Tukso kay Dan Season 2 Part 9

Chapter 9

Bago pa man tumunog ang alarm sa tabi ng kama ni Dan ay nagising na si Mika. Nais pa niyang ipikit ang kanyang mga mata at manatiling nakayakap kay Dan ngunit hindi na niya ginawa. Dahil mamaya lamang ay papasok na si Dan sa eskwela at magpapahinga naman ulit siya. Pagkatapos banayad na halikan sa pisngi ang natutulog pa ding si Dan ay maingat na bumangon na si Mika. Binihasan ang nakahubad niyang katawan at saka nagtuloy na sa kwarto nila ng kanyang Ate Ella.

Naghahanda na para maligo si Ella ng bumukas ang pinto at bumungad si Mika.

“Si Dan?”

“Natutulog pa ate.”

“Siya, maliligo muna ako, ikaw na ang bahalang magluto.”

“Oo Ate.”

Habang naliligo si Ella ay abala naman si Mika sa paghahanda ng kanilang agahan. Hindi niya tinipid ang kanilang almusal lalo’t ilang araw na lamang niyang makakasalo si Dan sa umaga. Nais na namang lumuha ng kanyang mga mata, ang isipin pa lang na hindi na aabot ng Linggo ang pagsasama nilang dalawa ay napakasakit talaga sa kanya. Ngunit pinalakas niya ang kanyang loob, aalis man si Dan sa lugar na ito ay magkasama pa din sila sa trabaho. May pag-asa pa ding magbago ang isip ni Dan at ituloy ang kanilang espesyal na relasyon. Malungkot siyang ngumiti habang nagluluto, hindi pa naman siya tuluyang nawawalan ng pag-asa.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mika at mabilis na napahawak sa kanyang labi ng maalala ang ginawa sa kanya ni Sir Arman. Hindi niya ito sinabi kina Alex at Dan dahil tiyak na hindi palalampasin ng dalawa ang nangyari. Isang malaking gulo ang nakikita niyang kahihinatnan na maaaring maging dahilan ng pagkaalis nilang tatlo sa trabaho. Si Dan ang pinakamahihirapan sa kanila dahil nag-aaral pa ito at muli na namang naghahanap ng bago nitong matitirhan.

Nalilito si Mika kung paano ang kanyang gagawin. Lalo’t natitiyak niyang muli siyang babalikan ni Sir Arman. Kailangan niyang umiwas ngunit hindi niya alam kung magagawa ba niya. “Kailangan natin ang isa’t-isa”, ito ang isa sa sinabi ni Sir Arman na hindi niya malimutan. Kailangan siya ni Sir Arman ngunit sa paanong paraan niya ito magiging kailangan. Ito ngayon ang mga tanong na nasa isipan ni Mika na ikinababahala niya.

Mabagal na inabot ni Dan ang maingay na alarm clock na nasa tabi ng kanyang kama. Pagkatapos patayin iyon ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pumihit siya sa kabila ngunit wala na si Mika na nais niyang yakapin sana. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at wala na nga doon ang dalaga. Nasa kabilang kwarto na si Mika dahil naririnig na niya ang pagluluto sa kusina. Umayos siya ng higa sa kama at inilagay ang kamay sa kanyang noo. Pagkatapos nilang magtalik ni Mika kagabi ay saglit pa silang nag-usap. Sinabi na niya kay Mika na naghahanap na siya ng bagong matitirhan. Alam niya ang nararamdaman ni Mika ngunit kailangan niyang maging matatag. Alang-alang din naman ito kay Mikagaano man kahirap at kasakit sa kanilang dalawa.

Bumangon na siya at naligo, nagbihis at inayos na ang kanyang mga gamit sa eskwela. Saka siya nagtungo na sa kwarto nina Mika na alam niyang naghihintay sa kanya.

“M-Musta ang paghahap mo ng tirahan ni Dan?” ang kaswal na tanong ni Ella kay Dan habang kumakain siya. Malungkot din naman siyang tulad ni Mika ngunit hindi niya iyon nais na ipakita. Naging mabuti naman sa kanilang magkapatid si Dan sa maiksing panahon ng pagiging magkasama nila. Ngunit ang isang labis na na ikinalulungkot ni Ella ay ang hindi man lang niya nasabi kay Dan ang suliranin niya sa kanyang nadarang na katawan. Si Dan ang gumising sa init ng kanyang laman at nais niyang si Dan ang magsabi sa kanya ng kanyang gagawin upang patayin ang apoy na nasa kanyang katawan. May nararamdaman siyang masarap na nais na lumabas sa kanyang katawan at wala naman siyang mapagtanungan na iba kung ano iyon at kung paano niya iyon palalayain? Ngunit ngayong paalis na si Dan ay wala na siyang magagawa kung hindi patuloy na tiisin ang kanyang katawang alam niyang may hinahanap na na masarap na hindi niya maibigay pa.

“Naghahanap pa din ako, pero mamayang hapon ay may pupuntahan akong lugar.”

Napansin ni Dan ang mabagal na pagkain ni Mika at kakaunti nitong agahan. Dinagdagan niya ang kanin at ulam na nasa plato nito.

“Mika, wag mo sanang pababayaan ang sarili mo.”

Tumingin naman si Mika kay Dan, “Sino nang gagawa ng ganito sa akin Dan kapag umalis ka na dito? Paano ako magkakaroon ng sigla eh iiwan mo na ako?” at saka tuluyan ng napaluha si Mika at mabilis na nagtungo sa banyo.

Malungkot silang nagkatinginan ni Ella dahil kapwa nila naririnig mula sa banyo ang pag-iyak ni Mika.

“W-Wag kang mag-aalala Dan, magiging maayos din si Mika.”

Napilitang ngumiti si Dan, ngunit alam niyang hanggang magkasama sila ni Mika sa iisang pinapasukan ay hindi madali para kay Mika ang lumimot. Ngunit hindi din naman madali sa kanya ang humanap ng magandang trabaho na may maayos na kita. Isa pang suliranin niya ang paghahanap ng bagong malilipatan na tiyak niyang isang malaking gastusin na naman niya. Nais man niyang isara ng tuluyan ang buhay niya kina Mika at Arcelle ay hindi naman ganun kadali sa kanya. May asawa si Arcelle at nakikita naman niyang nasa mabuti na ulit ang relasyon ng mag-asawa. Ayaw niyang maging dahilan upang makasira ng pamilya ngunit hindi niya kayang pigilan si Arcelle dahil empleyado lamang nito siya. Isang mahirap na suliranin na naman ang nakikita ni Dan sa pagtatapos ng semestre na kailangan niyang harapin at bigyan ng solusyon. Kailan kaya darating ang araw na tuluyan siyang makakatakas sa nakapalibot sa kanyang mapang-akit na mga tukso?

*****

Pagpasok ni Leandro sa loob ng library ay saglit siyang tumigil. Ihinanda ang kanyang sarili sa inaasahang sana ay muli nilang pagkikita ni Angela. Nagsimula na siyang humakbang papunta sa dako kung saan naroon palagi ang dalaga. Isang katotohanang kaya niyang aminin ng walang alinlangan, na nagbago ang kanyang mundo at tunay na pag-ibig ang dahilan. Gaya ng sinabi ni Katrina sa kanya, magtiwala lang siya sa kanyang sarili at gawin ang lahat upang makamtan ang pag-ibig na pinapangarap niya.

Muling lumakas ang pagpintig sa kanyang dibdib dahil ilang dipa lang mula sa kanya ay muli na naman niyang nasilayan si Angela. Isinandal niya ang tagiliran sa isang lagayan ng aklat at buong pag-ibig na tiningnan ang nag-aaral na dalaga. Sa bawat pag-aayos nito ng nakaladlad na mahabang buhok, sa bawat galaw ng kamay ni Angela ay buhay na larawan na lalong nagpapasidhi sa pag-ibig ni Leandro. Hindi pa siya nakakaranas na humalik sa labi ng babae at dati ay hindi niya iyon binibigyan ng masyadong halaga. Ngunit habang nakatingin siya sa mapulang labi ni Angela ay parang iyon na ang pinakamataas na ngayon ay pangarap niya. Kailan kaya niya matitikman ang tamis ng una niyang halik na ang nais niyang kayakap at kaharap ay ang iniibig niyang si Angela.

Huminga siya ng malalim at lumakad na palapit sa abalang dalaga.

“Hi.” ang nakangiting bati ni Leandro, inantay muna niyang mag-angat ng paningin si Angela bago siya naupo. Upang muli niyang mapagmasdan ng malapitan ang maganda at napakaamo nitong mukha.

Saglit na nag-isip si Angela habang nasa pisngi niya ang dulo ng hawak na panulat.

“Okay lang ba na dito pa din ako maupo?” ang tanong na nakangiting si Leandro ng mapansin na tahimik lang na nakatingin sa kanya si Angela na parang nag-iisip.

“Hm…, I’m alone naman eh.” at saka ipinagpatuloy ni Angela ang kanyang ginagawa. Ayaw niyang masanay ang kaharap na laging nasa lamesa niya. Ngunit naging mabuti naman ito sa kanya kahapon at magkakilala na silang dalawa. Lilipat na lang siya mamaya ng lamesa kapag dumating na si Dan. Minsan pa niyang tiningnan ang relong pambisig, dapat ay narito na si Dan. Nakakainip para kay Angela ang bawat sandali na hindi niya kasama ang kasintahan. Sana ay dumating na ng mabilis ang araw na nakalipat na si Dan ng tirahan. Nais na niyang muling maramdaman ang mainit at matipunong katawan ni Dan habang magkayakap silang dalawa sa buong magdamag. Napangiti ng matamis si Angela habang nagsusulat, mainit ang kanyang pakiramdam at talagang nasasabik na siya kay Dan.

Napansin naman ni Leandro ang kakaibang ngiti ng dalaga. Ngunit ayaw niyang magtanong dahil may pakiramdam siyang hindi pa siya ang dahilan. Magaan ang pakiramdam na nagsimula na ding mag-aral si Leandro. Saglit niyang muling tiningnan si Angela at saka ang mga gamit at librong nasa harap nito. May napansin siyang nakapagbigay ng kakaibang saya sa kanya. Itinuloy na niya ang kanyang ginagawa habang nasa kanyang isipan ang nais niyang sabihin kay Angela mamaya.

*****

Pagkabukas ni Christine sa pinto ng rooftop ay magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya. Dahil narito ang ilang alaala na tunay siyang naging masaya. Narito din ang sandali ng sumugat sa kanyang dibdib ang katotohanan hindi na siya ang una kung hindi ang pangalawa. Lumakad siya palapit sa shade habang ang kanyang kamay ay nakadikit sa pader. Huminto siya sa lilim at ipinikit ang kanyang mga mata. Kanyang inalala ang sandaling sila lamang dalawa ni Dan ang masayang magkasama. Tumingin siya sa maulap na kalangitan at hinayaang laruin ng hangin ang alon-alon niyang buhok. Naglakad siya patungo sa may bakal na bakod at saka kumapit doon, tumingin sa maaliwalas na kapaligiran kahit wala naman doon ang kanyang isipan.

“Christine.”

Napapikit ng mga mata si Christine, hindi niya sinabi kay Dan na narito siya dahil gusto niyang mapag-isa. Dahil ilang araw mula ngayon ay darating ang gabi na hindi na lamang si Dan ang pagbibigyan niyang kanyang ipinagmamalaking katawan. Ayaw niyang mapag-isa sila ni Dan dahil baka mabago pa nito ang pasyang kanyang napagdesisyunan. Ngunit ngayon ay narito na si Dan, ang lalakeng tanging minamahal niya. Kahit ang katotohanan ay sa puso ng binata ay mananatili lamang siyang pangalawa.

“You’re supposed to be with Angela. Not here with me Dan.” Si Christine na nakaharap pa din sa labas.

“Nakita kitang papunta dito Christine. Kaya sinun-”

“I-I want to be alone Dan…, please.” ang pakiusap ni Christine na pinipigilan ang sarili niyang damdamin. Ayaw niyang may magbago sa ginawa niyang pasya. Kailangan niyang makawala sa tanikala ng pag-ibig ng binata. Nais niyang muling maging malaya, na nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Mahal niya si Dan ngunit mahal din niya ang kanyang sarili. Kapag nanatili siya sa sitwasyong nais ni Dan para sa kanilang tatlo ay hindi na siya magiging totoo sa sarili niya.

Ngunit hindi pinakinggan ni Dan ang nais ni Christine. Alam naman niyang hindi iyon ang tunay nitong saloobin. Lumapit si Dan kay Christine at niyakap niya ito mula sa likuran. Muli na naman niyang nasamyo ang mabango nitong alon-alon na buhok. At muli naman niyang naramdaman ang malambot nitong katawan na ilang ulit din namang nag-alis ng kanyang katinuan.

Hinayaan naman ni Christine ang binata, dahil tunay siyang nananabik sa mga ganitong ginagawa nito sa kanya. Kaysarap talaga sa pakiramdam kapag kasama niya si Dan

“Christine…, alam kong may inililihim ka sa akin.”

Hinawakan ni Christine ang kamay ni Dan na nakayakap sa kanya, “Do you really want to know? Masasaktan ka lang Dan…,” at saka nilingon ni Christine si Dan na may malungkot na ngiti sa kanyang labi.

“Nakahanda ako Christine.”

Pumihit si Christine paharap kay Dan. Ngayon ay magkadikit ang kanilang katawan at kapwa sila nakayakap pa din sa isa’t-isa.

“Why it can’t be me Dan?” ang nagdaramdam na tanong ni Christine habang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Itinaas ni Christine ang kanyang kamay at nagsimulang haplusin ang maamong mukha ni Dan. “You and I were both very happy before, bakit kailangang may magbago Dan?”

Saglit munang tiningnan ni Dan ang nangingislap na mga mata ni Christine. Nasa mga mata nito ang matinding lungkot na ngayon ay nagpapahirap sa dalaga.

“I’m sorry Christine, pero hindi ko kayang turuan ang puso ko.” si Dan na nagsimulang palisin ang mga luhang dumaloy na sa mukha ni Christine.

Malungkot na ngumiti si Christine dahil katotohanan naman ang sinabi ni Dan, dahil kung ang puso ay maaari lamang turuan ay hindi sana siya nasasaktan ngayon, “Nasasaktan ako Dan, it pains me so much na nasa ganitong state ako.”

“Someone told me na he loves me, with all of his heart. And I feel the sincerity of his words. Dan…, can you say the same to me?”

Nanatiling nakatingin lang si Dan kay Christine, dahil kapwa naman nila alam ang tunay niyang nararamdaman.

“C-Can’t you say it to me Dan… P-Please…” ang buong paghapis na pakiusap ni Christine. Ito na lang ang huling depensa ng pag-ibig niya kay Dan.

“I love you Christine, mahal din talaga kita.” ang malungkot na tugon ni Dan, dahil hindi niya kayang sabihin ang nais ni Christine. Dahil nasa puso niya si Angela na siyang mas matimbang kaysa sa kaharap niyang dalaga. Talagang napakahirap ng ganito, ang maging makasarili sa ngalan ng tinatawag na pag-ibig.

“I love you too Dan, even if I’m not the only one.” ang sabi ni Christine habang malungkot na nakatingin sa mukha ni Dan.

“So I will hurt you Dan, dahil hindi na lang ako magiging sayo… But this I promise you, my heart, my heart will always belongs to you.” at saka inilagay ni Christine ang kanyang kamay sa tapat ng puso ni Dan kasabay ng muling pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.

Ngayon muling naramdaman ni Dan ang sakit na dulot niya sa damdamin ni Christine. Dahil sa simula pa lang ay hindi na naging patas kina Angela at Christine ang siwasyon nilang tatlo. Ngunit ano ang gagawin niya? Nais niyang matupad ang pangako niya kay Angela at sa mga magulang ng kasintahan. Ngunit nanatiling mahal niya si Christine ang sinasabi ng makasarili niyang damdamin.

“But I can still stop Dan, if you’ll tell me na ako lang.”

“I love Angela more Christine.” ang malungkot na sabi ni Dan sa lumuluha pa ding si Christine.

Napapikit naman si Christine dahil sa masakit na katotohanang muli niyang narinig mula sa labi ni Dan.

“But I love you too, gusto kong maging malaya ka sa akin Christine. Ngunit sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako sa isiping hindi ka na magiging sa akin.”

At saka niyakap ng mahigpit ni Dan si Christine at nagsimulang muling haplusin ang alon-alon nitong buhok.

“Kaya Christine, gawin mo ang sinabi mo, saktan mo ako upang kahit sa ganoong paraan man lang ay mabawasan ko ang paghihirap na nararamdaman mo.” si Dan habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Christine.

Tumango naman si Christine, “I will Dan. I’ll also play with fire dahil ikaw ang nagsimula.”

“May karapatan pa din ba ako sayo habang naglalaro ka?”

“I will always be yours Dan, dahil mananatili ka pa ding sa akin.”

“Then tanggap ko Christine, kung ano man ang gagawin mo.”

“Maybe we are fated to be like this.” at saka muling malungkot na ngumiti si Christine, “Na walang maging tunay na masaya sa ating tatlo.”

Inilayo ni Dan si Christine mula sa kanya ng bahagya at saka hinaplos din ang basa nitong mukha, “May hangganan ito Christine, sa akin, sayo at kay Angela. Darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. At kung pagbibigyan lamang ang aking hiling, ang kaligayahan ninyo ni Angela ang nais ko.”

“Sadness may always be part of our life Dan.”

“Naroon din ang kaligayahan Christine, kailangan lang natin itong hanapin, gaya ngayon, kung hahayaan mo ako.”

Hinawakan ni Dan ang batok ni Christine, “Maaari ba Christine?”

Ngumiti naman si Christine na may luha pa din sa kanyang mga mata, “With all my heart.”

Ipinikit ni Christine ang kanyang mga mata, at kasabay ng paglapat ng labi sa kanya ni Dan ay ang kanyang hiling na kahit na anong mangyari ay manatili siyang nasa buhay ni Dan. Maging iyon may ay kalungkutan o kaligayahan, nais niyang naroon siya sa tuwina at kasama ni Dan. Ngayong ay wala ng makakapigil pa sa nakatakda niyang gawin. Ibibigay niya ang kanyang katawan sa iba upang makamtan ang kalayaang hinahanap niya. Ngunit mananatiling na kay Dan ang kanyang puso at isipan.

*****

Tiningnan ni Leandro ang relos niya sa bisig, may ilang minuto pang natitira na kasama niya si Angela.

“Angela…”

Itinigil ni Angela ang kanyang ginagawa at tumingin kay Leandro.

“Do you like books?” ang nakangiting tanong ni Leandro.

Ngumiti din naman si Angela, “Yes, I have a lots of them in our house. I enjoy reading kasi especially kapag nasa house lang ako. Why do you ask?”

“Because I enjoy reading too, napansin ko kasi yung literature book na nasa sayo. That’s one my favorite, for sure na mag-e-enjoy ka din jan. Especially at the end.”

“Thank you, I’m happy to know that.” at saka matamis na ngumiti si Angela, nakakasaya sa kanyang damdamin kapag may nakakausap siya na katulad din niya ng libangan.

Saglit namang natigilan si Leandro dahil sa ngiting ibinigay sa kanya ng dalaga. Sa isip niya ay nais sana niyang magkaroon ng larawan kung saan nakangiti ng ganito si Angela. Isang masayang ngiti na para lamang sa kanya.

“What’s wrong Lean?”

Ngumiti din si Leandro ng nakabawi siya sa sitwasyon, “Nothing Angela.”

Hindi na di naman nag-usisa pa si Angela at napatingin siya sa kanyang orasang pambisig. “It’s time na Lean, I have to go na.”

“Yeah, time’s up na.”

At sabay na silang nag-ayos ng kanilang mga gamit. Si Angela naman ay nakaramdam ng pag-aalala kung bakit hindi nakarating si Dan. Pagkatapos ayusin ni Angela ang kanyang mga gamit ay napansin niya ang camera ni Leandro.

“Hobby mo din pala ang photography?”

“Ahm yes, ever since I was in high school, I’ve love taking pictures of everything. Nature, objects, places, and sometimes…, certain person.” si Leandro na nakatingin sa mga mata ni Angela.

“I can teach you if you like, it’s a fine hobby Angela.”

“Hm… I’ll think about it muna.” ang nakangiting si Angela.

At saka sila lumakad ng palabas na nauna si Angela. Ang bawat paggalaw ng malambot at mahabang buhok ni Angela ay nakakahalinang pagmasdan para kay Leandro na nasa likuran.

“Angela.”

Lumingon naman si Angela at isang flash ng camera ang nasumpungan niya. Ang nakita naman ni Leandro sa kanyang camera ay ang bahagyang nakaawang na mapulang labi ni Angela at mala-anghel nitong mukha na may inosenteng ekspresyon.

“Leann…” ang parang nahiyang dalaga dahil napatingin sa kanila ang ilang estudyante na naroon.

“Sorry, I just can’t help it. Sana di ka magalit sa akin.”

“I-It’s alright lang naman, but…”

“But..” si Leandro na muling ngumiti.

“You have to give me the picture ha.”

“Okay, promise. I’ll give it to you tomorrow.” ang sabi ni Leandro, ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na maipa-develop ang film na kuha ni Angela.

Magkasabay na silang naglakad patungo sa kanilang building ng saglit na tumigil si Angela ng napansin niya si Dan. Nang una ay nakaramdam siya ng kaba dahil muli niyang kasama si Leandro. Ngunit napalitan iyon ng pagkasuya at pagseselos dahil kasama ni Dan si Christine at hindi nito sinabi sa kanya. Nag-aalala siya kay Dan gayung wala siyang alam na kasama pala nito si Christine. Kanina pa siya sabik na sabik sa kasintahan tapos ay malalaman niyang kay Christine napunta ang masarap na yakap at halik na inaasahan niya sa umaga.

“Something wrong Angela?”

Umiling naman si Angela, at saka siya lumakad ng palayo na hindi na muli pang tiningnan sina Dan at Christine.

“Would you like me to talk to her Dan? She seems a bit angry, I can help you naman sa explanation.” si Christine na nakatingin kay Dan.

Tipid na ngumiti lang si Dan kay Christine, “Thanks Christine, ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya mamaya.”

“Okay then.”

At saka sila lumakad na din patungo sa kanilang unang klase. Sa isipan ni Dan ay alam niyang nagtatampo sa kanya si Angela at kasalanan naman niya. Sana nga ay maayos ang tirahan na pupuntahan niya mamaya. Para makalipat na siya bukas ng hapon at hindi na lamang siya muna papasok sa trabaho. At gaya ng pangako niya kay Angela, isasama agad niya ang kasintahan sa bago niyang tirahan. Tiyak na labis itong matutuwa dahil sa panibagong gabi na magkapiling silang dalawa.

*****

Dahil sa may program lang sa kanilang school ay nagpaalam na si Katrina sa kanyang mga kaibigan na uuwi na. Ngunit ang katotohanan ay nais niyang pumunta sa school ng kanyang Kuya Leandro upang makita si Angela. Sumakay siya ng taxi at nagtungo sa pamantasan ng kapatid. Hindi naman siya nahirapan dumaan sa gwardiya pagkatapos niyang sabihin na dito nag-aaral ang kanyang kapatid at napakahalaga ng sadya niya.

Ngayon ay nasa loob na siya, pansin naman niya ang ilang tingin ng mga estudyanteng naroon. Dahil suot pa din niya ang kanyang uniformeng pang-highschool. Inisa-isa niyang tiningnan ang bawat bulding na naroon. Ayaw niyang magsayang ng panahon kaya mabilis siyang naghanap ng mapagtatanungan.

“Hm, excuse me.” ang sabi ni Katrina sa estudyanteng naglalakad na malapit sa kanya.

Tumigil naman ito sa paglalakad at hinarap siya.

“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” ang magalang na nagbibirong tanong ng lalake.

Napa-giggle naman si Katrina, “I want to go sa engineering building eh, I’m in a hurry kaya nag-decide akong magtanong na lang sayo.” ang nakangiting tugon ng dalagita.

Naglabas ang estudyante ng isang notebook. Napangiti naman ulit si Katrina ng mapansin ang klase ng gamit nitong notebook.

Nakabukas na ngayon ang notebook sa harap na Katrina at dito sila kapwa nakatingin ng kasama niyang estudyante.

“Okay, narito tayo ngayon.”

“Uh-huh.”

“Heto yung gate na nasa tapat natin, maglakad ka papunta dito. Pag narito ka na, may dalawang building kang makikita. Yung nasa kanan mo ang engineering building.”

At saka inaabot ng estudyante kay Katrina ang simpleng mapa na ginawa nito.

“Thank you.” ang nakangiting si Katrina.

Ngumiti lang sa kanya ang estudyante at iniwan na din siya nitong mag-isa.

Bago magtungo sa kanyang lugar na pupuntahan ay minsan pang tiningnan ni Katrina ang papalayong estudyante at muling sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi.

Tahimik na binabaybay ni Katrina ang palapag para sa ikatlong taon ng engineering. Alam naman niyang walang katiyakan kung makikita niya si Angela ngunit hanggat maaarti ay ayaw niyang malaman ng kanyang Kuya Leandro na narito siya. Malapit ng mawalan ng pag-asa si Katrina ng mula sa malayo ay mapansin niya si si Angela na naglalakad na may estudyanteng babae na kasama.

Napangiti si Katrina, “There she is.” at saka siya naglakad sa direksyon ng dalaga. Inilabas ang kanyang munting pouch at saka iyon ihinulog sa may bandang harap ni Angela bago siya makalampas dito.

“Miss.” ang pagtawag ni Angela mula sa kayang likuran.

Matamis na ngumiti si Katrina, “Got you.” At saka siya pumihit na may blankong ekspresyon.

“You dropped this.” ang nakangiting si Angela hababang nakatingin sa dalagita.

“Thank you.” si Katrina na ngayon ay pinagmamasdang mabuti ang maganda at napakaamong mukha ng kaharap. Talagang parang anghel na nasa lupa si Angela, hindi niya masisisi ang kanyang kapatid kung na-love at first siya sa kaharap na dalaga.

Napansin naman ni Angela ang suot na uniforme ng kaharap. “Are you looking for someone? Maybe we can help you naman since may time pa kami.” ang nakangiting si Angela na tumingin sa katabi niyang si Alyssa na kiming tumango sa kanya.

“I already found it, yung hinahanap ko.” ang nakangiting si Katrina na kay Angela nakatingin.

“Okay, good for you.” si Angela na gumanti ng ngiti.

“Let’s go na Angela.” ang yaya ni Alyssa at lumakad na din silang palayo.

“Angela, I think you deserves my Kuya Leandro. You’re really worth it.” ang masayang sabi ni Katrina sa kanyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Angela.

Naramdaman niya ang papel na hawak at muli siyang napangiti. Inilagay niya iyon sa kanyang bag at nagpasya na siyang umuwi. Nang nasa bahay na siya ay inilagay niya ang simpleng mapa na mula sa pinilas na papel sa board na nasa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang ballpen at inilagay ang date ng araw na ito, isinulat niyang kasunod ang kanyang pangalan sa itaas ng papel, “To Khate”. At saka naman niya isinulat sa may parteng ibaba ang pangalan ng estudyante na nabasa niya sa ID nito, “From Dan”.

*****

Pagsapit ng huling klase ay nagpaiwan si Angela sa loob at nagkunwang nag-aayos pa din ng kanyang gamit. Nakakaunawang tumango na lang si Christine kay Dan at lumabas na din ito kasama nina Cherry at Rose. Nang sila na lang dalawa ang naiwan sa loob ay agad na lumapit si Dan kay Angela.

“Alam kong nagdaramdam ka sa akin Angela. Alam ko din na ako ang may kasalanan.”

“It’s your fault naman talaga. I’ve been waiting for so long sayo, tapos nag-start na ako mag worry. Then magkasama pala kayo ni Christine without you telling me first.” ang nagdaramdam talagang si Angela na nais ng maiyak. Dahil ang nais niya ay siya ang laging prioridad ni Dan, ang sentro ng mundo nito at dahilan ng kaligayahan.

Niyakap ni Dan si Angela na hindi naman tumanggi, “I’m sorry na, kailangan lang ni Christine ng mapagsasabihan sa personal problem niya.”

Yumakap na din si Angela kay Dan, kahit kailan talaga ay hindi niya matiis na magdamdam ng matagal sa kasintahan.

“Is she okay now?”

“Okay na siya.” si Dan na tipid na ngumiti kahit may bahagyang kirot sa kanyang dibdib. Dahil alam niyang malapit ng dumating ang sandali na hindi na lamang sa kanya si Christine.

“Did you find a new place to stay Dan?”

“Wala akong nahanap kahapon pero may chance na may makuha ako mamaya.” si Dan na pinilit ang sarili na ngumiti.

Matamis na ngumiti na si Angela, “Dan ha, remember your promise, as soon na makahanap ka. I will sleep over.”

Hinaplos ni Dan ang mahabang buhok ni Angela, “Kapag okay na mamaya, lilipat na ako bukas, then…, pwede ka ng mag sleep over sa Friday night.”

Nakangiting umiling si Angela, “You said na isasama mo ako kaaagad, so, kapag okay na mamaya. Tutulungan kitang maglipat bukas at doon na din ako mag sleep. Magbaon na lang ako ng extra shirt, pants at iba pang needs ko para sa next day.”

“Angela, mahirap maglipat ng gamit, ayaw kong mapagod ka.”

“Dann…, sige ka, hindi na kita kakausapin kapag di mo tinupad yung promise mo sa akin.” ang naglalambing na banta ni Angela.

Sumuko na din si Dan dahil kita naman niya ang pananabik ng kasintahan.

“Okay ganito na lang, kapag okay na mamaya, maglilipat ako ng mga gamit bukas, then sa Thursday night ka mag-sleep over. Nakapagrest na ako at hindi ka pa pagod.” at saka ngumiti ng makahulugan si Dan.

Napa-giggle naman si Angela, “Dan, dapat okay na mamaya ha. I will get angry talaga tomorrow kapag hindi pa okay.”

“Wag na po kayong mag-alala Miss Angela Castellano at gagawin ko na po ang lahat ng paraan makuha ko lang yung kwarto.”

Nakangiting hinaplos ni Angela ang labi ni Dan, “Kiss me na Dan. I know naman na you need to go na.”

At sa hindi na nila mabilang na pagkakataon ay muling naghinang ang kanilang labi habang magkayakap silang dalawa.

“I love you Dan, take care ha.”

“I love you too Angela, ingat ka din sa pag-uwi. Dadaan ka pa ba sa library?”

Umiling naman si Angela, “Not now, hindi naman kita kasama.”

“Okay, sabay na tayong bumaba. Hatid muna kita sa sundo mo.”

Masayang tumango si Angela. Hindi man sila maghawak-kamay ni Dan ay magkasama pa din naman sila. Nang nakaalis na ang sasakyan ni Angela ay lumabas na din si Dan sa pamantasan, nag-abang ng sasakyan upang magtungo sa lugar na dapat niyang puntahan.

Hindi na niya napansin ang isang pares ng mata na puno ng poot na nakatingin sa kanya. Binuhay nito ang makina ng kanyang sasakyan at saka ginalit iyon ng husto.

*****

Nasa harap na ng paupahan si Dan at ngayon ay nagdo-doorbell. Lumabas ang isang babae na sa tantya niya nasa singkwenta na ang edad. Lumapit ito sa may gate at mula doon ay kinausap siya.

“May kailangan ka ba?”

“Naghahanap po ako ng mauupahang kwarto, may nakapagsabi po sa akin ng lugar po ninyo kaya po pinuntahan ko agad.”

Biglang ngumiti ang babae sa kanya, binuksan ang gate at pinapasok siya. “Tuloy ka.”

Lumakad ang babae patungo sa mismong bahay nito at magkasunod silang pumasok doon. Nabungaran niya ang ilang nanonood ng TV at mayroon namang nagsusulat sa lamesa sa may kusina. Saglit lang ang mga itong tumingin sa kanya at bumalik na ulit sa pinagkakaabalahan ng mga ito. Sa salas pa lang ay ramdam na niya ang lamig ng hangin na nagmumula sa aircon.

“Anong pangalan mo?”

“Dan po.”

“Ako si Mameng, bahay ko ito na ginawa kong paupahan dahil wala naman akong ibang kasama na sa bahay. Bale per room ang parenta ko Dan. May room dito na dalawa ang nakatira at mayroon namang isa. Ang bakante ko ngayon ay isang kwarto lang. Halika, ipapakita ko sayo yung kwarto.”

At saka sila gumawi sa isang kwarto, binuksan iyon ng may-ari at ipinakita sa kanya.

“Heto ang bakante Dan, centralized naman ang aircon dito at abot ang lahat ng kwarto. Kasama na sa bayad ang pagkain, tubig at kuryente. May tagaluto dito ng pagkain kaya may oras ng kain, may tagalinis na din ng bahay, kaya kanya-kanyang kwarto ang paglilinis ng mga nakatira. May dalawang washing machine din para sa paglalaba ninyo.”

Pumasok si Dan sa loob ng kwarto, maayos naman iyon at malinis. Tama lang sa isang tao ang luwang dahil sa isang tamang sukat na kama na nakalagay na.

“Ano Dan? Nagustuhan mo ba?”

Gumawi si Dan sa may sliding na bintana, tumingin saglit sa labas at saka niya muling hinarap ang kasera.

“Nagustuhan ko naman po. Magkano po ang renta?”

“Five thousand a month, bale kailangan mong magpauna ng ten thousand para sa one month advance at one month deposit.”

Malaki masyado para kay Dan ang singil sa buwanang bayad. Ngunit nasa kanyang isipan ang naglalambing na si Angela na alam niyang labis na masisiyahan kapag nakuha na niya ang kwartong ito. Isa pang malaking ginhawa sa kanya ang hindi na niya pagluluto ng pagkain at mas maalwan na paglalaba. Kailangan na lang niyang magdagdag ng oras sa trabaho kapag may pagkakataon upang hindi siya mahirapan ng husto sa pagbabayad ng upa.

“Eight thousand lang po ang mayroon ako dito. Baka po pwedeng bukas ko na lang ibigay yung kulang paglipat ko po.”

“Sige Dan, walang problema.” ang nakangiting si Mameng.

Kinuha ni Dan ang pera mula sa kanyang wallet at iniabot sa kasera. Ibinigay naman nito sa kanya ang ang dalawang susi, isang susi para sa salas at isang susi para sa kanyang kwarto.

“Pwede ka ng lumipat Dan kahit anong oras o araw mo gusto.”

“Aling Mameng…”

“Ano yun Dan?”

“M-Maaari po bang may dumalaw dito at makitulog sa kwarto ko?” ang may halong alinlangan na tanong ni Dan sa kasera.

“Wag kang mag-aalala Dan at maaari naman. Basta wag lang araw-araw o gabi-gabi. Nakabudget kasi ang pagkain natin dito.”

“Opo, salamat po Aling Mameng.”

Lumabas na sila ng kwarto at muling ini-lock ni Dan ang pinto. Nang nasa salas na sila ay dito na siya ipinakilala ng kasera sa mga boarders na naroon.

“Jim, Sandra” ang pagtawag ni Mameng sa dalawang magkatabi sa sofa na nanonood ng TV. “Si Dan, bago ninyong kasama dito.”

Bigla namang inakbayan ni Jim ang nobya nitong si Sandra, at saka bumati kay Dan, “Jim Pare.” ang parang may pagmamalaking sabi ni Jim dahil may itsura naman ang nobya nitong nakasuot lang ng medyo maiksing short at spaghetti strap na damit.

“Sandra.” ang pakilala naman ng katabi ni Jim.

“Cris Pare.” ang pakilala ng estudyanteng galing mula sa kusina na may hawak na canned na beer.

“Dan.” ang tugon naman niya.

“Dan, may dalawa pa kayong kasamang wala dito ngayon, sina Arvin at Mark, nasa school pa siguro.”

Bumukas ang pinto sa banyo at lumabas ang isang babaeng katatapos lang maligo. Nakasuot na ito ng damit na pambahay habang may tuwalya naman itong nakabalot sa basa nitong buhok.

“Dan, si Rhian. Rhian si Dan, bago ninyong kasama dito.” ang muling pakilala ng kasera.

Ngumiti naman si Rhian sa kanya, “At ease ka lang Dan, mababait naman kami dito. Medyo maligalig lang dito yang sina Jim, Cris at Mark. Kay Arvin naman, wala kang magiging problema, clean living din yun tulad ko.”

“Rhian ha, baka tukain kita dyan makita mo.” ang nakatawang si Jim, halatang may pagkagusto sa dalaga kahit na may katabi na itong nobya.

Mahinang hinampas naman ni Sandra sa braso ang nobyo, “Jim ha, di ako natutuwa.”

“Heto naman, biro lang yun, lam mo namang ikaw lang ang love ko.” ang sabi ng nakangising si Jim.

Nag-aalangang nilapitan ni Dan si Rhian, “Rhian, kaibigan ako ni Jessica, siya ang nagsabi sa akin dito.” saka niya ipinakita sa kaharap ang papel na galing kay Jessica.

Pagkatapos tingnan ang papel ay muling tiningnan ni Rhian si Dan, “Cousin ko si Jessica, minsan dito siya natutulog sa room ko kapag may activities siya sa malapit.”

“O paano Dan, akyat na muna ako sa itaas, lumipat ka na lang bukas at may susi ka na naman.”

“Salamat po ulit Aling Mameng.” ang sabi ni Dan sa kaserang lumakad na din paakyat.

“Kumain ka na ba Dan, mamaya pang six ang sched ng dinner dito pero may sandwich ako sa room ko.”

“Okay lang ako Rhian, salamat na lang. Papasok na din ako sa trabaho.”

At saka gumawi na si Dan palabas, “Cris, Jim, Sandra, una na ako, trabaho muna.”

Tumingin lang sa kanya ang tatlo at nag thumbs up lang si Cris.

Nang wala na si Dan ay pumasok na sa kanyang kwarto si Rhian habang pasalampak namang naupo si Cris sa upuang kaharap ng sofa.

“Anong tingin mo Cris dun sa bago?” si Jim na nakaakbay ulit kay Sandra.

“Mukhang totoy eh, yung tipong takot sa babae.” ang natatawang si Cris.

“Wag mong ismolin yun Pare, parang may syota na gustong dalhin dito. Baka mamaya , matinik pala yung tao at siya pa makadale kay Rhian at Jessica.” ang natatawa ding si Jim.

Uminom saglit ng beer si Cris, “Malabo kay Rhian at Jessica yun Pare, laki ng lamang namin ni Mark eh. Katawan lang maganda dun pero mas mataas ang kartada namin ni Mark pagdating sa style at itsura. Saka baka pang palengke lang yung itsura ng syota nun kung meron man.”

“Kayo talagang dalawa, nakahanap na naman ng panibagong pagdidiskitahan.” ang sabi ni Sandra.

Tumawa na lang ang dalawa.

“Para hindi na lang si Arvin ang laging kawawa sa aming tatlo. Dalawa na sila ni totoy.” si Cris at saka nito inubos na ang laman ng hawak nitong lata.

“Hay naku, ewan ko sa inyo.” ang sabi ni Sandra na tumayo na. Ayaw niyang sabihin sa dalawa ngunit iba ang pakiramdam niya ng makita niya si Dan. Hindi nga ito kagwapuhan ngunit may kakaiba itong dating sa kanya. “Sandra, taglibog ka na naman.” ang mainit na laman ng kanyang isipan.

*****

Alas syete ng gabi, paakyat na si Brandon patungo sa kanyang kwarto ng tumawag ang kaibigan niyang si Lance. Mahigit isang linggo na din na hindi sila nag-uusap na dalawa. Pagkatapos niyang sabihin kay Lance na ipinagtapat na niya kay Christine ang katotohanan ng nangyari kay Dan ay iyon na ang huling pag-uusap nila ni Lance.

“Brandon.”

“I’m listening.”

“About what happened, you know…”

“It’s alright Lance, everything is okay now.”

Huminga ng malalim si Lance, “I’m sorry Brandon, I don’t know what’s really wrong with me. Lagi na lang napaka-stupid ng mga desisyon ko.”

“It’s all in the past now Lance, shit happens, then we move on, okay?”

“Thank you Brandon, do you have some time?”

“Hey Lance, are you okay?”

“I’m fine, I just need someone to talk to.”

“Name a place.”

“Sa dati, malapit sa campus mo.”

“I’ll be there.”

“Okay, see you there.”

Makalipas ang mahigit sa tatlumpung minuto ay nasa loob na sina Brandon at Lance ng isang mamahaling bar at naghihintay ng kanilang inumin.

“Lance.”

“Yeah?”

“Kanina, I have a feeling na may gusto kang sabihin sa akin.”

Malungkot na ngumiti si Lance, “I’m going overseas Brandon, sa States, I need to rethink my life. Kailangan kong lumayo, malayo kay Angela. Ako din naman ang nahihirapan. She can’t be mine right now and there’s nothing I can do about it. Tatapusin ko lang muna ang semester.”

Nalulungkot din naman si Brandon para kay Lance, dahil nakikita naman niya ang paghihirap ng kalooban nito. “If you think that it’s the best option for you, then don’t hesitate. Go for it, maybe that’s what you need most right now.”

Huminga ng malalim si Lance, “But before that, I have to do something first. I need to setlle this one myself.”

“What Lance? I hope na it’s not something na magiging problema mo na naman.”

“No, it’s more like a personal issue, nothing for you to worry about.”

Natigil saglit sila sa pag-uusap ng dumating na ang kanilang inumin.

Tumayo naman si Lance, “I’ll just refresh myself a bit.”

Naiwan si Brandon na nagsalin ng alak para sa kanilang dalawa ni Lance.

“Can I sit here?” ang tanong ng isang babaeng pamilyar kay Brandon ang boses.

“Vivian…” si Brandon na nakatingin sa magandang babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Mahubog din ang katawan nito na litaw dahil sa medyo revealing nitong damit.

“Can I?”

“I’m with someone.”

“Come on Brandon, only for a short while. Hindi pa naman siya nabalik.” ang nakangiting si Vivian.

“Make it quick Vivian, please.”

“Okay.” at saka naupo si Vivian sa harap ni Brandon.

“So, how is the groom to be?”

“I’m fine Vivian.”

“Well I’m not, I’m still thinking about you most of the times. And I really do miss you love.”

“Vivian, please, tapos na tayo. I’m already engaged.”

“I know, I was there, sa gabi ng engagement nyo. And in all honesty, she is really very pretty, and that body of hers, a body to die for.” at saka muling ngumiti si Vivian.

“Vivian, were done here.”

Nang mapansin ni Vivian na pabalik na si Lance ay tumayo na din siya.

“Remember Brandon, our relationship ended only for you, not for me, never for me. Dahil I never agree sa breakup nating dalawa.” tinitigan muna niya si Brandon ng buong pagnanasa at saka siya lumakad ng palabas ng bar na may mapaglarong ngiti.

“Let’s see Brandon, you can’t get rid of me that easily. You’ll come back to me in no time.” ang sinabi ni Vivian sa sarili habang nasa loob ng kanyang mamahaling sasakyan.

Sa laro ng pag-ibig ay may laging wagi at talunan. Ang wagi ay magsasaya dahil sa kaligayahang nakamtan. Ngunit ang talunan ba ay magpaparaya na lamang? O muling maglalatag ng panibagong laro, na ang tunog at sayaw ay ayon sa kung ano ang kanyang gusto? Hindi na mahalaga kung ang lahat ay masaktan at magdusa, basta wag lamang magtatamasa ng kaligayahan ang sinuman sa kanila.

(Ipagpapatuloy…)

10 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *