Tukso kay Dan Season 2 Part 2
Chapter 2
Pasado alas-otso ng gabi. Sa tahanan nina Christine ay kanina pa naiinip ang kanyang mga magulang na naghihintay sa kanya sa salas ng kanilang marangyang tahanan. Ilang gabi ng ganito palagi ang pag-uwi ng kanilang nag-iisang anak na hindi nila kapwa ikinatutuwang mag-asawa.
“Amanda, this is the last night na uuwi ng ganitong oras si Christine. She is already engaged to Brandon, ano na lang ang sasabihan ng mga magulang ni Brandon kung makakarating sa kanilang kaalaman na dis-oras na palagi ng gabi nauwi ang anak natin?” ang may halong pagkasuyang nasabi ni Miguel sa asawa.
Napabuntunghininga na lamang si Amanda, maging siya ay nasusuya din namang tunay sa ginagawa ni Christine. Naipagkasundo na ang anak kay Brandon at dapat na itong umasal ng naayon sa estado at responsibilidad nito bilang nag-iisang tagapagmana nilang mag-asawa.
“Miguel, I agree with you, Christine must act accordingly. May fiance na siya, hindi na siya maituturing na dalaga dahil kasal na lang ang kulang sa kanila ni Brandon. They even spend the night together. If something bad comes up because of her reckless actions, and their engagement got called off. It’s more of her lost than it is to Brandon.”
Sabay na napatingin ang mag-asawa sa bumukas na pinto kung saan nila nakita ang kararating lang na si Christine.
Pagkakita pa lang ni Christine sa kanyang mga magulang na naghihintay sa kanya sa salas ay ramdam na agad niya ang tensyon na nasa hangin. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa kanina pa naghihintay na mga magulang. Kahit hindi niya gusto ay napilitan siyang umupo sa sofa na nasa harap ng mga ito.
Seryosong tumitig si Amanda sa anak, “Christine, tell us the truth. Saan ka nanggagaling at ilang gabi ka nang inaabot ng ganitong oras bago makauwi?”
“I’m just meeting my friends Ma, it’s been a long time since I spend some time with them.” ang kaswal na sagot ng dalaga.
“On three straight nights Christine?” ang may pigil na galit na tanong ng kanyang ama.
Hindi na kumibo pa si Christine, kung magbibigay katwiran pa siya ay tiyak na lalo lang niyang gigipitin ang sarili.
“Christine, are you seeing someone other than Brandon?” ang sunod na tanong ng kanyang naghihinalang ina.
Mainit ang tanong na iyon at ramdam niyang nagsisimula ng magduda ang kanyang ina. Nais niyang umamin ng matapos na ang interrogation ng mga ito ngunit dahil sa hindi natuloy ang pag-alis nila ni Dan ay kailangan pa niyang manatili sa poder at proteksyon ng mga magulang. Hindi siya dapat maging suliranin kay Dan. Kapag nawala sa kanya ang karangyaang ibinibigay ng mga magulang ay mawawalan na siya ng kakayahan na tumulong pa kay Dan.
“I’m not seeing anyone other than Brandon Ma, we already spend a night together remember?” ang muling kaswal na sagot ng dalaga.
“I do hope you’re telling the truth Christine, or else, we’ll take away your freedom after school. Isang beses pang maulit ito ay magkakaroon tayo ng another stationery driver dito sa bahay na para lang sayo.” ang madiin na sabi ng kanyang ama, nais ipabatid na handa nitong gawin iyon sa sandaling maulit ang tulad nito.
“Pa, this will not happen again.”
“Promise us.” Ang kanyang ina na naniniyak sa kanyang salita.
Dahil sa wala naman siyang magagawa at hindi niya nais na magkaroon ng palaging may nakabantay na driver sa kanya ay napilitan na din siyang pumayag.
“I promise.”, ang pagsang-ayon ng dalaga, lalabas na din naman si Dan bukas at wala ng dahilan para umuwi siya ng gabi.
“I’ll hold you to your word Christine. Maulit pa ito ng isang beses ay alam mo na ang mangyayari. There is no warning next time Christine, it will do you good to remember that.” ang huling babala ng kanyang ama na seryosong nakatingin sa kanya.
“Okay, since I already agreed sa gusto nyo. Can I go to my room now?” na sinabayan ni Christine ng pagtayo.
Kahit pumayag na ang anak ay alam ni Amanda na napipilitan lamang ito. Kahit papano ay kilala na ni Amanda ang anak, alam niyang ang bawat pagpapasya nilang mag-asawa ay laging laban sa nais nito. Ngunit ang kanilang ginagawa ni Miguel ay para din naman sa kapakanan ng nag-iisang anak. Umaasa na lamang siyang pagdating ng hinaharap ay makita ni Christine na para din sa kanya ang mga desisyon na pinili nila para sa kanya.
“How about dinner Christine?” ang muling tanong ni Amanda sa anak.
“Tapos na Ma.”
Walang katiyakan si Amanda sa sagot ng anak na alam niyang may halong pagkasuya ngunit hinayaan na din niya.
“Go ahead Iha.”
At saka lumakad na si Christine paakyat upang magtungo sa kanyang kwarto.
“Miguel, I think you need to press Brandon to sleep over once in a while.” Ang suhestyon ni Amanda sa asawa.
Tumango-tango lang si Miguel, mabuti naman ang sinabi ng asawa. Kailangang magkaroon ng limitasyon si Christine sa mga ginagawa nito. At kailangan na din itong masanay na magsilbi sa lalakeng nakatakda na nitong maging asawa.
“I’ll call him now. Worry not about it. Just focus sa pagbibigay ng mabuting kaalaman kay Christine on how to be a good wife, like you.” na sinabayan ni Miguel ng ngiti sa asawa.
Ngumiti din naman si Amanda, sa maraming taon ng pagsasama nilang dalawa ay alam niyang minahal siya talaga ni Miguel. Pagmamahal na kanya din naming sinuklian bilang isang mabuting maybahay, ngunit ang kanyang puso ay hindi nito nakuha hanggang ngayon, na nanatiling laan sa lalaking una niyang minahal.
Pagkapasok ni Christine sa kanyang kwarto ay hinubad niya ang lahat ng kanyang suot at mabilis siyang nagtake ng shower. Nasusuya pa din siya sa mga magulang, lagi na lang ganito ang mga ito sa kanya. Kung hindi lang alang-alang sa pangarap na nais niya ay mas gusto pa niyang lumayas na lang mula sa kanyang kulungang ginto. Wala na namang tatlong taon ay makakapagtapos na siya. Kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa ay saka niya iiwan ang tahanang ito na nag-alis ng kanyang kalaayan at nagnanais na hadlangan ang nais ng kanyang puso.
“Dan, I will be strong para sayo. Magtitiis ako hanggang sa araw na magkakasama na tayong dalawa.” ang sinabi ng dalaga sa kanyang sarili, ang kanyang sakripisyo ngayon ay para sa hinaharap na silang dalawa ni Dan ang magkasama.
*****
Pagkauwi ni Arcelle sa bahay ay wala ang asawang inaakala niyang naroon. Pagkatapos magbihis ay saka siya gumawi sa may kusina at dito niya nakita ang naiwang note ng asawa sa may ref. May sinadya ito sa labas at nagsasabing babalik din naman agad. Nakapagluto na naman si Arman at kailangang na lang initin pagdating asawa.
Bumalik siya sa salas at ihiniga ang pagod na katawan sa sofa. Iniisip kung saan pa ba nagkulang ang asawang si Arman at bakit mas nasasabik at hinanahap ng kanyang katawan si Dan. Mas magandang lalake si Arman kay Dan, maasikaso at masipag din ang asawa. Ang tanging lamang lang ni Dan ay ang mas malaki nitong alaga at mas bata ito ng sampung taon sa asawa. Ngunit hindi naman ganun kahuli ang laki ng kargada ng asawa kumpara kay Dan. Iba nga lang talaga ang sarap ng bawat pag-ulos ni Dan, marahil ay dahil sa mas mataba ang sa binata at sa mas bilugang ulo. Idagdag pang ang sarap humalik ni Dan at kaysarap ding haplusin ng maamo nitong mukha at kaysarap yakapin ng matipuno nitong katawan.
Dahil sa ginagawang pagkukumpara ay hindi napigilan ni Arcelle na hindi mag-init ang kanyang katawan. Ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang suot na short at nagsimulang hagurin ang hiwa ng kanyang pagkababaeng nagsimula ng mamasa.
“D-Dannn… Dann…” ang mahihinang ungol ni Arcelle habang nasa isip ay ang mga sandaling inuulusan siya ni Dan at malayang tinatanggap ng kanyang pagkababae ang malaking alaga ng binata.
“Ahhnn.. Ahh… Dannn….”
Sarap na sarap si Arcelle sa kanyang ginagawang pagpapaligaya sa kanyang sarili. Nawala na sa kanyang isipan na naroon lamang siya sa salas. Alaala pa lang ng kanilang mainit na bawal na sandal ni Dan ay nakakabaliw na sa kanya.
Ang bawat pagdampi ng labi ni Dan sa kanyang balat. Ang bawat paghaplos nito sa kanyang mukha at katawan. Ang bawat paglamas nito sa kanyang mayamang dibdib. Ang bawat pagdailiri nito sa kanya. Lalo na ang masasarap nitong halik sa kanyang labi at ang higit na masarap nitong pagkain sa kanyang pagkababae ay lalong nagiging kapana-panabik kay Arcelle. Kailan? Kailan ulit niya maisusubo ang malaking alaga ni Dan na napakasarap mapaso. Uhaw na ulit siya sa mainit nitong tamod na nais niyang kanya lamang.
“Daannn… Shit Dann.. Bakit ang sarap mo?”
“Ahhh… Ahhnn.”
Ibinuka pang lalo ni Arcelle ang kanyang mga hita at lalong binilisan ang paglalaro sa kanyang tinggel habang ang isa niyang kamay ay nakapasok na sa kanyang damit at minamasahe ang sarili niyang dibdib.
“Dannn…”
Muling naalala ng kanyang katawan ang bawat pagbayo sa kanya ng binatang kinababaliwan. Ang mga banayad nitong pagbayo sa simula. Ang mga titig ni Dan na may pag-aalinlangan ngunit nagagawa niyang pasukuin gamit ang kanyang katawan at posisyon sa trabaho. Ang mga mararahas at mabibilis na pagbayo ni Dan sa kanyang taksil at makating pagkababae na laging nais magpapunla ng tamod sa binata.
“D-Dannn… I’m Cumming naa..” medyo lumalakas na ang boses ni Arcelle, labis ng nadadala sa sarap ng ginagawa niyang maling pantasya.
“Dann-”
Biglang natigil si Arcelle at bumalik sa sarili ng marinig ang pagpasok ng susi sa pinto ng kanilang apartment. Mabilis niyang inalis ang kamay mula sa kanyang dibdib at pagkababae.
Pagpasok ni Arman sa kanilang apartment ay nakangiting siyang lumapit sa kanyang asawang nasa salas na humakbang din naman upang salubungin siya.
Humalik si Arman sa labi ng asawa na gumanti din naman, ramdam niya ang init sa katawan ni Arcelle.
“Hon, may lagnat ka ba?” ang may halong pag-aalang tanong ni Arman.
Napangiti lang si Arcelle at nakaramdam ng lalo pang pag-iinit ng katawan.
“Na-miss lang kita Hon.” ang malambing na sagot ni Arcelle. Niyakap ang asawa at muling hinalikan ito sa labi. Ang laman ng isipan ni Arcelle ay si Dan habang kahalikan at kayakap ang asawa. Sabik na sabik na siya talaga kay Dan. Ang guilt na nararamdaman ay tinalo ng matinging libog niya para sa binatang labis na pinagnanasaan.
Nakaramdam naman ng magkahalong init at saya si Arman kahit mayroong guilt sa kanyang puso. Dahil ramdam niya ang pananabik sa kanya ng asawa kahit na ang nasa isip niya ngayon ay ang empleyado nitong si Mika. Ang dalagang may natural na ganda, medyo morenang balat at ang parang kaysarap na lamasing malulusog na dibdib.
Matapos ang isang mainit na paghihinang ng kanilang labi ay kapwa sila napangiti sa isa’t-isa. Walang kamalay-malay na iba ang laman ng kanilang mga isipan.
“Kumain muna tayo Hon.” ang nakangiting si Arcelle, mas mabuting mamaya na lang nila ituloy ng asawa ng isang mainit nilang gabi.
“Nagugutom na nga ako Hon. Pero ako na ang mag-iinit at maghahanda.” si Arman na masayang inakbayan ang asawa papunta sa kusina. Mabuti na lamang at nagpigil si Arcelle dahil si Mika ang laman ng kanyang isipan. Ayaw niyang angkinin ang asawa na ibang babae ang kanyang iniisip.
Hinila ni Arman ang isang upuan at pinaupo ang asawa. Ngumiti dito at nagsimulang maghanda ng kanilang late dinner na lagi namang ganito dahil sa schedule ng asawa.
Ngunit hindi pa din nawala sa isipan ni Arman si Mika kahit nasa malapit lang si Arcelle. Nakaramdam siya ng kaba habang nakatingin sa nakangiting si Arcelle. Ilang mas batang babae kaysa sa asawa ang kanyang nakarelasyon ng magsimula siyang mambabae ngunit iba ngayon. Dahil ang mga babaeng iyon ay hindi nagtatagal sa kanyang isipan tulad ni Mika. Muling nag-init ang kanyang pakiramdam at nagalit na ng tuluyan ang kanyang pagkalalake. Ngayon pa lang ay nasasabik na siya sa mas batang katawan ni Mika.
“Arman” ang malambing at may halong init na pagtawag ni Arcelle.
Natigil saglit ang pantasya ni Arman, “Hm?”
Mahinang napatawa ng bahagya si Arcelle, “Ganoon ka ba nabitin kanina sa salas at kahit sa titig pa lang sa akin ay galit na yang paborito kong pagkain?” Sabay nguso ni Arcelle sa nakabukol sa may pantalon ng asawa.
Napilitang ngumiti si Arman, “Galit na dahil ginalit mo kanina”.
“Lagot siya sa akin mamaya.” , ang natatawang si Arcelle.
Sa isipan ni Arman ay nangako siya sa asawa, “I’m sorry Hon, huli na talaga to. Di ko lang matiis ang sarili ko, nakakademonyo kasi ang nilagay mong dalaga sa harap ng kaha.”
Gagawin lahat ni Arman ang paraan makuha lamang at mapagparausan ang pinagnanasaang dalaga hanggang sa magsawa siya dito. At pagkatapos niyang magawa ang lahat ng gusto niya kay Mika ay saka siya magiging tapat na talaga sa asawa.
*****
Pagkatapos magpatuyo ng buhok at magbihis ay nais na sana ni Christine na magpahinga. Kanina ay nakakaramdam siya ng gutom ngunit dahil sa inis sa mga magulang ay nalipasan na siya. Gumawi na siya sa may kama ng makarinig siya ng mga katok sa may pinto.
(“tok” “tok” “tok”)
Isang bagong katulong na naka-uniforme ang bumungad sa kanyang harapan at hawak nito ang isang tray na may ilang pagkaing natatakpan.
“M-Mam Christine…, n-nagpaluto po ang Mama ninyo ng magaan na hapunan para daw po sa inyo.” , ang naiilang na bahagyang napayukong katulong.
Pinagmasdang mabuti ni Christine ang nakatayong babae. Tantya niya ay mas bata ito sa kanya o magsinggulang lang sila. Morena ang babae at may itsura din naman.
“Bago ka dito?”
“O-Opo M-Mam.., apo po ako ni Manang Linda.” , ang kinakabahang sagot pa din ng katulong.
“Pangalan?”
“I-I-Isay po Mam C-Chrisitine..”
“Isay?”
“D-Dalisay po Mam ang buo kong pangalan.”
Pati ang pangalan nito ay pang probinsya, akma sa taglay nitong ganda.
“Well Isay, gusto ko at kasundo si Manang Linda. Kaya sana ay maging kasundo din kita. Kaya wag kang mailang sa harap ko. Naiintindihan mo?” ang may awtoridad na sabi ni Christine.
Dahil sa narinig ay lalong kinabahan si Dalisay sa halip na makaramdam ng gaan sa kanyang kalooban. Totoo nga ang sinabi sa kanya ng mga kasamang katulong. May pagkamaldita ang anak ng mga amo nila na naging dahilan ng pagkaalis sa trabaho ng ilang katulong na nauna sa kanya.
Kinalma ni Dalisay ang sarili, “Opo Mam Christine”.
Umalis si Christine sa may daanan, “Ilapag mo dun sa table”.
Pagkatapos sundin ni Dalisay ang utos ni Christine ay muli siyang lumapit dito na bahagyang nakayukod.
“Bumalik ka dito after twenty minutes.”
“Opo Mam.”
Isinara na ni Christine ang pinto ng makalabas si Dalisay at saka siya lumapit sa lamesa at naupo sa silyang nasa tabi nito. Binuksan ang mga nakatakip na lagayan ng pagkain at nangiti siya. Kahit papano ay alam pa din ng ina ang mga gusto niyang kinakakain sa gabi. Yung hindi mamantika at magaan sa tyan. Ilang klase ng paborito niyang pagkain ang nasa tray na sadyang pinaluto pa ng kanyang ina. Ayaw man niyang aminin ay parang may munting haplos sa kanyang puso na laan para sa kanyang ina.
*****
Magkasama ngayon sa kwarto ni Angela ang mag-ina. Katatapos lang maligo ni Angela at tinutuyo ni Alice buhok ng anak. Kapwa sila nakangiti sa isa’t-isa habang nakaupo si Angela sa harap ng kanyang magandang tokador. Pagkatapos tuyuin ang buhok ng anak ay saka naman ito banayad na sinuklay ni Alice.
“Iha, why don’t you cut your hair a little? It’s longer than usual.” si Alice habang patuloy na sinusuklay ang mahabang tuwid na buhok ng anak.
Saglit na nag-isip si Angela, “Mom, I want to change something in regards to it, okay lang po ba?”
Ngumiti lang si Alice sa anak, “Whatever you like Iha, as long as it pleases you.”
“Thanks Mom.” , ang masiglang si Angela. Ngayon pa lang ay nangingiti na siyang mag-isa habang nakaharap sa salamin. Gusto niyang surpresahin si Dan sa pagkikita nila bukas.
“Angela, sometimes, it’s better to hide your feelings when you’re happy. Para hindi obvious sa iba, look at you now.” , ang bahagyang natatawang si Alice.
“Mom naman eh. I’m so happy lang talaga.” ang nakangiting si Angela.
“Lalabas na ba si Dan bukas?”
“He is fine na naman po pero Christine and I wants him stay there a little longer para makapag rest po siyang mabuti. But Dan insist na kailangan na niyang lumabas. So there’s a chance na makauwi na po si Dan bukas.”
Si Alice naman ang natigilan, naalala ang pangalang tumawag sa anak bago nito kinompranta ang ama. Natitiyak niyang ang pangalang iyon at ang pangalang binanggit ngayon ni Angela ay iisa.
“Iha, this Christine…, siya ba ang sinasabi mong kaibigan na other girlfriend ni Dan? I’m not prying Iha, i’m just curious.” , si Alice na muling ngumiti sa anak.
Ang saya sa mukha ni Angela ay nawala at isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Yes Mom, it’s Christine.” , ang kiming sagot ng dalaga.
“This Christine, do you like her Iha?”
“Yes Mom, she’s a little headstrong, and sometimes, she is not nice to others. But I do like her, I just wish na dumating po yung araw na matanggap niya na kami ni Dan talaga.” ang malungkot na pahayag ni Angela.
“Don’t worry about it Iha. You trust Dan naman diba?” , ang nakangiti pa ding si Alice dahil sa napansing biglang nalungkot ang anak.
Dahil sa sinabi ng ina ay muling bumalik ang ngiti sa labi ng Angela, “Yes Mom, I trust Dan. Na he will keep his promise to me no matter what happens. ”
“I’ll trust him too Iha.” si Alice na hindi inalis ang ngiti sa kanyang labi. Kailangang makausap niya si Dan. May pangakong binitawan din sa kanya ang binata na kailangan nitong tuparin.
Halos magkasabay na napalingon sa may direksyon ng pinto ang mag-ina ng makarinig sila ng magkakasunod na katok.
(“tok” “tok” “tok”)
“Alice, Angela, it’s me. Can I come in?” ang mahinang pakiusap ni Anton mula sa kabilang pinto.
Tiningnan ni Alice ang parang naiilang na anak, “It’s alright Iha.”
Tumayo si Alice at sumunod naman si Angela, magkatabi silang naupo sa may kama.
“Come in.” si Alice.
Binuksan ni Anton ang pinto at muli siyang nakaramdam ng lungkot at pananabik ng makita ang dalawang pinakamahalagang babae sa kanyang buhay. Malungkot ang kanyang mata at mabigat ang kanyang hakbang papalapit sa kanyang pinakamamahal na mag-ina. Sa bawat hakbang ng kanyang paa ay naroon ang bawat alaala na puno ng saya at sigla ang bawat araw na lumilipas sa kanilang pamilya. Ngayon ay napakalamig ng kanyang mundo, halos walang araw na hindi siya umiinom at nag-iisa dahil sa guest room na din natutulog ang asawa niya.
Si Alice naman ay pigil ang damdamin dahil sa nakikitang ayos at kalagayan ng asawa. Mahal pa din niya si Anton, ngunit mali ito sa ginawa nitong desisyon kay Dan.
Si Angela naman bagaman may masakit na damdamin pa din para sa kanyang ama ay naroon ang lungkot dahil sa parang nawala na ang masayang pamilyang kanyang nakagisnan.
Nang ganap ng makalapit si Anton sa harapan ng kanyang mag-ina ay saglit niyang tiningnan ang mga ito. Una si Alice at saka niya ipinaling ang paningin kay Angela.
Iniluhod niya ang kanyang mga tuhod at napayuko na lamang siya sa harap ng mga ito.
“Anton.” ang nagulat na si Alice.
“D-Dad..” ang nabiglang ding si Angela.
“Alice, Angela, I’m really sorry. I’m wrong at inaamin ko ito. My judgement is clouded dahil galit at ayaw ko kay Dan. But now I realized how much of a fool I am.” ang malungkot na sabi ni Anton.
Nag-angat siya ng paningin at tumiingin sa anak. “Angela, can’t you forgive Dad?” ang buong pagsusumamong tanong ni Anton sa anak.
Pinagdikit ni Angela ng matigas ang kanyang dalawang palad. Gusto niyang yakapin ang ama ngunit kailangan niyang paglabanan ang sariling damdamin. Ang mainit na luha ay kusa ng tumakas mula sa kanyang mga mata. Dahil dumating sa kanya ang sandaling tulad nito, na nahati ang kanyang damdadamin para sa kanyang iniibig na si Dan at sa kanyang minamahal din namang ama.
Dahil sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng mag-ama ay nagpasya si Alice na kailangan ng matapos ito. Hindi na niya kaya pang makita ang masaya niyang pamilya na manatiling ganito.
“Anton…”
Inilipat ni Anton ang paningin sa asawa.
“Give us your word na never ka ng mag intefere sa relationship nina Dan at Angela.” ang madiin na sabi ni Alice habang nakatingin sa mga mata ng asawa.
Muling ipanaling ni Anton ang paningin sa anak na patuloy na lumuluha. Kita niya ang lalong paghigpit na pagkakadaop ng palad ni Angela. Malungkot siyang ngumiti sa anak, “I promised Angela, hindi na ako makikialam sayo ni Dan. As long na masaya ka sa piling niya, never na akong makikialam Iha.”
Lalong lumabo ang paningin ng dalaga dahil sa sinabi ng ama. “I-Is that a promise Dad?”
“Yes Iha, It’s a promise.”
“Then, can Dan come here to freely visit me at home?”
“Whatever makes you happy Angela.” si Anton na tipid na nakangiti.
Ibinaba ni Angela ang katawan at yumakap sa ama, niyakap niya ng buong higpit ang ama habang inaalala ang bawat sandaling masaya silang naglalambingan, nag-uusap at magkasama. Napakasaya ni Angela ng sandaling iyon dahil kaytagal niyang hinintay ang pangyayaring ito. Na maging sila ni Dan ng walang pagtutol ang mga magulang lalo na ang kanyang ama.
Hindi na din naman napigilan ni Anton ang sarili. Niyakap niya ang mahigipit ang nag-iisang anak habang hinahaplos ang buhok nito. Parang napakatagal na panahon ng huli niyang naramdaman ang ganito. Ang tapat na maramdaman ang pagmamahal ng nag-iisang anak.
Naramdaman na lang niyang may luha na sa kanyang mukha dahil pinahid iyon ng malambot na palad ni Alice.
Nagkangitian silang mag-asawa, yumakap sa kanya si Alice na niyakap din naman niya. Sa isipan ni Anton at totoo siya sa kanyang salita. Hanggat hindi pinaluluha ni Dan ang anak at masaya ito sa piling ng binata ay hindi na siya muling makikialam pa. Hanggang ngayon ay tutol pa din siya kay Dan para sa anak ngunit wala na din naman siyang magagawa.
Inilayo ni Anton ang anak mula sa kanya, “Angela, you can bring Dan here. And I want to talk to him to personally apologized for what I did.”
Ngumiti ang masaya ng dalaga, “Did you really mean it Dad?”
“Of course Iha, this time, I will treat him good. I already give you a promise Angela, and I’m going to keep it.”
“Okay Dad. I’ll bring him here.” ang masayang sabi ni Angela habang nagpupunas ng mga luha sa kanyang mukha.
Hinaplos naman ni Anton ang buhok ng anak. Kung kailangang niyang lunukin ang kanyang pride ay gagawin niya manatili lamang buo at masaya ang kanyang iniingatang pamilya.
Si Alice naman ay masaya sa nakikitang muling pagkakabuo ng kanilang pamilya. Ngayon, sa pakiramdam niya ay totoo si Anton sa salita at pangako nito.
Hinawakan ni Alice ang kamay ng asawa, “Thank you Anton.”
Ngumiti naman si Anton kay Alice, inilapit ang kanyang labi at hinalikan sa pisngi ang asawa. Walang pagsising iniluhod niya ang mga tuhod sa kanyang mag-ina. Dahil hindi kabawasan sa kanyang pagkalalake ang pagtanggap ng kanyang pagkamamali kung ang kapilit nito ay ang muli niyang maramdaman ang pagmamahal ng dalawang pinakamahalagang tao para sa kanya.
*****
Malapit ng mag-alas dyes ng gabi ng muling pumasok si Jessica sa kwarto ni Dan. Tahimik siyang lumapit kay Dan ngunit hindi na niya ito binati. Ginawa niya ang trabaho ng hindi nakikipag-usap sa binata. Sa katotohanan ay ayaw niya ng ganito sila ni Dan dahil naging magkalapit ang kanilang kalooban sa ilang araw na magkasama silang dalawa. Ngunit dahil sa alam niyang may kasintahan na ito at hindi na naman ito mananatili ng matagal sa ospital ay mas mabuti na yung ganito sila upang hindi mas masakit sa kanya.
Si Dan naman ay nakatingin lang sa dalagang abala sa pagsusulat sa dala nitong folder. Pinagmasdan mabuti ni Dan ang nursing student na si Jessica. Sa ilang araw niyang pananatili sa ospital ay naging mabuti sa kanya ang dalaga. Napansin niya ang isang chocolate bar na cloud nine sa may kamay nito. Nais sana niyang mag-usisa upang may mapag-usapan sila ngunit hindi na din niya ginawa.
Pagkatapos magsulat ni Jessica ay tumalikod na siya kay Dan. Malapit na siya sa may pinto ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Dan.
“Jess.”
Kaysarap sa kanyang pandinig ang parang may lambing na pagtawag ni Dan sa kanyang pangalan. Pumihit siya sa direksyon ng kama ni Dan at tumingin sa maamo nitong mukha na laging nakakahalina sa kanya.
“May kailangan ka pa ba?” ang kaswal niyang tanong kay Dan, pilit na itinatago ang tunay niyang nararamdaman ng sandaling iyon.
“Galit ka ba sa akin?”
“Why? Who am I to you naman para magalit? Wala naman tayong relasyon diba?” ang buong pait na ganting tanong ng dalaga. Wala naman talaga siyang dapat na ikainis o ikagalit pero ito ang mas higit na nangingibabaw sa nararamdaman niya ngayon. Dahil sa katotohanang hindi niya maamin kay Dan o sa sarili, na mainit ang kanyang pakiramdam. Mainit hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa tawag ng laman. Na kung ito na huli nilang pagkikita ay hindi masamang huling alaala sa pagitan nilang dalawa.
“I’m sorry Jess, kung yung nangyari kanina ay hindi mo nagustuhan. Ako na ang humihingi sayo ng paumanhin.”
“I’m not mad about that Dan. Hindi mo ba naiintidihan…,” natigilan si Jessica dahil ngayon nakatingin sa kanya si Dan na may kiming ngiti sa labi. Marahil ay nagtataka ito sa kanyang pagkasuya. Dahil naging malapit sila sa isa’t-isa at bigla na lamang siyang nagbago.
“Kung wala ka ng iba ang sasabihin, marami pa akong gagawin.”
Nang hindi na muli pang nagsalita si Dan ay mabilis na ding lumabas ng kwarto si Jessica. Pagkasara niya ng pinto ay sumandal siya dito. Upang hindi na makita ni Dan ang kakaibang lungkot na nasa kanyang mukha. Hindi niya nais na sa ganito sila maghihiwalay ngunit mas mabuti na ito. Muli siyang humarap sa may pinto at banayad iyong hinaplos ng kanyang isang kamay, “Goodbye Dan”.
*****
Palabas na si Mika ng bar ng saglit siyang pinigilan ng gwardiya. May kinuha itong isang may kalakihang box at pilit na iniabot sa kanya.
“Mika, para sayo to.”
“Eh Kuya, hindi ko naman po kilala kung saan galing. Ayaw ko pong tanggapin, pasensya na po.” ang nag-aalangang dalaga.
“Ipinadala lang dito yan, ang trabaho namin ay ibigay sayo. Kapag nasa sayo na ay ikaw na ang bahala kung nais mong ipamigay o itapon.” ang pamimilit ng kanilang gwardiya.
Kung narito lang sana si Dan na kasabay niyang uuwi ay may mahihingan siya ng payo ngunit nag-iisa siya.
“Kunin mo na, wala namang mawawala sayo.”
Napipilitang kinuna ni Mika ang box at binuksan iyon sa harapan ng gwardiya. Nagulat siya ng makitang isang lumpon ng magagandang bulaklak at ilang mamahaling chocolates ang laman.
“Kita mo, sa manliligaw mo yata galing.” ang nakangiting sabi ng gwardiya.
Dahil nasa kanya na ay hindi na niya maaring ibalik pa sa gwardiya at nanghihinayang naman siyang itapon dahil wala namang kasalanan ang mga bulalak maging ang mga mamahaling chocolates na laman nito.
“Sige po Kuya, salamat.”
Nang lumakad na palayo si Mika ay napangiti na lang ang gwardiya. Dahil binigyan siya ng tip ng nag-deliver nito at sinabihang dapat tanggapin ni Mika ang box. Hindi niya kilala kung sino ang nagpadala nito ngunit nagawa niya ang dapat niyang gawin.
*****
Tinanghali ng gising si Christine ngunit sapat pa din naman ang oras niya para sa takdang oras ng pagkikita nila Angela sa ospital bago mag alas nuebe ng umaga. Pagkatapos mag-ayos ng sarili at magbihis ay bumaba na si Christine upang mag-agahan. Masaya ang kanyang pakiramdam dahil ngayong araw na makakalabas si Dan. Ihahatid nila ni Angela si Dan sa tinitirhan nito at doon na din sila magpapalipas ng oras hanggang hapon.
Pababa pa lang siya ng hagdan ng makaramdam siya ng pagkasuya sa kanyang nakitang naghihintay sa kanya sa salas na kausap ng kanyang mga magulang.
Tumayo si Brandon ng makita ang dalaga, “Christine.”
“Brandon.” ang matamlay na ganting bati ng dalaga.
“Christine, Brandon will stay here for today so you need to stay here as well. If you have any plans for today, cancel it.” ang pagbibigay ni Miguel ng utos sa anak ng mapansin niyang nakagayak ito.
Hindi naman agad nakapagsalita si Christine, kapag ganito ang tono ng ama ay nakakaramdam din naman siya ng kaba. Dahil sa hindi na niya mapangyayari ang gusto ay malamig ang tingin na bumaling siya kay Brandon.
“Christine, Brandon insisted on waiting for you. Go with him at sabay na kayong mag-breakfast.” ang nakangiting niyang ina na may kasamang makahulugang tingin.
Napabuntunghininga na lamang si Christine, ang masayang maghapon na kasama si Dan na ninanais niya ay hindi na mangyayari.
Sabay na silang nagtungo ni Brandon sa may kusina at magkatabing nag-agahan.
Ramdam naman ni Brandon ang malamig na pagtrato sa kanyan ni Christine kung saan matagal na siyang nasanay.
Bago sila magsimulang kumain ay nagsilayo na sa kanila ang mga tagasilbi at may natira lamang si Dalisay ngunit malayo naman sa kanila. Si Dalisay naman ay agad na nakaramdam ng paghanga sa fiance ni Christine. Panay ang kanyang palihim na pagtingin dito kahit likuran lang ng binata ang kanyang nakikita. Sa kanyang isipan ay napakapalad ng bata niyang amo. Dahil halos ang lahat ng biyaya ay nakamtan na nito.
“Christine, how is he?” ang sinserong tanong ni Brandon.
“He’s fine Brandon, ngayon dapat ang plan namin na ilabas siya, ngunit dahil sa narito ka ay wala ako doon upang samahan siya sa pag-uwi.” ang naghihinakit na sabi ni Christine , nais niyang malaman ni Brandon na ito ang dahilan ng pagkasira ng masaya sanang araw niya.
“I’m so sorry to hear that, I didn’t intend to ruin it for you. But you know you’re Dad better than I do.” ang bigay katwiran ni Brandon sa sarili.
Dahil tinawagan siya ng Papa ni Christine ng nakaraang kagabi at pilit siyang inayang mag-stay ng buong araw sa bahay nina Christine.
“Sa tingin mo ba ay hindi ko yun alam Brandon? Of course I know that, but you can declined if you want to. Pero narito ka pa din knowing it’s not comfortable for me.”
“Then anong gusto mong gawin ko Christine? If I refused, you’re father might sense something kung bakit ayaw kong mag stay na kasama ka sarili mong bahay. Is that what you really wants?”
Hindi naman nakakuha ng sasabihin ang dalaga, sa isang banda ay may punto naman ang binata. Nais lamang ingatan ni Brandon ang kanyang lihim dahil sa sandaling makalabas ito ay malaking suliranin sa kanya ng higit kaysa sa binata.
“Let’s drop the subject Brandon.” ang pag-iwas na lang ni Christine. Wala din namang magbabago pa kahit sisihin niya si Brandon dahil alam niyang ama niya ang nagpumilit kung bakit narito ngayon ang binata.
Huminga na lang ng malalim si Brandon, naiinis sa kanyang sarili kung bakit siya nagtitiis ng ganito sa piling ni Christine. Bakit hindi na lang siya mag quit gaya ng gusto ni Christine? Dahil ba sa labis niyang mahal si Christine o dahil ito lamang ang babaeng hindi niya naikama sa lahat ng babaeng nagustuhan niya? Minsan pa niyang tiningnan ang napakagandang dalaga. Nakabihis ito ng maayos upang lumabas sana at kahit naiinis siya ay sadyang iba ang pang-aakit sa kanya ng napakaganda nitong mukha maging ang malulusog nitong dibdib. Muli siyang napabuntunghininga, hindi pa niya kaya sa ngayon. Maghihintay siya hanggang sa sandaling makuha na niya si Christine ng tuluyan. At saka niya muling tatanungin ang sarili kung ano ba ang dahilan ng matinding obsession niya sa dalaga.
*****
Pasado alas nuebe na ng umaga ay wala pa din si Christine sa may lobby ng ospital. Nagpasya na si Angela na tumawag sa bahay ng kaibigan. Dito niya nalaman na may bisita ang kaibigan sa bahay at hindi na ito makakarating pa. Kaya kahit nalulungkot si Christine ay sinabihan siya nito na mag-isang maghatid kay Dan sa tinitirhan ng binata.
Mas higit ang saya na naramdamam ni Angela kaysa sa lungkot dahil sa hindi pagdating ni Christine. Dahil magkakaroon sila ni Dan ng buong araw na magkasamang dalawa. Ngayon pa lang ay nasasabik na siya.
Magaan ang kanyang hakbang naglalakad papunta sa kwarto ni Dan. Nais niyang makita ang ekspresyon ng kasintahan kapag nakita nito ang bago niyang ayos. Muli na naman siyang napangiting mag-isa. Hindi pansin ang paghanga ng bawat napapatingin sa kanya.
(“tok” “tok”)
Dahil sa narinig na mga mahinang pagkatok ay napatingin si Dan sa may gawi ng pinto. At ibang ngiti ang nasa kanyang labi ng bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kasintahan na si Angela. Wala na ang tuwid na itim na buhok ng dalaga. Napalitan iyon ng kulay brown na bahagyang nakaalon na buhok. Napakaganda din naman ni Angela sa ayos nito ngayon, dahil naroon pa din ang napakaamo nitong mukha na kailanman ay hindi niya pagsasawaan na pagmasdan.
Lumapit si Angela at umupo sa gilid ng kama ni Dan.
“Do you like it?” ang naglalambing na tanong ng dalaga.
Ngumiti naman si Dan, “I love it Angela. Bagay sayo talaga.”
“Thank you.” ang nakangiting si Angela na inilapit ang kanyang labi sa binata upang muling matikman ang mainit nitong halik.
Nagpaunlak naman si Dan habang nakayakap ng bahagya sa malambot na katawan ng dalaga.
Napansin naman ni Dan ang kakaibang sigla at saya ni Angela, “May nangyari bang maganda at parang iba ang saya at ngiti mo ngayong araw.”, si Dan na inilayo ng bahagya ang katawan ng dalaga mula sa kanya at masayang nakangiti sa kasintahan.
Malambing namang napa-giggle si Angela, nais niyang sabihin kay Dan ang pagkakasundo nila ng kanyang ama maging ang pagpayag nito sa kanilang relasyon ngunit ayaw muna niya.
“Dan, Christine can’t make it because of some important guest na nasa kanilang house today kaya ako na lang ang maghahatid sayo.” ang nakangiti pa ding si Angela.
“Okay lang naman Angela, basta makalabas na lang ako dito.”
“Hm? Let me think about it muna?” ang nagbibirong sabi ni Angela.
“Angela…,” ang nagkunwang nagtampong si Dan dahil sa pagbibiro ng dalaga.
“Okay, but later today. You need to come with me at some place.” ang sabi ni Angela sa seryosong tinig habang nakatingin kay Dan.
“Sasamahan kita kahit saan Angela, alam mo naman yan.” ang seryoso ding sagot ni Dan.
Muling ngumiti si Angela, napakasaya ng kanyang puso dahil sa isinagot ni Dan sa kanya.
“Dan, can you love me all day?” ang labis na nananabik na tanong ni Angela.
“Nang buong puso Angela.” ang buong pag-ibig na sagot ni Dan sa kasintahan.
Niyakap ni Dan ang dalaga at ikinulong ang katawan nito sa kanyang mga bisig. Hinaplos niya ang mahaba nitong buhok at hinalikan iyon. Si Angela naman ay nakayakap din kay Dan habang laman ng kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ina.
Hindi na din sila nagtagal pa ni Angela sa ospital ng umagang iyon. Pagkatapos asikasuhin ni Angela ang lahat ng dapat na gawin ay nakalabas na din si Dan ng ospital. Ngayon ay magkahawak kamay silang nasa loob ng taxi habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ni Dan. Ramdam nila mula sa kanilang magkadikit na palad ang kanilang kapwa mainit na katawan. Mabibigyang laya na naman nila ang init ng kanilang pag-ibig sa isa’t-isa na lagi nilang pinananabikan.
*****
Mula sa loob ng ospital ay hinatid na lang ng tanaw ni Jessica ang papalayong si Dan kasama ang isang dalagang alam niyang mahalaga din sa binata. Isang malungkot na ngiti ang huling naibigay niya sa binatang saglit man niyang nakilala at nakasama ay nagbigay ng init sa kanyang matagal na ding natutulog na damdamin.
Nang nawala na sa paningin niya ang taxi na naglulan sa dalawa ay naglakad siya patungo sa iniwang kwarto ni Dan. Tahimik siyang pumasok at iginala ang kanyang paningin. At saka siya naupo sa gilid ng kama ni Dan sa may parteng ulunan. Napansin niya ang dalawang piraso ng cloud nine bar na nasa itaas na bahagi ng munting kabinet sa tabi ng kama. Sa ilalim ng dalawang ito ay naroon ang isang munting papel.
Kinuha niya at binasa ang nakasulat sa papel na nagbigay ng kakaibang ngiti sa labi ng dalaga.
“Thank you Jess, till we meet again”.
(Ipagpapatuloy…)
Sa mga nagtatanong/nagcocomment pasensya na po kung late kami nakakaupload ng bago, mahaba po itong story pero pangako po magugustuhan nyo po itong season 2 namin. Hindi man po namin narereplyan mga comment ninyo pero sure pong nababasa namin lahat. Maraming maraming salamat po sa lahat nm mga tumatangkilik sa aming mga kwento.