Pinay Friends Sex with Benefits Part 2

Tumahimik saglit at nagyaya siya kung pwede daw samahan ko siya kumain. sa isang kilalang restaurant kami pumunta nagiging sunod sunuran ako sa kanya. Nakarating kami sa kakainan namin, Habang nasa loob na kame, pinpisilisil ko ang kamay ko mismo dahil pinagpapawisan ito dahil nahihiya ako sa kanya at iyon din ang first time na makapasok ako ng sa kilalang restaurant. Nagbigay ng bookmenu ang waiter at dalawa kinuha niya at binigay sa akin ang isa. Sabi niya “mag order kana pre kung ano gusto mo”, ako naman nag iisip parin, baka kasi magbayad din ako gawa ng ang mamahal ng presyo ang nakita ko sa menu, nagaalangan ako di ako makapili, sabi niya “o sige pre pareho nalang tayo ng order ah wag ka mag aala ako bahala”, sabi ko naman “sige pre”. Tahimik ulet at sa loob loob ko ang guwapo niya pero baka bakla siya kaya niya ako niyaya at sumama naman ako. At sabi ko, “pre nakakahiya sa iyo, bakit niyaya mo ako at binigay mo pa ang PSP mo hindi naman tayo magkakilala”, sabi niya sa akin “matagal na kaya kita nakikita sa loob ng 7-11”, sabi ko “ganun ba?, so pano kako, bakit nga niyaya mo ako?”, Sabi niya “wala lang pre gusto ko lang may kausap at kaibigan na matino”.. sabi ko naman “wag ka maoofend pre ah, gay kba?”, Medyo malakas ang boses niya sa sagot niya sa akin na “hindi ah!”” Alam ko ganun talaga iisipin mo sa akin pero nagkakamali ka pre.” Napabuntong hininga ako at tumawa siya. “Ako bahala sau pre”.

ayon kumain na kame after ma serve ng waiter ang inorder niya. Habang kumakain kame nag kwento siya na yong 7-11 na pinangalingan namen ay pranchised pala nila iyon atsa kanila yon, sabi ko bakit nag bayad siya ng magazine, sabi niya syempre dahil hindi naman pwede dampot nalang siya ng magustuhan niya, may inventory daw ang mga items at lahat daw na lalabas sa store kelangan recorded at bayad sa counter. Naalala ko tuloy na kaya pala nag babow sa kanya ang cashier ng 7-11 habang nagbabayad siya. At pati ang guard kinakausap siya. Sabi ko “nakita tau ng guard kanina ng isinakay mo ako sa Car”, sabi niya “ah si Kuya Tikboy? Wala un tsaka walang alam un!”, Tumawa nalang ako, at sabi niya “ako pala si Mark “ (d tunay na pangalan) sabi ko naman ako si Alex” (tunay na pangalan). Tumawa siya sabi niya kailangan pala kumain muna tau bago tayo makapagpakilala sa isat isa. tumawa naman ako. Sa panahong iyon hindi na ako nagduda kung gay siya at kahit ako wala ako pakiramdam sa sarili na magkakagusto ako sa isang Guy din. hindi talaga ako gay kahit pa sabihin na wala ko GF nung time na un, wala talaga ako feeling sa guy. Madami kame na pag usapan para makilala isat isa hangang sa sumakay na ulet kami sa car niya at inihatid na nga niya ako sa tapat lang ng bahay naming at wala din ang mom ko ng time na iyon. Kinuha niya number ko at kinukuha ko naman sana number niya sabi niya I-miscall niya ako para makuha ko number niya, nagpasalamat ako sa panlilibre at pag hatid niya. ganun lang natapos ang araw na iyon. Natuwa naman ako at nag iisip na masarap mag karoon ng ganung kaibigan. Mahirap lang kasi kame tama lang na abroad ang ate ko at natutulungan kaming pamilya..

Sumunod na araw galing ulet ako sa OJT ko. At doon ako bumaba sa tapat ng 7-11, hindi na ako pumasok pero tinitignan ko sa salamin kung nandon siya sa loob. Wala siya at tamang tama naman may padaang Jeep papunta sa amin at sumakay na ako. Pagbaba ko malapit sa amin, nakita ko bigla ang isang car na pamilyar sa akin, siya pala un nasa kabilang gilid ng kalsada. At nakita agad ako ng mom ko, sabi niya sa akin may naghahanap nga daw sa akin at itinuro niya si Mark, sigaw ko “o bakit nandiyan ka?”, sabi korin sa Mom ko, bakit di niya pinatuloy. pinatutuloy daw niya sa bahay pero ayaw daw at hindi narin niya pinilit. Tumawid na siya at lumapit sa amin at bumati sa Mom ko ng “magandang hapon po ulet” sumagot din ang Mama ko ng ganun sa kanya. Tumuloy kami sa loob kararating palang din daw niya at ganun din ang sabi ng Mom ko.. humingi din ng pasensiya ang mom ko sa kanya sabi pa ng Mom ko, “di na kita pinilit kasi nakakahiya ang loob ng bahay naming mukhang mayaman ka kasi”, sumagot naman ako “sabi ko “Mama mayaman talaga sila, sila may-ari ng 7-11 sa ********”. “At talaga? Pano kau nagkakilala” sagot ng Mom ko,at si mark na ang sumagot sa Mom ko, sabi niya, “regular customer na kasi namin si alex at lagi ko siya nakikita doon matagal na kami magkakilala” (Kahit di naman talaga) .

pero ngayon lang po ako pumunta dahil yayain ko sana siya paseo de sta rosa (Sta Rosa Laguna) may kukunin lang po kami doon”. ah, sabi ng mom ko, “ah o siya masasamahan mo ba siya alex?”, tatanggi sana ako kasi may gagawin pa ako para sa isang subject naming kinabukasan bago ako tumuloy sa OJT. Ngunit nahalata yata ni Mark at siya agad ang nag depensa sabi niya “ok lang naman po sa akin kung hindi pwede ngayon baka kasi may gagawin si alex” at sumagot ako at sabi ko, “oo nga mark pasensiya kana”, sabi niya “o sige hindi narin muna ako tutuloy ngayon next time nalang siguro”, nagtempla ng juice ang mom ko at binigay sa amin, medyo matagal ang titig ni mark sa juice na iniaabot ng mom ko bago niya kinuha ehto at sabi niya “nag abala pa kau”, pero ininom niya agad at nag paalam din agad na hindi siya magtatagal. At umalis na nga siya, sabi ng mom ko “mabaet naman pala”. sabi ng mom ko “pano mo nagging kaibigan un ang gwapo niya?” at “Ui baka bading ka ah kasi ang tito mo bading baka nagmana ka doon.” Napasagot ako ng pangkariniwan na parang napamura sa nanay ko at sabi ko, “putsa naman sa lahat ng pagmamanahan ko un pa”. “bakit mama bading ba ako sa tingin mo?” Sabi ng mom ko, “maraming magaling magtago”. Sabi ko “mamatay na ang bading”. “Hindi ako ganun!” “Bibigyan ko kau ng tatlong manugang”. sabi ng mom ko, “eh GF nga wala kaparin hangang ngayon”, sabi ko “iyon pala gusto niyo bukas din meron na agad ako”.

Tumawa ang Mom ko at sabi niya “joke ui ui! Asikasuhin mo muna pagaaral mo tignan mo ate mo maayos ang trabaho. Saka na ang pagggf na iyan.” (ganun kasi kami magbiruan ng Mom ko), Sabi ko naman “eh kasi kau eh pinagduduhan niyo ako”, sabi ko sa kanya, “bakit kay mark di kayo nagduda eh inihatid pa ako at nilendre kumain?”, sabi naman ng mom ko, “ah eh di siya ang bading?” nililigawan kaba?” sumagot ako, “hindi rin siguro Mama, marami siyang chicks. (Kahit di ko pa naman alam).

“Sabagay mukhang di naman nga talaga sabi ng mom ko”. Habang patulog ng ako ng gabi sa araw na iyon naalala ko na parang malungkot si mark habang papaalis sa bahay namin, naalala ko ang ibinigay niya PSP na itinago ko lang at di ko pa ipinapakita sa mom ko. iniisip ko, di ko siya napag bigyan parang may halong guilty ako, tinext ko siya at nag sorry ako sabi sabi niya “walang problem un”. Tnxt ko siya kung bakit alam niya oras ng dating ko sa bahay namin, sabi niya alam niya kung wat time ako bumababa sa 7-11 at ibinase lang niya ung biyahe mula 7-11 papunta sa amin wala pang 30 min kaya ayon sakto siya sa oras. Nag uusap kami sa txt gang sa makatulog na ako. Di ko namalayan ang iba niyang txt sa akin. Mga casual lang naman ang pinaguusapan namin at nabasa ko na ang iba nito umaga na pagkagising ko, ng araw na iyon iba ang pakiramdam ko, proud sa sarili na may kaibigan akong mayaman maitsura tulad ko, mabait at parang gusto ko na siya Makita.

Pagkagaling ko ng school deretso na ulet ako sa OJT at pag uwi ko, as usual 7-11 ulet baba ko doon ang babaan ng shuttle eh. Sumilip ulet ako sa loob, wala siya hindi naman talaga kasi siya lagi nandoon.. nalaman ko nalang nung bandang huli ng siya pala minsan ang nagccheck ng kanilang recorded video from cctv cam. Kaya lagi niya ako nakikita halos araw araw din kasi ako nadaan sa 7-11 para mag palamig lang minsan at bumili ng drinks. Sumakay na ulet ako ng jeep pauwi sa amin at di pa nakakalayo sa 7-11 may pumipito sa tabi ng jeep, isang car si mark pala, nakita ko siya at nakita niya pala ako. Tumango siya at niyaya nya ako na bumaba, pumara ako sa driver at inabot ko ang pamsahe ko. Tumabi si mark at ang jeep na sinasakyan ko at sumakay ako sa Car niya.

Nung time na iyon niyaya nya ulet ako sa dati naming pinagkainan, sabi ko wag na nakakahiya na at isa pa naka uniform na ako noon ng pang employee ng pinag oOJTihan ko. Sabi niya “okay ganto nalang take out nalang tau”. Pag dating namin doon bumaba na siya sabi niya “wag kana bumaba diyan ka nalang” tas binuksan niya ang car stereo. Maya maya bumalik siya at pumasok sa loob ng Car nag usap lang kame ulet at mayamaya bumalik na ulet siya sa loob ng restaurant at kinuha na ang order namin, gang sa umalis at makarating na ulet kami sa bahay nagulat ang mom ko, sabi, “o ano ngayon kayo puputa sa sta rosa?” Ako ang sumagot sa mom ko sabi ko “opo Ma, samahan ko muna si mark nakakahiya kasi ehto binilhan pa tau ng pagkain”, sabi ng mom ko, “ha?” Ui “hala sige baka maubos kayamanan mo diyan kay alex kakalibre”, sabi naman ni mark, “hindi naman po ngayon lang po ito.” “Sa susunod si alex na ang manlilibre sa akin” at sabi ko naman “sure”, sabi niya ulet, “tsaka di naman po kami mayaman”. nagulat ako ng biglang tinanong ng mom ko si mark kung may GF na, sabi ni Mark “nasa state po”, sabi ng mom ko, “isa lang GF mo?”, tumawa si Mark “dalawa po ung isa substitute lang”. sabi ng mom ko, haist! Wag mo tuturuan si alex mambabae ah, mga kabataan talaga oo”. “ yan si alex walang GF kasi gusto naming mapagtapos siya sa pag aaral at malapit na siya matapos pwede na siya mag GF pag kagraduate niya”, Sabay nagbiro si Mark sa Mom ko, “eh sino po ung kasama lagi ni alex sa 7-11,” bigla na naman naniwala ang mom, “ui alex! ako bay pinaglilihiman mo?”, sabay bawi si mark at sabi niya “joke lang po iyon tita”. “ay akala ko totoo na matutuwa sana ako”, sumagot ako “si mama talaga di ko maintindihan ayaw mo ako magka GF agad o gusto mo?” Sabi ng mom ko “pag ka graduate mo na nga”. “ang labo mo maa haha!! Tawanan kami. Ehto kakain na kami, sabi ng mom ko o sige “sasama na ako dito sa inyo ha?, dito na tau kumain sa sala”. Ang mom na ang nag ayos ng dala naming pagkain at kumain na kami, napapatingin ako kay mark at doon nagsimula na parang masayang masaya ako.

Di ko alam kasi, doon palang na yon ako nagkaron ng kaibigan talaga na makakasama kong kakain sa bahay namin. Masipag kasi ako sa pag aaral lalo na sa pagkilikot ng sirang tv cp at computer un ang hilig ko kaya barkada wala din talaga sa akin. Pagkatapos namin kumain niligpit na ng mom ko pinagkainan habang sinasabi niya “o anong oras kau aalis?” sabi ni Mark “hindi na po kami ppunta ng Sta Rosa nakuha ko na po kasi Kagabi” sabi ng mom ko, “ah ganun ba?” ako naman napanganga ako umaasa kasi ako ng kukunin palang namin, un pala tumuloy na siya ng gabing iyon, nadagdagan tuloy ang hiya ko kay Mark sabi ko “mark pasensiya na kasi napaka importante talaga sa school namin ung ginawa ko kagabi”, at sabi naman niya ok lang un, sabay sabi niya “asan nga pala ung PSP na binigay ko”, narinig ng Mom ko, napatingin ako sa mom ko habang sinasagot ko si mark at sabi ko “nasa cabinet ko nakatago lang di ko pa ginagamit”. “Pero gagamitin ko un syempre”. Kinuha ko nalang at inabot ko sa kanya, sabi niya “may buburahin lang kasi ako dito at un nga may ginawa siya at inabot niya ulet sa akin”. Ang mom ko naman wala lang tahimik siya. Nagtagal ng 3 oras sa amin si mark kwentuhan lang. naulet ng maraming beses ang mga ganung mga pgkakataon na pumupunta sa amin si mark minsan nauuna pa siya sa bahay sa oras ng pag uwi ko at nagging close naman pati si mama sa kanya. Naging matalik talaga kaming magkaibigan, pero habang tumatagal parang hindi na kontento ang araw ko pag hindi kami nagkita. Wala siyang ipinakitang motibo sa akin para pagduduhan ko ang pagkalalake niya bagkos ako na ang nagdududa sa sarili ko, iniisip ko na baka nga matulad ako sa tito ko.

Itutuloy..

Add a Comment

Your email address will not be published.