Ang Batang PO Part 2
Limang taon na ito at nasa kinder, minsang sinundo niya ay nagulat pa siya dahil hindi na nito suot ang uniporme sa halip ay naka sando at shorts nalang.
“Anak bat ganyan ang suot mo?”
Tahimik lang ito, hindi kumikibo.
“Anak may problema ba sa school?”
“Kasi po sabi nila ang Nanay ko daw ay basurera, niloloko nila ako kahapon pa kasi daw nakita nila kayo dun sa isang kanto na nagkakalkal ng basura,” mahabang sagot sa kanya.
Nalungkot siya sa sinabi ng anak, siguro ay ikinahihiya siya kaya nagpalit ng damit.
“Ano ang sagot mo anak?”
“Sabi ko, basurero din ako kaya ngayon sasamahan kita para hindi ako mag mukhang sinungaling. Tara na Nay! Hanap na tayo ng basura dali.”
Niyakap niya ng mahigpit ang anak sa ginawa. Akala niya ay ikakahiya siya nito, hindi pala.
“Anak sigurado ka ba? Baka tawanan ka ng mga classmates mo?”
“Siguradong sigurado nay!” binuksan ang bag at inilabas ang isang cap na saka siya ulit hinalikan.
Ito na ata ang isa sa pinakamasayang pangangalakal niya, nila pala.
Nakasakay ang anak habang kumakanta kanta. Minsan ay papalit sa kanya kahit na saglit lang sa pagpedal.
Isang beses ay may nadaan silang maliit na tindahan. Huminto sila sandali ng tumakbo si Rom para katukin ang tindahan. Isang bading pala ang tindero. Medyo masungit pa ito dahil naaba ata sa ginagawa pero ng makita si Rom ay biglang ngumiti at nag pa cute.
“Miss beautiful baka may mga bote ka diyan na basyo bigay mo nalang sakin please.” kitang kita niyang pag papacute ng anak sa bakla.
Nilapitan naman niya at humingi ng paumanhin.
“Pasensya ka na ha, nagbakasakali lang siguro ang anak ko.”
“Naku okay lang po, ang cute cute ng anak nyo. Pede ko po ba siyang hintayin pag laki ako namagpaparal sa kanya,” biro ng bading.
“Bote nga di maibigay pampaaral pa kaya?” pabulong na sabi ng anak.
“Ano yon baby boy?”
“Wala sabi ko baka me mga bote at kahon ka sa akin nalang.”
“Kala ko kung ano he, sige bibigay ko basta pa kiss.”
“Okay kiss lang pala eh!”
“Anak, wag na pate. Aalis na kami, salamat nalang!”
“Naku nay biro lang naman, ang bata bata pa nito baka ma kulong ako hihihi. Pag laki mo nalang ha. Me utang ka sakin!”
Inilabas na ng bakla ang napakaraming basyo ng bote at karton. Halos mapuno na ang biskleta nila kaya ilang lugar nalang ang dinaanan at umuwi na.
Medyo malaki ang kinita nila kaya naisipan niyang dumaan sa isang fastfood na matagal ng gustong kainan ni Rom. Minsan na kasi itong nakakain ng imbitahan sila ng anak ni Nanay Nesy ang nag birthday ang apo.
Kahit na marusing ang anak ay kakikitaan pa din ng kakaibang ka guwapuhan at karisma. Gusto sana nitong mag laro sa palaruan ng mga bata kaya lang ay mukhang hindi siya papayagan.
“Anak gusto mo bang mag laro duon?” matapos kumain ay tanong niya dito.
“Opo Nay.”
“Sige sandali lang ha, itatanong ko kung puwede ka.”
Iniwan niya ang anak. Noon naman nakita ni Rom na may nag aaway na bata. Itinulak ng isang lalaki ang isang payat na bata. Ayaw niya na may nakikitang inaapi kaya tumayo siya at inawat. Sa pag awat ay naitulak ang batang lalaki samantalang itinayo ang batang payat.
Nasaktan siguro ang batang lalaki kaya umiiyak na tumakbo ito. Pagbalik ay kasama ang isang lalake na mukhang tatay nito.
“It’s him!”
Itinuro siya ng lalaki, kita sa itsura nito na mayaman pati ang kasama ay maganda din ang suot samantalang siya ay naka tsinelas lang at luma pa ang suot.
Matagal na natigilan ang lalake, nakatitig sa maamong mukha niya.
Hindi makapaniwala sa nakikita, alam niya kung sino ang kamukha nito. Nag kaanak naba si Nathan pero Bakit gusgusin ata ang bata.
“Rom, ano ba ang ginawa mo anak?”
“Wala po nay, kasi po itong isang bata itinulak yung payat na bata para makapag duyan siya.”
“Sir, pasensya na po kayo, mabait na bata po itong anak ko.”
“Matteo is it true?”
“Papa, I didn’t pushed him. He pushed me first!”
Nakita nila na tumakbo na ang payat na batang lalaki mukhang may pagka pilyo talaga.
“Pasensya na po talaga, kakausapin ko nalang ang anak ko. Anak mag sorry ka na sige na.”
“Sorry” nakayukong sabi ni Rom.
“O Matteo nag sorry na siya sayo, what would you say son?”
” I forgive you!”
“Sige po sir aalis na kami, anak halika na yung bisekleta natin baka mawala.”
Tumalikod na ang mga ito at dumiretso sa bisekletang gamit. Inakap pa ng babae ang anak saka hinalikan sa noo.
Hindi niya pinagalitan ang bata dahil alam niyang hindi ito gagawa ng isang bagay na mali. Siguro nga ay nakita lang na may naaragabyado kaya tumulong.
Tahimik lang si Rom nakaupo sa loob ng sidecar, malungkot.
“Anak bakit malungkot ka ata? Iniisip mo pa din ba yung kanina?”
“Opo, pero hindi yung sa mga bata. Iniisip ko lang bakit sila may tatay ako wala, bakit sila may magagandang damit ako wala.”
Naawa sa anak, alam niyang siya ang may mali pero hindi niya kailanman pagsisihan na ipinag buntis ang bata.
“Anak, wag ka nang malungkot ha. Isipin mo nalang na gift ka sa akin ni Lord. Kasi kung wala ka mag-isa lang si nanay, walang magpapasaya. Walang magbibigay ng tubig pag dumating sa bahay, walang magpupunas ng pawis at walang kakanta sakin diba.”
Dahil sa sinabi ay nakita niyang nagliwanag ang mukah ng aanak.
“Basta anak mag aral kang mabuti para pag me trabaho ka na lagi na tayong kakain sa magagandang kainan. Bibili na tayo ng magagandang damit mo.”
Sakto malapit na sila sa bahay kaya nakipag palit ito sa kanya sa pag pedal.
Natigilan si Rom ng sunod sunod na umubo ang nanay niya.
Dinukwang niya ang tubig at inaabot sa ina.
“Nay madalas kang ubuhin? Bili tayo ng gamut mo mamaya.”
“Naku anak wala ito, nasasamid lang ako.”
Hinagod hagod pa nito ang likod ng ina.
Nakita pa nila si Aling Necy na nasa harap ng tindahan. Huminto sila para mag mano si Rom.
Hindi na din sila nagtagal at kailangan pa niyang i-review si Rom sa mga lessons nito.
Naging regular na kasama na ni Mylene si Rom, nakita ng bata kung gaano kahirap ang ginagawa ng ina.
Dalawang taon na din nila ginagawa, nasa grade 1 na kaya hindi na niya nasasamahan ang ina sa pagkalalakal.
Napansin din niya na malaki ang ipinayat ng Nanay. Mas madalas na din itong inuubo, pinipilit niyang mag patingin sa health center pero lagi itong tumatanggi.
Isang sabado ng umaga ng hindi nakabangon ang ina, nang lapitan ay inaapoy ito ng lagnat at saka dinadalahit ng ubo.
Mabilis na kumuha siya ng tubig, tumakbo papunta sa tindahan ng lola Necy niya at bumili ng gamot pati na rin ng instant mami na nilalagyan lang ng tubig na mainit na hiningi na din sa matanda.
Pabalik ay pinakain ang ina saka pinainom ng gamut. Sinabihan na wag na munang tumayo at mag pahinga. Dahil kinakailangang maghanap ng kalakal kaya iniwan muna ang ina at nangakong babalik bago mananghali. Nag ikot lang si Rom hangang umabot sa gawing palengke.
Paliko na siya sa isang eskinita ng may narinig siya boses.
“Maawa na kayo, wag!”
Napalingon siya at nakita ang tatlong bata na nakapaikot sa isang bata din. Nagtatawanan pa habang ang isa ay sumisipa.
Ang pinaka ayaw niya ay yung may binubully kaya mabilis na ibinalik ang biskleta.
“Hoy tigilan nyo na yan, nag iisa tatlo kayo!”
Sabay sabay na lumingon sa kanya ang mga nang bubully.
“Bakit ikaw kakasa ka ba?” yung pinaka malaki na palagay niya ay lider ng grupo.
Medyo natakot siya dahil mas malalaki ito sa kanya. Buti nalang at ang isa sa mga anak ni Lola Necy ay Boxing trainor kaya natuturuan siya minsan isang lingo kapalit ng paglilinis ng kotse nito, me bayad pa siya.
Bumaba na siya sa bisekleta, lumapit sa tatlo na hamak na mas malaki kaysa sa kanya.
“Ang tapang mo e bubwit ka pa!”
Hahawakan sana siya sa ulo ng hilahin niya ang kamay at pinalipit sa likod. Isang malakas na tadyak ang ibinigay sa likod kaya subsob sa gilid ng kalsada.
Sumugod ang dalawang kasama nito na mabilis naman niyang sinalubong ng sapak sa punong tainga at tadyak sa tiyan. Ilang palitan pa ng suntok bago nagtakbuhan ang mga batang bully palayo.
Itinayo ang batang pinagtulungan.
“Okay ka lang ba?”
Nakatingin lang sa kanyang ang batang tsinito, maputi at halatang may lahing Chinese. Payat lang kaya siguro pinagtulungan.
Guwapo din ang bata, mukha nga lang lampa.
“Rom pala, saan ka nakatira hahatid na kita. Baka balikan ka pa nung mga gagong yun.”
“I’m Caleb, thank you pala,” mahinang bigkas ng lalaki.
“Wala yun, next time lumaban ka kasi pag hindi ka lumaban lagi ka nilang I bubully.”
Sumakay na si Rom sa bisekleta pero nakatayo lang si Caleb.
“Halika na, hahatid na kita bago ako maghanap ng kalakal ko.”
Mukhang mayaman si Caleb kahit may konting dumi dahil sa pagkakahiga sa lupa kanina. Makinis din ang balat at maputi talaga. Hindi siguro nito alam kung saan sasakay dahil may ilang bote at karton na sabisekleta.
“Sige lang, tapakan mo na yan at madumi naman talaga hehehe.”
Hirap pa itong umakyat sa bisekleta kaya bumaba muna siya at inalalayan ito.
“Saan ba ang inyo?”
“Dun lang sa may sari-sari store sa may isang kanto.”
“Ay sa inyo ba yun?”
“Oo, pero pina pa manage lang ng parents ko. Sa Manila sila nag focus ng business. Sa Divisoria.”
“Ahhh, okay!” hindi naman kasi niya alam kung saan yung lugar na sinabi nito.
“Ilang taon ka na ba?”
“6 palang ako, ikaw?”
“Mag seven na next month.”
Sa isip ni Rom, parang ang liit nito sa seven samantalang siya ay malaki sa six. Siya ang pinakamatangkad sa classmates niya sa grade 1.
“O sige, baba ka na mag hahanap pako ng kalakal.”
“Huh, sandali wag ka munang umalis baka may mga pede kang makuha sa sari sari store na pede ibenta.”
“Ay, sige siguradong marami kayong karton at basyo ng bote.”
Tumakbo si Caleb papasok. Naghintay siya ng ilang minuto, pag labas ay may kasamang dalawangkargador at may dalang mga karton at isang sako na tingin niya ay mga bote.
Hindi siya makapaniwala na ibibigay sa kanya lahat nung karton na dala at isang sako ng bote. Ipinaayospa ni Caleb para magkasya.
“Caleb ang dami naman nito, salamat ha! Bukas hindi nako mangangalakal at madami talaga ito.”
“Marami pa nga sa loob kung gusto mo pa hehehe.”
“Naku okay na ito sa susunod nalang hehehe. Sana!”
“Oo naman! Basta magkaibigan na tayo?”
“Sige, ba!”
Biglang may lumapit na isang tindera may dalang kahon ng donuts at isang bote ng softdirnks na 2 liters.
“Here, snacks,”
“Wow, ibibigay mo sakin yan?”
“Yeah, it’s yours. Bring it home if you are in a hurry!”
“Bro thank you!” halos payakap tinanggap ang box at bote.
Napayakap din tuloy siya sa bagong kaibigan.
“Pano aalis nako ha, me sakit kasi si Nanay walang kasama sa bahay.”
“Sige Rom, ingat ka ha. Thank you again.”
Kahit hirap pagpadyak sa dami ng laman ng bisikleta ay masaya pa din si Rom. Una maaga siyang makakauwi at hindi na kailangang iwan ang inang may sakit. Pangalawa ay siguradong malaki ang bentang mga kalakal dahil solid ang mga karton. Pangatlo ay may bago siyang kaibigan.
Naibenta niya ng sapat para sa tatlong araw na kalakal. Pero gusto niyang lumakad bukas para sa lunes hanggang miyerkules ay hindi na muna aalis ang nanay niya.
Pagdating sa bahay nila ay dinig na agad ang ubo ng ina. Mabilis na lumapit siya dito dala ang mainit nasabaw na binigay ni Lola Nesy at ang box ng donuts na galing naman kay Caleb.
Nagulat pa ang ina kung bakit me dala siyang donut kaya ipinaliwanag nalang niya. Pinayuhan siya na wag basta basta sasabak sa gulo at baka mamaya mapahamak. Pero sa huli ay natuwa pa din dahil sa mabuting puso ng anak.
Maghapon siyang binantayan ng anak, kinabukasan naman ay maagang umalis para mangalakal. Dumaan siya saglit kay Caleb at sakto naming nakatambay sa harap ng sari sari store na parang may hinihintay.
“Caleb! Mukhang may hinihintay ka?”
“Wala, bored lang sa loob kaya andito ako sa labas.”
Naupo siya sa tabi ng bagong kaibigan. Medyo nahiya pa siya dahil naamoy niya ang preskong amoy nito.
Hindi naman siya mabaho, simpleng sabon lang kasi ang ginagamit niya.
“Saan ka ba nag aaral?”
“In CIC, Grade 1 ikaw.”
“Wow mayaman talaga kayo. Ako dyan sa PG grade 1 din.”
Marami pa silang napag usapan hanggang sa mga nahihirapang subject si Caleb. Samantalang likas namatalino si Rom kaya hindi siya nahihirapan.
Paalis na si Rom ng muli siyang pigilan ni Caleb at lumabas na may dalang puro sako ng bote. May dala ding isang plastic bag ng grocery kaya sobrang tuwa niya ng murang isip.
Pagdating sa kanto tindahan ni Lola Necy ay sinalubong na siya ng anak nito at sinabing dinala sa hospital ang nanay niya.
Sa bata niya ay hindi alam kung paano makakapunta sa ospital. Hindi alam kung paano pupuntahan ang ina. Naka upo sa harap ng tindahan naghihintay ng kung ano.
Buti nalang dumating ang isang anak ni Lola Nesy upang samahan siya.
Nakaratay ang payat na payat na ina at may nakatusok sa braso. Ang ikinagulat niya ay ng makita ang isang pamilyar na lalaki pero hindi niya matandaan kung saan nakita.
Bale anim na kama ang anduon, may isang bakante sa sulok na katabi ng nanay niya. Mabilis na tumakbo at nilapitan ang ina.
Umiiyak dahil sa kalagayan ng ina. Hindi naman niya maintindihan ang sinasabi ng doctor basta ang alam lang niya ay kailangan itong maoperaha.
Nakaupo siya sa isang mono block ng lapitan ng lalaking nakita niya kanina. Tumabi sa kanya at ipinatong ang kamay sa sandalan ng upuan niya.
Lumingon siya sa lalaki na parang puno ng pagtatanong.
“Rom ang pangalan mo tama?”
“Opo, bakit nyo po alam?”
“Hindi mo ba ako natatandaan sa Jollibee? Yung bata na naitulak mo? Tawagin mo nalang akong Lolo Greg.”
Nang maalala ay napayuko nalang si Rom.
“Wag kang mag alala, hindi ako galit sayo. Nandito ako para tulungan kayo ng Nanay mo.”
Muli ay napatingala siya sa lalaking ang sasalita.
Tinupad nga nito ang sinabi na tutulungan sila. Inilipat ang nanay niya sa isang mas maayos na hospital. Sinagot nito ang lahat ng gastos hanggang sa operation at mga gamut paglabas.
Mahigit isang lingo din ang nanay niya na naka confined, ayaw sana niyang umalis pero martes ay pinilit na siyang pumasok at may magbabantay naman na nurse at isang kaibigan din ng nanay niya.
Pag labas sa hospital ay pinipilit sila na lumipat ng bahay na mas maayos pero tumanggi ang nanay niya.
Sinigurado din ni Greg na masusuportahan ang pag aaral ni Rom.
Nang araw na makita sila ni Greg sa Jollibee ay sinundan na sila nito, madalas na dumadaan tuwing Lingo upang tingnan kung ano ang lagay dahil may hinala siya pero kailangang na i-confirm.
Nung araw na isinugod ito sa hospital ay nagkataon naman na dumaan siya ulit at nakita na nagkakagulo. Bumaba siya para tingnan kung ano ang nangyari at nalaman nga na ang inay ni Rom ang dadalin sahospital.
Ipinasakay na niya sa kotse kaysa mag tricycle pa ang mga ito. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob sa mag ina o dahil sa nakikita talaga si Nathan kay Rom.
Hinayaan muna niyang makarecover si Mylene bago sinimulang tanungin tungkol sa bata. Alam naman kasi niya ang lahat ng nangyari kay Nathan noon kay may hinala na siya na anak ito lalaki.
Hindi nga siya nagkamali, anak nga ito ng anak anakan niya. Kaya pala parang hindi siya mapalagay ng makita ito. Nalungkot dahil hindi nito nakikita ang ama. Sabagay siya din naman hindi pa nakikitang muli si Nathan buhat nung nanggaling sila sa Subic mahigit walong taon na ata ang nakalipas.
Ikinuwento lahat ni Mylene ang nangyari sa kanila, pati ang involment ng kongresista sa lalaki.
Sa nalaman ay lalong nagkaroon ng matinding naisin na tulungan ang bata at ang ina nito. Feeling niya ay may responsibilidad siya dito dahil sa siya ang tumayong ama ni Nathan.
Nang sumunod na taon ay lumipat na siya paaralan, nalipat siya sa private school. Dahil sa likas namatalino ay naging laging number 1 sa klase. Sabi nga ni Tatay Greg ay nag mana daw ito sa tatay niya.
Nakilala na din nila ang may bahay ni Tatay Greg, mabait kahit na kung minsan ay seryoso. Ang anak nito ay naging close din sa kanya at parang kuya ang tingin niya dito. Sabagay para naman talaga silang magkapatid lalo sa itsura.
Hindi na rin niya muling nakita pa si Caleb, naging busy din kasi siya at nung minsang dumaan siya sa sari sari store at nagtanong ay sinabing sa Manila na pala ito nag aaral.
Dahil hindi lang talino ang mayroon kay Rom ay naging sikat siya sa school, mas matangkad kaysa sa ibang ka klase at angat ang ka guwapuhan.
Nakakitaan din siya ng husay sa taekwondo ng anak ni Lola Nesy kaya naman ipinagpatuloy din ang training niya ang finally ay black belter na kahit grade 5 palang.
First Time
Grade 10 ng una siyang magkaroon ng karanasan. Isinama siya ng Nanay niya sa isang birthday na nanga-ngailangan ng taga buhat sa pag aayos at sa pagliligpit ng mga kasangkapan matapos ang selebrasyon.
Pagod na pagod siya sa kabubuhat at sa halip na umuwi ay hinintay na niya ang ina para sabayang umuwi.
Kasaluyan siyang nasa isang sulok ng may parang nag tatalo sa malapit lang sa pwesto niya.
Babae: Ayoko na ng di ba, hindi ka ba makaintindi?