Boss Ko Ex Ko Part 6

After 12 rounds of beer ay hinatid ko na siya sa bahay nila.

Me: Ok ka lang Alyssa?

Napangiti siya sa akin.

Alyssa: This time walang stir. May tama talaga ako. Hahaha

Me: Samahan na kita pumasok.

Alyssa: Ok

Sinamahan ko siyang pumasok sa kanilang bahay at inalalayan ko siyang maupo sa sofa. Nang maupo na siya ay she gave me a tight hug.

Alyssa: thank you Nick.

Kakaiba ang tibok ng puso ko nang muli kong maramdaman ang mga yakap ni Alyssa. My heart is beating fast that time at iniwan ko na siya nung sinabi niyang ok ba siya.

Kinabukasan ay tinawagan niya ako.

Me: Tatanong mo ba yung nangyari kagabi? Hahaha

Alyssa: SIRA! Concious naman ako kahit na may tama na ako hahahah.

Me: tig dalawang bucket ulit tayo? Hahaha.

Alyssa: Loko lunes bukas. May trabaho. Hahaha. Nick kaya ako napatawag gusto ko sana kayo yayain ni Tanya na mag breakfast sa BGC. Tapos mag stroll tayo, then watch a movie then stroll again tapos dinner. Miss ko na din kasi si Tanya.

Me: Naku matutuwa siya. Sige gigisingin ko siya para makapaghada na kami.

Ginising ko na si Tanya and out of excitement ay naligo na siya agad. Pumunta kami sa BGC and we met with Alyssa.

Alyssa: Tanya! Wow ang ganda mo!

Tanya: Thank you Ate.

Alyssa: di mo naman sinabi na pinili mo ang Ateneo. Edi nakapag bonding sana tayo every week.

Tanya: sudden change of mind Ate. Buti na lang may available slot pa.

Me: at may available pang plane ticket kamo. Hahaha

Tanya: Ahia talaga!

Alyssa: Naku hindi ka pa nasanay dyan sa kuya mo. Hahaha.

Me: alam mo ba na yung one way ticket niya from CDO to Manila eh mas mahal pa kesa sa round trip ticket ng CDO to Singapore? Hahaha

Tanya: Ahia talaga! Hahaha. Actually Ate matagal na kita gusto tawagan kaya lang nahihiya ako dahil sa nangyari sa inyo ni Ahia.

Alyssa: Naku Tanya kalimutan na natin yun. Immature pa kaming dalawa that time.

Tanya: Does it mean na pinapatawad mo na si Ahia?

Alyssa: Well, kailangan muna niyang maging good boy para mas mabilis mag heal ang sugat. Hahaha

Me: Good boy naman ako ah hahaha

Tanya: Oo naman Ahia. Lalo na pag humihilik ka hahaha

Alyssa: Kapatid mo na nagsabi niyan ha hindi ako hahaha.

Me: Sige Tanya cancel ko na lang Anvaya natin next week hahaha

Alyssa: Anvaya kayo next week???

Me: Yes. Bakit? May OT ba?

Alyssa: Wala naman. Pero nandun kami ni Brent next week.

Tanya: Ate sino si Brent?

Alyssa: Fianc ko.

Nalungkot si Tanya nang maggaling na sa bibig ni Alyssa na ikakasal na siya.

Alyssa: Don’t be sad Tanya. Kahit na may asawa at anak na ako pwede pa rin naman tayo mag bonding.

Tanya: Talaga Ate?

Alyssa nodded with a smile.

Tanya: Eh pano kayo ni Ahia?

Alyssa: Well we can still be friends kahit na may asawa at anak na ako.

Tanya: Basta promise mo sa akin Ate mag bobonding pa din tayo ha.

Alyssa: Promise! Tara breakfast na tayo.

We went to iHop for breakfast and nag catch up sila Alyssa and Tanya. Ang daming kwento nila Alyssa at Tanya sa isat isa at nung natapos na kaming mag almusal ay hinayaan ko muna sila mag bonding. I gave them the whole day. While I took the bus going to Glorietta. While strolling around Glorietta ay nagmuni muni ako. Alyssa hugged me twice at sobrang higpit pa. Dito ko na naramdaman na mahal na mahal ko pa rin si Alyssa. I rode a bus going back to BGC at sakto kakatapos lang nilang magbonding. We had an early dinner at the restaurant of their choice at di pa rin natigil ang aming tuwa at saya sa isa’t isa. After our dinner ay biglang nag ring ang phone ni Tanya at gulat na gulat.

Tanya: Ahia, Ate thanks for the dinner but I need to go.

Me: Bakit?

Tanya: we have a lunatic professor. He changed the format of our case study ng ganun ganun na lang. After 2 weeks na ang reporting. We have to rush Ahia. Malapit lang naman Ahia. Dyan lang sa Serendra.

Me: Sino sino kayo?

Tanya: Don’t worry Ahiam 4 girls kami. Hahaha.

Alyssa: Sige na Tanya at hinihintay ka na ng mga groupmates mo.

Tanya: Thank you Ate.

Niyakap niya kami and nag beso siya bago umalis. Alyssa settled the bill and we went out the resto.

Me: Naku Alyssa nakakahiya sa iyo. Ikaw pa naglabas para sa aming magkapatid.

Alyssa: Anu ka ba ok lang yun.

Me: Coffee? Ako taya.

Alyssa: Sure. Seattle’s Best naman tayo. Nalakasawa na Starbucks eh hahaha.

Me: Sure! Sakto may dalawang free drinks ako hahaha.

Alyssa: Kuripot! Hahahah

We went to the said coffee shop at kami naman ni Alyssa ang nagbonding. We had a great chat over a cup of coffee and we decided to stroll around the area. Habang naglalakad ay sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at tinignan ko din siya, she smiled at me at humawak din siya sa kamay ko. Holding hands while walking pa sway sway pa. We are having a great time nang tumawag na si Tanya at nagpapasundo na.

Alyssa: Nick nag enjoy ako ngayon.

Me: Ako din.

Nagpaalam na kami sa isa’t isa and she hugged me and gave me a smack on the cheek. Nagsitaasan ang mga balahibo ko time.

Alyssa: Sige na. Sunduin mo na kapatid mo.

Sinundo ko na si Tanya at umuwi na kami. Nang makarating kami sa condo ay naligo na kami at nagpalit ng pangtulog nang maglambing sa akin si Tanya.

Me: Matulog ka na. Maaga pa pasok mo bukas.

Tanya: Ahia 1PM pa pasok ko.

Dito na siya nagsimulang mag kwento tungkol sa naging bonding nila ni Alyssa. Dito ko na nakwento na hinalikan ako ni Alyssa sa pisngi.

Tanya: OH MY GOD AHIA! TOTOO???

Kinikilig niyang tanong sa akin at masayang masaya siya.

Tanya: Ahia mahal ka pa rin niya!

Me: Naku ha! Ikakasal na yung tao.

Tanya: Naku Ahia! Hindi ka hahalikan sa pisngi ng isang babae kung hindi ka special sa kanya. Yehey! Magiging hipag ko si Ate Alyssa!

Me: tulog na!

Tanya: Eh pano ako makakatulog sa kwento mo? Hahaha

Came the day ng bonding namin ni Tanya sa Anvaya and enjoying our bondinh. While enjoying at Anvaya’s beach ay nakita ko si Alyssa kasama ang bugok niyang fianc na si Brent. She’s wearing a white strapless bikini set. Parang pinupunit ng pinong pino ang puso ko habang nakikita kong hinahawakan ni Brent ang kanyang bewang. I have to admit na mahal ko pa rin si Alyssa. Inaamin ko na nag enjoy ako sa pagiging binata but I juat realized na mahal ko pa rin si Alyssa. Nagsalubong kami at nagbatian sila ni Tanya.

Tanya: Ate Alyssa!

Nakibeso ang kapatid ko sa kanya.

Alyssa: Tanya!

Me: Good Morning Maam.

Alyssa: Good Morning Nick. Ay syanga pala bago ko malimutan. Nick kilala mo na naman fianc ko. Tanya this is my fianc Brent. Brent this is Tanya.

Nakipagkamay kami ni Tanya sa kanyang fianc at tila nananadya si Alyssa at nakipaglaplapan siya sa kanyang fianc sa harap namin ni Tanya. Pilyong dinakma ni Brent ang pwet ni Alyssa at napasigaw ito.

Alyssa: Ayyyyy!!!! Hon bad ka talaga.

Malambing niyang pagpalag kay Brent.

Brent: sorry hon di ko kasi matiis ang beauty mo eh. Sige Nick, Tanya pasok muna kami sa kwarto at magbobinding lang kami. Nice meeting you. Bye.

Nagpaalam sila at lumayo na sila sa amin. Nang makalayo na siya ay di maiiwasang mairita si Tanya.

Tanya: Ahia anong nangyari kay Ate Alyssa??? Yan ba ang ipinagpalit niya sa iyo???

Me: I’ve been such a jerk Tanya. Now she’s happy in the arms of another man who loves her.

Tanya: Love??? Hindi ba lust??? Grabe naman yang fianc niya kung makahawak sa katawan ni Ate Alyssa eh parang aagawin naman sa kanya fianc niya. Tapos ang bastos pa niya. Pag ako si Ate Alyssa sinampal ko na siya kahit maraming tao.

Me: gusto naman niya Tanya.

Tanya: Hindi kaya. Nairita kaya siya.

Me: pano mo naman nasabi?

Tanya: Ahia babae din ako. Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Ate Alyssa kanina. Napahiya kaya siya. Tapos dinakma pa niya ang pwet sa harap mo. Ano gusto niyang palabasin? Kulang na nga lang hubaran niya si Ate Alyssa sa harap mo eh.

Galit na galit si Tanya kay Brent nang mga oras na iyon at baka mapatay pa niya ito. Di ko masisisi si Tanya sa nararamdaman niyang galit kay Brent. Tanya and Alyssa bonded together na parang magkapatid na sila. Parang nagkaroon siya ng Ate sa katauhan ni Alyssa. One of the reason na galit din sa akin ang tayay ko ay nung nalaman nilang nasaktan ko si Alyssa. Hirap siyang tanggapin si Alyssa at first since she was not chinese pero natanggap din niya siya nung nakita niyang naging ok ang academics ko. Hiyang hiya siya sa mga magulang ni Alyssa dahil sobrang bait nila sa amin.

Tanya: Ahia si Ate Alyssa ang gusto kong maging sister in law.

Me: ikaw talaga kung anu anu naiisip mo. Ikakasal na yung tao.

Tanya: yun nga nakakalungkot Ahia. Hindi naman siya mahal ng fianc niya. Katawan lang ni Ate Alyssa ang habol niya.

Me: ikaw talaga masyado kang mapanghusga.

Tanya: Ahia babae ako. Ramdam ko kung sincere yung pagmamahal ng isang lalake o hindi. Kung dakmain na nga lang niya yung pwet ni Ate Alyssa kanina eh ganun ganun na lang. Tapos ano ang susunod na gagawin niya? Dadakmain ang boobs sa harap mo?

Me: naku hindi naman ganun ka-bobo at ka-tanga si Alyssa. Alam mo Tanya gutom lang yan. Tara kain na tayo at tanghali na.

We went to the resto and ordered food perp sadyang pinaglalaruan kami ng pagkakataon. Magkatabi ang table namin ni Alyssa at panay ang pang iinggit ni Brent sa akin while he was giving his fianc a smack on the lips and cheeks. Super sweet sila sa isat isa na nilalanggam na ang peg namin ni Tanya. Deadma na lang ako sa kanila and I just bonded with Tanya. Ayokong masira ang long weekend ko.

After our lunch ay nagpahinga muna kami sa kwarto. Tanghaling tapat din kasi at tirik pa ang araw. Habang nagpapahinga kami ay panay pa rin ang pangugulit sa akin ni Tanya to try to win Alyssa’s heart again. Ninamnam namin ni Tanya ang aming long weekend at naging civil kami ni Alyssa sa isa’t isa at pag wala si Brent we would chat and she would laugh even to my corniest jokea. Hindi ko na pinansin ang pananadya ni Brent with their sweet moments at napansin kong may mga time na naiirita na si Alyssa sa ginagawa niya.

Came the day we need to go home and we packed up our things. Tanya and I rode on my singe cab Toyota Hilux pick up truck at umalis na kami sa Anvaya. Habang nangmamaneho ako ay may isang sasakyang tutok ng tutok sa likod namin at busina pa ng busina. Napatingin ako sa rear view mirror ko at nakita ko ang Land Cruiser ni Brent. Nananadya talaga siya dahil kahit na saang lipat ko ng linya ay sumusunod siya at panay ang busina. Nakakatakot ang pangmamaneho ni Brent at makaka disgrasya talaga siya. Tutok sa expressway??? Gago talaga siya! Ang tanging naisip ko ay ang kapatid kong si Tanya at iniwasan ko siya hanggang sa shoulder lane ay sinundan niya ako hanggang sa isang gasoline station. Hininto ko ang sasakyan at dito kinompronta ko na siya. Bumaba siya at agad ding bumaba si Alyssa sa sasakyan ni Brent upang pigilan ang fianc niya.

Me: ANO BA PROBLEMA MO! KANINA KA PA TUTOK NG TUTOK AH! MAKAKA DISGRASYA KA NA AH!

Brent: Ikaw makaka disgrasya! Mabagal ka kasi. Eh nasa expressway tayo.

Agad pumagitna si Alyssa sa aming dalawa ni Brent.

Alyssa: Brent please… stop it.

Napakalma ni Alyssa si Brent at sumakay ito sa sasakyan. Di pa nakuntento ang gago at nagbaba pa ng bintana at nagmumura. Sasagutin ko sana siya pero pinigilan ako ni Alyssa sa paghawak sa braso ko.

Alyssa: Nick huwag mo na patulan please… Kasama mo si Tanya.

Malambing niyang pakiusap sa akin at humingi ng dispensa.

Alyssa: Nick pasensya ka na ha.

Me: Ok lang po yun Maam.

Matapos ang komprontasyon ay sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan at pinauna ko na sila Brent. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nung hinawakan ni Alyssa ang mga braso ko.

Mahal na mahal ko pa rin si Alyssa. Pero mahal pa rin kaya niya ako? Totoo kaya yung sinasabi ni Tanya na may feelings pa siya sa akin dahil hinalikan niya ako sa pisngi?

6 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *