Perfect Kong Girlfriend Part 8

Tapos tiningnan ko ang bago naming bahay. Isang Single-detached na dalawang palapag. Di gaano kalakihan, kumbaga sakto lang. Ang ganda! May sariling bahay! Sabi ko sa sarili ko, unti-unti ko to babayaran sa mga magulang ni Jess! Sa garahe ang napakaganda at napakagara ding kotse ni Jess.

Isang inat pa at… magluluto pa nga pala ako almusal. Papasok na sana ako nang may makita akong nagjo-jogging.

Isang seksi at magandang babae na naka-leggings at jogging outfit. Tisayin… mukhang fit ang katawan. Kumaway at nakangiti. Ako ba kinakawayan nito? Tanong ko sa isip ko.

“Hi!” nakangiting bati nya sakin. Oo ako nga, ganda ng smile.

“Hi po!” Nginitian ko at Bati nang sigurado na akong, ako nga ang binabati nya. Hi po?!! Anong klaseng sagot yun.

Tapos nag-babye kaway naman sya, habang patuloy na nagja-jogging. Kinawayan ko nalang din sya na nakangiti. Di ko pa sinasadyang mapatingin sa seksing likuran ng babae… Sabay pikit agad.

Pasok na nga ako… Kung anu-ano pa maiisip ko nito.

Nang papasok na ako… meron naman isang babae uli… may dala-dalang cute na maliit na aso ang naglalakad. Isang Pinay naman na matangkad… hot at seksi. Tinitingnan ko yung aso, mukhang mamahalin… nang…

“Hi neighbor…” bati kaagad nang babae nang makitang pinapanuod ko sila nang aso nya.

“Ha…Hi!” sagot bati ko.

NAgulat ako nang papalapit-papunta sya samin.

“Kayo pala yung bagong lipat rito… Nice to meet you! I’m Lhea.”

“Hi! Ned po” sagot ko naman.

Ini-abot nya ang kamay nya, kaya kinamayan ko na rin sya. Lambot nang kamay.

“And this naughty dog’s name is Sechna” turo nya sa aso nya na behave at nakaupo.

“Aahhh…Sheshna…” di pa rin binibitawan ni Lhea ang kamay ko.

“I live over there… ” tuloy nya.

Binitawan lang ang kamay ko nang ituro ang bahay nya. Halos hawig lang din ng bahay namin ni Jess. Isang bahay lang ata ang pagitan mula samin.

“If you ever need anything… you know…” naka-smile pa rin ang magandang mukha.

“Ok po… sige… miss…Lhea… Opo”, sagot ko… Teka Bakit nga ba ako nangung-opo.

“I’m a good neighbor…” kaway-kaway pa rin ito at ganda ng smile habang papalayo. Di ko
napigilang mapatingin sa seksi nyang fit na pang-jogging… Ulk… Lunok!

Makapasok na nga… Mababaet naman pala ng mga ka-subdivision namin dito. Bago pa ako pumasok, may isa pang mag-partner naman ang dumaan. Parang mag-asawa siguro to. Kapwa-gwapo at Maganda. Mga naka-ngiti rin silang dalawa sakin habang papa-daan. Nginitian ko na rin silang dalawa, baka sabihin naman suplado ako.

Nagmamadali na akong pumasok at kelangan na mag-prepare nang almusal. Pag-pasok ko direcho kaagad ako sa Ref. Tingin-tingin ako sa loob. Hanap ako… ano ba… Itlog-itlog… Hotdog… Tapos… gusto ko sinangag… Wala kaming tirang bahaw kagabi. Magsa-saeng nalang ako.

“Huhummm…. Goodmorning Neddie Honey!!” narinig ko.

Si Jess!! NAsa may paanan na sya ng hagdanan namin. Kumot lang ang nakatapis sa seksi nyang katawan. Kahit magulo pa ang buhok ng kaunti… Ang ganda-ganda talaga ng misis ko!

“I told you to wake me up… I want to make breakfast for you…” habang pupungas-pungas.

“Ako na Beb… sige na bihis ka na…” sabi ko naman.

“No! I said I’ll do it ok… Wait for me…” sabay mabilis na umakyat si Jess pa 2nd floor.

Ginawa ko nag-saing nalang ako, pag may naisipan pa naman tong si Jess. SArado na ang isip. Ang gustong gawin gusto.

SAglit lang naman, nasa baba na agad si Bebe Jess ko. Basta puting sandong gusot lang at pambahay na maiksing shorts lang ang suot nya. Simple lang pero sobrang hot nyang tingnan duon sa suot nya. Isang kolehiyala at 18 years old ko palang na misis.

“What do you want me to make lutow?” tanong nya sakin.

Simple lang naman ang gusto ko. Yung nailabas ko na galing sa Ref.

“Pritong Hotdog at itlog lang beb” sabi ko kay Jess.

“Ok… got it honey! Now go sit there on the sofa and go play PS4 or watch or somethin”
malambing nyang sabi.

Wow! Bait naman ng Misis ko. Pinagsisilbihan ako. Ako naman si tuwa-tuwa, bukas ako ng TV naming pagkalaki-laki siguro mga 55 inch to… Yung sa bahay kasi namin sa Sala, maliit lang. Eto yung kay Beb Jess ko na sa loob ng kwarto nya nuon. Halos lahat ng ibang gamit nya, dinala na rin nya dito sa bahay namin. PAgbukas ko, nuod ako magandang pelikula sa cable.
Ilang minuto lang parang may usok-usok na sa loob ng bahay namin.

Hmmmm ano kaya yun. “Beb… Ok ka lang diyan? Tulungan kita?” tanong ko kay Jess.

“I’m Ok! I’m Awright! Just stay there honey baby” pasigaw sagot ni Beb.

Ah Ok. SAbi nya ok lang daw eh. Pero mejo nagdududa na ako ng unti. Nang maisipan kung parang umuusok pa rin ah. Pupuntahan ko na sana sya kusina…

“It’s Done!! Come Honey… Let’s eat!” tawag sa akin ni Bebe Jess ko.

Magkakatabi lang naman ang Sala, kainan at kitchen namin. Lakad lang unti, anjan na sa Dining table. Answeet pa ng mga ngiti ni Jess, inimuwestra pang umupo na ako. Cute-cute pa ni Jess sa suot nyang apron na may Cute na character design sa harapan.

Hmmm… bango nang amoy! Gutom na rin ako… Kaya sabik na akong umupo.

“Here…” kuha ni Jess sa plato ko at nilagyan ng bagong saing na kanin

PAglapag nya ng plato sa may harapan ko, . May naka-handa na rin isang tasang kape! Wow! Swerte ko talaga sa misis ko! Napakaganda na… inaalagan pa ako!

Sunod na hinanap ko naman yung ulam. Ano tong mejo kulay mejo mangitim-ngitim na ito… eto ba yung hotdog? Tapos hmmm… eto… Ano to? Eto ba yung scrambled egg? Bakit parang tustado at hiwa-hiwalay…

Maya-maya umupo na rin si Jess sa upuang katabi ko lang din… isinampay lang pala nya yung favorite na apron nya.

“Why? Whats the matter? You dont like it?” tanong nya sa kin.

“Ha?! Hindi ah… Gusto ko Beb!! HEhehe” sabay mabilis kong tinulpok yung mejo may ka-itimang hotdog at kuha ng durog-durog na pritong itlog.

PAg-upo ni Jess… una kong tinikman yung hotdog. Hmm malutong yun balat, pero lasang hotdog pa naman. Ok na rin! Hehehe

“Here let me put you some Rice… ” kinuha ni Jess yung plato ko at nilagyan ng bagong saing na kanin.

Ilang linggo na rin kami kasal… pero gustong-gusto ni Jess yung pinapauna muna ako kumain ng unti.
Gustong-gusto nyang panuoring nahihirapan ako, este kumakain ako.

Kuha ako unting itlog tapos sinama ko sa kanin… sabay Subo. Hmm…mmmm… mejo pinaghalong maalat at may kakaibang lasa…

“Hihi You like it baby?” naka-ngiti pang tanong ni Jess.

“Hmm Sarap!!” pinakita ko pa kay Beb Jess ko ang pamatay na ngiti at habang nguya-nguya.

“You want more?” tanong nya.

“Hinde… ok… na to…” ang sabi ko sana pero bago matapos ang sasabihin ko, nilagyan na uli
ako ni Beb nang scrambled eggs.

“Later this evening… I’m planning to cook you’re favorite… Monnggowww!” ang excited pa
na announce ni Jess.

“Ang baet naman talaga ng misis ko!” puri ko sa kanya.

“Of course!! So Don’t you ever go talk to any girls at work ok?…” naka-ngiti pero may ibig
sabihin ang ekspresiyon ni Jess.

“Hehehe… syempre naman beb ko…” sagot ko agad, nanginginig pa.

“Cause… If I ever find out you’re flirtin with other girls…” patuloy ni Jess… kinikilabutan na
tuloy ko.

“Of course… hindi Beb… Ikaw lang kaya ang LOVE ko!! hehehe” sabi ko sa misis kong selosa.

“OH… Youre so Sweet!! I Love You Baby Neddie!!” sabay lapit sya at halik sa akin sa may gilid
ng labi ko.

Mmmm sarap!! Yun naman ang reward ko palagi!! Ang mga sweet na halik ng magandang misis ko. Bakit pa ko titingin at maghahanap ng Iba.

“Ok… eat more… I dont want you to get weak at Work ok…” ang mga paalala nya.

Pinag-lalagyan pa ako ng kanin, extra-tustadong hotdog at kakaibang scrambled egg ng asawa ko!

“Syempre naman beb!! Ehehe… hehe” puno na naman ang plato ko. Kelangan ubusin ko to
lahat. Kung hindi siguradong magtatampo na naman si Jess.

Eto na!! Feeling ko parang sasabak lagi ako sa Gyera pag-kakain na kami ng luto ng Bebe Jess ko!! Hehehe!!

Subo… subo… suboo… Nguya… Mmmmmm Masarap na rin pala pag nasasanay na paunti-unti ang panlasa eh…

Galing talaga ng misis ko! Ubod na nang ganda… maalalahanin pa!!

Itutuloy…

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *