Ang Batang PO Part 20
Nabuo ang planong iwan na ang Lucena, ay makipag sapalaran sa Maynila. Ayaw na din niya bumalik sa Cabanatuan at alam niyang hindi na din siya matatahimik dito sa dami ng pangyayari.
Bumangon siya at inayos ang lahat ng maari niyang dalin, dala ang perang nakuha kay Ariel at ang pinagbentahan ng motor pati na din ang naipon niya sa allowance na ibinibigay ni Lolo Greg. Hindi man sigurado kung hanggang saan ito aabot ay isusugal na niya.
Bago magising ang ina ay nakaalis na. Binali ang sim card ng cellphone at binura lahat ng contact para hindi na siya matuksong sumagot o tumawag.
Maliwanag na ng makarating sa Maynila, kumain lang siya ng breakfast sa isang fastfood bago naghanap ng kwarto na pwedeng upahan. Nakarating siya sa Sampalok, may isang bahay na ginawang paupahan. Walong kwarto lahat samantalang pagpasok mo naman ay parlor ng isang bading na duon din nakatira.
Anim na kwarto ang may umu-upa samantalang ang dalawa sa dulo ay bakante pero open for transient daw or short-time. Hindi na niya pinakialaman.
Maganda ang bahay, mura pa kaya kinuha na niya ang isang maliit na kuwarto. May single bed, isang cabinet, maliit na lamesa at isang upuan. Kailangan lang niyang bumili ng unan, bedsheet at kumot. Ibinaba lang ang gamit at pumuta na sa Isetan.
Namili lang ng lahat ng kailangan at bumalik na sa inuupahan. Tiningnan din kung okay na ang credentials niya para maka enroll for college. Criminology ang kukunin niya dahil gusto niyang maging pulis. Yung iba ay babalikan nalang niya dahil alam niyang kailangan.
Alam niyang hahanapin siya ng ina, pero sa gulo ng isip at buhay niya sa ngayun ay ayaw na muna niyang madamay ang Nanay niya. Maging kay Lolo Greg ay hindi na din niya ipinaalam, kung puputulin nito ang sustento sa pag aaral niya ay ayus lang. Hahanap siya ng paraan para mabuhay.
Hiniling nalang niya wag itigil ni Lolo Greg ang support para hindi siya masyadong magipit.
Buti nalang ang nakahabol pa siya sa isang kilalang eskwelahan kahit medyo late na siya. Isinunod nalang niya ang paghahanap muna ng part time job na agad namang napasok sa isang kilalang malaking fast food chain.
Pasok sa umaga at duty naman sa gabi. Sanay naman na siya sa ganitong buhay kahit nung nasa Cabanatuan pa siya, yun nga lang masyadong mabilis ang takbo ng buhay sa Maynila.
Mag iisang buwan na siya nang napansin niya na parang hindi lang trancient o upahan ang dalawang kwarto sa dulo. Madalas kasi ay hindi lang dalawa ang taong napapansin niyang pumapasok. Karaniwa ay grupo na ibat iba, maliban isa isang babae at lalaki na tingin din niya ay umuupa sa bahay.
Isang hapon na off niya sa trabaho, maulan din kaya bumili nalang siya ng mainit na sabaw para i-uwi sabahay. Iniwan nalang muna ang pagkain sa common kitchen saka umakyat para magbihis. Balak sana niyang sa mess hall ng upahan kumain.
Nagsisimula palang siyang kumain ng pumasok sa kusina ang babaeng madalas na pumapasok sa dulong kwarto. Inexpect na kasama ang lalaki ngunit wala.
“Hi!”
“Ah Hi!”
“Bago ka dito?”
“Oo, almost one month palang.”
“Ahh, matagal na din pala. Bakit ngayun lang kita nakita?”
“Working student, aral sa umaga tapos trabaho sa gabi.”
“Wow ang sipag naman.”
“Kailangan eh.”
“Claire nga pala.”
“Rom.” Saka niya inabot ang kamay ng babae.
“Saan ang School mo?”
“UE.”
“Pareho tayo. HRM ako.”
“Criminology.”
“Wow future Criminal hihihi.”
“Grabe ka. Kain.”
“Hmmm. Bibili palang ako eh.”
“Madami naman to, if di ka maselan.”
“Hihih, di naman.”
Tumayo na si Rom at kumuha ng plato at kutsara.
“Kaya lang di ko nagamitan ng serving spoon.”
“Hmmm okay lang cute ka naman eh.”
“Bolera.”
Lihim naman niyang tinitigan ang babae. Tingin niya ay matanda ito ng ilang taon sa kanya, pero mukha itong manyika. Ang ganda ng mata, ng ilong at ng labi. Pansin din niya ang malaking hinaharap nito base sa suot na sleevless na pang-itaas.
“Ikaw nakikita na kita dati pa, kasama mo yung guy.”
“Ah si Paul, X ko. Umuwi na ng probinsya. Ayaw na daw dito sa Maynila.”
“Bakit naman, hindi ba siya nag aaral?”
“Hindi, nag tratrabaho kaya lang ayaw na din.”
“Ahhh.”
“Ilang taon ka na Rom?”
“18, ikaw?”
“Bata ka pa pala, 21 nako.”
“Bakit mukha na ba akong matanda?”
“Hindi naman, kaya lang kasi ang mga 18 usually payat pero ikaw parang well built na.”
“Ahhh siguro dahil sa nature ng activity at work ko sa probinsya.”
“Bakit?”
“Hehehe car wash boy, kargador ng baboy hehehe.”
“Totoo ba?”
“Yeah, pero trainor din ako ng taekwondo.”
“Sana nag artista ka nalang hahaha.”
“Hahaha. Porn star pede pa hahaha. Oppps sorry.” Naisip niya ang mga taong nakatalik niya.
“Hahaha, pede. Mukang gifted ka naman hihihi.”
“Ahahaha. Game ka pala.”
“Sakto lang.”
Naging palagay siya sa babae, mabiro din ito at may sense kausap. Ito ang unang kaibigan niya sa Manila kung sakali.
Matapos silang kumain ay gusto pa sana niyang makipagkwentuhan pero nagpaalam na ang babae at may mga gagawin pa daw ito.
Lihim niyang sunundan ng tingin lalo na sa magandang hubog ng puwet nito. Hindi tuloy niya maiwasan malibugan. Dahil siguro naging busy siya nung mga nakaraang araw kaya naman nawala saisip ang sex. Ngayun lang ulit.
Naging madalas ang pag uusap nila, lalo at inaabutan pa niya itong gising pag galing siya sa trabaho. Nalaman din niya na may part time ito na on-line job. Dahil wala naman siyang loptop or computer kaya hindi na siya naging interesado.
Galing siya sa school papasok na siya sa eskinita ng makita niya na pababa naman ito sa taxi kaya hinintay na niya.
“Wos sosyal ah, naka taxi at saka galing ka ata sa date.”
“Hindi naman, may inayos lang. Ang aga mo ata.”
“Nag day off ako 2 days.”
“Aba baka me sakit ka?”
“Grabe ka naman, pedeng gusto lang magpahinga?”
“Hahaha, matutuwa ang mga Bekimon?”
“Bekimon?”
“Hay naku, wala ka talagang alam sa paligid mo.”
“Huh?”
“Bekimon yung mga beki sa bahay ano ba.”
“Ahhh. Okay. So?”
“Masaya sila at nasa bahay ka ngayun.”
“Bakit naman?”
“Naive ka talaga.”
“Di ko gets.”
“Pantasya ka ng mga nun hano.”
“Me sapak ka din sa utak hano.”
“Gagi, si Toni di mo pansin? Inaabangan ka palagi pag umaga pag naliligo ka.”
“Huh?”
“Oo, pinakita pa niya yung picture mo na naka twalya lang hahaha.”
Di siya nakakibo sa sinabi ni Claire.
“O bat natahimik ka?”
“Don’t tell me homophobic ka.”
“Hindi naman, kaya lang di ko alam na bading si Toni.”
“Pati si John.”
“Huh, totoo ba?”
“Bakit? Hindi halata hano.”
“Mahina ako sa ganyan eh.”
“Straight ka kasi.”
Lingid kay Rom ay lihim na humahanga sa kanya si Claire, pero sa klase ng buhay na mayroon siya ay alam niyang hindi siya nararapat sa binata.
Marumi siya, walang dangal.
Online job niya ang pagbebenta ng sarili sa mga malilibog na lalake sa internet. Chatbate kung saan ay handa siyang ipakita ang lahat para kumita. Ang mas grabe pa dahil lumalabas siya sa live show kasama si Paul. Yun ang paraan niya para mabuhay at makapag-aral.
Naging daan din ito para magbenta siya ng bawal na gamot. Kahit na nga hindi naman siya gumagamit.
Kaya sa bawat araw na nakakasama niya ang binata na toong pantasya ng maraming kakilala ay lalo niyang nakikita kung gaano siya karumi.
“Ano girl natira ka na ba ni Papa Rom?”
“Gagi, friends lang kami no. Saka harmless yun.”
“Hello! Walang lalaking harmless no. Malilibog ang mga yan.”
“Iba si Rom, kaya wag kayo.”
“Gagi mukhang masarap pa naman si Papa saka mukang daku.”
“Naku baka naman di pa marunong hihihi.”
“Try mo na kasi para ma rate natin hihihi. Para me pamalit ka na kay Paul.”
“Hay naku tigilan nyo na nga ako. Problemado na ang tao.”
Nakaupo siya sa beranda at iniisip pa din kung paano siya magkakaraket ulit nang lapitan siya ni Rom.
“Malayo ata ang tingin? Miss mo na si sino na nga yun?”
“Huh? Ikaw pala.”
“Malungkot ata ang kaibigan ko?”
“May iniisip lang?”
“Problema?”
Nagkibit lang ito ng balikat.
“Care to share?”
“Lasingin mo muna ako.”
“Game.”
“Gagi, baka mapasubo ka.”
“Try me.”
“Okay.”