Tukso kay Dan Season 2 Part 13

Chapter 13

Nagmulat ng mga mata si Dan ng marinig ang maingay na pagtunog ng alarm clock na nasa malapit sa kama. Mabilis niyang pinatay ang maingay na tunog at saka ibinalik ang alarm clock sa tabi ng larawan ni Angela. Bahagyang gumalaw ang hubad na katawan ni Angela na senyales na nagising din ito. Muli siyang nahiga ng nakaharap kay Angela at pilit namang isiniksik ng dalaga ang mukha at katawan nito sa kanya. Nasa matipuno niyang dibdib ang pisngi ni Angela na nais pa ding maidlip.

“Five-thirty na Angela, antok ka p ba?” ang mahinang tanong ni Dan habang hinahaplos ang nagulong buhok ni Angela.

Marahang tumango si Angela na nanatiling nakapikit ang mga mata. Hindi siya sanay na gumising ng ganitong oras at late na din siyang natulog kagabi.

“Gising ka na ng six ha, marami kami dito sa bahay. Pang eight pa tayo ngayong umaga.”

Muling marahang tumango naman si Angela.

Banayad na niyakap ni Dan si Angela at hinayaan na niya itong maidlip pa. Hindi na natulog pa si Dan at hinaplos-haplos na lang niya ng marahan ang malambot at mahabang buhok ni Angela. Mainit na ang kanyang katawan dahil nakadikit sa kanya ang nakahubad pa ding si Angela. At ang kanyang galit na alaga ay kanina pa nagnanais na muling kunin ang kayamanan ng dalaga.

Pagsapit ng alas sais ng umaga ay isang mainit at banayad na halik sa labi ang naramdaman ni Angela. Naging dahilan ito para sumilay ang isang tipid na ngiti sa kanyang mapulang labi. Nagmulat siya ng mga mata at si Dan na nakatingin sa kanya ang agad niyang nakita. Napakasarap ng umagang ito para kay Angela tulad ng nagdaang gabi. Dahil natulog siyang si Dan ang kanyang katabi at gayundin naman sa paggising niya sa umaga.

“Six na Angela, wake up ka na.” ang nakangiting sabi ni Dan.

“Hm.” na sinabayan ni Angela ng marahang pagtango habang nakatingin sa mukha ni Dan.

“Kanina pa kita hinihintay na magising Angela…, isa pa tayo bago lumabas.” ang sabi ni Dan na hinaplos ang mainit nitong pisngi. Kanina pa siya nasasabik na muling angkinin ang kasintahan.

Hinaplos din naman ni Angela ang pisngi ni Dan, “I’m awake na naman, we can make love na ulit.” ang tugon ni Angela sa tinig na puno din ng pananabik. Dahil kapwa sila wala pa ding saplot ni Dan at ramdam niya sa kanyang puson ang nakakapasong init na nagmumula sa matigas at galit na pagkalalake ng binata. Kanina pa nasasabik si Dan sa kanya at ngayong ganap na siyang gising ay ang pagkalalake ng binata ang agad na hinahanap ng kanyang sabik ding katawan. At kahit hindi sabihin ni Dan ay sadyang hindi siya papayag na hindi silang dalawa masarap na magtatalik muna bago sila pumasok sa eskwela.

Bago pa nakapagsalita si Dan ay naramdaman niya ang paglapat ng malambot at mainit na palad ni Angela sa kanyang naghuhumindig na alaga.

“Ahm..” ang pigil na daing ni Dan.

Hindi naman kailangang sumang-ayon pa ni Dan sa gusto ni Angela. Dahil kanina pa galit ang kanyang alaga na muli namang nagnanais na pasukin ang mainit na lagusang naghihintay sa kanya. Inalis ni Dan ang kumot na tumatakip sa kanilang kapwa hubad na katawan at ihiniga ng maayos si Angela sa kama. Hinalikan niya Ito ng banayad sa labi habang nakahawak siya sa likod ng ulo nito. Ang isang kamay naman ni Dan ay nagsimula ng banayad na lamasin ang isang dibdib ni Angela.

Pagkatapos matagal na lasapin ang labi ng kasintahan ay bumaba na ang halik ni Dan sa may leeg ni Angela. At mula doon ay muling gumapang ang kanyang halik sa mayamang dibdib ng kasintahan. Halinhinang pinaglaruan ni Dan ang magkabilang tuktok sa mayamang dibdib ng dalaga habang banayad na nilalamas ang mga ito. Nakahawak na ngayon si Angela sa ulo at balikat ni Dan habang patuloy si Dan sa pagbibigay sa kanya ng masasarap na kiliti sa kanyang puro laway ng dibdib. Habang pinagsasawa ni Dan ang bibig at dila sa dibdib at mapulang utong ni Angela ay dahan-dahan niyang pinadausdos ang mga daliri pababa sa pagkababaeng namamasa na. Nilaro muna niya saglit ang makapal na bulbol ni Angela bago niya banayad na dinakot ang matambok nitong pagkababae.

“Ahhn.. Hmm… D-Dannn…” ang mahinang mga pag-ungol ni Angela ng magsimulang hagurin ng gitnang daliri ni Dan ang hiwa ng kanyang pagkababaeng alam niyang may pulot na. Ibayong sarap ang nararamdaman niya lalo na kapag napapasadahan ng paghagod ang kanyang munting tinggel na naninigas na dahil sa masarap na sensasyon.

Muling umakyat ang halik ni Dan at naghinang ang kanilang labi ni Angela habang patuloy pa din siya sa pagdaliri sa basang hiwa ng dalaga. Mainit at mahalay na ang kanillang halik na puno ng labis nilang pagkauhaw sa isa’t-isa. Nakahawak na ang isang kamay ni Angela sa matigas na bisig ni Dan na malapit sa kanyang hiwa, habang ang isa naman niyang kamay ay nakayakap sa mainit at matipunong katawan ng kasintahan.

Nang ganap ng naglalawa sa nektar ang lagusan ni Angela ay pumatong na si Dan sa kasintahan na kusa namang pinaghiwalay ang dalawa nitong bilugang hita. Itinukod ni Dan ang isang kamay sa kama habang itinutok naman ng isa niyang kamay ang kanyang alaga sa bukana ng lagusan ni Angela. Isang marahang pagbaon at nasa loob na agad ang bilugang ulo ng kanyang alaga na nagpaawang sa makipot na bibig ni Angela.

“Ahn.” ang pigil na daing ng nakapikit na si Angela na nakahawak sa magkabilang dulo ng unan nito.

Hinugot ni Dan ng kaunti ang kanyang alaga at saka siyang muling bumaon pa. Sa bawat niyang paghugot at pagbaon ay sumasabay naman ang masasarap na pigil na pagdaing ni Angela. Isang huling pagbaon pa at tuluyan ng muling nilamon ng pagkababae ni Angela ang malaki at nagbabagang pagkalalake ni Dan. Magkalapat ng muli ang kanilang bulbol at nakayakap na sila ngayon sa isa’t-isa.

Hinalikan ni Dan sa labi si Angela na bahagyang nagmulat ng kanyang mga mata upang saglit na masilayan ang maamong mukha ng binatang muling umaangkin sa kanya.

Muling naghinang ang kanilang labi at nagsimula ng bumayo si Dan. Kapwa sila nasa loob ng sarili nilang mundo at buong sarap na ninanamnam ang mainit na dulot ng paghuhugpong ng kanilang darang na katawan. At ang lumipas na mahabang sandali ay langit sa kanilang dalawa dahil sa nadaramang init at pag-ibig nila sa isa’t-isa. Ngayon ay mabilis na ang pagbayo ni Dan at halos tumirik naman ang mata ni Angela dahil sa nakakabaliw na sarap.

“Dannn.. Ahnmpp… Ahhn..” ang mariing daing ni Angela na may halong pagpipigil ng muli niyang marating ang magkakasunod niyang glorya. Halos bumaon ang mga kuko niya sa likod ni Dan dahil sa matinding sarap na kanyang nararamdaman mula sa kanyang pagkababae na ngayon ay alipin na naman ng malaking alaga ni Dan.

Nang ramdam na ni Dan na ilang ulit ng narating ni Angela ang sukdulan ay siya naman ang humabol sa sarap na bumabaliw sa dalaga. Mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagbayo kahit alam niyang maingay na ang paglagitngitngit ng kama maging ang bawat salpukan ng kanilang nag-aapoy na katawan.

“Aggh..” ang mahinang naidaing ni Dan ng muli na naman niyang diniligan ng kanyang mainit na tamod ang sinapupunan ni Angela.

Nanatiling nasa ibabaw ni Angela si Dan na hinahaplos ang kanyang buhok.

“Sarap?”

Tumango naman si Angela na nakatingin na ngayon kay Dan, “It’s so hot, ang sarap talaga Dan..” ang sabi ni Angela sa malamyos na tinig.

Hinawakan ni Angela sa pisngi si Dan, “Sana every night at everyday na tayong ganito Dan, I love it so much kapag magkasama tayong dalawa palagi. We kiss, we hug and we make love everytime.”

Nakangiting hinawakan din ni Dan sa pisngi si Angela, “Darating din yun Angela, kailangan lang nating maghintay pa, okay?” ang sabi ni Dan na ang nasa isip ay ang makatapos muna sa pag-aaral upang may maipagmalaki naman siya sa mga magulang ni Angela. At kapag nagkaroon na siya ng maayos na trabaho ay pakakasalan agad niya ang kasintahan bilang pagtupad sa pangakong binitawan niya dito. Ang kanyang isang hiling ay sana sa sandaling iyon ay nakakawala na din silang tatlo sa tatsulok na pag-ibig na gumagapos sa kanila. Mahirap man sa kanila ni Christine ay kailangan nilang tanggapin na darating ang araw na makakalaya din sila sa isa’t-isa.

“Always be by my side ha. Ayaw kong malalayo ka sa akin, hindi ako papayag Dan.”

“Mananatili akong nandito Angela.”

Isang mainit na halik pa ang kanilang pinagsaluhan at saka hinugot na ni Dan ang kanyang alaga mula sa pagkakabaon nito sa lagusan ni Angela. Pagkatapos linisin ang kanilang mga sarili ay saka iniabot naman ni Dan sa dalaga ang isang bote ng mineral water.

“Bihis na muna tayo Angela, baka may naliligo pa sa banyo. Kapag wala ng tao, ikaw na ang mauna.”

“Sa may kusina ka lang Dan ha, wait there until I’m done.” ang malambing na pakiusap ni Angela.

Napangiti na lang si Dan, “Aantayin kita, doon lang ako.”

Nagbihis na silang dalawa at saka sila magkasunod na lumabas ng kwarto. May naliligo na nga sa banyo kaya sa kusina na sila nagtuloy. Naroon na ang ilang kasama ni Dan sa bahay na nagsimula ng mag-agahan. Naroon na din si Arvin na gabi ng nakauwi dahil may part time din ito malapit sa tinitirhan nila. Ipinakilala ni Dan si Angela kay Arvin na halatang naiilang sa kanyang kasamang dalaga. Hindi naman kaila kay Dan ang mga palihim na sulyap nina Cris, Jim at Mark kay Angela. Hindi naman niya masisisi ang mga kasama lalo’t alam niyang dinig ng mga ito ang masarap nilang sandali ni Angela kanina sa kanyang kwarto. Gaya ng nais ni Angela ay naroon siya sa may kusina habang inaantay niya itong matapos na maligo. At saka siya naman ang pumasok sa banyo at nagtuloy naman si Angela sa loob ng kwarto ni Dan. Hindi na napansin ni Angela ang mga nagnanasang mga mata na nakasunod ang tingin sa kanyang bahagya pang basang katawan.

Pagpasok ni Dan sa kwarto pagkatapos niyang maligo ay nakabihis na si Angela ng pamasok nito sa eskwela. Nakangiting kinuha ni Angela ang mga damit na nais niyang isuot ni Dan. Isang ulirang asawa ang ginagampanan niya ngayon kay Dan na labis na nagbibigay sa kanya ng saya. Nagbihis na din si Dan habang nakangiting nakatingin lang sa kanya si Angela na nakaupo sa gilid ng kama. Nang matapos si Dan ay kaagad na tumayo si Angela at yumakap sa kasintahan niya.

“Ang aga namang maglambing ng Angela ko.” ang masayang sabi ni Dan na hinalikan ang bahagya pang basang buhok ng kasintahan.

“Para ma-miss mo agad ako, then you’ll agree na mag sleep over ulit ako sa next time.” ang masayang tugon ni Angela na nakatingin sa kanyang kasintahan, alam naman niyang pagbibigyan ni Dan ang bawat niyang hiling.

Nakangiting napailing na lang si Dan, mabuti na lamang at may lihim silang relasyong dalawa ni Arcelle. Dahil kung isa lamang siyang pangkaraniwang empleyado nito ay mahihirapan siyang pagbigyan ang nais ni Angela dahil palaging lampas alas-onse na ng gabi ang oras ng pag-uwi niya.

“Okay po Mam Angela, next week, dito ka ulit matulog.”

“I can’t wait na ulit Dan, sana bukas next week na agad.” ang masayang sabi ni Angela.

At minsan pang naghinang ang kanilang labi habang nakayakap sila sa isa’t-isa. Na para bang ang kanilang kaligayahan ay hindi na matatapos pa. Dahil ang bawat sandaling magkapiling silang dalawa ay tuwinang tumitigil sa pag-ikot ang mundong ginagalawan nila.

*****

Pagkatapos ayusin ang sarili sa harap ng salamin ay muling tiningnan ni Brandon ang mamahaling wine na nakalagay sa isang magandang karton. Hinawakan niya iyon at saka siya ngumiti, tiyak na magugustuhan ni Christine ang espesyal na wine na ihinanda niya. Isang masarap na pampainit nilang dalawa para sa masarap na gabi na naghihintay sa kanila. Lumabas na siya ng kanyang kwarto at bumaba na patungo sa kusina para mag agahan.

“Sir Brandon.” ang pagtawag ng isa nilang katulong.

Tumigil si Brandon sa paglalakad at hinarap ang katulong na tumawag sa kanya.

“Nasa telepono po si Mam Christine.”

Hindi na tumugon pa si Brandon sa sinabi ng katulong at nagtungo na siya sa telepono.

“Christine…”

“Hi..”

“It’s still early morning. You dont’ usually call unless…, there’s a problem. Is everything alright?”

“Yes, I’m fine Brandon, I just want to hear your voice.” ang malambing na sabi ni Christine.

“Well, you’ve just heard it now.” ang masayang tugon ng binata.

Napa-giggle naman si Christine, “I know, I’m just being silly here.” at saka niya nilaro ang kurdon ng telepono.

“No you aren’t, I find it charming. It’s like your own way to brighten up my day.”

“Mission accomplished then.” ang masayang sabi ni Christine.

“Breakfast?” si Brandon na magaan ang pakiramdam. Dumaan ang kanyang ina at nagkangitian silang dalawa. Dahil kitang-kita kay Brandon ang nag-uumapaw nitong saya.

“I’m about to, after this call. You?”

“Same Christine. Not yet, but that’s okay, because I do love talking to you.”

Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

“I miss you.” ang pag-amin ni Christine na ngayon lang niya ginawa sa binata. Ayaw na niyang magsinungaling sa totoo niyang nararamdaman.

Uminit ang pakiramdam ni Brandon dahil sa narinig, “I miss you too, you have no idea how badly I want to see you tonight.”

Napangiti naman si Christine, “Only to see me Brandon.”

“I will make you mine Christine.” ang mainit at buong pananabik na sabi ni Brandon.

“I can’t hardly wait.”

“Me too Christine.”

“See you tonight Brandon. Please be safe.”

“I will, see you Christine.”

At saka ibinaba ni Brandon ang hawak na telepono. Huminga siya ng malalim, dumating na din ang sandaling pinakahihintay niya. Dahil mamayang gabi ay maangkin na niya ng tuluyan ang dalagang pinakamamahal niya. At saka niya sasabihin kay Christine na kailangang magpakasal na sila. Hindi na makakahintay pa si Brandon na matapos ang dalawang taon. Pagkatapos ng semestre ay itatali na niya si Christine sa kanya. Ngunit hindi niya papayagan na mangyari ang nais ng kanyang ama sa kasunduan nilang dalawa. Dahil ipaglalaban niya si Christine na hindi na niya kailanman pakakawalan pa. “You will be mine Christine, mine alone. And I’ll never ever let you go.”

*****

Magkasabay ng pumasok sa loob ng pamantasan sina Dan at Angela. Kapwa masaya ang dalawa na parang nasa ulap pa din ang kanilang mga paa. Lalo na si Angela na hanggang ngayon ay ramdam sa kanyang sinapupunan ang maraming naipunla sa kanya ni Dan. Hindi na sila nagpunta sa library dahil wala na din namang sapat na oras. Malapit na sila sa lobby ng building na makitang nilang naghihintay si Leandro sa daan.

Dahil sa nakitang muling magkasama ang dalawa ay nakaramdam ng bahagyang kirot sa dibdib si Leandro. Dahil ang nais niya ay siya ang sa palaging kasama at kapiling ni Angela. Na sana ay nasa kanya lamang nakasalalay ang kasiyahan ng dalaga.

“Good morning Angela…, Dan. ” ang bati ni Leandro sa dalawa.

“Morning Lean.” ang tugon naman ni Angela na may tipid na ngiti.

“Lean…” si Dan na nakatingin sa binata.

“Dan, can you please?” ang pakiusap ni Leandro.

Nakuha naman ni Dan ang nais ni Leandro.

“Una na ako Angela, sa classroom na lang.” ang paalam ni Dan kay Angela.

Ngumiting tumango naman si Angela, “Save me a seat ha, tabi ulit tayo.” ang paalala ni Angela kay Dan, wala namang kaibhan iyon sa mga maraming araw na magkatabi silang dalawa sa klase.

Muli namang namahay ang lungkot sa dibdib ni Leandro, dahil talagang magkalapit ang dalawa at wala siyang magawa kahit hindi niya nagugustuhan ang kanyang mga nakikita.

“Angela.., class is about to start, so I’ll make it quick.”

Tumango naman si Angela ng marahan habang yakap ang ilang libro niyang dala. Alam na naman niya kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa.

“About dun sa invitation ko sayo para bukas ng gabi. I’m really hopeful na makakapunta ka.” ang sabi ni Leandro na kinakabahan, dahil depende sa sagot ni Angela kung tunay ba siyang magiging masaya sa pagsapit ng kanyang kaarawan.

“I will come Lean.” ang saka muling tipid na ngumiti si Angela. Gaya ng sinabi niya kay Dan ay isang beses lang niyang pagbibigyan si Leandro. Pagkatapos ng gabi ng celebration ni Leandro ay hindi na muli pang masusundan ang pagpunta niya sa bahay nito.

Nagliwanag naman ang mukha ni Leandro at labis ang nadarama niyang saya. Dahil ang nararamdamam niyang pagpayag ni Angela ay talagang ngayon ay nanggyari na.

“Thank you Angela, you don’t know how happy I am right now.” ang sabi ni Leandro na hindi maitago ang labis na kasiyahang nadarama.

Muling tipid na ngumiti si Angela, “Let’s get inside na Lean.” ang pagyaya ni Angela dahil malapit ng magsimula ang klase at alam niyang naghihintay sa kanya si Dan. Ngayon lang hahayaan ni Angela na mangyari ang sitwasyon na tulad nito sa kanya. Pagkatapos ng isang gabing pagpunta ay hindi na talaga iyon mauulit pa. Kung kinakailangan ay aaminin na niya kay Leandro ang totoo. Alam naman ni Angela na mauunawaan siya ni Dan. Para muli silang makabalik sa dati ni Dan na sila lamang dalawa ang palaging magkasama.

*****

Hanggang sa huling klase ay hindi nag-usap sina Dan at Christine. Ngunit bago tuluyang lumabas ng classroom si Christine ay isang huling tingin ang ibinigay niya kay Dan. At gaya ng kanyang inaasahan ay tumingin din ito sa kanya. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Christine sa nakatingin sa kanyang si Dan. At saka siya lumabas na ng classroom upang iwan na magkasama sina Dan at Angela. Ngayong gabi ay sila naman ni Brandon ang magiging magkaulayaw sa ligaya, katulad ng ginawa nina Dan at Angela. May munting kirot man sa kanyang dibdib ay hindi na niya iniinda, dahil mas kailangan ng kanyang katawan ang ngayon ay lumigaya.

Nasa labas na si Christine ng gate ng mapansin niya si Vivian na nakasandal sa labas ng napakagara nitong sasakyan. Higit iyong mamahalin kumpara sa tatlong sasakyan na pagmamay-ari ng pamilya niya. Parang lalo pang ipinagmamalaki sa kanya ni Vivian na magkaiba sila ng antas sa lipunang ginagalawan nila.

Tumigil si Christine paglalakad, alam naman niyang si Vivian ang may kailangan kaya ito ang dapat na lumapit.

Nasusuya may ay hindi ipinakita ni Vivian, mula sa kanyang sasakyan ay naglakad siya palapit sa dalagang nakatayong nakatingin sa kanya.

“Christine.” ang nakangiting si Vivian.

“I’m surprised Vivian, I’ve been thinking of calling you but I never expect na your so eager to see me.” ang sabi ni Christine at saka siya gumanti ng ngiti sa kaharap.

“Well, there is something I’m dying for you to know.” at saka matamis na ngumiti si Vivian sa kaharap, “Let’s see Christine for how long are you going to keep that pathetic smile in your face.” ang lihim na nasabi ni Vivian.

“Now you piqued my interest, I’m very curious to know about it.”

“Where do you want to have it Christine? I know a quite place, it will do you good if there are very few people around.” ang nasasabik na sabi ni Vivian, hindi na siya makapaghintay na makita ang pagguho ng mundo ng dalagang nagtangkang umagaw sa lalakeng kaligayahan niya.

“Okay, lead the way.” ang nakangiting pagsang-ayon ni Christine, ayaw niyang ipakita ang namamahay na kaba sa kanyang dibdib. Dahil alam naman niyang hindi magsasadya si Vivian na puntahan siya kung magandang balita ang dala nito sa kanya.

*****

Pagkaalis ni Christine ay naiwang tahimik si Dan, dahil alam niyang parang may nais na sabihin si Christine ngunit hindi na ito lumapit pa sa kanya.

“Dan..” si Angela na humawak sa bisig ng binata pagkatapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit.

Tumingin naman si Dan sa katabing dalaga.

“Are you okay? You became quite kasi.” ang nag-alalang sabi ni Angela.

Ngumiti naman si Dan, “I’m okay Angela.”

“Maaga ka bang papasok ngayon sa work mo?”

“May pupuntahan pa ako.”

“Can I come with you?” ang malambing na tanong ng dalaga.

Muling ngumiti si Dan at saka pinitik ng banayad ang noo ni Angela.

“Hmm, ang bad, sabi ko lang na sama ako.” ang nagtatampong si Angela habang hinaplos ang kanyang noo.

“Maghahanap na ako ng ireregalo mo kay Lean, at alam kong miss ka na ng Mommy mo, mag-aalala si Tita Alice kapag wala ka pa sa bahay pagkatapos ng klase.” si Dan na nakahawak sa kamay ni Angela. “Pupunta naman ako bukas ng hapon sa inyo bago ako pumasok sa trabaho, kaya wag ka ng magtampo, okay? Gusto ko ng magpahinga ka na.” ang sabi ni Dan sa tahimik na kasintahan.

“O-Okay.” ang malungkot na sabi ni Angela na nais talagang sumama sa kay Dan.

Niyakap ni Dan si Angela, “Alam kong miss mo na yung nalabas tayong dalawa.”

Tumango naman si Angela na nakayakap din kay Dan.

“Sa next Saturday, magdala ka ng camera pumasyal tayong dalawa. Punta tayo sa park, sa tabing-dagat, then stroll at kain tayo sa mall.” ang sabi ni Dan para muling sumaya si Angela. Liliban na lang siya ulit ng pasok sa trabaho. Hindi naman mahirap magsabi kay Arcelle lalo’t alam niya ang kahinaan at pangangailangan nito.

Nag-angat naman ng paningin ang nakangiti ng si Angela, “Then mag sleep over ulit ako sa gabi?” ang malambing na tanong ng dalaga na puno ng pananabik.

“Mag sleep over ka ulit para may niyayakap na naman akong matulog.”

Napa-giggle naman si Angela, “Ang sarap kaya matulog kapag naka-hug ka sa akin.”

“Hatid na nga kita, at naghihintay na si Mang Lando sa labas.”

“Okay, pero, kiss me first muna, matagal dapat ha.” ang nakangiting si Angela, masaya na ulit siya dahil isang linggong paghihintay lang ay magkapiling na ulit silang dalawa.

Hinawakan ni Dan sa pisngi si Angela bago niya hinalikan ang dalaga na mainit namang tumugon din sa kanya. At saka sila lumabas na ng classroom at nagtuloy na sa lugar kung saan naroon si Mang Lando at ang sasakyan na sundo ni Angela. Pagkatapos magpaalam sa isa’t-isa ay hinintay muna ni Dan na makalayo ang sinasakyan ni Angela bago siya nag-abang ng sasakyan papunta sa lugar na pinapasukan niya.

Mula naman sa di kalayuan ay naroon ang isang pares ng mata na matalim na nakatingin mula sa isang sasakyan. Galit ang kalooban nito dahil sa hindi matanggap na katotohanan. Na ang pangarap niyang si Angela ay pag-aari ng isang tulad lang ni Dan.

*****

Magkaharap ngayon sa loob ng isang cafe sina Christine at Vivian. Katatapos lang sabihin lahat ni Vivian kay Christine ang katotohanang nakalihim sa dalaga.

“So what now Christine?” ang nakangiting tanong ni Vivian at saka siya humigop ng kaunti.

Mabigat ang pakiramdam ni Christine at nais lumuha ng kanyang mga mata. Ngunit pilit niyang kinalma at pinatatag ang kanyang sarili. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan si Vivian na alam niyang nagnanais na makita ang pagdurusa niya ngayon.

“You will not tell me all these Vivian without a catch. Kung ang lahat ng sinabi mo sa akin ay totoo? Then I would rather cling to Brandon until he’s done with me than to be a beggar in the streets. Don’t you agree?”

Muling ngumiti si Vivian, “I admit, that would be a scene to behold, but I have a proposal that you might find more appealing.”

“I’m listening.” at saka uminom din si Christine ng kaunti.

“I want you to cancel your engagement with Brandon since you don’t deserve someone like him, and agree never to see him again. Then I’ll take care of everything for you. You already know what Brandon really wants. Pagsasawaan ka lang niya, until he gets tired of fucking you Christine.” at saka muling ngumiti si Vivian. “But if you do as I say, I can give you more than he is about to give you when he’s done with you. Why wait for that time to happen and make your life more miserable. I can give you a way out now and you will suffer less.”

Mahigpit na hinawakan ni Christine ang tatangnan ng kopita. Ngayon lang nangyari sa kanya na hindi siya makakuha ng tapang para sumagot sa isang babaeng nanunuya sa kanya. Dahil wala na naman siyang yaman na maipagmamalaki pa. Dahil ang lahat sa kanila ay pag-aari ng pamilya ni Brandon. At awa na lang ng mga ito ang bumubuhay sa kanyang pamilya.

“It’s better than to pretend that you still have everything when you actually have nothing. Brandon will dump you eventually Christine. So I advice you accept whatI’m offering because I have very thin patience, especially to a slut like yourself.

Isinulat ni Vivian ang numero kung saan siya makokontak ni Christine sa isang papel. Tumayo na siya at inilapag sa harap ni Christine ang sinulatan niyang papel.

“I will give you some time to think about it Christine.” ang nakangiting sabi ni Vivian sa nakaupo pa ding si Christine.

Nag-angat naman ng tingin si Christine at namuo ang luha sa ngilid ng kanyang mga mata. Nais niyang gumanti ngunit hindi niya magawa . Nais niyang magsalita at ipaglaban ang kanyang pride na kanina pa niyuyurakan ngunit wala na siya sa posisyon para magmatapang pa. Hindi na niya pinigilan pa ang mga luhang kanina pa nagnanais na dumaloy sa kanyang pisngi.

Napangiti naman si Vivian dahil sa kanyang nakita.

Nag-iwas naman ng tingin si Christine. Talunan na naman siya.

“I’ll take my leave now, and don’t worry about the bill. I’ve got it paid already.” at saka niya iniwan si Christine na alam niyang labis na nasaktan.

Pagkalabas ni Vivian sa cafe ay saglit muna niyang tiningnan si Christine na nakatingin sa kawalan, “You’re nothing but a pretty doll Christine, a pretty fucking doll.” At saka siya masayang pumasok na sa loob ng kanyang magarang sasakyan.

“Are you okay Mam?” ang tanong ng isang staff na babae na lumapit sa kanya.

Mapait na ngumiti si Christine, “I’m fine, thank you.”

Hindi na niya inubos ang laman ng kanyang kopita at lumabas na din siya. Nag-abang ng taxi at upang makauwi na sa tahanang hindi na nila pag-aari. Nasa loob na siya ng sasakyan ay tahimik pa din siyang lumuluha. Nasa lupa na ang kanyang mga paa at wala na siyang pakpak para lumipad pa. Isang malaking sampal sa kanya ang katotohang awa na lang ang dahilan kung bakit namumuhay pa sila ng marangya.

*****

Kanina pa nag-iikot si Katrina sa loob ng mall ngunit wala siyang makitang nais na bilhing regalo para sa kanyang kapatid. Tumingin na siya ng mga damit, gamit at iba ngunit wala siyang mapiling isa. Napatingin siya sa isang tindahan ng mga libro, marami ng libro ang kanyang kapatid ngunit mahilig talagang magbasa ang kanyang Kuya Leandro. Nagpasya siyang pumunta doon upang magbakasaling may makikita siyang gusto niya.

Mabagal na nag-ikot si Katrina ng mapansin niya ang isang pamilyar na estudyante. Nakatingin ito sa mga aklat at pumipili ng isa. Lumapit siya ng bahagya at isang dipa na lang layo nito sa kanya.Kumuha din siya ng isang libro at nagkunwang nagbasa. Napangiti siya ng mapansin na pangbatang libro ang napiling basahin ni Dan. Magbibiro sana si Katrina ngunit napansin niya ang lungkot sa mukha nito. Kaya natahimik na lang siya hanggang sa naupo sa sahig si Dan at doon tahimik na nagbasa. Umupo din siya sa sahig ngunit wala naman sa hawak na libro ang isipan niya.

Hindi nagtagal ay tumayo na din si Dan. Ibinalik ang librong binasa nito at saka nagsimulang mag-ikot ng mabagal sa loob ng lugar na iyon. Tahimik siyang sumunod lang habang naghahanap din ng librong maibibigay sa kanyang kapatid.

Tumigil naman si Dan sa paglalakad ng mapansin niya ang isang bagong labas na libro para photography. Alam niyang maykaya ang pamilya ni Leandro ngunit may pag-asang wala pa itong kopya ng librong tinitingnan niya dahil kalalabas pa lang ng mga ito.

“Hi.” ang bati sa kanya ng isang dalagitang pamilyar sa kanya ang magandang mukha.

Ngumiti naman si Dan, “Ano pong maipaglilingkod ko po ulit sa inyo?” ang nagbibiro niyang tanong.

Masayang ngumiti naman si Katrina, “Do you like photography?”

Umiling naman si Dan, “Mahilig akong tumingin ng mga pictures, pero walang hilig sa akin ang camera.” ang nagbibiro ulit niyang sagot.

Napa-giggle naman ang dalagita. “Okay, yung hawak mo kasing book.”

“Ah, kailangan ko kasing bumili ng regalo, ang alam ko, hobby niya ang photography kaya ito ang tiningnan ko.”

“So, do you like it? I mean that book.”

“Hm..” at saka tiningnan ni Dan ang iba pang libro na kalalabas lang din. “Okay lang, pero di pa ako makapagdecide. Ikaw, naghahanap ka din ba ng libro?”

Nakangiting tumango naman ang dalagita. “Ikaw ang mag-recommend sa akin, yung about sa photography din.”

Itinuro ni Dan sa dalagita ang dalawang magkatabing libro, “Mga bagong labas ang dalawang iyan na related sa photography. Alinman sa dalawang iyan ay tiyak na matutuwa ang pagbibigyan mo.”

Tumabi naman si Katrina kay Dan. “Please stay there ha, wag ka munang umalis, para matulungan mo akong mag-decide…, Let me see…” Halinhinang kinuha at tiningnan ni Katrina ang dalawang magkaibang libro.

Nakatingin lang naman si Dan sa dalagitang hindi makapagpasya kung alin sa dalawa. Pagkalipas ng may matagal ding sandali ay humarap kay Dan ang dalagita na hawak ang napili nitong libro.

“What do you think of this?”

“Sa tingin ko, magugustuhan yan ng pagbibigyan mo. Dahil sa matagal kang nag-invest ng time kaya kasama ng librong yan yung feelings na galing sayo. Kung sa akin mo ibibigay yan, matutuwa ako at masaya kong tatanggapin.”

Pagkatapos magsalita ni Dan ay tinitigan ito ni Katrina habang yakap ang napili niyang libro. “It’s for my brother, regalo ko sa kanya para sa birthday niya.”

“I’m Khate.” at saka inilahad ng dalagita ang kanyang palad.

Nag-aalangang hinawakan iyon ng binata, “Dan.”

Napangiti naman ang dalagita, “I know, nabasa ko sa ID mo last time ng nasa campus ninyo ako.” at saka binitawan ni Katrina ang kamay ni Dan.

Kinuha naman ni Dan ang librong hindi pinili ni Katrina. Magkasunod silang nagpunta sa counter at doon na nagbayad.

“Dan, samahan mo naman akong mag-snacks, libre ko. Mas masarap kasing kumain kapag may kasama.” ang masiglang yaya ni Katrina.

Tiningnan ni Dan ang wall clock na nasa pinanggalingang tindahan May sapat na oras pa naman.

“Please..” ang malambing na pakiusap ni Katrina.

“Pero saglit lang tayo ha.”

“Okay, promise, after nating mag-snack, I’ll let you go na.” ang nagbibirong sabi ng dalagita.

Sa isang fastfood chain sila nagpunta at tinanong niya si Katrina ng gusto nito at siya na ang bumili kahit nagpilit sa Katrina na ang dalagita na ang magbabayad. Minsan lang naman ito ang nasa isip ni Dan. Pinuntahan ni Dan si Katrina sa lamesang napili ng dalagita at doon na sila naghintay ng mga order nila.

“May pupuntahan ka pa ba?”

“Working student ako Khate.”

“I see, hmm?” si Katrina na malalim na nag-iisip.

“Khate?” si Dan ng napansin na nakatitig lang sa kanya ang dalagita na parang nag-iisip.

“Dan, two times mo na akong tinulungan then ikaw pa ang nagtreat sa akin dito. Invite kita bukas ng gabi, birthday celebration ng kapatid ko. At marami namang pupunta kaya hindi ka maiilang, saka andun naman ako eh.” ang masayang sabi ni Katrina.

“Thank you Khate, pero may pasok ako sa trabaho bukas ng gabi.”

Nalungkot naman si Katrina. At saka siya muling nag-isip ng malalim.

“Dan?”

“Hm?”

“Saan ka nagwo-work?”

Napailing naman si Dan, “Sa lugar na bawal ang mga bata.” ang may halong pagbibirong sagot ni Dan kahit totoo naman ang kanyang sinabi.

“Dann…” ang parang nagtatampong dalagita.

“Okay, sa isang restobar, class na restaurant pero nag-o-offer kami ng mga alak, rum, whisky, wine, mga ganun.”

“I see.” ang sabi ni Katrina na muling nag-isip.

“So, nagde-deliver kayo?”

“Minsan, kapag marami yung order, nagde-deliver kami.”

“Ikaw ang nagde-deliver?”

“Minsan ako, minsan hindi, depende.”

“Hmm, dapat ikaw.” ang malambing na sabi ni Katrina. Nakaisip na siya ng paraan. Kumuha siya ng papel at ballpen mula sa kanyang bag. Binuksan iyon at inilapag sa harap ni Dan.

“Write down the name and number of your workplace.” at saka itinukod ni Katrina ang magkabilang kamay sa kanyang mukha, naghihintay sa isusulat ni Dan.

May alinlangan man ay isinulat ni Dan ang nais ng dalagita. Wala namang katiyakan kung gagawin o mangyayari talaga ang nais nito.

Masayang kinuha iyon ni Katrina at saka siya tumingin kay Dan. “I hope to see you tomorrow night, para maka-even naman ako sayo.”

Ngumiti na lang si Dan, hindi na niya sinagot ang sinabi ng dalagita dahil dumating na din ang order nila. Masaya pa silang nag-usap at ng matapos ay ihinatid lang niya sa may sakayan ng taxi si Katrina. Habang nag-aabang sila ng sasakyan para sa dalagita ay muli itong tumingin sa kanya.

“I’m thankful na hindi kita naging kapatid Dan, or I’ll think na life is being unfair to me.” ang sabi ni Katrina habang nakatingin sa mga mata ni Dan.

Natigilan naman saglit si Dan at pilit na nagbiro, ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi sa kanya ng dalagita, “Bakit naman? Gusto ko pa namang magkaroon ng kapatid.”

Umiling naman si Katrina, “I don’t want you to be my brother…, because I’m starting to like you.” ang pag-amin ng dalagita. Humanga na siya kay Dan sa unang araw na nagkita silang dalawa. Ngunit ang paghangang iyon ay parang umusbong na munting halaman na lumalago sa kanyang batang puso.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Dan dahil sa matapat na pag-amin sa kanya ng dalagita. Dahil muli niyang naalala ang pag-ibig na inialay sa kanya ng batang puso ni Diane.

“Bata ka pa Khate, maghintay ka ng tamang panahon na hindi pa sa ngayon.” at saka inilagay ni Dan ang kanyang kamay sa ulunan ng dalagita at hinaplos ang buhok nito. “Mag-aral ka munang mabuti Khate, para sa kinabuksan na hinahangad sayo ng mga magulang mo.”

Tumango naman si Katrina, hindi naman niya masisisi si Dan dahil sa nakikita nitong bata pa niyang edad. Ngunit tunay ang kanyang nararamdaman at alam niyang hindi na isang paghanga lamang.

Habang nasa loob ng taxi si Katrina ay nakatingin siya sa isinulat ni Dan. Hindi naman siya mapapahindian ng kanyang kapatid at dito niya sasabihin ang kanyang hihinging pabor. Nais niyang makita ulit si Dan habang nakasuot siya ng maganda. Ngayon pa lang ay nananabik na siya sa pag-asang magkikita ulit sila ni Dan sa mismong bahay pa niya. Tiyak na magugulat si Dan sa makikita nitong katayuan niya sa buhay. Muli siyang masayang ngumiti, nais niyang ma-impress si Dan sa malalaman nito tungkol sa kanya.

*****

Pagakatapos isuot ang kanyang uniform ay agad ng nagtuloy si Dan sa opisina ni Arcelle na alam niyang nasasabik na makita siya. Hindi siya pumasok kahapon kaya kailangan niyang bumawi ngayon kay Arcelle.

(“tok” “tok”)

“Mam…”

Bumukas ang pinto sa harapan ni Dan at muli niyang namasdan ang kagandahan ni Arcelle na ngayon ay sabik na nakatingin sa kanya.

“Come Dan…”

At saka siya pumasok sa loob at mabilis na ini-lock ni Arcelle ang pinto. Kaagad silang nagyakap na dalawa at mainit na naghinang ang kanilang labi.

“Wala ka kahapon Dan, I’m giving you a lot of favor, so hindi ka pwedeng tumanggi ngayon. Because I miss you so much Dan.” at saka muling kinabig ni Arcelle ang batok ni Dan upang mainit na halikan ang binata.

Habang magkahinang ang kanilang labi ay nagsimulang himasin ni Arcelle ang nakabukol sa pantalon ni Dan.

“I want to see it Dan, please…”

“Okay Arcelle…” at saka inilabas ni Dan ang kanyang galit na alaga. “Isubo mo lang, hindi ako pwedeng magtagal dito.”

Tumango naman si Arcelle, isang mainit na halik pa at kaagad na siyang lumuhod sa harap ni Dan. Buong sarap na hinalikan at dinilaan ang galit na pagkalalake ng binata. At saka niya isinubo ang malaking alaga ng binatang kinababaliwan niya. Nakahawak si Arcelle sa isang hita ni Dan habang magkahawak sila ng kamay. Ang isang kamay naman ni Dan ay humahaplos sa buhok ni Arcelle habang ninanamnam niya ang masarap na dulot ng pagsubo nito sa kanya. Mainit ang pakiramdam ni Dan habang nakatingin kay Arcelle na hindi tumitigil sa pagsupsop sa kanyang pagkalalake habang patuloy siyang pinasasarap.

“Hmm.., Hmnn…” ang mga daing ni Dan habang nasasarapan sa ginagawa sa kanya ni Arcelle.

Wala namang kapaguran si Arcelle sa paglabas-pasok ng alaga ni Dan sa kanyang bibig. Sabik na sabik na siya sa mainit na tamod ni Dan. Uhaw na ang kanyang lalamunan kaya kahit alam niyang delikado ay hindi niya hinayaang makalabas si Dan ng hindi siya nito pagbibigyan. Saka na niya aalisin ng uhaw ng kanyang pagkababae sa sandaling nasa malayo na ulit ang asawa niyang si Arman.

“Bilisan mo pa, malapit na ako Arcelle.”

Tumango naman ang alipin na niyang si Arcelle at lalong pinagbuti ang kanyang ginagawang pagpapaligaya sa binata.

Hinawakan ni Dan ang ulo ni Arcelle at isinabay na niya ang kanyang balakang sa ritmo ng bibig nito.

“Ngghh… Aggh..” ang magkakasunod na daing ni Dan ng tuluyan ng sumabog sa loob ng bibig ni Arcelle ang kanyang mainit na tamod.

“Supsupin mo pa. Wag kang tumigil.”

Sinunod naman ni Arcelle ang sinabi ni Dan at patuloy niyang sinupsop ang lahat ng mainit na tamod na kayang ilabas ng binata. Pagkatapos ay kusa na siyang tumingala at ibinuka ang kanyang bibig. Habang sabik na naghihintay sa sunod na utos sa kanya ni Dan.

Hinaplos ni Dan ang pisngi ni Arcelle habang nakatingin sa napakarami niyang tamod na naipon sa loob ng bibig nito.

“Lunukin mo na.”

Isinara ni Arcelle ang kanyang bibig at buong sarap na nilunok ang mainit na tamod ni Dan.

Sa may loob naman ng bar ay kanina pa tuliro ang isip ni Mika. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang ipaalam kay Mam Arcelle ang ginagawa ng asawa nito sa kanya. Ngunit natatakot naman siyang baliktarin ni Sir Arman ang sitwasyon at siya ang palabasin na nang-aakit dito. Baka idamay pa sina Alex at Dan at iyon ang kanyang labis na kinatatakutan. Nais niyang magsabi kay Alex at Dan ngunit natatakot naman siya sa maaaring gawin ng dalawa.

Lalong kinabahan si Mika ng mula sa entrance ng restobar ay nakita niya si Sir Arman na pumasok sa loob. Malagkit itong nakatitig sa kanya na nagsimulang lumakad papunta sa kanyang direksyon.

“Musta ka na Mika?” ang tanong ni Arman na mula sa magandang mukha ni Mika ay inilipat ang kanyang paningin sa malulusog na dibdib ng dalaga.

Nais sanang takpan ni Mika ng kanyang mga kamay ang kanyang harapan ngunit hinawakan ni Arman ang kanyang kamay.

“Wag Mika.” ang madiin na sabi ni Arman at saka binitawan ang kamay ng alam niyang kinakabahang si Mika.

“S-Sir Arman…, please naman po, wag na po…”

“Please na ano Mika? Anong wag na?” ang nanunuksong tanong ni Arman.

Hindi naman nakapagsalita pa si Mika.

“Yung hinahalikan kita habang nakadikit sa akin ang katawan mo.”

Napansin ni Arman na hindi suot ni Mika ang kuwintas na ibinigay niya. “Sa next time kong pagsundo sayo Mika, gusto kong suot muna ang kuwintas na ibinigay ko. May panibago kang regalo sa akin kapag ginawa mo ang gusto ko Mika.” ang nakangiting sabi ni Arman.

“Puntahan ko muna si Arcelle. Sa susunod Mika, wag mong kakalimutan ang sinabi ko.”

At saka siya iniwan na ni Sir Arman, hindi malaman ni Mika ang gagawin, ramdam pa niya ang init ng kamay ni Sir Arman sa kanyang palad. Ang mga tingin nito sa kanyang malulusog na dibdib ay nakakapagbigay ng kaba kay Mika. Ngunit bakit hindi niya magawang magsumbong, ito ang tanong niya sa kanyang sarili. Ganito ba niya hinahangad ang malaking halagang ibinigay nito sa kanya na malaking tulong sa kanyang pamilya? At sa sandaling isinuot niya ang ibinigay nitong kuwintas ay bibigyan na naman siya ulit ni Sir Arman ng panibagong regalo. Madali silang makakaahon sa pagkakabaon sa utang ngunit isa ang kapalit na nais ni Sir Arman na hindi niya kayang ibigay.

Nakasarado ang pinto sa opisina ni Arcelle ng makalapit na si Arman. Hinawakan niya ang seradura niyon ngunit kusa na iyong bumukas mula sa loob at nakaharap niya ang isang empleyado na nakita na niya minsan sa loob ng bar.

“S-Sir..” ang sabi ni Dan na bagaman labis na nagulat ay kinalma ang sarili.

Umalis naman si Arman sa pagkakaharang sa pinto upang makalampas na ang empleyadong nasa harap niya.

“What a surprise Hon, I never expect na bibistahin mo na naman ako.” ang nakangiting bati ni Arcelle sa asawa na mabilis na binitawan sa basurahan sa ilalim ng kanyang lamesa ang mga tissue na ginamit niya kaninang panglinis ng kanyang bibig at sa pagkalalake ni Dan.

Lumapit si Arman sa asawa at hinalikan ito sa labi. Walang kaalam-alam na ang labing kanyang hinalikan ay katatapos lang muling lasapin ni Dan at mainit na tinamudan.

“Since hanggang bukas na lang tayo magkasama, I want this night to become extra special. I booked a hotel suite para sa ating dalawa. So tonight, doon tayo magdi-dinner at magpapalipas ng gabi.” ang masayang sabi ni Arman.

Ngumiti naman si Arcelle, “This is why I love you so much Hon.” at saka siya tumayo at niyakap ang asawang pinagtataksilan niya. Dahil kanina lamang ay ibang lalake ang buong sarap na pinaliligaya niya.

Habang magkayakap sina Arman at Arcelle ay kapwa ibang tao ang laman ng kanilang isipan. Si Dan ang nasa isipan ni Arcelle na nais na niyang muling makaulayaw sa bawal na ligaya. Ang dalagang si Mika naman ang nasa isipan ni Arman na alam niyang malapit na niyang maging laruan. Kapwa sila naghahanap ng kalinga na hindi nila ganap na masumpungan sa isa’t-isa. Kung ano ang magiging kabayaran ay tanging tadhana lamang ang nakakaalam.

*****

Pasado alas otso na ng gabi. Muling humarap si Christine sa salamin at pinagmasdan ang kanyang kaakit-akit na repleksyon. Tumingin siya sa direksyon ng pintuan kung saan naroon si Dalisay na naghihintay sa mga ipag-uutos pa niya.

“Isay…”

“Yes po Mam?”

“Maghanda ka ng dalawang baso para sa wine at ilagay mo sa lamesa sa may balcony. Then antayin mo si Sir Brandon mo sa ibaba, kapag dumating na siya. Sabihin mong hintayin ako sa may balcony. And lastly, sabihin mo sa lahat na wag kaming abalahin ni Brandon mamaya sa may balcony.”

“Opo Mam.”

At saka lumabas na si Dalisay upang gawin ang nais ni Christine. Muling ibinalik ni Christine ang paningin sa salamin at saka siya ngumiti. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa harap ng salamin ng marinig niya ang pagtawag ni Dalisay.

“M-Mam Christine, nasa balcony na po si Sir Brandon.”

“Thank you Isay.”

Huminga ng malalim si Christine. Tumayo na siya at nagtungo sa direksyon ng pinto. Muli niyang tiningnan ang kanyang kamang nakaayos ng maganda maging ang dalawang unan na magkatabi sa ibabaw nito. Binuksan niya ang pinto at lumabas na ng kanyang kwarto.

Napangiti si Brandon ng makita ang dalawang mataas na baso na nasa lamesa. Ipinatong niya doon ang dalang wine at saka siya humawak sa barandilya. Sapat ang liwanag na nasa lugar na iyon kahit ganap ng lumatag ang dilim. Maaliwas ang gabi at hindi maalinsangan. Nang marinig ni Brandon ang mga palapit na yabag ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kaba na may kasamang pananabik sa dalagang alam niyang nasa likuran na niya.

“Brandon…” ang malamyos na pagtawag ni Christine.

Pumihit si Brandon at hindi agad siya nakapagsalita upang batiin si Christine. Wala namang okasyon ngunit napakaganda ng ginawang pag-aayos ni Christine para sa unang gabi nilang dalawa. Nakasuot ito ng kulay rosas na bestida at aninag mula sa labas ang napakagandang hubog ng katawan ng dalaga.

“I love the way you look tonight Christine.”

Matamis na ngumiti naman si Christine. Lumapit sa may lamesa at kinuha ang wine na dala ni Brandon kasama ng dalawang mataas na baso. Lumapit siya binata at ibinigay ang hawak niyang bote ng wine.

“Would you please?” ang malambing na pakiusap ni Christine.

Kinuha naman iyon ni Brandon na hindi inaalis ang kanyang paningin sa napakagandang si Christine. Pagkatapos niya iyong buksan ay saka niya sinalinan ang dalawang basong hawak ng dalaga. Ipinatong ni Brandon ang bote sa barandilya at kinuha ang isang baso mula kay Christine.

Sabay silang uminom na hindi inaalis ang paningin nila sa isa’t-isa.

“Do you like it Christine?”

Ngumiti namang muli si Christine, “I love it. But it’s not the wine that I really want, it’s you Brandon.”

Napakainit ng pakiramdam ni Brandon dahil sa pang-aakit at tukso na ibinibigay sa kanya ni Christine.

Nang nasa kalahati na ang laman ay ipinatong ni Christine sa tabi ng bote ng wine ang hawak niyang baso. Naglakad siya patungo sa may gitna ng balcony at saka pumihit paharap kay Brandon.

“Come here.” ang malambing niyang pagtawag sa binatang alam niyang mainit na din ang pakiramdam.

Lumapit naman si Brandon sa gitna kung saan naroon si Christine.

“Dance with me.” ang sabi ni Christine sa nanuksong boses habang pinapungay ang kanyang mga mata.

Hinawakan ni Brandon sa kamay at baywang si Christine at nagsimula silang magsayaw ng mabagal kahit wala namang awitin o tugtugin na kasama.

“You look so lovely tonight Christine, so much lovelier than before.”

“For you Brandon.”

At saka siniil ni Brandon ng mainit na halik ang nakaawang na labi ni Christine na ngayon ay nakayakap na sa kanya. Matagal na naghinang ang kanilang labi at ramdam nila ang init sa kanilang paghinga.

“I want you Christine. I want you now.” ang malamyos na sabi ni Brandon habang nilalaro ang alon-alon na buhok ng dalaga.

Kumalas si Christine kay Brandon at saka siya nagtungo sa switch ng ilaw. Tumingin muna siya sa binatang nakatitig sa kanya. Pinatay niya ang ilaw at ang liwanag ng buwan ang ginamit nilang tanglaw. Muling lumapit si Christine kay Brandon at iniyakap ang kanyang dalawang kamay sa batok ng binata.

Muling naghinang ang kanilang labi habang magkayakap na ulit sila.

“Will you be mine now Christine?” ang mainit na tanong ni Brandon habang nakatitig sa napakagandang si Christine.

“Do you even have to ask Brandon? You own me and my family remember? We our at your family’s mercy so why bothered asking such question?” ang malungkot na sabi ni Christine.

Napaatras naman si Brandon dahil sa kanyang narinig. Alam na ni Christine ang totoo at isang tao lamang ang maaaring gumawa ng ganito sa kanila.

“Did Vivian tell you about that?” ang galit na tanong ni Brandon.

“Is that even important who I learned it from?” ang tanong ni Christine sa malamyos na tinig. Wala na ang tapang niya sa katawan. Naubos ng lahat pagkatapos nilang mag-usap kanina ni Vivian.

“That is not everything Christine.” ang madiin na sabi ni Brandon.

Ngumiti si Christine kay Brandon at saka niya hinawakan ang strap ng suot niyang bestida. Dahan-dahan niya iyong ibinagsak sa mismong kinatatayuan niya.

Lalo namang sumidhi ang init na nararamdaman ni Brandon kahit nagagalit ang kanyang kalooban, dahil ang liwanag ng buwan ay sapat na upang masilayan niya ang malulusog na dibdib ni Christine na isang saplot na lang ang tumatakip.

Hinubad ni Christine ang suot niyang heels at saka lumapit kay Brandon. “Isn’t this what you want for a long time now?” ang tanong ni Christine na nakatingin sa mga mata ni Brandon.

“Christine.”

“I’m a cheap whore Brandon, so I am acting like one. Iiwan mo din naman ako kapag sawa ka na sa akin. So bakit pa ako aastang parang santa sa harap mo.” ang sabi ni Christine sa mababang tinig na puno ng pagsuko, at saka niya inilagay ang kanyang dalawang kamay sa likuran upang alisin ang kanyang suot na lingerie bra.

Ngunit bago iyon magawa ni Christine ay mabilis siyang niyakap ni Brandon. “Don’t Christine, please I beg you. Please stop.”

Tahimik na lumuha si Christine habang nakayakap sa kanya si Brandon. “Don’t you want me now? I have a lots of debt to pay, kailangan ko ng magsimula ngayon para makabayad ako ng maaga.”

Nakakuyom ni Brandon ang kanyang kamao habang nakayakap sa lumuluhang dalagang iniibig niya. “I love you Christine. Don’t believe whatever anyone told you to believe.”

“I’m so sorry for not telling you Christine.” ang sabi ni Brandon habang hinahaplos ang alon-alon na buhok ng dalaga. “I didn’t tell you dahil ayaw kong masaktan ka. I want to keep it a secret until the day that I can give it back to you. Everything Christine. I will give you everything. The only thing I would like you to give me in return is just your heart.” ang buong pusong pakiusap ni Brandon habang nakatingin sa mga mata ni Christine.

“I love you Christine, with all my heart. Please do say you love me too.” ang pakiusap ng nahihirapang binata.

Malungkot na ngumiti si Christine, hinaplos niya ang mukha ni Brandon, “I can’t Brandon, we promise never to lie to each other. Not unless you want to hear a lie, then I’ll say it for you.”

Napapikit naman si Brandon sa katotohanang makukuha nga niya ang katawan ni Christine ngunit mananatiling pag-aari ng iba ang puso ng dalaga.

Malungkot na umiling si Brandon, “If I take you Christine, If I make you mine, I want to be your last man. Ayaw kong may iba pang lalakeng makakakuha sayo. Because you’re the only woman who I want to have a family with.

Patuloy na lumuha si Christine, “But I love him.” kung madali sanang turuan ang puso ay hindi sila nahihirapan ni Brandon ng ganito.

Malalim na huminga si Brandon. “I will give you until the end of semester Christine. Do everything you want with him and then end it.” Itinaas niya ang luhaang mukha ng dalaga. “After that, we will get married. You will leave this place and and you’ll come with me. Dadalhin kita sa malayong lugar na hindi mo na maalala ang lahat ng nakaraan mo sa lugar na ito. I’ll make you happy Christine, and you will be mine.”

Malungkot na ngumiti si Christine at saka siya marahang tumango. Wala na naman siyang nakikitang pag-asa maliban sa binatang nakayakap ngayon sa kanya. Minsan pang naghinang ang kanilang labi ng matagal at naroon ang matinding pagpipigil ni Brandon sa sarili.

“The next time I see you like this Christine, I wish that your heart belongs to me.”

At saka mabigat ang hakbang na lumayo na si Brandon at naiwan si Christine na labis na naghihirap ang kanyang damdamin. Kailangan niyang ibigay na si Dan ng tuluyan kay Angela upang mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Ngunit iniibig niya si Dan, ang isiping palalayain niya ang binata sa kulungang kanyang ginawa ay hindi niya kayang tanggapin. Minsan pa siyang makikiusap at magmamakaawa kay Dan na piliin siya. Kung pipiliin siya ni Dan ay mas nanaisin pa niyang lumayo na lang silang dalawa.

“Dan, this is the last chance that we have.” ang malungkot na sabi ni Christine sa sarili, ang pag-asang mangyari ang kanyang hiling ay alam niyang hindi madaling gawin. Dahil mas mahal ni Dan si Angela na laging mas higit sa kanya. “Or I’ll force myself to be with Brandon while hating you for the rest of my life. Please Dan, don’t make me hate you.”

At muling nagsimula ang laro ng tadhana na akala nila ay tapos na. Kung may liligaya man sa kanila ay tiyak din na may magdurusa. Ang kapalaran ng bawat isa ay sadyang nakalihim pa. Na hindi nila malalaman hanggang sa mangyari ang wakas na tiyak na darating sa kanila.

(Ipagpapatuloy…)

17 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *