malapit nang matapos ang bakanteng oras sa umaga ay nagsimula na silang mag-ayos ng kanilang mga mga gamit. Nais ni Leandro na sila lamang dalawa ni Angela nag narito sa sandaling ibigay niya ang larawan na kuha ni Angela kahapon. Dahil espeyal na sandali ito para sa kanya, sa tingin naman niya ay mabait ang kaklase ni Angela at madaling mapakiusapan.

“Dan, I want to tell something personal kay Angela. If you don’t mind, can you give us a moment.” ang pakiusap ni Leandro kay Dan sa banayad na boses.

Tipid na ngumiti naman si Dan kay Leandro, “Sure, bakit hindi.” At saka siya tumingin kay Angela, “Una na ako sa classroom.”

Ngumiti si Dan sa kanya na walang alinlangan dahil alam naman ni Angela na kailanman ay hindi magkakaroon ng pagdududa ang kasintahan.

“Go ahead Dan, see you na lang sa class.” ang sabi naman ni Angela at saka gumanti ng ngiti kay Dan.

Nang nakalayo na si Dan sa kanilang dalawa ay inilabas ni Leandro mula sa dala niyang bag ang isang munting envelope at iniabot iyon kay Angela.

Kinuha naman iyon ni Angela mula kay Leandro.

“It’s your picture Angela, yung kuha ko sayo kahapon.”

“Thank you.”

“Please open it Angela.”

Binuksan naman ni Angela ang envelope at inilabas ang larawan na naroon. Isang masayang ngiti ang nasa labi ni Angela ng masilayan ang kanyang sariling larawan. Aamin niyang napakaganda ng pagkakakuha at gusto niya ang kulay at ekspresyon niya sa larawang iyon.

“T-Thank you Lean, I love it.” ang sabi ni Angela na may kasamang pagkapahiya. Dahil hindi niya alam kung gaano katagal o ilang ulit iyong pinagmasdan ni Leandro. Nais pa sana niyang itanong kung may sariling kopya si Leandro pero nauunahan naman siya ng hiya.

“I fulfill my promise Angela, gaya ng sabi ko. Ako naman sana ang magre-request sayo Angela. It’s just a small thing lang naman.” ang kinakabahang si Leandro.

“T-Tell me Lean, if it’s something na I can do naman.” ang sabi ni Angela na may bahagyang kaba sa kanyang dibdib.

“There is another card inside the envelope.”

Tiningnan naman ni Angela ang loob at naroon nga isang puting card na may disenyo.

“Read it when you got home, then I’m hopeful na I’ll get a favorable answer comes Friday.”

Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Angela kay Leandro. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa kung ano man ang nakasulat sa card na iyon. Bukas na lang niya sasabihin kay Dan ang tungkol sa picture at sa kung ano man ang request ni Leandro sa kanya.

*****

Lumipas ang maghapon kay Dan na maraming laman ang kanyang isipan. Dahil sa ilang pagtatama ng kanilang paningin ni Christine ay blanko ang ekspresyon nito sa kanya. Ngunit masaya naman itong nakikipagbiruan pa sa mga kabigan nitong kasama. Laman din ng kanyang isipan si Leandro na alam niyang may gusto sa kasintahan niyang si Angela. Wala naman siyang anumang bahid ng alinlangan kay Angela ngunit naroon pa din ang hindi niya mawalang kaba dahil na din sa nangyaring karanasan ni Angela kay Lance.

“Dan, I’m going home na.” si Angela ng sila na lamang dalawa ang naiwan sa loob ng classroom.

“Dalhin mo lang bukas ang mga kailangan mong damit para sa Friday. Yung iba pa nating kailangan, sa convenience store na lang natin bilhin.”

“Okay Dan, ganun na lang.” ang masayang si Angela. Parang isang masayang overnight camping ang gagawin nila ni Dan. Dahil first time niyang matutulog na kasama si Dan na walang pinapangambahan. Walang magagalit o magbabawal sa kanila, kanila ang buong magdamag na kapiling ang isat’-isa.

Nais sanang itanong ni Dan kung ano ang sinabi ni Leandro kay Angela kaninang umaga. Ngunit kung hindi iyon nais na sabihin pa sa kanya ni Angela ay hahayaan na lang niya. Hinaplos ni Dan ang buhok ni Angela. Kung hindi kaya siya nakilala ni Angela? Mas magiging maligaya ka ito sa piling ng lalakeng tulad nina Leandro. Sa mga lalakeng higit sa kanya na mas karapat-dapat kay Angela. Hindi sa tulad niyang nasa lupa, may pusong salawahan at mahina sa iba’t-ibang tukso.

“Dan, is there something wrong?”

“Naisip ko lang Angela, malayo pa sana ang mararating mo, marami ka pang makilalang mas higit sa akin na magdadala sayo sa mas mataas pang lugar. Kung naging mabait lang sayo ang tadhana ay hindi mo sana ako nakilala. Dahil ang isang tulad ko ay maaaring mananatili na lang kung saan ako naroon. Makalayo man ako ay halos kaunti lang. Ako ang magiging hangganan ng magandang bukas na naghihintay sana sayo Angela.” si Dan habang nasa isipan din niya ang kasunduan nila ng ama ni Angela, ang isang pirasong papel na mag-aalis ng lahat kay Angela ng dahil sa kanya.

Niyakap naman ng ng buong higpit ni Angela ang binata, “Dan, I told you naman before, I hate it talaga kapag ganyan ka. Like you’re saying we are not meant for each other. All of the things na nasa akin ay willing akong mawala Dan, I can give up everything but not you. As long na kasama kita Dan, yun na ang langit para sa akin.” ang sabi ni Angela sa mababang tinig.

Huminga ng malalim si Dan, niyakap ang kasintahan na nakayakap din sa kanya. Bakit nanatiling may takot sa kanyang dibdib?

“Dann….”

“Hm…?”

“Cheer me up… You make me sad eh..”

Inilayo ni Dan ng bahagya mula sa kanya si Angela, inangat ang malungkot nitong mukha. At saka niya ito hinagkan sa labi.

“M-More pa Dan… Don’t stop until I tell you to stop.” ang pakiusap ni Angela.

At gaya ng pakiusap ni Angela ay ginawa niya ang nais nito. “Wag ka ng malungkot Angela, minsan lang talaga ganito ako.”

Tumango naman si Angela na nanatiling nakayakap kay Dan. Hindi naman niya ito basta maiaalis kay Dan dahil sa magkaibang mundo sila namulat. Ngunit naniniwala si Angela na darating din ang araw na tunay na mag-iisa din ang mundong ginagalawan nila. Kung saan wala ng alalahanin pa si Dan sa bawat sandaling magkapiling silang dalawa. . Siya ang ang mag-aalis ng lahat ng pangamba sa puso ni Dan, siya lang at wala ng iba pa. Dahil siya lang ang tunay na nagmamay-ari kay Dan.

*****

Nasa kwarto na niya si Dan at kasalukuyang nag-aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa paglipat. Katulong niya si Ella na nakaawas na kanina pang alas dos ng hapon. Dahil dalawa sila ni Ella ay mabilis namang nakatapos si Dan sa kanyang mga ginagawa. Ang mga gamit na hindi na niya madadala ay iiwan na lang niya kina Ella at Mika. Naligo na si Dan at nagpalit ng damit. Saka niya pinuntahan si Ella upang magpaalam.

Nakabukas naman ang pinto sa kwarto ng magkapatid at nandoon si Ella.

“Ella, salamat sa tulong, at sa lahat. Naging mabuti ka pa din sa akin sa kabila ng alam mong relasyon ko kay Mika.”

“N-Naging mabuti ka din naman sa amin Dan.”

“Ikaw na sanang bahala kay Mika, alam kong nahihirapan siya ngayon. Pero alam kong darating ang araw na makaka-move on din si Mika.”

“Naniniwala din ako Dan, kaya wag ka ng mag-alala.”

“Salamat ulit Ella, una na ako.”

“Dan..”

Hindi kaagad nasabi ni Ella ang gusto niya kay Dan. Ang hirap pa lang magsabi ng isang bagay na alam mong mali kahit nagpapahirap sa iyong katawan. Hindi pa maayos ang kanyang kapatid at hindi marapat na mas sundin niya ang hinahanap na init ng kanyang katawan.

“Ella?”

Bahagyang hinawakan ni Ella ang damit ni Dan, “D-Dan, isang araw, sana ako naman ang tulungan mo.” ang sabi ni Ella na nakatingin sa mga mata ni Dan.

Ngumiti naman si Dan, “Wag kang mag-alala Ella, basta kaya ko, hindi ka magdadalawang salita.”

“Salamat Dan.” at binitawan na ni Ella ang damit ni Dan.

Kinuha ni Dan ang mga malalaking traveling bag na dala, tipid na ngumiti kay Ella na kiming ngumiti din sa kanya. At saka siya nagtuloy na patungo sa harap ng bahay nina Alyssa. Pumasok siya sa may gate at lumapit sa nakabukas na pinto.

Naabutan niyang naroon si Maricar, ang bunsong kapatid ni Alyssa.

“Maricar, andyan ba ang mga magulang mo, magpapaalam na sana ako.”

“Nay, Tay, aalis na daw po si Kuya Dan.”

Mula naman sa kanyang kwarto ay narinig ni Alyssa ang sinabi ni Maricar. Nais niyang makita si Dan ngunit hindi na niya ginawa. Labis lang siyang malulungkot. Dahil puro suliranin ang naibigay niya kay Dan na wala namang ginawang masama sa kanya o sa kanyang pamilya. Nakausap niya kahapon si Angela at sinabi nito sa kanya ang problema ni Dan sa kanilang paupahan. Umayon na lang siya sa kung anong sinabi ni Dan kay Angela kahit sa katotohanan ay wala siyang alam na ganoon ang ngyari. Ngunit may respeto pa din siya sa kanyang mga magulang na nag-iisip ng mabuti para sa kanya kahit mali ang akala ng mga ito. Nakaupo lang siya sa kanyang kama habang naririnig ang pamamaalam ni Dan sa kanyang mga magulang. Tahimik siyang lumuhang mag-isa upang wala ng makaalam na ang pag-alis ni Dan ay masakit din naman sa kanya.

“Salamat po Mang Damian, Aling Celia. Tuloy na po ako.”

“Sige Dan, mag-iingat ka.” si Aling Celia.

Inilagay ni Dan sa bulsa ang perang ibinalik sa kanya ni Mang Damian. Binitbit ang dalawang malaking bag nasa baba at saka siya lumabas na sa bakuran ng bahay nina Alyssa. Mula naman sa bintana na natatabingan ng kurtina ay sinilip ni Alyssa ang papalayong si Dan, kasabay ng isang pangakong makakabawi din siya balang-araw sa binata.

Sa bawat mabigat na paghakbang ni Dan palayo ay naroon din naman ang tamis at pait na magkasama sa kanyang dibdib. Dahil babaunin niyang magkasama ang mainit na sandali nila ni Mika kasama ng bawat nitong pagluha na ayaw na sana niyang masundan pa.

*****

Pagkasara ni Dan ng gate ay agad siyang gumawi sa nakasarang pinto. Binuksan niya iyon at naabutang naroon sa salas ang grupo ng mga lalake at babae na nanonood ng tv at may ilang canned ng beer na nasa lamesita.

“Magandang hapon po. Tuloy na po ako sa loob.” ang magalang na sabi ni Dan.

“Sige Dan.” si Jim na gaya ng dati ay katabi ang nobya nitong si Sandra na tumingin lang sa kanya.

Nagtuloy na si Dan sa loob upang ayusin ang kanyang mga gamit.

“Siya na ba yun Jim?” si Mark na kasama din ang nobya nito.

Nakangising tumango naman si Jim.

“May itsura naman pala kahit papano. Diba Babe?” ang muling sabi ni Mark na tumingin sa katabi nitong nobya.

“Konti lang , pero wala sa kapogian mo yun Babe?” ang tugon naman ng nakangiting si Mylene na yumapos sa katawan ni Mark.

Nagbukas ng panibagong canned beer si Cris, “Kaibigan daw yun ni Jessica.”

“Pwede, dahil di naman ako maniniwalang syosyotain ni Jessica yun. Parang malabo eh.” ang sabi ni Jim.

Hindi na lang umimik si Sandra, ayaw niyang masaktan ang mga ego ng lalaking kasama niya lalo na ang katabing nobyo. Dahil kahit hindi kagwapuhan si Dan, sapat na ang maamo nitong mukha at magandang pangangatawan upang magbigay ng kakaibang dating sa kanya.

Dahil bukod sa kama ay may isang lumang durabox at istante ng nakalagay sa loob ng kwarto ay naging madali para kay Dan ang pag-aayos niya ng mga gamit. Inilagay niya malapit sa ulunan ng kanyang kama ang isang lamesita. At doon niya inilagay ang alarm clock na binili ni Mika para sa kanya. Saka niya ipinatong din doon ang larawan ni Angela na nakaharap sa direksyon ng kama. Gaya ng nais ni Angela ay lagi niyang pagmamasdan ang larawan nito bago siya matulog sa gabi. Tumayo siya at tumingin sa labas mula sa bintana. Sana ay ito na nga ang bagong simula ng mas mabuting bukas para sa kanilang lahat.

Lumabas na siya ng kwarto at nagpaalam sa mga kasama na papasok sa trabaho. Habang nasa abangan kasama ng ibang naghihintay ay saglit na tumigil ang daloy ng mga sasakyan. Ang magaan na pakiramdam ni Dan ay biglang nagbago ng dahil sa isang magarang sasakyan na dalawang dipa lang ang layo mula sa kanya. Dahil nasa harapan noon si Christine na masayang kausap si Brandon.

“Traffic jam, bear with it.” ang nakangiting si Brandon.

“So, this place na pagdadalhan mo sa akin. How special is this place?” ang malambing na tanong ni Christine.

“You’ll find out soon enough.” ang excited na sabi ni Brandon na ibinalik ang paningin sa daan ng magsimula ng umusad ang mga sasakyan na nasa unahan niya.

Hinawakan ni Christine ang kamay ng binata na nasa may kambyo, “Don’t rush, I want us both to be safely get there, and getting back home.”

“What if I don’t want to bring you back to your home Christine? What if I can’t wait for Friday night to come?” ang mainit na tanong ni Brandon na nakatingin sa mga mata ni Christine.

Matamis namang ngumiti ang dalaga, at gaya ng kanyang nakaugaliang pampainit sa lalake, inalis niya ang dalawang pagkabutones ng suot niyang blouse mula sa itaas, “By all means Brandon, I’m yours…”

Inilapit ni Brandon ang mukha kay Christine at nangusap ang kanilang mga mata.

Hindi na kailangan ng pagsang-ayon pa mula kay Christine dahil kusa ng pumikit ang kanyang mga mata at ibinuka ng bahagya ang kanyang naghihintay na labi. At naglapat ang kanilang labi ni Brandon sa kauna-unahang pagkakataon na walang pagtutol mula sa dalaga. Isang masarap at buong pagbibigay na halik ang natikman ni Brandon mula kay Christine na labis na nagpasaya sa puso ng binata at nagpainit sa kanyang katawan.

“I can’t believe my wish finally come true Christine.” si Brandon na buong pag-ibig na nakatingin sa napakagandang mukha ng kaharap.

Iniawang ni Christine ang kanyang labi upang muling paghinangin sana ang kanilang mainit na labi ni Brandon ng kapwa sila natigilan dahil sa magkakasunod na pagbusina mula sa kanilang likuran.

Natatawang nakatingin lang si Christine kay Brandon na pinaandar na ang kanilang sinasakyan. Muli silang naghawak kamay na dalawa at saka sila muling ngumiti sa isa’t-isa. Ang init na naroon sa kanilang magkadikit na palad ay kapwa nila ramdam na nais ng makalaya mula sa kanilang nasasabik na katawan.

Naiwan si Dan na nakatingin lang sa papalayong sasakyan ng dalawa habang mahigpit na nakahawak sa dala niyang bag. Ngayon ang paglalarong sinasabi ni Christine ay ganap ng malinaw sa kanya. Nais niyang magalit ngunit hindi niya magawa. Dahil ang nilalarong apoy ni Christine ay alam naman niyang siya ang nagsimula.

(Ipagpapatuloy…)

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *