Ang Batang PO Part 31
Naging parang sex machine ni Claire at Lyka si Rom, sa loob ng isang lingo ay hindi sasablay na matutulog siya sa bahay ni Lyka at dahil walang live show ay madalas na natutulog siya kasama si Claire pag nanduon lang ito. Pero madalas na umaalis ang babae.
Lingid sa kaalaman ni Rom ay alam nito ang relasyon nila ni Lyka, nasasaktan siya pero alam naman niya na wala siyang laban sa kayang ibigay ni Madam Lyka sa binata. Malamang dahil din dito kaya wala silang live show sa loob ng higit dalawang buwan.
Napilitan tuloy siyang rumaket para masustentuhan ang ina na may sakit. Ilang beses siyang umuuwi ng boarding house at sinasabi ng landlord nila na sinundo si Rom ni Madam Lyka. Sa totoo lang akala niya ay tulong sa kanya ang babae dahil sinagot nito ang lahat ng gastos nang ma-ospital ang ama. Hindi pala dahil nabaon siya sa utang at naging daan para masira ang buhay.
Ngayun ang munting kaligayahan niya kay Rom ay inagaw pa. Pinili nalang niya na tanggapin at umaasang ilang panahon nalang ay makakawala na siya sa obligasyon kay Lyka.
Pilit bina-balance ni Rom ang relasyon sa dalawa, yun nga lang hirap lalo na at parang nararamdaman niya na si Claire ay may itinatago samantalang si Lyka ay nagiging possessive sa kanya. Pero ramdam nadin niya ang pagmamahal nito kahit na hindi sinasabi.
Mahigit isang lingo na niyang minemessage at tinatawagan si Claire pero walang reply at di sumasagot. Tinanong din niya sa landlord nila kung umuuwi ito pag wala siya pero hindi daw. Iniisp niya baka umuwi ito sa probinsya ngunit bakit hindi nagpa-alam at hindi nag communicate.
Pauwi na siya ng boarding house nang maramdaman na may sumusunod sa kanya. Apat na lalaki ang namataan sa likuran kaya inihanda ang sarili. Pagdating sa eskinita ay hindi siya nagkamali, agad sumunod ang isa na na-ilagan naman niya. Mabilis ang pangyayari, sundod sunod ang suntok at sagot niya.
Hindi naman nagtagumpay ang mga sumugod sa kanya, nagtakbuhan ng sa tingin ng mga ito ay hindi nila kakayanin si Rom. Nang malayo na ang mga ito ay napasandal siya sa pader, noon lang niya naramdam ang sakit ng mga tama sa kanya.
Iniisip niya na napagtripan lang siya ng mga ito, pero imposible din dahil apat na tingin niya ay sinundo talaga siya. Kinabukasan naman pag dating sa bahay ay nagulat ng makita ang magulong kwarto, nakataob pati kama at ang damit ay nakakalat. Nang tanungin niya ang Landlord ay wala itong masabi dahil wala naman silang nakita.
Agad sinilip ang kwarto ni Claire at parehas na parehas ang sitwasyon. Minessage na niya ang babae pero wala pa ring reply.
Hindi din niya alam kung bakit dalawang araw na na walang message at di rin tumatawag si Lyka. Hindi naman kasi niya ugaling siya ang tumatawag or mag message.
Ika sampung araw nang wala si Claire ng makareceived siya ng tawag sa unknown number.
‘Hello! Sino to?’
‘Rom tulungan mo ko, ginigipit nila ako.’
‘Claire, asaan ka?’
‘Hindi ko alam pero isang lumang bodega. Madami sila Rom tulungan mo ko.’
‘Send mo location mo, pupuntahan kita. Tatawag ako sa pulis.’
‘Wag ka mag susumbong sa pulis. Papatayin nila ako.’
‘Pano, ano gagawin ko.’
‘Rom please maawa ka sakiā¦’
Naputol na ang tawag nito at nakareceive nalang ng location sa telepono. Gusto niyang manghingi ng tulong kay Madam Lyka pero naisip na baka may kinalaman ito. Sa pagkaka-alam niya ay dito siya may atraso at kaya siya nag live show ay para makabayad.
Pero bakit naman siya nito ginigipit, di kaya ito ang may kasalanan kaya wala silang booking. Ano ang dahilan nito. Saka niya naalala ang mga taong nakalaban niya at ang nangyari sa kwarto nila.
Kanino siya hihingi ng tulong?
Isa lang ang naisip niyang lapitan.
‘Hello!’ Sino to?’
‘Tol si Rom to.’
‘Tol buti naman tumawag ka na.’
‘Tol kailangan ko ng tulong.’
‘Bakti? Anong nangyari?’
‘Pwede ba tayong magkita ngayun?’
‘Sige, san ka ba? Puntahan kita.’
‘Recto, Manila area ako.’
‘Sige, message mo sakin kung saan at kung ano ang problema para makaprepare na bago tayo magkita.’
‘Okay tol Salamat.’
Halos isang oras din ang hinintay niya bago dumating si Matteo, bumili muna sila ng pagkain na hindi naman niya nakain.
“Tol palagay ko heart issue ito, ginigipit si Claire dahil sayo. Malamang si Lyka ang may pakana.”
“Yan din ang iniisip ko kaya hindi ako sa kanya lumapit.”
“Ano ang balak mo?”
“Kailangan kong puntahan si Claire, kailangan ko siyang tulungan.”
“Delakado Tol, mapapahamak ka.”
“Wala akong choice tol, hindi ko kayang hayaan si Claire. Responsibilidad ko to.”
Pinag-planuhan nilang mabuti, may mga kinausap si Matteo para tumulong sa kanila ang Intelligence Group kung saan ay miyembro si Matteo. Ayos na ang lahat kahit kinakabahan siya pero sa pagkakaexplain ni Matteo ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.
Kasado na ang lahat, umuwi lang sandali si Matteo para kuhanin ang gamit na kailangan nila. Iniwan sa kanya ang isang relo na may ibat ibang gamit.
Kakaalis lang nito ng muling tumawag ang unknown number.
‘Wag kang magsasalita, nakikita ka namin. Bibigyan kita ng 2 oras para mapuntahan ang girlfriend mo kung ayaw mong kumalat ang utak agad agad.’
‘Ano ba ang kailangan nyo?’
‘Sabing wag kang mag-sasalita at wag na wag kang tatawag kahit kanino dahil may nakasunod sayo.’
Iniikot niya ang mata at nakitang maraming tao na may hawak ng cellphone. Isa sa mga ito ang maaring kausap niya.
‘2 oras kung ayaw mo na abutang bangkay ang syota mo.’
Hindi na siya nakasagot dahil agad naputol ang linya. Hinanap niya ang location na sinend sa kanya at tantya niya ay aabot ng mahigit isang oras bago makarating dito kung mag cocommute siya. Agad pumara ng taxi, kinalimutan na ang plano. Kinakailangang makarating siya sa lugar para maibigay ang location kay Matteo gamit ang relong suot niya. Wala siyang armas at ang tanging pang hahawakan ay ang binigay ng relo ni Matteo.
Liblib ang lugar, Cainta ata ito. may nakita siyang isang malaking bodega kaya agad na nagpababa na siya sa taxi. Binayaran lang niya at maingat na pumasok sa bodega.
May mga tauhan sa labas mahigit lima, kung hindi siya nagkakamali ay ilan sa mga ito ay ang nakakaba niya ilang araw na ang nakaraan.
Hinintay lang niyang mabawasan ang mga tauhan bago pumasok. Maingat na hinanap kung nasaan siClaire.
“Pare malaki ba talaga makukuha natin?”
“Oo naman, nakita mo naman kung gaano kayaman si Madam.”
“Sabagay, baka naman pwede nating tirahin bago patayin.”
“Madali lang yun, basta dapat dumating yung boyfriend, yun lang ang kailangan.”
Nanggilid si Rom, nakita niyang pumasok sa isang pinto ang dalawang tauhan nito. Tiningnan lang niya ang paligid bago tumakbo papasok. Pero bago makapwesto ay malamig na dulo ng baril ang naramdamang nakatutok sa batok.
“Sige pasok, Pasok!”
Itinaas ang kamay, nag iisip kung paano makakawala. Ngunit nakuha na nila ang atensyon ng mga tao saloob.
Gulat na gulat siya sa nakita.
“Claire… Tita…”