Tukso kay Dan Season 2 Part 4

Chapter 4

Kanina pa dapat umuwi si Arman ngunit hanggang ngayon ay nasa loob pa din siya ng kanyang opisina. Wala naman siyang ginagawa kung hindi malalim lang na nag-iisip. Nakasandal siya sa kanyang upuan habang nakatingin sa folder na nasa kanyang lamesa. Isang panibagong project na naman sa labas ng Maynila ang kanyang kailangang gawin at tapusin.

Natigil siya sa pag-iisip ng makarinig ng magkasunod na katok at iginawi ang kanyang paningin sa may salamin na pinto.

(“tok” “tok”)

Nakangiting pumasok ang kanyang kaibigang si Edward, isang architect sa pinapasukang kumpanya at lagi niyang kasama sa bawat proyekto na pinamamahalaan niya.

“O bat parang tuod ka dyan, it’s time to celebrate like usual. Makakalayo na naman tayo sa mga esmi natin at hapi-hapi na naman.” na sinabayan ni Edward ng mahinang pagtawa.

Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi ni Arman, hindi na katulad ng dati ang sitwasyon. Ngayon ay nasa bagong simula na sila ng kanyang asawang si Arcelle at pinutol na niya ang anumang ugnayan sa huling babaeng lihim na nakarelasyon. Ngunit ang pagsasama nilang mag-asawa ay nanganganib na namang muling malamatan dahil sa isang staff ng restobar na pinamamahalaan ni Arcelle.

Napansin naman ni Edward ang hindi magandang kondisyon ng kaibigan. Naupo siya harap ng lamesa nito at ipinatong ang kamay doon.

“May problema ba Arman? ang tanong ni Edward na may halong pag-aalala. Ayaw pa niyang matapos ang kanilang mga ginagawang bawal na laro.

Huminga ng malalim si Arman, “I think it’s time for me stop doing that shit Pare.” Sa kanyang isipan ay iyon ang nais niyang gawin ngunit ang tukso ng batang katawan ni Mika ay laging nasa kanyang isipan.

“Well, come on naman Pare, anong ngyari sayo? Hindi ba napag-usapan na natin to, na titigil lang tayo kapag kapwa tayo may anak na. Baka naman sawa ka lang kay Karen? Find a new one, yung mas bata at maganda. For sure Arman, with your looks at status, madami pang bebot ang mahuhulog sa kamandag mo.” ang nagbibirong si Edward.

“I already ended everything between us, wala na kami ni Karen. For fuck’s sake, I don’t even care kung kanino siya kumakalantari ngayon.” ang seryosong sagot ni Arman sa pahayag ng kaibigan. Wala na naman talaga siyang pakialam sa huling dalagang nakarelasyon. Kahit nagmamakaawa pa ito sa kanya ay tinapos na niya ang pakikipag-ugnayan dito.

Ngunit ang inaakala niyang bagong simula ay mukhang hindi muna mangyayari. Dahil nais niyang pasukuhin sa kanyang harapan si Mika. Ang gawing sunud-sunuran sa kanyang bawat naisin ang magandang dalagang may kanasa-nasang alindog. Ito ang tunay na dahilan kung bakit wala siya sa mood. Ayaw na niya sa mga babaeng call girl at nasa bar, si Mika ang mas higit na kailangan niya ngayon. Ganito naman siya palagi, kapag may natipuhang babae ay hindi siya papayag na hindi niya maikakama. Ngunit iba ang dating sa kanya talaga ni Mika.

“Okay, okay.” ang natatawang si Edward, pilit na pinapalitan ang tensyon na nararamdaman sa kaibigan.

“So, kung ayaw mo ng mambabae, anong plano mong gawin while we’re doing this project? Magmukmok sa loob ng flat mo habang umiinom na mag-isa. Think about it Arman, kung wala pa namang alam si Arcelle, why stop? Let’s enjoy the moment and have more fun, like before.”

“She knows Ed. Everything.” ang maikling tugon ni Arman.

Natigilan naman si Edward, malaking gulo malamang ang nangyari sa pagitan ng mag-asawa.

“Are you both okay now?” ang muling nag-aalang tanong ni Edward.

“I guess.”

“You guess?”

Napailing na lang si Arman habang muling mapaklang napangiti. Wala siyang balak na sabihin kaninuman na nagkaroon ng ibang lalake ang mahal niyang asawa. May pride pa din naman siya bilang lalake. Ang kanyang alinlangan ngayon ay hindi dahil kay Arcelle kung hindi dahil kay Mika na nag-aalangan naman siyang sabihin sa kaibigan.

“I think we’re both doing good. She already forgave me and we decided to start over. Kaya I want to stop na Pare.” ang kanyang nasabi na lang sa kaibigan, dahil wala naman siyang interes na sa ibang babae maliban sa isang labis na nagpapapainit sa kanyang katawan.

Napilitang ngumiti na din si Edward, “Fine, if that’s what you really want. I’ll respect that. But…, if ever na you want to join me sa aking mga bagong sexcapades. You don’t have to ask, just join in, okay?” Sa isipan ni Edward ay tiyak na ngayon lang ang paninindigan ni Arman, bagaman concern siya sa relasyon ng mag-asawa ay tiyak na wala namang muling malalaman si Arcelle dahil nasa malayo na ulit sila. Tuloy ang bawal nilang mga laro at hindi si Arman ang klase ng lalake na tatanggi sa masarap na putahe.

Kinuha ni Arman ang folder na nasa lamesa at itinabi iyon sa kanyang personal drawer. Kinuha ang kanyang attache case at saka siya tumayo na na sinabayan din ni Edward.

“How about some drinks? The least we can do is to still celebrate this new project.” ang nakangiting paanyaya ni Edward habang naglalakad sila patungo sa may pinto.

“Okay, but not tonight. I already planned something special para kay misis. Sa next Monday na lang, sa restobar ni Arcelle, it’s been a while since ng huli tayong uminom doon.” ang suhestyon ni Arman habang naglalaro na naman sa kanyang isipan ang malulusog na dibdib ni Mika na nais na naman niyang masilayan kahit natatakpan ng uniforme ng dalaga.

“Call, uwi na lang din ako kay esmi ng maaga.”

Pagkatapos magpaalaman sa isa’t-isa ay pumasok na sila sa kani-kanilang sasakyan. Habang binabagtas ang daanay nagpasya si Arman na bigyang kasiyahan ang asawa sa bawat sandaling magkasama pa silang dalawa. Saka na niya sisimulan ang plano kay Mika kapag sinimulan na nila ang kanilang bagong project. Hindi naman napakalayo ng Bulacan sa Maynila, kung kailangan niyang magsakripisyo ng oras ay gagawin niya. Makagawa lang ng paraan para alipinin ang dalagang dahilan kung bakit galit naman ang kanyang alaga sa loob ng kanyang pantalon.

*****

Umiinom na mag-isa si Gavino sa kanyang sariling silid sa safehouse na kinaroroonan nila ngayon kasama ang kanyang mga tauhan. Katatapos lang ng kaniyang trabaho kay Anton at sa iba pa niyang kliyente ay mayroon na namang nais na ipagawa ang kaibigan. Hindi naman siya isang asong sunod-sunuran lang kay Anton kahit matagal na silang magkakilala at magkaibigan. Dahil may katapat na halaga ang bawat lakad at kilos niya.

Naririnig pa niya ang kasiyahan na nagmumula sa salas. May mga babaeng pinagigiling ang kanyang mga bata na normal ng pangyayari sa tuwing nakakatapos sila ng trabaho. Tumayo si Gavino at lumapit sa isang lumang istante, kinuha ang isang kwadernong naroon at bumalik sa kanyang upuan na may katabing munting lamesa. Mula sa kwaderno ay inilabas ang larawang matagal ng panahong iniingatan. Ang lumang larawan ng isang magandang babae na may maamong mukha. Ilang taon na din ng huli niyang nakita si Alice, ang iniibig niyang babae na asawa ni Anton.

Patuloy siyang uminom ng matapang na alak habang nakatingin sa larawan. At kasabay nito ang paggunita sa ilang sandali na naging totoong masaya siya noong panahon na higit siyang mas bata kumpara ngayon.

Hinaplos niya ng banayad ang larawan na nakapatong sa lamesa, “Alice…” ang buong pagsuyong sambit ni Gavino habang nakatingin sa larawan. Ipinikit ang kanyang mga mata at saka muling nangarap ng isang masaya at normal na pamumuhay sa piling ng nag-iisang babaeng minahal. Pagmamahal na kahit sa paglipas ng mahabang panahon ay hindi naglaho at nanatiling nasa kanyang mainit na damdamin. Pagmamahal na mananatiling nakakulong sa kanyang pangarap at isipan.

*****

Habang naghahapunan ang pamilya ni Christine kasama si Brandon ay hindi mawala ang ngiti at saya sa mga magulang ng dalaga. Dahil ngayong gabi ay mangyayari ang matagal ng ninanais ng mga ito, ang magkasama sila ni Brandon sa kanyang sariling kwarto upang muling gawin ang inaakala ng kanyang mga magulang na namagitan na sa kanila.

“Is everything to your liking Iho?” ang nakangiting tanong ni Amanda sa binatang katabi ng kanyang anak.

“Yes Tita, paborito ko po ang mga ito at tamang tama po ang lasa.” ang masayang sagot naman ni Brandon sa ina ni Christine.

“Brandon, you are no longer stranger to us. You can treat and call us like your own parents. Magtatampo kami sayo ni Miguel kapag palagi mong kakalimutan ang dapat mong itawag sa amin.” ang nagbibirong paalala ni Amanda.

Napangiti naman ng maluwang si Brandon, “I’m sorry M-Ma, I’ll get used to it from now on.”

“Dapat lang Iho, or else, we’ll have to ask you to live with us. Not just staying some nights, I’m quite confident your parents will have no objection on the matter.” ang nakangiti ngunit seryosong pahayag ni Miguel. Nais niyang maging matatag ang pundasyon ng anak at ng binatang nais niyang maging dahilan ng lalo pa niyang pag-angat sa estado.

“Pa…,” ang nasabi na lang ni Christine habang nakatingin sa kanyang ama. May nais pa sana siyang idugtong ngunit hindi na niya nasabi upang hindi na mauwi sa hindi maganda ang masayang hapunan ng mga ito.

Hindi naman kaila kay Brandon ang saloobin ni Christine.

“We’ll take it one step at a time Pa.” at saka hinawakan ni Brandon ang malambot na kamay ni Christine. “Spending some nights with Christine already makes me happy. Living with her can wait naman po hanggang sa maikasal kami.” ang madamdaming pahayag ng binata habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga na ngayon ay nakatingin din sa kanya.

“Brandon is right Miguel, after Christine finish her studies. They will eventually get married, so let’s not rush sa part na they will live together. Para mayroon silang something new to explore and be excited about.” ang nakangiting si Amanda, ngayon pa lang ay nakikita na niya ang magiging buhay ng anak sa piling ng binata.

“Well, If that’s what Brandon wants, Im still onboard with that.” si Miguel na nakangiti din kay Brandon.

Hindi naman binawi ni Christine ang kamay sa pagkakahawak ni Brandon at hinayaan na lamang niya ito. Lihim siyang nagpasalamat na ang binata na mismo ang tumanggi sa isa namang suhestyon ng kanyang ama na lalong sasakal sa kanyang kalayaan.

“Thanks Pa.” si Brandon.

Pagkatapos maghapunan ay nagtuloy ang kanyang mga magulang sa may veranda kasama ang binata. Nagpaalam siya saglit at sinabing susunod na lang sa mga ito. Nilapitan niya si Dalisay at pinasunod niya ito sa kanya.

Sa isang medyo tagong lugar ay mabilis niyang sinabi ang kailangan sa dalagang katulong.

“Isay, hindi naka-lock ang room ko, gawin mo agad ang pinapagawa ko at wag mong sasabihin kahit kanino.” ang madiin na sabi ni Christine kasama ng matiim na tingin.

“Y-Yes po Mam Christine.” ang may halong takot na sagot ni Dalisay. Dahil sa marangyang tahanang ito, mas higit ang takot ng mga taga silbi sa may pagkamalditang si Christine kaysa sa mga magulang ng dalaga.

Mabilis na tinalikuran ng dalaga ang natigilan pa ding katulong at sumunod na sa veranda kung saan naroon ang mga naghihintay sa kanya. Habang naglalakad ay kagat niya sa labi ang kanyang hinlalaki. Alam niya ang nasa isip ni Brandon, mainit ang kamay ng binata habang nakahawak sa kamay niya kanina. Ang klase ng init na may kakayahang tumupok sa laman na mahina sa pagtawag ng tukso.

*****

Alas-otso ng gabi. Pagkatapos ayusin ni Arcelle ang mga gamit na nasa kanyang table ay saglit niyang inayos naman ang sarili. Nagpulbos ng kaunti at muling naglagay ng lipstick na paboritong kulay ng kanyang asawang si Arman. May special dinner sila ngayong gabi ng kanyang asawa. Pagkatapos ibalik sa kanyang shoulder bag ang mga ginamit ay lumabas na siya ng kanyang opisina. Nagtuloy na sa may loob ng bar at mabilis na hinanap ng kanyang mga mata si Alex.

Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya.

“Alex, papasok na si Dan sa Monday diba?”

“Yes Mam, ngayong araw po yata siya lumabas ng ospital. Okay na naman po siya ng huli kaming magkita sa ospital. Naiinip na nga po at gustong-gusto ng makabalik sa trabaho.” ang nakangiting sagot ni Alex sa kanyang magandang manager. Ayaw man niya ay lalake pa din siya, nakakatukso naman talaga si Arcelle tulad ni Mika lalo na kapag ng nakaayos ng ganito ang manager nila.

“Okay, gusto ko lang maka-sure since hindi pa din siya nagtatagal sa bar na ito. Hindi magandang example sa iba kung magkakaroon ako ng special treatment sa kanya. Let him know na kailangan na niyang pumasok sa trabaho.” ang may diin na paalala ni Arcelle kay Alex. Isang linggo na niyang nais na makita si Dan at sabik na sabik na siya. Nakakaramdam pa din siya ng guilt para sa asawa ngunit hindi niya talaga kayang pigilan ang masidhing libog at pagnanasa para sa binata. Hinahanap ng kanyang makasalanang katawan ang kalinga ng mainit na halik, mahigpit na yakap, matipunong katawan at mas malaking pagkalalake ni Dan .

Pagkatapos siyang talikuran ng kanilang manager ay nagtungo naman si Alex sa may kaha. Inantay munang matapos ni Mika ang customer na kaharap bago niya kinausap ang kaibigan.

“Mika…”

“May sinabi ba sayo si Mam tungkol kay Dan, napansin ko kasing nag-usap kayong dalawa bago siya lumabas.”

“Sinabi lang ni Mam na kailangan ng pumasok ni Dan sa trabaho. Eh, ikaw na lang magsabi mamaya kay Dan pag-uwi mo sa bahay. Gusto sana kitang ihatid mamaya para ako na lang ang magsabi sa kanya pero may naghihintay din sa akin tinitirhan ko.” ang paliwanag ni Alex kahit hindi naman totoo. Ayaw lang niyang makita ang dalawang kaibigan na magkasama sa gabi na nasa iisang lugar bago siya umuwi. Magdudulot lamang iyon ng dagdag na kirot sa kanyang dibdib.

“Okay lang ako Alex, ikaw talaga. May mga bukas namang ilaw sa dinadaanan ko at may ilang tindahan na hindi nagsasara.” ang nakangiting sabi ni Mika, sa kanyang isipan ay naroon ang isang hinala na nagdadahilan lang ang kaibigan.

“Doon na muna ako Mika, ikaw ng bahala kay Dan.” ang paalam ni Alex.

Isang ngiti ang ibinigay na sagot ng dalaga. Nang nakatalikod na si Alex ay magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Lungkot dahil sa katotohanang may mga dalagang higit sa kanya ang nasa puso ni Dan. Saya dahil kahit ganito ang sitwasyon ng kanyang relasyon kay Dan ay muli na naman niyang mararamdaman ang init ng katawan nitong lagi niyang pinananabikan.

Tumingin siya sa kanyang orasan na nasa bisig, ilang oras pa ang kanyang ipaghihintay at sana ay naroon na nga si Dan sa kwarto ng binata na naghihintay sa kanyang pagdating. Hindi na mahalaga sa kanya kung siya ay maging parausan na lang ng binatang minamahal. Dahil ang bawat sandaling magkapiling silang dalawa ay kaligayahan na ni Mika, kaligayahan na nagbibigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy gaano man kapait ang kanyang nakikitang kahahantungan ng relasyon nila ni Dan.

*****

Pagkatapos ng isang masarap na hapunan ay saglit lang siyang kinausap pa ng ama ni Angela. Nagpaalam na ito at nagsabing may gagawin pa sa study room nito. Naiwan siya sa salas kasama si Angela at ang ina ng dalaga. Patuloy pa silang nag-usap ng mas higit patungkol kay Dan. Dahil maraming nais na malaman si Alice sa binatang kasintahan ng anak. Ngunit ang tungkol kay Christine ay wala ni isa man sa kanila ang nagpahayag.

“Dan, it’s already past eight. Let me have something for you to take home, okay?” ang nakangiting si Alice na sinabyan niya ng pagtayo.

“Wag na po kayong mag-abala Tita.” ang nahihiyang si Dan na napatayo na din.

“It’s not a bother to me Dan, how about you join me in the kitchen. Para mapili natin ang mga gusto mo.” ang nakangiti pa ding si Alice. Ibinaling ni Alice ang paningin kay Angela,
“Iha, go and see your Dad. Ask him kung ano ang gusto niya, tea or coffee, I’ll prepare it and you bring it to him. Your Dad loves it everytime na ikaw ang nagdadala nun sa kanya.”

“Okay po Mom.” ang puno ng siglang sagot ng dalaga. Ang lahat ay normal na ulit sa kanyang masayang pamilya.

“Dan, I’ll be with you shortly ha. Kay Mom ka muna.” ang malambing na paalam ni Angela kay Dan na may kasamang matamis na ngiti.

Nang sila na lang dalawa ni Alice ang naiwan sa may salas ay kapwa sila tahimik na nagtuloy sa kusina. Iba ang pakiramdam ni Dan sa sandaling nasa kusina silang dalawa, lalo na ng mapansin niyang nakahanda na ang mga pagkaing nakalagay sa magagandang plastic ng lagayan.

“Dan…, I’ll make it quick. I already know about your other woman, Christine. Angela admitted it to me, she cries the moment she told me about her.” ang malungkot na sabi ni Alice.

“I’m sorry Tita.” ang malungkot ding nasabi na lang ni Dan.

“Don’t be sorry for me Dan, feel sorry for Angela na labis na nagmamahal sayo sa kabila ng lahat. Natatandaan mo pa ba ang pangakong binitawan mo sa akin? At kung ano ang sinabi ko sayo the moment na you breaks her heart. Please Dan, love my daughter with all of your heart and not just half of it. Dahil ang lahat kay Angela ay ikaw, ikaw ang kanyang reason for living. You already know what happened here, what she did to save you.” at saka hinawakan ni Alice ang kamay ni Dan, “Hindi ko sinasabing magmadali ka dahil alam kong very complicated ang relationship ninyong tatlo. What am I saying is that you plan it ahead. Think hard on how you can solve the situation before it gets worse. Angela is our only child ni Anton, it hurts us so much dahil alam naming patuloy na nakikiagaw lamang ng pag-ibig si Angela sa iba para sayo gayung labis ka niyang minamahal.” sa ngilid ng mata ni Alice ay naroon ang luha na hindi niya napigilan. Masakit sa kanya ang sitwasyon ng nag-iisang anak kahit pa maligaya ito sa ngayon. Dahil ang pag-ibig ni Angela kay Dan ay katumbas ng buhay at kamatayan, dalisay at pag-ibig na walang hanggan.

“I’ll do my best Tita, para ayusin po ang lahat ng ito. Bigyan nyo lang po ako ng panahon at darating po ang araw na maibibigay ko kay Angela ang pangakong binitawan ko po sa kanya.” Sinabi ito ni Dan na may kirot sa kanyang dibdib, ayaw pa niyang mangyari ngunit sinisingil na siyang muli ng kapalaran. Paano niya haharapin si Christine? Paano ang huling pangakong binitwan niya dito na hindi niya ito iiwan, magpakailanman. Ang mga tanong na ito ang gumugulo ngayon sa isipan ni Dan.

Binitiwan ni Alice ang kamay ni Dan ng mapansin ang anak na palapit na sa kusina. Nagkunwa itong nagtungo sa may ref at nakakaunawang hinarap naman ni Dan ang dalaga. Pagkatapos magdulot ng mainit na inumin ni Angela sa ama at ng naayos na ni Alice ang mga nais niyang ipauwi kay Dan ay hindi na din nagtagal pa si Dan. Pumasok siya saglit sa study room ni Anton upang magpaalam.

“Sir, uuwi na po ako.” ang magalang na paalam ni Dan habang nakaharap kay Anton na abala sa ginagawa nito sa lamesa.

Itinigil ni Anton ang ginagawa at tumingin sa binata. Ngayong sila na lamang ni Dan ang magkasama ay muling nagkaroon ng pader sa pagitan nilang dalawa.

“Dan, please do remember what I’ve told you. For everyone’s sake, do what you must. I’m not supposed to say this but I can’t help it. Angela is not woman you can toy with. If you really loves her, wala na siyang dapat na kahati pa.” ang may diin na sabi ni Anton. Hindi niya nais na sa ganito sila maghiwalay ni Dan ngunit mahirap sa kanya bilang ama na nagmamahal sa nag-iisang anak ang nalalamang sitwasyon ng relasyon nito. Kung kanina ay kalmado siya ngayon ay nakakaramdam na naman siya ng paninibugho para sa nag-iisang anak. Napakahirap palang gawin ang nais ng asawa at anak niya.

“I’ll keep that in mind Sir, gagawin ko po ang dapat kong gawin para kay Angela.”

“I’ll wait for it then.” at saka ipinagpatuloy ni Anton ang ginagawa at hindi na muli pang tumingin sa binata.

Napabuntunghininga naman si Dan. Saglit na tumingin sa ama ng dalaga, yumukod at saka lumabas na ng study room. Itinigil naman ni Anton ang kanyang ginagawa ng wala na si Dan sa loob, sumandal sa kanyang upuan at saka malalim na nag-isip. Hindi na dapat siya nakikialam pa ngunit mahirap talaga sa kanya.

Pagkatapos magpaalam kay Alice ay ihinatid na ni Angela si Dan. Magkahawak kamay silang naglalakad habang patungo sa may gate.

“Dan, even if you don’t say it naman. I know na may something serious kayong pinag-usapan ni Mom. Because you’ve become so quiet after that. Can you tell me kung anong sinabi sayo ni Mom? No secrets dapat between us Dan.” si Angela na tumigil sa paglalakad , nakatingin sa mukha ng binata habang nanatiling hawak ang kamay nito.

Ibinaba ni Dan ang kanyang dala at hinaplos ang buhok ng dalaga, at pagkatapos ay sa may pisngi nito. Ngumiti at saka siya nagsalita.

“Sinabi sa akin ng Mom mo na to take care of you. And she made me a promise to never breaks your heart. And I must love you with all of my heart, tulad ng pag-ibig na inilaan mo para sa akin.” at saka hinawakan ni Dan ang kaliwang kamay ng dalaga. Hinanap ang guhit ng kutsilyo na naroon na tanda ng tapat at masidhing pag-ibig sa kanya ng dalaga. Itinaas niya iyon palapit sa kanyang mukha at saka buong pag-ibig na hinagkan.

Saka niya niyakap ng mahigpit si Angela na yumakap din naman sa kanya.

“I love you Angela, darating din ang araw na ipinangako ko sayo.” si Dan habang nakayakap na hinahaplos ang mahabang buhok ng dalaga.

“I know naman Dan. I’m willing to wait naman para sayo, because I love you so much. Just don’t go anywhere na I can’t see you. Never leave me alone ha…, or I’ll die…” ang may halong lungkot na tugon ni Angela na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa binata. Nakahanda naman siyang maghintay kahit gaano pa katagal. Basta magkasama sila ni Dan ngayon ay sapat na muna sa kanya.

“Sa ngayon, kailangan mong maging mas matatag pa Angela. Dahil magkaiba ang ating daigdig at hindi pa tayo magkapantay.” ang malungkot na sabi ni Dan, kailangang may mapatunayan muna siya sa kanyang sarili at sa ama ng dalaga upang maging ganap siyang karapatdapat para kay Angela.

Nakangiting tiningnan ni Angela si Dan habang ang nagbabadyang mga butil ng luha ay nasa sulok ng kanyang mga mata. “No Dan, hindi ito magkaiba, it’s the same. Like now, kung saan ako nakatayo ay naroon ka din, it’s always the same simula pa ng nakilala kita. Ikaw ang aking daigdig Dan, and I know na hindi ito magbabago kailanman.”

Pinalis ni Dan ang mga mainit na luhang nasa mukha ni Angela. Buong pagsuyong tiningnan ang nangingislap nitong mga mata habang ang kanyang magkabilang palad ay nanatili sa pisngi ng kasintahan. At saka unti-unting bumaba ang kanyang mukha palapit sa dalaga. Kusa ng pumikit ang mga mata ni Angela kasabay ng paglapat ng mainit na labi ni Dan sa kanyang naghihintay na nakaawang na labi.

At muling naghinang ang kanilang labi at saka sila mahigpit na muling yumakap sa isa’t-isa. Habang ang pangako ng kinabukasan na sila lamang dalawa ay nasa puso ng bawat isa sa kanila.

*****

Nauna nang bumalik si Christine sa kanyang kwarto bago pa man lumalim ng husto ang gabi, tiningnan ang mga pinakuha niya kay Dalisay na nasa ibabaw ngayon ng kanyang kama. Handa na siya. Ini-lock niya ang pinto at mabilis na naligo. Pagkatapos magpalit ng damit ay nagpatuyo ng buhok at saka ginawa ang nais na mangyari sa mga dinala ng dalagang katulong para sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay nakarinig siya ng mga banayad na pagkatok. Nasa harap na ng kanyang kwarto si Brandon. Pinatatag niya ang sarili at lumapit sa pinto, huminga ng malalim at saka iyon binuksan.

Nang bumungad kay Brandon ang ayos ni Christine ay hindi niya napigil ang sarili na mapangiti. Lalo na ng mapansin ang makapal na blanket na nasa gitna ng silid ng dalaga. Mayroong isang unan at kumot din na naroon.

Pumasok na si Brandon sa loob ng kwarto at inilock naman ni Christine ang pinto. Ngayon ay nakasandal si Christine sa may pinto habang nakatingin sa likuran ni Brandon.

Pagkatapos makapasok sa loob ng kwarto ng dalaga at nakangiting pinagmasdan ang nakalatag na blanket ay muli niyang hinarap si Christine. Are you always wearing that kind of dress when you go to bed?” ang na-amuse na si Brandon habang nakatingin sa dalaga. Nakasuot kasi ng medyo maluwang na tshirt at jogging pants si Christine. Expected na naman niya na hindi sapat ang ngyari kaninang umaga upang makita niyang naka night gown ang dalaga sa unang gabi na magkasama silang dalawa. Pero deep inside ay na-disappoint pa din siya.

“What I wear is none of your concern. I sleep in my bed, you sleep over there and that’s what’s gonna happen tonight.” sabay turo ni Christine sa nakalatag na blanket sa may gitna ng kanyang kwarto.

Lumapit si Brandon kay Christine, at buong pag-ibig at init na tumingin sa maganda nitong mukha.

“This is not what I want Christine for our first night together. Matagal na akong nananabik sayo, I want you to be mine na Christine.” ang malamyos na sabi ni Brandon, ngayong silang dalawa na lang ni Christine ang magkasama sa loob mismo ng kwarto ng dalaga ay mahirap sa kanya ang magpigil. Dahil kahit pa pilit na itinago ni Christine ang napakagandang hubog ng katawan nito ay litaw pa din iyon sa suot nito ngayon.

“B-Brandon, you’re a nice guy, p-please don’t do something na magiging dahilan ng pagbabago ng opinyon ko tungkol sayo.” ang sabi ni Christine sa mababa at garalgal na boses. Dahil ang mainit na hininga ng binata ay nararamdaman niya sa kanyang mukha at katawan.

“Can I atleast give you a kiss bago tayo matulog.” ang pakiusap ng binata habang hinahaplos ang malambot na pisngi ng dalaga. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa kawalan ng composure ng dalaga. Babae pa din si Christine at may tiwala siya sa kanyang angking kakisigan, tindig at magandang pangangatawan.

Ipinaling ni Christine ang kanyang mukha, yun na lang ang kaya niyang gawin para sa pakiusap ng binatang pinagkakautangan niya ng loob.

Banayad na lumapat ang mainit na labi ni Brandon sa pisngi ni Christine. Naroon ang hindi nito maitagong pag-ibig at init na kasalukuyang nararamdaman.

Pagkatapos siyang gawaran ng halik ni Brandon sa pisngi ay mabilis na lumakad na si Christine patungo sa kanyang kama. Binuksan ang lamp shade sa tabi ng kanyang kama at saka siya nahiga na nakatalikod sa binata. Kinumutan ang sarili ang saka siya nagsalita.

“Please turn off the light when you’re about to sleep. I’m dead tired so I’ll sleep now.”

Nilapitan ni Brandon ang switch ng ilaw at ini-off iyon. Ihiniga niya ang sarili sa makapal na blanket at ipinikit ang kanyang mga mata. Pagsapit ng lampas hatinggabi ay gising pa din si Brandon. Hindi niya nais na matulog ng maaga dahil naritong kasama niya ang pinakaiibig na dalaga. Tahimik na bumangon si Brandon at lumapit sa kama ni Christine. Pinagmasdan ang magandang mukha ng nakatagilid na natutulog na dalaga at pagkatapos ay saka siya buong ingat na naupo sa gilid ng kama nito.

Hinaplos niya ng buong pagsuyo ang alon-alon nitong buhok. At saka nagsalita sa mahinang tinig na puno ng pag-ibig.

“Christine, hindi kita kailanman pipilitin na mahalin ako, or force you to do things na hindi mo kaya o tanggap sa sarili mo. I’ll wait hanggang sa sandaling nakahanda ka ng tanggapin ako ng buong puso. Because we both belongs to the same world, you and I are meant and destined for each other.”

At saka niya hinaplos ng banayad ang labi ng dalaga.

“But for now, just this once, since I been longing to kiss you while your eyes are close. Let me have this moment for myself. My remembrance for our first night together.” Lumuhod si Brandon sa gilid ng kama ni Christine. At saka buong paggalang at pag-ibig na hinalikan ang mapulang labi ng natutulog na dalaga.

Pagkatapos ng kanyang ginawang kapangahasan ay minsan pa niyang pinagmasdan ang napakagandang mukha ni Christine. Saglit na nilaro ang alon-alon nitong buhok at saka siya muling nahiga sa makapal na blanket na personal na ihinanda sa kanya ng dalaga.

Nang ganap ng nakahiga si Brandon ay dito na nagmulat ng mga mata si Christine. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata hindi dahil lamang sa kapangahasang ginawa sa kanya ni Brandon, kung hindi dahil sa kawalan ng lakas upang sawayin ang binata sa ginawa nito sa kanya.

(Ipagpapatuloy…)

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *