Ang Batang PO Part 5
Tuluyan na niya iniwasan si Bianca dahil ayaw niya na may nasasagasaan talaga. Medyo nalungkot si Rom pero wala naman na siyang magagawa kundi ipagpatuloy ang buhay bilang estudyante, ayaw din niya ng sabit. Kung baga back to Zero muna ang sex life.
Pasukan ng grade eleven, maingay ang lahat dahil first day ng class. Biglang tumahimik ng pumasok ang isa sa mga teachers nila, ito pala ang magiging adviser ng section . May kasama itong maputing lalaki na parang nakita na niya pero hindi matandaan kung saan. Medyo nerd tingnan dahil sa eye glasses pero guwapo, actually mukhang babae.
“Good morning class we have transferee and he will be in your class. Rom can you assist him to get along with the rest of your classmates.”
Diretsong sabi nito sa kanya dahil siya ang president last year ng class at inexpect na siya pa din ang president ngayon.
“Marvin lipat ka nalang dun sa tabi ni Nomer, dito na natin paupuin yung bagong transfer.”
Sumunod naman ang kinausap ng walang reklamo.
“Bro ano ang pangalan mo?”
“Caleb bro,” saka yumuko.
Biglang tingin naman si Rom ng marinig ang pangalang binanggit. Hinawakan sa baba at saka inalis ang salaming suot.
“Bro ikaw ba yun? Caleb na may ari ng sari-sari store sa may burgos?”
“Yeah” nahihiya pang sagot pero may ngiti na.
“Grabe ka bro! Hindi kita nakilala ah!”
Tumayo pa si Rom para yakapin ang bagong ka klase.
“Bro kumusta? Dito ka na ulit?” masayang masaya si Rom sa pagkikita ng dating kakilala.
“Oo, mag settle na din kasi sila Mommy at Daddy kaya nag transfer nako.”
“Ayus!”
Dahil wala pang teacher nila ay ipinakilala na ni Rom si Caleb sa mga classmates.
Buhat din ng araw na yun ay naging magkadikit na sila. Laging magkasama maging sa uwian ay sabay lumalabas ng school. Isinasabay sana ni Caleb si Rom lagi lang itong tumatangi at medyo magkalayo ang bahay. Sa Aduas siya samantalang sa Burgos naman si Caleb.
Puwede naman sana ay hindi naman ganun kalayo kung iikot ang service ni Caleb kaya lang ay nahihiya siya lalo na at squatter lang ang bahay nila. Saka nilalakad lang kasi niya kahit noon pa. Yung ibinibigay na allowance sa kanya ni Lolo Greg ay itinatabi nalang para pang emergency.
Ang Nanay naman niya ay sa bahay nalang din ay tumatanggap ng labahin, me sobra naman lagi sa support ni Lolo Greg kaya hindi na sila masyadong nahihirapan.
Sa gabi naman ay kinuha siya ni Kuya Arnold na mag assist sa pag tuturo ng Taekwonda bale MWF kaya okay na din. Me extra silang pera para sa mga bayarin sa school at hindi na nanghihingi pa sa sponsor.
Buhat din ng magkasakit ang nanay niya ay may maintenance na kaya gumagawa talaga siya ng paraan para kumita.
Minsan napapagod din pero pag nakikita ang ina ay nawawala na. Binabawi nalang niya sa lakas kumain at matulog talaga pag may time.
Friday nag sabi ang Kuya Arnold niya na walang training kaya maaga siyang makakauwi, yun nga lang wala din siyang kita.
Nag aayos na sila ng gamit ni Caleb ng tanungin siya ng kaibigan.
“Bro me pupuntahan ka ba ngayun?”
“Wala naman, na cancel kasi training naming ni Kuya Arnold kaya uwi na din makapag pahinga.”
“Sama ka samin, birthday kasi ni Papa me konting handaan.”
Since wala naman din siyang gagawin kaya sumama na din sa kaibigan. Hinintay lang nila ang sundo ni Caleb.
Nagulat pa si Rom ng makitang puro trabahante ang bisita, mga driver daw sa mga truck nila at saka ilang kaibigan siguro.
Maraming handa, masaya ang mga bisita. Hindi iyon ang inexpect niya, alam kasi niya na mayaman ang pamilya ni Caleb kaya akala niya ay mayayaman din ang bisita.
“Papa si Rom classmate ko, siya din yung kwento ko dati na kaibgan ko before tayo mag transfer sa Manila.”
“Yeah, I remember that. Sige kumain na kayo at baka gutom na ang kasama mo.”
Hinila na siya ni Caleb sa isang buffet na puno ng pagkain, parang nalula si Rom sa nakitang pagkain. Ang huling kain niya ay yung kaunting tanghalian, medyo tinipid niya ang baon dahil bawas nga ang kita this week.
Ang tiyan ata ay may sarili ding isip dahil na makita ang pagkain ay biglang tumunog, napatingin naman si Caleb sa kanya. Si Rom naman ay tumingin sa likod na kunwari ay hinahanap ang pinanggalingan ng tunog.
“Kain na tayo, mukhang me nag rerklamo na hahaha!”
Napakamot nalang ng ulo si Rom.
Nahihiya man ay sinamantala na para kumuha ng maraming pagkain, ng tiningnan niya si Caleb ay kakaunti lang ang laman ng plato kaya napatigil siya.
Nang mahalata naman ni Caleb na natigilan ang kaibigan ay mabilis na nilagyan ng iba pang pagkain ang plato.
Humanap ng bakanteng table at kumain.
“Bro pasensya ka na ha, gutom talaga ako eh. Konti lang kasi lunch ko kanina.” saka iniinom ang juice nadala ng waiter.
“Okay lang, marami pang food.”
Diretso lang sila sa pagkain, maya maya ay may lumapit na nag dalang cakes, salad at ilang sweets.
Napansin ni Rom na parang hindi nagalaw ni Caleb ang pagkain.
“Bro hindi ka ata nakakain?”
“Totoo kasi bro mahina talaga akong kumain, saka busog pako.”
“Ganun ba, sayang naman ang pagkain na kinuha mo.”
“Gusto mo ba?”
“Kung di mo na kakainin pede ko ba pa take out, uwi ko nalang sa nanay?”
“Sige, mamaya papabalot ko para mauwi mo.”
“Salamat!”
“Let’s go sa room ko, padala ko nalang itong mga ito.”
Tumayo na sila, iniwan saglit si Rom para kausapin ang isa sa mga waiters at nagbibigay ng instruction.
Maya maya pa ay umakyat na nga sila sa kwarto ni Caleb. Parang gustong mainggit ni Rom ng makitang kumpleto sa gamit ang kaklase. Me sariling TV pa sa loob.
“Bro upo ka muna, may kukunin lang ako.”
Manghang mangha pa din si Rom sa kwarto ni Caleb, pati ang kama parang ang sarap higaan.
Pagbalik ay may dalang isang paper bag, inabot sa kanya.
“Ano to bro?”
“Galing kasi sila Mama sa Hongkong last week, pasalubong sana magustuhan mo.”
Tuwang tuwa naman na binuksan ni Rom ang paper bag at nagulat dahil sa dami ng laman. Shirts, pants, may isang nike shoes at saka isang box na hindi niya alam kung ano.
“Bro ang dami naman nito?”
“Ayus lang para sayo talaga yan, buksan mo yung box dali.”
Mabilis na binuksan ang box. Isang G-shock na dark blue and red. Nanlaki ang mata sa tuwa.
“Look oh, were almost the same. Isuot mo na dali,” excited na utos ni Caleb.
Sinunod naman ni Rom ang sinabi ni Caleb.
Yumuko si Caleb at may kinuha sa ilalim ng kama na malaking kahon. Binuksan at inilabas ang isang bagong-bagong gitara.
“Ito ang paborito kong pasalubong nila hehehe. This is my baby.”
Nagsimulang kalabitin ang bawat kwerdas saka sinimulang tugtugin ang ‘More than Words’
“Bro magaling ka palang mag gitara, gusto ko din matuto nyan.”
“Konti pa lang ang alam ko, nag start pa lang din sa guitar lessons.”
“Ganun ba, pag magaling ka na ako naman ang turuan mo hehehe.”
“Sige ba.”
“Para fair, turuan naman kita ng Taekwondo hehehe.”
“Sige, ayus yan! Para di nako ma bully hahaha!”
“More than words is all you have to do to make it real, then you wouldn’t have to say that you love me ‘Cause I’d already know. What would you do if my heart was torn in two…”
Biglang tumigil si Caleb sa paggitara.
“Bro bakit?”
“Hanep pre, ang ganda ng boses mo!”
“Totoo ba? Di naman ako nagkakanta.”
“Oo brad, ganda ng boses mo!”
Itinuloy na nito ang pag gitara at si Rom naman ang kumakanta. Mag 7pm ng mag decide siya na umuwi na. Ayaw na sana niyang magpahatid at malapit lang naman pero nagpilit si Caleb. Sinabi nalang sa sarili na wala siyang dapat ikahiya, kahit noon pa naman ay alam nito na nangangalakal siya.
Marami din itong ipinabalot na pagkain para sa inay niya, iniisip nga niya kung paano ito itatabi at wala naman silang ref. Iinitin nalang niya ang mga ulam para hindi mapanis saka baka pede ipatago kila Lola Necy yung iba. Bibigyan nalang din niya ng cake.
Nahihiya man ay inaya pa din niyang bumaba si Caleb, nagulat pa siya ng bumaba nga ang kaibigan.
Inalalayan nalang niya ito kasama ang driver na may bitbit ng mga pinauwi sa kanya. Pag dating sa bahay ay hiyang hiya pa siya lalo at maliit lang ang inuupuhan nilang lugar.
“Nay! Nay!”
“Oh anak bat ngayun ka lang?”
“Me pinuntahan po ako Nay! Si Caleb nga po pala classmate ko,” Saka nagmano sa ina.
“Good evening po Nay, pasensya napo, birthday kasi ni Papa kaya po inaya ko si Rom sa bahay. Me konting handa.”
“Ganun ba, sa susunod anak mag papa-alam ka ha. Sabi kasi ni Kuya Arnold mo wala daw kayong training ngayun.”
“Sorry Nay, me pinabalot pala si Caleb para sa inyo.”
“Naku ang abala ka pa anak, pero salamat at naalala nyo ako. Rom painumin mo muna ang kaibigan mo.”
Inaya niya ito sa gilid ng bahay nila na may kahoy na upuan na nasa ilalim ng puno ng Duhat.
“Bro upo ka muna, pasensya na ha dito lang at maliit sa loob. Bili lang ako ng soft drinks.”
“Tol wag na, ayus lang ako. Okay pala ang tambayan mo. Presko!”
“Hehehe, dati madalas ako dito lalo nung bata kasama yung ibang kalaro ko. Ngayun hindi na at alam mo naman kumakayod din.”
Medyo matagal pa silang nagkwentuhan bago nag paalam si Caleb pauwi.
Simula iyon ng madalas na pag dalaw ni Caleb sa bahay ni Rom. Minsan kahit wala ito ay pumupunta upang maka kwentuhan ang ina nito. Pati tuloy si Mylene ay naging malapit na sa classmate ng anak.
Gabi ng sabado, nagulat pa si Rom ng datnan si Caleb sa bahay nila.
“Tol musta?”
“Ayus naman, walang magawa sa bahay kaya naglibot dito.”
“Kanina ka pa ba? Galing ako sa car wash eh. Medyo madaming nagpalinis kaya ginabi ng todo.”
“Hindi naman, pero hinintay talaga kita.”
“Oh mukhang seryoso tayo ah.”
“Hehehe, hindi naman. Gusto ko lang alukin ang Nanay ng work sa sari sari store. Baka lang gusto nyo. Hindi naman ganun kahirap kaya baka kaya ni Nanay.”
“Naku tol baka nakakahiya sa papa mo, saka di ko sigurado kung okay kay Nanay.”
“Walang problema kila mama, kay Nay naman nakausap ko na siya at sinabing gusto niyang mag trabaho ulit ng hindi ka na daw mamasukan pa.”
“Bro okay naman ako sa mga pinapasok ko, hindi naman ganun kahirap lalo yung sa taekwondo. Libre pako sa training.”
“Basta tol gusto ko lang tumulong, sabihin mo lang if okay sa inyo ha.”
“Salamat, tanung ko kay Nanay mamaya.”
“Me dala pala akong pagkain baka hindi ka pa nag dinner.”
“Sakto tol, tinapay lang kinain ko kanina. Tomguts na nga ako hehehe!”
Pumasok na sila at naupo sa may maliit na lamesa kung saan naka hain na din pala ang pagkaing dala nito.
Sumalo nadin ito sa kanya at ang nanay pala ay tapos na kanina. Napansin niya na medyo me improvement nadin ang kaibigan, medyo malakas ng kumain at tumaba na din.
Matapos kumain ay inihatid lang ang kaibigan sa labasan. Hinintay pala siya ng ina upang pag usapanang alok ng kaibigan. Kahit na 17 anyos palang siya ay natutuwa na lagi siyang hinihingan ng ina ng mga payo.
Sinabi nito sa kanya na gusto nitong tanggapin ang alok ni Caleb.
“Nay baka kasi mapagod kayo at bumalik pa yung sakit mo. Ayos naman na tayo dito diba.”
“Anak gusto ko din naman na maging normal ang buhay mo bilang bata. Saka anak kaya ko naman ang trabaho kumpara sa pangangalakal dati. Malilibang pako.”
Matagal na tinitigan ni Rom ang ina bago nagsalita.
“Sige na nga Nay, basta mangako ka nay. Pag nahihirapan ka na sasabihin mo sakin ha.”
“Oo anak, saka sigurado naman akong hindi ako pababayaan ni Caleb dun hano.”
“Okay nay. Sabihan ko nalang sa Monday si Caleb. Sige pahinga na muna tayo at bukas makapag simbang maaga.”
Masayang natulog ang mag ina, pinag usapang hindi na siya papasok sa car wash. Pinakiusapan naman niya na yung sa Taekwondo ay hindi niya iiwan. Malaki din kasi ang tulong nito hindi lang sa pera kundisa libreng training na din.
Matagal tinitigan ni Mylene ang anak na natutulog, kahit 17 lang ito ay iisipin mong nasa 20 na. Malaki kaysa sa karaniwan ang katawan dahil na rin siguro sa training ng taekwondo at ang mabigat na gawain sa car wash.
Dumako ang tingin niya sa mukha ng binata, pihadong maraming iibig dito kuhang kuha ang itsura ng Tatay niya. Kung may pagkakaiba man ay mas lalong nakaragdag sa ka guwapuhan.
Napangiti pa ang ina ng mapansin ang bukol sa shorts na suot ng anak, pati ito ay namana sa ama.
Di niya makalimutan nung grade 3 ito at ipatuli, tuwang tuwang ang mga nurse at yung size daw ng alagani Rom ay sing laki na ng sa mga boyfriend nila e mag sasampung taon pa lamang ito nuon.
Mapalad siya na si Rom ang naging anak niya, buhat ng nagkasakit siya ay ito na ang halos bumuhay sa kanila. Hindi rin ito mapagsamantala sa tulong na ibinigay ni Greg sa kanila.
Tinitipid ang allowance para sa pagkain nila araw araw, ang sinusuweldo naman sa car wash pati tip ay sa kuryente at upa naman. Ang sa taekwondo nito ang itinatabi para sa gamut at emergency nila.
Yung tubig naman ay hindi na nila naging problema, nakiusap ito sa kapitabahay nilang bading para makidugtong ng isang tubo na hindi naman pinapabayaran. Minsan nakikita lang niyang nilalandi ang anak tiwala naman siya kay Rom na hindi ito papa aragabyado sa bakla.
Bata pa lang ay nais na nitong maging pulis, kaya siguro sineryoso ang taekwondo na siguradong bentahe sa gustong pasukin.
Gusto man niya itong pigilin ay hindi na niya ginawa pa. Hinayaan ang anak ang mag decide kung anoang gustong gawin sa buhay.
Malaking impluwensya ang kaibigang na lihim sa binata na kapatid nitong si Matteo na anak ni Greg sa plano. Bata palang ay iniisip na nilang mag tayo ng detective and security agency.
Tuluyan na niyang nakatulugan ang pag susuri sa anak na natutulog. Kinabukasan ay wala na ito sa tabi ng magising.
Bumangon siya para magluto ng makitang may pagkain na din sa maliit nilang lamesa. Me nakalagay na ding kape na bubuhusan nalang ng mainit ng tubig. Hinanap ang anak, Lingo kaya alam niyang wala itong lakad kundi ang nakagawian na simba.
Hindi naman siya nainip ng pumasok ang anak na pawisan mukhang galing sa pag jogging.
“Nay bakit ang aga nyo atang nagising?”
“Ako pa ang maaga e naunahan mo nga ako!”
“Kain na tayo Nay para maaga tayo maka simba.”
“Ikaw pa talaga ang nagluto, anong oras ka ba nagising?”
“Kinatok kasi ako ni Kuya Arnold, na jogging kami. Saka Nay mamayang hapon isasama daw ako ni Kuya sa Laur.”
“Laur? Bakit me ano ba dun?”
“Yung daddy daw ng kaibigan niya may shooting range, tuturuan kaming bumaril.”
“Naku anak di ba delikado yan? Totoong baril ba?”
“Nay don’t worry si Kuya Arnold naman ang kasama ko.”
“Ang bata mo pa kasi anak para magsanay humawak ng baril.”
“Mainam nga yun, maaga akong matututo.”
“O sige, basta mag ingat ka ha!”
“Yes Nay, magiging magaling na pulis pako.”
Mabilis na natapos nila ang pag kain ng agahan, gumayak na din upang magsimba. Kahit simpleng puting v-shaped shirt at maong ang suot ay pinatitinginan ang binata.
Parang wala lang naman ito sa anak. Kahit sa simbahan ay naririnig niya ang mga dalagitang kinikilig.
Dumeretso nadin sila sa palengke pagkatapos, nakakatuwa lang na marami talagang kakilala ang anak niya, mga babaeng nagpapa cute sa binata. Kaya sa huli ay malaki ang tipid sa pinamili. Meron pang isang dalagitang humabol at may inaabot na isang piling ng saging kasama ang isang papel.
Sipleng pasasalamat lang ang ibinigay ng lalaki sa mga ito.
Hapon ng gumayak si Rom para sumama sa Kuya Arnold niya, naka shorts lang at sweat-shirt para daw sa pulbura ng bala.
Kita ang excitement sa mukha ng binata ng lumabas ng bahay, nilakad na patungo sa bahay nila Nanay Necy.
Masayang masaya siya ng matapos ang firing nila, hindi makapaniwalang makakahawak ng totoong baril.
“Arnold, magaling itong batang kasama mo. Mukhang may maabot sa shooting, malakas ang pulso at asintado.”
Ito ang komento ng kaibigan ni Kuya Arnold na nagturo sa kanilang mamaril. Sinabihan pa siya na pag may oras ay patuloy na mag praktis. Kumain lang sila ng hapunan sa isang karinderya saka dumiretso ng umuwi.
Nabutan ang inang nag aabang sa may pintuan, nang makita siya ay kita ngiting ngiti.
Ikinuwento lahat ng nangyari at saka naligo sa gripo sa labas ng bahay nila. Dahil lunes kinabukasan ay kailangan niyang maagang matulog para sa pag pasok. Inihanda ang mga gamit at mga reviewer para saisang lingo na magiging last grading exam na kaya kailangan niyang mag focus sa review.
Nang magkita nila ni Caleb ay sinabi niya na payag na ang Nanay niya na pumasok bilang tindera sa sari-sari store nila.
Nabago na ang takbo ng buhay ni Rom, ang dating trabaho sa car wash ay iniwan na niya. Nakapag focus siya sa pag aaral at sa taekwondo.
Na-encourage din siyang maglaro ng basketball, sinimulan na din siyang turuan ni Caleb ng gitaraka sabay ang pag pagtrain sa taekwondo.
Grade 10 ng magsimula siyang lumaban ng inter school competition para sa taekwondo. Dahil mas matangkad at maganda ang katawan kaya maraming support kay Rom.
Sa age na 17 ay binatang binata na, kahit ang mga teacher ay hindi maiwasang hangaan hindi lang ang pisikal na anyo ng lalaki kundi pati ang abilidad at talino.