Tukso kay Dan Season 2 Part 11

Chapter 11

Sa isang bagong bukas na first class restaurant dinala ni Brandon si Christine. Pagkatapos iparada ng maayos ang sasakyan ay mabilis na hinawakan ni Brandon sa kamay si Christine na aalisin sana ang suot nitong seatbelt.

“Allow me.” ang nakangiting sabi ni Brandon.

Inilapit ni Brandon ang kanyang katawan kay Christine ngunit hindi niya inalis ang lock ng seatbelt kung hindi nanatiling nakatuon lamang doon ang kanyang kamay habang nakatingin sa malapit na napakagandang mukha ni Christine.

Ngumiti naman si Christine, “Come on Brandon, if you want to kiss me. Just do it already.” ang malambing niyang sabi habang nakatingin din sa gwapong mukha ng binata.

Ngumiti din muna si Brandon at saka niya inilapat ang kanyang labi sa labi ni Christine na humawak naman sa kanyang batok. Matagal ding naghinang ang kanilang labi at nakayakap na din ngayon si Brandon sa malambot na katawan ni Christine.

“You’re lips taste so sweet Christine…” ang malamyos na sabi ni Brandon habang hinahaplos ang malambot at mapulang labi na katatapos lang niyang muling lasapin.

“So they say…” at saka matamis na ngumiti si Christine.

“I want this to be mine Christine, mine alone.” ang mainit na sabi ni Brandon habang patuloy na nilalaro ang labi ni Christine.

“It can be yours Brandon, every moment that we are together, sayo lang ako.”

At saka muling siniil ng halik ni Brandon si Christine na muli namang nagpaubaya sa binata. Nang muling maghiwalay ang kanilang labi ay saka pa lang tuluyan ng inalis ni Brandon ang pagkalock ng seatbelt ni Christine.

“Stay here.” at saka mabilis na lumabas ng sasakyan si Brandon at nagtungo sa tapat ng pintuan ng upuan ni Christine.

Nakangiting binuksan iyon ng binata at saka niya inilahad ang kamay sa nakangiting dalaga. Hinawakan naman iyon ni Christine at magkahawak-kamay na silang pumasok sa loob. Pagdating sa may entrance ay kusa na silang pinagbuksan ng staff na naroroon. Nang nasa loob na sila ay ibinigay niya ang reservation card sa staff na lumapit sa kanila. Ihinatid muna sila ng staff sa kanilang table sa may itaas na tanaw ang dalampasigan ng Maynila.

Hinila ni Brandon ang upuan para kay Christine.

“Thank you.”

At saka hinila ni Brandon ang upuan para sa kanya. Ngunit bago siya naupo ay napagawi ang kanyang paningin sa dalawang babaeng nasa ibang table na kahanay nila.

“Someone you know?” si Christine na hindi na nag-abalang tingnan ang nasa kanyang likuran sa alam niyang tiningnan ni Brandon.

“No…,” Isang mabilis na buntunghininga ang pinakawalan ni Brandon at inamin na din ang totoo, “Yes.”

“You can go there and say your hello, I wouldn’t mind.” ang nakangiting sabi na lang ni Chrisitine.

“It’s alright Christine.” si Brandon na gumanti ng ngiti sa dalaga bago ito tuluyang naupo.

Tumingin si Christine sa labas at pinagmasdan ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Si Brandon naman ay nakatingin lang sa dalagang nakatingin sa labas. Simula pa ng una niyang nasilayan ang larawan ni Christine ay sinabi niya sa sarili na ito na ang babaeng nais niyang makasama sa kanyang buong buhay. Dumating man sa kanya ang mga sandali na pinanghihinaan na siya ng loob ay nanatili siyang matatag para sa pangarap na ngayon ay halos nasa kanya na.

“I’m going to melt if you continue to gaze at me like that.” si Christine na inalis ang paningin sa labas at tumingin sa binata.

“Sorry, can’t help it.”

“Don’t be, because I love the way you look at me Brandon.” ang sabi ni Christine na nakatingin sa mga mata ni Brandon.

Natigilan naman saglit si Brandon, “It will never change Christine.”

“I really hope it doesn’t.”

Natigil ang kanilang pag-uusap ng dumating ang isang staff upang bigyan sila ng dalawang baso ng malamig na tubig.

“Your dinner is about to be serve Mam, Sir.” ang nakangiting sabi ng staff.

“Excellent, thank you.” si Brandon.

“So, do you like the place?” ang nakangiting tanong ni Brandon kay Christine ng umalis na ang staff na nagdulot sa kanila.

“I love it, especially the scenery, it’s quite romantic. I really do admire on how you can make a woman happy.” ang nakangiting sabi ni Christine.

“One of my natural born traits Christine.” ang sabi ni Brandon sa himig ng pagbibiro.

“Okay, seriously speaking, are you always like this to your every woman?” ang bahagyang natatawang sagot naman ni Christine sa pagbibiro ng binata.

“Only to you Christine.” ang ngayon ay seryosong sagot ni Brandon, dahil kahit maraming babae na din ang dumaan sa kanyang kamay ay kay Christine lang siya nagkaganito, na nais niyang laging i-please at i-impress na hindi pa niya ginawa sa iba. Dahil ang mga nakalipas niyang babae ang halos gumagawa ng paraan para ma-satisfied siya.

“Is that your way of making me feel honored and special?”

“I will never lie to you Christine, ever, that I can promise you.”

“Thank you, and I’ll never lie to you as well. One thing I would like to remain unchanged between us is our honesty for each other.”

“I would love that too Christine.”

Nang dumating na ang kanilang dinner ay muli pa silang masayang nag-usap habang kumakain. Hindi katulad ng dati na bored si Christine sa mga sinasabi ni Brandon, ngayon ay natutuwa siyang malaman ang bawat detalye sa buhay nito na matapat at masaya naman nitong sinasabi sa kanya.

“Is it alright if I ask something about your past? Since you almost said it all, I’m just curious about that one partucular subject.” ang tanong ni Christine pagkatapos pahirin ang labi ng table napkin.

“Sure, we just both agreed to never lie to each other so, kahit kinakabahan ako, ask me.”

“How many women have you been in a relationship with before me?”

“Eight.” ang mabilis na sagot ni Brandon.

“All sexual?” ang may himig panunuksong tanong ni Christine.

“Yes…, all of it.”

“See, I am right afterall, you’re really is a womanizer.” ang nakangiting sabi ni Christine at saka siya uminom ng tubig.

“I’m just being honest here Christine. I played a lot before, but it all stops the moment I fall inlove with you.” ang buong katapatang sabi ni Brandon na nakatingin sa mga mata ni Christine.

Ramdam naman ni Christine ang katapatan sa sinabi ni Brandon, dahil walang sandali na hindi ang kapakanan niya ang inuna nito. Na kahit puro pagdurusa ang halos naibigay niya sa binata ay nanatili itong tapat na umiibig sa kanya.

“How about you Christine? How many?” ang tanong ni Brandon sa mababang tinig. Nais niyang malaman din naman ang parteng ito sa buhay ni Christine mapait man sa kanya.

“There are many men who I became intimate with, but I only have sex with three of them.” ang pag-amin naman ni Christine. Dahil walang dahilan para magsinungaling siya lalo’t ang pundasyon ng kanilang relasyon ay ang kanilang katapatan sa isa’t-isa.

“Disappointed?” ang nakangiting tanong ng dalaga sa hindi sumagot na binata.

“Although I already envisioned that, yes, I’m a bit disappointed. But it doesn’t matter Christine, because my love for you will always stay the same.” Dahil hindi naman mahalaga na kay Brandon kung ilan ang nauna. Dahil ang natatanging mahalaga sa kanya ay siya ang naging huli at wala ng magiging kasunod pa.

“If only I had known you much earlier, everything might be different.” ang sabi ni Christine habang iniisip niya si Dan. Dahil si Dan ang unang nakakuha ng kanyang puso na hindi na niya maaari pang ibigay sa iba.

“We’ve met Christine, that is all that matters to me.”

Lumapit sa kanila ang isang staff at inalis ang lahat ng mga nasa lamesa maliban sa candlelight at bulaklak.

“Would like your wine to be serve now Sir?” ang tanong ng staff na kay Brandon nakatingin.

Tumingin naman si Brandon kay Christine na tumango naman sa kanya.

“Yes, please do serve it now.”

“Alright Sir.”

Dumating ang kanilang inumin at nagsalin ang staff sa dalawang baso. Pagkatapos ilapag ng staff ang mamahaling bote ng alak sa lamesa ay tumingin ito kay Brandon, “Sir, the lady on the other table ask to join your company.”

“No, please tell her that I declined.”

“Allow it Brandon, I want to meet her.” ang nakangiting sansala ni Christine sa sinabi ni Brandon.

“Christine…” ang nag-aalangang binata.

“Brandon….” ang madiing sabi ng dalaga.

Huminga ng malalim si Brandon at saka siya tumingin sa staff, “Okay, tell her to join us here.”

“Will do Sir.” at saka umalis na ang staff at nagtungo ito sa lamesa ng babaeng kanina ay tiningnan ni Brandon.

“Hi.” ang nakangiting bati nito sa kanila.

“You have a friend with you earlier.” si Brandon na nakatingin sa nakatayong dalaga.

“She need to do something very urgent and I don’t like to go home just yet, so here I am.”

Dito na tiningnan ni Christine ang babae, sopistikida din ang ganda nito at mahubog ang katawan na talagang parang ipinagmamalaki nito dahil sa hakab nitong damit.

“I’m a close friend of your fiance, I’m Vivian.” at saka nito inilahad ang palad.

Pinaunlakan naman iyon ni Christine, “Christine.”

“Please be seated.” ang sabi ni Christine ng maghiwalay ang kanilang kamay.

“Thank you.”

“So how long na kayong magkakilala ni Brandon?” ang tanong ni Christine pagkatapos uminom ng kaunti.

Ngumiti ng matamis si Vivian na tumingin kay Brandon, “We’re both studying in the same school, but we are not properly introduced until our second year so, around two years more or less. Don’t you agree Brandon?”

Tumango lang si Brandon na uminom din ng bahagya.

“I see, so you know him longer than I do.”

Makahulugang ngumiti si Vivian kay Christine, “I know him so well Christine, as I’ve said, we are close.”

“Oh really, I wonder how close you are to my fiance?”

“So close that it might even surprise you.” ang nakangiting si Vivian.

“Vivian…” si Brandon.

Ngumiti lang si Vivian kay Brandon, walang pakialam sa tensyon na nakikita niya sa binata. Muli siyang tumingin kay Christine, “If you want to know more about your fiance, I can tell you everything. Maybe we can meet some other time, only me and you. If you’re interested, Brandon knows how you can reach me.”

“Sure, why not.” ang sabi ni Christine na ngumiti kay Vivian.

“So how is Brandon Christine? Is he good to you?”

Napangiti naman si Christine, “Good is an understatement, Brandon knows how to pleasure me in many ways.” at saka siya timingin ng buong pagnanasa kay Brandon na nakatingin din sa kanya.

“Yeah, I know, because Brandon is so good at many things. But the one thing that Brandon told me na I’ll never forget is how he’ll never find himself liking something that is already used.” ang sabi naman ni Vivian na may ngiti din sa kanyang labi bilang ganti sa sinabi ni Christine. Dahil bago pa man naging engaged ang dalawa ay nangalap na siya ng impormasyon tungkol kay Christine. Hindi mahalaga sa kanya ang salaping naubos niya malaman lamang ang lahat ng nais niya tungkol sa dalagang umagaw sa lalaking iniibig niya.

Napangiti naman ng makahulugan si Christine at saka siya tumingin kay Brandon.

“Vivian, poeople change, not everyone stays the same.” si Brandon na matiim na nakatingin kay Vivian. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit nasabi pa niya iyon kay Vivian. Na mas gusto niyang karelasyon ang mga babaeng siya ang nakauna. Na ayaw niya sa mga babaeng ginamit at pinagsawaan na ng iba.

“Really Brandon? Does people really change so easily? Because my feelings remains the same for someone. And I wonder what should I do about it?” ang tugon naman ni VIvian sa sinabi ni Brandon.

“That’s your personal concern Vivian, settle that on your own.” ang may diin na sabi ni Brandon, hindi na niya gusto ang tinatakbo ng usapan at nais niyang umalis na si Vivian sa kanilang lamesa.

Pagkatapos ubusin ang laman ng kanyang baso ay nagpaalam na din si Vivian, nagawa na naman niya ang gusto niya, “Christine, it’s a pleasure meeting you. But I have to go now so that both of you can enjoy this wondeful evening.”

“I think we will Vivian.” at saka hinawakan ni Christine ang kamay ni Brandon at marahang pinisil iyon, huling ganti niya kay Vivian.

Tipid na ngumiti lang si Vivian kay Christine na tinapunan din ng tingin ang suot nitong engagement ring. Saglit lang siyang tumingin kay Brandon saka siya lumakad na palayo. Habang naglalakad ay mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa ang kaligayahang para sa kanya ay kasalukuyang na kay Christine. “We shall see Christine who’ll have the last laugh, you can enjoy him for now and so savor it fully. I’ll take him back after he’s done with you, gamit ka na Christine, hindi ka bago na tulad ko ng nakuha niya. Have fun now Christine, soon, your world will fall apart in your very eyes.”

“Brandon, how good is that woman in bed?”

“Christine, please…”

“Come on now Brandon, I’m not that naive. And I’m not upset, I’m quite pleased to be honest. Because she is pretty, and a hot one on top of that, If you’re past lover is below that level then I would really be disappointed in you.” ang nakangiting sabi ni Christine.

“So…” ang muling papagpapatuloy ni Christine.

“She is quite good.”

“Well, I hope you’ll find me better.” At saka siya niya inubos na ang lamang alak ng kanyang baso habang hindi inaalis ang paningin sa kaharap. “So, how about me Brandon? Am I also a used toy to you?” si Christine na may malungkot na ngiti.

“Christine, what she said and what I feels about you are two different thing, it’s not the same. You’re past means nothing to me Christine.” ang sabi ni Brandon na nanatiling hawak ang kamay ni Christine.

“She is quite resourceful you know, I never think someone would be so interested in me to dig up my past. I can’t believe she’ll go that far just to think na she can hurt me.” si Christine na mapaklang tumawa.

“Are you really not hurt by what she said?”

“What do you think Brandon?” si Christine na tipid na ngumiti.

“Let’s go back .” ang sagot na lang ni Brandon, hindi din naman niya alam ang tunay na nararamdaman ngayon ni Christine.

Tumango lang si Christine na inubos na ang laman ng kanyang baso.

Tinawag ni Brandon ang isang staff para sa kanilang bill. Binayaran iyon at nagbigay na din siya ng tip sa staff na nag-serve sa kanila. Inalalayan ni Brandon si Christine na kumapit naman sa kanyang bisig. Pagkahatid kay Christine ay saglit na lang nagtagal ang binata sa kanilang bahay. Kinausap lang ni Brandon ang mga magulang ni Christine at saka ito nagpaalam na din. Sinamahan ni Christine sa sasakyan nito si Brandon at doon na sila nagpaalaman.

“Christine, are you still upset about Vivian?”

Umiling naman si Christine, “Not anymore, you’re here with me and not with her.” at saka yumakap si Christine kay Brandon na hinaplos naman ang kanyang alon-alon na buhok.

Iniangat ni Brandon ang mukha ni Christine, “Friday is almost here Christine…”

“Did you find the best wine for me?” ang nakangiting tanong ni Christine.

“Already in my room.” ang nakangiting sagot din ni Brandon.

Muling bumaba ang labi ni Brandon at isang mainit na halik ang kanilang muling pinagsaluhan.

“I’ll see you on Friday night Christine.” at saka hinaplos ni Brandon ang malambot at makinis na pisngi ng dalaga.

Tumango naman si Christine, “Please be safe.”

Ginawaran muna ng isa pang mainit na halik ni Brandon sa labi si Christine bago siya pumasok na sa kanyang sasakyan at saka siya tuluyan ng umuwi.

Habang paakyat patungo sa kanyang kwarto ay nasa isipan pa din ni Christine si Vivian. Alam niya ang laro nito dahil ganun din naman siya, kung inaakala nitong mababawi pa nito si Brandon mula sa kanya ay nagkakamali ito. Dalawang araw mula ngayon ay mararanasan ni Brandon ang kakaibang sarap na kayang bumaliw sa kahit na kaninong lalake. Sa loob naman ng minamanehong sasakyan ni Brandon ay nasa isip niya kung paano patitigilin si Vivian sa ginagawa nitong panggugulo sa buhay niya. Dapat ng tanggapin ni Vivian na tapos na ang lahat sa kanila. Ayaw niyang may kahit na anong magiging dahilan upang magkaroon siya ng hindi inaasahang suliranin kay Christine lalo’t alam niyang nabuksan na ang puso nito sa kanya.

*****

Nasa loob ng study room ni Anton si Alice at kasalukuyang binabasa ang mga dokumentong inilabas ng asawa mula sa isang envelope.

“Where did you get all these information Anton?” ang tanong ni Alice.

“From someone we both know.” ang sagot ni Anton na may tipid na ngiti.

“Is he still doing this kind of work?” si Alice na napatingin kay Anton.

“What else can he do? This is the ony life for him Alice and you know that.”

Huminga ng malalim si Alice, “He never change, I hope he’s doing well.”

“Is my wife worried about another man?” ang nakangiting tanong ni Anton.

“Anton…,” si Alice sa malamig na tinig habang nakatingin sa mga mata nito, hindi niya nagustuhan ang nagbibirong tanong ng asawa.

“Sorry, he is okay the last time I saw him.”

Natigilan saglit si Alice at nag-isip ng malalim.

“Anton, is he the one…, you asked to to do that to Dan.”

Tumango ng marahan si Anton.

Binitawan na ni Alice ang kanyang hawak at saka matiim na tumingin sa asawa.

“Is there anything else I should know Anton?” ang madiin na tanong ni Alice.

Nag-aalangang binuksan ni Anton ang isang drawer at inilabas mula doon ang envelope na ipinakita niya kay Dan. Ayaw na niyang magtago ng sikreto sa asawa, magiging dahilan lang iyon para magkaroon na naman siya ng problema na ayaw na niyang maulit pa.

Tiningnan naman ni Alice ang nasa loob niyon at napahawak siya sa kanyang bibig. “Wha-What is the meaning of this Anton?”

“Calm down Hon, it’s fake, it’s not real.” at saka tumayo si Anton na lumapit sa asawa at hinagod ang likod nito.

“I showed that to Dan, I want to test him, that’s all.”

Pinilas ni Alice ang papel ng maraming ulit at galit na ibinasura iyon.

“Anton, don’t do something like this again.” ang galit na sabi ni Alice, wala talagang kadala-dala ang asawa.

“Please calm down na Hon. It’s only for a show.”

“Anton, you treat him well and fair, you don’t want our situation to change again, we’re all okay now, please don’t ruin it.”

“I promise I’ll never do this again.”

“If Angela were to find out about that, imagine the consequences we both have to face.” ang galit pa ding si Alice, labis na nag-aalala sa kapakanan ng nag-iisa nilang anak.

“I’m being careful Alice, and Dan made a promise that he will keep it to himself.” ang pagpapalubag ni Anton sa nararamdamang takot ng asawa.

Pilit na kinalma ni Alice ang sarili, “Burn that Anton, and not a single copy must remain to your posession.”

“Okay.”

Tumalikod na si Alice at lumabas na sa study room ng asawa.

Pumunta si Alice sa kusina at naabutang naghahanda si Yaya Meding ng paboritong inumin at tinapay ni Angela sa gabi. Uminom muna siya ng malamig na tubig at saka siya tumabi sa matanda.

“Yaya, ako na ang magdadala nan kay Angela, magpahinga na kayo.” ang nakangiting sabi ni Alice.

“Sige Alice.” ang sagot ng matanda na nakangiti.

Sa bahay na iyon ay si Yaya Meding lang ang tumatawag sa kanila ni Anton sa kanilang pangalan. Dahil dalaga pa lang ang matanda ay naglilingkod na ito sa pamilya ng kanyang asawa at hindi na din nila itinuring na iba. Sobrang malapit din ito kay Angela na isa pa sa ikinatutuwa nilang mag-asawa.

Nang matapos si Yaya Meding sa ginagawa nito ay inilagay na iyon ni Alice sa isang tray. Nagtungo na si Yaya Meding sa kwarto nito at umakyat naman si Alice sa itaas na dala ang tray.

(“tok” “tok”)

“Angela.”

Masayang binuksan ni Angela ang pinto at nakangiting sinalubong ang ina. Kinuha niya ang tray mula sa ina at nauna siyang lumakad papasok sa loob. Inilapag iyon ni Angela sa lamesita at saka niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

“Tomorrow na ba ang sleep over mo Iha.” habang nakatingin sa anak na abala sa pagpili ng damit na dadalhin.

“Yes Mom, pero I’ll be at home na po ng Friday afternoon.” ang nakangiting sagot ni Angela na bahagyang lumingon lang sa kanyang ina.

Kinuha ni Alice ang baso ng mainit na gatas mula sa tray at lumapit sa anak.

“Drink it first Angela, bago pa lumamig. Yaya will be sad if this goes to waste.”

Kinuha naman iyon ni Angela, “Thanks Mom.” Uminom siya ng kaunti at saka iyon inilagay sa lugar na hindi niya masasagi.

Masayang pinagmamasdan ni Alice ang anak ng mapansin niya ang isang munting envelope sa ibabaw ng kama. Lumapit siya doon at naupo, kinuha ang munting envelope at binuksan, napangiti siya sa magandang kuha ng kanyang anak. Nang nakita niya ang isang pang card mula sa loob ay inilabas din niya iyon at binasa.

“Angela…” si Alice na ipinakita sa anak ang card na kasama ng picture nito.

Lumingon naman si Angela sa kanyang ina na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kanyang kama, nagbago ang ekespreyon ni Angela ng tumayo. Lumapit sa kanyang ina at tumabi dito ng upo. Kinuha ni Angela ang card mula sa kanyang ina at muli iyong tiningnan.

“Who is this Lean Iha?”

“Schoolmate ko po Mom, I’ve just met him recently and I think he is nice guy naman po.” ang matamlay na sagot ng dalaga.

“Alam ba ni Dan ang tungkol sa invitation na ito? And how about this picture Iha?” ang magkakasunod na tanong ni Alice na ibinigay din sa anak ang larawang hawak niya.

“Dan doesn’t know pa po, pero I’ll tell him everything tomorrow po. Ayaw ko pong may secrets between me and him. And about this picture naman po, Lean gave it to me.” ang sagot ni Angela na ngayon ay hawak ang kanyang larawan at ang invitation card na galing kay Leandro.

“Do that Angela, you don’t want Dan to have any misunderstanding about all this.” ang sabi ni Alice.

“Yes Mom.” ang sagot ni Angela at saka siya tipid na ngumiti.

“Are you thinking of coming to that party?”

“Hm, he is nice to me naman po, and I think na since it’s his birthday, I’ll come just this one time. But if Dan told me tomorrow na ayaw niya po akong pumunta, then I won’t go.”

“Okay Iha, tell Dan everything and both of you make a decision after.” ang nakangiting si Alice habang hinahaplos ang mahabang buhok ng anak.

“I will Mom.” at saka siya naglalambing na yumakap sa kanyang ina.

“One night pa lang Angela ay mami-miss na kita agad. Be sure to come home on Friday or ako naman ang magtatampo sayo. And do tell Dan to visit us again, okay?” ang nakangiting si Alice.

“Yes Mom, I’m home na po sa Friday promise, and I’ll ask Dan to come here again.” ang masayang sagot naman ni Angela, nais na din naman niyang muling bumisita si Dan sa kanilang tahanan upang lalo pa itong mapalapit sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama.

“Do you want me to prepare something para may madadala ka sa bagong tinitirhan ni Dan?” ang nakangiting tanong ni Alice.

Masayang tumango naman si Angela na parang batang naglalambing sa kanyang ina. Nais niyang matuwa din naman ang mga kasama ni Dan sa bahay sa kanyang pagpunta. Dahil bukas na ang araw na hinihintay niya, muli na naman silang magkakapiling ni Dan sa isang buong gabi na para lamang sa kanilang dalawa.

*****

Habang nagpupunas ng lamesa ay nasa isip pa din ni Dan ang nakita niya kanina. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nasaksihang pagpapaubaya ni Christine sa ginawa ni Brandon. Ngayon ay malapit ng mag alas nuebe ng gabi, kung saan-saan na naglaro ang kanyang isipan sa kung ano kasalukuyang ginagawa ng dalawa. Nakakaramdam siya ng galit ngunit mas higit sa kanyang sarili. Dahil wala siyang makitang dahilan para komprontahin si Christine sa paglalarong ginagawa nito.

“Dan, sa labas muna tayo. Kanina ka pa tahimik dyan eh.” si Alex na ipinakita kay Dan ang dalawang inumin na dala.

Magkatabing nagte-take ng break sina Dan at Alex sa may parking lot na malayo sa lugar ng gwardiya. Ayaw nilang tumambay sa may Locker Room dahil na din sa kanilang mga kasama na hindi nila kasundo.

“Alam kong galing ka na naman kanina sa opisina ni Mam. Nagmilagro na naman ba kayong dalawa?” ang sabi ni Alex na mahinang boses na may halong pagbibiro.

“Loko ka talaga Alex, nagpaalam lang akong hindi makakapasok bukas, may importante kasi akong gagawin.” ang dahilan na lang ni Dan, ngunit bago niya iyon sinabi kay Arcelle ay ginawa muna nila ang masarap nilang ritual sa tuwing nagkikita sila sa opisina. Mainit na yakap at halik na ilang ulit nilang ginagawa habang nasa loob silang dalawa.

“Malakas ka naman kay Mam, tiyak na isang sabi mo lang, payag na agad yun.” ang nagbibiro pa ding si Alex.

Hindi na lang sumagot pa si Dan dahil totoo naman ang sinabi ni Alex. Ang bawat niyang naisin ay laging pinagbibigyan ni Arcelle.

“Pero Dan, ingat…, may asawa si Mam.” ang seryosong paalala ni Alex sa kaibigan.

“Alam ko naman yun Alex, salamat sa paalala.”

Nang malapit ng maubos ang laman ng kanyang bote ay saka niya sinabi kay Alex ang tungkol sa napag-usapan nila ni Mika. Labis namang nalungkot si Alex dahil sa kanyang nalaman na gagawing pag-alis ni Mika sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ngunit wala naman siyang magagawa kung iyon ang nais ni Mika dahil nakikita naman niya ang paghihirap ng kalooban nito.

“Minsan Dan, di ko alam kung maiinggit ako sayo o maiinis o maaawa. Halos nasa sayo na lahat ang magiging kaligayahan ng isang lalake, pero puro problema ka pa din hanggang ngayon.”

“Ewan ko Alex, sa totoo lang, nakakaramdam din ako ng takot. Paano kung biglang mawala sa akin ang lahat? Dahil wala namang katiyakan ang bukas at ang hinaharap. Masaya ako ngayon, eh paano naman kung hindi na bukas. Basta ang alam ko lang, kailangan kong itama ang lahat ng ito, hindi man sa ngayon pero darating ang araw na dapat kong ayusin lahat to.”

“Nalulungkot lang ako na kay Mika ka nagsimula.” si Alex na tumingin sa kalangitan.

Napabuntunghininga naman si Dan, “Alex.”

Tumingin si Alex kay Dan.

“Kapag umalis si Mika, saan man siya magpunta. Sana samahan mo siya.” ang nakangiting pakiusap ni Dan sa kaibigan.

Ngumiti naman si Alex, “Yan ang nasa isip ko ngayon Dan sa totoo lang, kahit saan man magpunta si Mika, gusto kong naroon din ako.”

“Salamat Alex.”

Biglang lumapit ng pagkakaupo si Alex kay Dan.

“Dan…” at saka bumulong si Alex kay Dan na para bang may makakarinig pa sa kanila kahit dalawa lang naman silang naroon sa lugar na iyon.

“M-Masarap ba si Mam?”

“Personal na yan Alex, pass na ako dyan?” ang nakangiting si Dan.

Nagpaawa naman ang ekspresyon ni Alex, “Sige na Dan, matagal ko ng pantasya talaga si Mam Arcelle. Pagbigyan mo na ako, wala namang ibang makakaalam ng sasabihin mo sa akin.”

“Gusto mo talagang malaman?” si Dan na sinabik talaga ang kaibigan, naalala niya ang isang pagkakataong ganito din ito sa kanya ngunit si Mika naman ang dahilan.

Napalunok naman si Alex, kinakabahang tumango.

“Masarap Alex, yung tipong magkatabi pa lang kayo ay parang lalabasan ka na agad.”

Muling napalunok si Alex, “N-Nasubo ba si Mam?”

Si Dan naman ang bumulong kay Alex, “Hindi lang sumusubo Alex, lumulunok pa.”

Biglang inilayo ni Alex ang katawan at saka siya tumayo na.

“Tama na Dan, tinitigisan na ako, sasakit lang puson ko lalo neto.”

Natatawa namang tumingin lang si Dan sa alam niyang libog ng kaibigan. Tumayo na silang dalawa at bumalik na sa kanilang trabaho. Hindi na nilapitan ni Dan si Mika na abala sa ginagawa nito sa kaha. Dapat na silang masanay na dalawa dahil lalo lang silang mahihirapan kung kahit nasa trabaho ay magiging malapit pa din sila.

Pagsapit ng alas-onse ng gabi ay doon lang sila nagkasabay na lumabas ng restobar ni Mika.

“Doon ako sa kabila Mika, ingat ka sa pag-uwi.” si Dan na bahagyang tinapik sa balikat ang dalagang parang maiiyak na nakatingin sa kanya.

“S-Sige Dan, ingat ka din.” si Mika na pinigilan ang sarili na maiyak dahil sa unang gabi na sa magkaibang daan sila uuwi ng binata.

Naunang sumakay na si Dan at saka pinakawalan ni Mika ang mga luha sa kanyang mga mata ng malayo na ang sinasakyan nito. Napakahirap talaga sa kanya at nakakapanibago na hindi niya kasama si Dan. Tahimik niyang pinahid ang mga luha sa kanyang mukha ng tumigil ang isang sasakyan sa harap niya.

“Hatid na kita Mika.” si Arman na binuksan ang pinto ng sasakyan. Kanina pa niya inaabangan si Mika na alam niyang sa ganitong oras nauwi. Nagpaalam siya kay Arcelle na labis na gagabihin dahil sa pag-asikaso ng project na sisimulan na niya sa nalalapit na mga araw.

Natigilan naman si Mika, hindi niya alam ang gagawin lalo’t nag-iisa siya. Kinakabahan siya dahil alam niyang may ibang hangad sa kanya ang asawa ng kanilang manager.

“W-Wag na lang po Sir, M-may jeep naman pong daraan dito. Thank you na lang po.”

“Mika, ihahatid lang kita sa inyo, at para kang hindi okay, so please Mika. ” ang madiin na sabi ni Arman sa alam naman niyang kinakabahan na dalaga.

Kinakabahan man ay napilitang sumakay si Mika. Pagkaupo niya ay isinara niya ang pinto ngunit dahil sa labis na kaba ay hindi niya maisuot ang seatbelt sa lock nito.

Nakangiti namang dumukwang si Arman at hinawakan ang kamay ni Mika, pinisil iyon at saka inalis sa may seatbelt. Idinikit niyang lalo ang kanyang katawan sa dibdib ng dalaga na lalong nagpainit sa kanyang pakiramdam. Napakalambot ng malulusog na dibdib ni Mika na nais na niyang hawakan ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon. Siya na ang naglagay ng seatbelt ni Mika at saka siya bumalik sa kanyang pagkakaupo sa harap ng manibela.

Si Mika naman ay lalong nakaramdam ng pagkailang dahil sa paglapat ng katawan ni Sir Arman sa kanyang dibdib na alam niyang sinadya nito.

Pinaandar na ni Arman ang sasakyan, “Saan ang lugar mo Mika?”

“D-Diresto lang po Sir, makalampas lang po ng ikalawang overpass.” ang kinakabahan pa ding si Mika.

Dahil wala namang sasakyan sa dinaraan ay malayang napagmamasdan ni Arman si Mika ng matagal. Napansin niya ang guhit ng luha sa mga ng dalaga. Gaya ng dati ng una silang nagkasama, alam niyang may mabigat na dinaramdam talaga si Mika.

“May problema ka ba Mika?”

Umiling naman si Mika, “Wala po Sir.”

“Hindi ka magaling magsinungaling Mika.”

Hindi na lang kumibo si Mika at ang nais ay makababa na sa sinasakyan niya.

“Tinatanong ko lang, because I really want help in anyway I can.”

“Thank you na lang po Sir, O-Okay lang po ako.”

Nang malapit na sila sa kanyang babaan ay mabilis iyong sinabi ni Mika kay Sir Arman.

“Dyan na lang po ako sa may kanto Sir Arman.”

Itinigil naman ni Arman ang sasakyan ngunit hindi nakalabas agad si Mika dahil nakalock ang pinto.

Kinakabahan siyang lumingon sa lalakeng kasama, “S-Sir, yun pong pinto…”

Huminga ng malalim si Arman at saka siya tumingin sa dalaga, “Nag-abala ako para ihatid ka Mika, kahit sa asawa ko ay nagsinungaling ako para makasama ka saglit.”

“Sir Arman…”

“Alam kong sinabi ko sayo na wag mong sabihin kay Arcelle ang ginawa ko sayo. Pero alam mong kapag hindi mo sasabihin ay uulitin ko.”

At saka lumapit si Arman kay Mika na lalong isiniksik ang sarili sa sasakyan.

“Wag kang matakot Mika, hindi kita kailanman dadahasin. Gaya ng sinabi ko, kailangan natin ang isa’t-isa.” at saka ipinaling ni Arman ang mukha ni Mika paharap sa kanya.

“Don’t resist Mika, dahil hindi lang ikaw ang magkakaproblema kapag sinabi ko ito sa asawa ko. Damay pati mga kaibigan mo.” ang banta ni Arman sa natigilang si Mika.

Isang halik na punong-puno ng pagnanasa ang iginawad ni Arman kay Mika.

“Hindi ito ang huli Mika, nagsisimula pa lang tayo.” at saka ibinigay ni Arman kay Mika ang isang box.

Ayaw ni Mika na tanggapin ngunit ipinilit iyon sa kanya ni Arman kasama ang isang muling banta.

“I’ll see you again Mika.” at saka binuksan na ni Arman ang pinto.

Lumabas si Mika at mabilis na naglakad palayo sa sasakyan.

Nakangiti namang pinaandar na ni Arman ang sasakyan pagkatapos bigyan ng huling sulyap ang naglalakad na si Mika. Kaunti na lang ang kanyang ipaghihintay. “Malapit ka ng maging akin Mika.”

Pagdating ni Mika sa kanilang bahay ay tulog na ang kanyang kapatid. Kaagad siyang pumasok sa loob ng banyo na dala ang magandang box na galing kay Sir Arman. Gamit ang isang bansang bimpo ay pinunasan niya ang kanyang labi. Kailangan na niyang magsabi kay Mam Arcelle dahil natatakot na talaga siya. Tiningnan niya ang box na dala sa loob ng banyo. Halos katulad ito ng disenyo ng box na huli din niyang tinanggap. Para makatiyak ay binuksan iyon ni Mika at tama ang kanyang nasa isip. Dahil nasa loob ng box ang katulad na mga chocolates na natanggap niya ng huli. Ngunit wala na ang bulaklak kung hindi isang magandang munting box na kulay asul ang naroon at isang sobre. Binuksan niya ang sobre at nakita niya ang hindi birong halaga ng salapi. Malaking tulong iyon sa kanilang pamilya na labis naghihirap sa probinsya dahil sa kanilang malaking pagkakautang. Natukso siyang buksan naman ang maliit na kulay asul na karton. Isang simple ngunit may magandang disenyong pendant na kuwintas na yari sa ginto ang nakita niya. Hindi niya inaakalang ganito kasidhi ang pagkagusto sa kanya ni Sir Arman. Dapat niya itong ipaalam sa kanyang kapatid ngunit ayaw niyang gawin. Isasauli na lang niya ang mga ito kay Sir Arman ng wala ng nakakaalam. Nakahiga na si Mika na maraming iniisip, si Dan na malayo na sa kanya, ang paghahanap niya ng bagong malilipatan na trabaho upang makalimot kay Dan at makaiwas kay Sir Arman.

“Kailangan natin ang isa’t-isa Mika.” ito ang huling narinig ni Mika bago siya tuluyan ng nakaidlip.

*****

Alas onse bente na ng makarating si Dan sa kanyang bagong tirahan. Wala ng tao sa may salas ngunit bukas pa din ang ilaw. Agad siyang nagtuloy sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Lumabas na siya pagkatapos at nagtungo sa may kusina. Lumapit siya sa ref upang kumuha ng tubig ng mapansin niya ang note na para sa kanya. Nasa loob ng ref ang kanyang pagkain at initin na lang sa microwave oven.

Bumukas ang pinto sa kwarto ni Rhian, “Hi.” ang nakangiting bati ng dalaga sa kanya.

Ngumiti naman si Dan, “Kauuwi lang, tubig?”

Tumango naman si Rhian habang nakatingin lang kay Dan.

Ibinigay ni Dan ang isang baso ng malamig na tubig kay Rhian. Iniwan na niya ang pitsel sa lamesa at kinuha mula sa loob ng ref ang pagkain na para sa kanya.

“Ako na Dan.” si Rhian na kinuha mula sa kanya ang pagkain na kanyang hawak. Tinuruan siya ni Rhian sa paggamit ng microwave oven.

“Thank you.”

“You’re welcome.”

Naupo naman si Dan at inayos ang kanyang pagkain sa lamesa.

“Ikaw Rhian?”

“I’m full , ikaw na lang Dan.”

Naupo na si Dan at kasabay niyang naupo din si Rhian.

“Dan, may tanong ako, paano mo nakilala si Jessica?”

“Minsan akong naospital, halos isang buong linggo, si Jessica ang nag-asikaso sa akin. Doon kami nagkakilala.” ang paliwanag ni Dan na nagsimula nang kumain.

“Ah, okay, pero wala namang something special between sa inyong dalawa?”

Umiling naman si Dan, “Magkaibigan lang kami Rhian.”

“Dan, last na to…, may GF ka na ba?”

Itinigil saglit ni Dan ang pagkain, “Meron na, bukas kasama ko siya dito.” ang nakangiting sabi ni Dan.

Malungkot namang ngumiti si Rhian, “Sayang Dan, pero hayaan mo na. I can’t wait na na makilala ang GF mo.”

“Sayang ang alin Rhian?”

“Kayo ni Jessica, akala ko kasi ay may something special sa inyong dalawa, pero nevermind Dan. Bukas ha, pakilala mo sa amin?” at saka tumayo na si Rhian.

“Okay Rhian, andito na kami sa hapon.”

“Sige na Dan, tulog na ako.” ang nakangiting paalam ng dalaga sa kanya.

“Thanks ulit Rhian.”

Tumalikod na si Rhian at pumasok na sa kwarto nito. Tinapos naman ni Dan ang kanyang pagkain, nagligpit ng kanyang mga ginamit, inayos ang sarili at saka siya nahiga na din. Tinatanong niya ang sarili kung ano ang dapat niyang gawin. Kakausapin ba niya si Christine o hindi na lang niya ito papansinin tulad ng ginagawa ng dalaga ngayon sa kanya. Masakit sa kanya ang kanyang nalaman ngunit alam niyang ito ang kailangan ni Christine upang mabawasan ang paghihirap nito na siya din naman ang dahilan.

*****

Isang bagong umaga na naman ang sumapit sa buhay ni Dan. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay nagtuloy na siya sa kusina. Naroon nang nakaupong magkatabi sina Jim at Sandra, Cris, at tatlong boarders na bagaman nakita na niya ang dalawa ay hindi niya pa kilala maging ang isang lalakeng nakaupo sa tabi ni Aling Mameng. Si Rhian naman ay tinutulungan si Aling Melda sa paghahanda ng kanilang agahan.

“Dan, ito nga pala si Arvin, pamangkin ko. Yun naman sina Mark at Mylene.” ang pakilala ni Aling Mameng sa tatlong hindi niya kilala.

Tipid na ngumiti naman si Dan, nakakaramdam pa din siya ng pagkailang lalo’t bago pa lang siya dito.

“Dito ka na Dan, tabi na lang tayo.” ang sabi ni Rhian na hinila ang dalawang bakanteng upuan na magkatabi.

“Thank you.” ang sabi ni Dan sa nakangiting dalaga na umupo na din sa tabi niya.

Nakaramdam naman hindi maganda ang tatlong magkakabarkadang sina Jim, Cris at Mark dahil sa kanilang nakita. Dahil parang close na agad ang dalawa at hindi nila iyon gusto. Dahil kahit may kapwa nobya na sina Jim at Mark ay nagnanasa pa din sila sa magpinsang si Rhian at Jessica. Ganun din naman ang nararamdaman ni Cris, dahil isa sa magpinsan ang nais niyang maging nobya.

Habang kumakain ay kinausap ni Dan ang kasera upang ipaalam ang pagpunta mamaya ni Angela.

“Aling Mameng…”

“Ano yun Dan?”

“Nakakahiya man po dahil alam kong kalilipat ko lang. Pero may kasama po akong uuwi dito mamayang hapon. Doon ko po sana kwarto ko patutuluyin hanggang bukas.”

“Sige Dan, wala namang problema doon, basta yung paalala ko ha. Bawal ang madalas.”

“Opo Aling Mameng, salamat po.”

“Syota mo Pre?” si Jim, na gaya ng dati, nakangisi na namang katabi ang nobya nitong si Sandra.

Bahagyang tumango naman si Dan bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Jim.

“Wag kang mahihiyang dalhin dito, mabuti nga ng makilala namin.” ang sabi naman ni Mark na katabi din ang nobya nitong si Mylene. Nais niyang ikumpara si Mylene sa dadalhing nobya mamaya ni Dan.

“Open naman kami dito Dan pagdating sa mga ganyan.” ang sunod na sabi naman ni Cris, na nagkunwang hindi inis. Nais ding makita ang babaeng nobya ni Dan.

“Bakit di mo na lang dito patirahin para may katulong ka sa upa. Saka para mas masaya tayo dito.” ang sabi naman ni Mylene.

“May sarili kasi silang bahay dito sa Maynila.” ang paliwanag na lang ni Dan.

“Tigilan nyo na nga si Dan, baka mamaya lalo lang yang mahiya eh.” ang huling sabi ni Sandra na ngumiti kay Dan.

Pagkatapos kumain at magsipilyo ay pumasok na din si Dan. Nakaalis na din sina Rhian at Arvin at sina, Jim, Sandra, Mark, Mylene at Cris na lang ang natira. Sa iisang school napasok ang mga ito at pang nine pa ang klase, isang oras na huli kumpara sa mga kasama nilang nakaalis na.

“Kayo talaga, feeling excited kunwari na makilala yung girlfriend ni Dan para may pagkukumparahan naman kayo sa amin ni My.” ang sabi ni Sandra na nakaharap sa salamin habang nagsusuklay.

“Oo nga, laging ganyan yang mga yan, kaya yung babaeng dinala dito ni Arvin, hindi na bumalik eh. Alaskador kasi yang tatlong yan, baka sinabihan ni Arvin na wag na ulit pumunta, grabe kasing magsalita yang magkakabarkadang yan.” ang segunda naman ni Mylene sa sinabi ni Sandra.

“Kayo namang dalawa, gusto lang naman naming makilala yung syota ni Dan. Anong masama dun? Saka masama ba yung sinabi namin kay Arvin na humanap naman ng maayos-ayos. Para sa kanya din naman yun.” ang sabi ni Jim habang nagsasara ng suot nitong polo.

“Okay, ganito na lang, para wala na kayong reklamong dalawa, hindi na kami magsasalita. Kung ano man ang itsura ng syota ni Dan, sasarilinin na lang namin.” ang natatawang sabi ni Mark at saka ito lumapit kay Mylene at bumulong dito, “Babe, mamaya, suot mo yung paborito ko ha.”

Malambing namang kinurot ni Mylene sa tagiliran ang nobyo at saka siya naman ang bumulong, “Ikaw talaga Babe, gusto mo lang inggitin sila eh. Kaya idi-display mo na naman ako.”

“Syempre, sobrang proud ako na ikaw ang katabi ko palagi pagtulog sa gabi.” ang nakangiting sagot naman ni Mark sa nobya niyang maganda din namang tulad ni Sandra at makurba din ang katawan.

Natahimik sila ng marinig ang mga yabag ng kasera pababa. Ipinagpatuloy na nila ang pag-aayos at magkakasabay na silang lumabas.

*****

Pagkababa ni Angela sa sasakyan ay sinabihan niya si Mang Lando na umuwi na at wag na siyang sunduin mamaya. Sinabihan na lang siya ng matanda na mag-ingat at hindi naman ito nagtanong pa. Dahil bago sila umalis kanina ni Angela ay nakausap na siya ni Alice tungkol sa gagawing pagpunta ni Angela sa tinitirhan ni Dan. Nakangiting umalis na si Mang Lando dahil may tiwala naman siya kay Dan at alam niyang hindi pababayaan ng binata si Angela.

Naglalakad na si Angela papasok sa gate ng marinig niya ang pagtawag ni Christine.

“Angela.”

Tumigil naman sa paglalakad si Angela at may pagkapahiyang ngumiti sa kaibigan. “Christine.”

Napatingin naman si Christine sa mga dala ni Angela, “Going somewhere?”

“Ahm… , I’m going to sleep over sa new place ni Dan Christine.”

Nakaramdam naman ng kirot sa dibdib si Christine, mahirap talaga ang pangalawa dahil hindi siya ang palaging mauuna.

Pilit na ngumiti si Christine, “That’s fine Angela, have fun, okay?”

Tipid na ngumiti lang si Angela at saka siya marahang tumango. Nakalayo na si Christine ng nagsimulang lumakad na din si Angela papasok. Wala naman silang usapan ni Dan na magkikita sa library kaya sa building na lang ng una nilang klase niya hihintayin ang kasintahan. Bagaman wala siyang masarap na yakap at halik ngayong umaga ay bubusugin naman siya ni Dan mamaya sa mga ito. Napangiti siyang mag-isa. Hindi na din naman nagtagal ay nakita na niya si Dan.

“Madami ka yatang dala Angela.” si Dan ng napansin ang may kalakakihang bag na dala ni Angela.

“Mom prepared something para sa mga kasama mo sa house eh. I want to please them kasi para maging mabait sila sa akin.” ang nakangiting sabi ni Angela.

Nakangiting kinuha naman ni Dan ang bag na dala ni Angela, “Kahit wala naman nito, tiyak na magiging mabait sila sayo.”

“Lets’ go inside na Dan.” ang masayang pagyakag ni Angela.

Dahil hindi naman niya nakasama si Angela sa library ay hindi na din nagtagal pa doon si Leandro. Nasa may lobby na siya ng building ng makita niyang naglalakad palayo sina Dan at Angela. Kailangan niyang makausap si Dan ng sarilinan, ito ang sinabi ni Leandro sa sarili.

Pagsapit ng tanghali. Gaya ng dati ay naging malamig ang bawat pagkikita nila ni Christine na alam na ni Dan ang dahilan. Nagpasya siyang hindi na lang kausapin si Christine tulad ng ginagawa nito sa kanya.

May ilang minuto na ding naghihintay si Leandro sa may hallway ng makita niya si Dan.

“Dan, wanna grab something to drink? My treat.” ang nakangiting sabi ni Leandro.

“Okay, papunta din ako talaga sa Vendo ngayon.”

“Dan, gaano mo na katagal na kakilala si Angela?” ang tanong ni Leandro habang naglalakad na sila.

“Around five months na siguro. Bakit Lean?”

Ngumiti lang si Leandro, “Just asking.”

Nang nasa Vendo Machine na sila ay si Leandro na ang naghulog ng mga barya.

“Coffee or Juice?”

“Apple.”

“Okay, Apple….” pagkakuha niyon ay iniabot iyon ni Leandro kay Dan, “Here.”

“Thank you.”

“Doon tayo Dan.” sabay turo ni Leandro sa kabilang side na hallway.

Magkasabay silang sumandal sa pader at doon ininom ang hawak nilang inumin.

“Dan..” si Leandro na nakatingin ngayon sa katabi.

Tumingin naman din si Dan kay Leandro.

“Have you ever been fall inlove?”

Tumango naman si Dan ng marahan.

“Me too.” ang nakangiting si Leandro na tumingin sa kanyang harapan. “I don’t believe in love at first sight before, I thought na it doesn’t really exist, na everything is just an attraction that will turn into love after sometime na you spend a lot of time with someone. But then it hits me hard Dan. I fell in love, na para bang sasabog ang dibdib ko sa bawat sandaling nakikita ko siya.” Huminga ng malalim si Leandro at muli siyang tumingin kay Dan, “I love Angela Dan.”

Tipid na ngumiti naman si Dan sa katabi, “Sa kanya mo dapat sabihin Lean.”

“I know, I’m going to tell her, soon. Pero nais ko ding sabihin sayo.”

Muling uminom si Dan, wala naman siyang maaaring sabihin kay Leandro na makakatulong dito. Masasaktan lang ito kung aaminin niya ang totoo.

“Aren’t you gonna ask me why I told you, about my feelings kay Angela?”

Umiling naman si Dan, may ideya naman siya kung bakit.

“I want my intention to be known to you first. I don’t want you to get hurt Dan, because you seems like a nice guy. But if I’m wrong about it, then just ignore what I said.”

Tumango na lang si Dan.

“I’m determined to have Angela no matter what.”

“Gawin mo Lean ang sinabi mo, I wish you luck.”

“Thank you. I really need that.”

Ngumiti naman si Dan, “Okay na tayo Lean?”

“Yes.” Nais sanang inbitahin ni Leandro si Dan sa nalalapit niyang kaarawan sa Sabado ngunit hindi niya ginawa. Dahil kung pupunta si Angela ay ayaw niyang magkaroon ng distraction sa kanyang nais na gawin.

Mula naman sa malayo ay kanina pa nakatingin si Samantha sa dalawa. Ngayon lang niya nakita ang kausap ni Leandro na nagbigay sa kanya ng panibagong isipin. Sino ang lalakeng ito at ano ang kaugnayan nito sa binatang iniibig niya.

Papunta na si Dan sa classroom ng unang klase sa hapon ng harangin siya ni Samantha.

“Excuse me.” ang nakangiting sabi ni Samantha.

Tumigil naman si Dan sa paglalakad at hinarap ang dalaga.

“I’m Samantha, close friend of Lean.” ang pakilala ng dalaga ngunit hindi niya inilahad ang kanyang kamay.

“Dan.”

Lihim namang napangiti ang dalaga, dahil ang simpleng pangalan ng kaharap ay akma sa simple nitong itsura at simple ding pananamit. Bagaman kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng maamong mukha, balingkinitan na matipunong pangangatawan ay malayong-malayo ito sa kakisigan ni Leandro.

“I hope you won’t mind Dan if I ask kung bakit kayo magkasama kanina ni Lean?” ang tanong ni Samantha.

“May pinag-usapan lang kami, personal.” ang sabi ni Dan para makaalis na siya dahil malapit ng magsimula ang unang klase sa hapon.

“Personal? Can’t you tell me, please.” ang malambing na pakiusap ni Samantha.

“Sa kanya mo na lang itanong Samantha. Malapit ng mag-start ang next class, una na ako.” ang sabi ni Dan na lumakad na palayo.

Nakaramdam naman ng pagkainis ang dalaga dahil kahit hindi niya gusto ay naging malambing siya. Tapos ay parang balewalang iniwan lang siya nito.

“Who do you think you are?” ang nasa isip ni Samantha habang nakatingin sa papalayong si Dan. Malalaman din niya ang inililihim nito sa kanya.

*****

Sa likod ng isang building sa pamantasan na pinapasukan nina Brandon at Vivian.

“I thought you’re not gonna show up.” ang sabi ni Vivian ng makalapit na sa kanya si Brandon.

“I have to Vivian, because you need to stop messing with my life.” ang madiin na sabi ni Brandon.

“Messing with your life?” at saka bahagyang tumawa ang dalaga, “Look whose talking here, I gave you all my first and everything then you want me to get out of your life? Not a chance Brandon. You being engaged to that whore means nothing to me. We’re not done, not before, not ever.”

“Vivian please, I am not the one who started it, you did, so don’t blame me for it.” ang madiin na sabi ni Brandon ha halata ang pinipigilan nitong galit.

Matamis namang ngumiti si Vivian sa alam niyang galit na kaharap, “I’m not scared of you Brandon. And I do love seeing you like this. Getting worked up because of some slut.”

“Don’t insult her Vivian!” ang galit na hiyaw ni Brandon.

“Why? Isn’t that true? I did my research Brandon, I spend a ton just to know the slut that made you like this. She has a reputation of being a whore.”

Galit na hinawakan ni Brandon sa magkabilang bisig si Vivian at isinandal niya ito sa pader, “I don’t care about her past Vivian, I love her, and it will not change no matter what you says.”

Binitawan ni Brandon si Vivian at nagsimula na siyang humakbang palayo. Isang pagkakamali ang pakikipagkita niya sa dating kasintahan.

Muling tumawa si Vivian, “Should I tell her Brandon? The real reason why you’re marrying her?” ang malambing na tanong ni Vivian.

Natigil sa paglalakad si Brandon at muling hinarap si Vivian.

“What? You thought I don’t know. My father is close to your father and my Dad told me everything. How Christine’s father begged you to marry his daughter, so that they can still live comfortably.”

Nagimbal naman si Brandon dahil sa dami ng alam ni Vivian na akala niya ay sila lamang mag-ama ang nakakaalam.

“Do you remember what you says to your father when you agreed to marry that whore, that you just pity her because there’s nothing left for her. And after you’re done with her, you’ll just give her their house and some spending cash and call it quits. Christine is just the right collateral for you to enjoy, it’s not love Brandon, it’s pity, because you saw her helpless and weak and she doesn’t know about it. I wonder what she will do when she find out the truth, that there’s nothing left for her because your father took everything from them. That you only pitied her from the very beginning.” at saka masayang ngumiti si Vivian sa alam niyang labis na nabiglang si Brandon.

“Tell me that I’m lying Brandon? I dare you.”

Hindi naman agad na nakasagot si Brandon sa mga sinabi ni Vivian, dahil ang lahat ng sinabi nito ay totoo. Sinabi niya sa kanyang ama na naaawa lang siya kay Christine dahil hindi kaya ng kanyang pride na sabihin na ang isang tulad niya ay agad na umibig kay Christine gayung maraming tulad ni Vivian ang nagkakagusto sa kanya. Na sinabi niyang ipapawalang bisa din niya ang kasal nilang dalawa kapag nagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Dahil wala na namang maipagmamalaki sa kanila ang pamilya ni Christine at sila ni Vivian ang magkauri ng antas na siyang totoong gusto ng kanyang ama para sa kanya. Ito ang kanyang malaking pinagsisisihan, isang pagkakamali niya sa nakalipas na kailangang itama na niya ngayon.

Nilapitan ni Brandon si Vivian at matalim itong tinitigan sa mga mata, “All of what you said is true Vivian, but there’s one thing that you really don’t know. I truly love her, and because of that, I’m going to give her everything that I have, all of it Vivian, including my heart, and even my life if I have to. And I have nothing for you. Nothing.” ang galit na sabi ni Brandon at saka siya tumalikod na at lumakad na palayo.

“Brandon, you can’t just leave me. You’re still gonna be mine! Babalikan mo din ako!” ang galit na hiyaw ni Vivian habang lumuluha siyang mag-isa.

Nakakuyom naman ang palad ni Brandon habang naglalakad. Kailangan nilang mag-usap na mag-ama. Kailangang maikasal na sila ni Christine sa lalong madaling panahon. Si Christine lang ang nag-iisang babaeng para sa kanya. Ang makasama si Christine sa lahat ng araw ng kanyang buhay ay ang hindi nagbabagong pangarap niya.

(Ipagpapatuloy…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *