Tukso kay Dan Part 37
Chapter 37
Bago sumapit ang gabing pinakahihintay ni Brandon ay nakagayak na siya ng maaga. Muli niyang sinipat ang sarili sa harap ng salamin at pinagmasdan ang makisig niyang repleksyon. Sa kanyang mukha ay mababanaag ang kabang namamahay sa kanyang dibdib. Dahil sa isang pagpapasya na alam niyang magiging simula para mapasakanya ang dalagang minamahal. Ngunit ang kapalit ng pagpapasyang iyon ay ang maaaring patuloy na paglayo naman ng damdamin nito sa kanya. Huminga siya ng malalim, kinuha ang isang maliit na kahon at ibinulsa, at saka siya lumabas ng kanyang kwarto.
Nagpaalam si Brandon sa mga magulang at sinabing magkita na lamang sila sa pagdarausan ng kasiyahan. Sa gabing ito ay kailangang naroon si Lance, ang kanyang matalik na kaibigan. Alam naman niyang maaaring hindi niya ito mapilit na sumama dahil sa kasalukuyan nitong sitwasyon. Ngunit sa gabing ito na maituturing niyang natatanging sandali ng kanyang kasiyahan at kalungkutan ay nais niyang may isang tao na nakakaunawa sa tunay niyang nararamdaman.
Bago pa sumapit ang alas-sais ng hapon ay nasa harap na ng bahay ni Lance ang kaibigan niyang si Brandon.
Nakahiga sa kanyang kama si Lance at malalim siyang nag-iisip. Laman ng kanyang isipan ang relasyon ni Dan sa iniibig niyang si Angela. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na ang isang tulad lamang ni Dan ang nagmamay-ari sa puso at katawan ng dalaga. Ang tanging lalakeng may karapatang halikan at angkinin si Angela. Nakuyom ni Lance ang kanyang mga palad. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mapaghiwalay ang dalawa ng hindi nalalaman ni Angela.
Natigil sa pag-iisip si Lance ng makarinig siya ng mga katok sa may pinto.
(“tok” “tok” “tok”)
Ayaw sana niya itong tugunin ngunit ng marinig ang pagtawag ni Brandon ay inalis niya sa isipan ang magkasintahan. “Lance, it’s me…” Narito si Brandon at may ideya siya kung ano ang dahilan.
Bumangon si Lance mula sa kanyang kama at pinagbuksan ng pinto ang kaibigan. Napilitang ngumiti ni Lance ng makita ang nakagayak na si Brandon, iba ang bihis nito ngayon. Talagang pinaghandaan ng kaibigan ang espesyal na gabing ito. Pinatuloy niya si Brandon sa loob ng kanyang kwarto at muling isinara ang pinto. Binuksan naman ni Brandon ang pinto sa kabilang parte ng kwarto ni Lance at nagtungo sa may terrace. Mula sa isang magandang istante ay kumuha ng isang bote ng alak si Lance at dalawang baso, saka siya sumunod kay Brandon sa may labas ng kanyang kwarto.
Inilapag ni Lance ang dalawang baso sa lamesa, nagsalin ng alak sa mga ito at saka umupo sa isa sa bakanteng upuan. Nakatingin siya sa kaibigang nakatanaw sa labas.
“Brandon, you know my situation, hindi ako makakapunta kahit gusto ko.” si Lance saka nagsimulang uminom ng kaunti.
Mula sa pagtanaw sa labas ay lumapit si Brandon sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan. Kinuha ang isang baso at saka sinabayan sa pag-inom kaibigan.
“Espesyal sa akin ang gabing ito Lance, so I want you to be there regardless of your circumstances.”
Napangiti naman si Lance sa sinabi ng kaibigan, ngunit nalungkot din, dahil kailangan niyang umiwas sa pamilya ni Angela na alam niyang hindi matutuwa kapag nakita siya.
“Kapag nagpunta ako, at naroon ang family ni Angela, it would upset them. Especially Angela, if she decided to come.” ang napailing na lang na si Lance.
“Hindi mo na kailangang itago ang sarili mo sa kanila, you already admit na nagkamali ka. You already apologized and pay the price, ano pang kulang Lance? Get out there, show them na you’re still a man worthy of Angela sa kabila ng lahat. Hindi yung lulunurin mo ang sarili mo sa alak na parang talunan. You’re wrong, but you only did that because you loves her so much. You still have a chance Lance, but you must do it this time the right way.” ang madiing paliwanag ni Brandon sa kaibigan, dapat ng makalaya si Lance sa kalungkutang kinakukulungan nito ngayon.
Natahimik lang si Lance at pinag-iisip ang mga sinabi ni Brandon, muling nagpatuloy si Brandon, sa talagang dahilan ng kanyang pagpunta sa bahay ng kaibigan.
“Remember what I told you, that I want you to meet Christine. This is that moment Lance, and I want you to be there. She is not happy about what’s gonna happen tonight and you know that. But I really loves her, so I stop caring anymore. She will be mine, soon, and tonight is the start.” ang determinadong sabi ni Brandon bagaman halata ang lungkot nasa kanyang mukha. Dahil ang dalagang minamahal niya ay alam naman niyang may minamahal na iba.
Sa isip ni Lance ay halos magkatulad ang sitwasyon nila ni Brandon. Sapilitan nilang nais na makuha ang mga dalagang minamahal nila. Ang pagkakamali lang niya ay sa dahas ang naisip niyang paraan.
“Brandon, alam mo ang ginawa kong kasalanan kay Angela na labis kong pinagsisisihan ngayon. And what you’re about to do is something similar to that. Forcing her sa situation na alam mong hindi niya gusto. Sigurado ka ba Brandon? Na sa ganito mo nais na magsimula ang realationship nyong dalawa?”
Napayuko naman si Brandon dahil sa pagkapahiya sa sarili. Katotohanan naman ang sinabi ng kaibigan, dahil talagang labis ang kanyang pananabik kay Christine kaya siya gumawa ng ganitong hakbang. Kinuha niya ang munting kahon mula sa bulsa at ipinatong iyon sa lamesa.
“It is the only way Lance, alam kong nagiging duwag ako. Dahil hindi ko kayang harapin ng patas kung sino man ang lalakeng nasa puso ni Christine ngayon. But I still believe Lance, na she will know my real worth and how much I cares and loves her kapag may official relationship na kaming dalawa at nasa ilalim na ng isang kasunduan.”
“I hope you’re right about this Brandon. Ayaw kong makitang maulit sayo ang nangyari sa akin.” si Lance na ipinagpatuloy ang pag-inom.
Malalim na napabuntunghininga na lang si Brandon, nag-angat ng paningin at tumingin sa kaibigan.
“So, are you coming to witness it? The moment where everything changes between me and her.”
Saglit na nag-isip si Lance, gusto din naman niyang magpunta talaga upang makilala ang magiging fiance ni Brandon. Ngunit nag-aalangan naman siyang baka naroon si Angela at ang mga magulang ng dalaga.
“Since you insist, at talagang sobrang curious ako kay Christine , I’ll go, okay?” ang sabi ni Lance, nag-aalangan talaga sa gagawing pagpunta sa pagdiriwang ngunit nais niyang paunlakan ang paanyaya ng kaibigan, na makilala niya ang dalagang iniibig nito.
“Thank you Lance. I really need you to be there ngayong gabi. It means a lot kapag alam kong nandoon ka.”
Isang ngiti ang muling ibinigay ni Lance sa kaibigan, “Let’s empty our glass first”, ang naiiling na lang sabi niya kay Brandon.
Pagkatapos na mag-ayos ni Lance ng sarili ay lumabas na sila ni Brandon sa kwarto. Naroon ng nakagayak ang mga magulang at bunsong kapatid ni Lance na si Camille. Lumapit si Lance sa mga magulang habang nasa likod naman niya si Brandon.
“Dad, Mom, I know that I have to stay put, but I really want to come. Tonight is something to enjoy, so please, hayaan nyo akong pumunta.”
Nilapitan naman si Lance ng kanyang ina at inayos ng bahagya ang kwelyo ng suot nitong damit.
“Of course Lance, you can come with us.” ang nakangiting sabi ng kanyang ina.
Ngayon ay sa kanyang ama naman nakatingin si Lance, kinakabahan sa maaaring pagtutol nito.
“Do you really want come Lance?” ang nag-aalangang tanong ng kanyang ama.
“Yes Dad, only if you’ll allow it.”
“You’re presence there will make some people uncomfortable. Are you still sure na gusto mong pumunta?” ang muling tanong ng kanyang ama.
Alam naman ni Lance ang nais iparating sa kanya ng kanyang ama. Ngunit buo na ang kanyang pasya, kailangan niyang magpunta upang mapagbigyan ang kaibigan.
“Yes Dad, I really want to go… I have to be there tonight.”
Nakakaunawang tumango sa kanya ang ama at saka tumingin sa kaibigan niyang si Brandon.
“Just remember Lance, it is not the right time to meet with them. But Anton and Alice are both reasonable people, we are longtime friends at hindi sila ang uri na magsisimula ng kahihiyan sa mga ganitong okasyon. Just maintain your distance to them, but if they come at you to said some hurtful words, bear with it, you know it’s your fault Lance.” ang paalala ng kanyang ama. Dahil tiyak na hindi naman makakaiwas si Lance sa paningin ng mag-asawang sina Anton at Alice.
“I know Dad, kahit na anong sabihin nila ay tatanggapin ko na lang. It’s entirely my fault and I have no excuse.” ang malungkot na sagot na lang ni Lance, kinakabahan din naman siya sa muli niyang pakikipagkita sa pamilya ni Angela.
“But rest assured son, I’ll try to patch things up with Anton. Have patience, you and Angela are both still young. I have a feeling na Anton still likes you para kay Angela. You still have a chance Lance, you already learned your lessoned. Kailangan mo lang maghintay ng tamang pagkakataon.” ang nakangiting sabi ng kanyang ama na labis namang ikinatuwa ni Lance.
Lumapit si Lance sa ama at niyakap ito, muling nawala ang pader sa pagitan nila.
“Thanks Dad, you’re the best talaga.” ang masayang sabi ni Lance.
Nakangiting nakatingin lang naman si Brandon at ang ina ni Lance sa mag-ama. Natutuwa silang muling nagkaayos ang dalawa. Nang makarating na sila sa lugar na pagdarausan ay magkakatabing pumarada ang kanilang mga sasakyan. Nauna ng lumakad ang mga magulang ni Lance kasabay ng bunso niyang kapatid.
“Let’s get inside, it’s not my first time here so I know the place. Maganda ang lugar na ito Lance, there is beautiful garden here where I want to bring Christine later tonight.” ang masiglang sabi ni Brandon.
“Well, may time pa naman tayo, so, show me the place.”
At masayang nagtungo na ang dalawa sa loob at pinuntahan ang garden na sinasabi ni Brandon. Ang kay Brandon ay magkahalong kaba at pananabik sa lahat ng mangyayari sa gabing ito. Ang kay Lance naman kahit na siya ay nakangiti ay naroon ang hindi maipakitang lungkot sa kaibigan. Sa puso niya ay naroon ang masidhing pagnanais na makasama din si Angela sa mga ganitong pagdiriwang.
Sa isang maliwanag na garden na puno ng mga magagandang halaman at bulaklak silang dalawa nagpunta. Ang mga magkakahiwalay na ilaw sa mga nakatayong munting poste ay ang nagbibigay liwanag sa garden na iyon kahit latag na ang dilim.
“It’s a very romantic place Brandon, tiyak kong magugustuhan ni Christine ang lugar na ito.” ang nakangiting si Lance.
“I know, that’s why before the party ends tonight. I will bring her here.”
Sa damdamin ni Brandon ay naroon ang alinlangan dahil sa alam niyang pagtutol ni Christine sa mangyayari ngayong gabi. Ngunit sa kabila ng alinlangang iyon ay naroon ang isang munting kaligayahan dahil sa magiging simula ng bagong relasyon nilang dalawa.
*****
Sa isang malaki at napakarangyang tahanan ay malinaw na nakikita ang liwanag na nagmumula dito mula sa labas. Maraming sasakyan ang nakaparada sa harapan nito dahil sa pagtitipong magaganap ngayong gabi. Isang pagtitipon na para lamang sa mga matataas na tao sa lipunan, sa mga taong tinitingala at pinagsisilbihan ng iba.
Malapit ng mag alas-syete na ng gabi ng dumating ang mag-asawang sina Anton at Alice sa pagdiriwang. Maagap na lumabas si Mang Lando upang pagbuksan ng pinto ang mag-asawa. Nang nakalabas na si Anton ay masuyo niyang hinawakan ang kamay ni Alice at inalalayan itong makalabas ng sasakyan. Pagkatapos isara ang pinto ay magalang na yumukod na si Mang Lando sa mag-asawa at bumalik na sa loob ng sasakyan. Magkahawak kamay namang nagtuloy na sa loob sina Anton at Alice.
Pagdating ng mag-asawa sa loob ay binati sila ng mga tagasilbi at may isang sumama sa kanila upang igawi sila sa kanilang lamesa. Habang naglalakad ay napansin nina Anton at Alice ang mga magulang ni Lance. Tumayo ang mga magulang ni Lance at nagsimulang lumapit sa kanilang mag-asawa kaya tumigil sila sa kanilang paglalakad. Inutusan ni Anton ang tagasilbi na mauna na sa kanilang lamesa at susunod na lang silang mag-asawa.
Nang magkakaharap na sila ay kaswal lamang silang nagkamustahan. At saka nagpasya si Anton na kausapin ng sarilinan ang ama ni Lance.
“Hon, mauna ka na sa table natin. I’ll be there shortly.” ang mahinang sabi ni Anton, at saka banayad na humalik sa pisngi ni Alice.
Ngumiti naman si Alice sa asawa.
“Go ahead Anton and take your time. Don’t worry about me.”
Gumanti ng ngiti si Anton sa asawa at saka muling hinarap ang ama ni Lance.
“Shall we?” si Anton sabay lahad ng kamay sa isang direksyong walang masyadong tao.
Nang nakalayo na ang kani-kanilang mga asawa ay saka nagsimula ang ina ni Lance. Bakas sa mukha nito ang pagkailang sa harap ni Alice. Dati ay masaya silang nakakapag-usap at itinuturing ang bawat isa na malapit na kaibigan. Kaibigang kadamay sa bawat suliranin sa pamilya at kasama bawat kasiyahang naroon silang dalawa. Ngunit ang lahat ay nagbago dahil sa isang maling desisyon na ginawa ng kanyang anak.
“A-Alice, how is Angela?” ang tapat na pag-aalala ay nasa tinig ng ina ni Lance, hindi na din naman iba sa kanya si Angela na malaon na niyang itinuring na anak dahil sa pag-ibig ni Lance sa dalaga.
“She’s fine, but she needs rest and time to recover. Alam mo naman ang sinapit ni Angela sa kamay ni Lance.” ang madiin na sabi ni Alice, wala namang kasalanan ang mga magulang ni Lance ngunit bilang ina ay hindi madali sa kanya ang muling makipagpalagayan ng loob sa mga magulang ng binata. Kahit pa ang ina ni Lance ay itinuturing niyang matalik na kaibigan. Dahil muling bumabalik sa kanyang isipan ang ayos at panginginig ng anak ng makita niya ito, na hanggang ngayon ay nagbibigay ng galit sa kanyang dibdib kapag naaalala niya.
Dahil hindi naman nalingid sa ina ni Lance ang naroon pa ding galit ni Alice ay napilitan siyang lalong magpakumbaba. Ang anak niya may kasalanan at alam niyang hindi madali para sa pamilya ni Alice ang makalimutan ang ngyari.
“I’m terribly sorry about what happened Alice.”
“It’s not yor fault, at alam ko yun. Ngunit ina ka din na tulad na ko, and I know that you understand. It’s not easy for us to just forgive and forget. Especially para kay Angela, who is still suffering some trauma dahil sa ngyari.”
“I know that Alice, and I can only imagine how hard it is para sayo, lalo na kayAngela. Alam kong wala akong masasabing makakapagpagaan sa ginawang kasalanan ni Lance. It’s just that, he loves Angela so much, hanggang ngayon Alice ay hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon.” ang malungkot na patuloy ng ina ni Lance.
“Walang kahit na anong dahilan ang maaaring mag-justify sa ginawa ni Lance kay Angela. Regardless of the reason, that’s not love, that’s only cruelty. What he did to Angela is very painful to us. Because we entrusted our only daughter to your son, not knowing he is capable of such hideous act.” ang galit ngunit mahinang sabi ni Alice, walang pakialam sa pagpapakumbaba ng kausap. Nag-iisa niyang anak si Angela na kanyang minamahal at iniingatan, kaya sadyang hindi madali para sa kanya ang magpatawad.
Natigilan naman ang ina ni Lance, hindi naman niya masisisi si Alice kung bakit ganito ito ngayon. Napakalaki ng tiwala ng mag-asawa sa kanilang anak na si Lance, kaya tiyak na napakasakit para kina Anton at Alice ang nangyari. Umaasa na lamang siyang sa tulong ng panahon ay maghilom agad ang sugat na nasa puso ng mag-asawa at ng kanilang nag-iisang anak. Nalulungkot din naman sila ngyari, lalo’t araw-araw niyang nakikita ang paghihirap ng kalooban ni Lance na palaging alak ang kasama pagkatapos manggaling sa eskwela.
“I’m really sorry Alice… B-But.. But Lance is also suffering right now. Hindi na siya katulad ng dati ng Alice, naaawa na din ako kay Lance.” ang malungkot na sabi ng ina ni Lance, ngayon ay luha ay sulok ng kanyang mga mata. Kapwa nahihirapan naman talaga ang kanilang pamilya dahil sa nangyari.
Matiim na tinitigan ni Alice ang kaharap.
“He is suffering? That’s good to hear. Just tell your son to forget about my daughter, hindi siya ang tamang lalake para kay Angela.” sinabi ito ni Alice upang malaman ng ina na Lance na hindi na niya tanggap si Lance para kay Angela. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Lance ngayon ay hindi na mahalaga. Alam niyang lalong masasaktan ang kaharap ngunit kailangan niyang maging matapat alang-alang sa kanyang anak. Dahil si Dan ang kaligayahan at kailangan ni Angela, kung ano ang makakapagpasaya sa anak ay naroon din ang kanyang pagpapasya.
Malungkot na lamang napangiti ang ina ni Lance at saka tuluyan na itong napaluha. Ngayon ay nalaman niyang mahihirapan ng lalo ang anak na mapalapit sa dalagang iniibig nito talaga. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang dalang lagayan at nagpahid ng luha sa kanyang mga mukha.
Nakaramdam naman ng habag si Alice sa kaharap, ngunit ang kanyang pasya ay buo na. Hindi niya hahayaan si Angela na malagay sa kalungkutan at pagdurusa. Hinawakan ni Alice ang kamay ng ina ni Lance at saka malungkot na ngumiti dito.
“I’m sorry, it’s not my intention to makes you feel bad or to ruin this evening for you. Nagsasabi lang ako sayo ng totoo kong nararamdaman.”
Tumango naman ang ina ni Lance at saka muling pilit na ngumiti. Nakaramdam ng kaunting gaan sa dibdib dahil sa paghawak ni Alice sa kanyang kamay.
“It’s alright Alice, I understand. But I’m still hoping na dumating ang araw na makabalik tayo sa dati. I like you Alice, you know that, iilan lang ang totoo kong kaibigan at isa ka doon.” at saka ito muling ngumiti ng buong katapatan kay Alice, kasama sa ngiting iyon ang kanilang tapat na pagiging magkaibigan sa loob ng napakaraming taon.
Dahil sa nakikita ay nakaramdam din naman ng lungkot si Alice, matagal na niyang kaibigan ang ina ni Lance. At ang kasalanan ng anak ay hindi kasalanan ng magulang.
“I’m not sure kung darating pa ang araw na iyon. But I want you to know, hindi ako nagdaramdam sayo, and I still consider you a friend. Ngunit sinaktan ni Lance ang pamilya ko. That is the truth that will never change.”
“Since you still consider me a friend. Please Alice. Can’t you find it in your heart na patawarin mo na si Lance.”
Hindi naman makakuha ng tamang sasabihin si Alice, darating ang araw na mapapatawad din naman niya si Lance. Ngunit hindi na niya matatanggap pa ang binata para sa kanyang anak na si Angela.
“I have to go, kanina pa may naghihintay sa table namin.” ang paalam na ni Alice sa kaharap, hindi niya nais na sagutin ang pakiusap nito. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Saglit lang silang nagkatinginan, banayad na pinisil ni Alice ang kamay ng ina ni Lance. At saka siya lumakad na papunta sa table nilang mag-asawa. Hindi niya alam kung muling darating ang panahon na muli niyang makakapalagayan ng loob ang kaibigan. Iisa lang ang natitiyak niya, si Angela ang magpapasya kung saan ito magiging masaya. At magkasama silang mag-ina na haharapin ang lahat, maging ang mundo ay kalaban man nila.
*****
Nasa isang tahimik at medyo madilim na lugar naman si Anton at ang ama ni Lance. Iisa ang laman ng kanilang isipan, kung paano aayusin ang problemang ginawa ni Lance. Nang huli silang mag-usap ay kapwa may galit sa kanilang dibdib at kapwa nila inilabas ang mga iyon sa binata. Ngunit kahit na hindi pa din maganda ang pakiramdam ni Anton sa nangyari ay kailangan niyang makipag-usap ng maayos sa ama ni Lance para sa kinabukasan ng dalawa.
“Anton, how is your daughter?”
“She’s fine.”
“That’s good to hear Anton. I really hopes that she recovers fast from what happened.”
“Let’s stop talking about my daughter. How is your stupid son?” ang madiin na tanong ni Anton.
Huminga naman ng malalim ang ama ni Lance.
“He’s changed, he drinks a lot these days. He is out of focus Anton, depressed and always upset. He can’t forgive himself for what he did. He really loves your daughter Anton.”
“My wife and daughter hates him now, at wala akong magagawa para baguhin ang nararamdaman nila” hindi kayang aminin ni Anton sa ama ni Lance ang tungkol sa binatang iniibig ni Angela, dahil hindi pa din niya ito tanggap para sa anak. May pait man sa kanyang dibdib, ay mas nanaisin paniyang ibigay si Angela kay Lance kaysa mapunta kay Dan ang nag-iisa niyang anak.
“That’s given Anton, Alice and Angela have all the rights to feels that way. But how about you? Ganun din ba ang nararamdaman mo?”
Hindi naman nakasagot agad si Anton, may galit pa din para kay Lance ngunit hindi naman siya namumuhi dito. Dahil alam niya ang totoong dahilan kung bakit ginawa iyon ng binata.
“Anong gusto mong gawin ngayon? Tell me what you really have in mind?” si Anton, na hindi na sinagot ang tanong ng kausap.
Dahil sa hindi pagsagot ni Anton ay nabuhayan pa din ng pag-asa ang ama ni Lance.
“I know it’s going to be a hard and difficult road but, I still wants them to be together. It’s our longtime plan Anton, alam kong hindi madali para sa iyong itapon ang matagal na nating pangarap. That our family becomes one. I’ll do everything to makes Lance a better man Anton. Ang tanging pakiusap ko lang sayo, is to also do your best para mapagaan ang loob nina Alice at Angela. Let them understand that Lance loves your daughter so much. Mas mahirap kung hindi sila ang magkakatuluyan Anton, and you know that better than anyone.”
Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila, kapwa ramdam na hindi madali ang binabalak nilang gawin.
“I’m not going to promise you anything. But I’ll see what I can do.” ang pagsang-ayon naman ni Anton, alam niyang mahihirapan siyang baguhin ang nararamdaman ng kanyang asawa at anak ngunit kailangang magkaroon ng katuparan ang pangarap niya.
Nakangiti namang inilahad ng ama ni Lance ang palad kay Anton.
“I still hopes for a brigther future para sa family natin Anton.”
Ginagap naman ni Anton ang kamay ng kaharap.
“It’s not going to be easy, pero gagawin ko ang dapat kong gawin.”
“Thank you Anton, for being reasonable.”
“Is Lance here?”
Tumango naman ang kaharap.
“Tell him to meet me sometime later tonight. And don’t don’t let him near my wife.” ang paalala ni Anton.
At naghiwalay silang kapwa magaan ang pakiramdam. Hindi nila isinara ang pinto para sa kinabukasan na sina Lance at Angela ang magkasama. Muli na silang bumalik sa kani-kanilang lamesa at sa naghihintay nilang asawa.
Umupo si Anton sa tabi ni Alice at hinawakan ang kamay ng asawa. Ngumiti naman si Alice kay Anton. Hindi maaaring sabihin ni Anton ang kanilang plano kay Alice, alam niyang wala ito sa tamang kondisyon para tanggapin ang kanyang nais na mangyari. Ayaw na niyang muling magalit sa kanya ang pinakamamahal na asawa. Dahil kapag nagpasya itong iwan siya ay tiyak na sasama ding palayo si Angela, at hindi niya kakayanin ang sandaling mawala ang mga ito sa kanya.
“I love you so much Alice.” ang buong pagsuyong sabi ni Anton habang nakatingin sa magandang mukha ng asawa.
“I love you too Anton, always.” ang nakangiting sagot naman ni Alice.
*****
Malayo pa lang ay napansin na ni Dan ang magkaibigang sina Brandon at Lance na makakasalubong niya sa daan. Muling bumangon ang galit sa kangyang dibdib ngunit kailangang kalmahin niya ang sarili. Nasa maling lugar siya para maglabas ng init ng ulo. Tumigil si Dan sa kanyang paglalakad, tiningnan ang dalawang lalakeng ngayon ay nakatingin na din sa kanya. Nagpasya siyang magpunta sa gilid at hayaang tahimik na makalampas ang dalawa. Walang mabuting maidudulot sa kanya ang isang panibagong sigalot sa pagitan nila ni Lance lalo’t nalalapit na ang araw ang kanyang pag-alis kasama ang dalawang dalagang minamahal niya.
Pabalik na sina Brandon at Lance ng mapansin nila si Dan mula sa malayo naglalakad na palapit sa kanila. Tiningnan ni Brandon si Lance na nakatitig lang sa binatang kasintahan ni Angela. Ramdam ni Brandon ang tensyon kay Lance sa muli nilang pagkikita ni Dan.
“Lance, be calm, remember the reason why we are both here.” ang paalala ni Brandon sa kaibigan.
“I know Brandon, just give him a greeting for me.”
Nagpatuloy pa sila sa paglalakad ng mapansin nilang gumilid si Dan at huminto upang umiwas sa kanila. Napaismid naman si Lance, mas mataas pa din sila kaysa kay Dan, at hindi iyon lihim sa binata.
Mula sa gilid ng daan ay umasa naman si Dan na payapang lumampas sana sa kanya sina Brandon at Lance. Nais niyang magkaroon ng isang payapang gabi habang ginagawa ng maayos ang kanyang trabaho. Ngunit sadyang hindi madali sa kanya ang lahat ng bagay, dahil ngayon ay nakatigil sa harap niya ang magkaibigan.
“Musta Dan?” ang nakangiting bati sa kanya ni Brandon.
Sa likuran naman ni Brandon ay naroon si Lance na nakatingin lang sa kanya. Medyo halata pa din ang ilang sugat sa mukha ng binata.
“Okay lang Sir.” ang tipid na sagot ni Dan.
Naalala ni Brandon ang isang gabi sa bar na kasama niya si Christine, kung saan naroon si Dan na parang nabighani sa ganda ng dalagang kasama niya. Kung inaakala ni Dan na nakakahigit ito sa kanila dahil sa pagkakuha nito kay Angela ay nais ipakita ni Brandon na nagkakamali ito. Dahil ang dalagang kasama niya ngayong gabi ay kapantay ng dalagang kasintahan ngayon ni Dan.
“Dan, I have a special guest tonight. Can I make a request na ikaw ang mag serve ng special drinks namin mamaya sa table?” si Brandon na naglabas ng ilang pirasong perang papel at ipinakita kay Dan, malaki ang halagang iyon kumpara sa normal nitong ibinibigay sa kanila.
Tumango naman si Dan, iyon naman talaga ang sadya niya sa pagtitipong ito, ang maglingkod sa mga katulad nina Brandon at Lance at tumanggap ng halagang barya lamang para sa mga ito. Kinuha niya ang salapi mula kay Brandon at saka siya nagpasalamat.
“Thank you Sir.”
“Alright then, aasahan kita mamaya Dan.” ang nakangiting si Brandon.
Hindi naman nakatiis si Lance, lumapit din ito kay Dan habang hindi inaalis ang paningin sa binata.
“Bagay sayo ang suot mo. Maayos ka din namang tingnan kapag nadadamitan ng ganyan.” ang nakangising si Lance, habang itinaas ang isang kamay at inilagay sa balikat ni Dan. At saka parang nag-aalis ng gabok doon kahit wala naman.
Nakuyom naman ni Dan ang mga palad, ngunit pinigilan ang sarili. Hindi lang sarili niya ang dala niya, kung hindi maging ang pangalan ng kanyang pinapasukan. Ayaw niyang maging dahilan ng malaking perwisyo para sa ibang kasamahan. Kung hindi siya nakapagtimpi noon, kailangan niyang magpigil ngayon.
“Lance…” ang paalala ni Brandon sa kaibigan.
“Well, I’m looking forward sa pag-serve mo sa amin. Wag kang mag-alala, galante din ako Dan. Bibigyan kita ng malaki ngayong gabi.”
Wala namang naisagot si Dan sa sinabi ni Lance, nanatili lang siyang nakatingin din sa mata nito. Tunay namang iyon ang kailangan niya ngayong gabi, salapi, may insulto mang kasama ang salaping iyon ay hindi na mahalaga.
Nang mapansin ni Alex na malapit ng mag alas syete ng gabi ay mabilis siyang umalis sa garden at nagtungo na pabalik sa bulwagan. Naglalakad siya ng mapansin si Dan na kausap ang magkaibigang sina Lance at Brandon. Nakaramdam siya ng kaba kaya lalo niyang binilisan ang paglalakad upang makalapit ng madali sa mga ito.
“Dan…” si Alex na ngayon ay malapit na sa tatlo.
Napalingon naman si Dan at ang dalawang magkaibigan kay Alex.
Ngumiti si Brandon kay Alex.
“It’s good to see you too Alex.”
Yumukod naman si Alex sa dalawa. Kailangan pa din niyang igalang ang dalawa, dahil sa sandaling ito ay mga tagasilbi pa din sila ni Dan at mga panauhin naman ang magkaibigan.
“May kailangan po ba kayo Sir Brandon, Sir Lance?” malumanay ang tanong ni Alex, nais na iwasan ang gulong maaaring mangyari.
“Kinumusta ko lang si Dan.” si Brandon na muling ibinaling ang paningin kay Dan.
Dahil sa ayaw nang paabutin pa ni Brandon sa hindi maganda ang pagkikita-kita nilang ito ay niyakag na niya ang kaibigan.
“Lance, tayo na sa loob. Parating na siguro sila, you want to meet her right?”
Minsan pang tumingin ng matiim si Lance kay Dan at saka lumakad ng palayo ang dalawa.
Tiningnan na lang ni Dan at Alex ang papalayong dalawa. Ang nasa isip ni Dan ay isang mahabang paghihintay para sa kanya ang gabing ito.
“Dan, okay ka lang ba?” ang nag-aalalang si Alex.
Ngumiti naman si Dan sa kaibigan, mainit ang kanyang pakiramdam ngunit kalmado pa din naman siya. Kailangan lang niyang palamigin saglit ang sarili.
“Okay lang ako Alex, wala namang ngyari.”
“Mabuti kung ganun, tara, balik na tayo sa loob. Baka nag-aalala na si Mika.”
“Mauna ka na Alex, palamig lang ako saglit.”
Tinapik na lang ni Alex si Dan sa balikat at saka nagpaalam pabalik kay Mika.
“Bilisan mo Dan, malapit ng magsimula.”
“Susunod ako agad, ikaw na muna bahala sa loob at kay Mika.”
Ngumiti sa kanya si Alex at saka nagmamadali itong lumakad na pabalik sa pwesto nila sa loob. Naghanap naman si Dan ng banyo at saka naghilamos doon, nais na palamigin ang sarili. Walang mabuting maidudulot sa kanya kung patuloy na mamamahay ang galit sa kanyang dibdib. Pagkatapos tuyuin ang sarili ay nagpasya na din siyang lumabas. Kailangan na niyang bumalik upang tulungan sina Alex at Mika.
*****
Marami na ang tao ang nakaupo sa kani-kanilang lamesa ng makabalik si Dan sa kanilang pwesto. Ngunit patuloy pa din ang pagdating ng mga panauhin na para bang may parada ng mga magagarang sasakyan sa labas. Mabilis siyang lumapit sa kanilang table at kumuha ng tray at nagsimulang maglagay ng ng dalawang klase ng alak.
“Pasensya na Alex, natagalan ako ng kaunti.”
“Okay lang Dan, nagsimula na si Mika, dun ka na lang sa kabila.” sabay turo ni Alex sa kabilang parte na malayo sa lugar na pinagsisilbihan ni Mika.
Natigilan pareho sina Alex at Dan ng mapansin ang ilang kalalakihan na nakikipag-usap kay Mika. Alam nila parehong interasado ang mga ito sa dalaga. Nakita pa nila ang pag-abot ng mga ito kay mika ng salapi na masayang tinanggap naman ng dalaga.
“Ganyan na din dati Dan, dami talagang nagkaka-interes kay Mika.” si Alex na ipinagpatuloy ang ginagawa, wala din naman siyang magagawa upang pigilan ang mga panauhin sa pagpapakita ng interes kay Mika. Idagdag pang malaking tulong sa dalaga ang bawat salaping ibinibigay ng mga ito.
“Hindi ko naman sila masisisi Alex, iba ang karisma ni Mika lalo na ngayong gabi.” si Dan na inalis na ang tingin kay Mika at ipinagpatuloy na din ang ginagawang paglalagay ng alak sa tray.
“Wag kag mag-alala Dan, alam kong para kay Mika, ikaw lang nag-iisang lalake sa mundo.” ang nagbibirong si Alex.
Napilitan namang ngumiti si Dan, sa natitirang mga araw ay kanya pa din naman ang puso at katawan ni Mika.
Nang mapuno na ang kanyang tray ay nagsimula na si Dan na mamahagi ng mga alak sa mga taong naroon. Hindi lang naman sila ang nagsisilbi sa lugar na iyon, ngunit ang alak ay kanilang responsibilidad.
Nasa kalahati na ang laman ng tray na hawak ni Dan ng mapansin niya ang mga magulang ni Angela na nasa isang table na malapit sa kanya. Hidi kasama ng mga ito ang anak na hindi naman ipinagtataka ni Dan, sa halip ay ipinagpapasalamat pa niya. Ayaw din naman ni Dan na makita siya ng kasintahan sa ganitong kalagayan. Kapwa nakatingin sa kanya ang mag-asawa, ang ama ni Angela ay seryosong nakatingin lang sa kanya ngunit nakangiti naman ang ina ng kasintahan. Kumaway sa kanya si Alice at napilitan siyang lumapit at dulutan ng alak ang mga ito.
Una siyang lumapit kay Anton at naglapag ng alak sa harap nito. At saka siya lumapit sa ina ng dalaga na nanatiling nakangiti sa kanya. Naglapag din siya ng isang baso ng alak sa harap ni Alice.
“I’m really surprised to see you here Dan. If only Angela knew that you would be here working, I know that she will be be so happy to come. Ngunit kailangan niya ng pahinga Dan, kaya mas minabuti naming magrest na lang siya sa bahay.”
“Nauunawaan ko naman po Mam.”
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Alice pagkarinig ng “Mam” na tinawag sa kanya ng binata, “Dan, call me Tita Alice from now on”.
Natigilan naman si Dan, nag-aalangan sa mga susunod niyang sasabihin lalo’t naritong kasama ni Alice ang asawang malaki ang pagtutol sa kanya.
“Alice…” si Anton na hindi na nakapagpigil dahil sa naririnig na usapan ng dalawa.
Nilingon ni Alice ang asawa at isang makahulugang tingin ang kanyang ibinigay. Nais ipaalam kay Anton na mag-ingat sa nais nitong sabihin sa binatang kasama nila ngayon.
“I’m fine with it Anton, so please, just let me be.”
Wala namang nagawa si Anton, ayaw niyang sansalain ang nais ng asawa. Napabuntunghininga na lamang siya, talagang nakuha na ng kasintahan ni Angela ang damdamin ng mag-ina.
Muling lumingon si Alice kay Dan at ngumiti sa binata.
“Let me hear it Dan, call me Tita Alice.” ang buong pagsuyong sabi ni Alice.
“M-Mam, baka po may ibang taong makarinig.” ang paalala ni Dan sa ina ng kasintahan.
“I doesn’t matter to me Dan, and I really don’t care about what anyone thinks of me. Gusto kita para sa anak ko, so please, call me Tita Alice from now on.” ang sabi ni Alice na nakatingin sa binata, nais niyang alisin ang pag-aalala nito sa kanya.
“Not unless of course, if you don’t like me.” ang patuloy ni Alice sa himig na nagbibiro.
“T-Tita Alice…” si Dan na parang nahihiya sa ina ng dalaga.
“See, it’s that easy. Go ahead Dan, ituloy mo na ang ginagawa mo. Just don’t push yourself too hard, okay?”
“Yes Ma-,… Yes Tita Alice…”
Nang nakaalis na si Dan ay saka nagsalita si Anton.
“Alice, I know that you likes him. But this is a special place where we need to be careful of what we say. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalamang isang waiter lang ang boyfriend ni Angela?”
Dahil sa narinig sa sinabi ng asawa ay matiim na tumitig si Alice sa mata ni Anton.
“Ikinahihiya mo ba ako Anton?”
“Alice…”
Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Alice sa asawa, “Answer me Anton”.
Inilapit ni Anton ang sarili sa asawa at niyakap ito, walang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanila. Labis ang pagmamahal niya sa asawang si Alice. Alam naman niya ang mensaheng nais nitong iparating sa kanya.
“I got the message Hon. Please, don’t be upset. I’m sorry.”
“Good”, ang nakangiting si Alice bagaman may luha sa ngilid ng kanyang mata.
Kinuha naman ni Anton ang panyo sa kanyang bulsa at tinuyo ang nangilid na luha mata ng asawa. Habang nakatingin si Anton sa mukha ni Alice ay nasa isip niyang ang isang matinding sugal na kanyang gagawin. Kung pilit niyang paghihiwalayin si Angela at si Dan, ay naroon ang isang banta na maaaring mawala sa kanya hindi lamang ang anak kung hindi maging ang pinakamamahal niyang si Alice.
*****
Pagkalampas ng alas syete ay ay tumigil na ang sinasakyan nina Christine sa tapat ng isang malaking gate. Naunang bumaba ang kanyang mga magulang sa sasakyan at saka siya sumunod. Pinauna niyang lumakad ang mga magulang, nais niyang magkaroon ng distansya mula sa mga ito. At saka siya naglakad na mag-isa na may mapang-akit na ngiti sa kanyang magandang mukha. Sa bawat paghakbang ng kanyang paa ay alam niyang may napapalingon sa kanya. Lihim siyang nasisiyahan sa nakikita niyang tingin sa kanya ng mga kalalakihan. Paghanga at pagnanasa ang hatid ng dalaga sa kanila.
Nagpatuloy pa si Christine sa kanyang paglalakad ng siya ay mabilis na natigilan. Nawala ang ngiti sa kanyang labi, dahil alam niya kung ano ang nakatakdang maganap ngayong gabi. At narito ngayon si Dan na nakatingin sa kanya na nasa loob din ng pinagdarausan ng kasiyahan. Nakasuot ang binata ng magarang uniforme habang may dalang tray ng alak sa isa nitong kamay. Nais ni Christine na maglaho ng sandaling iyon ngunit hindi niya magawa. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Lumapit siya sa binatang kanyang minamahal at kinuha ang huling alak na nasa tray na hawak ni Dan.
“Dan…”
“Christine…”
Sumungaw ang luha sa gilid ng mata ng dalaga habang magkahinang ang kanilang paningin.
“I’m going to hurt you tonight. Whatever happens ngayong gabi, please pretend na wala kang nakita. Can you do that for me?” ang bahagyang naluluhang sabi ng dalaga habang nakatingin sa pinakaiibig niyang si Dan.
Tumango naman si Dan sa dalagang alam niyang labis na nahihiraparan sa kung ano man ang sitwasyong haharapin nito ngayong gabi.
“You know how much I love you Dan. So please, trust me , okay? Sayo lang ako, yan ang tandaan mo.”
“Alam ko Christine, buo ang tiwala ko sayo.”
“Say I love you Christine.” ang pakiusap ng dalaga.
“I love you Christine.” ang buong pagsuyong sagot naman ni Dan.
Sa kanilang mata ay naroon ang pag-ibig nila sa isa’t-isa na hindi nila kayang maipakita sa iba. At kasabay ng paghakbang palayo ng dalaga ay ang pagtulo din ng luha mula sa kanyang mga mata. Ngayong gabi ay may masasaktan sa kanila, may tiyak na damdaming magdurusa at hihiling sa langit ng pag-asa para sa kaligayahang ninanasa ng bawat isa. Kung ano man ang kapalarang naghihintay sa kanila sa gabing ito ay ang siya ding dahilan ng huling unos na pagdadaanan nilang tatlo.
At gaya ng aking hiling ng gabing iyon sa Maykapal, nawa ang langit ay madinig ang aming mga daing. Upang ang kaligayahang aming inaasam sa piling ng isa’t-isa ay amin ng makamtan. Ngunit ang luha at kaligayahan ay may pagkakataong magkasama. Sana ang bawat kapalit ng luhang tutulo mula sa aming mga mata ay ang kaligayahan na wala ng katapusan pa.
(Ipagpapatuloy…)