Tukso kay Dan Season 2 Part 19

Chapter 19

Naiwang tahimik na nagpapahid ng mga luha si Christine, ayaw niyang harapin ang kanyang mga magulang sa ganitong kalagayan. Pilit niyang pinatatag ang kanyang sarili, hindi pa naman ito ang katapusan ng lahat para sa kanya at sa kanyang pamilya. May bukas pang naghihintay sa kanila.

Napalingon si Christine sa may pinto ng marahang bumukas iyon. Pumasok ang kanyang mga magulang at naupo sa harapan niya ang kanyang ama samantalang tumabi naman sa kanya ang kanyang ina.

Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Christine, “You’ll be fine Iha. It’s going to be difficult for a while but you can certainly move on and forget all these. You’re still young and very beautiful Christine, I believe that a bright future is still ahead of you.” At saka niyakap ni Amanda ang nag-iisang anak. Alam naman niyang mas higit itong nasaktan dahil sa nangyari. Dahil sa kanilang mas sariling interes ay hinayaan nilang sapitin ni Christine ang kalagayan nito ngayon.

Malungkot na ngumiti naman si Christine, “I’ll get over this Ma.”

Mabigat ang dibdib na tiningnan ni Miguel ang kanyang nalulumbay na mag-ina, “I’m sorry Christine, it’s all my fault kung bakit tayo ngayon narito sa situation na ito. I really thought that Brandon is the one who can save us all and that he will give you the future that I wanted you to have. After I made so many wrong business decisions, the company suffers, and one by one everything we owns were lost.” At saka huminga ng malalim si Miguel, “T-Then I thought that using you were the only card I have left to save my face in our society. I was so desperate Christine so I begged Brandon for him to marry you, thinking only of my pride and disregarding your own happiness. Now I can see how wrong I am, I’m really sorry Christine.” ang nanlulumong sabi ni Miguel, ngayon niya nakita ang kanyang pagkakamali. Nang dahil sa kanyang pagnanais na muling makabalik sa itaas ay kanyang isinakripisyo ang sariling kaligayahan at pagkatao ng kanyang anak.

“Don’t be too hard on yourself Papa, I know na deep inside, you also did that for my sake.”

Hinawakan ni Miguel ang kamay ng anak. “Christine, from now own, I’ll allow you to make a decision of your own. Live your life the way you want it to and I’ll support you in any way I can. I know it’s too late, but I want to be a father that you can still be proud of.”

Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Christine dahil sa nakikitang pagbabago sa kanyang ama. Nawala man sa kanila ang lahat ay mayroon pa din namang kapalit na mabuti sa kanila. Isang tunay na pamilya ang nakikita ni Christine na kasama niya ngayon. Hindi siya nag-iisa sa pagharap ng panibagong araw na para sa kanila. Narito pa din naman ang kanyang pamilya at alam niyang makakapagsimula ulit sila.

“T-Thank you Papa.” ang lumuluhang sabi ni Christine dahil sa kalayaang ibinigay sa kanya.

“Your father is right Christine, you have your own life to live. Make a decisions based on what you think is right and more importantly, what could make you happy.” at sabi ni Amanda na muling niyakap ang anak. Hindi pa huli para maibalik nila sa dati ang kanilang pamilya. Tulad ng panahong bata pa si Christine at namumuhay silang tunay na masaya.

Bagaman hindi makuhang ngumiti ni Miguel ay magaan ang kanyang pakiramdam. Nawalan man sa kanila ang lahat ay may nakamtan naman silang isa. Iyon ang ay pagpapahalaga sa damdamin ng bawat isa sa kanila.

“I have another thing to say…”

At saka naghiwalay ang mag-ina at tumingin kay Miguel.

“Valentin said that we can stay in this house until your semester is over. He is also willing to give compensation to all our servants na kailangan na ding magsiuwi sa kani-kanilang lugar before we leave this palce. We can’t afford to keep anyone of them…, ” ang halos wala ng lakas na pahayag ni Miguel.

“I want to keep Isay Papa.” ang pakiusap ni Christine sa kanyang ama.

Naramdaman ni Christine ang mahigpit na pagkahawak ng kanyang ina sa kanyang kamay.

“I want that too Iha, so that you may not suffer more. But it is what it is Christine, we have to do everything by ourselves now.” ang malungkot na sabi ni Amanda at saka siya tipid na ngumiti. “But the good thing is, like your father, I’ll try hard to be a good mother so that you can focus more in finishing your studies Iha.”

“I’ll see what I can do Christine, but please be prepared just in case it won’t happen.” ang sabi ni Miguel sa mababang tinig. Ngayon niya naramdaman ang malaking kaibhan ng nasa itaas kaysa nasa lupa. Ilang kaibigan na din ang kanyang nilapitan ngunit hindi siya natulungan na parang nagsilayo na sa kanya. Wala na siyang malalapitan pang iba gustuhin man niyang ilayo ang kanyang pamilya sa paghihirap na alam niyang daranasin nila.

“Please try Papa.” at saka pinisil ni Christine ang bahagyang nanginginig na kamay ng kanyang ina. “We’re going to be just fine Ma, we still have each other and we have something na we can use to start over. It’s not the end of the world for us.”

Pinalis naman ni Amanda ang mga nangilid na luha sa kanyang mga mata. “Of course Iha, I believe in that too. Right Miguel?” at saka siya tumingin sa kanyang asawang nakatingin din sa kanila.

Lumapit si Miguel sa kanyang mag-ina at niyakap ang mga ito. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng maraming taon ay ngayon lamang nila muling naramdaman na isa silang tunay na pamilya na kailangan ang isa’t-isa.

*****

Malapit ng mag-singko y media ng makarating si Dan sa kanyang pinapasukang bar. Pagpasok niya sa loob ay kaagad niyang iginawi ang paningin kay Mika na nakangiting nakatingin sa kanya. Hindi na niya pinansin ang ilang staff na parang nalukot ang mukha dahil sa pagiging malapit ulit nila ng dalaga.

“Alex.” si Dan ng nakalapit na sa kanyang kaibigan.

“Musta Dan, nakapag-usap ba kayo ni Ella?”

Isang pilit na ngiti ang nasa labi ni Dan , naalala ang saglit nilang pagtatampisaw ni Ella sa masarap na kasalanan. “Nakausap ko si Ella at nagbigay din siya para kay Mika. Kumpleto na yung hawak ko kaya tapos na tayo sa problema pagdating sa perang nagamit ni Mika.”

“Kay Sir Arman na lang.” ang madiin na sabi ni Alex..

Tumango naman si Dan, dahil higit na mas mahirap ang kanilang suliranin pagdating sa asawa ni Arcelle. Hindi ito magbibigay ng mga ganoong regalo kay Mika kung hindi masidhi ang pagnanasa nito talaga sa dalaga.

“Saka na natin yun gawan ng paraan, maghintay tayo ng tamang pagkakataon lalo’t wala pa tayong pinanghahawakan.”

“Tang-inang Arman kasi yan, hindi pa nakuntento kay Mam, pati ba naman si Mika.” si Alex na muling nabuhay ang galit sa kanyang dibdib dahil sa problemang hindi naman dapat naroon sa kanila ngayon.

Hinawakan ni Dan sa balikat ang kaibigan, “Ang importante, okay lang si Mika, at mananatiling ganoon habang magkakasama tayo dito. Alam kong mahalaga sayo si Mika, ganun din siya sa akin Alex. Maso-solve din natin ito, relax ka lang, okay?”

“Paano si Mam? Kapag nagkagipitan, baka si Arman pa unang magsabi kay Mam at baliktarin si Mika.”

“Bahala na Alex, kaya mag-ingat din tayo. Kapag mayroon na tayong ibang pinanghahawakan maliban sa salita ni Mika, saka ako unang magsasabi kay Mam. Hindi ko alam kung sinong papanigan ni Mam pero isa lang titiyakin ko sayo Alex. Mas nanaisin ko pang mawala tayong tatlo dito kesa naman magdusa si Mika sa lugar na ito.”

“Okay Dan, ayaw ko talagang mawala dito dahil maganda ang kita pero kung magkakagulo-gulo na talaga. Sibat na lang tayo nina Mika, marami pa naman tayong mapapasukang iba.” ang sabi ni Alex na bagaman totoo siya sa kanyang sinabi ay naroon ang isang panghihinayang. Dahil mabait naman sa kanya ang kanilang manager at gusto niyang makasama pa dito ng matagal sina Mika at Dan.

“Wag ka masyadong mag-aalala Alex, wala pa namang katiyakan kung aabot tayo doon. Palit muna ako ng damit, balikan kita mamaya.” ang paalam ni Dan.

“Sige Dan, maglilinis pa din ako ng sahig. Tuloy na lang natin ito mamaya.”

Nagtuloy na si Dan sa locker room at naiwan si Alex na ibinalik ang atensyon sa trabaho. Pagkatapos magsuot ng kanyang uniforme ay nagtungo muna si Dan sa opisina ni Arcelle. Napansin niya ang ilang staff na nag-oopisina na naroon pa din. Alas sais pa ang uwi ng mga ito samantalang hanggang alas otso naman si Arcelle. Lumapit siya sa may pinto at tiningnan mula sa salamin ang kanilang magandang manager na abala sa ginagawa nito.

(“tok” “tok”)

Iginawi ni Arcelle ang kanyang paningin sa direksyon ng pinto at saka siya ngumiti. Sinenyasan niya si Dan na pumasok sa loob at itinigil niya ang kanyang ginagawa.

Isinara ni Dan ang pinto pagkapasok niya sa loob ngunit hinayaan niyang nakabukas ang blinds upang hindi maghinala ang mga nasa labas. Itinuro sa kanya ni Arcelle ang upuan sa harap nito at naupo naman siya.

“May kailangan ka Dan?” ang nakangiting tanong ni Arcelle.

“Nakakahiya man, pero may dalawang pabor sana akong hihilingin sayo.”

“Okay, I can’t say yes to anything you ask, alam mo yan, pero let me hear them first.” si Arcelle na sumandal sa kanyang upuan.

“Gipit kasi ako ngayon, kailangan ko talaga ng extrang pera. Baka madadagdagan mo kahit two thousand yung ibinigay mo sa akin.”

Muling ngumiti si Arcelle, “That one is easy.” At saka niya kinuha ang kanyang lady wallet mula sa kanyang shoulder bag. Naglabas ng three thousand at ibinigay iyon kay Dan.

Hindi naman tumanggi pa si Dan, alam niyang gipit na din si Alex na tulad niya at kailangan talaga nila ng pera para may magamit bago sila muling sumweldo.

“Thank you Arcelle.”

Muling ngumiti lang si Arcelle, “Now, tell me the next favor na kailangan mo.”

“Tungkol sana schedule ni Alex, kung pwede sana, sa eleven na ang out niya kasabay ni Mika.”

Saglit na nag-isip si Arcelle, “Are they in a relationship?”

Napilitan siyang tumango, “Kaibigan ko yung dalawa ang nag-aalangan naman silang magsabi sayo. Nag-aalala kasi si Alex tuwing mag-isang nauwi si Mika, naglalakad pa kasi si Mika papasok sa loob bago makauwi sa kanyang tinitirhan.”

“That will messed up the current staff sched, Alex works till two, so may ibang staff na kailangang magtake ng kanyang shift.”

“Hindi mo ba magagawan ng paraan? Kahit para sa akin na lang…” ang nakikiusap na sabi ni Dan, ayaw niya sanang umabot sa ganito na parang ang kanyang sarili ang ginagamit niyang pangumbinsi ngunit wala na siyang pagpipilian.

“That’s not fair.” Ang bahagyang napailing na si Arcelle ngunit muli din namang ngumiti. “You said na after pa ng finals ka magkakaroon ng time para sa akin. How about you give me one early. How about a night with me next week?”

Hindi naman aabot ng isang buong linggo ang kanilang finals, maaari na niyang pagbigyan si Arcelle pagkatapos. Maliit na kapalit para sa seguridad ni Mika na tiyak niyang ligaya na naman sa kanya.

“Okay, next week. Pero sa isang lugar na gusto ko tayo pupunta.”

Masayang ngumiti si Arcelle, kanya na ulit si Dan sa isang buong gabi na ngayon lang mangyayari.

“Saan mo gusto?”

“Sa place nyong mag-asawa.” ang madiin na sabi ni Dan, sa mismong kamang hinihigaan ni Sir Arman nais niyang muling alipinin at paglaruan ang maganda nitong asawa.

“Then it’s done, as long na it’s not on weekends para wala ang asawa ko.” Ang walang alinlangang sagot ni Arcelle. Minsan ng nagawa iyon ni Arman kasama ang ibang babae, may karapatan din siyang gawin iyon na si Dan naman ang kanyang kasama. Kapwa tawad na lang silang dalawa dahil may pangangailangan siyang hindi kayang ibigay ng kanyang asawa.

“Kapag natapos na ang finals namin, pagbibigyan na kita agad basta ayon sa gusto ko Arcelle.”

“I don’t know why kung bakit gusto mong doon tayo sa apartment namin ni Arman, but I can’t deny this excitement na nararamdaman ko ngayon.” ang nasasabik na sabi ni Arcelle, mainit ang kanyang pakiramdam habang naglalaro sa kanyang isipan ang masarap na bawal na muli na naman nilang pagsasaluhan.

Ngumiti naman si Dan, “Gusto ko lang maranasan Arcelle…, lalo’t ikaw ang kasama ko.”

Matamis namang napangiti si Arcelle habang nakatingin sila sa isa’t-isa.

“Balik na ako sa loob.” si Dan na tumayo na.

Umiling naman ng bahagya si Arcelle, “Not so fast.” Saglit na tiningnan ni Arcelle ang direksyon ng pinto at wala namang palapit sa kanila. “Give me a kiss before you go.” ang malambing niyang sabi.

Lumapit naman si Dan kay Arcelle at ibinaba ang kanyang mukha. Nakaawang ang labing sinalubong ni Arcelle ang mainit na halik ni Dan na kaagad naman niyang ginantihan. Matagal ding naghinang ang kanilang labi na kung hindi pa kusang tumigil si Dan ay baka kung saan na naman sila nakaabot na dalawa.

Hinaplos ni Dan ang buhok ng nakaupong si Arcelle, “Work muna ako.”

Kumuha si Arcelle ng isang tissue paper at pinunasan ang labi ni Dan.

“Baka may makapansin.” ang nakangiting sabi ni Arcelle.

Pagkatapos na antayin na matapos si Arcelle sa paglilinis nito sa kanyang labi ay gumawi na din sa may pinto si Dan. Nakangiting ihinatid ng tanaw ni Arcelle ang palabas na binata na minsan pang tumingin sa kanya at saka tipid na ngumiti.

Ibang-iba talaga kapag si Dan ang kanyang kasama, kayang-kaya ni Dan mabilis na painitin ang kanyang pakiramdam upang agad siyang madarang. Napapangiti na lang siyang ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa habang nasa isipan ang mainit na tagpong kanilang gagawin sa mismong kwarto nila ni Arman. “I’m not sorry Arman, it’s already too late for that, masyado ng malalim ang pagkakalusong ko sa kasalanan. Umaasa lang akong mananatiling nakalihim sayo ang lahat, because I’m sure na hindi ikaw ang pipiliin ko the moment you ask me to choose between you and my lover.” ang lihim na laman ng kanyang isipan. Dahil sa ngayon ay ganap ng sumuko ang kanyang katawan kay Dan. Mas kailangan niya si Dan kaysa sa asawa niyang si Arman, handa siyang piliin ang mali para lamang patuloy na maranasan ang nakakabaliw na sarap sa piling ni Dan.

Pagpasok ni Dan sa loob ng bar ay agad niyang nilapitan ang kaibigan niyang si Alex. Kinuha ang perang nasa kanyang bulsa at ibinigay sa kaibigan ang dalawang libong pisong halaga.

“Akala ko ba sakto lang yung hawak mong pera? Bakit mo babawasan?” ang nagtatakang mga tanong ni Alex.

Ipinilit naman ni Dan sa kamay ni Alex ang halagang nais niyang ibigay sa kaibigan. “Tanggapin mo na yan Alex, galing yan kay Mam, asawa niya nagbigay ng problema sa atin kaya hindi masama kung sa kanya din ako lumapit para hindi naman tayong dalawa magipit.”

“Okay Dan, salamat. Mukhang hindi na ako magtitiis.” Ang sabi ng nakangiting si Alex.

“Pumayag na din si Mam na mag-eleven ka ng uwi tuwing gabi para makasabay mo si Mika.”

“Ang lakas mo talaga kay Mam.” Ang masayang sabi ni Alex sa medyo mahinang tinig.

“Loko ka may kapalit ang mga yan.” Ang nagbibirong tugon naman ni Dan. Lumapit pa siya ng husto kay Alex at saka siya bumulong, “Isang buong magdamag daw na magkapiling kami ni Mam ang gusto niyang kapalit.”

Hindi naman nakapagsalita agad si Alex na natigilan na lang. Isang buong gabi sa piling ni Mam Arcelle ay isang napakasarap na pantasya na sa kanya.

“Sige Alex, puntahan ko lang si Mika.” Ang paalam ni Dan sa hindi nakapagsalita ng kaibigan. Alam naman niya ang nararamdaman ni Alex. Susulitin talaga niya ang gabi sa piling ng magandang asawa ni Arman.

Naiwan si Alex na nakatingin sa papalayong kaibigan. Isang napakapalad na lalake talaga ni Dan. Sa kabila ng hindi naman nito kagwapuhang mukha ay ibat-ibang masasarap na tukso ang nakapalibot dito. Tiningnan niya sina Mika at Dan na ngayon ay magkaharap na at nakangiti sa isa’t-isa habang masayang nag-uusap. Nakaramdam siya kirot sa dibdib para kay Mika kahit nakikita niyang masaya na ito ngayon. Dahil ang iniibig niyang si Mika ay buong pusong ibinibigay ang lahat sa lalakeng walang maipapangakong bukas para sa dalaga. Ngunit isa lang ang titiyakin ni Alex, sa tuluyang paglayo ni Dan ay mananatili siyang naroon para kay Mika.

*****

Nasa kusina si Alice at naghahanda ng kape para sa kanyang asawa at gatas naman para sa kanyang anak. Pagkatapos niyang mailagay sa tray ang mga iyon ay una siyang nagtungo sa study room ng asawa.

(“tok” “tok”)

“Hon..”

“Come in Hon.”

Pumasok na si Alice at naabutang naroong abala ang asawa sa lamesa nito. Ipinatong niya ang tray sa isang lamesita ang kinuha ang baso ng kape at inilagay sa lamesa ni Anton.

“Take a break Anton…” ang malambing na sabi ni Alice habang minamasahe ang balikat ng asawa.

Nakangiting itinigil naman ni Anton ang ginagawa at hinayaan si Alice.

“I miss this Hon, sana meron pa ulit mamaya.” ang sabi ni Anton habang hawak ang kamay ni Alice.

Hinalikan ni Alice si Anton sa labi. “Sure, why not, it’s not everytime na nagre-request ang asawa ko ng ganito.” ang nakangiting si Alice. “So be sure to finish this soon and we’ll go to bed early. How’s that?”

“Just give me a few more minutes and I’m done here.” ang masayang sabi ni Anton, nananabik sa mainit na gabing naghihintay sa kanya sa piling ng pinakamamahal na asawa.

“Okay, I’ll go to Angela’s room muna before her milk gets cold. I’ll be in our room pagkatapos kong puntahan ang dalaga natin.” ang nakangiting paalam ni Alice.

“I’ll be there too.” ang huling sabi ni Anton sa papalayong asawa.

Nakangiting tumango na lang si Alice at saka siya lumabas na upang puntahan si Angela. Si Anton naman ay muling ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Napakasarap talaga kapag masaya at buo ang pamilya. Wala siyang alalahanin na anuman at walang suliranin na kailangang solusyunan. Pababayaan na lang niya ang anak at ang kasintahan nito. Wala din namang siyang magagawa upang paghiwalayin pa ang dalawa. Nakuha na ni Dan ang nag-iisang anak, gusto ni Alice ang binata at ito naman ang buhay ni Angela.

Humigop ng kaunti si Anton habang nakatingin sa masayang larawan ng kanyang pamilya na nasa kanyang lamesa.

“Your one hell of a lucky guy Dan, I just hope na maging totoo ka sa sinabi mo na si Angela ang pipiliin mo. If you make my precious daughter suffers, then I”m gonna have to kill you myself.” Ang naiiling na sabi ni Anton, kailangang tanggapin niya si Dan dahil wala naman siyang pagpipilian. Ngunit umaasa siyang hindi bibigyan ng dahilan ni Dan ang kanilang nag-iisang anak ni Alice na lumuha at masaktan.

(“tok” “tok”)

“Angela, Mom’s coming in, okay?”

“Yes po Mom.” Ang sagot ni Angela na abala sa kanyang ginagawa.

Nagtuloy na sa loob si Alice at ipinatong ang baso ng gatas malapit sa anak.

“Drink it first Iha.” Ang sabi ni Alice habang hinahaplos ang buhok ni Angela.

“Thanks po.” Sinunod naman ni Angela ang sabi ng ina at uminom ng bahagya.

“Finals nyo na next week, is this not done yet?” ang tanong ni Alice habang nakatingin sa mga ginagawang paperworks ng anak.

“I’m almost done na po Mom, maybe after an hour ay magliligpit na po ako.”

“Very good.” ang nakangiting sabi ni Alice.

“Mom…” si Angela na hindi inalis ang tingin sa kanyang ina. “I’m thinking of attending the campus night this year.”

“Well, it’s up to you Iha, you know naman na we have no objections when it comes to that. It’s not bad for you to socialize with different kinds of people.”

“Thanks po Mom.”

“Is Dan going to attend too?”

“Hm, hindi ko pa po siya natatanong, but I’ll ask him about it para po magkasama kaming dalawa. Weakness naman po ako ni Dan so I’m confident po na I can convince him to come.” ang masayang sabi ni Angela, alam naman niyang hindi siya mapapahindian ng binata.

Saglit na natigilan si Alice, naalala si Christine, ang kaibigan ng anak na kahati niya sa puso ni Dan.

“I want you to enjoy that night Iha, be as happy as much you can. But did you forget about Christine? She might also be there to be with Dan too.” ang sabi ni Alice at saka hinawakan ang kamay ng anak.

“I’m happy na din naman po Mom kahit magkatabi lang kami or nag-uusap na dalawa ni Dan. I have another friend who will also come to be with me so I’ll be fine po Mom kapag sila naman pong dalawa ang magkasama.” ang malungkot na tugon ni Angela at saka siya tipid na ngumiti. Nakahanda naman siya sa posibilidad na naroon din si Christine. Ngunit ang makasama si Dan sa isang gabi kahit hindi niya magawa ang lahat ng kanyang naisin ay sandaling kaysarap pa ding gawing masayang alaala niya. Umaasa na lamang siyang sana ay magawa ni Brandon ang sinabi nito sa kanya. Na kasabay ang pagtatapos ng semestre ay ang paglaya din nila ni Dan mula sa kaibigan niyang si Christine.

Nalungkot naman si Alice para sa anak ngunit wala siyang magagawa. Dahil ito ang pag-ibig na pinili ni Angela gaano man kasakit para sa kanyang nag-iisang anak.

“I hope Dan will make his promise to you come true, so that there are no more sadness in your heart. Gusto kitang makitang tunay na masaya Angela.”

“It will come Mom, I’m sure of it po. Dan promised me that and I believe in him.” at saka siya ngumiti sa kanyang ina, alam niyang darating ang araw na mangyayari din ang pinapangarap niya.

“I do believe in him too Angela.” ang nakangiting si Alice na niyakap ang anak. Nangako si Dan sa kanilang mag-ina at panghahawakan niya ang pangako ng binata sa kanila. Alam niyang hindi iyon magiging madali kay Dan at tiyak na masasaktan ang kaibigan ng anak. Ngunit higit na mahalaga para sa kanya ang kaligayahan ni Angela na labis na umiibig kay Dan. Wala ng puwang sa kanya magdusa o lumuha man ang iba basta makamtan ni Angela ang pangarap na inaasam nito.

At saka muling tiningnan ni Alice ang mukha ng anak, “Dan will only be yours Angela, Mom will make sure of it too.”

“I know naman po Mom.” ang nakangiting sabi ni Angela, hawak sa kanyang puso ang pag-ibig ni Dan sa kanya kasama ang pangakong sila lamang dalawa ang nakatadhanang magkasama, sa buhay nilang ito at kung sakaling may susunod pa para sa kanilang dalawa.

*****

Pagkaupo ni Lance ay agad siyang nilapitan ng staff sa loob ng isang mamahaling bar. Pagkatapos sabihin ang kanyang order ay tiningnan niya ang kanyang orasang pambisig, malapit ng mag-alas dyis ng gabi. Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang kanyang kaibigan na habang palapit sa kanya ay alam niyang may mabigat na saloobin tulad ng naramdaman niya kanina habang magkausap sila sa telepono.

Naupo si Brandon sa harap ni Lance at saka siya malungkot na ngumiti.

“I know something isn’t right the moment you called me…, I hope I’m wrong about it, but that’s what my instinct tells me.” at saka gumanti ng tipid na ngiti si Lance kay Brandon.

“Something really bad happened Lance.” at saka malalim na napabuntunghininga si Brandon.

Dumating ang kanilang inumin at si Lance na ang nagkusa na magsalin para sa kanilang dalawa. Nakikita naman niya ang kakaibang tamlay ni Brandon na talagang walang sigla.

“Here.” at saka inilapit ni Lance ang baso sa kaibigan.

Kinuha ni Brandon ang baso at saka siya uminom hanggang sa kaya niya. Ibinaba ang baso pagkatapos at tumingin kay Lance na nakatingin din naman sa kanya.

“It’s over Lance…, my engagement with Christine has been cancelled.” ang malungkot na sabi ni Brandon at saka siya muling uminom upang ubusin ang laman ng kanyang baso.

Si Lance naman ang napabuntunghininga, tungkol kay Christine ang iniisip niyang problema ng kaibigan ngunit hindi niya inakalang ganito kalala ang nangyari sa dalawa. Muling sinalinan ni Lance ng alak ang walang lamang baso ng kaibigan. Gaya ng nangyari sa kanya ay alam niyang minsan ang alak ay mabuti ding kaibigan upang saglit na malimutan ang mapait at mahapding nararamdaman.

“I know how much you loves and cares for her, kahit hindi mo sabihin, I believe that you try hard to fight for her. ”

“That’s what I did Lance, I even put my life in the line for her so that my father will back down on some of his demands. That’s how much I love Christine, she’s the only woman for me.” Mahigpit na nahawakan ni Brandon ang baso, “But this pain inside me doesn’t go away Lance, just thinking on how hard it is for Christine when my father told her about it, after I assured her that everything will be fine. That I will always be there, and then the moment comes when she needed me most and I’m not there for her.” at saka niya pinakawalan ang mga luhang nais lumaya sa kanyang mga mata. Labis niyang sinisisi ang sarili dahil sa kanyang pagkakamaling nagawa na ang naging kabayaran ay ang paghihiwalay nilang dalawa ng dalagang pinakamamahal niya.

“You need to talk to her Brandon, we both know that she’s waiting for you. Until you say it to her yourself, she will not accept it.”

Saka muling napaluha ng tahimik si Brandon, “That’s the thing that scared me the most, that’s why I can’t go to see her. I’m afraid Lance, that the moment I saw her…, I don’t want to ever let her go.”

Hinayaan lang ni Lance na ilabas ni Brandon ang lahat ng nasa loob ng dibdib nito ngayon.

“Do you still remember when you told me that you and I are not the same. I do believe that when it comes to our situation to the woman we love. Angela…, she never sees more than a friend. But Christine cares for you, maybe even liking you, so you really do have a fair chance. Don’t be a coward like me Brandon, you’re far better than this. And you know better than anyone that Christine doesn’t deserved to be treated like that.” Tiningnan ni Lance sa mga mata ang kaibigan. “You must see her Brandon, you owe it to her.., and to yourself. Be a man worthy enough for her to remember.”

Natigilan naman si Brandon dahil sa mga sinabi ni Lance, kailangan niyang harapin si Christine. Naghihintay ito sa kanya at kailangan niyang dumating upang patunayan na walang nagbago sa pag-ibig niya sa dalaga. Hindi pa naman ito ang katapusan para sa kanilang dalawa.

“Thank you Lance.” ang sabi ni Brandon at saka tinuyo ang kanyang nabasang mukha.

“You don’t have to thank me.” ang nakangiting si Lance. “You were there too when I need someone to listen. I just wish that in the end, you’ll never have the regrets that I have.”

“I’ll give you my word Lance…, a future will come where I’ll be happy with the woman I love.” at saka siya tipid na ngumiti sa kaibigan.

“Even if that future will cost you everything?” si Lance.

“It doesn’t matter as long as I have her.”

Itinaas ni Lance ang kanyang hawak na baso, “Then I wish to see that future.”

Gayundin naman ang ginawa ni Brandon at sabay nilang inubos ang laman ng kanilang hawak na baso.

Sa isipan at damdamin ni Brandon ay naroon pa din ang hindi nawawalang pag-asana magiging kanya din si Christine. Hindi man sa ngayon dahil hindi wala pa siyang kakayahan upang ibigay sa dalaga ang bukas na nais niya. Ngunit darating ang araw na mangyayari din ang sinabi niya, ang ganap na mapasakanya si Christine bilang katuparan ng pag-ibig na pinapangarap niya.

*****

Gaya ng kanilang napagkasunduan ni Arcelle ay kasabay na nina Dan at Mika si Alex sa pag-uwi sa gabi.

“Alex, ikaw ng bahala kay Mika.” si Dan nakatingin sa kaibigan.

“Wag kang mag-alala Dan, sagot ko si Mika.” ang nakangiting si Alex.

Kay Mika naman ngayon nakatingin si Dan, “Bukas na lang ulit Mika, kasama mo naman si Alex kaya hindi na ako mag-alala.”

“Okay Dan, kita na lang ulit tayo bukas. Lakad ka na din ng makapagpahinga ka na.” ang nakangiting si Mika.

Makahulugang tiningnan ni Dan si Alex na napailing na lang.

“Alam ko na.” ang natatawang si Alex na ipinaling ang katawan sa ibang direksyon.

Isang masarap na halik ang ibinigay ni Dan sa labi ng nakangiting si Mika.

“Ikaw talaga Dan, alam mong andito si Alex eh.” ang mahinang sabi ng dalaga na sinabayan niya ng mahinang paghamaps sa bisig ni Dan.

“Gusto ko lang, pampasarap ng tulog. Liban na ako.” ang nakangiting si Dan.

“Ingat.” si Mika.

Ngumiti naman si Dan sa dalawa at saka siya tumawid na sa kabilang parte ng kalsada. Ilang sandali lang ang lumipas at una na ding nakasakay sina Mika at Alex.

Hanggang sa tinitirhan ni Mika nais na ihatid ni Alex ang dalaga upang matiyak niyang ligtas itong makakauwi sa kanila.

“Alex, salamat ha, kahit alam kong naaabala ka na. Nakakawala talaga ng kaba yung alam kong may kasama ako sa pag-uwi.”

“Wag mo akong alalahanin Mika, napag-usapan na namin ito ni Dan. Mabuti na yung ganito kaysa naman nag-aalala kami sayo sa bawat gabing umuuwi kang mag-isa.”

Nagpatuloy pa silang dalawa sa paglalakad hanggang sa may papasok sa makitid na eskinita patungo sa tinitirhan ng magkapatid.

“Dito na lang Alex.”

“Okay, lakad ka na sa loob.”

“Salamat talaga Alex.” ang nakangiting si Mika sa binatang alam niyang kahit mahirap dito ang ginagawa nito para sa kanya ay nagpapatuloy pa din ito alang-alang sa kanyang kapakanan.

“Masaya ka ba ngayon Mika?” ang tanong ni Alex na nakatingin sa mga mata ng dalaga.

Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Mika at pilit siyang ngumiti, “Masaya ako Alex.”

“Mabuti kung ganun Mika.” si Alex na tipid na ngumiti.

Hinawakan ni Mika ang kamay ni Alex, “Alam ko ang nararamdaman mo para sa akin Alex, alam ko lahat dahil magkatulad tayo ng sitwasyon. Mahirap ang magmahal sa taong alam mong hindi ka kailanman mamahalin. Ngunit kahit ganito ang kalagayan ko Alex kay Dan, tunay akong masaya, at sapat na sa akin yun.”

Pinisil ng bahagya ni Alex ang kamay ni Mika at saka niya iyon inalis mula sa pagkakahawak nito sa kanya, “Kaya gawin mo lang ang bawat ikaliligaya mo, patuloy mong sundin ang hiling at nais ng puso mo Mika. Manatili ka sa piling ng lalakeng nagpapasaya sayo. At sana…, hayaan mo din naman ako sa mga ginagawa kong nagpapasaya din sa akin.” ang matapat at puno ng damdamin na sabi ni Alex. Mahal niya si Mika, isang pagmamahal na hindi na nangangailangan ng kapalit. Sa isang tulad niya ay sapat na ang mahalin si Mika mula sa paraang kaya niya para sa dalaga.

Tumango naman si Mika, ayaw niyang pigilan si Alex para sa munting kaligayahang kaya niyang ibigay sa kaibigan.

“Kaya wag kang mag-alala sa akin Mika, basta andito lang kapag kailangan mo ako.” ang sabi ni Alex na buong pag-ibig na nakatingin sa dalagang matagal na niyang iniibig ng totoo.

Ngumiti si Alex kay Mika kaya napilitan na ding gumanti ng ngiti ang dalaga.

“Sige na Alex, ingat ka sa pag-uwi.” ang paalala ni Mika sa kaibigan.

“Pasok ka na din, kita na lang tayo bukas.”

Tumango naman si Mika at tumalikod na. Alam niyang nakatingin pa din sa kanya si Alex hanggang sa makapasok siya ng kwarto. Nasasaktan si Alex at iyon ay nalalaman niya. Ngunit ang puso ay hindi maaaring turuan, isang katotohan na matagal na niyang natutunan, minsan ay isang sakripisyo ang umibig ng totoo.

*****

Huminga muna ng malalim si Ella bago niya ipinasok ang susi at binuksan ang pinto. Maliwanang na sa labas ngunit idlip pa din si Mika. Naupo siya sa gilid ng kama ng kapatid, naroon ang guilt dahil sa ginawa nila ni Dan na siya ang dahilan. Isang pangyayaring hindi niya alam kung may lakas ba siya ng loob na aminin kay Mika. Ngunit natikman na niya ang kakaibang sarap sa piling ni Dan na alam niyang may mas higit pa. Nasa kanya na lang ang pagpapasya kung tuluyan ba niyang tatawirin ang mas masarap na bawal kapalit ng isang sitwasyong katulad ng sa kanyang kapatid. Kapwa manglilimos ng kaligayahan sa binatang may ibang minamahal.

Napilitang haplusin ng banayad ni Ella ang buhok ng kanyang bunsong kapatid.

Nagmulat naman ng mga mata si Mika na nagising na dahil sa banayad na paghaplos sa kanyang ulunan, “A-Ate?”

“Pasensya ka, nagising pa kita, sige na, magpahinga ka na ulit.”

Ngunit tuluyan na ding bumangon si Mika, “Okay na ako Ate, nakapag-usap ba kayo ni Dan kahapon?”

Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Ella sa kapatid, dahil hindi lang sila basta nag-usap ni Dan, nagkatikiman din ng kani-kanilang katas.

“O-Oo Mika, salamat.” ang sagot ni Ella na nanatiling nakatingin kay Mika.

“Bakit Ate? May gusto ka pa bang sabihin?”

Pilit na iwinaksi ni Ella ang nangyari sa kanila ni Dan na patuloy na gumugulo sa kanyang puso at isipan. May isang suliranin na mas higit niyang dapat pagtuunan ng atensyon sa ngayon.

“Sinabi na sa akin ni Dan ang lahat kahapon tungkol dun sa mga regalong natatanggap mo. Ngunit may isang hindi siya sinabi sa akin, kung saan mo dinala yung perang nasa loob ng kahon. Kapatid mo ako Mika, sino pa bang magdadamayan dito kung hindi tayong dalawa. Ayaw ko ng naglilihim ka sa akin.” ang malumanay na sabi ni Ella. Wala naman siyang dahilan para magalit sa kapatid na kilala niyang mabait naman.

“A-Ate…”

“Mika, makikinig ako…”

At saka sinabi ni Mika ang lahat. Wala na siyang inilihim na anuman gaya ng mga ipinagtapat din niya kay Dan.

Niyakap naman ni Ella ang umiiyak na kapatid, “Magiging mabuti din ang itay Mika. Alam kong bibigyan pa siya ng lakas ng Panginoon para muli tayong makita. Kaya lakasan mo ang loob mo Mika, magpakatatag pa at ngayon nila tayo mas kailangan.”

Tumango naman ang humihikbing si Mika, “Oo Ate.”

“At yung problema mo sa mga regalong natanggap mo, nangako naman si Dan na hindi ka nila pababayaan ni Alex. Kaya ipanatag mo na ang loob mo Mika.”

“Alam ko naman Ate na hindi nila ako pababayaan.” ang sabi ni Mika na ngayon ay nakatingin kay Ella. “A-At saka Ate, okay na ulit kami ni Dan.” ang nakangiting si Mika.

Gumanti naman ng ngiti si Ella kay Mika, “Di mabuti, ayaw ko ng nakikitang malungkot ka.”

“Salamat Ate.”

“O sya, magluto na tayo at ng makakain ng agahan, at ng ako naman ang makatulog pagkatapos.”

“Sa banyo muna ako Ate.”

Tiningnan ni Ella ang kapatid na pumasok sa loob niyon habang nasa kanyang isipan ang isang tanong na hindi niya kayang bigkasin sa kapatid. “Huwag ka sanang magalit sa akin Mika, ngunit parang nahuhulog na din ako kay Dan. Sana ay okay lang sayo na magkahati din tayo sa kanya?” At saka siya mapait na ngumiti dahil sa kanyang nakikitang parang iisang kapalaran nilang magkapatid. Ang umibig ng mali sa isang lalakeng kapwa nila alam na hindi naman para sa kanilang dalawa.

*****

Yakap ni Angela ang mga lupon ng mga papel na nasa isang folder sa kanyang dibdib habang masayang naghihintay sa pagdating ni Dan. Natapos din niya kagabi ang kanilang huling gawain na ipapasa na lamang nila mamaya. Hindi mahalaga kay Angela ang mga sandaling ibinuhos niya mabigyan lamang kahit kaunting kaalwanan si Dan sa mga pasanin nito. Isang tungkulin na buong pagmamalaki niyang gagampanan ang pagsilbihan ang natatanging lalakeng kaya niyang pag-alayan ng lahat.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga ng makita niya si Dan na palapit na sa kanya.

“Hi, kanina ka pa?” ang nakangiting tanong ni Dan.

Umiling naman si Angela, “Kadarating ko lang din.” Ang pagkakaila ng dalaga kahit na kanina pa siya naghihintay kay Dan. Maaga siyang pumasok dahil excited siyang ipakita sa binata ang natapos niyang gawain kagabi.

Tiningnan ni Dan ang yakap na folder ni Angela at saka siya muling ngumiti sa dalaga, “Natapos mo na?”

Nakangiting tumango si Angela, “Let’s get inside na Dan. I’ll show it to you kapag nasa loob na tayo ng library.” Ang labis na saya ay nasa tinig ng dalaga.

Sabay na silang pumasok sa loob ng building at nagtuloy sa dulong parte ng library. Magkatabi silang naupo sa palagi nilang lugar habang pinag-aaralan ni Dan ang kabuuan ng natapos nilang research. Sa bawat pahinang nakikita ni Dan ay napagtanto niya kung gaano kalaki ang naibahagi ni Angela sa kanilang gawain ng higit sa kanya.

Isinara niya ang folder at hinawakan ang kamay ni Angela na nasa ilalim ng lamesa, “Thank you Angela. Sisikapin kong makabawi talaga sayo sa susunod.”

“I’m not asking much naman Dan, just shower me with your love and affections and I’ll be happy.” ang sabi ni Angela na nakatingin din kay Dan. “Can we go there now?” ang malambing niyang tanong, nasasabik sa nakasanayan na niyang masarap nilan ginagawa ni Dan sa umaga.

Magkahawak-kamay silang nagtungo sa lugar na laging saksi sa lihim nilang pagmamahalang dalawa. Marahan na isinandal ni Dan ang dalaga sa lagayan ng mga libro. Hinaplos ang mapula at malambot nitong labi habang nangungusap ang kanilang mga mata.

“Kiss me na Dan…”

Sinunod naman agad ng binata ang nais ng kasintahan, kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Angela ang paglapat ng kanyang labi sa nakaawang labi ng dalaga. Ilang ulit na naghinang ang kanilang labi habang magkahawak-kamay silang dalawa.

Nang matapos ay nagmulat ng mga mata si Angela at hinaplos ang labi ni Dan.

“Dan, how long are we going to be like this? I want you to be mine na lang kasi. Para I can kiss your lips whenever I want and I don’t have this fear na someone might see it.”

Kita naman ni Dan ang paghihirap ni Angela sa kalagayan nito ngayon. Dahil hindi siya makapagpasya na dapat ay si Angela na lamang ang kasama niya talaga.

“Malapit na Angela, hindi na magtatagal.” ang malungkot na sabi ni Dan, dahil ang paglaya nilang hinahangad ni Angela ay nangangahulugan ng tuluyang pagluha ni Christine. Mahapdi ang nasa dibdib ni Dan ngunit alam niyang hindi sila kailanman maaring manatiling nakakulong sa tatsulok nilang pag-ibig. Malapit na siyang magpasya gaano man kasakit ang magiging kapalit nito sa kanya.

“Am I being selfish?” ang tanong ng dalaga na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Dan.

Umiling naman si Dan, karapatan naman iyon ni Angela at alam niya ang nararamdaman nito. Hinawakan ni Dan ang magkabilang kamay ni Angela na nasa kanyang mukha at ibinaba ang mga iyon ngunit hindi niya binitawan.

“Nag-promised naman ako sayo diba, na darating din ang araw na pinapangarap mo.”

Yumakap si Angela kay Dan habang hinahaplos naman ng binata ang mahabang buhok ng dalaga.

Ayaw na ni Angela ang sitwasyon nilang tatlo, dapat ng hayaan ni Dan si Christine upang maging tama ang kanilang relasyon na sa simula pa lang ay mali na. Karapatan din naman ni Christine ang maging maligaya ngunit hindi sa piling ng lalakeng mahal niya. “I’m sorry Christine, I like you a lot but our situation needs to end.” ang malungkot niyang lihim na nasabi. Mahalaga sa kanya si Christine bilang isang malapit na kaibigan. Masakit din naman sa kanya ang paghihirap na daranasin nito ngunit naroon pa din ang isang masayang bukas na alam niyang naghihintay kay Christine.

Habang hinahaplos naman ni Dan ang mahabang buhok ni Angela ay naroon sa kanyang dibdib ang isang damdaming nais na tumutol sa nais ng dalaga. Ngunit dapat na siyang magpasya upang matapos na ng maaga ang paghihirap na nararamdaman nila. Sa isang buong maghapon at magdamag na hiniling sa kanya ni Christine ay paliligayahin niya ito ng husto. At saka niya sasabihin ang pagtatapos ng kanilang pag-ibig upang makapagsimula ulit si Christine sa isang buhay na hindi na siya kasama.

Lumipas ang maghapon na mabigat ang pakiramdam nilang tatlo. Kay Christine na walang mapagsabihan ng kasalukuyan niyang sitwasyon. Kay Angela na hindi magawang tingnan ng tuwid si Christine dahil sa pagpapasyang ibinigay niya sa kasintahan. Kay Dan na ngayon pa lang ay nahihirapan na kung paano sasabihin kay Christine ang pagtatapos nilang dalawa.

Pagkatapos magpaalam ni Christine kina Cherry at Rose ay nilapitan niya ang magkatabing sina Dan at Angela na nag-aayos ng kanilang mga gamit pagkatapos ng huling klase.

“Dan, I know na you and Angela are always the last ones to leave this room. But I want to talk to Angela about something. Can you please give us the room?”

Tiningnan ni Dan si Angela na tumango naman sa kanya.

“Okay Christine. Angela, antayin na lang kita sa labas.”

Nang ganap na maisara ni Dan ang pinto sa kwarto ay saka nagsalita si Angela.

“Tell me Christine.”

“I know something is off about you today Angela, I can feel it the way you look at me.

Tiningnan ni Angela si Christine habang nasa kanyang isipan ang bawat sandali at pangyayaring naroon silang magkasama. Sa bawat nilang pagluha at pagngiti, sa pagdurusa at kaligayahan ay lagi silang magkasama ni Christine. Magkaibigan silang dalawa na kapwa nagmahal lamang sa iisang lalake. Kung hindi naging malupit sa kanila ang tadhana ay nais niyang maging manatili silang mabuting magkaibigan ni Christine.

“Christine…” at saka buong pait na ngumiti si Angela, dahil sa sandaling malaman ni Christine ang lahat, alam niyang mawawalan na siya ng isang kaibigan na tunay din naman niyang minahal at pinahalagahan.

Niyakap ni Angela si Christine ng mahigpit.

“My life is already at it’s worse right now Angela, so I hope na it’s not something really bad.” ang sabi ni Christine na yumakap din sa kaibigan.

Si Angela naman ang natigilan, dahil nasa ekspresyon ng kaibigan ang hindi nito maitagong lungkot na nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang mabigat na pinagdadaanan ni Christine ngunit ang malungkot nitong mga mata na parang nais ng umiyak ay ang pumipigil kay Angela.

“It’s nothing Christine, it seems kasi na parang you’re sad about something.” ang sabi ni Angela na hindi kayang sabihin sa kaibigan ang pagdurusang darating dito na ngayon palang nagpapahirap na din sa kanya. “Are you alright? Is everything okay?” ang tapat na nag-aalala niyang tanong.

Umiling naman si Christine, “How I wish na I can tell you na I’m okay Angela, but I’m not. My life is so messed up right now.” Nais na lumuha ni Christine ngunit pilit niyang pinatatag ang sarili sa harap ng kaibigang lalong lumaki ang pagitan sa kanya. Hindi lamang sa puso ni Dan kung hindi maging sa kasalukuyang katayuan nila sa buhay.

“I’m still here naman Christine? If it’s something na I can help you with, just tell me lang.”

Umiling naman si Christine, kaya pa naman niya at kasama pa din niya ang kanyang pamilya.

“Your hug just now is morethan enough Angela.”

“Christine, please don’t ever forget , one thing will always remain forever true for me. That I will always consider you a friend no matter what. Even if a time comes na hindi na tayo katulad ng sa ngayon, I’ll always remember how good you are to me.”

Ngumiti naman si Christine, “I know, and I’ll wish for that day to never come. Because I do like you a lot Angela.”

“I like you too Christine.”

“We are not supposed to confessed our feelings for each other.” ang nakangiting si Christine na pinapalis ang luha sa mga mata ng kaibigan.

“Dan is not here naman, so it’s okay.” ang nakangiti ding si Angela.

Nang matapos silang mag-usap ay lumabas na din sila at lumapit sa naghihintay na si Dan. Napansin ni Dan na magkahawak-kamay ang dalawa na hinayaan na lang niya. Sana ay manatiling malapit na magkaibigan ang dalawa anuman ang kahihinatnan ng relasyon nilang tatlo.

Magkakasabay na silang nagpunta sa may labasan kung saan naghihintay ang sundo ni Angela. Ngunit ang ngiti sa labi ni Christine ay naglaho ng makita niya si Brandon na naghihintay sa kanya sa may labas ng gate.

Kumalas si Christine sa pagkakahawak ni Angela, “I’ll go first Angela.” At saka siya malungkot na tumingin kay Dan, “I have to go to him.”

Nagsimula ng maglakad si Christine palayo na hindi na hinayaang makasagot pa ang binata. Kahit sa kabila ng katotohang si Dan ang mahal niya ay dapat nilang mag-usap ni Brandon dahil sa pangyayaring nagpabago sa takbo ng kanyang mundo.

Hinawakan naman ni Angela ng mahigpit ang kamay ni Dan, nais na ipaalala sa binata ang salitang binitawan nito sa kanya kanina. Si Dan ay para sa kanya at dapat ng hayaan ni Dan si Christine na mapunta naman sa iba. Kung hindi ay wala ni isa man sa kanila ang magiging ganap na malaya. Tanging kaligayahan niya si Dan at kailangan din namang tanggapin ni Christine ang katotohanang ito.

“Dan…, dito ka lang.” ang mahinang sabi ni Angela na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Dan.

Wala namang nagawa si Dan kung hindi hayaan si Christine sa paglayo nito. Dapat na siyang masanay sa sitwasyong wala na siyang karapatan kay Christine.

Binuksan ni Brandon ang pinto sa kanyang sasakyan. Ngunit minsan pang nilingon ni Christine si Dan habang nakahawak-kamay ito kay Angela at saka siya pumasok sa loob ng sasakyan ni Brandon. Gayundin naman ang ginawa ni Brandon, tiningnan muna niya sina Dan at Angela. Ngunit mas nagtagal kay Dan ang kanyang paningin, “Don’t be so greedy Dan, you can’t have everything. Christine is mine and there’s nothing you can do to take her away from me.” ang laman ng kanyang isipan na nais sana niyang sabihin kay Dan. Maghaharap din silang dalawa ngunit hindi pa sa ngayon. May nakatakdang araw para doon na sadyang nakalaan para sa kanilang dalawa.

Hinatid ng tanaw nina Dan at Angela ang papalayong sasakyan ni Brandon kung naroon din si Christine. At saka silang dalawa tahimik na naglakad papunta sa sundo ng dalaga.

“Are you upset to see Christine with another man?” ang tanong ni Angela na hindi binitawan ang kamay ng binata ng nasa harap na sila ng sasakyang sundo ng dalaga.

Pilit na ngumiti si Dan, “Masasanay din ako Angela.”

“I’m here naman Dan para sayo.”

Banayad na pinisil ni Dan ang kamay ng dalaga. “Alam ko naman yun Angela, ikaw ang kaligayahan ko ng higit sa lahat.”

“Tears of joy na lang palagi, don’t ever forget that.” at saka siya kiming ngumiti sa binatang alam niyang mabigat ang pakiramdam. Hindi man sa ngayon ngunit naniniwala si Angela na darating din ang araw na tanging siya lamang ang laman ng puso ni Dan.

“Hindi ko kakalimutan.”

“Good. Take care sa work mo ha.”

“Kayo din Angela, ingat.”

“I love you Dan.”

“I love you too.”

“Hm, a quick kiss?”

Napangiti naman si Dan, at isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay niya kay Angela na napangiti din naman.

“Later Dan, bukas na lang yung matagal.” ang nakangiting paalam ni Angela.

“Okay.”

Pumasok na si Angela sa loob at ngumiti muna siya kay Dan bago niya sinabihan si Mang Lando na umalis na. Habang nasa loob ng sasakyan ay inilabas ni Angela ang kanyang panyo at tinuyo ang mga luha niya sa mata. Nasasaktan si Dan at alam niyang nasasaktan din si Christine, masakit din naman sa kanya ang nakikita niyang paghihirap ng dalawa. Ngunit nakapagpasya na siyang dapat ng tapusin ni Dan ang relasyon nito kay Christine upang maging kanya na lang ang binata. Para din naman ito kay Christine na alam niyang may isang taong nagmamahal din dito ng totoo.

Sa bawat simula ay naroon din naman ang katapusan. Na kahit hindi natin alam kung kailan magaganap ay tiyak na doon pa din ang kahahantungan. Gaya ng kanilang mga kapalaran na may kanya-kanyang wakas na patutunguhan. Nagmahal, nasaktan at muling magpapatuloy upang hanapin ang pag-ibig na kayhirap makamtam. Marapat nga kaya na sadyang may dapat na masaktan, upang may magtamasa ng tunay na kaligayahan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *