Perfect Kong Girlfriend Part 12

Ikot-ikot kami sa iba-ibang floor ni Carl. Ang dalawang manyakis na torpe!! Bagay Ampfs!!

Isa-isa naming pinuntahan yung mga nag-file ng mga trouble tickets sa kung anu-anong issue tungkol sa Computer nila.

Wow! Sarap pakinggan!! Techie!! Pero sa aming dalawa, mas magaling talaga si Carl. Kahit anong problema sa Internet at PC, halos lahat kaya nya ayusin!! Ako puro Computer Games lang ako magaling! Heheheh!

Madalas ako yung parang alalay eh! Tiga-kabit sa ilalim ng station, Tiga-buhat ng mga kelangan itroubleshoot na PC, Etcetera-etcetera!! Pero ok lang sakin yun! Marami naman ako natutunan galing kay Karl…

Mga bandang tanghali napunta kami sa floor kung saan nanduon ang department ng Customer Service. Eto ang pinakapaboritong puntahan namin ni Carl! Siguro mga Siyamnapung porsyento ng mga nagtatrabaho rito puro mga babae!

At syempre ang peboritong puntahan ni Carl sa Floor na to…

“Ha… Hi! Miss Francine may nag-check na nung issue mo?” parang kinakabahan pang tanong
ni Carl.

Humarap… tumayo ang isang babaeng Kayputi… kay seksi! Kala mo Sexy Star!

Suot lang nito ay isang blouse na may malalim na hiwa sa may cleavage… Nakupo! Ang kayputi at malulusog na cleavage! Naka-paldang maiksi! Kitang-kita ang mapuputi at makinis nitong mga legs!

Kaya naman pala guston-gusto lagi ni Carl andito. Basta may problema o issue, dito sa floor na to unang tinatrabaho nitong kaibigan ko. Ngayon alam ko na heheh

“Ayy Carl!! Buti andito ka na! Wala pa nga eh! Paki-check mo nga ang PC ko please!” ang may
pagka-sweet na sabi nito sa buddy ko.

“Ah… Ah… eh… Akong bahala Miss Francine… Ahehe…hehehehe” ang nangangamot pa sa
ulong si CArl.

Parang nakikita ko tuloy ang sarili ko noong nasa college palang ako.

“Kasi… ambagal e… tsaka minsan ayaw gumana nang mouse ko… paki-check mo nga CArl” ang
boses na malamyos.

“Naku… Leave it to me Miss Francine! ” si Carl na nagba-blush na. SAbay yuko at
titingnan ata ang PC ni Francine sa ilalim ng station nito.

“AH… Carl… ako na kaya…” ang prisinta ko. Kasi parang nahihirapan nang yumuko si Carl sa
ilalim. Medyo malaki kasi ang tiyan nang buddy kong ito.

“Ay… No… gusto ko si Carl ang nagkakalikot nang Computer ko… di ba Carl?” ang
mapanuksong ngiti nito.

Halos maglaway kaming dalawa ni Carl eh. Ang mga labing iyon na kay Pula ni Francine grabe. At ang mapungay na mga mata! PArang kay sarap! Mmmm!

“YeYES Miss Francine! Ako nang bahala dito Tol!” Kaya kahit kandahirap ay mabilis yumuko
itong si Buddy Carl ko sa ilalim nang cubicle ni Francine.

“O-Ok Tol” ang sagot ko nalang.

Umupo nalang muna ako duon sa may bakanteng station na walang tao. Pinanuod ko nalang habang tinitingnan ni Carl ang likod ng PC ni Francine.

Umupo naman ang Hot na babaing ito pabalik sa upuan nya…

“Nakita mo ba Carl…” sabay cross nang mga kay puting legs nito. Hita palang! ulam na!

Kitang-kita ko pa nang mapatingin si Carl sa bandang may hita ni Francine sa harap nya ngayon. Halos mapauntog tuloy itong kaibigan ko sa kahoy na lamesa ng babaeng ito.

“Eh…ehh…o…Oo… Miss Francine! Ako nang bahala…” ang sagot ni Carl.

Napapalunok pa itong habang nakatitig sa legs ni Francine…

PArang loko naman ang babae… iniba uli nang cross ang mapuputing legs habang nakatingin
si Carl…

“E hindi pa yata eh…mmmm” sabi nito kay Carl sa may pagka-bedroom voice…

TOG!

Duon na napauntog si Carl sa Lamesa sa ilalim nang station ni Francine.

“Ah! AH Ok na Miss FRancine! Me…me…me Mejo maluwag lang yung turnilyo nang sa likod…
e yung pagkaka-saksak maluwag…” ang nangangatal na boses ni Carl.

“Ahh… Kaya naman pala ano CArl… Ahihi” ang kagat pa nito sa labi ni Francine.

Nanlalambot pa ata ang tuhod nang tumayo si Carl mula sa ilalim ng lamesa nang Hot na Customer Service Representative na to.

“I-che-check ko nalang… yung-yu…yung Computer mo Miss Francine….” si Carl.

“Ok Carl! Bait mo talaga! Kaya ikaw ang peborit ko eh!… Umm!” ang kurot ni Francine sa
kaliwang braso ng kaibigan ko.

Natatawa talaga ako sa itsura nang kaibigan ko nang nagblush na naman ito na parang nahihiya kay Francine…

At dahil dun, talagang kinalikot nang husto… Este chineck pala nang husto ng buddy kong si Carl ang PC ni Francine.

“Ahmm kase medyo puno na yung files… tsaka i-uninstall ko na rin yung ibang application…
Miss Francine sa sunod… ganito gagawin mo… Iru-run mo to… tapos…” Ang sunod- sunod na
payo at turo ni Carl sa Mala-Sexy Star na babaing ito.

Tango naman ng tango si Francine sa mga tinuturo ni Carl. Minamasahe-masahe pa minsan nito ang binatang chubby. Nakaka-inggit din at ang hot Tingnan talaga ang babaeng to… Naka-tuwad pa ng kaunti. Lalong kumurba ang seksing puwitan. Tumaas nang kaunti ang suot na paldang hapit.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
————————————————————-

Thank you CArl ha! Bait-bait mo talaga!!” ang may pagka-talanding pasasalamat ng Seksi at
maputing Costumer Service Rep sa kaibigan ko.

“Ah naku, walang anuman yun Francine… pag ano tawagan mo lang ako… ay este… file ka
lang ng case… pupuntahan ko kaagad” ang pakamot-kamot pa uli ni Carl sa may likod ng ulo
nya.

Kumaway pa sa amin ang seksing dalaga nang paalis na kami ni Carl.

“Uy! E yun type mo no?” Tanong ko sa kanya.

“Ahmm… kasi… unti… kakahiya tol e…” ang mahiyaing sagot ng kaibigan ko sakin.

Naawa naman ako sa buddy kong to… mukhang wala pa talagang karanasan sa babae. Sa isip ko hayaan mo tol, tutulungan kita! Dumaan kasi ako sa ganyan, kaya alam ko kung paano ang hirap!

Naglalakad kami ng tumawag kay Carl ang…

“Hello Sir? O-opo Sir! Sige po!! Ngayon din sir!” ang mga sagot ni Carl sa kausap sa celfone
nito.

Sa tono palang ni Carl alam ko na kung sino yun kausap nya. Siguradong si Sir Vincent yun! Ang Supervisor namin.

Nang ibaba na nya ang tawag.

“Punta daw tayo sa taas” si CArl.

“Ha bakit daw? ” tanong ko naman.

“E kelangan daw tayo nang bagong Manager Tol… ” tuloy nya.

“Ah Ok… Oh tara na! Nang makapag-lunch na tayo…” dagdag ko.

“Ah Oo nga! Gutom na nga rin ako eh!” si Carl.

At nagmamadali kaming umakyat sa 5th Floor kung saan anduon ang Manager… Di ko lang sure kung Operations Manager ba to o General manager… basta alam ko ito ang namamahala sa lahat ng departments.

Pagdating namin ni Carl sa may harap nang pinto nang pinaka-Boss. Nag-ayos pa ito kunti nang buhok. Tiningnan-tingnan ang suot-suot na polo.

“”Tol… A-Ayos na ba itong suot ko?” tanong ni Carl sa akin. Nagulat naman ako.

“Ha? Oo ayos naman… bakit?” tanong ko.
Ang iniisip ko ay mahigpit siguro itong Manager naming lalaki.

“Oh pindutin mo na tol…” turo ni Carl sa parang doorbell.

“Ikaw na…” sabi ko.

“Inde ikaw na…” si Carl.

“E bakit… ” sabi ko naman.

“Eh… nahihiya ako tol… bago daw yung manager natin na yan eh” si Carl na halatang parang namumula o nahihiya na hindi malaman.

NAawa talaga ako sa Kaibigan kung ito… Napaka-mahiyain! Sobrang tahimik lalo na sa mga
babae… E teka bakit ba sya mahihiya e lalaki naman itong…

“Sige na nga… ” at yun nga pinindot ko na ang doorbell.

“Come in…” ang boses naman na galing sa loob. Boses babae ah…

“Ha-Hi… Sir…Ay Ma-mamam… Mam pala… Ano pong…” bati ni Carl pagpasok nya nang pinto.
Papunas-punas pa nang panyo sa mukha nya.

Te-teka- kala ko lalaki… Sumunod na ako kay Carl papasok…

May isang babaeng kayseksi ang nakatalikod ang dahan-dahang humarap… Parang sa mga palabas sa TV… Slow motion ang pagharap nya Ampfs! May unting liwanag pa mula sa likod… Nanlaki ang mga mata ko… Nang ang isa sa mga napaka-gandang mukha at seksing katawan na nasilayan ko…

Si Ate Sofia!!!

Itutuloy..

10 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *