Boss Ko Ang Ex-GF Ko Part 11

Matapos ang aking 2 weeks leave ay tinupad ko na ang pangako ko kay Alyssa. To make up with my pendings. It was 6pm at dalawa na lang kaming naiwan ni Alyssa sa opisina.

Alyssa: O Mr Yao. Bakit nandito ka pa?

Me: Maam pangako ko po kasi sa inyo na babawi ako sa mga pendings ko.

Alyssa: Naku Nick hinihintay ka na ng kapatid mo.

Me: Maam umuwi po siya ng CDO. 1 week po siya dun.

Alyssa: Well kung ganun isara mo na yang computer mo. Save mo na lahat ng files mo sa computer at kakain tayo sa Harvey’s.

Me: Naku Maam mahal po dun. Wala po akong pambayad.

Alyssa: don’t worry ako taya.

Me: naku maam nakakahiya po sa inyo.

Alyssa: ako nga dapat mahiya sa iyo eh. Di ko alam na nasasaktan ko na pala si Tanya sa mga ginagawa kong powertrip ko sa iyo.

Me: Naku Maam wala po yun. Parte naman ng trabaho ko yun eh.

Alyssa: like maglinis ng banyo?

Me: kesa naman ikaw Maam. Naka dress ka that time. Pano ka kikilos? Edi masisilipan ka nila.

Napahinga ng malalim si Alyssa nang mga oras na iyon.

Alyssa: well basta ikaw ang makakasilip hahaha. Mr Yao I insist. Samahan mo ako for some steak and wine. Basta hatid mo ako sa bahay ha. Coding kasi sasakyan ko eh.

Super lambing ni Alyssa at sinamahan ko siya sa Harvey’s. We ate some high grade wagyu beef and drank some expensive wines. While enjoying our wine ay di maiiwasang matanong ko ang fianc niya.

Me: Maam di pa po ba kayo tinatawagan ng fianc nyo?

Alyssa: I called him pero may binuksan daw silang logistics brokerage sa Davao at magtatagal daw siya dun. Good thing for me na din para makapag isip isip ako kung tama bang ituloy ko ang kasal namin or I should step on the brake.

Nanlaki ang tenga ko nang mga oras na iyon sa narinig ko. Mukhang nagkakalaboan na sila ni Brent. She changed the topic at nagsimulang mag kwento tungkol sa bonding nila ni Tanya. Muling lumabas ang mga ngiti niya sa mata mula sa pagkatamlay nang tanungin ko ang fianc niya. Ang daming tawa at ngisi ni Alyssa habang nagkwekwento siya sa naging bonding nila ng kapatid ko sa Japan. Hindi namin namalayan ang oras sa sarap ng aming kwentuhan at nakiusap na ang waiter ng resto na nagsasara na kami. Napangiti kami sa isa’t isa maging ang supervisor ng resto. I gave her a ride going home.

Me: well nandito na tayo.

Bumaba ako ng sasakyan and I opened the door for her.

Alyssa: Nick thank you.

Me: for what?

Alyssa: sa pag sama mo sa akin. I had fun.

Napangiti ako sa kanya and she gave me a hug and a smack on the cheek until we heard a sound.

EHEM!

Alyssa: Dad!

Me: Good Evening po Tito.

Deadma siya sa akin kaya naisipan ko na lang magpaalam ng maayos.

Me: Alyssa mauna ako. Tito uuwi na po ako.

Tito Gerry: Dapat lang at disoras na ng gabi!

Sumakay na ako sa sasakyan ko at umuwi na ako ng bahay.

Kinabukasan ay humingi sa akin ng dispensa si Alyssa.

Alyssa: Nick pasensya ka na kay Dad kagabi ha.

Me: Wala po yun Maam. I deserve it. I need to gain their respect again.

Alyssa: makukuha mo din yan. Ang laki na kaya ng pinagbago mo. Nawala na hangin mo sa katawan. Nag tyatyaga ka na nga sa G shock at Seiko na relos samantalang dati dapat Rolex lang hahaha.

Me: sa liit ng sweldo ko yan na lang ang kaya ko hahaha. Tsaka sinoli ko na yung Rolex at Land Cruiser kay Dad. Baka kasi mamaya isumbat pa niya sa akin yun. Kaya tyaga muna tayo sa isang G shcok at isang Seiko.

Pabirong hirit ko sa kanya since she’s wearing a Stainless Steel Rolex Yachtmaster 1.

Alyssa: Uy may Seiko din naman ako. Magkahawig lang sila kaya di mo napapansin hahaha. Tsaka bigay lang din sa akin to nung graduation ha. Hahaha. Nick super proud sa iyo si Tito Arman. Lalo na sa laki ng pinagbago mo. Hindi lang siya expressive tulad ni Tita pero alam kong pinagmamalaki ka na niya ngayon. Pero ako? Super proud ako sa iyo.

Me: Thanks Ally.

Nakuha namin ni Alyssa ang timpla ng isa’t isa at naging maayos naman ang working relationship namin. She gave me a big responsibility kung saan kailangan kong i-review ng mabuti ang mga papasukin naming kontrata and to make sure that we’re on the winning edge. Ako ang kanyang naging mata, at tenga sa opisina. I was able to regained her trust and I promised myself na aalagaan ko na ito.

Itutuloy……

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *