Perfect Kong Girlfriend Part 15

Sabay kaming walang pasok ni Ned. Tulad nang napagkasunduan. Nag-aantay na ako sa sinabi sakin ni Ned sunduin nya ako.

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa porma ko ngayon. Ang ayos ko parang yung kagaya nang suot ni Eddie Murphy sa Nutty Proffesor eh! Pero hindi ko sila pinapansin! Sanay na rin naman ako na pinagtitinginan nang mga tao sa katabaan ko eh!

Nang…

EH!!EEEEHHKKK!!! Ang biglang pag-preno sagitsit nang isang magarang sasakyang mukhang latest model sa harapan ko!!

Halos atakihin yata ako sa puso sa Gulat, Tang-PUTA!! May unting usok pa akong nakita mula sa pagsagitsit nang gulong.

Mukhang mamahalin ang sasakyan!! Hindi ko talaga akalaing ang lalabas e si Ned! Galing sa passenger seat.

“Tol!! Kanina ka pa diyan? Sorry ha!” hingi nya paumanhin.

“Hinde-hinde tol Sakto lang!” sagot ko naman agad.

DAG!! Ang tunog nang pagsara nang pinto, Mula sa drivers side! Naglalakad papunta sa akin ang isa sa mga pinaka-magagandang babaeng nakita ko!! Tumabi ito sa kaibigan kong si Ned.

Halos napanganga ata ako! Hindi ko na maisara ang bibig ko.

“Misis ko nga pala Tol… Si Jess! Beb si Carl… Besfren ko sa Ofis!” pagpapakilala ni Ned sa
napaka-gandang babaeng ito! Isang Diyosa!

Nang magkatabi na ang mag-asawa. Matangkad lang nang kaunti si Tol NEd sa asawa nya. Kapansin-pansin rin ang terno nilang suot na puting T-shirt at black shorts.

May Design pa sa harap na mga bear na cute! Eto siguro yung tinatawag nilang couple shirt?

Pero Isa lang masasabi ko, bagay na bagay silang dalawa! The Perfect couple!

“Hi Carl!! I’ve heard a lot about you! Ready to Train huh!?” ang sweet na ngiti nito sakin!

“Ye-Yess! Yess Mam!” narinig ko nalang na sagot ko.

“Hihi!! No need to call me ma’m! Jus Call me Jess ok!” smile uli nito.

“Ok Mam!” pa rin ako.

“Hihi! Come! Let’s Go!!”

“Sakay na tol!”

Aya nang mag-asawa sakin. Sa likod ako sumakay. Pagsara nang mga pinto.

“Tol! Hawak ka maigi…” sabi sakin ni Ned. Nakangiti pa.

EEEEEEKKKKK!!! VOOOMMMM!!! Ang magkasabay na tunog nang pinasibad na mabilis nang sasakyan at sagitisit nang gulong sa semento.

Talsik ang katabaan ko sa sandalan nang likurang upuan.

TANG PUTA!! Ang bilis nang takbo namin!! Lahat nang tricycle, jeep at mga kotseng madaanan namin pilit ino-overtake-an nang asawa ni Ned!!

Ano ba naman to!! Parang kaming nasa Jet na bumulusok pababa!!

Napa-kapit nalang ako sa kung saan pwede may makapitan!! WEEENNNGGGG!! WEEENGGGHHH!! Feeling ko nasa Racing Kamie!! Makapagil-hininga!!

Saglit lang… Andito na ata kami. Hingal-hingal ako sa kaba. Ang puso ko wala pa ring tigil sa pagtibok.

“Here we are! Are you Ok Carl?” ngiti sakin ni Jess asawa ni Ned.

“Yes! Yes! ” pagsisinungaling ko nalang.

“Good! Hihi! Let’s Go!!”

“Tara na tol! HEhehe” si NEd naman.

Nanginginig pa ata ang katawan ko habang bumababa. Inalalayan ako ni NEd paglabas ko nang pinto ng kotse.

“Pasensya na tol ha… Ako rin nung una ganyan… NAsanay na lang ako” sabi sakin nang
kaibigan ko.

“O-Ok lang… ok lang!” naisagot ko naman.

Nauuna na nga pumasok ang misis ni Tol Ned. Nasa likuran lang kami, sunod-sunod. Iniiwasan kong tingnan ang seksing likuran ni

“Handa ka na ba tol?” sabi ni Ned.

“Ahh…ahhh” ang naiutal ko. NGayon lang ako papasok sa ganito! Parang yung kasabikan ko
kanina napalitan nang kaba!

“Hehehe… Ganun talaga sa una tol! Pero sinisigurado ko sayo matutuwa ka!”

Pagbukas nga nya nang pinto…

WAAH!! GULP! AHH! Lhangit ba to o Gym?

Karamihan nang mga nasa loob… Babae! Babae… at puro babae!! At hindi lang mga babae… KAramihan magaganda, Hot seksi at may mga itsura!!

Mangilan-ngilan lang ang lalaki.

NApa-GULP uli ako!

Pero isa lang napansin ko… Tiningnan ko ang sarili. Tiningnan ko uli ang mga nag-gigym. Tapos ang katawan ko uli… Napakanta ako nang Alin-Alin-Alin ang naiba!

At Ako lang ang naiiba!! Ako lang ata ang Mataba!! TANG-PUTA!

Uwi nalang ako!!

“Uy Tol! Teka! Saan ka pupunta?” pigil sakin ni Ned.

Kahit si Tol Ned… Hindi masasabing bato-bato ang katawan nya… Walang siyang matigas na pandesal ika nga…

Pero may mga linya! PArang isang fighter sa Mixed Martial Arts! Sakto lang! Lalo pang ok tingnan sa suot-suot na T-shirts at shorts na pang-fighting! Asteeg!
Di ko lubos maisip na dating patpatin ang kaibigan kong to!

“Eey… Nakakahiya tol… ” Sabi ko.

“Ano ka ba… TAra…” hila nya sa kamay ko.

Wala na akong naggawa kung hindi sumunod. Habang naglalakad kami ni Ned. Sa may bandang unahan may kausap-kausap na si Jess na babae. Malayo palang kitang-kita na ang kagandahan nang babaeng yun!

“Here is my Friend… Carl! Carl Meet Trainer Diane!!” ang pagpapakilala ni Jess sakin sa mala-
Brazilian beauty na to! Malaman-laman ko, eto pala ang TRainer sa malaki-laki na ring Gym na
to.

“Ha…Ha-Hi” Ang mahinang sagot ko.

“Whadyou think…” si JEss.

Tiningnan ako mula ulo hanggan paa ni TRainer Diane. Lalo na ang sa bandang tiyan ko. Bigla akong naconcsious!! Parang gusto ko tuloy takpan.

“Hmmm… He’ll need a lot work… But… We’ll Fix you!” ang sagot nakangiti na nang Hot na
Brazilian nga na Trainer na to!

“Baby!! I’ll go ahead and get hot ok!” ang sabi ni Jess kay Ned. Sabay Kiss sa labi nito.

Nakaka-inggit naman… Mejo matagal din silang nag-kiss sa harapan ko. Parang napapa-nguya ako na napapalunok sa nakita ko. Grabe talaga parang hinalikan nang isang Anghel si Tol NEd ko!

“Ok Beb!” si Ned na biglang lalong insipirado na!

“Bye Carl!” paalam ni Jess sa sakin.

Napakaway ako na namumula ang mukha!

“Baby! Take care of Carl ok!”

“Ok Beb” si Tol Ned.

“Sa-saan sya pupunta Tol…” tanong ko.

“Ahhh… Sa advance tol…”

“Ahhhh…” Si ako.

“Ikaw sa beginners…” ngisi ni Ned.

“Ahhhh…” ko na naman.

NAglakad kami papunta sa isang sulok… nakita ko uli si Trainer Dina. May kasama na sya ngayon. Isang dalaga…

“By the Way CArl… I would like you to meet you’re personal trainer for today… Khim…”

Petite at Ancute!!! Nagkandabuhol na naman ang dila ko sa hiya!

“Hi Kuya!” Ang bati nyang kay-tamis ng ngiti!!

“Ok… So enjoy getting fit Carl…” Ang pagpaalam pa ni heavenly brazilian beauty na si Trainer
Dina.

“Kuya!!”

Haay! Ang ganda talaga ni Trainer Dina.

“KUYA!!”

“Ha-ha!? A-Ano yun?” Tinatawag na pala ako ni Khim. Nakatingin pa ako sa seksing likuran ni
Miss Dina. Namula tuloy ang mukha ko sa hiya.

“Ok I’m gonna show what we need to do”

“O-Ok…”

Nagwarm up kami… Tapos-tapos WOW!! Pinakita sakin ni Khim ang tamang pagpush ups… Hindie ako nakatingin sa kung paano sya magpush-ups! Nakatingin ako sa hapit na hapit nyang shorts sa kanyarang seksing puwitan. Halos duguin ang ilong ko eh!

“Kuya!! Huy!” Tawag nya uli sakin.

“Ah-O-OO! OO!” Nakatayo na pala sya.

“Ok… Will do it slowly the First time… 5 Push ups!” Sabi sakin ni cutie Khim.

“Lima lang? Ok” Tanong ko pa.

“YES! 5 muna Kuya! Tapos from there… parami ng parami tayo”

Pumuwesto ako ng Push-up position. Eto lang pala eh! TANG-PUTA!! Naka-dalawa palang ako Hirap na hirap na ako ah!! Yung pangatlo halos hindi ko na maitaas!!

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *