Tukso kay Dan Part 33

Chapter 33

Humihingal sa pagod si Anton at masakit na din ang kanyang kamao. Minsan pa niyang tiningnan si Lance na nasa sahig at pilit na kumikilos upang muling lumuhod sa harap niya. Ang galit sa kanyang diddib ay nabawasan na ng bahagya. Kung hindi lang alang-alang sa mga magulang ni Lance na matagal na ding panahon niyang mga kaibigan ay hindi pa niya titigilan ang binata.

Ngayon ay halos manhid na ang katawan ni Lance dahil sa masasakit na suntok ng ama ni Angela at dahil sa matinding hapdi sa kanyang dibdib. Pagkatapos na muling ayusin ang pagkakaluhod sa harap ni Anton ay muli siyang nakiusap at nagmakaawa.

“T-Tito please, I-I’m really sorry, patawarin nyo na ako ni Tita Alice.” ang pagsusumamo ni Lance habang nakayuko sa harap ni Anton.

Tiningnan ng matiim ni Anton si Lance. Ibinaba niya ang kanyang katawan at tumingin sa mukha ng binata.

“I’m capable of doing much more than this para kay Angela. Ngunit hindi iba sa akin ang mga magulang mo. And only because of that, kaya
hindi ka aalis na baldado sa bahay na ito.” ang madiin at puno ng galit na sabi ni Anton.

Dahil sa narinig ay lalong namahay ang kaba sa dibdib ni Lance. Tumayo na si Anton na nakatingin pa din kay Lance.

“I-I’m really sorry Tito. ” ang muling pakiusap ni Lance ng patawad.

“Lance, start from today. You are not to approach my daughter, wag kong malalamang nasa malapit ka ni Angela kung hindi ay kakalimutan kong anak ka ng mga magulang mo. I’ll see your parents tomorrow to discuss about this stupidity of yours. Now! Get out of here!” ang malakas na sigaw ni Anton upang palayasin na palabas si Lance.

Nagulantang naman si Lance at bahagyang natumba sa kanyang pagkaluluhod, nagpumilit na tumayo, yumukod sa harap ni Anton at saka mabilis na lumakad na palabas ng bahay. Habang mabilis na naglalakad ay nakaramdam siya ng panlalamig ng makita si Alice na nakatayo sa salas at naghihintay sa kanya. Lalo siyang kinabahan ng magsimula itong lumapit sa kanya.

“Lance” ang malamig na pagtawag ni Alice

Nilapitan ni Alice si Lance, nakita niya ang ilang sugat sa namumula nitong mukha, napangisi siya sa binata.

“Kulang pa yan Lance sa ipinaranas mong kahayupan sa anak ko.” ang madiin na sabi ni Alice, halata pa din ang pagpipigil sa galit na nararamdaman.

At saka marahas na inilagay ni Alice sa dibdib ni Lance ang isang magandang parihabang box. Hinawakan naman iyon ng binata at nagsimula na namang lumuha. Tumalikod naman si Alice at muling umakyat sa itaas.

Naiwan si Lance na lumuluhang mag-isa sa salas. Binuksan ni Lance ang hawak na box at nakita niya ang gintong bracelet na regalo niya kay Angela noong eighteenth birthday ng dalaga. Malungkot niyang muling isinara ang box at mabilis na lumabas. Dumiretso sa loob ng kanyang sasakyan at doon patuloy na umiyak.

Muli namang bumalik si Alice sa kwarto ni Angela at umupo sa gilid ng kama ng anak. Agad namang bumangon sa kanyang pagkakahiga si Angela at muling yumakap sa ina. Nagsimula na namang umiyak ng walang patid ang dalaga.

“Sshhh… Tahan na Iha, it’s all over. Naibalik ko na kay Lance. You know how much your Dad loves you Angela. Alam kong tiniyak niyang hindi ka na muli pang lalapitan ni Lance. Stop crying na Angela.” ang pagpapakalma ni Alice sa anak habang hinahagod ang mahaba nitong buhok.

“T-Thanks Mom, I don’t want to see him ever again.” ang sabi ng humihikbing si Angela, may takot pa din sa dibdib ng dalaga.

“Don’t worry Iha, you’ll be safe from him. Maghapon na sa school mo si Mang Lando.” pilit na pinapakalma ni Alice si Angela na natatakot pa din talaga.

Nanatiling nakayakap naman si Angela sa ina, labis pa din ang takot na kanyang nadarama kahit ligtas na siya at nasa piling na ng kanyang mga magulang. Naalala niya si Dan, nais niya itong makita ngunit natatakot naman siyang lumabas.

“Dann… I-I want to see you now..”ang mahinang sabi ni Angela habang tahimik na umiiyak at nakayakap sa ina.

Natigilan naman si Alice dahil sa narinig ngunit hindi na inusisa pa ang anak na umiiyak sa kanyang dibdib. Sa halip ay kanyang tinandaan ang pangalang binanggit ni Angela, ang pangalan ng binatang kaklase ng anak na labis nitong minahal ng higit sa kanila ni Anton.

Pagkaalis naman ni Lance sa kanyang harapan ay muling naupo si Anton at patuloy na uminom. Ang laman ng kanyang isipan ay ang lalakeng lihim na kasintahan ni Angela na pinagbigyan na ng anak ng sarili nito. Kailangang makilala niya ito ng maaga upang kanyang malaman ang buong pagkatao nito. Nag-iisa niyang anak si Angela na siyang magtatamasa ng lahat ng kanyang naatikha. Hindi siya papayag na gagamitin lang si Angela na maging tuntungan ng kung sinuman para mabilis na guminhawa sa buhay.

*****

May kalahating oras pa bago matapos ang kanilang pinanonood ni Dan ay naramdaman ni Christine ang paglapat ng ulo ng binata sa kanyang ulunan at bumitaw na din ang kamay nito sa kanya. Ipinaling niya ang paningin at malayang pinagmasdan ang napakalapit na maamong mukha ni Dan. Itinaas niya ang kanyang kamay at banayad na hinaplos ang mukha ng natutulog na si Dan. Ibinalik niya ang paningin sa harap ngunit hindi na niya inalis ang kanyang palad sa mukha ng binata at patuloy iyon na marahang hinaplos-haplos.

Nagising si Dan dahil sa mararahang pagtapik sa kanyang pisngi at sa malambing na pagtawag sa kanya ni Christine.

“Wake up Dan…”

Inayos ni Dan ang kanyang pagkakaupo at saka nakangiting tumingin kay Christine.

“Morning Dan.” ang malambing na pagbibirong sabi ng dalaga. Naalala ang ginawang pagbati sa kanya ng binata ng minsan siyang nakatulog sa lamesa habang nasa bahay niya si Dan.

“Daya mo, di mo ako ginising, di ko tuloy natapos.” ang nagkunwang nagtampo na sabi ni Dan.

“You didn’t wake me up too, nung last time na nasa house ka namin.” ang nakangiting paalala ni Christine.

Saglit na nag-isip si Dan, inalala ang nakaraan at saka ngumiti kay Christine.

“Christine, gising ka nun, tandaan mo, alam mong hinalikan kita habang natutulog ka.” si Dan naman ngayon ang nanunukso sa dalaga.

Nahiya naman ng bahagya si Christine, at hinampas ng mahina ang dibdib ni Dan.

“Lagi na lang… ” ang nagtatampong si Christine.

Ngumiti naman si Dan sa dalaga at siya naman ang humaplos sa pisngi nito.

“I love you Christine.”

Nawala na ang tampo ni Christine, magaan na ulit ang kanyang pakiramdam.

“I love you too Dan.”

Hinawakan naman ni Dan ang kamay ni Christine at inaya ng tumayo, saka mabilis na hinalikan ang labi nito. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay hindi na hinayaan ni Christine na mawala ang kamay ni Dan sa kanya. Magkahawak-kamay silang lumabas ng sinehan, ngunit ng nasa maliwanag na parte na ay napilitan na ding silang bumitaw. Naunang lumakad si Christine at sumunod naman si Dan. Nalungkot naman si Christine dahil ganito ang sitwasyon nila ngayon. Mahirap pala talaga kapag lihim ang relasyon. Alam na niya ngayon ang pakiramdam ni Dan ng nagsisimula pa lang sila. Ngunit kailangan niyang magtiis pa dahil nagtitiis din naman si Angela na tulad niya. Dahil dito ay ipinangako sa sarili ni Christine, na kapag dumating ang panahong pinili siya ni Dan ay hindi na niya itatago ang kanilang relasyon at hahayaan itong mahayag kaninuman.

Magkasunod silang sumakay pababa ng escalator, at ng nasa sumunod na palapag na sila ay magkatabi na ulit silang naglakad. Napansin naman ni Dan ang pananahimik ni Christine.

“Christine, may iniisip ka ba? Gusto mong sabihin?”

Tumingin lang saglit si Christine kay Dan at saka ibinalik ang paningin sa harapan.

“I just think na nagkamali ako ng decision ng pumayag akong maging secret ang relationship natin. Kung noon pa lang ay naka open na tayo sa lahat at hindi nakatago. You’re still mine, and mine alone.” ang malungkot na sabi ng dalaga.

Natigilan naman si Dan, hindi makahanap ng sasabihin upang alisin ang kalungkutan ng dalaga. Dahil alam niya ang nais na mangyari ni Christine, ang maging silang dalawa lang ulit at walang ibang kahati ang dalaga.

“I’m sorry Christine.”

Umiling naman si Christine, muling tumingin kay Dan at saka tipid na ngumiti.

“No, don’t feel sorry for me. Tayo pa din naman at may pangako ka sa akin, remember?”

Marahang tumango si Dan at ngumiti din kay Christine.

“Tayo pa din at hindi ko kakalimutan ang huling pangako ko sayo.”

Nagpatuloy silang naglakad hangang sa makarating sila sa labas ng mall, malapit ng lumatag ang gabi at lampas alas-sais na ng hapon. Dahil sa nakikitang kalungkutan ni Christine ay hinawakan ni Dan ang kamay ng dalaga. Pinisil iyon at inaya ang dalaga na maglakad muna papunta sa garden sa gilid ng mall. Natuwa naman si Christine, magkahawak-kamay ulit silang dalawa kahit may mga tao ng nakakakita.

Tumigil sila sa tapat ng isang kahoy na upuan na nasa medyo madilim na lugar , at kakaunti lang ang tao at malayo pa sa daanan. Umupo silang dalawa, nanatiling magkahawak ang kanilang kamay at nakahilig na muli ang ulo ni Christine sa balikat ni Dan.

“Gaano pa katagal Dan?” ang tanong ni Christine, ang tinutukoy ay ang oras bago muli silang maghiwalay.

“Twenty minutes pa.” ang mahinang sabi ni Dan

“Malapit na pala.” hindi maitago ni Christine nag lungkot na nadarama. Hindi naman dating ganito ang pakiramdam niya tuwing nalalapit silang maghiwalay ni Dan. Ngunit simula ngayong araw ay may nagbago na, dahil nalaman niyang nakikihati na lang pala siya ng mga sandali kay Angela.

Hinaplos ni Dan ang pisngi ni Christine at saka banayad na hinalikan ang labi ng dalaga. Hinawakan naman ni Chrstine ang batok ni Dan, nais niyang maramdaman ng matagal pa ang mainit nitong halik. Naghiwalay ang kanilang labi ngunit hindi ang kanilang paningin sa isa’t-isa.

“Dan, sana, dumating ang time na maging akin ka lang ulit.” ang malungkot na sabi ni Christine.

“I love you Christine, pero mahal ko din si Angela. Alam kong nagiging makasarili ako ngunit ito ang nararamdaman ko. I’m sorry Christine, isa lang ang kaya kong gawin para sayo. Yun ay ang tuparin ang huling pangakong binitawan ko sayo. Kailanman ay hindi kita iiwan Christine.” ang matapat na sabi ni Dan.

Napaisip naman ang dalaga, nais tiyakin sa isang tanong ang binata.

“What if pinapili ka ni Angela? At kailangan mong pumili ng isa, anong gagawin mo Dan?”

Sa isip ni Dan ay humiling siyang huwag sanang dumating ang panahong kailangan niyang pumili ng isa. Dahil alam niyang kapag pinili niya si Angela ay mabigat ang magiging kapalit sa kanya.

“Christine… Kapag nangyari yun.. Dalawa pa din kayong pipiliin ko.”

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Christine. Alam niyang hindi pa ngayon ang panahon na pinapangarap niya. May kahati man siya ay nagsisimula pa lang sila. Marami pang maaaring magbago sa takbo ng buhay nilang tatlo. Maaaring sa bukas o makalawa, o sa susunod na buwan, kahit abutin pa ng taon, umaasa siyang darating ang araw na sila na lang ulit dalawa ang tanging magkasama.

“Thank you Dan, ok lang na hindi ka pumili. Since alam ko kung sino ang mas matimbang sayo ngayon. But I still believe sa future na wala akong kahati. Like before ng nagsimula tayo, ikaw lang at ako, tayong dalawa lang.”

Niyakap nalang ni Dan si Christine habang nakaupo pa din silang dalawa. Ayaw niyang paasahin si Christine at magsabi sa dalaga na darating ang araw na pinapangarap nito. Dahil alam niya sa puso niya na tapat niyang iniibig si Angela ng mas higit kaysa kay Christine. Gumanti din naman ng ng pagyakap si Christine kay Dan. Alam naman ni Christine ang saloobin ni Dan. Nakahanda na siyang maghintay kahit gaano pa katagal, basta hindi niya papayagang iwan siya ni Dan. Ipaglalaban niya ang binatang iniibig hangang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Nanatili pa silang dalawang magkasama ng ilang minuto pa. Magkatabing nakaupo habang magkahawak pa din ng kamay. Nag-usap ng kung ano-ano lang tungkol sa buhay at pinagdaanan ng bawat isa. Nang dumating na ang oras na kailangan na nilang maghiwalay muli silang nagyakap at minsan pang pinaghinang ang kanilang mga labi. Ramdam nila ang kapwa nila pananabik na muling makapiling ng sarilinan ang isa’t-isa. Mahirap talaga kay Dan ang ganitong pakiramdam lalo’t napakalapit sa kanya ng katawan ng dalaga. Nakakasabik din talaga ng husto ang katawan ni Christine.

“Christine… Kailan tayo ulit?” ang tanong ni Dan ng hindi napigil ang sarili.

“Tell me Dan, kailan ulit ang ano?” ang panunukso ni Christine kay Dan, naglalaro na naman ang dalaga.

“Christine… Alam kong hindi kita pinagbigyan ngayong araw. Kaya nga ako nagtatanong ako kung kailan ulit para matuloy na tayo.” ang sabi ni Dan na may halong pakiusap.

“Well, since I don’t know what you mean, I can’t give you an answer.” ang nakangiting sagot naman ni Christine, patuloy ang kanyang laro.

Napabuntunghininga na lang si Dan sa ginagawang paglalalaro sa kanya ni Christine. Inilapit ang labi sa tenga ni Christine at saka sinabi ang nais na alam na din naman ng dalaga.

“Kailan tayo magmo-motel ulit Christine para mapunlaan na ulit kita.”

Nag-init naman ang pakiramdam ni Christine ngunit pinigil ang sarili. Ngumiti na lang si Christine, gustong-gusto na din naman niya ang muling mapunlaan ni Dan, kahit ngayon ay maaari na kung hindi papasok ang binata para magkasama saglit sila. Ngunit balak niya talagang sabikin ng husto si Dan, malaki ang tiwala niya sa kanyang karisma at napakagandang hubog ng katawan.

“I’m not sure, maybe after a week or two. Ayaw mo kanina diba, so, magtiis ka muna Dan.”

“Christine… Alam kong sinasadya mo akong sabikin.” ang nagtatampong si Dan.

“You have Angela too Dan diba, mabuti sana kung ako lang, may ibang option ka pa naman.” si Christine naman ang nagtampo, totoo naman ang sinabi niya.

“Christine, iba ka at iba si Angela, magkatulad ko kayong love pero hindi iisa ang inyong katawan.” ang paliwanag ni Dan, hindi niya makuhang magalit kay Christine, siya din naman ang may kasalanan kung bakit ganito ngayon ang dalaga.

Dahil sa narinig ay nasiyahan naman ang puso ni Christine, alam niyang mas mahal ngayon ni Dan si Angela ngunit mas nakakasabik sa kama ang katawan niya. Lamang pa din siya kay Angela lalo na pagdating sa pagbibigay ng kaligayahan sa init ng laman kay Dan. Lalong idinikit ni Christine ang kanyang malusog na dibdib sa harap ni Dan, at saka inilapit ang kanyang labi sa tenga ng binata upang mainit na magsalita ng mahina.

“Kapag sabik na sabik ka na sa akin Dan, because I want you to beg for it. Then, only then, who knows, baka pagbigyan na din kita.” ang mainit na sabi ni Christine, nais na sabikin ng husto si Dan na alam niyang kanina pa gigil na gigil na malaman kung kailan ulit sila magkakasarilinan.

Lalo namang uminit ang pakiramdam ni Dan dahil muli na namang nadikit sa kanyang katawan ang malusog na dibdib ni Christine.
Kinuha ni Christine ang kamay ni Dan at inilagay sa isang niyang malusog na dibdib. Madilim naman sa paligid at halos kaunti lang ang tao. Dahil sa matinding init na nararamdaman ay napapisil naman si Dan at muli niyang naramdaman ang masarap na pakiramdam sa kanyang palad ng malusog na dibdib ng dalaga. Minsan pang naghinang ang kanilang ang labi habang hawak ni Dan ang isang dibdib ni Christine. Kusa ng inilayo ni Christine ang kanyang katawan kay Dan. Ngunit hinayaan ang kamay ng binata sa ibabaw ng kanyang dibdib.

“Hindi mo pa ba aalisin Dan? Hindi ka makakapasok sa work mo nan?”

Nakangiting napailing na lang si Dan, inalis ang kamay sa dibdib ni Christine. Napilitan na siyang hawakan na ang kamay ng dalaga at saka ito itinayo. Kailangan na niyang ihatid ang dalaga at papasok na din siya. Naglalakad na sila papunta sa abangan ng sasakyan ay mainit pa din si Dan, nais na sana niyang matapos ang paglalaro ni Christine sa kanya.

“Christine…” ang mahinang tawag ni Dan.

“Yes…?” ang malambing namang sagot ng dalaga.

“Kailan nga… Kailangan ko pa ba talagang magmakaaawa pa sayo.” nagtatampo na talaga na ang binata.

Lihim namang natutuwa si Christine sa kanyang nakikitang pananabik ni Dan.

“Say please muna Dan…” ang nakangiting sabi naman ni Christine, alam nyang nagtatampo o nasusuya na si Dan ngunit wala siyang pakialam. Kanya ang kanyang katawan, kahit nasasabik na din ay siya ang masusunod kung kailan niya ito pagbibigyan.

Huminga ng malalim si Dan, wala din naman siyang magagawa.

“Please Christine. Kailan…”

Hindi sumagot si Christine hanggang sa may abangan ng sasakyan, alam naman niya ang pakiramdam ni Dan. At ng may tumigil ng taxi sa tapat nila ay humarap si Christine kay Dan. Mabilis na hinawakan ang batok ng binata at kinabig ito upang mabilis na paghinangin ang kanilang labi. May ilang taong nag-aabang na nagulat sa kanyang ginawa, kung may iba pa silang naramdaman ay suliranin na nila iyon. Nang matapos ay saka bumulong sa natigilang binata.

“Very soon…, magpapakasawa ka na ulit.” ang mainit at puno ng lambing na sabi ni Christine.

At pagkatapos magpasilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi ay pumasok na si Christine sa loob ng taxi. Lumingon saglit kay Dan, kumaway ng paalam at saka pinaalis na ang sinasakyan. Naiwan naman si Dan na mainit ang pakiramdam. Muli siyang napailing ng mapansin ang ilang kalalakihang nakangiti sa kanya na may ibang kahulugan.

Ilang sandali din siyang naghintay at siya naman ang sumakay ng sasakyan papunta sa resto-bar. Habang nasa sasakyan ay tuksong muling pumasok sa kanyang isipan si Christine. Matinding magpainit ng katawan at maglaro ang dalaga, talagang nadadala at tinatablan siya. Sa isip ni Dan ay humanda si Christine sa kanya sa sandaling nasa iisang kwarto na sila at magkasama, lalamugin niya talaga ng husto sa pagmamahal at sarap ang dalaga.

*****

Pagkababa sa sasakyan at nasilayan ang lugar na pinapasukan ay naalala niya si Arcelle. Sana ay muli silang makabalik ng tuluyan sa dati nilang sitwasyon at relasyon. Ayaw na niyang madagdagan pa ang kasalanan nilang dalawa. Pagpasok sa loob ng resto-bar ay napansin niyang wala si Mika sa may kaha. Patuloy siyang naglakad papunta sa locker room at doon niya naabutan si Alex. Gaya ng dati, may bote ng softdrink na kasama at ilang biskwit na may palaman na.

“Dan, punta tayo sa office ni Mam, kaaakyat lang ni Mika, tayo na lang inaantay. ” ang sabi ni Alex pagkatapos ubusin ang iniinom.

“Para san daw?” ang nagtataka namang tanong ni Dan.

“Catering Pre, lagi ako doon eh. Tapos day-off sa Sabado ni Mika, kaya malamang na kasama din natin siya. Alam na din naman ni Mika ang gagawin dahil nakasama na siya minsan.” ang nakangiting paliwanag ni Alex sa kaibigan.

“Bakit ako nakasama? Wala pa naman akong experience dun. Sana yung iba na lang Alex para hindi kayo magkaroon ng problema kung sakali.”

Umiling naman si Alex at muling ngumiti sa kanya.

“Dan, akong bahala sayo. Kasama mo ako kaya wag kang mag-aalala. Tatlong dahilan kung bakit ikaw ang sinabi kong gusto kong kasama. Una, para matuto ka, ikalawa, minsan malaki ang bigayan ng tip dun, lalo na kapag galante ang mga nagpunta, at ikatlo, para may kasamang pauwi si Mika.”

Napangiti naman si Dan, mabait talaga si Alex at labis na maaalalahanin kay Mika. Pagkatapos mabilis na nagpalit ng uniform ay gumawi na sila ni Alex papunta sa opisina ni Arcelle. Kumatok muna si Alex, at mula sa salamin ng pinto ay sumenyas si Arcelle na magsipasok sila sa loob. Gaya ng sinabi ni Alex, naroon na nga si Mika sa loob at magkakatabi silang nakatayo sa harap ni Arcelle.

“Alex, alam mo na, may catering tayo sa Saturday ng gabi. Alam nyo na naman ni Mika ang gagawin. Ikaw ang palaging ipinapadala ko dahil I trust you pagdating sa ganito. Bukas ibibigay sayo ang mga ihahanda at lahat ng kailangan nyo, ok.”

“Yes Mam.” ang sagot ni Alex.

“Mika, nasabi ko na kanina, kailangan kita para magbigay ng support kay Alex dahil nakasama ka na minsan. Since day-off mo naman sa Sabado. Mag overtime ka na lang.”

“Yes po Mam.” ang nakangiting sagot ni Mika. Masaya ang pakiramdam niya. Kasama niya ang mahal niyang si Dan at ang kaibigan niyang si Alex.

Ngayon ay sa kanya na nakatingin si Arcelle. Lihim namang nakahinga ng maluwag at natuwa si Dan ng kanyang mapansin na suot na ni Arcelle ang wedding ring nito.

“Dan…”

“Mam…”

“Nagdadalawang isip talaga ako kung papasamahin kita. But I trust Alex at siya ang nag-request na isama ka. Sundin mo lang ang sasabihin niya, at labis na mag-ingat. Kasama mo naman silang dalawa, magtanong kung kailangan.”

“Opo Mam.”

Marami pang sinabi sa kanila at ipinaliwanag si Arcelle. Ngunit mas higit na para sa kanya ang mga iyon dahil unang beses niyang magsisilbi sa ganitong okasyon.

“Ok, is everything clear?” ang huling sabi sa kanila ni Arcelle.

“Yes Mam.” Ang halos magkakasabay nilang tugon.

“Alex, Mika, lakad na, bumalik na kayo sa mga pwesto nyo. Dan, maiwan ka saglit, may sasabihin lang ako sayo.”

Tinapik ni Alex sa balikat si Dan at palihim na ngumiti naman si Mika ng dumaan sa harap ng binata. Nakalabas na ang dalawa ng muling magsalita si Arcelle.

“Nagkaayos na kami ng asawa ko Dan.” ang sabi ni Arcelle, malumanay ang boses nito ngunit hindi naman nakangiti.

“Mabuti naman po Mam kung ganun. Masaya po ako para sa inyo.” ang matapat na sagot ni Dan, dahil masaya siya at hindi na nasira ng tuluyan ang pagsasama ng mag-asawa.

“Talaga bang masaya ka para sa akin Dan? Walang kang pag-aalinlangan?” ang magkasunod na tanong ni Arcelle, lihim na naman siyang nainis sa sarili. Tapos na ang kanilang bawal na relasyon at maayos na ulit sila ni Arman. Ngunit ngayong nakita na naman niya si Dan ay parang naghahangad na naman siya. Na parang nais niyang magkaroon ng alinlangan si Dan sa naging mabilis na pagtatapos ng bawal ngunit masarap at mainit nilang relasyon.

Natigilan naman si Dan sa klase ng mga tanong na naririnig niya mula kay Arcelle. Na para bang nais pa nito na huwag pa silang matapos. Ngunit pinigilan niya ang sarili, kailangan niyang paglabanan ng husto ang tukso ni Arcelle, alang-alang sa kanilang dalawa. Hindi na dapat sila muling magkasala.

“Yes Mam. Masaya po talaga ako para sa inyo.”

Ngumiti naman si Arcelle, kahit may halong pait sa kanyang dibdib. Ngayon niya natiyak sa sarili, hindi niya mahal si Dan, ngunit nagnanasa pa din siya dito. Isang uri ng pagnanasa na kailangan niyang supilin para sa kanilang bagong simula ni Arman.

“Ok Dan, salamat. Sige na, bumalik ka na sa loob.”

Yumukod si Dan kay Arcelle, tumalikod at saka gumawi na sa may pinto. Ngunit natigilan ng marinig niya mula sa kanyang likuran at malambing na pagtawag ni Arcelle.

“Dann…”

Lumingon si Dan at nakalapit na pala sa kanya si Arcelle, mabilis siyang kinabig ni Arcelle upang mainit na halikan sa labi. Nais niyang kumalas sana ngunit hindi siya hinayaan ni Arcelle. Nanatiling magkahinang ang kanilang labi ng matagal. Nasarapan din naman si Dan na kailangan niyang tanggapin. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay nagtataka si Dan na nakatingin kay Arcelle. Dapat ay tapos na sila dahil nagkaayos na din ang mag-asawa.

“Last na yan Dan. Wala na yang kasunod.” ang sabi ni Arcelle habang nakatingin sa mga mata ni Dan.

Tumango naman si Dan. Inilapit ang kanyang labi sa pisngi ni Arcelle at banayad na humalik doon.

“Salamat Arcelle… sa mainit nating alaala.”

At saka tuluyan ng lumabas si Dan at naiwan si Arcelle na mainit ang pakiramdam. Labis na nagsisisi kung bakit minsan pa niyang hinalikan si Dan. Napailing na lang si Arcelle sa sarili, “no, this need to stop now”. At nakangiti siyang muling bumalik sa kanyang upuan at hinarap ang papel na nasa kanyang lamesa. Ngunit ilang saglit din ay tumigil at saka sumandal sa kanyang upuan habang nag-iisip, “shit Arcelle, basa ka na naman, ang landi mo talaga” ang sumbat sa kanya ng kanyang kunsensya. Kailangan na talaga niyang tumigil bago siya muling lamunin ng apoy ng tukso at pagnanasa. Maayos na ang pagsasama nilang mag-asawa, hindi na niya kailangang muling lamatan pa.

*****

Pagdating ni Christine sa kanilang bahay ay masaya siyang sinalubong ng kanyang ina habang nakaupo lang ang kanyang ama. Nagtataka ang dalaga dahil late na naman siyang nakauwi at hindi nagalit ang kanyang ina. Nakaramdam siya ng iba, may hindi sinasabi sa kanya ang mga magulang.

“I’m sorry, nalibang ako kasama ng mga friends ko.” ang dahilan na lang niya.

“It’s alright Christine. Nag dinner ka na ba?” ang nakangiting tanong ng kanyang ina.

“Tapos na Ma, upstairs na ako, I want to refresh myself muna.” ang paalam ni Christine, nais niyang mawala ng mabilis sa paningin ng mga magulang.

Ngunit hindi pa siya nakakatungtong sa unang baytang ng hagdanan ng magsalita ang kanyang ama.

“Christine, he’s here. And he is waiting for a very long time sa pagdating mo. I want him to go back to his home after ng dinner because I feel embarassed about your attitude. It’s late na Christine, napag-usapan na natin ito noon diba.” ang madiin na sabi ng kanyang ama.

Ngayon ay alam na ni Christine kung bakit masaya ang kanyang ina at galit naman ang kanyang ama. Ngunit mayroon pa siyang ibang pakiramdam. Naalala niyang noon pa siya nais kausapin ng mga magulang about something serious na hindi matuloy-tuloy. Ngayon ay narito na naman si Brandon. Naiinis na talaga siya, nais na niyang makawala sa mga ito ngunit wala naman siyang magawa. Hindi pa niya kayang mabuhay ng mag-isa at mawala lahat ang kaginhawaan na tinatamasa niya.

“Hon, don’t get upset. Christine is here now and she will be with him shortly.” ang mama ni Christine habang nakatingin sa kanyang ama.

Nagtaas na lang ng kamay ang kanyang ama na parang sumuko na lang.

“Christine, go upstairs and refresh yourself. Brandon is waiting at the balcony. Meet him there pagkatapos mong ayusin ang sarili mo.” ang nakangiting paalala ng kanyang ina.

Napilitan na lang siyang sumang-ayon dahil wala din naman siyang magagawa.

“Yes Ma.” ang tipid na lang niyang tugon.

Umakyat na siya sa taas na labis na nasusuya. Nang dahil kay Brandon ay lalo siyang hinihigpitan ng kanyang mga magulang. Idagdag pang hindi na niya hawak ang oras niya sa gabi kapag pinapasyalan siya ng binata.

“Arrgg. Brandon, kailan mo ba ako titigilan.” ang naiinis niyang sabi habang naglalakad papunta sa kanyang kwarto.

Nagtagal talaga siya sa kanyang paliligo, nais na suyain ang pakiramdam ng binatang kanina pa naghihintay sa kanya. Pagkatapos magbihis ng isang pambahay na bestida ay lumabas na siya ng kwarto at nagtungo na sa balcony na kinaroroona ni Brandon.

Mula naman sa kanyang likuran ay narinig ni Brandon ang paglapit ng dalaga. Napangiti naman siya, mahabang oras na din ang kanyang pinaghintay at sinabihan siya ng mga magulang ni Christine na umuwi na lang ngunit nanatili pa din siya. Tumalikod siya at hinarap ang nasusuyang dalaga dahil sa kanya. Magkasalikop ang dalawang bisig ni Christine na lalong nagpayabong sa malulusog nitong dibdib. Talagang kahit na anong pagpipigil ni Brandon sa sarili ay laging mainit ang kanyang pakiramdam kapag nakikita niya si Christine. Ngayon ay nasa harapan na ni Brandon ang napakagandang si Christine. Nasusuya ang ekspresyon nito ngunit nakakahalina pa din talaga ang dalaga.

“Hi Christine.” ang masayang bati ni Brandon. Hindi na mahalaga ang malamig nitong tingin at pakikitungo sa kanya. Sanay na naman siya sa ganitong paghaharap nila palagi ng dalaga. Ngunit sa tuwina’y masaya pa din siya dahil nagkita na naman ulit silang dalawa.

Hindi naman pinansin ni Christine ang masiglang bati ng binata.

“I’ve been told na kanina ka pa naghihintay. There’s nothing special about today Brandon. Why waste your time waiting for me?” ang walang emosyon na tanong ni Christine.

“Well, when it comes to waiting, nasanay na naman ako Christine. Who knows? One of these days, maybe, you’ll put a smile in your face kapag nakita mo din ako.” ang nakangiting sagot naman ni Brandon.

Sa isip ni Christine ay sadyang napakatyaga ni Brandon sa kanya. Kahit gaano kalamig ang pakikitungo niya dito ay hindi pa din ito napapagod ng kasusuyo sa kanya.

Huminga ng malalim si Christine.

“Brandon, maybe iniisip mong hindi totoo ang mga sinabi ko dati at nilalaro ko lang ang damdamin mo. But I already have someone in my heart, na willing akong i-risk ang lahat ng nasa akin pagdating ng araw. I don’t want to give you any false hope na may pag-asa ka sa akin. You are making both our lives difficult Brandon. So please, can’t you just stop now? For both our sake.” ang matapat na pakiusap ni Christine, nais na niyang matapos ang ginagawang panunuyo sa kanya ni Brandon at sana ay makilala na nito ang babaeng para talaga sa binata.

Malungkot namang ngumiti si Brandon kay Christine. Masakit tanggapin na ang babaeng mahal mo ay may mahal ng iba. Ngunit nakahanda na naman siyang masaktan at mamalimos ng pagtingin sa dalaga. Sa una pa lang ay alam na niya ang posibilidad na ito. Tanggap na naman niya, ngunit hindi niya isusuko si Christine hanggat hindi naikakasal ang dalaga sa iba.

“I’m sorry that you feel that way Christine. But I’m truly happy sa ginagawa ko, hindi ako nakakaramdam ng pagod at sanay na naman ako. So please, can’t you just let me be Christine?” ang sagot ni Brandon habang nakatingin sa mata ni Christine.

“Why Brandon? Why make your life so miserable because of me? Maraming babae Brandon ang kayang magbigay sayo ng pagmamahal na hinahanap mo?”

“I love you Christine. That’s the only reason I need para hindi magmahal ng iba. We are destined to be together, hindi mo lang nalalaman pa sa ngayon. But I believe na darating din ang araw na you’ll just accept it.”

“I’m sorry Brandon, I really do feel sorry for you. Pero kung gusto mong maghintay ng forever ay hindi kita pipigilan. I can’t control or dictate your heart, like I can’t control or dictate mine. Love me Brandon, while I’m loving someone else. Do what you think that will makes you happy, ganun din ang gagawin ko. Then sa dulo ng lahat ng ito, kung kailan ito matatapos. Ay saka natin tingnan kung sino ang nagkamali sa ating dalawa.”

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na din si Brandon. Dahil sa sobrang lamig ng pakikitungo sa kanya ni Christine ay naalala niya ang ginawa ng kaibigan niyang si Lance kay Angela. Talaga palang napakasakit ang hindi pahalagahan ng babaeng mahal mo. Ngayon niya natitiyak na may nobyo talaga si Christine. Ngayon ay labis ang kanyang paghahangad na makilala ang lalakeng iyon upang kanyang malaman kung bakit naging higit ito sa kanya, at kung bakit ang pag-ibig ni Christine ay hindi niya maagaw mula sa lihim nitong nobyo. May pagkakataon pa naman siya, nasa kanya ang suporta ng mga magulang ni Christine. Kahit pa sinabi ni Christine na kaya nitong iwan ang lahat ay mas mahirap iyong gawin kaysa sa sabihin. Isa lang ang kanyang natitiyak sa sarili, hinding-hindi niya dadahasin ang dalagang iniibig. Hindi niya isusuko si Christine sa kahit kaninong lalake, kahit pa sa mismong nobyo nito ngayon.

*****

Pauwi ng naglalakad sina Dan at Mika, magkahawak kamay ulit silang dalawa. Masayang nagkwe-kwento ang dalaga ng kanyang unang karanasan sa pagsama sa catering.

“Matutuwa ka Dan, kasi libre yung pagkain at palaging espeyal ang mga nakahain. Saka may mga galanteng nagbibigay ng tip basta maasikaso ka sa kanila at masipag. Nakapag-uwi ako ng malaki din ng huli akong sumama.” ang masayang sabi ni Mika.

Tumingin naman siya sa magandang mukha ni Mika at pagkatapos ay sa malusog nitong dibdib. Napangiti si Dan.

“Mika, kaya ka nila binigyan ng malalaking tip ay dahil sa… sa mga katangian mo bilang babae.”

Nagtataka naman si Mika sa sinabi ni Dan, ngunit ng mapansin na sa kanyang malusog na dibdib nakatingin ang binata ay bahagya siyang namula at napahiya.

“Dan naman eh…”

“Mika, kahit anong sipag ang gawin namin ni Alex, hindi kami makakakuha ng tip na katulad ng sayo.” ang nagbibirong sabi ni Dan.

“Share na lang tayo sa makukuha ko Dan. Basta… share din tayo ulit ngayong gabi.” ang malambing na sabi ni Mika.

Kailangang makaiwas si Dan kay Mika kahit mainit ang kanyang pakiramdam lalo’t nakadikit na ngayon ang kanyang braso sa malusog na dibdib ni Mika habang naglalakad silang dalawa. Ayaw niyang makaramdam ng kunsensya dahil tumanggi siya kanina na makasama ng sarilinan si Christine.

“Mika…”

“Hm?”

“Hindi ba maaaring bukas na lang. Pagod na talaga ako, gusto ko sanang magpahinga ng maaga.” ang dahilan ni Dan.

Nakakaunawa namang tumango si Mika, alam naman niya ang hirap at pagod na ginagawa ni Dan.

“Tabi lang tayong matulog Dan, tabi lang talaga, gusto ko lang na nakayakap sayo.”

“Mika…”

“Sige na Dan, hanggang bukas na lang panggabi si Ate Ella. Dalawang linggo na ulit bago kita makatabi sa pagtulog. Promise, tabi lang talaga. Kung gusto mo Dan, imasahe ko yung likod mo para mabilis kang makatulog.”

“Saan ka naman natutong magmasahe Mika?”

“Sa.. Sa ex ko..” ang nahihiyang pag-amin ng dalaga.

“Mika, masahe lang tapos ay tulog na tayo ha. Pagod na talaga ako.”

Ngumiti naman si Mika, masaya na siyang mapagsilbihan si Dan at makayakap ito sa kanyang pagtulog. Ilang gabi na din naman silang nagtatalik. May susunod na gabi pa naman. Pagkatapos nilang kumain ay si Mika na lahat ang nagligpit. Naglinis pa din siya ng kanyang sarili ngunit hindi na binasa ang kanyang buhok. Nakahiga na si Dan ng nakapasok na si Mika. Lumapit si Mika kay Dan, pinadapa si Dan sa kama at saka itinaas ang damit ng binata nguhit hindi inalis iyon. Saka nagsimula si Mika na imasahe ang likod ni Dan. Ramdam naman ni Dan ang malambot at mainit na palad ni Mila sa kanyang balat. Nasasarapan siya sa ginagawa ni Mika at nag-iinit na din ang kanyang pakiramdam. Ngunit nais niya talagang manatiling para kay Angela lamang ang araw na ito.

“Dan…”

“Hmm…?”

“Masarap ba Dan?”

“Ang sarap ng masahe mo Mika… Lalo akong mabilis na makakatulog nito, tuloy mo lang…”

Mayamaya pa ay himbing na si Dan na nakadapa pa din. Hinubad ni Mika ang lahat ng kanyang damit at saka humiga sa tabi ng binata. Nais niyang painitin agad ang katawan ni Dan paggising nito sa umaga. Tumayo siya saglit at inilagay sa malapit sa ulunan ng kama ang simpleng regalo niya para sa natutulog na binata. Muli siyang nahiga sa tabi ni Dan at tumingin sa maamo nitong mukha at saka iyon hinaplos.

“I love you Dan… Sana sa akin ka na lang…” ang muling naiusal ni Mika kahit alam niyang ang hiling niyang iyon ay isang pangarap na mahirap niyang abutin.

*****

Nagising si Dan ng pagtunog na galing sa alarm clock malapit sa kama. Bumangon naman ang hubad na si Mika at dinukwang ang tumutunog na alarm clock at pinatay ang ingay na nagmumula doon. Mainit naman ang pakiramdam ni Dan dahil nakalapat na ngayon sa kanyang katawan ang malusog na dibdib ni Mika. Talagang nanabik ng husto si Mika kagabi, kahit kagigising pa lang niya ay gising na din ang kanyang galit na alaga na nakasungaw ngayon sa suot niyang short . Napansin naman iyon ni Mika, hinawakan iyon ng dalaga at banayad na hinimas.

Tumingin si Mika kay Dan, ngumiti sa binata at saka humalik sa labi nito.

“Binili ko yung alarm clock kahapon, para may taga-gising ka pa din kahit hindi mo ako katabi.” ang sabi ni Mika habang patuloy sa paglalaro sa nakakapasong pagkalalake ni Dan

“Salamat Mika Ahh… N-Nnakakalimutan ko ng bumili para mapalitan…. yung sira kong alarm clock sa dami ng pinagkakaabalahan ko. Ang sarap M-Mika… Ahh.. ” si Dan na hindi maitago ang sarap na nararamdaman dahil sa ginagawa ni Mika sa kanyang pagkalalake.

“Simpleng regalo ko sayo Dan para ma-miss ako palagi lalo na kapag nag-iisa ka sa kama mo.” ang malambing na sabi ni Mika.

“Ahh…Bilang dagdag na pasalamat ko sayo, paligayahin na lang kita ngayong umaga Mika.” ang mainit na sabi ni Dan habang nagnanasang nakatingin sa kahubaran ni Mika.

“Kagabi pa nga ako nasasabik…” ang sabi ni Mika habang nakatingin sa mata ni Dan na parang lalong inaakit ang binata.

At ihiniga ni Dan hubad na katawan ni Mika sa kama. Hinalikan ng mainit sa labi ang dalaga at saka siya naman ang naghubad ng kanyang lahat ng saplot ng mabilis. Nilawayan ang buong katawan ni Mika at saka nagpakasawa ng husto sa paglalaro sa malulusog nitong dibdib. At saka niya nilaro ng daliri ang namamasa ng pagkababae ng dalaga. Nang ganap na silang nag-aapoy sa init ay saka pinag-isa ni Dan ang kanilang kapwa nananabik na katawan. Sa bawat pagbaon at paghugot ni Dan ay masasarap na ungol naman ang ipinalit ni Mika. At pagkatapos ng mahabang sandali ng kanilang muling pagtatalik ay kapwa nila narating ang sarap ng glorya ng sukdulan ng kaligayahan. Kapwa pagod ngunit may matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Muling naghinang ang kanilang ang mga labi habang magkayakap pa din silang dalawa. At sa umagang iyon bago siya pumasok sa eskwela ay minsan pa ulit niyang mainit na pinagbigyan ang pananabik at kahilingan ni Mika sa kanya.

*****

Nagsimula na ang unang klase ay hindi pa din maalis ang kaba sa dibdib ni Dan. Hindi pumasok si Angela ngayong araw at kasama nito kahapon si Lance. Si Christine naman ay nagtataka din, naalala ang binatang naghahanap kahapon kay Angela. Nakaramdam din siya ng pag-aalala na sana ay walang ngyaring masama sa dalaga. Kaagaw niya si Angela kay Dan ngunit kaibigan niya ito na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging sila pa din ni Dan. Hindi nya iyon kakalimutan kahit dumating ang araw na siya na lang ang pinili ni Dan.

Sila na lamang dalawa ang naiwan sa loob at nag-aayos na si Dan ng kanyang mga gamit ng matapos ang unang klase. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Christine, tumingin siya sa dalaga at tipid na ngumiti. Ang pag-aalala ay nanatiling namamahay sa kanyang dibdib at halata sa kanya ang pag-aalala.

“Dan sa breaktime, let’s meet sa rooftop, alam kong nag-aalala ka sa kanya. I understand naman. Mag-usap tayo later, ok.” ang pakiusap ni Christine, marami pa siyang nais na sabihin kay Dan.

Ngumiti naman si Dan kahit nag-aalala siya.

“Sige Christine, during break, mag-usap tayo.”

At magkasabay na silang lumabas ng classroom at nagtungo na sa susunod na klase. Dumating ang breaktime at sa magkaibang table sila naupo. Kasama ni Christine ang kanyang mga kaibigan na sina Cherry at Rose. Nag-iisa naman ulit siya gaya ng nakasanayan niya. Ngunit kahit magkalayo silang dalawa ni Christine ay hindi nila kapwa maiwasan ang pagtama ng kanilang paningin.

Napansin naman ni Alyssa na nag-iisa lang si Dan na kumakain at kanina pang umaga niya hindi nakikita si Angela. Lumapit siya sa table ni Dan.

“H-Hi Dan. Pwedeng maki-share.” ang nakangiting si Alyssa.

Gumanti naman ng ngiti si Dan, wala namang masama, kaibigan ito ni Angela.

“Nag-iisa lang naman ako.” sabay turo ni Dan sa upuan sa harap niya.

Naupo naman ang dalaga sa tapat ni Dan at nagsimulang kumain. Mula naman sa malayo ay nakaramdam ng pagkasuya si Christine. At sa isa pang malayong table ay ang nagseselos ding masugid na manliligaw ni Alyssa na si Raymond.

“Dan, bakit absent si Angela today?”

Natigilan saglit si Dan, ayaw niyang bigyan ng alalahanin si Alyssa.

“Hindi ko alam Alyssa. Pero wag kang mag-aalala, baka sa Lunes ay makapasok na ulit siya.” nakangiti si Dan kay Alyssa ngunit malungkot ang kanyang pakiramdam.

Habang kumakain naman si Alyssa ay hindi niya maiwasang hindi pagmasdan ang binatang nasa kanyang harapan. Hanggang ngayon ay nasa puso pa din niya si Dan. Magsisinungaling siya sa kanyang sarili kung ang katotohanan na ito ay itatanggi niya. Ngunit ang pag-ibig ni Dan ay nasa kaibigan niyang si Angela. Napakapalad ni Dan at inibig siya ni Angela, at napakapalad din naman ni Angela at inibig siya ni Dan. Sa isip ni Alyssa ay humiling siyang maging matatag ang pagsasama ng dalawa sa kabila ng mga pagsubok na dadanasin nilang dalawa. At muli siyang humiling pa ng isa, na kung sana ay may susunod pa siyang pagkakataon na ipanganak muli ay siya naman sana ang mahalin ni Dan.

*****

Nauna na si Christine sa rooftop at nakasandal sa pader sa ilalim ng shade. Nilingon niya ang bumukas na pinto at kiming ngumiti sa binatang nagmula doon. Lumapit sa kanya si Dan, magkaharap na sila ngayon. Nasa mukha pa din ng binata ang pag-aalala. Niyakap ni Christine si Dan at siya naman ang humagod sa likod nito. Yumakap din naman si Dan sa kanya at hinagod ang kanyang mahabang alon-alon na buhok.

“Dan, I know you’re worried about her. Dahil nag-aalala din ako. Yesterday, pagkatapos ng last class ay nandito yung guy na kasama nya last time sa may canteen at naghihintay kay Angela.”

Natigilan si Dan, nalaman ni Lance na wala si Angela sa hapon. Lalong lumago ang kaba sa kanyanng dibdib.

“Christine, kailangan kong puntahan si Angela. Hindi na ako makakapaghintay kung kailan siya papasok. Nais kong malaman ang kalagayan niya ngayon. ” puno ng pag-aalala ang tinig ni Dan.

Dahil sa narinig ay nakaramdam na naman ng pagseselos si Christine, ngunit wala naman siyang magagawa. Dahil kahit siya ay nag-aalala din para kay Angela.

“Do you want me come with you? Maaari naman kitang samahan Dan kung gusto mo.”

Umiling naman si Dan, kung pupunta siya kina Angela ay mas mabuting mag-isa lang siya. Kung ano man ang mangyayari sa pagkikita niya at ng mga magulang ng dalaga ay siya lang ang makakaalam. Idagdag pang ayaw niyang may masaktan sa dalawang dalagang kapwa niya minamahal.

“Salamat Christine, ngunit mas gusto kong magpunta na mag-isa. I’m sorry Christine, wag ka sanang malungkot o magalit sa desisyon ko. Kung magkikita kaming dalawa, baka masaktan ka lang . Kung kasama naman kita, baka masaktan naman siya.”

Naintindihan naman ni Christine ang nasa isip ni Dan, katotohanan naman ang sinabi ng binata. Kung magkikita silang tatlo sa ganung sitwasyon, hindi makakaiwas sa masakit at mahapding pakiramdam ang isa sa kanila ni Angela. Kailangan niyang hayaan na umalis si Dan ng hindi siya kasama.

“Okay Dan, do take care of yourself. I don’t know her parents, pero I have my doubts na matatanggap nila ang relasyon ninyo ni Angela. Dahil ganun din ang parents ko sayo, they will not accept you. One of the reasons kung bakit gusto kong secret ang relationship natin. Pero Dan, kapag dumating ang sandaling pinili mo ako, handa akong iwan ang lahat para sayo. I’m sure ganun din ang nararamdaman ni Angela para sayo. Kaya wag mo sanang isipin na mas higit ang pagmamahal niya sayo kumpara sa akin. Dahil masasaktan ako Dan.” nasa tinig at mata ni Christine ang katapatan ng kanyang sinalita.

Dahil sa sinabi ng dalaga ay lalong humigpit ang yakap ni Dan sa dalaga. Saglit na nangusap ang kanilang mata at muling naghinang ang kanilang labi. Kapwa namasa sa luha ang kanilang pisngi. Lumuha sila ng sabay dahil sa mainit at tapat nilang pag-ibig na nararamdaman. Ngunit ng dahil sa biro ng tadhana ay nakakulong silang tatlo nina Angela sa isang bawal at mapanganib na relasyon. Kung saan hahantong ang pag-iibigan nilang tatlo ay hindi nila alam. Kung may luluha man at masasaktan sa huli ay umusal ng panalangin si Christine na sana ay hindi siya.

“I love you so much Dan. Huwag mo sanang kakalimutan, mahal na mahal din kita. Hindi lang si Angela ang dapat mong alalahanin. Nasasaktan din ako kapag kayong dalawa lang ang magkasama.” ngayon ay hindi na napigilan ni Christine ang sarili niyang damdamin.

“Alam ko naman Christine, kaya maglalaan din ako ng panahon sayo. Pero kapwa tayo nag-aalala kay Angela. Kaya hayaan mo ng umalis akong mag-isa, magkikita pa naman tayong dalawa.” ang buong pagsuyong sabi ni Dan habang patuloy na hinahagod ang alon-alon na buhok ni Christine.

May luha man sa kanyang mata ay ngumiti na din si Christine. Darating ng mabilis ang araw ay magkikita pa naman sila. Mahaba pa ang panahon na magkakasama silang dalawa kahit nariyan man si Angela.

*****

Maghapong hindi lumabas ng kwarto si Angela, hindi din siya nakatulog ng maayos kagabi. Halos puyat ng ang dalaga ngunit sadyang mailap sa kanya ang pag-idlip. Gusto niyang makita si Dan ngunit namamahay pa din ang takot sa kanyang dibdib. Tahimik na lang siyang muling umiyak habang iniisip ang kasintahan na alam niyang nag-aalala na ngayon sa kanya.

“Dan.. I want to see you now..” ang mahinang sambit ni Angela kasabay ng muling pagluha sa kanyang mga mata.

Napagawi ang paningin ni Angela sa may pinto ng makarinig siya ng mga mahihinang pagkatok.

(“tok” “tok” “tok”)

“Angela, it’s Mom…”

Bumangon naman si Angela mula sa kama. Pumasok si Alice kasama ang kanyang Yaya Meding at nagdala ng pagkain para sa kanya.

“Iha, you need to eat something. Nag skip ka ng meal kanina, hindi na pwede ngayon.” ang sabi ng kanyang mommy na nag-aalala na din sa kanya.

Inayos ni Alice ang pagkain para kay Angela habang nasa kama ang dalaga. Nagsimula namang kumain si Angela habang nakatingin lang si Alice sa kanya.

“Angela, look at you, mugto na ang mata mo sa kaiiyak at hindi ka pa din nakakatulog ng maayos. Don’t think of anything else and just rest Iha.” ang nag-aalalang sabi sa kanya ng ina.

“Yes Mom, after this ay try ko na pong mag-sleep.”

Hindi pa nangangalahati ng nakain si Angela ng muling makarinig sila ng pagkatok sa pinto.

(“tok” “tok” “tok”)

“Mam Alice, si Rosa po.”

“Come in.”

“Mam Alice, may naghahanap pong kaklase ni Mam Angela sa labas.”

Natigilan si Angela at nagsimulang lumakas ang pagtibok sa kanyang puso.

“Sinabi ba ang pangalan Rosa?”

“Dan daw po Mam Alice”

Natigilan naman si Alice, narito ngayon ang lihim na kasintahan ng anak. Naiyak naman si Angela ng malaman na narito ngayon sa harap ng kanilang bahay si Dan. Lumuluha siyang tumingin sa kanyang ina na parang nagmamakaawa.

“M-Mom.. Please.. I-I want to see him right now..” ang pakiusap ng lumuluhang dalaga.

Hinaplos ni Alice ang luha sa mga mata ng anak at saka siya tumayo.

“Calm down Angela, just wait here, okay.”

“Mom, please, let me see him. Gusto ko siyang makita now.” ang sabi ni Angela habang nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata.

Lumabas na si Alice sa kwarto ng anak kasama ang katulong na si Rosa at nagtuloy sila sa salas. Inutusan niya si Rosa na papasukin ang kaklase ni Angela.

Mula naman sa labas ay kinakabahang naghihintay si Dan. Walang katiyakan kung makikita niya si Angela. Nabuhayan siya ng loob ng marinig niya ang maingay na pagbukas ng gate.

“Tuloy ka.”

Isinara ni Rosa ang gate at naunang naglakad habang kasunod ang kinakabahang si Dan. Nalalapit na ang pagkikita nila ng mga magulang ni Angela. Ngayon ay nasa harap na siya ng pinto at ng dahan-dahan iyong bumukas ay nakita niya ang ina ng dalagang minamahal niya. Magara ang suot nito at maputi ding tulad ni Angela. Ngunit ang kapansin-pansin ay ang maganda at maamo din nitong mukha na mababanaag pa din kahit may edad na ito.

Habang bumubukas ang pinto ay hindi inalis ni Alice ang paningin dito. At sa marahang pagbukas ng pinto ay nasilayan niya ang binatang nagpaibig sa kanyang nag-iisang anak. Hindi ito kasing taas ni Lance o kasing gwapo man. Ngunit higit na mas maamo naman itong tingnan. At sa mga bisig at medyo balingkinitang katawan ng binata ay mahahalata ang pagiging matipuno nito.

Ihinatid siya ni Rosa sa harap ni Alice at hindi alam ni Dan ang gagawin habang nakatingin lang ito sa kanya.

“I’m Alice, ang mommy ni Angela.” si Alice habang nakatingin sa mukha ng binata

“Dan po Mam, kaklase po ni Angela” ang magalang na sagot ni Dan.

Saglit pang tiningnan ni Alice si Dan at saka siya muling nagsalita.

“Sumunod ka sa akin Dan, we need to talk first bago kayo magkita ni Angela” ang malumanay na sabi ni Alice.

Sa isang guest room sila nagpunta. Dito nagsimula si Alice na magtanong sa kanya ng tungkol sa kanila ni Angela.

“Dan.. Anong tunay mong relasyon sa anak ko?”

Sa isip ni Dan ay hindi marapat na magsinungaling siya sa ina ni Angela. Ano man ang kahinanatnan ng pag-uusap na ito ay dapat maging tapat siya sa kanyang mga sagot. Dahil ang minsang magsinungaling sa harap ng ina ni Angela ay maaaring mauwi sa mga suliraning hindi niya nais sa hinaharap.

“Boyfriend po niya ako Mam.”

“Matagal na ba ang relationship nyo ni Angela?”

“Ilang buwan pa lang po.”

Huminga muna ng malalim si Alice bago muling nagtanong. Kailangan niyang malaman ang totoo at sa tingin niya sa binatang nasa harap niya ay magtatapat ito sa bawat niyang tanong.

“M-May ngyari na ba sa inyo ni Angela?”

Hindi makasagot si Dan, siya naman ang huminga ng malalim, tumingin sa mata ni Alice at saka marahang tumango.

Ngayon napatunayan sa sarili ni Alice kung gaano kamahal ni Angela ng kasintahan nitong si Dan. Ngayong naisuko na ni Angela ang kanyang dangal at kapurihan sa kasintahan nito ay tapat na din niyang tinanggap ang ginawang pagpili ng anak. Lumapit siya kay Dan at hinawakan ang kamay ng natigilang binata. At kasabay ng pagngilid ng kanyang luha ay ang isang pakiusap na may kasamang banta.

“Dan, my daughter loves you so much. She loves you morethan me or her father. Hindi ko alam kung talagang deserving ka para kay Angela. Ngunit dahil sa labis niyang pag-ibig sayo ay naibigay na niya lahat. Ito lang ang pakiusap ko sayo Dan as her mother. Love her with all of your heart, give her strength to go on and never, never breaks my daughter’s heart. Kapag sinaktan mo ang puso ng anak ko Dan. Pagsisisihan mo ang araw na nakilala mo si Angela.”

Tumango naman si Dan at saka nagsalita.

“Wala po akong maipagmamalaki sa buhay ko ngayon. Ngunit mahal ko po si Angela, alam ko pong malaki ang aking kakulangan. Magsusumikap po ako at patutunayan na kaya ko pong ibigay ang pangangailan ni Angela sa sarili kong mga gawa. At umasa po kayong hindi ko kailanman bibiguin ang puso ng anak nyo.” ang sabi ni Dan habang nakatingin sa mata ni Alice.

“Thank you Dan, lagi mong tatandaan ang sinabi mong yan sa akin. Dahil yan ding mga sinabi mong yan ang panghahawakan ko.” ngayon ay binitawan na ni Alice ang kamay ni Dan at nagpahid ng luha sa kanyang mga mata.

“Now, kailangan mong malaman ang totoo, kung ano ang ngyari kahapon at naging dahilan kung bakit hindi nakapasok ngayong araw si Angela.”

Pagkarining nito ay kinabahan naman si Dan at umusal na sana ay walang ngyaring masama sa pinakamamahal niyang si Angela. At nagsimula ng isalaysay ni Alice ang mga nalaman niya mula kay Angela. Ang buong pangyayayri maging ang pagtulong sa kanya ni Brandon. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsimula na silang landasin ang daan papunta sa kwarto ni Angela.

Kanina pa nananabik si Angela na makita si Dan na alam niyang kausap ngayon ng kanyang ina. Nais na niyang makita ang kasintahan at hindi na siya makapaghintay. Halos lumukso ang kanyang puso ng makarinig siya ng mga mahihinang pagkatok.

(“tok” “tok” “tok”)

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa kanyang kama at nakatingin sa may pinto habang marahan itong bumukas. Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata at mabilis siyang lumapit upang yakapin ng mahigpit si Dan na ngayon ay nasa loob na ng kanyang kwarto. Niyakap naman ni Dan si Angela at hinaplos-haplos ang mahaba nitong buhok.

“D-Dann… Dan…” ang buong pagsuyong sambit ni Angela sa pangalan ng kasintahan habang hindi maampat ang luha sa kanyang mata.

“Narito ako Angela…” ang buong pagsuyong din sabi ni Dan habang patuloy na hinahagod ang buhok ng dalaga

“D-Dann.. I-I’m so scared kahapon…” ang sabi ng lumuluhang dalaga, ang takot ay ramdam pa din sa tinig ng dalaga.

“Angela… Wag ka ng mag-aalala, tapos na yun at nakalipas na. Kasama mo na ako ngayon, at narito din ang mga magulang mo. Kaya wag ka ng matakot.” ang pagpapakalma ni Dan sa dalaga. Nakakuyom ang isa niyang kamay habang iniisip si Lance.

Pumasok na din si Alice sa loob ngunit hinayaan lang dalawa. Alam ni Alice na ngayon mas kailangan ni Angela si Dan.

Napansin naman ni Dan ang pagkapuyat ng dalaga. Kaya inalalayan niya itong humiga habang hawak niya ang kamay ng kasintahan.

“Humiga ka na muna Angela, kailangan mo ng pahinga.” ang nag-aalalang sabi ni Dan.

Sumunod naman si Angela sa nais ni Dan. Dahil sa nakikita ay lalong natuwa si Alice. Lalo na ng pumikit na ang mata ng anak niya upang magpahinga na halos hindi nito ginawa mula kahapon.

“Dan, dito ka lang ha, stay with me… Please don’t leave my side…, I want to see you again pag-gising ko…” ang mahinang sabi ng nakapikit ng malapit ng mahimbing na si Angela. Ngayong hawak na ni Dan ang kanyang kamay ay nakaramdam na siyang muli ng kapayapaan.

Tumingin naman muna si Dan kay Alice, tumango naman ito at saka nagsalita si Dan.

“Nandito lang ako sa tabi mo Angela hanggang sa magising ka…”

“Don’t let go of my hand, magagalit ako sayo….” ang mahinang huling nasabi na lang ni Angela bago ito tuluyan ng nakaidlip.

Lumapit si Alice sa kama ng anak at kinumutan ng maayos si Angela at saka banayad na humalik sa noo ng anak. Tumingin kay Dan na nakangiti.

“Dan, gawin mo ang sinabi niya. Kailangan ka niya ngayon.”

Tumango naman si Dan.

Lumabas na si Alice ng kwarto pagkatapos muling tingnan ang dalawa..

Sa salas naghihintay si Alice sa pagdating ng asawa. Kinakabahan din naman siya lalo’t hinayaan niyang nasa kwarto ng anak ang kasintahan nito ngayon. Mayamaya pa ay dumating na si Anton, sinalubong niya ang asawa at hinagkan ang pisngi nito. Ngumiti naman sa kanya si Anton at saka nagtanong.

“Musta si Angela? Is she doing well today? Did she finally fell asleep?” ang magkakasunod na tanong ng nag-aalalang si Anton.

“She’s sleeping right now Anton.”

Nabawasan naman ang mabigat na pakiramdam ni Anton. Ngunit nagbago ang kanyang pakiradam sa sumunod na sinabi ni Alice.

“He’s here Anton. Ang kasintahan ng anak natin. Siya ang nagpatulog kay Angela.”

Mabilis sanang pupuntahan ni Anton ang kwarto ng anak ngunit pinigilan ito saglit ni Alice. Hawak ni Alice ang kamay ni Anton ng madiin.

“Anton, ang kasama ni Angela ay lalakeng iniibig niya. Don’t do something na lalong ikakasama ng loob ng anak mo. She’s sleeping like a baby right now dahil magkasama silang dalawa. Now Anton, hindi tayo ang mas higit na kailangan ni Angela.” ang sabi ni Alice na nakatingin sa mata ni Anton.

Pagkasabi ni Alice ng nais niya ay saka niya binatawan ang kamay ni Anton. Saglit pang nagtama ang kanilang panigin at saka nagpatuloy na si Anton na pumunta sa kwarto ng anak. Huminga muna ng malalim si Anton at saka niya buong ingat na binuksan ang pinto. At tumambad sa kanyang paningin ang nakahigang anak na payapang natutulog. Ang kamay naman ng kanyang ng anak ay nakadikit sa labi ng binatang nakaluhod ngayon sa tabi ng kama ni Angela.

Pumasok si Anton sa loob at marahang isinara ang pinto at nagsimulang lumakad palapit sa kama ng anak.

Nakaluhod si Dan tabi ng kama ng dalaga. Hawak niya ang isang kamay ni Angela at nakadikit iyon sa kanyang labi. May bakas pa ng luha sa kanyang mga mata dahil sa ngyaring hindi magandang karanasan ng kasintahan kahapon. Kung hindi niya hinayaan na sumama si Angela kay Lance ng sandaling iyon ay hindi sana sasapitin ni Angela ang mapait nitong karanasan. Mula sa kanyang likuran ay naramdaman niya ang mga mabibigat na hakbang. Lumingon siya at nagtama sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang mata ng ama ni Angela.

(Ipagpapatuloy…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *