Tukso kay Dan Part 20
Chapter 20
Malapit ng maghatinggabi ng makauwi si Dan, pilit na iwinawaglit sa isipan ang ngyari sa kanila ni Arcelle sa loob ng store room. Hindi pa man niya nabubuksan ang gate ng bahay nina Diane ay kita na agad niya ang dalaga na malungkot na nakatayo sa labas. Pagkatapos niyang isara ang maingay na gate ay kaagad itong lumapit at yumakap sa kanya.
“K-kuya Dan, anong gagawin natin?” ang naluluhang tanong sa akin ni Diane.
Inilayo ko siya ng bahagya sa aking katawan at saka tiningnan ang malungkot niyang mukha. Pilit niyang pinalis ang luha sa kanyang mga mata at saka ipinakita sa akin ang petition papers at plane ticket nilang mag-ina papuntang America na matagal pala nilang inaasikaso.
Alam ni Diane na darating ang araw na ito noon pa dahil ilang beses na din silang nagpuntang mag-ina sa Embahada. Ngunit hindi inaasahan ng dalaga na ganito kabilis niyang iiwan ang kanyang Kuya Dan. Alam ko din ang ibig sabihin nun, hindi magtatagal ay hindi na kami magkikita ni Diane.
Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Hindi ko na maririnig ang malambing niyang pagtawag sa aking pangalan ng “Kuya Dan”. Dapat ay maging magaan ang aking pakiramdam dahil makakalaya na ako kay Diane. Ngunit hindi ako makalunok, masakit pala kapag ang isang tao ay naging parte na ng buhay mo at mahalaga na din sayo.
“K-Kuya… Ilayo mo na ako dito. U-umalis na lang tayo.” si Diane na patuloy pa din sa pag-iyak habang nakayakap sa akin.
Ramdam ko ang paghihirap ng kanyang kalooban dahil ganoon din naman ako. Kung maaari ko nga lamang siyang pigilan, ngunit ang gawin iyon ay isa ng kasakiman dahil ako ay umiibig sa ibang dalaga. Kailangan ni Diane ng lalakeng karapat-dapat sa kanya at ang magandang buhay ay naghihintay dito ibang lugar kapiling ng kanyang mga magulang.
Muli ko siyang inilayo sa aking katawan at tiningnan ko siya sa mata.
“Diane, bata ka pa. Ngunit sa kabila nito ay alam kong mahal mo ako. Hindi ako kailanman nagkaroon ng alinlangan sa pag-ibig mo sa akin. Ngunit kailangan mong lumayo para sa iyong kinabukasan, upang mabilis na dumating ang araw na kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa. Pagkatapos na subukin ng panahon ang pag-ibig mo sa akin ay hanapin mo ulit ako. At kung nakatadhana talaga tayong dalawa ay tayo pa rin hanggang sa wakas.” ang nasabi ko na lamang sa kanya.
“Hindi ko kaya. Ayaw kong umalis. Ayaw kong iwan ka.” si Diane na labis na naghihirap ang kalooban.
Niyakap ko siya ng mahigpit. At sa minsan pang pagkakataon ay hinagkan ko siya sa kanyang labi. Magkayakap kami habang magkahinang ang aming mga labi habang patuloy siyang umiiyak.
“Diane, kapag nasubok ka ng panahon ay bumalik ka dito at hanapin mo ako. Kung talagang mahal mo ako, magpakatatag ka.”
Saglit na kumalas sa akin si Diane at muling pinalis ang luha sa kanyang mga mata.
“Kuya.. Maghihintay ka sa akin ha. Huwag mo akong kakalimutan.” si Diane habang buong pag-ibig na nakatingin sa aking mga mata.
Alam kong sa sandaling ito ay hindi na ako maaaring magbitaw ng isang huwad na pangako. Wala akong kayang isagot sa kanya kung hindi isang marahang pagtango. At saka ko siya muling niyakap ng mahigpit na kanya din namang ginawa sa akin. At sa kahuli-hulihang pagkakataon bago kami maghiwalay ay minsan ko pang narinig ang malambing niyang pagtawag sa aking pangalan kasabay ng pagsambit ng kanyang pag-ibig sa akin.
“I love you Kuya Dan.” ang huling sinabi sa akin ni Diane.
Ilang araw pa ang lumipas at lumipad na silang mag-ina patungo sa America. Sa mga nakalipas na araw na iyon bago sila umalis ay hindi na kami nag-usap. Upang hindi maging dahilan iyon na pigilan namin ang nakatakda naming paghihiwalay.
Ngayon ay wala na sa buhay ko si Diane kasabay ng mga huwad na pangakong aking binitawan sa kanya. Mag-iiba na din ngayon ang nakatira sa kanilang bahay, at kailangan ko nang maghanap ng bagong matitirhan dahil ayaw ng magpaupa ng mga bagong titira na kamag-anak din nina Diane.
Si Edwin ay nakalipat na sa isa niyang katrabaho malapit sa fast food chain na pinagtatrabahuhan nito. Mabuti yun kay Edwin dahil hindi na ito mamasahe at maaga na ding makakauwi. Nag-usap na kaming dalawa na magkita na lang kapag nakahanap na ako ng bago kong matitirhan. Mayroon na lang akong isang linggo, isang linggo ko na lang maririnig ang maingay na gate na laging pinanabikang marinig ni Diane.
*****
Isang gabi ay muling bisita ni Christine si Brandon. Gaya ng dati ay nasa balcony silang dalawa. Tuloy lang sa pagsasalita si Brandon sa mga pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nakalipas na araw, ngunit tahimik lang si Christine. Ang buong isipan ni Christine ay na kay Dan, alam niyang malungkot ang binata sa hindi nito masabing dahilan. Alam niyang may dinaramdam si Dan, ilang araw ng malungkot at matamlay ang binata ngunit ayaw naman magsalita ni Dan kung ano ang dahilan.
Natigil siya sa pag-iisip ng ilang ulit siyang tinawag ni Brandon.
“Christine… Christine….”
Nilingon niya si Brandon na nakangiti sa kanya.
“Is there something wrong? Kung pagod ka na ay aalis na ako. But before that, I want to hear your answer first.” si Brandon na may pananabik sa kanyang tinig.
Naguguluhan naman si Christine dahil sa dami ng nasabi ng binata ay wala siyang natandaan kahit na isa.
“About what Brandon?” ang nagtataka niyang tanong.
Bigla namang nalungkot ang mukha ng binata ng kanyang malaman na wala sa kanya ang atensyon ng dalaga. Hindi naman ito ang unang beses na ito ay ngyari sa kanila ngunit sa tuwina ay nasasaktan pa din siya.
“About our date Christine. Lagi na lang tayo dito sa bahay ninyo. I want us to go out on a date.” ang malungkot na sabi na lang ni Brandon.
Nakita naman ni Christine ang lungkot sa mukha ng binata. Ilang beses na ding pumasyal sa kanilang bahay si Brandon ngunit kahit pinakikiharapan niya ito ay palaging wala dito ang kanyang atensyon. Lagi din namang siyang pinipilit ng kanyang mga magulang na paunlakan na ang paanyaya ng binata.
Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa mata ng binata.
“Ok Brandon, sunduin mo ako dito sa amin. Saturday night, seven o’clock.” ang sabi na lang niya sa matamlay na boses.
Nagkaroon namang ang kulay ang mukha ng binata at masigla na itong nagpaalam sa kanya.
“See you Christine.” ang paalam na sa kanya ng binata habang nasa balcony sila.
Tumango lang siya sa binata at hindi na din niya ito ihinatid sa sasakyan nito. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari kay Dan. Matagal na din silang hindi nag-uusap ni Angela. Bukas ay kakausapin niya ito, baka sakaling may alam si Angela kung bakit biglang nawala ang sigla ni Dan ilang araw na din ang nakakalipas.
*****
Sa loob naman ng kwarto ni Angela ay hindi din siya makatulog, malapit ng mag ten ngunit ayaw pa din siyang dalawin ng antok. Ilang araw ng parang matamlay si Dan ngunit wala namang sinasabi sa kanya ito. Bukas ay kakausapin niya si Christine, kailangan niyang makausap ang kaklase, baka sakaling may alam si Christine sa kasalukuyang ngyayari kay Dan.
“Dan.. What happened to you? Bakit ayaw mong magsalita? Paano kita matutulungan kung hindi mo ako hahayaan?” ang magkakasunod na tanong niya para kay Dan na sarili na lang sinabi ni Angela.
*****
Magkatabing nag-aabang ng sasakyan sina Mika at Dan pauwi. Pasado alas-onse na ng gabi. Wala namang masyadong customer at kumpleto naman ang staff.
Habang nakatingin si Dan sa daan ay nasa binata naman ang paningin ni Mika. Halos ilang araw na din niyang napapansin ang pananamlay ng binata. Hindi naman ito dating ganito, masigla ito palagi sa kabila ng malamig na pakikitungo ng ibang staff na lalake sa binata.
Napansin naman ni Dan sa kanya nakatingin si Mika. Lumingon siya sa dalaga at tipid na ngumiti dito.
Napahiya naman si Mika at bahagyang nag-init ang kanyang pisngi.
“Mika, may gusto ko bang sabihin?” si Dan, dahil alam nyang may nais itanong sa kanya ang dalaga. Dahil ang mga tingin na iyon ni Mika ay nakita din niya kay Angela at Christine na alam niyang kapwa nag-aalala din sa kanya. Ngunit kailangan lang niya ng kaunting panahon upang matanggap na wala na ang malambing na si Diane sa kanyang buhay. Makakabalik din naman siya sa dati at makalimot din sa tulong ng panahon, ngunit habang nauwi siya sa dating bahay nina Diane at naririnig niya ang maingay na gate ay lagi niyang naalala ang malambing na pagtawag sa kanya ni Diane. Nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata. Pinalis niya iyon at saka muling tumingin kay Mika.
“Mika?” ulit ni Dan.
“Ano Dan, kasi napapansin namin ni Alex na ilang araw ka ng matamlay. May ngyari ba sayo?” si Mika na nasa tinig ang tapat na pag-aalala sa binata. Kahit hindi pa sila matagal na magkaibigan ni dan ay palagay na ang loob niya sa binata. Ilang beses na din siyang nagsabi dito ng saloobin at humingi ng payo na lagi namang pinauunlakan ng binata, lagi din siyang tinutulungan ni Dan kapag may gawain siyang mabigat.
“Ok lang ako Mika, salamat sa pag-aalala. Sabihin mo kay Alex na wag na ding mag-alala sa akin.” ang nakangiting sagot na lang ni Dan kay Mika. Ayaw din naman ng binata na may mga nag-aalala sa kanya, talaga lang kailangan niya ng kaunting panahon at pag-iisa.
Tumango ang dalaga sa kanya at kiming ngumiti.
“Magsabi ka lang kung may maitutulong kami?” si Mika na nakangiti pa din sa kanya.
Biglang naalala ni Dan ang tungkol sa problema niya sa bahay.
“Mika?”
“Dan…”
“May alam ka bang paupahan? Kailangan ko na kasing lumipat, hanggang sa Linggo na lang ako sa tinitirhan ko ngayon.”
“Kung mag-isa ka lang, may bakanteng kwarto dun sa tinutuluyan namin. Maliit lang yung kwarto, pang-isang tao lang talaga. Pwede kang pumunta sa amin sa Linggo para makausap mo yung kasera at makita mo yung kwarto.” ang masayang sabi ni Mika. Sa loob-loob ng dalaga ay sana ay magustuhan ni Dan ang kwarto. Bukod sa araw-araw silang magkikita ay madalas pa silang sabay na uuwi sa iisang lugar.
Nabuhayan naman ng pag-asa si Dan.
“Sige Mika, punta ako sa inyo sa Linggo ng umaga. Pasenya na sa abala.” ang nakangiting sabi ni Dan sa dalaga.
“Wag mong isipin yun Dan, basta pumunta ka.” ang malambing na sabi ni Mika
“Salamat Mika.”
At saka sinabi ng dalaga ang kanilang lugar at kung saan sila magkikita ni Dan sa darating na Linggo ng umaga.
Dumating ang sasakyan ni Mika at nauna na itong umalis.
*****
Kinabukasan ay maagang naghihintay si Christine kay Angela, kaya ng makita niya ang palapit na dalaga ay marahan niya itong sinalubong.
“Angela, do you have a moment? Please.” si Christine na nakikiusap.
Hindi akalain naman ni Angela na si Christine pa ang mauunang makipag-usap sa kanya. Tumango na din siya dahil sa katotohanan naman ay nais din niyang makausap ito.
Sa isang tahimik na lugar sila nag-usap. Tense sila pareho at ramdan nila yun dahil kapwa sila umiibig sa iisang binata. Ang pagkakaiba lang ay si Angela ang iniibig ni Dan at alam ni Angela ang lihim na relasyon nina Dan at Christine, samantalang si Christine naman ay walang alam sa tunay na damdamin ni Dan at sa lihim na relasyon ng binata kay Angela.
Si Christine na ang nag-alis ng katahimikan sa kanila.
“Angela, something is bothering Dan, napapansin kong ilang araw na siyang matamlay. May alam ka ba?” ang tanong ni Christine, umaasa na may isasagot si Angela.
“I noticed it too Christine, pero wala talaga akong alam. I’m sorry.” si Angela na malungkot na nakatingin lang kay Christine, dahil wala din palang alam ang dalaga tungkol sa pagiging malungkot ni Dan.
Saglit na namayani sa kanila ang katahimikan, kapwa nakatingin lang sa isa’t-isa.
“Thanks Angela. Let’s go back.” ang yakag na ni Christine.
At sabay silang naglakad papunta sa kanilang first class.
“Angela, how are you holding up? About sa feelings mo kay Dan. Are you ok?”
Nakaramdam naman ng pag-iinit ng pisngi si Angela. Hindi lang siya ok, kung hindi mas higit pa dun. Dahil siya ang may-ari ng puso ni Dan, maging ang pangako na magiging sila din ng tuluyan balang araw. Nakaramdam siya ng awa kay Christine, ngunit wala namang siyang magagawa. Isa lang ang maaaring piliin ni Dan at siya ang dalagang yun, dahil siya ang iniibig ni Dan.
“I’m fine Christine. Don’t worry about me. Musta kayo ni Dan?”
“Our relationship is still secret Angela, family and personal reasons.” ang malungkot na sabi na lang ni Christine.
Natahimik lang si Angela, alam na naman iyon sa simula pa lang.
“Angela…”
“Hm?”
“Angela, can you spare me some time, maybe next week?” ang nakangiting paanyaya niya sa dalaga. Ang nasa isip niya ay ipakilala si Angela kay Brandon.
“Are we gonna meet outside Christine?”
“Yes, outside, hindi naman tayo magtatagal. Private talks lang like this one, tayong dalawa lang. Gusto lang kitang makausap about a lot of things.”
Saglit na nag-isip si Angela, maaari naman yun dahil kasama naman niya si Mang Lando na susunod sa kanila ni Christine. Saka nais din niyang malaman ang tungkol sa ibang bagay pagdating kay Christine at Dan, baka sakaling mag open si Christine.
“Ok Christine, let’s set it next week.” ang pagsang-ayon na lang ni Angela.
Lihim namang nangiti si Christine, umaasa siya na sana ay mabaling kay Angela ang pagtingin ni Brandon. Tiningnan niya ulit si Angela, talagang napakaamo ng mukha ng dalaga, hindi sopistikada ang ganda tulad ng sa kanya, ngunit may sariling karisma na para lamang kay Angela.
*****
Habang hawak ang tray ng pagkain ay napadako ang paningin ni Alyssa kay Dan tahimik lang na kumakain na mag-isa. Sa nakita niyang malungkot na pagkain ng binata ay nais sana niya itong samahan ngunit nahihiya naman siya. Hindi naman sila magkakilala at maraming bakanteng lamesa. Napalingon siya ng may malambing na boses na tumawag sa kanya mula sa likuran.
“Alyssa.” si Angela na nakangiti sa kanya.
“Angela, sabay na tayo.” si Alyssa na nakangiti din sa kaharap.
Sabay silang pumwesto sa isang bakanteng lamesa.
“Musta ang research mo?” si Angela ng mapansin na dala ni Alyssa ang librong ginamit din niya.
“Ok naman, madami pang kulang, pero I can manage.” na hindi maialis ang tingin kay Dan na nasa kabilang lamesa lang.
Napansin naman yun ni Angela.
“Someone you know, Alyssa?” ang tanong ni Angela.
Natigilan naman si Alyssa, mabilis na inilipat ang paningin sa kaharap.
Habang kumakain sila ay hindi maiwasan ni Alyssa na tumitig sa maamong mukha ni Angela. Maganda din naman siya pero natutuwa siyang pagmasdan si Angela.
Napansin naman iyon ni Angela.
“Alyssa ha, malapit na akong mag blush.” si Angela na nakangiti kay Alyssa.
“Sorry Angela, ang sarap mo kasing tingnan.” ang nakangiting sabi naman ni Alyssa.
“Ikaw talaga.”
“Angela…?”
“Yes…”
“Pwede magtanong, something personal.” si Alyssa na nag-aalangan ng bahagya.
“Ok lang, basta hindi too personal ha.”
“May boyfriend ka na ba? Just curious lang Angela, kasi napaka-lucky ng boyfriend mo sayo.” ang tanong ni Alyssa, totoo naman ang sinabi niya. Napakapalad ng lalakeng iibigin ni Angela.
Umiling lang si Angela, naalala ang pangako niya kay Dan na ililihim muna ang kanilang relasyon.
“Wala pa Angela? Well, hindi nakakapagtaka.” si Alyssa na nasa himig ang pagbibiro. Sa isip ni Alyssa ay malamang na pihikan ang dalaga at tiyak na maraming maykaya at highclass na binata ang nanliligaw dito.
Ngumiti na lang si Angela sa kaharap, nais niyang ipakilala si Dan sa lahat ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil sa sitwasyon ng binata.
Lalo na at nasa panahon ngayon si Dan ng kalungkutan na hindi niya alam ang dahilan. Hindi na siya makakatiis pa ganito ang binata. Sa mga susunod na raw ay kakausapin na niya ito kapag hindi pa din ito nagbago.
*****
Hindi na muli pang naulit ang mainit na namagitan kay Dan at Arcelle sa loob ng store room. Pagkatapos noon ay parang naging civil na lang ang trato ni Arcelle sa binata. Lagi pa din niya itong kasama kapag may ginagawa siya ngunit wala na ang lambing sa boses ng kanilang manager kapag sila lang dalawa ni Dan ang magkasama.
Sa isip naman ni Dan ay mabuti na din iyon at ng makaiwas sila pareho sa tukso ni Arcelle. Dahil talaga namang matinding tukso din ang kanilang manager, kahit may asawa na ito ay maganda pa din ang hubog ng katawan nito, maputi at makinis ang balat, at may maganda ding mukha. Kahit sa edad nitong twenty-seven ay mapagkakamalang nasa early twenties pa lang ito.
Sa loob naman ng office ni Arcelle ay hindi din siya makapag-concentrate ng maayos. Laman ng isipan niya si Dan, ang binatang labis na nagpapainit sa kanyang pakiramdam. Sadya niyang binago ang pakikitungo sa binata dahil natatakot siya. Hindi siya natatakot kay Dan kung hindi sa kanyang sarili. Dahil kapag hindi niya pinigilan ang kanyang sarili ay malamang na sa isang hotel sila matutulog na magkatabi sa mga gabi na darating. Huminga siya ng malalim. Dahil sa ginawa niyang malamig na pakikitungo kay Dan at baka ang binata naman ang tuluyang lumayo sa kanya. Ramdam din niya pag-iinit ng binata ng magsalo sila sa kanilang unang bawal na halik. Hindi niya kayang pigilan talaga ang tawag ng init ng laman.
Binuksan niya ang drawer at kumuha ng isang energy drink. Lumabas siya ng opisina upang tawagin ang binata at iabot ang dala niyang inumin. Hindi na niya pipigilan ang sariling damdamin, mamatay siya sa katitiis. Lumabas siya ng pinto ng management at nangiti ng makita si Dan na naglilinis ng lamesa. Tatawagin sana niya ang binata ngunit natigilan siya ng makitang palapit si Mika kay Dan.
Itinuloy na ni Dan ang kanyang ginagawang paglilinis sa lamesa. Wala pa namang gaanong tao sa loob ng bar. Lumapit sa kanya si Mika na may matamis na ngiti sa labi.
“Dan..” tawag ni Mika sa kanya.
Tumigil siya saglit at hinarap ang dalaga. Iniabot sa kanya ni Mika ang isang nakabukas na mineral water. Kinuha naman niya iyon.
“Salamat Mika.”
“Dan, tuloy ka pa ba bukas, nasabi ko na kasi sa kasera namin na titingnan mo.” ang paniniyak ni Mika, nasa labi pa din ng magandang dalaga ang hindi na mawalang matamis na ngiti.
“Pupunta ako Mika, kailangan ko na talagang lumipat. Kahit simple lang yung kwarto basta may banyo at lababo, lilipat na agad ako, kahit bukas na din. Kaunti lang namang yung mga gamit ko.”
“Asahan ko yan Dan ha, nakapagsabi na kasi ako.”
Tipid na ngumiti siya kay Mika, ramdam niya ang saya ng kausap. Sana ay mali siya ng iniisip ang laman ng isipan ni Dan.
“Pupunta ako Mika, wag kang mag-alala.”
“Mga anong oras bukas ng umaga. Para makapagluto naman ako kahit papano, makabawi man lang ako sa mga payo at tulong na naibigay mo sa akin.”
“Wag ka ng mag-abala Mika.”
“Anong ngang oras?” si Mika na parang naglalambing na bata, naalala niya si Diane.
Ngumiti siya na may lungkot sa kanyang mata.
“Seven siguro Mika.”
“Seven ha. Kita na lang tayo sa babaan ng sasakyan.” ang nakangiting sabi ni Mika.
Tumango na lang si Dan, hindi na siya ulit nakapagsalita ng maalala si Diane.
Tumalikod na sa kanya ang dalaga at bumalik na sa harap ng kaha ng magsimulang may pumasok na ilang customers. Sabado ngayon, maaga siyang pumasok para pandagdag sa sweldo, wala pang masyadong tao dahil hapon pa lang , sa gabi halos napupuno ang bar nila.
Napansin naman ni Dan ang mga kakaibang tingin ng mga ibang kasama niyang staff na lalake.
“Dahil na naman kay Mika.” ang nasabi na lang ni Dan.
Hindi naman naituloy ni Arcelle ang pag-aabot ng inumin kay Dan. Bumalik na siya ng opisina saka nag-isip ng malalim. Tinanong ang kanyang sarili kung handa na ba talaga siyang maglaro ng apoy at magtaksil sa kanyang asawa.
*****
Pagsapit ng gabi ay marami na ding tao sa bar. Ngunit ang pinakamagandang pwesto ay naka-reserved na para especial customers ngayong gabi.
Mayamaya pa ay dumating na sina Brandon at Christine at nagtuloy sa kanilang naka-reserved na upuan. Halos lahat ng mga kalalakihan na customers at staff ay hindi maiwasang hindi tingnan ang napakagandang si Christine lalo an at medyo hapit ang suot na bestida ng dalaga na lalong nagpakurba sa magandang hubog ng katawan ng dalaga. Nakaramdam naman ng labis na pagka-proud si Brandon dahil siya ang kasama ni Christine.
Lumapit ang isang staff sa kanila at nakipag-usap saglit. Pagkatapos ay saka muling ibinaling ni Brandon ang atensyon kay Christine.
“Everyone is mesmerized by your beauty Christine.” si Brandon na hindi maitago ang saya at pagmamalaki.
“Well, I don’t want to disappoint you, matagal ka ding nagmamakaawa para sa gabing ito.” ang sabi na lang ni Christine.
Sa counter naman ay hindi din maiwasan na hindi tingnan ni Mika at Alex ang dalawang special customers.
“Swerte ng lalake no Mika, super ganda at super sexy ng kasama.” si Alex na hindi maialis ang mainggit kay Brandon at humanga kay Christine.
“Kayo talaga, syempre mayaman yung lalake, tapos gwapo pa, hahanap ba naman yun ng hindi nya katulad.” si Mika na nakatingin din sa dalawa.
Mula naman sa kabilang side ng counter ay naririnig nila ang bulungan ng ibang staff na naghihintay ng gagawin.
“Ayos pre, ang swerte ni Sir, ang laman ng kasama. Nakakagigil ng sobra.”
“Kita muna pre, sa mukha at katawan pa lang, daig pa ang artista. Iba talaga pag mayaman, alaga ang sarili.”
Hindi naman masisi ni Mika at Alex ang dalawang staff mahinang nag-uusap. Dahil iyon naman talaga ang totoo.
Dumating na ang kanilang drinks at nagsimula ng uminom ang dalawa. Light ang kay Christine at medyo hard naman ang kay Brandon.
“So Christine, how about now? Nadagdagan na ba ang chance ko sayo?” si Brandon pagkatapos uminom ng kaunti.
“I don’t know, I feel the same, nothing change. Sabi ko naman sayo diba. Mahihirapan ka sa akin.” si Christine na uminom din ng kaunti.
“I’m willing to wait for you Christine, we’re still young. Hindi naman ako nagmamadali.” si Brandon na nasa boses ang bahagyang lungkot. Dahil matagal na din siyang nanunuyo kay Christine ngunit parang walang pagbabago sa status ng relationship nila.
“I told you Brandon, don’t expect too much, so it will hurt you less.” saka sinabayan iyon ng isang tipid na ngiti at muling uminom ng kaunti.
Nang matapos ang kanilang first set ay sumenyas na si Brandon na dalhin na sa kanila ang kanilang main course at special drinks. Apat na staff ang nag-asikaso sa kanila.
Mula naman sa store room ay lumabas na si Dan dala ang isang mamahaling alak at dinala iyon sa counter. Ibinigay sa bar tender at saka tumayo malapit kina Mika at Alex.
Napansin niyang may tinitingnan si Mika at Alex, gumawi din ang tingin niya doon. Nakatalikod sa kanya si Christine kaya hindi niya ito nakilala. Pero kilala na niya si Brandon dahil madalas ito sa kanilang bar at galanteng mag tip.
“Ngayon ko lang nakitang may kasamang babae si Sir Brandon.” si Dan na kaswal lang na nagsalita habang malapit kina Mika at Alex.
“Maghintay ka Dan kapag nakita mo yung kasama ni Sir Brandon, baka matumba ka sa sobrang ganda at sexy.” si Alex na hindi maitago ang paghanga talaga sa dalaga.
Nainis naman si Mika.
“Alex, hindi nyo naman katulad si Dan.” si Mika na nakatingin kay Dan.
Nilingon naman ni Dan si Mika at saka tipidna ngumiti sa dalaga.
“Tingnan natin.” si Alex na natatawa.
Tinapik si Dan ng bartender at saka sinabing iabot ang alak na binalot nito ng maayos kay Brandon. Kinuha naman niya iyon at lumakad na palapit sa kinaroroonan ng binata.
“Mika, panoorin mo ito, tingnan mo reaksyon ni dan pag nakita yung babae. Saka mo sabihin kung iba nga siya sa amin.” ang natatawang sabi na lang ni Alex.
Na-curious naman talaga si Mika, palihim niyang tiningnan kung ano ang magiging reaksyon ni Dan kapag nasa harap na ang magadang dalaga na kasam ni Brandon.
Dahil mula sa likod ng dalaga siya nagmula ay hindi niya nakilala pa si Chrstine. Kaya gayun na lamang ang pagkabigla ni Dan ng makita si Christine na kasama ni Brandon. Hindi naman siya pansin ni Christine dahil hindi ito nakatingin sa kanya.
“See Mika, kahit si Dan, nagulat ng makita yung magandang kasama ni Sir Brandon.” si Alex na maluwang na nakangiti.
Nakaramdam naman ng kaunting lungkot si Mika. Iba talaga kapag mayaman at maganda, maraming naaakit na lalake. “Maganda din naman ako, hindi nga lang mayaman.” ang malungkot na nasabi na lang sa isipan ni Mika. Saka muling tumingin sa direksyon ni Dan.
“Sir Brandon.” sabay abot ni Dan sa binata ng boteng hawak.
Dito natigilan si Christine, kilala niya ang boses na iyon, at sa kinakabahang dibdib ay dahan-dahan na tumingin sa waiter na nagsisilbi sa kanila ngayon. Sa isip ay sana ay mali siya ng akala, ngunit ng ganap niyang makita si Dan ay parang nawalan na siya ng lakas. Nabitawan niya ang wine glass at bumagsak iyon sa lamesa at natapon ang laman niyon. Ang iba ay tumulo sa sahig samantalang ang iba ay sa bestida at heels naman ni Christine.
Kinuha ni Dan ang nasa bulsa niyang malinis na pamunas at saka lumuhod sa tagiliran ni Christine upang punasan ang bestida at sapatos nito. Mabilis namang tumayo si Brandon at saka bahagyang inalis si Dan mula sa pagkakaluhod sa tabi ni Christine.
“Come on man, tingnan mong mabuti yung hinawakan mo.” si Brandon na parang galit dahil sa dumampi ang pamunas ni Dan sa binti ng dalaga.
Nakatingin lang si Christine kay Dan na nakatingin din naman sa kanya. Nakita ni Christine sa mata ni Dan ang ilang araw ng kalungkutan na naroon na ngayon ay dinagdagan pa niya. Malungkot na ngumiti lang sa kanya si Dan habang nakaluhod. Naalala niya ang minsang pagluhod din sa kanya ng binata ng itali nito ang tirintas ng kanyang sneaker. Ngunit ang ngiti ng binata noon ay puno ng lihim na pag-ibig at hindi mapait na tulad ngayon. Kailan lang ay magkasama silang magkayakap at magkahinang ang kanilang mga labi sa may rooftop ng school, na parang dalawang taong magkapantay ng pag-ibig sa isa’t-isa. Ngunit ngayon sa tunay na mundo ay nasa pedestal na ulit siya at nasa lupa na ulit si Dan, muli silang pinaghiwalay ng kanilang magkaibang mundong ginagalawan.
“Christine, are you ok?” si Brandon na nakatingin kay Christine.
Lumipat naman ang tingin ni Brandon kay Dan at lalong nainis ng makitang nakatingin ito kay Christine.
“Hey, huwag yung kasama ko ang tingnan mo kung hindi yung nililinis mo.”
Lumapit na si Alex upang tulungan si Dan samantalang nag-aalala naman na nakatingin si Mika dahil sa pag-aakalang si Dan ang may kasalanan kung bakit parang nagalit si Brandon.
“Sir, may maitutulong po ba ako sa inyo?” si Alex na nakatingin kay Brandon.
“Pakipalitan na lang yung wine na natapon. Bring a new set. Ang bring some clean towel para sa dress ng kasama ko.” ang magkakasunod na utos ni Brandon.
“Yes Sir.” at tumalima na si Alex na saglit lang na tiningnan si Dan na naglilinis sa sahig.
Mula naman sa kabilang side ng bar ay tuwang-tuwa ang ilang staff dahil sa nakita at sa mahihinang boses ay nag-uusap na magkakasama.
“Nakuha mo Dan, karma yan sayo, kabago-bago mo at gusto mo na agad na sayo si Mika.”
“Kawawain mo pa Sir Brandon ng magtanda. Call the manager para masisante ng maaga.”
“Tsk. Tsk. Wala na ngang tip napahiya pa ng husto sa harap ng magandang babae.”
Tumayo naman si Dan pagkatapos linisin ang sahig at nagpaalam sa dalawa.
“Sir, Mam, kung wala na po kayong kailangan.” si Dan.
“Go.” si Brandon sa malamig na tinig.
Si Christine naman ay kanina pa nagpipigil. Gusto nyang yakapin si Dan at ipadama sa binata ang kanyang pagmamahal. Gusto niyang sumigaw na boyfriend niya ang nasa harap na binata at patahimikin ang lahat ng naroon maging si Brandon. Ngunit hindi niya nagawa. Mabilis siyang tumayo, tumingin sa papalayong si Dan ng buong pait at lungkot.
“Let’s go Brandon. I’m really tired.” si Christine na bahagyang pinalis ang luha sa sulok ng kanyang mga mata
Mabilis na lumakad na palabas ng bar si Christine at kasunod naman si Brandon.
Lumabas si Arcelle mula sa office nito ng may nag-report ng isang problema sa kanilang special guest ngayong gabi. Isa-isa niyang kinausap ang mga staff at ang tatlong staff na lalake ang nagsabi na si Dan ang may kasalanan kahit hindi sumang-ayon sina Alex, Mika at ang bartender. Hindi makapag-desisyon agad ng gagawin si Arcelle. Alam nyang mabait si Dan, at ayaw nyang bigyan ito ng problema dahil “special” sa kanya ang binata. May special treatment siya kay Dan na ayaw niyang maging obvious sa mga staff na naroon.
Sa loob naman ng kotse ay inutusan ni Christine si Brandon.
“Brandon, listen to me carefully. Go back there and fix the mess I created. Don’t let them put the fault at the guy who tried to help me.” saka tiningnan ni Christine ng malamig si Brandon.
Nagtataka man si Brandon ay mabilis siyang lumabas ng sasakyan at bumalik sa loob ng bar. Naiwan namang umiiyak sa loob ng sasakyan si Christine dahil sa matinding galit sa kanyang sarili.
“You’re a damn bitch Christine! You don’t deserve him.” ang naluluhang sabi na lang dalaga sa sarili.
Inayos naman ni Brandon ang problema at sinabing walang kasalanan si Dan. Humingi siya ng paumahin sa lahat at saka sinabing babayaran lahat ng kanilang total bill na may kasamang tip sa lahat ng nagsilbi sa kanila. Nag-usap pa sila ng manager at pagkatapos ay saka siya lumapit kay Dan. Kilala naman niya sa pangalan ang binata dahil lahat ng staff doon ay may nameplate sa dibdib.
“Dan, pasensya ka kanina. I let my emotion get the best of me.” si Brandon habang nakatingin kay Dan.
Tumango lang si Dan, sa isang tulad niya ng katayuan ay normal lang ang mga pangyayaring tulad noon. Ngunit hindi niya inaasahan na mangyayari yun sa harap ni Christine.
“Ok lang po Sir Brandon. Nauunawaan ko po.”
Saglit pang tiningnan ni Brandon ang mga staff na nasa harapan at saka siya tuluyan ng lumabas ng bar.
*****
Sa loob ng kwarto ni Christine ay walang ginawa ang dalaga kung hindi ang umiyak. Mahal niya si Dan ngunit bakit hindi niya magawang harapin ang mundo ngayon sa piling ng binata. Nasa isipan pa din niya ang tingin nito sa kanyang mata na puno ng kalungkutan. Ilang araw ng nagdurusa ang puso ni Dan at ngayon ay dinagdagan pa niya
*****
Halos hindi na namalayan ni Dan kung paano siya nakauwi dahil sa dami ng kanyang iniisip at magkakahalong nararamdaman. Sa pag-alis ni Diane at sa ngyari kanina sa pagitan nila ni Christine. Pagdating niya sa bahay ay nakita niyang maingay na nag-aayos ang mga bagong nakatira kahit hatinggabi na. Nang marinig ng isa mga ito ang pagbukas ng gate ay lumabas ang isang dalagita at lumapit sa kanya.
“Ikaw ba si Dan?” ang nakangiting tanong nito sa kanya.
Tumango naman ang binata.
“Para sayo, galing kay Ate Diane? Iniwan niya sa akin yan ng pumunta kami dito bago sila umalis. Ibigay ko daw sayo, pero ngayon lang kami nakalipat.” at saka inabot sa kanya ng dalagita ang isang sulat.
Kinuha naman niya iyon at nagpasalamat sa dalagita.
“Salamat.”
At saglit pa siyang tiningnan ng dalagita at bumalik na ito sa loob ng bahay. Nagtuloy na si Dan sa kanyang kwarto, mag-isa na lang siya ngayon dahil ilang araw na din ng nakalipat si Edwin. Naupo siya sa gilid ng kama at saka binasa ang sulat sa kanya ni Diane.
“Dear Kuya Dan,
I love you.
Magiging matatag ako para sayo, kaya sana ay ganun ka din kahit magkalayo na tayo. Hindi na ako bata Kuya Dan, alam kong mahal kita.Pero dapat din akong magparaya sayo. Ayaw kong umiyak ka kahihintay sa akin Kuya Dan.
Kaya kapag may nakilala kang iba na nais mong mahalin. Dapat mas mahal mo siya ng higit sa akin kung hindi ay magagalit ako sayo. Huwag mo din akong ipagpapalit sa hindi mas maganda sa akin ha.
I love you Kuya Dan. Sana ay maging masaya ka pa din kahit nasa malayo ako. Promise mo ito Kuya Dan sa akin. Kahit ito lang ang matupad mo ay masaya na ako.
I love you Kuya Dan,
Diane”
Pagkatapos basahin ang sulat ni Diane ay muli na namang tumulo ang luha ni Dan. Alam niyang umiiyak si Diane habang isinusulat ito ng dalaga. Pilit na pinapalakas ang loob nilang dalawa at kapwa ihinahanda ang kanilang mga sarili sa sandaling hindi sila ang para sa isa’t-isa.
Ibinalik niya ang sulat sa magandang lagayan nito. Hinalikan iyon at saka itinabi. Kailangan niyang tuparin ang huling pangako na nais ni Diane, kailangan niyang bumalik sa dating siya upang kahit sa ganito ay matupad niya ang huling pangako na nais ni Diane para sa kanya.
“Salamat Diane.” ang buong pusong nasabi na lang ni Dan.
(Ipagpapatuloy…)