Tukso kay Dan Season 2 Part 17

Chapter 17

Habang nagsusulat sa kanyang notebook ay panay ang tingin ni Angela kay Dan. Masaya si Angela dahil naroong kasama na palagi ni Dan ang unang regalo niya sa kasintahan. Hindi man sila palaging magkasama ay maalala na siya ni Dan sa bawat pagtingin nito sa suot nitong orasan.

Hindi naman lingid kay Dan ang madalas na pagsulyap sa kanya ni Angela, itinigil niya ang kanyang ginagawa at tiningnan ang dalaga.

“Angela…”

Itinigil din ni Angela ang kanyang ginagawa at nakangiting tumingin kay Dan.

“Hindi tayo makakatapos ng maaga nan sige ka. Hindi na ako pwedeng mag extend sa hapon dahil kailangang kong pumasok ng maaga sa trabaho.” ang paalala ni Dan.

“Then I’ll finish all these at home na lang, I just want to look at you kasi.” ang naglalambing niyang sabi.

“Okay, para fair, since hindi ka serious sa ginagawa natin kahit alam mong malapit na ang deadline at finals na sa next week.”

At saka tumayo si Dan at lumapit kay Angela, tumingin muna siya paligid at saka hinawakan ang kamay ng dalaga. Kusa ng tumayo si Angela at naglakad na sila Dan pabalik sa kanilang paboritong lugar. Ngayon ay nakasandal na si Angela sa isang lagayan ng mga aklat. Magkayakap sila ni Dan habang magkahinang ang kanilang labi.

“Mas gusto mo ba yung ganito Angela?” ang malamyos na tanong ni Dan.

Tumango naman si Angela, “Yes Dan, I love this so much, ganito na lang tayo hanggang mag time.”

“Paano yung research natin?”

“Diba sabi ko na ako na lang bahala, promise I’ll get serious na talaga mamaya pag-uwi ko sa amin.”

“Sinabi mo yan ha…” ang nakangiting si Dan.

Nakangiting tumango naman si Angela, “Dann, let’s continue na, ako na nga gagawa mamaya, let’s kiss na ulit.”

At muling hinalikan ni Dan ang dalaga, wala silang ibang ginawa sa natitira nilang sandali kung hindi ang paghinangin lang ang kanilang labi ng paulit-ulit. Kapwa walang kasawaan sa mainit at masarap na halik na kanilang palihim na pinagsasaluhan.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay nanatili pa silang nakayakap sa isa’t-isa.

“Dan, aren’t you gonna ask me kung bakit ako nasa room ni Lean?”

“May nangyari bang dapat kong ipag-alala Angela?” ang tanong ni Dan saka siya tipid na ngumiti.

Umiling naman si Angela na gumanti din ng kiming ngiti.

“Then hindi mo na kailangang magpaliwanag pa.” Dahil alam na naman niya ang dahilan kahit hindi na magpaliwanag pa ang kasintahan. Sapat na ang mga sinabi sa kanya kanina ni Leandro upang mabatid niya ang totoo. Ngunit wala naman iyong kaibhan kahit hindi magsabi sa kanya si Angela. Dahil mananatiling walang bahid ng alinlangan ang kanyang tiwala sa dalaga.

Lalo namang naging masaya ang pakiramdam ni Angela dahil sa buong tiwala sa kanya ni Dan. Kailanman ay hindi magkaroon ng hindi mabuting alalahanin sa kanya ang kasintahan. Dahil walang ibang pangalang nasa loob ng kanyang puso kung hindi ang pangalan lamang ni Dan.

“It’s time na Angela…” ang sabi ni Dan na saglit na tumingin sa kanyang orasang pambisig at kumalas na kay Angela.

Hinawakan naman ni Angela ang kaliwang kamay ni Dan, “Dan, take care of this ha, always remember your Baby Angela kapag natingin ka sa watch mo.”

Hindi naman napigilan ni Dan ang sarili na mahinang tumawa ng bahagya, “Baby Angela?”

“Why? Am I not?” ang parang nagtatampong dalaga.

Muling niyakap ni Dan si Angela at hinalikan ito sa pisngi, at saka siya tumingin sa maganda at napakaamo nitong mukha , “Okay my Baby Angela, iingatan ko talaga itong mabuti, at everytime na natingin ako sa oras, ikaw palagi ang iisipin ko.”

“Everytime Dan ha.” ang malambing na sabi ni Angela.

“Everytime Angela.” si Dan.

Yumakap na din si Angela kay Dan at inilagay ang kanyang mukha sa dibdib nito, “You’re my everything Dan.”

“Alam ko Angela.” At saka itinaas ni Dan ang mukhang nakahilig sa kanya. “Gusto mo pa ng last na talaga?”

Matamis na ngumiti naman si Angela, at minsan pa nilang pinagsaluhan ang isang masarap at mainit na halik.

Pagkatapos nila sa library ay kaagad na nagtungo na silang dalawa sa una nilang klase. Silang dalawa ni Angela ang huling dumating at nakaupo na halos ang lahat. Bago maupo si Dan ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Christine. Bahagyang tumango lang siya sa dalaga na tipid namang ngumiti lang sa kanya.

Habang nasa klase ay iba ang pakiramdam ni Dan sa kanyang kaliwang bisig. Magaan naman ang suot niyang relo ngunit parang kay bigat ng kanyang pakiramdam doon. Ipinatong niya ang kaliwang bisig sa lamesa at saka ito ulit muling tiningnan. Sa unang tingin pa lang ay alam niyang mamahalin ang relo kahit simple lang ang disenyo. Dapat ay maging masaya siya dahil sa regalo sa kanya ni Angela. Na ang kapalit lamang na hiningi mula sa kanya ay isang sulat sa isang hindi naman kamahalang papel.

Napakalaki talaga ng pagkakaiba sa kaya nilang ibigay sa isa’t-isa. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Dan. Dumating sana ang araw na makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay upang maging ganap siyang karapat-dapat talaga sa dalagang iniibig niya. Binuksan niya ang kanyang dalang kwadernong cattleya at nagsimulang magsulat sa kulay asul na pahina na siyang nakalaan para kay Angela.

Si Christine naman bagaman nakikinig sa nagsasalita sa harapan ay pasimpleng nakatuon ang paningin kay Dan. Napansin naman niya ang bagong suot na relo ni Dan na alam niyang si Angela ang nagbigay. Malungkot siyang ngumiti, malapit ng dumating ang araw na kay Angela na lang ang iniibig niyang si Dan. Matutupad na ang pangarap ni Angela na magiging kasawian naman niya. Ayaw niyang magparaya ngunit sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ay wala naman siyang magagawa.

Kahit nalalaman na niya ang pagpiling gagawin ni Dan ay nais pa din niyang ibigay dito ang huling pagpapasya para sa relasyon nilang dalawa. Masakit at mahirap sa kanya ang paglayo niyang gagawin. Lalo’t wala namang pag-ibig mula sa kanya ang nag-uunay sa kanila ni Brandon. “How I wish na it would be me Dan? Like what you said in your cattleya na tayo lang dalawa.” ang malungkot na lihim na nasabi ni Christine habang nakatingin sa likuran ng binatang nagpakilala sa kanya ng tunay na pag-ibig. Pag-ibig na hindi niya tiyak kung mawawala pa sa kanyang puso. Pag-ibig na ngayon ay siyang naging dahilan ng kanyang matinding kalungkutan kapalit ng masaganang buhay sa piling ng isang lalakeng hindi niya minahal.

*****

Malapit ng mag-alas nuebe ng magising si Mika. Kaagad niyang iginala ang kanyang paningin at nakiramdam sa buong paligid. Nag-iisa siya sa kwarto at nasa labas malamang ang kanyang Ate Ella. Bumangon na siya sa kama at nagtungo na sa banyo upang ayusin ang kanyang sarili.

“Tao po…, tao po…”

“Saglit lang po.” ang tugon ni Mika mula sa loob ng banyo sa pagtawag ng lalakeng nasa labas.

Pagkatapos na mabilis na ayusin ang kanyang sarili ay lumabas na sa banyo si Mika at kaagad na nagtungo sa nakabukas na pinto. Naabutan niyang naghihintay doon ang isang lalakeng sa kanyang malusog na dibdib agad napatingin bago ibinaling ang paningin sa kanyang mukha.

Pinigil na lang ni Mika ang sarili na hindi masuya, wala naman siyang magagawa lalo’t sadyang pagdating sa mga lalake ay iyon agad ang unang napapansin ng mga ito sa kanya.

“A-Ano pong kailangan ninyo?”

“Ah eh, may telegrama po para kay Ella Molinar.” ang sabi ng lalake na may hawak na isang nakatuping papel na nasa loob ng isang plastic.

Mabilis namang kinabahan si Mika, “K-Kanino po galing?”

Tiningnan ng lalake ang pinagmulan, “Kay Luciana Molinar”.

Galing ang telegrama sa kanyang ina at tiyak niyang hindi mabuti ang hatid na balita nito sa kanila.

“Na-Nasa labas lang po saglit si Ate, antayin nyo na lang po.”

“Magkaano-ano kayo Miss?”

“Magkapatid po.”

“Marami pa kasi akong pupuntahan Miss, baka pwedeng ikaw na lang mag-receive nito? Pipirmahan mo lang naman.”

“S-Sige po.”

Ibinigay naman ng lalake kay Mika ang isang maliit na resibo na kanyang pinirmahan.

“Salamat Miss. Sige, tuloy na ako.” ang paalam ng lalake na mabilis na sumulyap muna sa kanyang dibdib bago ito tumalikod.

Pumasok na si Mika sa loob ng kanilang kwarto at mabilis na pinilas ang plastic. Agad na binuklat ang nakatuping papel at binasa ang kakaunting nakasulat doon. Napaupo siya sa kanyang kama habang nakatingin sa hawak niyang papel. Muling nagkasakit ang kanilang ama at ngayon ay nasa ospital na naman. Kailangang magpadala sila agad ng malaking halaga para sa gastusin ng kanyang ama. Ito ang nagmamakaawang pakiusap ng kanilang natatakot na ina. Malaki pa ang kanilang kakulangan para matubos ang kanilang lupa ay may muli na naman silang nasadlak sa malaking problema.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong ayos nang makarinig siya ng mga yabag palapit. Mabilis niyang itinago ang telegrama at saka tumayo upang salubungin ang kanyang kapatid.

“Saan ka galing Ate?”

“Saan ako manggagaling? Eh din dyan lang sa talipapa at bumili ng mailuluto.”

Pumasok na si Ella sa loob at inilagay sa lamesa ang kanyang mga pinamili. Kumuha ng kutsilyo, sangkalan at plato at saka nagsimula sa kanyang gagawin.

“Ikaw na sa gulay Mika.” ang sabi ni Ella habang abala sa kanyang ginagawa.

Nagsimula na din si Mika ngunit nanatili siyang tahimik. Nais na ilihim ang suliranin na tinanggap sa kanyang kapatid. Kung sasabihin niya ito sa kanyang Ate Ella ay tiyak niyang lalabas na ito agad upang maghanap ng mahihiraman upang idagdag sa kanilang naitatabing maliit na halaga.

“O bakit tahimik ka Mika?”

“W-Wala Ate.” dapat ay masaya niyang ibabalita sa kanyang Ate Ella na nagkaayos na ulit sila ni Dan. Ngunit heto siya ngayong kinakabahan para sa kapakanan ng kanyang ama.

“N-Nasabi mo ba kay Dan yung pinapasabi ko Mika?” ang tanong ni Ella na nakatingin kay Mika.

“Oo Ate, dadaan daw siya dito bukas bago siya pumasok sa trabaho.”

Dahil sa sinabi ng kapatid ay nakaramdam ng kakaiba si Ella. Dahil kahit para kay Mika ang pag-uusapan nila ni Dan ay muling bumalik sa kanyang katawan ang isang pakiramdam na parang pananabik na hindi niya ganap na maintindihan. Natatakot na din siya sa kanyang nararamdaman ngunit ang takot na iyon ay may kasamang pagkasabik. Dahil hindi na mawala sa kanyang mga alaala ang bawat masasarap na daing at pag-ungol ni Mika sa bawat gabing kasama nito si Dan.

“S-Salamat Mika.” at saka itinigil ni Ella saglit ang kanyang ginagawa. Nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso at saka siya uminom upang mabawasan ang parang biglang pag-iinit ng kanyang katawan. Nadadarang siya sa maling dahilan at iyon ang labis na ikinababahala niya.

Nasa isipan ngayon ni Mika ang itinago niya sa ilalim ng kama. Higit pa bang mahalaga ang kanyang sarili kaysa sa kanyang mga magulang na nagpalaki sa kanya? Nasa ospital ang kanyang ama at labis namang nag-aalala ang kanyang ina. Wala na siyang dapat na pag-isipan pa lalo’t may solusyon namang abot-kamay niya. Alam niya ang kapalit ngunit wala na siyang nakikitang ibang paraan pa para sagipin ang kanyang sarili sa matinding pagnanasa sa kanya ni Sir Arman.

“Saglit lang Ate, punta lang ako sa banyo.” at saka mabilis na nagtungo si Mika sa banyo. Isinara ang pinto at binuksan ang gripo upang hindi marinig ng kanyang kapatid ang mahina niyang pag-iyak. Ayaw niyang ibigay ang kanyang katawan kay Sir Arman ngunit parang nakatadhana na mangyari ang gusto ng lalake. “Dan…” ang mahinang naiusal na Mika habang tahimik siyang lumuluha kasabay ng pagdaloy ng tubig na siyang naglihim ng kanyang pighati.

*****

Kasabay na kumakain ni Christine ang kanyang mga kaibigan na sina Cherry at Rose.

“Christine, a-attend ka pa ba sa Campus Night after ng Finals?” ang tanong ni Cherry.

“Cherry, don’t be so silly naman, how can you ask her such question?” ang natatawang si Rose. “Hindi mo ba nakikita yung exquisite ring sa daliri niya?”

“Why? Hindi naman masamang mag-attend kahit engaged na siya. Christine can bring her fiance along with her , there are ways naman for that to happen. We can finally meet him and all of us will have some fun.” ang paliwanag ni Cherry na nakatingin kay Christine.

“Do you agree with that Christine?” ang tanong ni Rose na nakatingin na din sa kaibigan.

“Well, I’m not sure to be honest, wala ako sa mood na magpunta since I have a lot of things going on in my life. Maybe I’ll go, or maybe I won’t. Who knows? I might be there to surprise you all. So let’s wait and see na lang.” ang matamlay na sabi ni Christine. Hindi naman niya kayang sabihin sa mga kaibigan ang totoong katayuan niya sa buhay. Wala din naman siyang nakikitang malaking kasiyahan para sa kanya sa gaganaping programa pagkatapos ng exams nila.

“Hey, look over there. The one whose talking with Angela, isn’t that the woman we saw in the mall?” si Cherry.

Napatingin din naman sina Christine at Rose sa direksyong tinitingnan ng kaibigan nila. Dahil nakatayo ang isang estudyante malapit sa table na kinakainan nina Angela at Alyssa.

“I wonder kung anong kailangan niya kay Angela?” ang sunod na tanong ni Cherry.

“Hindi ko din sure, I never knew na magkakilala pa sila ni Angela.” ang sabi naman ni Rose.

Inalis na ni Christine ang paningin niya doon, “Let’s go na.” ang yakag niya sa dalawang kaibigan na sumang-ayon naman sa kanya.

Ngayon ay nakatayo si Samantha malapit sa nakaupong si Angela na kasama ang kaibigan nito.

“Do you want me stay here long bago ko marinig ang sagot mo?” ang tanong ni Samantha na nakatingin kay Angela.

Hindi siya agad makapagpasya lalo’t alam niyang tungkol kay Leandro ang pag-uusapan nilang dalawa.

“It will not take long Angela, I’ll make sure na tapos na tayong mag-usap bago mag start ang class sa hapon.”

Napilitang sumang-ayon na lang si Angela, “O-Okay, w-where Samantha?”

“Finish your meal and I’ll wait for you in the lobby.” at saka tumalikod na si Samantha at iniwan ang dalawa.

“Gusto mo bang samahan kita Angela?” ang may halong pag-aalalang tanong ni Alyssa.

Umiling naman si Angela, “It’s okay Alyssa, she wants us to talk alone and I know her naman.” Ayaw niyang abalahin ang kaibigan kahit may munting kaba sa kanyang dibdib. Nag-aalangan din siyang magsama ng iba lalo’t sila lamang dalawa ang nais na mag-usap ni Samantha.

Pagkatapos sa canteen nina Angela at Alyssa ay nagtungo muna sila sa comfort room.

“I’ll go na Alyssa, para hindi na siya maghintay ng matagal.” ang paalam ni Angela sa kaibigan habang ibinabalik sa lagayan ang kanyang mga gamit na pangsarili.

“Okay, ingat ka ha. Ayaw mo ba talagang samahan kita?”

“I’ll be fine, thank you Alyssa.” at saka siya kiming ngumiti sa kaibigan.

At saka nauna nang lumabas si Angela at naiwan si Alyssa na nag-aalalang nakatingin lang sa kaibigan.

“I’m starting to think na maybe you’re not coming.” ang sabi ni Samantha ng makalapit sa kanya si Angela.

“I’m sorry, dumaan pa kasi ako sa comfort room.”

“That’s not important, you’re here now, follow me Angela.”

Sumunod naman si Angela sa naglalakad na si Samantha hanggang sa makarating sila sa likuran ng isang building. Tahimik ang lugar at walang tao sa paligid kaya lalong kinabahan si Angela kahit wala namang dahilan. Nang tumigil sa paglalakad si Samantha ay huminto na din si Angela.

“I think this is a good place, don’t you think?” ang nakangiting tanong ni Samantha.

“Hm, you can tell me now Samantha.”

“Sinabi sa akin ni Lean na nag-confessed siya ng feelings niya sayo? Is that true?”

Marahang tumango si Angela, wala naman siyang dahilan para magkaila dahil si Leandro mismo ang nagsabi kay Samantha.

Muling nakaramdam ng pait sa dibdib si Samantha kahit alam na niya ang totoo. Narito ang isang dalaga na tinanggihan ang pag-ibig na matagal na niyang pinapangarap mula sa isang lalakeng para sa kanya ay nakahihigit sa lahat. Muli niyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa si Angela. Maganda si Angela na binagayan din naman ng mahubog na katawan. Ngunit ang pagkakaiba lang nilang dalawa ay ang mas maputing kutis at pagkakaroon ng napakaamong mukha ng kaharap na dalaga.

“Since nasa highschool pa lang kami, I love Lean na, I’m always dreaming na darating din ang araw na magiging kami. Then you came and everything change.” ang madiin na sabi ni Samantha habang matiim na nakatingin kay Angela.

Mahigpit namang niyakap ni Angela ang ilang librong dala.

“I-I didn’t accept his feelings Samantha…, w-wala kaming relationship ni Lean.”

“I know Angela, because I was there the moment Lean cries because of you. I cried too Angela, because he was in pain and so am I, and it’s all because of you. If not for you, I’ll be the most happiest woman that night. Pero dumating ka at sinira ang gabi namin ni Lean.” ang galit na sabi ni Samantha.

“I-Im sorry, it’s not my intention to hurt you or Lean…” ang malungkot na sabi ni Angela.

“It’s alright Angela, actually, nagpapasalamat ako sayo dahil you already have someone who you are inlove with.” at saka pilit na ngumiti si Samantha. “But like I said, nasaktan kami ni Lean at ikaw ang dahilan.”

At saka mabilis na lumapit si Samantha kay Angela, “So you must have a taste of it too.” At saka niya itinaas ang kanyang kamay.

Mabilis na napapikit naman ng mariin si Angela habang yakap ng mahigpit ang mga dala niyang libro.

Ngunit bago pa maibagsak ni Samantha ang kanyang palad ay natigilan siya ng magsalita ang isang estudyante na biglang nagpakita sa kanila.

“I wouldn’t do that If I were you.” ang malamig na sabi ni Christine na matalim na nakatingin kay Samantha.

“Christine…” ang sambit ni Angela na lumingon sa kanyang likuran. Biglang gumaan ang kanyang didbib at nawala ang takot na kanyang nararamdaman dahil sa pagdating ng kaibigan.

Lumapit si Christine sa dalawa at ihinarang ang kanyang sarili kay Angela.

Ibinaba ni Samantha ang kanyang kamay, “Who, who are you?”

Napangiti naman si Christine, “Me, I’m Angela’s friend who will beat you senseless the moment your stupid hand touches her.” ang madiin niyang sabi habang hindi inaalis ang paningin sa mata ng kaharap.

Natigilan naman si Samantha, dahil may pakiramdam siyang hindi nagbibiro ang napakagandang dalagang kaharap na matalim na nakatingin sa kanya.

Lalo pang lumapit si Christine kay Samantha na bahagyang napaatras at saka niya inilapit ang kanyang labi sa tenga nito.

“It doesn’t mean na because Angela is like that ay ganun din ang parents niya. You have no idea what is his father capable of doing for the sake of his only child. Do you have the confidence that your family will support you on this? Especially when Angela’s dad start to make a move against your family. Or should I tell this to the faculty? How about this Lean? I’m sure na kahit siya ay hindi matutuwa sa ginawa mo.” ang naglalarong sabi ni Christine sa alam niyang natakot na dalaga. Dahil kanina pa siya nakikinig habang nasa parte ng pader na hindi nakikita ng dalawa. Ayaw niyang makialam sana ngunit ng maramdaman niyang sasaktan ni Samantha si Angela ay hindi siya basta maaaring makinig na lamang.

Dahil sa mga sinabi ng kaharap ay nakaramdam ng matinding kaba si Samantha. Dahil sa galit at pagseselos ay nawala sa isip niya ang posibilidad na may kakayahan din ang pamilya ni Angela na gumanti sa kanya. Paano niya haharapin ang mga magulang kapag lumaki ang problemang siya ang nagsimula? Idagdag pang tiyak na magagalit sa kanya si Leandro kapag nalaman nito ang ginawa niya.

“P-Please don’t tell Lean.., or to anyone about this.” ang pakiusap ni Samantha sa mababang tinig.

Muling napangiti si Christine dahil sa kanyang nakitang takot sa dalaga. “I’ll think about it…, now, get lost.” ang madiin niyang utos.

Mabilis na lumayo si Samantha habang may magkahalong takot at pagkainis na nadarama. Dahil ang inaakala niyang maipaparanas din kay Angela ang sakit na kanilang naramdaman ni Leandro ay hindi niya nagawa. Hindi niya kilala ang dumating na kaibigan ni Angela ngunit sapat na ang presensya nito upang matakot siya. Takot na alam niyang hindi na niya nais na maulit pa dahil kapag nagkataon ay baka maging dahilan pa ito ng iskandalo na dudungis sa mabuting pangalan ng kanyang pamilya. Ngunit kung inaakala ni Angela na tapos na ito sa kanya ay nagkakamali ang dalaga. Makakaganti din siya sa ibang paraan para masaktan din niya ang dalagang unang nakakuha sa puso ni Leandro.

Nilapitan ni Christine si Angela na parang hindi makakilos, “It’s alright Angela, you’re okay now.” At saka niya niyakap ang kaibigan na nagsimulang humikbi.

“C-Christine…”

“Hush Angela…, it’s over now.” ang sabi ni Christine habang hinahaplos ang likuran ng kaibigan.

“T-Thank you for coming Christine…, I thought na I will be fine.” ang sabi ni Angela na nagpapahid ng mga namuong luha sa kanyang mga mata.

Hinayaan muna ni Christine ang kabigan hanggang sa kumalma na ito.

“Are you calm now?” ang tanong ni Christine pagkatapos na alisin ang kanyang mga kamay sa kaibigan.

Tumango naman si Angela.

“The class will start soon, and Dan is surely worried, wala pa tayo pareho sa class. We need to go na Angela.”

“O-Okay Christine. But please don’t mention this Dan or to anyone. ” ang pakiusap ni Angela sa kaibigan para hindi na lumaki pa ang pangyayaring para sa kanya ay tapos na.

“If that’s what you really want Angela, then okay, I’ll keep it a secret to anyone.”

“Thank you Christine.”

Nasa labas ng classroom si Dan at naghihintay kina Angela at Christine na iniisip niyang magkasama. Nang makita niyang palapit na sa kanilang classroom ang dalawa ay napawi na din ang kanyang pag-aalala.

“See Angela, Dan is waiting for us.” ang nakangiting sabi ni Christine sa katabi niyang kaibigan.

Ngumiti lang si Angela na nakatingin sa nakatayong binatang naghihintay sa kanila.

“Worried?” ang tanong ni Christine kay Dan.

“Kanina pa talaga ako nag-aalala sa inyong dalawa, wala kasi kayong sinabi o paalam man lang.”

“Nag-usap lang kami ni Christine, and it’s all okay now.” ang sabi ni Angela na pilit na ngumiti.

“Okay, pero sana sa susunod, magsabi naman kayo para hindi nakakapag-alala.”

Tumango naman si Angela sa alam niyang nag-alalang binata sa kanila. “L-Lets get inside, the professor is here na.” ang pagyakag na ni Angela na hinawakan muna saglit ang kamay ni Christine at ngumiti sa kaibigan.

Nakakaunawa namang tumango lang si Christine at hinayaan ng mauna si Angela. At saka niya inilagay sa kamay ni Dan ang isang pirasong munting papel at pumasok na din siya sa loob. Mabilis na ibinulsa naman ni Dan ang ibinigay sa kanya ni Christine at saka siya nagtuloy na din sa loob ng klase.

*****

Dahil panggabi ang kanyang Ate Ella mamaya ay naidlip na ito ng maaga pagkatapos nilang magtanghalian. Naghintay muna si Mika na mahimbing ang kapatid at saka niya buong ingat at tahimik na kinuha mula sa ilalim ng kama ang magandang puting karton na tinanggap niya mula kay Sir Arman.

Kaagad siyang pumasok sa banyo binuksan ang karton. Kinuha ang sobre at nagsimulang bilangin ang eksaktong halaga niyon. Mapait ng ngumiti si Mika habang mahigpit na hawak sa kanyang kamay ang malaking halaga na siyang kabayaran sa kaligayahang binibili ni Sir Arman sa kanya. Pinalis niya ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha ang salapi at saka niya isinara ang karton, lumabas na siya ng banyo at muling maingat na ibinalik sa ilalim ng kama ang karton na kinuha niya.

Nagpalit siya ng damit at nagsuot ng pantalon. Tiningnan muna niya ang kanyang natutulog na kapatid bago siya lumabas ng kanilang kwarto. Nagpunta siya sa padalahan ng pera at ipinadala lahat ng kanyang dala maging ang kaunti niyang naipon. Nang makuha ang resibo ay saka naman siya nagtungo sa pinakamalapit na lugar na may teleponong maaaring bayaran. Tinawagan niya ang numero ng kanilang kapitbahay at nakiusap na makausap ang kanyang ina o sinuman sa mas bata niyang kapatid na naiwan. Bagaman naghintay siya ng matagal ay nakausap din naman niya ang kanyang ina. Pagkatapos alamin ang kalagayan ng kanilang ama at naibigay ang detalye ng kanyang ipinadala ay nagpaalam na din siya.

Ngayon ay mabigat ang pakiramdam na naglalakad na si Mika pabalik sa kanilang tirahan. Sa susunod na pagkikita nila ni Sir Arman ay hindi na ang mga ibinigay nito sa kanya ang ibabalik niya. Kung hindi ang kanyang katawan na malaya na nitong magagagawa ang lahat nitong naisin na walang anumang pagtutol mula sa kanya. Muling namuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata, “Bakit kaya kay lupit talaga ng kapalaran sa akin?” ito ang lihim na tanong ni Mika na itiningin ang kanyang paningin sa maaliwas na kalangitan.

*****

Naglalakad na papunta sa may sasakyan na sundo ng dalaga sina Dan at Angela.

“Angela.”

Tumigil naman sa paglalakad si Angela at tumingin kay Dan.

“Kapag kailangan mo ako, andito lang ako ha. No secrets rememember?” ang paalala ni Dan sa kasintahan na parang biglang naging tahimik.

Ngumiti naman si Angela, “Yes Dan, no secrets. And don’t worry, I’m fine naman.”

Nang tumapat na sa kanila ang sundo ni Angela ay nagpaalam na sa kanya ang kasintahan.

“Take care Dan, see you tomorrow.”

“Ingat din kayo Angela.”

At sa mahinang tinig ay muling nagsalita si Angela, “I love you Dan.”

“I love you too.” ang mahinang sabi din ni Dan habang nakatingin kay Angela.

At saka tuluyan ng lumulan ng sasakyan si Angela na ngumiti muna sa kanya bago nito sinabihan si Mang Lando na umalis na sila. Naiwan si Dan na ihinatid na lang ng tanaw ang papalayong sasakyan at saka siya naglakad pabalik sa loob ng pamantasan. Naghihintay sa kanya sa may rooftop si Christine gaya ng nakasulat sa papel na ibinigay nito sa kanya kanina. Dapat ay maaga siyang pumasok sa trabaho para makabawi sa kanyang gastos sa upa sa bago niyang tinitirhan. Ngunit kailangan din niyang magbigay ng panahon kay Christine na siyang ipinangako niya sa dalaga.

Nakahawak si Christine sa may bakod ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. Pumihit siya paharap sa binatang kanina pa niya hinihintay. Habang naglalakad palapit sa kanya si Dan ay muli niyang naalala ang unang sandali na nagkita silang dalawa sa rooftop na ito. Dahil ang liwanag ng papalubog na araw ay muling nasa maamong mukha ni Dan. Na humahalintulad sa kanyang pag-ibig na kahit hindi ganap na nasuklian ni Dan ay alam niyang mananatili kailanman.

“Dan.”

Nakatingin naman si Dan sa napakagandang dalagang nakatali ang alon-alon na buhok ng isang panyo. Parang ipinaalala sa kanya ang sandaling nagsimula silang dalawa habang ang mahinang pag-ihip ng hangin ay nararamdaman nila. Dahil ang papalubog na sikat ng araw ay naroon sa likod ni Christine. Isang tunay na larawang kayganda na alam niyang hindi na kailanman mawawala sa kanyang isipan.

“Christine.”

Nagtama ang kanilang paningin na parang kapwa nila nais na huwag ng magsalita. Upang ang sandaling nasa kanila ngayon ay hindi na kumilos pa habang magkasama silang dalawa.

Lumapit si Christine kay Dan at saka niya niyakap ng mahigpit ang binatang pinakaiibig niya. Nang magsimulang haplusin ni Dan ang kanyang alon-alon na buhok habang nakayakap din ito sa kanya ay nagsimulang bumukal ang luha sa kanyang mga mata. Malapit ng dumating ang sandaling hindi na niya mararamdaman pa ang mga paghaplos na ito sa kanya ni Dan.

Nang maramdaman ni Dan ang paghikbi ni Christine ay bahagya niyang inilayo ang katawan nito mula sa kanya.

Tumingin naman sa kanya ang dalaga. “I miss you so much Dan.” at saka siya muling yumakap ng mahigpit sa binata.

“I miss you too Christine.”

At saka iniangat ni Dan ang mukha ni Christine at mainit na hinalikan ang nakaawang nitong labi. Buong pusong tumugon naman si Christine habang nakayakap pa din siya kay Dan. Matagal niyang pinagsawa ang sarili sa labi ng binatang ngayon ay buong init ding humahalik sa kanya. Iba talaga kapag mahal mo ang kasalo mo sa halik, mas masarap at mas mainit. Iba ang kaligayahang nadarama dahil may pag-ibig na kasama.

“Please say you love me Dan.” ang pakiusap ni Christine.

“I love you Christine, simula noon hanggang ngayon.” ang matapat na sabi ni Dan, dahil ang pagmamahal niya kay Christine ay nananatiling nasa kanyang puso.

Kaysarap pakinggan kay Christine ang mga salitang binitawan sa kanya ni Dan. Na para bang mahabang panahon siyang nasabik na marinig muli ang mga iyon sa labi ng binata.

“I love you too Dan.” ang buong pag-ibig na sabi ni Christine na muling yumakap sa binata. Bitawan man niya ang mga katagang iyon sa iba ay hindi katulad ngayon ang kahulugan.

“Gusto pa kitang makasama Dan, I don’t want to go.”

Ramdam naman ni Dan ang pangungulila ni Christine sa kanya, “Then dito ka lang Christine.” ang sabi ni Dan na buong pagsuyong hinahaplos ang mahabang buhok ni Christine.

Kung maaari nga lamang na tumigil pa ng matagal ang oras na nagbibilang ng mga araw na natitira kay Christine. Ayaw pa niyang lumisan upang iwan si Dan sa kaibigan niyang si Angela. Ngunit ang katotohanang iba na ang kanyang realidad ay kailangan din naman niyang tanggapin.

Nag-angat na paningin si Christine, “Dan, gusto kitang makasama ng matagal, a whole day and night na dapat akin ka lang.” ang nagsusumamong pakiusap ng dalaga. Isang maghapon at magdamag ang nais niyang huling sandali na kapiling niya si Dan.

“Ibibigay ko sayo Christine ang nais mo. Diba sinabi ko sayo, na may laan akong panahon para sayo.” ang tugon ni Dan habang nakatingin sa mukha ng dalaga.

“Then after ng finals, kapag at ease na tayong lahat, I want us to go to a place na we can have a lots of memories together. We talk, we made love and be at each others arm, just you and me.”

“Sabihin mo lang kung kailan at makakasama mo ako.” alam ni Dan na mahirap sa kanya ang gagawin niyang iyon. Dahil si Angela at ang kanyang trabaho ang kanyang pansamantalang iiwanan makasama lang si Christine. Ngunit nangungulila sila sa isa’t-isa at parang kaytagal na ng naging totoo silang masayang dalawa. Kailangan din siya ni Christine tulad ng pangangailangan sa kanya ni Angela.

Hinawakan ni Christine ang batok ni Dan at muling inilapit ang maamo nitong mukha sa kanya. Muling nilang pinagsaluhan ang masarap na halik na ngayon pa lang ay parang ayaw na ni Christine na mawalay pa sa kanya.

“Dan… , I hope na hindi na sana dumating ang araw na you’ll let me go.” ang mahinang paghiling ni Christine, higit ang pakiusap na iyon sa tadhana kaysa kaysa binatang wala namang alam sa tunay niyang sitwasyon.

“I won’t Christine.” ang sagot naman ni Dan.

Malungkot na ngumiti si Christine dahil alam niyang hindi pa ganap na nauunawaan ni Dan ang ibig niyang sabihin. “Can I trust you Dan?”

Tumango naman si Dan at saka niya pinalis ang mga namuong luha sa mga mata ni Christine.

Kanina pa naiinip si Brandon sa loob ng kanyang sasakyan sa paglabas ni Christine. Nais niyang surpresahin ang dalaga sa kanyang pagsundo dito. Tiningnan niya mula sa katabing upuan ang isang magandang lagayan kung saan naroon ang bagong bili niyang relo para kay Christine. Kasama niyon ang pinagsama-samang lupon ng mga rosas na may magkakaibang kulay. Muli siyang tumingin sa kanyang orasan, may lampas dalawampung minuto ng huli ang dalaga at nagsisimula na siyang mag-alala. Napangiti siya ng makita si Christine na lumabas na din sa may gate. Ngunit mabilis ding naglaho ang kanyang masayang pakiramdam ng makita niya si Dan na naglalakad na kasama nito. Hindi nagtungo sa harapan ng gate at dalawa at naglakad pa palayo. Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at nakadistansyang sumunod sa dalawa. Sa kabilang abangan ng sasakyan niya nakitang naghintay sina Dan at Christine.

Nang may tumigil na isang taxi sa harapan ng dalawa ay saglit pang nag-usap ang mga ito. Mahigpit na nahawakan ni Brandon ang manibela ng kanyang sasakyan. Dahil nakayakap ngayon si Christine kay Dan habang magkahinang ang labi ng dalawa. Pagkatapos pa lang niyon pumasok sa loob ng taxi si Christine. Hindi na din naman nagtagal pa si Dan sa lugar na iyon dahil sumakay na din ito ng sasakyan papunta sa kabilang direksyon naman.

Isinandal ni Brandon ang kanyang likuran at saka nagpakawala ng isang matalim na paghinga. Masyado siyang nagmadali sa pag-asam na magiging kanya na ng tuluyan si Christine. Hindi niya hawak ang puso at isipan ng dalaga na malaya pa ding gawin ang naisin nito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matapos na ang pagkahibang ni Christine at Dan sa isa’t-isa. Dapat ng tumigil ni Christine at dapat na ding tumigil ni Dan. Kung hindi ay wala sa kanilang magiging ganap na masaya at patuloy silang magdurusang lahat. “You’re supposed to be my woman now Christine, you even swear to me!” ang galit niyang hiyaw habang nasa loob ng kanyang sasakyan.

*****

Pagkatapos maghapunan na kasama ng kanyang mga magulang at kapatid ay paakyat na sana si Leandro papunta sa kanyang kwarto. Muli niyang napagmasdan ang mga regalong tinanggap na nasa isang lamesa sa may salas. Hindi pa niya nabubuksan ang mga iyon dahil wala naman siyang gana at mabigat pa din ang kanyang pakiramdam. Nilapitan niya ang lamesa at kinuha ang regalo sa kanya ni Angela at Katrina. Pagkahawak sa dalawa ay napansin na niya agad na parang iisa ang laman. Dala ang dalawang regalo ay umakyat na siya at nagtungo sa loob ng kanyang kwarto.

Pagpasok niya sa loob ay naupo siya sa harap ng kanyang study table. Tiningnan muna ang dalawang larawan ni Angela at saka niya maingat na binuksan ang dalawang regalong dala niya. Ngayong ganap ng nalantad sa kanya ang laman ng mga iyon ay may pagtatakang nasa kanyang isipan. Dahil parehong bagong labas ang dalawang libro ngunit magkaiba ang gumawa. Maari namang nagkataon lamang ito ngunit nais niyang makatiyak dahil sa nasabi na din nina Angela at Katrina na magkakilala na silang dalawa.

Lumabas na siya ng kwarto upang kausapin ang kapatid na sakto namang kapapanhik pa lang sa itaas.

“Got a minute?”

“Is that even a question?” ang nagbibirong ganting tanong ng dalagita. Dahil pagdating sa kanyang pinakamamahal na kapatid ay lagi siyang may nakahandang panahon.

Napangiti naman si Leandro at pinapasok muna ang kapatid at saka niya isinara ang pinto. Naupo si Katrina sa gilid ng kama at tumabi naman sa kanya si Leandro na hawak ang dalawang libro.

“This is from you, and the other one is from Angela. Is this a coincidence?” ang tanong ni Leandro.

Kinuha ni Katrina ang dalawang libro mula sa kapatid at naalala niya si Dan. Alam na niya ngayon kung para kanino ang librong binili ni Dan. Ngunit hindi niya iyong kayang sabihin sa kanyang kapatid upang lalo lamang itong masaktan. Dahil masakit malaman na ang regalong tinanggap niya mula kay Angela ay si Dan ang pumili para sa dalaga.

“I think it’s a coincidence Kuya Lean, it’s true na nagkita na kami ni Angela once. Pero I’m alone ng binili ko ito para sayo. Besides, Angela knows naman you’re into photography diba. So there’s no question kung ito ang matanggap mong gift mula sa kanya.”

Saglit na nag-isip si Leandro, may punto naman ang kanyang kapatid pagdating sa bagay na iyon.

“Okay, I think I’ll accept that, but here is another question for you. Khate, about Dan, is that coincidence din ba? Ang pagpunta niya dito?”

Umiling naman ng bahagya ang dalagita. “I invited him here, but he can’t come because of his work. Kaya I asked you to do that for me, not knowing na magkakilala pala kayong dalawa.”

Napabuntunghininga naman si Leandro, “Khate, do you like him that much?”

“It’s morethan that Kuya, I love him.” ang pag-amin ni Katrina sa kanyang kapatid.

Hindi naman nakapagsalita si Leandro dahil sa sinabi ni Katrina. Hinaplos niya ang buhok ng kapatid at saka niya ito ihinilig sa kanyang balikat.

“Is he aware of your feelings for him?”

Tumango naman ang dalagita.

“Then what is his response?”

“He said na I’m too young for him, so I’ll have to wait for another three years. At nakahanda akong maghintay Kuya Lean, kahit gaano pa katagal.”

Dito na muling natigilan si Leandro, kung sinabi ni Dan kay Katrina na maghintay ang kanyang kapatid ay nangangahulugan na wala nga itong relasyon kay Angela. Ngunit bakit parang hirap siyang tanggapin ang katotohanan na iyon.

“Khate, I’m not saying this bacause I don’t like Dan para sayo. But you will surely have a very difficult time convicing Mom and Dad about him.”

Nag-angat ng paningin si Katrina, “It doesn’t matter Kuya Lean, dahil ako ang magpapasya kung saan ako tunay na liligaya. I will not allow anyone to decide that for me.” ang buong damdamin na pahayag ng dalagita. Si Dan ang mahal niya kaya maghihintay siya dahil iyon ang ipinangako sa kanya ng binata. Alam naman niyang totoo ang sinabi ng kanyang kapatid ngunit totoo din siya sa kanyang sinabi. Bata pa nga ang kanyang edad ngunit kilala niya ang sarili. Walang sinuman ang hahayaan niyang makialam sa pag-ibig niya kay Dan. Nariyan man si Angela ngayon ay magdadalaga din naman siya.

Ngayon ay isang malaking palaisipan ang na kay Leandro. Dahil tulad ni Angela ay may mas higit na karapat-dapat kay Katrina kaysa kay Dan. Hindi niya nais panghimasukan ang pag-ibig ng kapatid at matagal ang tatlong taon. Marami pang maaaring magbago sa takbo ng buhay at pag-ibig nilang lahat. Sana ay mabago pa ng panahon ang nararamdaman ni Katrina at gayundin naman ang kay Angela. Kung kaya ng kapatid na ipaglaban ang bata nitong pag-ibig ay gayundin ang gagawin niya. May ilang linggo pa namang natitira bago matapos ang semestre. May pag-asa pa din siyang nakikita para sa pag-ibig niya kay Angela.

*****

Nasa balcony si Christine na nag-aaral na mag-isa.

“M-Mam Christine…”

Tiningnan ni Christine si Dalisay na nasa likuran niya.

“May tawag po kayo Mam, s-si Sir Brandon po.”

“Thank you Isay.” at saka tumayo si Christine at lumapit sa nakatayong tagasilbi. “Pumunta ka sa kusina at magsabi kang maghanda sila ng malamig na maiinom at sandwich para sa dalawang tao. Then dalhin mo dito at antayin mo ako. You will stay here with me.”

“Opo Mam.” ang masayang sabi ng dalaga. Alam naman niyang wala siyang gagawin kung hindi makinig lamang sa amo niyang dalaga. May libre pa siyang meryenda at maaga siyang makakapagpahinga sa mga iba pa niyang gawain.

Tiniyak muna ni Christine na siya lang ang tao sa salas bago niya hinawakan ang telepono.

“It’s me.”

“Hello Christine.”

“Hi.”

“…..”

“Brandon?”

“I’m still here Christine…”

“Hey, are you okay? You seem unwell?”

Mapaklang tumawa si Brandon, “I’m a little drunk, that’s all, nothing for you to worry about.”

“That’s a relief. Why don’t you take it easy Brandon?”

“Are you concern about me?”

“I am. What is this Brandon? Is there something na you’re not telling me?” ang madiin na tanong ni Christine. Ayaw niya ng ganito, na parang may gustong sabihin si Brandon ngunit ayaw naman nitong ilabas.

Huminga ng malalim ang binata, “I’m sorry Christine, I don’t want to upset you.”

“I’m not. It’s just that, you can come here and we can have a drink together. Why do it alone while you know naman na I’m here…, missing you.”

Tumulo ang luha sa mga mata ni Brandon, masarap iyong pakinggan mula sa dalagang minamahal niya ngunit masakit naman sa kanyang damdamin. Dahil hindi naman siya nito totoong mahal habang nasa puso nito si Dan.

“I miss you too Christine. I miss you so bad.”

“Then come here.” ang malambing na sabi ni Christine.

“No, not tonight Christine. But we will be together soon, because I want to be with you, not for just one night but every night for the rest of our lives. Do you want that life with me Christine?”

Saglit namang natigilan si Christine, “I do.”

“Then do what you must Christine for that to happen. End it, end everything with Dan.”

Ngayon ay may ideya na si Christine, maaaring nakita sila ni Brandon kanina. “I know Brandon, that I will do. Just give me some time, please.”

Napabuntunghininga naman si Brandon. “I’ll give you time Christine, and after you finally end it, then I’ll come to you…. I love you Christine, please don’t hurt me again. I’m at my limit, I can’t take it anymore.”

“I’m sorry, nothing happen Brandon.” ang napaluha na ding si Christine , hindi na niya alam ang kanyang dapat na gawin.

“I know, I was there and I saw it all. So please end it Christine, or I’ll end it myself.”

At saka ibinaba ni Brandon ang telepono at naiwang tulala si Christine. Paano ang isang araw at gabi na gusto niyang makasama pa si Dan. Maingat niyang ibinaba ang telepono at saka naupo sa sofa. Kailangan niyang magpasya, sumugal sa huling sandali na makasama si Dan o tuluyan ng tapusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kahit anong piliin niya sa dalawa ay isa lang ang tiyak niya. Siya ang mag-isang luluha at masasaktan sa huli.

*****

Dahil maagang pumasok sa bar kanina si Dan ay hindi na siya dumaan pa kay Arcelle. May mga staff pang naroon sa opisina at ayaw niyang maghinala ang mga ito sa kanila. Bago siya nagsimula kanina sa trabaho ay binalot niya ng panyo ang relong ibinigay sa kanya ni Angela at saka niya iyon ibinulsa. Ayaw niyang maging dahilan pa iyon ng mga usapan sa kanilang bar o ng mga tanong mula kay Arcelle.

Ngunit ngayong malapit ng mag-alas otso ng gabi ay alam niyang wala ng ibang tao doon maliban kay Arcelle na alam niyang naghihintay sa kanya. Kailangan muna niyang gawin ang isa pa niyang tungkulin sa bar na ito. Ang palihim na busugin sa yakap at halik ang kanilang maganda at seksing manager sa bawat gabing naririto siya. Sinenyasan niya si Alex kung saan siya pupunta na tumango naman sa kanya.

“Bantay na naman ako.” ang napapailing na sabi ni Alex sa sarili. “Langya ka talaga Dan, magpapalam ka lang ay sa akin pa talaga. Paanong gagawin ko ngayon dito sa manoy ko.” ang lihim na nasabi ni Alex dahil sa ramdam niyang pagkagalit ng kanyang pagkalalake. Dahil naroon na namang magpapakasarap si Dan sa piling ng isa sa mga babaeng pinagpapantasyahan niya.

Napatingin naman si Alex kay Mika na tahimik lang na nasa kaha.

“Mika.”

“H-ha.” ang nabiglang si Mika na hindi namalayan ang paglapit ng kaibigan sa kanya.

Napatawa naman si Alex ng mahina, “Bakit bigla kang naging magugulatin ngayon? May problema ka ba?”

Malungkot na ngumiti si Mika, “W-Wala Alex, si Dan?”

“Ipinatawag ni Mam, baka sasabunin na naman. Alam mo namang na-late kami ng balik ng nakaraang gabi.”

“Okay Alex, m-mamaya ko na lang siya kakausapin.”

“Mika…, yung sinabi ko sayo dati. Sana tandaan mo na hindi lang si Dan ang malalapitan mo dito. Andito palagi si Alex na handang tumulong at dumamay sa kung ano man ang laman ng ayaw kong tingnan na yan talaga.” ang nagbibirong si Alex na saglit na napatingin din sa malulusog na dibdib ni Mika.

“Ikaw talaga Alex, pwede mo namang tingnan ah. Libre nga sa iba ikaw pa ba ang pagbawalan ko.” ang sabi ni Mika na nakangiti, gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag nagbibiro talaga ang kaibigan.

“Okay Mika, salamat sa pagbibigay ng pahintulot, hayaan mo at maya’t-maya kong titingnan yan kapag hindi mo ako nakikita.” ang nagbibirong si Alex.

“Sira ka talaga, lakad ka na nga dun.”

“Sige na Mika, sabihin ko mamaya kay Dan pagbalik niya na may sasabihin ka.” ang nakangiting paalam ni Alex sa dalaga.

“Salamat Alex.” ang nakangiti ding si Mika. At ng nakatalikod na si Alex ay muling bumalik ang lumbay sa mukha ng dalaga. Kailangang makausap niya si Dan bago dumating ang gabing sinabi sa kanya ni Sir Arman. Hindi siya makakaiwas kaya nais niyang si Dan ang mauna. Kung magagalaw siya ni Sir Arman ay dapat makapagpunla muna sa kanya si Dan. Hindi siya makakapayag na mauunahan si Dan ng iba.

Sa loob naman ng opisina ni Arcelle ay naroong magkayakap silang dalawa ni Dan. Mainit na magkahinang ang kanilang labi at sabik na sabik talaga si Arcelle.

“Arcelle, eight na.” ang paalala ni Dan sa babaeng nakayakap sa kanya.

“I don’t care, kailangan pa kita.” ang malambing na sabi ni Arcelle.

“Mainit na tayo dito Arcelle, baka may makahuli na sa atin?” ang nag-aalalang si Dan.

“Fine Dan, di sa labas tayo ngayong gabi, matagal na ng huli kitang natikman. Hanggang kailan mo ba ako sasabikin?” ang nakikiusap na tanong ni Arcelle.

“Marami akong ginawa ngayon sa school at finals na next week. Kailangan ko ding mag-aral at tapusin lahat ng dapat kong tapusin.” ang paliwanag ni Dan, alam naman niyang darating ang sandali na may mangyayari ulit sa kanila. Ngunit kung magagawa niyang makaiwas ay gagawin niya. Alang-alang na din kay Arcelle at sa asawa nitong nasa malayo na walang alam sa kataksilang ginagawa nila.

“Matagal pa yun Dan, paano naman ako?” ang mainit na paglalambing ni Arcelle.

“Pagkatapos ng Finals namin, saka kita pagbibigyan.”

“No.” ang madiin na sabi ni Arcelle. “Pagbigyan mo muna ako ngayon at saka na ulit sa susunod. Hindi ka lalabas dito Dan na hindi mo ako nadidiligan. Uhaw na uhaw na ang katawan ko sayo.” Alam niyang nasa delikado silang lugar at may pag-asang baka may makaalam na ng lihim nilang relasyon nila ni Dan. Ngunit iba talaga kapag ang matinding libog ay nakalaya na sa iyong katawan. Lalong sumasarap ang mali at ang bawal.

Dahil sa narinig na banta ay mabilis na inilabas ni Dan ang kanyang galit na alaga. Wala na siyang pagpipilian kapag ganito ang katwiran ni Arcelle na alam niyang hindi niya mapipigilan.

“Isa lang Arcelle, bilisan na lang natin.” ang sabi ni Dan habang pinaluhod niya si Arcelle.

Kaagad namang isinubo ni Arcelle ang galit na pagkalalake ng binata. Parang batang sumusupsop ng napakasarap na pagkain si Arcelle. Inilabas niya ang kanyang dila at nilawayan ng husto ang bilugang ulo at saka niya isinunod ang katawan.

“Ahh..” ang daing ni Dan na nakahawak sa buhok ni Arcelle.

Muling isinubo ni Arcelle ang pagkalalake ni Dan habang nilalaro ng isang niyang kamay ang dalawang itlog ng binata.

“Dilaan mo din Arcelle yung bayag ko.”

Sinunod naman ni Arcelle ang sinabi sa kanya ni Dan. Ngayon ay binabasa ng kanyang dila ang magkabilang itlog ni Dan habang sinasalsal naman ng isang niyang kamay galit at basang-basang nitong alaga.

Nang ganap ng masiyahan si Dan ay hinawakan niya ang kanyang malaking alaga at muling isinubo iyon kay Arcelle.

“Sige, isubo mo lang, wag kang tumigil.” ang madiin na utos ni Dan sa babaeng nakaluhod sa kanyang harapan.

Muling naglabas-pasok sa bibig ni Arcelle ang nagbabagang pagkalalake ng binata na buong sarap naman niyang sinusupsop.

Pagkatapos niyang mapagsawa ang sarili sa bibig ni Arcelle ay mabilis niya itong itinayo. Hinubad niya ang suot na blazer ni Arcelle habang magkahinang ang kanilang labi.

“Isa lang Arcelle ha.” ang paalala ni Dan na nakatingin sa magandang mukha ng kanilang manager.

“Okay Dan, just once lang at talagang mababaliw na ako sa pagkasabik ko sayo.” si Arcelle na hinubad naman ang kanyang kamison.

Hinalikan ni Dan si Arcelle sa labi at mabilis niyang niyakap ang mainit nitong katawan. Inalis niya ang suot nitong bra at ihinagis iyon sa sahig. Gumapang ang halik ni Dan pababa mula sa labi ni Arcelle hanggang sa makinis at maputi nitong leeg.

“Ahmm…”

Isinandal ni Dan si Arcelle sa may pader at saka niya isinubo ang isang utong nito habang madiin na nilalamas naman ng isa niyang kamay ang nakalabas nitong isang malaking dibdib.

“D-Dann…, please be gentle naman..”

Nag-angat ng tingin si Dan, “Ikaw ba ang masusunod o ako?”

“Okay, I’m sorry na…, please tuloy mo na Dan..”

Muling nilamas ng mariin ni Dan ang malaking dibdib ni Arcelle. Labis ang kanyang panggigigil sa malaking dibdib din naman nito. Ilang ulit na iniikot ni Dan ang kanyang dila sa utong nito at saka iyon kakagatin ng bahagya at pagkatapos ay muling susupsupin ng matagal.

“Hmm.. Hmnp..”

Panay na ang masasarap na daing ni Arcelle dahil sa ginagawang paglalaro ni Dan sa kanyang dalawang malalaking dibdib. Hindi na niya kayang pigilan ang kanyang sarili lalo’t kahit masakit ng bahagya ay kaysarap ng ginagawang paghalik, pagdila, at pagsupsop ni Dan sa kanyang dalawang dibdib.

Lalo namang ginanahan si Dan dahil sa ganap na pagsuko sa kanya ni Arcelle, ayaw na din niyang tumigil pa dahil ito naman ang gusto ni Arcelle. Aminado din naman siya na mas masarap talaga ang ganito. Nakakadagdag sa init ng kanilang katawan ang delikado nilang sitwasyon.

Nang magsawa sa dalawang didib ni Arcelle ay bumaba pa ang halik ni Dan sa makinis nitong tyan na hindi pa nalalaman ng bata kaya napakinis pa din at kaysarap na halikan. Ngayon ay si Dan naman ang nakaluhod sa harapan ni Arcelle. Inalis niya ang lock sa suot nitong skirt at niya ibinaba ang munting zipper. Kusa na iyong nahulog sa sahig kaya nalantad na kay Dan ang katambukan ni Arcelle na nagtatago sa suot nitong sedang panloob. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng suot nitong panty at mabilis na hinila iyon pababa. Saglit muna niyang pinagmasdan ang nangingintab ang hiwa ni Arcelle bago niya inalis ng tuluyan ang suot nitong panty. At saka niya isinunod na alisin ang dalawang sapatos na nasa paanan nito. Tumayo si Dan at pinaupo si Arcelle sa may sofa.

Muling lumuhod si Dan at kusa namang ibinuka ni Arcelle ang kanyang dalawang hita. Hinagod-hagod muna ng daliri ni Dan ang basang hiwa ni Arcelle.

“D-Dann..”

Hinawakan ni Dan ang isang hita ni Arcelle at saka niya tuluyan ng ipinasok ang isang daliri niya sa lagusan nito. Mabagal ang ginagawa niyang pagdaliri sa simula habang dinidilaan ang isang hita ni Arcelle.

“Ahh… D-Dann..”

Ngunit hindi naglaon ay naging mabilis na ang kanyang pagsundot at mahigpit ng nakakapit sa kanyang balikat si Arcelle.

“Hmm… Ahh…, D-Dan..

Nang maingay na ang naglalawang pagkababae ni Arcelle ay saka inalis ni Dan ang kanyang daliri . Mabilis na hinawakan ang magkabilang hita ni Arcelle at ibinuka iyon ng maluwang. Saka niya buong sarap na dinilaan ang basang hiwa na napakainit na. Masarap ang mainit na nektar na inilalabas ni Arcelle na patuloy na nilalasahan ni Dan.

“D-Dannn…

Ngayon ay parang hayop na kinakain na ni Dan ang nakabuyangyang na pagkababae ni Arcelle. Mahigpit ng nakahawak sa kanyang ulo at balikat si Arcelle na panay ang galaw ng balakang dahil sa matinding sarap sa kanyang hiwang nagmamakaawa na.

“Please Dan.., lamugin mo na yan..” ang pakiusap ni Arcelle na inaangat ang paningin sa kanya ni Dan.

Inayos ni Dan ng higa si Arcelle at nasa may dulo na ng sofa ang ulo nito. Pinatungan ni Dan si Arcelle at saka niya itinutok ang galit niyang alaga sa lagusang kanina pa nanabik sa gagawin niyang pagbayo dito.

“Ikaw ang magpasok.” at saka binitawan ni Dan ang kanyang pagkalalake.

Hinawakan ni Arcelle ang naghuhumindig na pagkalalake ng binata. At saka hinawakan ng isa niyang kamay ang balakang ni Dan upang dahan-dahan na ipalamon sa kanyang hiwa ang matigas na pagkalalakeng matagal din niyang pinananabikan.

“Ahh… Hahh.. D-Dann..”

Muling hinalikan ni Dan si Arcelle na yumakap naman sa kanya ng ganap ng maglapat ang bulbol nilang dalawa. Muling napaawang ang bibig ni Arcelle ng magsimula ng bumayo si Dan sa kanya.

Panay ang ginagawang paglamas ni Dan sa magkabilang dibdib ni Arcelle habang umuulos siya. Hindi naman malaman ni Arcelle kung saan niya ibabaling ang mukha dahil sa matinding sarap na nakalukob ngayon sa kanya. Sa bawat pagdaan ng alaga ni Dan sa bawat laman ng kanyang lagusan ay ibayong sarap sa kanya. Ang sarap na ito ang hinahanap niya sa binata dahil sa higit na mas malaki at mas mataba nitong pagkalalake kumpara sa kanyang asawa.

“Sige pa Dan.., Shit… A-ang sarappp…”

Lalo namang binilisan pa ni Dan ang kanyang pagbayo upang tuluyan ng mabaliw si Arcelle sa kanya. Maingay na ang bawat niyang pag-ulos ngunit dahil kapwa sila balot na ng init ay wala na silang pakiaalam may makarinig man sa kanila o wala.

Biglang hinugot ni Dan ang kanyang pagkalalake na naging dahilan upang saglit na mawala ang langit na muntik ng naabot ni Arcelle.

Hinila ni Dan patayo ang kanilang manager at pinatuwad ito sa mismo nitong lamesa. Nakatukod ang dalawang kamay ni Arcelle sa lamesa habang hinihintay ang muli namang pagpasok ni Dan sa kanya.

Isang mabilis na pag-ulos at agad namang naibaon ni Dan ang kanyang alagang namumuti na sa ngayon dahil sa katas ni Arcelle. Nakahawak si Dan sa magkabilang baywang ni Arcelle habang mabibilis siyang umuulos. Napakaingay na ng silid na iyon ngunit bingi na din sila sa kanilang mga sariling mga pag-ungol at pagdaing.

“Hah.. hah…”

“Hmm.. hmn..”

“Aahh…” ang biglang naidaing ni Arcelle ng ilipat ni Dan ang isang nitong kamay sa kanyang pagkababe at nagsimulang laruin ang kanyang tinggel habang patuloy na umuulos ang binata.

Ngayon ay inilipat naman ni Dan ang isa pa niyang kamay sa isang dibdib ni Arcelle at buong panggigigil na nilamas iyon. Patuloy si Dan sa kanyang mabibilis na pagbayo habang nilalaro ang isang dibdib at tinggel ni Arcelle.

“I’m cumming na Dannn… B-Bilisan mo paaa….”

Muling hinawakan ni Dan ang magkabilang baywang ni Arcelle at saka siya buong bilis na mararahas na bumayo. Hindi alintana ang nakikita niyang pamumula ng magkabilang pisngi ng pagkababae ni Arcelle.

“D-Daannnn… Ahhh….” ang pigil na sambit at pag-ungol ni Arcelle ng narating niya ng ilang ulit ang sukdulan.

Ngunit hindi tumigil si Dan, matagal pa siyang bumayo sa lagusang nais niyang lamugin ng husto.

Mahigpit na nakakapit si Arcelle sa gilid ng kanyang lamesa habang halos tumirik na kanyang mga mata sa sarap. Walang siyang ibang ginawa kung hindi ilabas ng ilabas ang kanyang mainit na nektar habang masarap na pigil na umuungol. Baliw na siya talaga, baliw na sarap sa piling ng umaalipin sa kanyang si Dan.

“Heto na ako Arcelle, saan mo gusto ang tamod ko? Sagot?” ang mahina ngunit madiin na tanong ni Dan.

“Sa loob Dan, sa loob ko, buntisin mo na ako…” ang wala na sariling naisagot ni Arcelle.

At isang ubod lakas na pag-ulos pa at muling ipinunla ni Dan ang kanyang mainit na tamod sa sinapupunan ni Arcelle. Ilang ulit pa siyang umulos at saka niya ipinatong ang kanyang dibdib sa basang likuran ni Arcelle. Hinawakan niya ang kaliwa nitong kamay kaya naparamdaman niya sa kanyang palad ang suot nitong wedding ring na hindi na niya pinansin. Wala na din namang halaga kung makunsensiya at magsisi pa siya. Hinanap niya ang labi ni Arcelle na nagpaubaya naman sa kanya.

“Nasarapan ka ba ng husto?”

Marahang tumango naman si Arcelle, ninanamnam pa din ang mainit na tamod ni Dan sa kanyang sinapupunan. Muli pang naghinang ang kanilang labi at saka mabilis na hinugot ni Dan ang kanyang bahagyang lumambot na alaga mula sa lagusan ni Arcelle. Dahil sa dami ng tinanggap na tamod ni Arcelle ay tumulo na ang iba sa sahig.

Inalalayan ni Dan na makatayo si Arcelle na agad namang yumakap sa kanya.

“Thank you Dan…, muling nawala ang pagkauhaw ko dahil sayo. Ang sarap mo talaga Dan.” ang mainit at buong lambing na sabi ni Arcelle habang hinahaplos ang maamong mukha ng binata.

Hinalikan naman ni Dan sa labi si Arcelle, “Linisin mo na katulad ng dati, pero gamitin mo muna yang dila at bibig mo bago mo tuyuin.”

Agad namang bumitaw si Arcelle kay Dan, at saka siya muling lumuhod at hinawakan at nilaro hanggang sa muling tumigas ang malaking alaga ng binata. At saka niya iyon nilinis gamit ang kanyang sariling dila. Pagkatapos ay muling niyang sinupsop na parang pilit na inuubos pa ang natirang tamod sa itlog ni Dan. Hindi na niya pansin kung malasahan man niya ang pinaghalo nilang katas. Basta masunod lamang niya ang kaligayahan ni Dan na kaligayahan din naman niya. Nang ganap ng malinis ang pagkalalake ni Dan ay saka niya iyon hinalikan sa may bilugang ulo. Tumayo na siya at kumuha ng ilang tissue at saka tinuyo ang basang pagkalalake ng binata. At saka niya iyon ibinalik sa loob ng brief ni Dan at siya na din ang nagsara ng zipper at nagbalik sa pagkabutones ng suot nitong pantalon.

“Labas na ako Arcelle, ikaw na ang bahala dito sa loob.”

Tumango naman si Arcelle. Minsan pa siyang hinalikan ni Dan sa pisngi at saka mabilis na lumabas na ng kanyang opisina ang binata. Walang pagsisising tiningnan niya ang mga nagkalat niyang damit maging ang tumulong pinaghalo nilang katas ni Dan. Masaya siya at labis siyang naliligayahan, iyon ang mas mahalaga sa kanya kaysa sa sumbat ng kunsenya na hindi kayang ibigay ang pangangailan ng kanyang katawan na alipin na ni Dan.

Pagpasok ni Dan sa loob ng bar ay kaagad na lumapit sa kanya si Alex na parang gwardiyang naghihintay sa kanya malapit sa may pinto.

“Tang-ina Dan ang tagal mo, kanina pa ako kinakabahan dito.”

“Pasensya ka na Alex, napalaban ako kay Mam eh. Bawi na lang ako sayo, may masarap na kwento na naman ako sayo mamaya.” ang nakangiting bulong ni Dan sa kaibigan.

“Na-Nakailan ka kay M-Mam?” ang buong init na tanong ni Alex.

“Isa lang, pero sulit na sulit naman.” ang nakangiting sagot ni Dan.

“M-Mamaya ha.., aasahan ko yan Dan.” ang nanabik na si Alex, hindi man niya pisikal na natitikman ang maganda at sexy nilang manager ay nakakapagparaos na din siya gamit ang mga maiinit na kwento ng mga karanasan ni Dan.

“Akong bahala Alex, pati meryenda sagot ko pa.”

“Ayos.” ang masayang sabi ni Alex. “Siya nga pala Dan, si Mika, parang may problemang dinadala. Ikaw ng bahala Dan.”

Hinawakan ni Dan sa balikat si Alex, “Okay Alex, sige, kausapin ko mamaya si Mika, trabaho muna ako.”

“Dan..”

Muling tiningnan ni Dan ang kaibigan.

“Kapag makakatulong ako, magsabi lang kayo ni Mika.”

“Alam ko Alex.” ang sabi ni Dan, ngumiti muna siya sa kaibigan at saka nagsimulang magtrabaho.

Habang nagliligpit ng mga gamit sa isang lamesa si Alex ay napansin niyang lumabas sa may pinto ang kanilang magandang manager. Iba din talaga ang karisma nito, yun talagang mag-iinit ka agad kahit tinitingnan mo pa lang. Talagang napakaswerte ni Dan dahil kanina lamang ay masarap nitong pinagsasawaan si Mam Arcelle na pantasya lamang ng isang tulad niya.

Lumapit si Arcelle kay Dan, “Iniwan kong nakabukas yung office, iniwan ko sa lamesa yung duplicate key at isang munting regalo ko sayo. Pagkatapos mong kunin, i-lock mo yung pinto.” At saka lumakad na palayo si Arcelle na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Walang namang naghihintay sa kanya sa apartment kaya kanya ang lahat ng oras niya. Malaya siyang magagawa ang lahat ng gusto niya habang wala ang kanyang asawa. “You can do whatever you want too Arman, mambabae ka na ulit para patas lang tayong dalawa. No hard feelings.” ang lihim niyang nasabi ng masaya.

Pagkalabas ni Arcelle sa bar ay kaagad na nagtungo si Dan sa opisina nito. Iginala muna niya ang paningin upang tiyakin na walang tao sa paligid bago siya pumasok sa loob. Mabango na ang opisina at parang walang ngyaring kahalayan kanina lamang. Nasa lamesa ang isang susi at ilang perang papel na may munting sulat na kasama.

“salamat sa ligaya, magsabi ka lang kapag kulang pa” ang nakasaad sa papel na binasa niya.

Kinuha niya ang pera at ang susi at saka siya mabilis na lumabas. Ini-lock ang pinto at saka nagmamadaling bumalik sa bar. Halos said na ang kanyang pera dahil sa paunang bayad niya sa bahay. Malaking alwan sa kanya ang salaping ibinigay sa kanya ni Arcelle. Hindi niya mapigil ang sarili na ngumiti. May libre na siyang ligaya ay may tulong pang kasama.

Pagbalik niya sa loob ay napansin niyang ibang staff na ang nasa kaha. Hinanap niya si Mika na nakita niyang nakatayo sa may daan papunta sa likod na parang naghihintay sa kanya. Tumango sa kanya si Mika na parang sinasabing sumunod siya. Pinauna niyang lumabas si Mika sa likuran at saka siya sumunod sa dalaga.

Napansin naman ni Alex ang dalawa at saka niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Pagkasara ni Dan ng pinto ay agad na yumakap sa kanya si Mika.

“Dan.” ang sambit ni Mika habang nakayakap siya ng mahigpit kay Dan.

“Bakit Mika? Anong problema?” ang nag-aalalang tanong ni Dan dahil sa bahagyang panginginig ng dalaga.

Tiningnan ni Mika ang binata, “Hindi ba tayo pwedeng magtabi ngayon Dan?”

Maaari naman niyang pagbigyan ang dalaga ngunit sadyang pagod na siya. “Bukas na lang Mika.”

Bigla namang kinabahan si Mika, paano kung ngayon gabi maghihintay sa kanya si Sir Arman. Kailangang may mangyari muna sa kanila ni Dan bago niya ibigay ang sarili sa iba.

“H-Hindi ba talaga maaaring ngayong gabi Dan?” ang halos naiiyak ng si Mika.

“Mika, ano ba talagang problema mo?” ang madiin na tanong ni Dan. Hindi normal ang nakikita niya kay Mika at nag-aalala na siya.

Pilit na ngumiti si Mika, “W-Wala Dan, okay lang naman ako. S-Sige Dan, bukas na lang. Balik na tayo sa loob…”

Patalikod na si Mika ng biglang hinawakan ni Dan ang kanyang bisig. “Mika, hindi tayo matatapos mag-usap hanggang hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo.” ang galit ng si Dan.

Muling yumakap ng mahigpit si Mika kay Dan at saka siya nagsimulang umiyak.

“D-Dan.., anong gagawin ko? Nagigipit na ako na Dan, wala na akong matakbuhan. Natatakot na talaga ako.” ang sabi ni Mika habang tumatangis siya.

“Sinong nanggigipit sayo Mika? Ano bang ikinakatakot mo?”

“G-Gusto akong babuyin ni Sir Arman…, pero may nagawa na ako Dan. Paano pa ako makakatakas sa kanya ngayon?” at saka siya muling umiyak sa dibdib ng binata.

“Huwag kang matakot Mika, pababayaan ba naman kita.” ang galit na sabi ni Dan habang nakayakap din siya sa dalaga. Hindi isang laruan si Mika para babuyin lang ng isang tulad ni Arman. Hindi niya iyon kailanman mapapayagan.

Sa likod naman ng pinto ay tahimik lang na nakikinig si Alex sa dalawa. Nakakuyom ang kanyang kamao at nangangalit ang kanyang dibdib. Sa ganitong pagkakataon ay hindi na mahalaga sa kanya si Dan, maging si Mam Arcelle o ang kanyang trabaho man. Dahil ibang usapan kapag si Mika ang natatakot at masaksaktan.

“Ihanda mo yang mukha mo sa akin Arman.” ang laman ng isipan ng napopoot na si Alex.

(Ipagpapatuloy…)

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *