Tukso Kay Dan Part 1

Chapter 1

Taong 1992. Kanina pa nakaupo si Dan at naghihintay sa simula ng klase para sa unang subject. Unang araw niya sa ikatlong taon sa isang kilalang pamantasan sa Maynila kung saan siya ay nakapasa bilang scholar.

Habang binabasa ang librong hawak ay pasimple niyang iginala ang paningin. Halos lahat ng kaklase niya ay galing sa maykayang pamilya base na rin sa pananamit at pagkilos ng mga ito.

Hindi niya maiwasang ‘di makaramdam ng lungkot, sapagkat kailangan pa nyang mag-aral ng mabuti at magtrabaho sa gabi para lamang makatapos sa kolehiyo. Maaga siyang naulila sa mga magulang at wala siyang ibang katulong sa pagtataguyod ng pag-aaral kung hindi ang kanyang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at saka sumandal sa kanyang upuan.

Dalawang taon na siya sa kolehiyo, tatlong taon pa ang kanyang mahirap na bubunuin. Maraming laman ang kanyang isipan, ang kanyang mga plano sa buhay at mga pangarap na gustong abutin. Mga pangarap na ang pangunahing hakbang ay ang makatapos sa kolehiyo.

Halos puno na ang kanilang classroom ng dumating ang grupo nina Christine. Dumaan pa kasi sila sa cafeteria sa labas ng school at hindi na nila namalayan ang takbo ng oras. Napilitan silang umupo sa may bandang likuran at si Christine ang nag-iisang naiwang nakatayo.

“Wala na bang bakante? Saan ako ngayon mauupo?” ang inis na tanong ni Christine sa mga kaibigan.

“Sorry. All seats are taken. Doon ka na lang muna kaya maupo?” sabay turo ni Cherry sa may bakanteng silya na nasa may bandang gitna.

“Nakakainis naman.” ang nagdadabog na wika ng dalaga habang naglalakad patungo sa upuan.

“‘Wag ka ng mainis, maaga na lang tayong pumasok bukas para mauna tayo dito sa likuran.” ang habol ni Rose sa kanya.

Padabog pa rin s’yang naupo na naging dahilan para mapukaw ang pag-iisip ng katabing kaklase. Napalingon naman si Dan sa katabi, at kaagad s’yang nakaramdam ng paghanga sa dalaga. May magandang mukha kasi ito na kahit parang galit ang ekspresyon ay sadyang nakakahalina. Idagdag pa ang makurba at mahubog nitong katawan. Bahagya itong lumingon sa kanyang direksyon at nahuli siya nitong dito nakatingin. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata at mabilis na ibanaling ni Dan ang paningin sa papasok na guro. Hindi na niya napansin ang gumuhit na ngiti sa labi ng kaklase.

Kinuha ng kanilang proffesor ang kanilang mga class card at nagsimula na ang klase. Isa-isang tumayo at nagpakilala ang mga estudyante sa harapan.

“Miss Christine Dela Fuentes”, ang banggit ng kanilang proffesora at nagpunta sa harap ang kaklaseng kanina pa nagpapagulo sa isipan ni Dan. May ilang mga kalalakihan na kaagad na nagpakita ng paghanga at interes dito.

“May boyfriend ka na ba?” ang unang tanong ni Carlo.

“No, dati meron, now wala na, so Im willing to accept any possible new candidates” ganti naman ng dalaga.

“Pwede bang pumasyal sa bahay nyo?” turan naman ng katabi nito.

“Depende siguro kung papayag ako, if may go signal ko. Why not?” ang pabirong sagot ulit nito.

Habang nagsasalita ang dalaga ay isinusulat naman niya ang pangalan at ilang impormasyon tungkol dito sa huling booklet ng kanyang dalang kwadernong catlleya.

Pabalik na si Christine at saglit na tinapunan siya ng tingin bago ito tuluyang umupo. Hanggang sa natapos ang lahat ng kanilang mga subject ay ang kaklase pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Nakalabas na sina Christine sa classroom ng humabol sa kanila si Carlo. Nakipagkilala sa kanila ang preskong binata.

“Hi girls, I’m Carlo” na kay Christine nakatingin. Mababasa sa tingin nito ang paghanga at pagnanasa sa dalaga.

Ngumiti naman sila sa lalaki at isa-isang nagpakilala.

“Since ito ang unang araw na nagkakila-kilala tayo, my treat, tara sa canteen or sa cefeteria”.

Na-impress naman ang mga dalaga maliban sa dalawa, pero pinaunlakan na din nila.

*****

Mamaya pa ang shift niya pero nagpasya na s’yang pumasok ng maaga sa pinapasukang fast food chain. Isa siya sa masuwerteng nakapasa sa scholarship ng school pero sagot naman niya lahat ng mga other expenses.

“Pare, musta ang unang araw sa school?” bati ng kaibigang n’yang si Edwin. Ito ang una n’yang nakapalagayan ng loob sa Maynila. Inaanak ito ng kanyang tiyuhin sa probinsya at siya ding kumupkop at nagrekomenda sa kanya ngayon sa pinapasukan.

“Ok naman Pare, wala naman akong naging mga problema. Marami nga lang mga darating na gastusin kaya kailangang kumayod pa ng husto.”

“Kaya mo yan. Basta huwag ka munang manliligaw at baka maging dahilan pa iyon para hindi makatapos. Alam mo na, mahirap mag-aral ng may babaeng kasama. Bukod sa magastos ay aagaw pa sa mga importanteng oras mo.” ang nagbibirong pahayag ni Edwin.

“Alam ko naman ‘yan, naipangako ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makatapos. Kaya lang…” si Dan na pinigil ang sasabihin.

“Kaya lang ano? Kainis ka naman eh. Sabihin mo na kasi. Ibinitin mo po ako eh?”

“May naka crush-an kasi akong classmate sa room namin. Ewan ko ba, iba yung dating niya sa akin. Para bang siya yung babaeng gusto kong maging kasama sa buong buhay ko.” ang pabirong sabi Dan na nasa isip pa rin ang kaklaseng si Christine.

“Unang araw pa lang yan ah, mukhang sisipagin kang pumasok at di mag pa-late nan.” ganting biro ng kaibigan sa kanya.

“Ang gaan nga ng pakiramdam ko eh, para tuloy akong nagkaroon ng inspirasyon sa klase. Ang problema ko lang, ‘di ko alam kung pa’no ko siya liligawan. Hindi pa nga kami magkakilala ng personal eh.”

Napatingin sa kanya ang kaibigan, natigilan ito sa huling sinabi nya.

“Dan, ang akala ko ay wala pa sa isip mo ang mga bagay na tulad nan. Isipin mo na lang ang mga pangarap mo, at kung saan mo dapat mas ibaling ang iyong atensyon. At saka isa pa, karamihan sa mga kaklase mo ay galing sa maykayang pamilya. Malamang na magkalayo kayo sa antas ng…” hindi na tinapos ng kaibigan ang sasabihin.

“Alam mo na siguro yon Pare”, at marahan siyang tinapik nito sa balikat.

Hindi na lang nagsalita si Dan, para bang tumimo lahat sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Edwin.

“Di naman kita pinangungunahan Pare, paalala lang bilang kaibigan. Iyan kasi ang mga sinabi mo sa akin dati. Pero ikaw pa rin naman ang magpapasya para sa sarili mo.” nakangiting sabi nito nang mapansin ang pananahimik niya.

“Ok lang Pare. Para sa akin din naman yung mga sinabi mo eh. Salamat sa paalala, kaibigan talaga kita.” si Dan na ibinalik ang ngiti sa kabigan.

“Una na ako Dan, ako nang bahala sa pagkain mo mamaya. Bahala ka na muna jan.” paalam na ng kaibigan.

“Sige na, ingat na lang din sa daan.”

Wala na si Edwin at naiwan s’yang iniisip ang mga sinabi ni nito, alam n’yang tama ang kaibigan at nagdulot iyon ng bahagyang kirot sa kanyang dibdib.

*****

Bandang hapon na ng maghiwa-hiwalay sina Christine at ang mga kaibigan nito. Pero nanatili silang magkasama ni Carlo at ngayon ay nasa loob ng kotse ng binata. Medyo tinted ang mga salamin ng kotse kaya hindi masyadong aninag ang ngyayari sa loob, lalo na at padilim na din.

Kasalukyang magkalapat ang labi ng dalawa. Nakayapos ang kamay ni Christine sa likod ni Carlo at ganun din naman si Carlo sa kanya. Kanina pa nagpaparamdam sa kanya si Carlo, dahil sa may itsura naman ito at katulad din niyang mayaman ang pamumuhay ay naging madali ang ginagawa nila ngayon kahit hindi naman sila official na magka-relasyon. Tulad ng dati, laro lang kay Christine, since hindi na naman siya virgin.

“Ang sweet ng lips mo Tin”

“Well, your’s too” ang nakangiting ganti ng dalaga.

Muling naglapat ang kanilang mga labi at nagsimula ng maglakbay ang palad ni Carlo sa malusog na dibdib ng dalaga. Mahina naman itong sinaway ni Christine.

“Dyan lng sa ibabaw ng damit ko”.

Nagpatuloy sa banayad na pagpisil si Carlo habang naghahalikan sila, pero ng hindi nakatiis ay sinimulang alisin ang butones ng blouse ng dalaga.

“Please Tin, patingin lang ko” anas ni Carlo.

“Ok, three buttons lang ha, stop there kung hindi ay titigil na tayo” bigay sang-ayon ni Christine sa kaklase.

At muling naglapat ang kanilang mga labi. Pagkatapos makalas ang tatlong butones ng blouse ni Christine ay tumigil saglit si Carlo at buong pagnanasang pinagmasdan ang malulusog na punong dibdib ng dalaga.

“Wow Tin, ang lusog, pahawak naman?” ang nakangising pakiusap ni Carlo.

Saglit na nag-isip si Christine, nais niyang bitinin ang kaklase pero pagbibigyan niya ito, isang munting parting gift para kay Carlo.

“It’s getting late na Carlo, just give it a sweet kiss at uuwi na ako”

Nag-init naman ang pakiramdam ni Carlo dahil sa sinabi ng dalaga. Inilapit niya ang labi sa punong dibdib at sinimulang halikan yun at dilaan

“Ahh.. S-stop na Carlo…”

Ngunit sa halip na tumigil ay mapusok na inilabas ni Carlo ang isang buong dibdib ni Christine at sinimulang dilaan at supsupin ang nipple ng dalaga. Nag-init na din si Christine. Halos tatlong buwan na din ng huling may gumawa nito sa kanya, yung last boyfriend niya na taga kabilang school. Hinayaan niyang tuluyang mabasa ng laway ni Carlo ang kanyang nipple na naninigas na din.

“Carlo… Ohh.. T-tama na…” ang nasasarapang pakiusap ng dalaga.

Ngunit hindi pa din tumigil si Carlo, at nagsimula ng gumapang ang kamay niya papunta sa hita ng dalaga. At pagkatapos ay dahan-dahang pinagapang ang kamay papunta sa loob ng skirt ni Christine. Nang malapit na nitong maabot ang matinding pakay ay pinigilan na ito ng dalaga. Dito na itinigil ni Christine ang kanilang ginagawa. Mabilis niyang inilayo ang labi ni Carlo sa kanyang dibdib at itinago iyon sa paningin ng lalake. Inalis niya ang kamay ni Carlo mula sa loob ng kanyang palda at muling inayos ang sarili.

“Tin naman, wag mo naman ako ibitin please”.

“Sorry, but no, we barely know each other tapos gusto mo ganun agad, no” ang sagot niya sa binata na may kasamang mapanuksong ngiti.

“Tin, next time, let me touch it, ok? Hindi ako papayag na hindi” ang madiing pahayag ni Carlo. Sobrang nabitin ang kanyang pakiramdam.

“Pag-iisipan ko since it’s mine” ang nakatawang sagot ng dalaga sa binata. Natutuwa siya sa bawat ekpresyon ng mga lalaking binitin niya.

Nakadalawang boyfriend na siya ng hindi naman matagal, ibinigay niya ang kanyang virginity sa una na matanda sa kanya ng ilang taon, limang buwan ding naging sila at may mahigit ten times din silang nag sex, pagkatapos ay nakipag break na siya. Gusto lang niyang maranasan ang tinatawag na sex dahil na-curious ang dalaga. Ang pangalawa naman ay taga kabilang school, three months din silang nag date at four times lang na may nangyari sa kanila, then break na ulit.

Ngunit nasa lima na yata ang nakalaro lang niya tulad ng ginagawa niya kay Carlo. Kissing ang touching lang, no sex. Thrill lang habol niya, wala naman kasing special feeling kung hindi libog lang talaga.

“Hatid na kita Tin sa bahay nyo?”.

“Well, wala akong sundo ngayon, pero nope, mag taxi na lang ako, thanks for asking”.

Lumabas na si Christine sa kotse ni Carlo at naglakad na papunta sa gate ng school. Naiwan namang bitin si Carlo at hindi maalis ang pagkasuya.

“Shit, I’m almost there”.

*****

Lumipas ang mga araw at naging normal na ang lahat para kay Dan. Tinikis na lang nya ang sariling damdamin at dinaan na lang sa mga lihim na tingin ang espesyal na nadarama para kay Christine. Kung minsan ay isinusulat na lang niya sa kanyang cattleya ang mga saloobin na hindi nya masabi sa kaklase. Para bang sa cattleya niya lang pwedeng aminin ang nadarama para kay Christine.

Nang matapos na ang kanilang huling subject ay dagli na s’yang tumayo para lumabas ng silid. Saglit n’yang tiningnan muna ang kaklaseng si Christine na nag-aayos na rin ng mga gamit mula sa upuan nito sa may bandang likuran. Gusto sana nyang makipagkilala dito ng personal pero parang may pumipigil sa kanya. Nais na sana n’yang tawirin ang pader na nakapagitan sa kanila, pero sa tuwina’y bigo siya.

Nakakailang hakbang na siya palayo ng kanilang silid ng may tumawag sa kanya.

“Dan, saglit lang.” nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig.

“Nakalimutan mong kunin yung classcard mo kay Mam”, isa ito sa mga kaibigan ni Christine.

“Salamat…”, kinuha niya ang classcard sa kaklase. Nakatingin sya sa dito habang inaalala ang pangalan nito.

“Im Angela. Yan ha, ako pa ang unang nagsabi sayo. ‘Wag mo nang kakalimutan ang name ko ha.” at saka ito matamis na ngumiti sa kanya.

“Salamat Angela, nice meeting you” sabay lahad ng kanyang palad na pinaunlakan naman ng dalaga.

“Same here.”

“Angela, di ka ba sasama sa gimik ng barkada” iritado ang tinig na pinanggalingan ng boses, si Christine. Nagtama ang kanilang paningin at ewan kong imahinasyon nya lang na parang galit ito.

“Wait guys, anjan na ako. Dan, we’re going to unwind. Pero kung gusto mong sumama at ma-meet sila. You’re welcome to join us.” paanyaya ni Angela sa kanya.

“Gusto ko sana, pero may trabaho pa ako. Sa ibang araw na lang siguro” at saka marahang sumulyap kay Christine bago ibinaling ulit ang tingin kay Angela.

“I see, working student ka pala. Basta sa susunod ay sasama ka na ha.” ang malambing nitong sabi.

“Siguro… bahala na, mahirap mangako. Ingat na lang kayo and have fun. Inaantay ka na yata nila.” paalala nya sa kaharap.

“Ingat ka din. Bye.” at saka humakbang na ito palayo at sumabay na kina Christine.

Naiwan s’yang nakatingin lang sa paglayo ng mga kaklase, sa paglayo ni Christine.

Ipinangako nya sa sarili na sa pag-aaral lang ibabaling ang atensyon habang nasa kolehiyo. Ngayon ay pinagdududahan na nya kung matutupad ba niya ang pangakong iyon dahil kay Christine.

(Ipagpapatuloy…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *