Tukso kay Dan Part 15
Chapter 15
Papasok na si Alyssa sa kanilang bahay ay laman pa din ng kanyang isipan ang ngyari sa may abangan ng jeep. Alam niya sa sarili niyang nagkamali siya, dahil madali niyang hinusgahan ang sitwasyon na dapat ay inalam muna ang tunay na pangyayari. Bukas ang pinto ng kanilang tamang laki lang na bahay. Hindi naman sila mayaman talaga, nakakaangat lang kumpara sa iba. Sa likod ng kanilang bahay ay may dalawang kwarto silang pinauupahan. Mayroong pang isang tao at mayroon din namang pang dalawa o higit pa. Ito ang isa pinagkukunan nila ng kabuhayan bukod sa trabaho ng kanyang ama sa munisipyo. Pagbungad niya sa pinto ay nakita niyang nakaupo sa salas ang manliligaw niyang si Raymond. Tumayo ang binata at ngumiti sa kanya, magaan ang loob dito ng kanyang mga magulang dahil sa mabait ito at matagal na nilang kakilala ang pamilya ng binata.
“Kanina ka pa?” ang simpleng bati ni Alyssa sa binata.
“Ok lang, bukas naman ang TV kaya hindi ako na-bored maghintay.” ang sagot naman ni Raymond, hindi maitago ang saya ng makita si Alyssa.
“Naku Ate, kanina pa yan naghihintay sayo si Kuya Raymond. May kalahating oras na yata.” si Maricar, ang nakababatang kapatid ni Alyssa, kaklase at kaibigan ni Diane.
“Maricar ha.” si Raymond na akala mo ay nagagalit sa dalagita gayung nakangiti naman.
Natatawang lumabi lang ang dalagita at pumasok na sa kwarto nito.
“Manood ka muna Raymond, magpapalit lang ako.” ang paalam na ni Alyssa at ang dalaga naman ang nagtungo sa sarili nitong kwarto.
Nang nasa loob na ng kwarto ay humarap siya salamin habang naghuhubad ng damit. Alam niya sa sarili niyang maganda siya at may hubog din naman, hindi nakakahiyang itabi sa Miss Universe ng Pilipinas kung ganda at katawan lang din naman ang pagbabatayan. Dahil dito ay akyatin talaga siya ng ligaw, isa na nga si Raymond. Nag-aaral din si Raymond sa pamantasan, magkaiba nga lang ang kanilang kurso, nasa ikaapat na taon na ang binata samantalang siya naman ay nasa ikatlo. Marami na ding nagtangka na ligawan siya ngunit wala ni isa man ang tumagal dahil sa malamig na pakikitungo niya. Si Raymond lang ang matyaga dahil sa bukod na malapit lang bahay nito sa kanila ay gusto ito ng mga magulang niya.
Ayaw pa muna niyang magkanobyo, dahil ipinangako niya sa sarili na sa pag-aaral lamang ibabaling ang atensyon habang nasa pamantasan. Nang maisip ang pamantasan ay bumalik na naman sa kanyang isipan ang binatang lihim siyang tinulungan, ngunit sa halip na isang pasalamat dito ay isang malakas na sampal ang kanyang iginanti. Pilit niyang binalikan ang itsura ng binata. May tamang tindig ito at nahihiya man siyang aminin ay maamo ang mukha ng binata. Napailing na lamang siya, at umusal na sana ay hindi na muling magsanga ang landas nilang dalawa, upang hindi siya mapahiya.
Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kwarto, upang harapin ang manliligaw na kanina pa naghihintay sa kanya.
Nang lumabas ng kwarto ang dalaga ay umipod si Raymond sa sofa upang dun umupo si Alyssa. Ngunit lumampas ang dalaga at naupo sa harap niya na labis namang ikina-dismaya ng binata.
Napabuntunghininga na lang si Raymond, haggang ngayon ay malamig pa din sa kanya ang dalaga. May halos anim na buwan na siyang nanliligaw ay kahit isang date o sabay lang na kumain sa canteen ay hindi siya nito mapagbigyan.
“Kamusta ang araw mo?” ang tanong na lang niya sa dalaga.
“Mabuti naman, ikaw? Bakit maaga kang nakauwi?” simpleng sagot at tanong ng dalaga.
“Maagang natapos ang klase, wala kaming last period.”
Hindi na sumagot pa si Alyssa, halata ang kawalan ng interes sa binata. Si Raymond naman ay napayuko na lang sa kanyang nakikitang walang pagbabago sa relasyon nila ng dalaga. Muli niyang itinaas ang kanyang mukha at sa malungkot na tinig ay nagtanong sa dalaga.
“Alyssa, matagal na akong nanliligaw sayo. Gusto ako ng magulang mo. Ano bang ayaw mo sa akin?” nasa tinig ni Raymond ang hindi maitagong lungkot na nadarama.
“Raymond, matagal ko ng sinabi sayo. Hindi pa ako handang makipag-relasyon at ang pag-aaral lang ang nais kong pagtuunan ng buo kong atensyon.” ang naiiling na lang na paliwanag ng dalaga.
Bagaman totoo ang kanyang sinabi na sa pag-aaral lang niya nais ibaling ang buong atensyon ay may iba pa siyang dahilan. May itsura at tindig din naman si Raymond, sabi nga ng iba ay maswerte na siya sa panliligaw sa kanya ng binata. Ngunit may malaking problema, wala siyang nararamdamanan na kahit na anong special feelings para dito. Ang totoong pangarap niya sa buhay ng higit sa makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho ay ang ikasal ng malinis at walang bahid dungis sa lalakeng mahal niya. Sa natatanging lalake na gusto niyang makita ang mukha bago siya matulog sa gabi, at makita niyang muli pagkagising niya sa umaga. At nakatitiyak siyang hindi si Raymond ang lalakeng iyon. Kung kailan niya makilala ang lalakeng pangarap ay bahala na ang tadhana na magpasya.
*****
Kahit maaga pa ay pumasok na si Dan sa fast food chain na pinapasukan. Ilang buwan na din siyang dito namamasukan bilang working student. Papunta na siya sa locker room ng makita niya ang kaibigang si Edwin.
“O, maaga ka ah, alas-syete pa ang simula mo.” ang nagtatakang bati sa kanya ng kaibigan.
“Wala din naman akong ibang pupuntahan, saka wala naman akong gagawin sa library ngayon. Mabuti yung maaga ako, marami na din akong absent.” ang sagot na lang ni Dan.
Biglang nagbago ang mukha ni Edwin at nabalutan ito ng pag-aalala dahil sa sinabi ni Dan.
“Pare, naalala ko nga pala, sabi ni Sir, sabihan daw kita na pumunta sa kanya kapag pumasok ka na.” ang paalala ni Edwin.
Kinabahan naman si Dan, may pakiramdam siyang hindi maganda ang maririnig niyang sasabihin sa kanya ng kanilang manager. Sa katotohanan ay may ideya na siya.
“Nandito na lang din naman ako, palit lang ako tapos ay puntahan ko na.” si Dan at saka tinapik si Edwin at nagtungo na sa locker room upang magpalit ng damit.
Nasa harap na siya ng pinto ng manager, salamin ang kalahati kaya kita niya ang manager na abala sa lamesa nito, huminga siya ng malalim at saka marahan na kumatok.
(“tok” “tok” “tok”)
Nag-angat ng tingin ang manager at sinenyasan siyang pumasok sa loob. Nang nasa loob na siya at malapit sa harapan nito ay saglit pa itong nagsulat at nag kwenta. At saka siya hinarap ng matapos. Tiningnan siya nito sa mata at nagsalita ng malamig.
“Dan, masipag ka at alam ko ang hirap na ginagawa mo. Nag-aaral habang nagtatrabaho, hindi madali yun. Kaya dito, binibigyan namin kayong mga working student ng tamang oras lang para mag-trabaho.”
Saglit na tumigil ang kanilang manager, huminga ng malalim at saka nagpatuloy.
“Pero base dito sa attendance sheet na nasa lamesa ako, ikaw lang Dan ang maraming absent. Walang special treatment kapag ganito ang kaso. Naiintindihan mo ba?”
“Yes Sir, hindi na po mauulit.” si Dan sa mababang tinig.
Isang malalim na paghinga ulit mula sa kanilang manager.
“Dan, I will give you once last chance. Isang liban mo pang walang matibay na dahilan at pasensyahan tayo. Hindi na kita maaaring pagbigyan dahil baka pamarisan naman ng iba ay ako din ang babalikan. Tandaan mo Dan. Isa na lang.” ang huling paalala sa kanya nito.
Tumango lang siya at malungkot na sumagot.
“Yes Sir, tatandaan ko po.”
“Good, sige na.” ang huling sabi sa kanya ng kausap sabay turo ng marahan sa may pinto.
Malungkot siyang lumabas at lumakad na pabalik sa loob sa kanyang pwesto. Malungkot namang naiiling na lang ang kanyang manager na hindi na niya nakita. Gusto niya si Dan dahil sa masipag at mabait ito, ngunit ang patakaran ay dapat sundin upang manatili ang kaayusan sa lugar na pinagtatrabahuhan.
Habang nasa station niya si Dan ay nasa isip pa din niya ang sinabi sa kanya ng kanilang manager. Hindi na siya maaaring lumiban. Paano siya ngayon makakadalo sa debut ni Angela? Mapapasaya niya ang dalaga ngunit mahihirapan naman siya.
*****
Kasalukuyang nasa isang refreshments bar sa loob ng mall ang barkada nina Christine. Dito sila nagpunta pagkatapos nila sa school. Hindi na nila niyakag sina Carlo dahil gusto nilang maging all-girls muna ang lakad nilang ito.
Kanina pa nasa isip ni Christine si Dan, nang makita niya itong nakatayo kanina sa may lobby ng building ay gusto sana niya itong lapitan. Ngunit nag-alangan siya dahil kasama niya ang mga kaibigan. Alam niyang nakakahalata na din ang mga ito sa kakaibang ikinikilos niya lalo kapag involved si Dan. Kailangan niyang mag-ingat at mag-lay-low muna, hindi pa siya handa.
Natigil ang kanyang pag-iisip ng magsalita ang kaibigang si Rose.
“Christine? Hey Christine, are you still with us?” ang natatawang pagtawag sa kanya ni Rose.
Binawi naman niya ang sarili mula sa pag-iisip at ngumiti sa mga kaibigan.
“Yes, Im still with both of you pero nasa ibang lugar ang isip ko.” ang natatawang sagot naman ni Christine na may kasamang pag-amin.
“Christine, kamusta na kayo ni Carlo?” ang sunod na tanong ni Rose sa kanya.
“We’re still civil to each other. In fact, mas gusto ko na yung ganito kami.” paliwanag naman ni Christine, dahil after ng insidente sa bahay ni Cherry ay talagang ayaw na niyang makasamang mag-isa pang muli si Carlo.
“You know what Christine? Sometimes we don’t really get you. Dati ay flirty ka kay Carlo, pero ngayon parang conscious at concern ka kay Dan. What’s the deal ba sa inyong dalawa? Mayroon ba kaming hindi alam?” ang magkakasunod na tanong naman ni Cherry.
Nais na sanang niyang sabihin sa mga ito ang totoong status nila ni Dan, ngunit may pumipigil sa kanya. Mahal niya si Dan, ngunit mahalaga din sa kanya ang status at pride niya bilang high class na babae sa society. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib, hanggang kailan niya ikakaila na ang isang tulad lang ni Dan ang kanyang boyfriend? Sa dami ng mga lalaking nagpapakita ng interes sa kanya, may mas higit na mas gwapo kay Dan at mayaman ding tulad niya. Bakit si Dan ang nasa puso niya, “one of the mystery of being in-love”, ang nasabi na lang ni Christine sa sarili.
“Christine?” ang tawag ulit ni Cherry ng napansin ang muling paglalakbay ng isip niya.
Kinalma niya ang sarili, ibinangon ang pride at saka matamis na ngumiti.
“No, wala kaming special relationship ni Dan, we barely know each other at hanggang acquaintances lang ang connection namin.” ang nakangiting sabi na lang ni Christine, pero deep inside ay parang may sumusugat sa kanyang puso sa bawat salitang kanyang sinasabi.
“Ok, you said it yourself. Let’s cheers to that.” si Rose na itinaas ang baso nito ng bahagya.
Inilapit naman nina Cherry at Christine ang kanila ding mga baso, pinagdikit ang mga iyon at saka nagsalita ng “cheers”.
Diretsong ininom ng dalawa ang mamahaling wine na nasa kanilang glass. Ngunit hindi si Christine, bago niya inilapit ang wine glass sa labi ay tahimik siyang nagsalita sa isip, “I’m sorry Dan, but i’m not ready yet.”, at saka niya ininom ng diresto ang wine.
Patuloy pa silang nag-uusap ng mapunta ang kanilang paksa sa nalalapit na debut ni Angela.
“Christine, did you buy anything yet for Angela? Ikaw lang ang walang binili ng last na nagpunta tayo dito. You have to buy something for her, you know she still considers us friends since she gave us all an invitations.” si Cherry na nagpapaalala sa kanya.
Dahil sa ngyari sa kanila ni Angela ay nagpasya siyang hindi dapat na naroon siya sa masayang pagdiriwang ng debut party ng dalaga. Bibigyan lamang niya si Angela ng dahilan para malungkot at ipaalala sa dalaga na siya ang nagmamay-ari sa binatang iniibig din nito. Sa darating na Sabado ay hindi din niya papayagan si Dan na pumunta kina Angela. Lihim siyang napangiti, naiisip niyang sa halip na sa birthday party sila magpunta ni Dan ay isang class na hotel na lang sila magpunta. Since alam na naman ni Angela ang tungkol sa kanila. Wala nang dahilan para mangamba siya. Tuloy ulit ang secret relationship nila ni Dan, pero sasabihin niya sa binata na hindi na ito open. Ayaw na niyang may makikiagaw pa kay Dan, sa kanya lang si Dan kahit secret ang relationship nila.
Pagkatapos mag-isip ay sinabi niya sa mga kaibigan ang kanyang gagawing hindi pagdalo. Ngunit hindi ang namagitan sa kanila ni Angela kaninang umaga.
“I think I’m not going, I have some important matters that I need to attend to. Andyan naman kayong dalawa, just give her my sincere apologies and greetings.” si Christine na may kasamang ngiti.
“Are you really serious about that Christine? Hindi kaya ma-upset si Angela kapag kulang tayo na pupunta?” ang sabi ni Rose na nagtataka.
“Christine, why not think about it first, think hard. It’s Angela’s birthday, and Carlo is going there to have a special moment with you, para maisayaw ka.” ang sabi naman ni Rose.
Ngumiti lang si Christine, wala naman siyang concern kay Carlo, kay Angela siya may concern. Besides, mas gusto niyang makasama si Dan sa loob ng isang hotel many times over kesa magpunta sa debut party ni Angela na alam nyang mabo-bored lang siya since hindi naman siya ang center of attention.
“Sorry, but my mind is already settled and firm about it. ” si Christine na muling hinawakan ang bagong dating na wine glass. Saglit na ngumiti saka muling uminom.
*****
Nang nasa bahay na si Angela ay maaga siyang nagpahinga dahil masama ang pakiramdan niya. Nakahiga siya sa kama ng marinig niya ang pagtawag ng kanyang mommy. Pinapasok niya ito, hinawakan siya ng ina at nag-alala ito ng malamang parang may sinat ang anak.
“Angela, stay in bed, I think you have a slight fever, you’re quite hot.” ang nag-aalang sabi ng kanyang mommy.
“Did something happened to you today Iha?” and tanong ng kanyang mommy na hindi talaga maitago ang pag-aalala sa nag-iisang anak.
Umiling lang siya at nag-init ang kanyang pisngi. Isa lang ang naisip niyang dahilan kung bakit siya ngayon may sinat. Dahil hanggang ngayon ay talagang mahapdi pa din ang kanyang pagkababae. Pero hindi niya iyon kayang sabihin sa ina, na ang kanilang labis na iniingatan na anak ay wala ng maipagmamalaki pa at hindi na malinis gaya ng nasa isipan ng mga ito. Dahil ngayong araw ay naisuko na niya ang kanyang dangal at kapurihan sa binatang labis na minamahal. Wala ng magagawa pa si Lance, boyfriend na niya si Dan at girlfriend naman siya ng binata. Lihim man sa ngayon ang relationship nila ay sila na talagang dalawa. Dahil sa isiping ito ay napangiti na naman siya.
Napansin naman ni Alice ang ngiti na gumuhit sa labi ng anak.
“Angela, is there something you’re not telling me?” si Alice sa tinig na parang hinuhuli ang anak.
“No, Mom, It’s just that there is something I remembered in school that me smile. Yun lang po.” ang sagot ng nakangiting si Angela sa ina.
Hindi din naman nag-usisa pa si Alice. Minsan pang hinawakan ang noo ng anak.
“I’ll send Yaya Meding here, wag ka na munang bumangon. Stay in bed.” ang sabi ng kanyang Mommy na tumayo na.
“Yes Mom.”
Gumawi na ang mommy niya sa pinto, isang beses pa siya nitong tiningnan at kimi naman siyang ngumiti sa ina.
Kanina pa siya nakahiga at nadulutan na ng pagkain at gamot ng kanyang Yaya Meding. Hindi naman siya makatulog, at may naririnig siyang mga maingay mula sa labas. Bumangon siya at gumawi sa malaking bintana ng kanyang kwarto. Nakita niyang abala ang iba nilang katulong at may mga tao din na hindi pamilyar sa kanya ang nag-aayos sa kanilang malaking garden kung saan gaganapin ang debut party niya. Tumingin siya sa orasan, malapit nag mag six’oclock pero hindi pa din tumitigil ang mga ito. Mula sa malaking garden ay inilipat ang paningin sa fountain nasa likod ng kanilang bahay. Malayo ito sa garden. Ngunit kahit medyo madilim na ay parang kumikislap ang tubig na lumalabas dito dahil sa munting liwanag na nagmumula sa mahinang ilaw na nasa ilalim ng tubig.
Mayamaya pa ay kumatok ang kanyang ina at pumasok sa loob ng kanyang kwarto.
“Iha, hindi ka sana muna bumangon.” ang sabi ng kanyang ina habang nakatingin sa kanya mula sa likuran.
Saglit niyang nilingon ang ina at saka ngumiti dito.
“I’m fine Mom.” at saka muling ibinalik ang paningin sa nangingislap na fountain.
Tumabi naman si Alice sa anak at pinagmasdan din ang fountain ng tubig na nasa malayong parte ng kanilang bahay. Maliit pa lang si Angela ay talagang paboritong tanawin na ng dalaga ang fountain na iyon.
“You really love that sparkling fountain ever since Iha.” ang nakangiting sabi ni Alice sa anak.
“Yes Mom, I really love it.” ang nakangiti ding sagot naman ni Angela sa ina habang nakatingin sa kumikislap-kislap na tubig sa fountain nasa malayo sa kanila.
Ang nasa isip ni Angela ng mga sandaling iyon ay ang kumikislap-kislap ding maamong mukha ni Dan, ang kanyang pinakamamahal na binata na ngayon ay lihim na niyang kasintahan.
*****
Past eight o’clock na ng gabi ng makauwi si Christine sa kanilang bahay. Pagpasok pa lang sa bahay ay nabungaran niya ang hindi nakangiting mga magulang.
“Christine, it’s already late para sa uwi ng isang college student.” ang malamig na tinig ng kanyang ina.
Inalis ng ama ang librong binabasa sa harapan at isinara, saka ipinatong sa center table na malapit dito. Tumingin sa kanya at sinenyasan siyang umupo. Hindi man niya maipakita ay naiinis talaga siya. Isa ito sa mga sandaling pinakaayaw ni Christine, ang siya ay pinapagalitan ng mga magulang. Pagkaupo niya ay tumabi ang kanyang ina sa kanyang ama, at saka siya patuloy na kinausap ng mga ito.
“Christine, you’re a grown up woman now. You have to act like one and not some kind of rebellious teenager.” ang sabi ng kanyang Daddy na naiiling dahil sa aminadong na spoiled nila ng husto si Christine simula ng pagkabata. Nag-iisang anak kasi dahil nagkasakit ang mommy ng dalaga pagkatapos siyang maipanganak na naging dahilan para maoperahan ito.
“Ok Pa, from now, I’ll try to come home early. Pwede na ba akong umakyat upstairs sa room ko.” si Christine sa mababang boses na pilit na itinatago ang pagkasuya.
Tumayo na siya ngunit natigilan ng muling magsalita ang ama.
“Just one more thing Iha, don’t plan anything on this coming Saturday night.” ang huling sabi ng kanyang ama.
“Why Pa? Another one of my prospects?” si Christine na hindi maitago ang lungkot at inis na nadarama. Dahil isa pa ito sa pinakaayaw ng dalaga. Na may nadalaw na close friends or business partners ng magulang at kailangang nasa bahay siya. Isa lang ang ibig sabihin nun, kasama ng bisita ang isang anak nitong lalake na potential marriage partner niya.
“Christine, it’s for your own good Iha.” ang malumanay na sabi naman ng kanyang ina.
“I know Ma.” ang maiksing sagot na lang niya, halata ang lungkot sa boses ng dalaga.
Kapwa malungkot na naiiling na lamang ang mga magulang niya na napatingin sa kanya habang paakyat.
Mabilis na siyang naglakad at saka pabalabag niyang isinara ang pinto sa kanyang kwarto. Ibinagsak ang shoulder bag sa sahig, lumapit sa kanyang kama at saka dumapa dito, at nilagay ang unan sa tapat ng kanyang magandang mukha. Gusto nyang maiyak ngunit pinatatag niya ang sarili. Magkikipagkita pa din siya kay Dan, have a good sex at saka haharapin ang bagong prospect ng mga magulang. “Maghintay siya hanggang sa matapos ako sa piling ng lalakeng mahal ko” ang laman ng isip ni Christine.
*****
Hindi pa man nabubuksan ni Dan ang gate papasok sa bahay nina Diane ay nakita niyang maliwanag ang ilaw sa salas. Parang may mga nag-uusap na tao sa loob na kasama ng mag-ina. Binuksan niya ang gate at isinara, saka bumukas ang pinto sa salas at nilabas siya ni Diane.
“Kuya Dan.” ang malambing na sabi ni Diane, ngunit parang malungkot ito.
“Diane, parang may iba kayong kasama sa bahay?” ang tanong naman ng binata sa dalaga.
Biglang parang napasimangot si Diane.
“Hay Kuya, dumating yung dalawa kong pinsan. Sa bahay muna sila mag stay ng dalawang linggo. Habang may nilalakad sa mga papel nila paalis.” ang naiinis na sabi ni Diane.
Alam ni Dan kung bakit ganito na lamang ang pagkasuya ng dalaga. Hindi muna sila makakapagtabi sa loob ng dalawang linggo sa kwarto ng dalaga.
Tumingin muna si Dan sa harap ng pinto ng bahay ng dalaga at saka marahang hinaplos ang buhok ni Diane na naging dahilan para mapangiti ito.
“Wag ka ng mainis, maaga kang tatanda sige ka.” ang biro ni Dan sa kaharap.
Napatawa lang ng bahagya si Diane
“Paano yan Kuya? Saan tayo?” si Diane na hindi maitago ang pag-aalala at pananabik.
“Diane, ano bang sabi ko sayo?” si Dan nasa tinig ang parang pagkukunwaring galit.
“Pag-aaral muna ang intindihin.” ang nakayuko namang sabi ni Diane.
Hinawakan ni Dan ang mukha ng dalaga at itinaas yun sa kanya.
“Diane, maraming pagkakataon, hindi naman ako aalis dito sa inyo.” si Dan na nakangiti na kay Diane.
Napangiti na din si Diane.
Minsan pang tumingin sa may pinto si Dan at saka ginawaran ng halik ang labi ni Diane. Pagkatapos ng saglit na paghihinang ng kanilang mga labi ay nagpaalam na ang binata.
“Sige na Diane, baka magtaka na sila kung bakit ang tagal mo sa labas. Uwi na din ako para magpahinga.” ang paalala ni Dan sa dalaga.
“Oo Kuya, pasok na ako.” paalam na ng dalaga.
I love you Kuya Dan.” si Diane.
Tumango lang si Dan at ngumiti sa dalaga.
Isang matamis na ngiti pa ang sumilay sa labi ni Diane at mabilis na lumakad ito pabalik sa kanilang bahay.
*****
Kinabukasan ay maagang pumasok si Christine, naghintay siya sa may parteng hindi puntahan ng tao ngunit mapapansin naman siya ng mga papasok. Napangiti ang dalaga ng nakita niyang dumating na si Dan, inantay niyang magtama ang kanilang mata at saka siya ngumiti sa binata. Inantay niyang gumanti ng ngiti si Dan sa kanya saka siya marahang tumango at bahagyang naglakad, muling nilingon ang binata at isang mahinang tango ulit at nagsimula ng lumakad palayo.
Pagkalampas ni Dan sa may gate ay napansin niyang nakatayo sa may sulok ng building si Christine. Ngumiti sa kanya ang dalaga at gumanti naman siya ng ngiti. Pagkatapos ay nakita niyang tumango si Christine at naglakad ng kaunti, muling lumingon sa kanya at muling tumango ng marahan na para bang ang nais ni Christine ay sundan niya ito.
Sinundan niya si Christine hanggang sa makarating ulit sila sa kanilang espesyal na lugar sa pamantasan, sa may rooftop.
Naabutan niyang nakatayo si Christine at nakahawak sa may chain fence. Gaya ng dati ay nilalaro ng hangin ang alon-alon na buhok ng dalaga. Nilapitan niya ang dalaga, binitawan ang bag na nasa balikat at gamit ang kamay ay nilikom ang naglalarong buhok ng dalaga. Napangiti naman si Christine. Nilingon ang binata at saka matamis na ngumiti dito. Kinuha ang panyo sa bulsa at iniaabot iyon kay Dan. Gamit ang panyo ng dalaga ay itinali ni Dan ang buhok ni Christine at naging puyod sa alon-alon na mahaba nitong buhok.
Nang matapos ay humarap si Christine kay Dan. Hinawakan ang baywang ng binata at saka tumiyad ng kaunti upang halikan si Dan sa labi.
Hindi naman pinahirapan ng matagal ni Dan si Christine, sa sandaling naglapat ang kanilang labi ay ibinaba niya ang katawan ng dalaga at saka siya gumanti ng halik habang nakayakap sa malambot nitong katawan. Pagkatapos ng matagal ding paghihinang ng kanilang labi ay naghiwalay ng bahagya ang kanilang katawan habang nakatitig sa isa’t-isa.
“Dan, how’s Angela? Did you tell her the truth about us?” si Christine na nasa boses ang bahagyang pag-aalala.
Sa sandaling ito ay kailangang magkaila ni Dan, wala naman siyang pagpipilian. Kasisimula pa lang din ng secret relationship nila ni Christine. Kung sabihin sa dalaga na sila na din ni Angela ay baka hindi nito kayanin at isiping sa simula pa lang ay siya ang pinaglaruan ng binata gayung hindi naman. Habang nakatingin kay Christine ay nakita niya sa kislap ng mata nito ang pag-ibig na nakita din niya kay Angela at Diane. Mahal siya ng tatlong dalaga ngunit isa lang ang nasa puso niya, si Angela, ngunit mahalaga din sa kanya ang dalawa. Ngunit hindi pa ngayon ang araw at panahon upang malaman ni Christine at Diane ang totoo. Maghihintay siya kung ano ang mauna, ang parusa ng tadhana o ang pagtulong nito sa kanya.
“Ok lang siya Christine, tinanggap naman niya ang sitwasyon. Masakit pero tinanggap pa din niya.” ang malumanay na paliwanag ni Dan.
“Good, I’m very happy to hear that.” si Christine na hindi maiwasang hindi maluha ng bahagya dahil sa saya. Wala na siyang kaagaw kay Dan at tuloy na ulit ang secret relationship nila.
“Christine?” si Dan ng mapansin ang luha sa gilid ng mata ng dalaga.
“I’m just happy Dan. Tears of joy lang ito, wag kang mag-alala.” ang nakangiting sabi ni Christine habang bahagyang magkayakap pa din sila.
“Dan, about sa situation natin, ayaw ko na ng open. Our relationship must remain a secret but it is not open to anyone anymore. Akin ka lang at sayo lang ako. Yun ang gusto ko. Clear?” si Christine na nakatitig sa mata ni Dan.
“Ok, clear. Hindi na open pero mananatili pa ding secret.” si Dan nakahinga ng maluwag dahil mananatiling secret ang relationship nila ni Christine, gaya ng kay Angela. Alam ni Dan na darating ang araw na lalaya din ang katotohanan na kanya ding haharapin balang-araw. Ngunit hindi pa sa ngayon.
Ngumiti sa kanya si Christine at muli siyang kinabig upang halikan. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay saka sinabi ni Christine ang isa pang nais na mangyari.
“Dan, sa gabi ng birthday ni Angela. Hindi ka pupunta sa kanila, akin ka lang at iyon ang gusto kong mangyari, you’ll spend your time with me instead. We make love, then we go home.” ang mainit na sabi ni Christine, nasa tinig ng dalaga ang pananabik.
Dahil dito ay sari-saring emosyon ang naramdaman ni Dan. Nais ng puso niyang pumunta kina Angela, nguhit hindi rin kaya ng katawan niya na pahindian si Christine. Alin man ang piliin niya sa dalawa ay tiyak na liliban na naman siya at maaalis na sa kanyang pinapasukang trabaho.
“Dan, your answer? Naghihintay pa din ako sagot mo.” si Christine na ngayon ay seryosong nakatingin sa mata ni Dan, nakayakap pa din ngunit wala na ang ngiti.
(Ipagpapatuloy…)