Tukso kay Dan Season 2 Part 7

Chapter 7

Naglalakad pa lang papunta sa may lobby ng building ay nadirinig na ni Angela ang malakas na ulan mula sa labas. Nang nasa lobby na siya ay naabutan niyang naroon din ang mga estudyanteng naghihintay sa pagtila ng ulan. Kasabay ng malakas na ulan ay ang panaka-nakang pag-ihip na hangin. Niyakap ni Angela ng mahigpit ang ilang librong hawak na nasa kanyang dibdib dahil sa lamig na kanyang nararamdaman. Nag-aalalang nakatingin siya sa labas habang nasa isipan niya si Dan na kasama si Christine.

Mula naman sa kanyang pagkakatayo ay nakatingin lang si Leandro kay Angela na hindi naman malayo sa kanya. Alam niyang nakakaramdam ng pagkaginaw ang dalaga. Ngunit nag-aalangan naman siyang hubarin ang kanyang jacket upang ipasuot dito. Sa nag-aalala nitong ekspresyon habang nakatingin sa walang tigil na pag-ulan ay nais ni Leandro na yakapin ang dalaga. Ngunit sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ay wala siyang karapatan. Ganito pala ang umibig, ang ngayon ay natutunan ni Leandro. Nakakakaba sa dibdib kahit masarap sa pakiramdam. Dahil natatakot siyang masaktan at makaramdam ng kabiguan.

Hinubad ni Leandro ang jacket na suot at hinawakan iyon ng mahigpit. Dahil ang pag-ibig na nasa kanyang dibdib ay ayaw niyang iasa sa kapalaran. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob sa tuwina at gumawa ng sarili niyang paraan. Dahil minsan ang kaligayahan ng tao ay nasa sariling kapasyahan. Kung mananatili sa karuwagan ay tiyak na hindi niya malalaman ang kasagutan sa mga tanong na nasa kanyang isipan.

“Lean.” ang pagtawag sa kanya ng nakangiting si Samantha na ngayon ay itinataktak ang payong na kasasara pa lamang.

“Sam…,” ang may halong bahagyang pagkabigla at lungkot na tugon ni Leandro sa kaklase. Dahil hindi niya nagawa ang nais sana na mangyari.

Lumapit ang nakangiting dalaga sa harapan ni Leandro, “Well, someone told me na dito ka nagpunta. Then the rain starts to pour, so I’m thinking na, I have to save you from this situation.”

Huminga ng malalim si Leandro, hindi niya nais na masuya sa dalagang nag-aalala din naman sa kanya.

“Can you put that on me?” ang malambing na pakiusap ni Samantha sabay turo sa hawak na jacket ni Leandro.

Napilitang ngumiti si Leandro.

Tumalikod naman si Samantha at inilagay ni Leandro ang jacket sa dalaga.

“Thank you.” at saka masayang ngumiti si Samantha sa binata.

“Ah, Lean, hold this for a while.” at saka ibinigay ni Samantha ang basang payong kay Leandro. Itinaas ng bahagya ang kanyang kamay upang ipakita ang librong hiniram ng binata para sa kanya.

“I’m going to return this book, just wait for me here.” ang nakangiting si Samantha at saka siya lumakad na papasok sa loob ng building kung saan naroon ang library.

Muling tiningnan ni Leandro si Angela na nakatingin pa din sa malakas na pagpatak ng ulan. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil kahit nasa malapit lang niya ang dalaga ay hindi naman ito tumingin sa kanila ni Samantha. Kahit hindi pa naman sila personal na magkakilala ni Angela ay ayaw niyang isipin nito na may kasintahan na siya. Dahil wala naman siyang espesyal na relasyon sa kaibigan at kaklase niyang si Samantha.

Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik din na si Samantha.

“Let’s go na Lean, class is about to start soon.” ang yakag ng dalaga sa kaharap na binata.

Napabuntunghininga na lamang si Leandro, ayaw pa sana niyang umalis sa kanyang kinaroroonan. Dahil higit na mas mahalaga sa kanya ang bawat sandaling nasa malapit lang niya si Angela, kaysa ang muling maghintay sa susunod na pagkikita nila ng dalaga.

“Okay Sam…,” si Leandro na umayon na lang sa nais ni Samantha. Binuksan niya ang hawak na payong at gumawi sa direksyon na malayo kay Angela.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ng kumapit sa kanyang braso si Samantha.

“This way Lean…,” at saka mabilis na lumakad sa kabilang direksyon si Samantha habang nakakapit siya kay Leandro.

Dahil sa pagmamadali ay nasagi ni Samantha sa braso ang nakatayong si Angela na naging dahilan upang mahulog sa sahig ang mga aklat nitong hawak.

Maagap namang ibinaba ni Angela ang kanyang katawan upang kunin ang mga nahulog niyang aklat.

“I’m sorry Miss.” ang hinging paumanhin ni Samantha.

Nag-angat naman ng tingin si Angela at kiming ngumiti sa mga kaharap, “It’s okay.”

Hindi nakaiwas si Leandro na magtama ang kanilang paningin ni Angela na labis niyang ikinagalit sa sarili kaysa kay Samantha. Dahil sa isang sitwasyon na wala siyang magawa. Nais niyang tulungan si Angela ngunit mahigpit na nakakapit sa kanyang bisig si Samantha na ayaw naman niyang mapahiya. Nakaramdam din siya ng lungkot dahil ang pilit niyang iniiwasan na mangyari ay siya pang naganap sa mismong harap ni Angela.

Tumalikod na silang dalawa ni Samantha at nagsimula ng lumakad palayo pagkatapos na makatayo na din ni Angela.

“Sam, next time naman, please be more careful.” ang may halong disappointment na sabi ni Leandro.

“Madaming tao sa daan Lean, what am I supposed to do?” ang depensa naman ni Samantha.

Nais sana niyang alisin ang kamay ng dalaga sa kanyang bisig ngunit ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya. Magkababata at magkaibigan na sila ng maraming taon na dahil malapit sa isa’t-isa ang kanilang pamilya. Hindi naman siya manhid upang hindi maramdaman na may gusto sa kanya si Samantha. Ngunit hindi niya kailanman hinayaan ang sarili na makalampas sila sa pagiging magkaibigan. Ayaw niyang mapasok sa isang relasyon at saka magsisisi sa huli. Dahil hindi niya dating kilala ang tunay na pag-ibig na siyang nagpapahirap ngayon sa kanya. Si Angela ang nais niyang maging unang karanasan sa lahat, at siya ding nais niyang maging huli.

Malapit ng magsimula ang unang klase ng makarating sina Leandro at Samantha sa building nila.

“Go ahead Sam, sunod na lang ako sa classroom. I need to go somewhere really quick.”

“Okay Lean, I’ll wait for you there.” ang nakangiting si Samantha.

Nang nakalayo na si Samantha ay agad na naghanap si Leandro ng mahihiram na isa pang payong. At saka siya mabilis na bumalik sa kinaroroonan ni Angela na tiyak niyang naghihintay pa din sa pagtila ng ulan.

Habang palapit kay Angela ay malakas ang pagpintig sa loob ng dibdib ni Leandro. Walang katiyakan kung ang mabuting kapalaran ay aayon sa kanya. Isinara niya ang hawak na payong at lumapit sa harap ni Angela.

“Miss, about dun sa nangyari kanina. I’m really sorry na hindi ka man lang namin natulungan.”

“It’s alright naman, it’s only two books at crowded naman dito.”

“Here.” at saka iniabot ni Leandro kay Angela ang isang folding umbrella. “I mean, the first class probably starts now at parang di pa titila yung ulan.”

Nakaramdam ng pagkailang si Angela, lalo’t nakatingin na sa kanilang dalawa ang ilang estudyante na naroon.

Nag-aalangang kinuha ni Angela ang payong na nasa kamay ng binata.

“T-Thank you.”

“Can I walk with you?” ang nakangiting tanong ni Leandro.

Ayaw sanang sumabay ni Angela ngunit napilitan na din siya lalo’t hindi naman sa kanya ang payong na dala. Nagmagandang-loob lang binata at nakakahiyang isipin kung siya pa ang lalabas na parang umiiwas.

Halos magkasunod nilang binuksan ang payong na nasa kamay nila at nagsimula ng lumakad na magkatabi. Kapwa sila may ibang nararamdaman ng sandaling iyon ngunit magkaiba ang dahilan. Ang kay Angela ay pangamba na baka makita siya ni Dan na muling kasama ang estudyanteng kanina lamang ay nasa iisa niya ng lamesa. Ang kay Leandro naman ay labis na saya dahil kasama niyang naglalakad ang dalagang pinapangarap niya.

“Do you remember me? Ako yung kasama mo kanina sa library.” si Leandro na tumingin sa katabing dalaga.

Bahagyang tumingin din si Angela sa katabi, “Yes, I remember.” ang maiksing tugon ng dalaga at saka muling ibinaling ang paningin sa daan.

Nang nasa Engineering Building na sila ay ibinalik na ni Angela ang folding umbrella sa binata.

“Thank you.”

“I’m Leandro. But you can call me Lean.” at saka inilahad ng binata ang kanang palad sa harap ng dalaga.

Hindi naman agad alam ni Angela ang gagawin at nanatili sa kanyang dibdib ang kanyang kanang kamay. Ngunit napilitan na ding gagapin ang kamay ni Leandro upang hindi naman ito mapahiya.

“Angela.” at saka mabilis niyang binawi ang kamay mula sa binata na agad din namang binitawan ang kanyang kamay.

“Nice meeting you Angela.” ang nakangiting sabi ni Leandro. Magaan na ang kanyang pakiramdam dahil opisyal na silang magkakilala ni Angela.

Marahang tumango lang si Angela kay Leandro at nagpaalam na din siya, “B-Bye.” At saka mabilis na tumalikod si Angela upang puntahan ang kanyang unang klase.

Nakangiti namang hinabol ng tingin ni Leandro ang papalayong si Angela. At saka siya mabilis na nagtungo na din sa kanyang klase. Pumasok sa loob at humingi ng paumanhin sa kanilang professor. Naupo siya sa tabi ni Samantha na naglaan na ng upuan para sa kanya.

“Where have you been? Sabi mo ay saglit ka lang.” ang naghihinalang mahinang tanong ni Samantha. Ayaw niya ng may kahati sa atensyon ni Leandro. Wala pang nagiging nobya ang binata at hindi siya papayag na may ibang aagaw kay Leandro mula sa kanya.

“Sam…” at napabuntunghininga na lamang ang binata. Kahit wala silang relasyon ay laging ganito si Samantha. “It’s personal Sam, malalaman mo din.”

Ipinangako sa sarili ni Leandro na gagawin ang lahat ng paraan upang lalo pa niyang makilala at makalapit ng husto si Angela. Kung masasaktan man si Samantha ay wala na siyang magagawa, dahil si Angela lang ang nag-iisang dalaga na pinakamahalaga ngayon sa kanya.

*****

Pagkatapos maghiwalay ng kanilang labi mula sa mainit na halik ay inilayo na ni Dan mula sa kanya ang basang-basa na ding katawan ni Christine. Ngumiti siya sa dalaga na napangiti na din sa kanya. Ngayong wala na ang init na kanila lamang ay bahagyang nakalukob sa kanila ay kapwa na nila ramdam ang malamig na hangin at ulan.

“Dan, we are soaking wet na, let’s find a place where we can change our clothes.” ang yakag ni Christine, wala ng dahilan para magtagal pa sila sa lugar na ito. Nasagot na ang tanong na nasa kanyang isipan. Mahal niya si Dan, tunay na pagmamahal na handa niyang ialay ang kanyang puso. Ngunit ang kanyang katawan ay mananatiling pag-aari niya. Siya ang magpapasya kung kanino niya ito nais na ibigay kapag tumatakas ang init sa kanyang katawan. Ang katawan niya ay maaari niyang ibigay sa iba, ngunit mananatiling kay Dan ang puso niya. Ito ang katotohanang nalaman ni Christine sa sarili. Kahit na anong mangyari, matukso man siya ay sila pa din ni Dan. Magkahati pa din sila ni Angela sa iisang lalakeng minahal nila.

Hinawakan ni Dan ang kamay ni Christine at mabilis silang naglakad habang naghahanap ng bukas na tindahan ng mga kailangan nila.

“Here Dan, thank God it’s already opened.” ang sabi ni Christine ng nasa harap na sila ng isang kilalang botique ng mga branded na damit at sapatos.

Kilala ni Dan ang botique na iyon, kaya nag-alangan siyang pumasok agad lalo’t basang-basa sila ng ulan.

Napangiti naman si Christine sa nakitang reaksyon at alinlangan ng binata. Hinila niya si Dan papasok sa loob at agad silang naghanap ng mga kailangan nila.

Lumapit sa kanila ang isang saleslady na naka-uniforme ng maganda.

“Anything I can help you with, Mam, Sir?” ang magalang nitong tanong.

Kinuha ni Christine ang isang card mula sa kanyang clutch wallet at walang tinging ibinigay iyon sa babae. Natigilan naman saglit ang saleslady at saka ito tumawag ng isa pang mag-a-assist sa kanila.

Pagkatapos na makapagpalit ng damit ni Christine ay si Dan naman inasikaso niya. Ayaw niyang may ibang mag-aasikaso kay Dan maliban sa kanya. Dahil sa alam naman niya kung paano manamit ang binata ay mga simple at plain design lang ang pinili niya para kay Dan. Walang natirang luma sa kanilang dalawa ni Dan, mula katawan hanggang sa paanan ay bago ang kanilang suot.

May eleganteng payong na din silang gamit ni Dan na ibinigay sa kanila bilang regalo ng botique na iyon.

Si Dan ang may hawak ng payong at kanilang plastic bag ng pinagpalitan. Nakakapit naman sa kanyang bisig si Christine habang naghahanap ng maaari nilang susunod na pupuntahan.

“San tayo Christine?”

“Let’s drink something hot muna Dan, I still feel cold.”

Nagtuloy sila sa isang coffee shop at nag-order si Christine ng para sa kanilang dalawa. Habang umiinom sila ng kape ay laman ng isipan ni Dan ang pinag-usapan nila kanina ni Christine. Hindi niya ganap na nauunawaan ang suliranin ng dalaga. Na para bang sinadya ni Christine na ang katotohanan ay malihim sa kanya.

“Christine…”

Ibinaba ni Christine ang kopitang hawak at saka tumingin kay Dan.

“Tungkol dun sa napag-usapan natin kanina…”

“It’s alright na Dan, let’s stop talking about that. Everything is clear to me now.” at saka ngumiti si Christine.

Huminga ng malalim si Dan, wala naman siyang magagawa kung ayaw na itong pag-usapan ng dalaga.

“Papasok ka pa ba sa school?” ang tanong na lang ni Dan.

“I’m not in the mood Dan at parang masama ang pakiramdam ko, so, pagkatapos natin dito. I’m going home na. But you need to go back, we both know naman na Angela is anxiously waiting for you. Lalo’t alam niyang ako ang kasama mo.” ang sabi ni Christine na may himig ng paglalaro.

“Christine…, handa naman akong maglaan ng panahon sayo. Gaya ngayon na magkasama tayo.”

Muling ngumiti si Christine, “I’m fine Dan, don’t worry about me. Besides, one week kang hindi pumasok sa school. You’ll have a lots of catching up to do.”

Iba ang pakiramdam ni Dan, parang may nagbago sa dalaga na hindi niya matukoy kung ano.

“Maagang matatapos ang klase natin bukas Christine. Gusto mo bang…, sumama sa akin?” Bagaman hindi nais na ipaalam ni Dan kay Christine na kailangan na niyang lumipat ng maaga ay wala siyang pagpipilian. Dahil parang may gumugulo sa isipan ng dalaga at gusto niya iyong malaman. Baka sakaling mag-open na ito sa kanya kung magkasama silang maghahanap ng bago niyang matitirhan bukas. Dahil mamayang hapon ay sisimulan na niya ang paghahanap ng tirahan at kadalasang hindi maganda ang resulta ng unang araw ng lakad niya.

“I’m grounded Dan, because of one week na pag-attend ko sayo sa hospital.”

Natigilan naman si Dan sa naging sitwasyon ni Christine dahil sa kanya.

“Hey. I’m not mad at you Dan, okay? I’m just saying my current situation. Alam din ng parents ko ang sched ko kaya dapat nasa house na palagi ako on time. I know that it will be very difficult for both of us Dan. But let’s wait na lang muna till everything cools down a bit. Because my parents threatened me na isang beses pa akong umuwi ng late ay ikukuha nila ako ng personal driver na laging naka-standby san man ako magpunta. I hate that idea, kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto nila.”

“Nauunawaan ko naman.” ang malungkot na sabi ni Dan, mami-miss niya din niya ng sobra ang sandali na magkasama silang dalawa ng sarilinan. Dahil kahit nais ni Angela na sila na lamang dalawa ay alam ni Dan na hindi pa sila handa ni Christine.

Hinawakan naman ni Christine ang kamay ni Dan. “I know you’re going to miss it Dan, yung mga moments nating dalawa, because I’m gonna miss it too, badly. But the semester is about to end in a month, I’ll focus muna sa studies ko.”

Napilitang ngumiti si Dan, “Okay Christine.”

Pagkatapos nilang ubusin ang laman ng kanilang kopita ay tumila na din ang ulan. Lumabas na sila at magkahawak kamay na naglakad patungo sa abangan ng sasakyan. Pumara si Dan ng isang taxi at kinuha naman ni Christine ang plastic bag na hawak ni Dan.

“I’m going Dan.” ang paalam ng dalaga na humarap ng malapit sa binata.

Banayad na hinalikan ni Dan sa labi si Christine na ngumiti naman sa kanya.

Bago makapasok sa loob si Christine ay saglit siyang natigilan ng magsalita si Dan.

“Christine, alam kong wala ako sa sitwasyon mo. Kaya hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman mo. Pero kapag dumating ang sandali na nais mo ng gawin ang sinabi mo sa akin na ayaw ng puso’t isipan mo. Tanungin mo sana ang sarili mo kung tunay ka bang magiging masaya pagkatapos?”

Nakatalikod na tumango lang si Christine kay Dan at saka siya tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis niyang pinaalis ang taxi na hindi na tumingin sa binata na alam niyang nakatingin sa kanya mula sa labas. Nang malayo na siya kay Dan ay saka niya pinalis ang luha sa kanyang mga mata. “I’m so sorry Dan, but I really can’t help it now.”

*****

Pagbalik ni Dan sa school ay nasa ikalawang subject na ang klase nila. Hindi na niya ito pinasukan dahil malapit na din namang matapos. Naghintay na lang siya sa labas hanggang sa matapos ang kasalukuyang klase.

Nawala ang pag-aalala ni Angela ng makita niya si Dan na nasa labas. Hinayan ang mga kaklase na mauna papunta sa susunod nilang klase.

Habang naglalakad palayo ang kanilang mga kaklase ay hindi naman nalingid kay Dan at Angela ang mahinang pag-uusap ng ilan sa mga iyon na alam nilang si Dan at nangyari sa kanya ang paksa.

“Dan, where is Christine?” si Angela na ngayon ay nasa harap na ng binata.

“Masama ang pakiramdam niya Angela kaya umuwi na lang siya.”

Napansin naman ni Angela ang pag-iiba ng damit ni Dan, “Nabasa ba kayo ng ulan?”

“Hindi kami nakaiwas, wala kaming nasilungan kanina sa park.” ang bigay dahilan na lang niya.

Matamlay na tumango na lang ang dalaga, kahit ayaw niyang malungkot ay hindi niya maiwasan. Dahil wala pa siyang naibibigay na kahit na ano kay Dan. Ibang usapan ang kanyang puso at katawan. Nais din niyang may maibigay na iba sa binatang pinakaibig niya “Let’s go na Dan.”

At magkatabi na silang naglakad patungo sa susunod na klase. Dito na napansin ni Angela na walang sariling relong pambisig si Dan. Napangiti siyang mag-isa, may maibibigay na siya.

“Dan, just ignore them na lang.” ang sabi ni Angela ng malapit na sila sa susunod na klase.

“Okay lang ako Angela. Mas mabuti nang iyon ang alam nila, kaya wag ka ng mag-alala.” ang nakangiting si Dan.

Nakangiting tumango naman ang dalaga, bigla siyang may naalala at muling tumingin kay Dan.

“Dan…, mamaya after lunch, let’s meet again sa library.”

Nagtatakang tumingin din si Dan kay Angela, dahil hindi nila nakasanayan ang magpunta doon sa tanghali dahil bukod sa medyo marami ang estudyante ay kakaunti pa ang oras nila.

“Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon.”

“Mamaya na lang Dan, please…” ang may himig paglalambing na pakiusap ni Angela.

“Sige, magkita tayo mamaya. Bilisan na lang natin mag-lunch.”

“Thank you.” ang masayang sabi ng dalaga.

*****

Pagkauwi ni Christine ay nag-aalalang sinalubong siya ng kanyang ina. Lalo’t napansin ni Amanda na iba ang damit ng anak sa suot nito kanina lamang.

“Christine, are you okay?” ang tanong ni Amanda na nakahawak sa kamay ng anak.

“You’re a bit hot Iha, nabasa ka ba ng ulan?”

“Yes Ma, kaya nagdecide akong umuwi na lang because I’m not feeling well. I’ll go upstairs Ma, I need to rest.” ang paalam ni Christine.

“Go ahead Christine. Should I prepare a hot tea for you?”

Nakangiting tumango na lang si Christine, kita naman niya ang tunay na pag-aalala sa kanya ng ina. Nagtungo na ang kanyang ina sa kusina kasama ang isa nilang katulong. Aakyat na sana siya ng mahagip ng kanyang paningin ang telepono sa salas. Lumapit siya doon at tinawagan ang numero ng bahay ni Brandon.

“Hello, Forteza Residence.” ang sagot ng ina ni Brandon.

“T-Tita, it’s me, Christine.”

“How are you Christine? It’s been a while, are your parents doing well?”

“Yes they are Tita, thank you. How about you and Tito?”

“We’re doing great Christine, especially now that Brandon is so much happy. All he talks is about you when he is with us.”

“I see Tita. Hm, Tita..”

“Yes Iha?”

“Please tell Brandon na, na..”

“Christine…?”

“He will not see a blanket next time.”

“I don’t get it Iha?”

“He’ll understand Tita, just tell him that.”

“Okay Christine.”

“Thanks Tita, and say hello to Tito for me.”

“I will Christine.”

“Bye Tita.”

“Bye Christine.”

At saka ibinaba ni Christine ang telepono. Huminga ng malalim at saka nagtungo na sa kanyang kwarto. Nang nasa loob na siya ay humiga siya sa kanyang kama.

(“tok” “tok”)

“M-Mam Christine…” ang pagtawag ni Dalisay mula sa labas.

“Come in.”

Bumukas ang pinto at pumasok ang dalagang katulong na dala ang mainit na inumin na ihinanda ng kanyang ina. Bumangon si Christine at lumapit sa lamesitang pinaglagyan ng mga dala ni Dalisay.

“Isay…” si Christine na matiim na nakatingin sa mga mata ni Dalisay.

Kinuha ni Christine mula sa lamesita ang plastic bag at ibinigay iyon sa katulong.

“Labhan at patuyuin mong mabuti ang mga yan. Be sure na walang makakakita sa mga yan habang ginagawa mo ang sinabi ko. Kung ano man ang mapansin mo ay sarilinan mo na lang at wag mo ng sasabihin sa iba.”

“Y-Yes po Mam.”

“Isay, may tiwala ako sayo. At ang mga pinagkakatiwalaan ko ay inaalagaan kong mabuti. Gaya ng lola mo na matagal na dito.” ang may diin na sabi ni Christine.

“O-Opo Mam, wag po kayong mag-alala.”

“Good. Sige na Isay, gawin mo na yan.”

“Yes po M-Mam.”

Naupo si Christine at uminom ng tea. Simula na ang kanyang laro. “I’ll live my life the way I want it Dan, pero hindi nangangahulugan na pakakawalan kita. You still have a promise to fullfill to me Dan. You’re still mine, no matter what. Hindi mo ako kailanman maaaring iwanan.” ang deklarasyon ng dalaga, ang isiping mawawala sa kanya si Dan ay hindi niya talaga kaya. Handa siyang sumugal sa isang nag-aapoy na laro. Ngunit hindi siya basta papayag na si Angela at Dan lang ang matitirang magkasama. Laging dapat na naroon siya anuman ang mangyari.

*****

Pagkatapos magtake ng lunch at ayusin ang sarili ay nagtungo na si Angela sa may library. Hindi pa siya nagtatagal sa kanyang pagkakaupo ay nakita na niyang padating si Dan. Nakangiting tumayo ang dalaga at nauna na sa lugar na parang pag-aari lang nilang dalawa.

Sumandal si Angela sa shelf at inantay na makalapit sa kanya si Dan. Lumapit naman si Dan kay Angela at saka banayad na ginawaran ng halik sa labi ang nakangiting dalaga.

“Angela, may kailangan ka ba?”

Napa-giggle naman si Angela, “Ikaw.”

“Angela, serious na, okay?” si Dan nagkunwang galit.

“Hm.., Dan, hold my hand.” saka inilahad ni Angela ang kanyang kanang palad kay Dan.

Hinawakan naman ni Dan ang palad ni Angela, “Ganito.”

“Mm-hmm.” ang mabilis na sagot ng nakangiti pa ding si Angela. Dahil nais niyang mapalitan agad ang sensasyon na may ibang lalakeng nakahawak sa kanyang kamay.

“Okay na ba Angela?” ang nakangiting si Dan.

“Yes Dan, it’s enough na.”

Tinitigan ni Dan ang mga mata ni Angela, “Pero hindi pa sapat para sa akin Angela.” At saka niya itinapat ang kamay ni Angela sa nakabukol sa kanyang pantalon.

“D-Dann…” ang malamyos na sabi ni Angela, mabilis na nag-init ang kanyang pakiramdam habang ang matinding kaba ay nasa kanyang dibdib.

Mula sa pagkakaharap kay Angela ay lumipat ng pwesto si Dan sa tagiliran ng dalaga. Kung may darating man ay ang likuran niya ang makikita.

Ibinaba ni Dan ang zipper ng kanyang pantalon at inilabas ang kanyang galit na alaga.

“Angela… hawakan mo na.” ang mainit na sabi ni Dan sa may tenga ng dalaga.

Hinawakan ni Angela ang nakakapasong pagkalalake ni Dan at muli niyang naramdaman sa kanyang palad ang init ng malaking alaga ng binata.

Hinawakan ni Dan ang pisngi ng dalaga at ihinarap sa kanya. Naglapat ang kanilang labi at mainit nilang pinagbigyan ang nais ng kanilang mga katawan. Habang magkahinang ang kanilang labi ay naglalaro naman ang kanilang dila, kasabay nito ay nagsimulang gumalaw ang kamay ni Angela.

“Sige lang Angela…, ang sarap…”

Nang maramdaman ni Angela ang paglabas ng mainit na dagta ay agad niya iyong ikinalat sa bilugang ulo ng alaga ni Dan gamit ang kanyang mga daliri. At saka niya ipinagpatuloy ang pagtaas-baba ng kanyang kamay at lalong dumami ang mainit na dagta na ngayon ay bumabasa na din sa kanyang kamay.

“Kiss me more pa Dann…”

At muling naghinang ang kanilang labi ng matagal pa. Nakayakap ang isang kamay ni Angela sa likod ni Dan habang patuloy ang isa niyang kamay sa pagpapaligaya sa pagkalalake ng binata. Si Dan naman ay nakayakap din sa likod ni Angela.

Dahil sa labis na sarap na nararanasan ni Dan sa kanilang delikadong sitwasyon ni Angela ay naramdaman na niya agad ang kanyang nalalapit na pagkarating sa sukdulan.

“Ahh, malapit na ako Angela.” si Dan na nakatingin sa maamong mukha ni Angela habang hinahaplos ang pisngi nito.

“Should I get on my knees na Dan?” ang mainit at buong pagsukong tanong ni Angela habang nakatingin sa mga mata ni Dan. Patuloy pa din ang kanyang kamay sa mabilis na pagtaas-baba sa buong kahabaan ng basang-basa ng pagkalalake ni Dan. Puno ng pag-ibig ang kanyang mga mata na handang gawin ang lahat para sa ikaliligaya ng binata.

Hinalikan ni Dan sa labi si Angela at saka niya ito pinaluhod sa harap niya. Mabilis na isinubo ni Angela ang basang-basa ng bilugang ulo ng pagkalalake ni Dan habang patuloy ang kanyang kamay sa pagsasalsal sa malaking alaga ng binata.

“Hah… Ahh…” ang mga impit na daing ni Dan habang hinahaplos ang buhok ni Angela na patuloy naman sa ginagawa nitong walang tigil na pagsupsop sa kanyang alaga.

Nang hindi nakatiis si Dan ay siya na ang humawak sa kanyang ari at inalis iyon mula sa pagkakasubo ng dalaga. Mabilis niyang sinalsal ang kanyang galit na galit na alaga habang nakatingin sa napakaamo at magandang mukha ng nakaluhod na si Angela.

“Buka mo na ang bibig mo Angela. Heto na..”

Mabilis na sumunod si Angela at ibinuka ang kanyang bibig. Hinawakan ni Dan ang ulo ni Angela at agad niyang ipinasok ang kanyang pagkalalake sa loob ng bibig nito habang patuloy sa kanyang ginagawa.

“Nghh.. Ahh” ang masarap na pagdaing ni Dan kasabay nito ay ang pagsabog sa loob ng bibig ni Angela ng mainit niyang tamod. Patuloy si Dan sa kanyang pagsalsal hanggang sa tuluyan niyang mailabas lahat ang kanyang naipong tamod upang ipainom sa dalaga.

Buong init na tiningnan ni Dan ang kasintahang nakaluhod sa kanyang harapan. Nakaawang ng bahagya ang bibig nito at malagkit na nakatingin sa kanya.

“Lunukin mo na.”

Nilunok naman ni Angela ang mainit na tamod ni Dan. Kiming ngumiti sa binata at saka siya tumayo na. Kinuha ni Angela ang kanyang panyo mula sa bulsa at ibinigay iyon kay Dan.

Hinawakan ni Dan ang kamay ni Angela at nilinis niya iyon. Pagkatapos ay pinunasan naman ni Dan ang labi at ang palibot ng bibig ni Angela.

“Does it mean na wala na akong kiss sa lips?” si Angela na malungkot na nakatingin sa labi ni Dan. Dahil alam niyang ayaw ni Dan ang humalik sa labi pagkatapos ng ganito.

Ngumiti naman si Dan, at kahit hindi siya sanay na humahalik sa babaeng katatapos lang lunukin ang kanyang tamod ay ibang usapan kapag si Angela ang humiling sa kanya. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Angela at saka mainit na hinalikan muli sa labi ang dalaga.

Pagkatapos ay kinuha ni Angela ang panyo mula kay Dan at siya naman ang naglinis sa pagkalalake ng binata. Ibinalik iyon sa loob ng brief ni Dan at siya na din ang nagsara ng zipper.

Niyakap ni Dan si Angela, “Salamat Angela.”

“Para sayo Dan…, I will do anything and everything. Because I love you so much Dan.” ang buong pag-ibig na sabi ni Angela na nakayakap din kay Dan.

“I love you too Angela.” at saka hinalikan ni Dan sa may buhok si Angela.

Nag-angat ng paningin si Angela, “How about tomorrow Dan? It’s Tuesday naman at maaga tayong matatapos sa klase. Let’s do it again sa place mo. I really do miss it na talaga Dan. Let’s make love na ulit.”

Bahagyang umiling si Dan kahit nais ng kanyang katawan na pagbigyan ang nais ni Angela, napilitan na din siyang sabihin ang sitwasyon niya sa paupahan nina Alyssa. Ayaw niyang mapagod si Angela bukas dahil walang katiyakan ang kanyang lakad sa maalinsangang hapon na naghahanap siya ng bagong matitirhan.

“I see.” ang malungkot na nasabi na lang ni Angela na nagbaba ng paningin.

Itinaas ni Dan ang mukha ni Angela, “Kapag nakahanap na ako ng bago kong matitirhan. Dadalhin kita agad doon.” ang nakangiting si Dan.

Muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Angela, “Promise?”

Napatawa naman ng bahagya si Dan habang nakayakap pa din siya kay Angela, “Promise.”

“Can I sleep over?” ang masayang tanong ng naglalambing na dalaga.

Natigilan naman si Dan, naalala ang mga magulang ng kasintahan, lalo na ang habilin ni Anton na wag munang mabubuntis ang nag-iisa nilang anak ni Alice. “Angela, baka magalit ang mga magulang mo.”

“Dan, I am old enough na to decide for myself. And my Mom likes you naman. Don’t worry about my Dad dahil payag na naman siya sa relationship natin.” ang nakangiting si Angela, masaya ang kanyang pakiramdam dahil muli na naman niyang makakatabing matulog si Dan.

Hindi kayang sabihin ni Dan kay Angela ang kasunduan nila ng ama ng dalaga. Kailangan din niyang makausap muli ang ina nito upang humingi ng payo para sa kapakanan ni Angela na ayaw din naman niyang mahinto sa pag-aaral ng maaga.

“Okay Angela.” ang sabi na lang ni Dan at saka muling hinagkan sa labi ang dalaga. Alam niyang mahirap kay Angela na mapapayag ito sa nasa isip niyang solusyon ngunit iyon na lamang ang nakikita ni Dan na paraan.

*****

Pagkauwi ni Brandon sa kanilang bahay ay masayang sinalubong siya ng kanyang ina.

“Brandon, Christine called this morning.”

Natigilan si Brandon na aakyat na sana sa kanyang kwarto.

“What did Christine says? ang kinakabahang binata.

“She said na “you will not see a blanket next time”.”

Biglang nag-init ang pakiramdam ni Brandon. Tumaas ang libido niya sa katawan at nais ng puntahan ang dalaga sa tirahan nito. Alam naman niyang darating ang araw na aaminin din ito ni Christine sa kanyang sarili ngunit hindi niya inaasahan na ganito kabilis. Pilit niyang kinalma ang sarili, hindi siya dapat magmadali. Alam niyang tulad niya ay iisa ang nararamdaman nila ni Christine. Pananabik sa napipinto nilang pagiging isang laman. Kailangan niyang maghintay pa ng kaunti. Sa araw ng Byernes siya muli pupunta kina Christine, upang buong gabing angkinin ang alindog ng dalagang matagal ng bumabaliw sa kanyang isipan.

Pumasok na siya sa kanyang kwarto at naghubad ng lahat ng kanyang saplot. Pinagmasdan sa salamin ang mala-adonis niyang mukha at magandang pangangatawan. Ang kanyang galit na nakatayong alaga ay may kahabaan at mataba din naman. Ilang babae na din ang nabaliw sa kanya sa sarap sa kama at titiyakin niyang hindi na makakatakas pa si Christine sa kanya pagkatapos ng unang gabi nilang dalawa.

*****

Ilang oras ng naghahanap ng matitirahan si Dan ay wala pa din siyang makita na maaari sa kanya. May ilan na may bakante nga ngunit masyado namang siksikan at napakainit ng lugar. May mga paupahan ding mahal ang singil at hindi niya kakayanin.

Napagawi ang kanyang tingin sa orasan sa may tindhan. Malapit ng mag-alas syete ng gabi at kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Naglalakad na siya patungo sa may abangan ng sasakyan ng mapansin niya ang isang papel na anunsyo para sa mga naghahanap ng kwartong matitirhan na nakadikit sa poste. Nilapitan niya iyon at binasa.

“Naghahanap ka ba ng matitirhan?”

Napatingin si Dan sa dalagang katabi, nakasuot ito ng puting sapatos at puting uniforme. At kahit hindi masyadong maliwanag ang ilaw na nagmumula sa poste ay sadyang maganda talaga ang ngayon ay kaharap na niyang estudyante.

Napangiti si Dan sa muli nilang pagkikitang dalawa.

“Jess…”

“Hello Dan.” ang nakangiting bati ni Jessica.

(Ipagpapatuloy…)

7 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *