Masarap na Aguinaldo Ang Wakas

Sa ating buhay, may mga bagay na tayo ang nagpapasya. Kung ano pa man ang kahihinatnan ng mga desisyong iyon ay kailangan nating harapin at tanggapin.

At may mga pangyayari din na minsan ay tila hindi tayo ang may hawak. Kundi sadyang iyon ang nakatakda at nakatadhana.

“Greg! Halika na… kain na tayo…”

Napatingin si Diane sa orasan. Malapit nang mag-alas dose. Abala siyang naghahain sa lamesa ng mga putaheng inihanda. Sinindihan din ang mga kandilang napapalibutan ng mga palamuting pampasko.

Sa kanyang pagiging abala ay natigilan siya sa paglilikot ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Napangiti si Diane at hinimas ang kanyang tiyan.

“Merry Christmas din sa’yo, anak.”

————————-

2020

Kakaiba ang selebrasyon ng Pasko dahil sa pandemya. Hindi makapamasko ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Sa telebisyon o internet lang nakapag-Misa de Gallo ang karamihan.

Iniwasan muna ang mga pagtitipon. Sa online virtual reunions muna nakuntento ang magkakamag-anak at magkakaibigan. Kailangan ng ganoong mga pagbabago sa nakasanayan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Maging sa Pamilya Aguinaldo ay ibang-iba ang Paskong iyon. Hindi bunsod ng pandemya, kundi dahil sa paghihiwalay ng mag-asawang Diane at Dennis.

Lolo at lola ang kasama sa Noche Buena ng mag-inang Diane at JR sa halip na ang kanilang padre de pamilya. Dahil nag-iisa ay itinulog na lamang ni Dennis ang gabing iyon na para bang isang pangkaraniwang araw lamang.

Kinaumagahan, maagang pumunta si Dennis kila Diane upang dalawin si JR. Gusto nga sana niyang hiramin ang anak upang makasama niya maghapon sa araw ng Pasko ngunit babyahe pa siya pauwi ng Batangas.

Pinakiharapan naman siya ni Diane ng maayos. Kahit sa loob nito’y hindi maiwasang mabalisa na isiping muling magkikita sila Dennis at Pam doon.

Inanyayahan naman sila ni Dennis upang makita din si JR ng mga tiyahin at pinsan nito ngunit nagpasya si Diane na hindi na lang sila sumamang mag-ina.

“Tuloy na po ako… Merry Christmas po ulit…” paalam ni Dennis sa mga magulang ni Diane.

“Hey bud… Alis na si daddy ha… Dalan na lang kita ng pasalubong pagbalik ko…” at humalik na siya sa kanyang junior na abala sa bago nitong laruan.

“Ingat ka, Dennis… Uhmm… Pagbalik mo, mag-usap tayo ulit ha?”

Tumango lamang si Dennis kay Diane bilang tugon at tuluyan na itong umalis.

————————-

2021

Magkakasamang sinalubong ng mag-anak ang pagpasok ng bagong taon. Ilang araw na din mula nang sunduin ni Dennis ang mag-ina. Alang-alang kay JR ay nagkasundo ang mag-asawa na susubukan nila ulit.

Ibinabalik ni Dennis kay Diane ang kanyang wedding ring ngunit tumanggi ito. Hindi naman sa pagsusuot ng singsing nakikita ang pagiging mag-asawa, aniya. Saka na lamang daw kapag sigurado na silang makakabuti nga para sa kanilang pamilya ang kanilang pasya na magkasundo.

I was wrong when I hurt you
But did you have to hurt me too?
Did you think revenge would make it better?
I don’t care about the past
I just want our love to last
There’s a way to bring us back together

I must forgive you (I must forgive you)
You must forgive me too (We’ve got to try)
If we wanna try to put things back the way they used to be
(Honey let’s start again)
‘Cause there’s no sense in going over and over
The same things as before
So let’s not bring the past back anymore
(No looking back, we can’t look back)
(Honey let’s start again)

Gaya ng sa awiting ‘The Past’ nila Ray Parker at Natalie Cole, sinikap nila Dennis at Diane na kalimutan na ang mga nangyari, magkapatawaran, at magsimulang muli. Madaling bigkasin ang liriko ng kanta, ngunit sa totoong buhay, sadyang mahirap gawin at mapanindigan.

Nagbalik man ang mag-ina sa kanilang bahay, ngunit may mga bagay talaga na sadyang mahirap nang ibalik sa dati. At may mga bagay na mahirap kalimutan ng mga pusong hindi pa lubusang naghihilom.

Sa tuwing sasagi sa isip ang mga alaala ay muling nauungkat ang masasakit na pangyayari. Iniiwasan nilang mag-away ngunit ramdam ang panlalamig. Palaging tila may tensyon sa kanilang tahanan.

May mga pagkakataon na sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik ay may masasabi ang isa na dadamdamin ng kabila. Maiiyak si Diane. Iinit ang ulo ni Dennis. Ang senswal na mga tagpo ay tuwina na lang nauuwi sa pagtatalo.

Dumaan ang kanilang wedding anniversary na ni hindi man lang nila ipinagdiwang. Mas pinili nilang ituring na lamang iyon na pangkaraniwang araw kaysa muli na namang pag-ugatan ng pagtatalo at sumbatan ang mga masasamang alaalang nakadikit sa espesyal na okasyong iyon.

Kahit sinisikap ng mag-asawa na mag-work muli ang kanilang pagsasama ay sadyang mahirap kapag iyon ay nagkalamat na.

“Sigurado kayo Hon, ayaw niyo sumama?”

“Hindi na. Masasaktan lang ako sa makikita ko. Saka baka makaistorbo pa kami sa inyo ni Pam do’n. Ikaw na lang.” maktol ni Diane habang pinagmamasdan si Dennis na nag-aapurang gumayak.

“Diane naman! Hindi naman si Pam ang rason kaya uuwi ako!… Si Greg!” angil nito sa asawa.

“Halika sumama ka! Hindi ba inaaya kita, ikaw ‘tong may ayaw? Para ka namang bata eh!”

Sa halip na tumugon ay umikot lamang ang mata ni Diane sa pag-irap na lalong ikinainis ni Dennis. Pinipilit niyang lawakan ang pang-unawa kay Diane ngunit may mga pagkakataon na nauubusan na din siya ng pasensiya sa asawa.

“Ang aga-aga pinapainit mo ulo ko! Arghh! Makaalis na nga!”

Padabog nitong hinablot ang kanyang telepono at binaldog ang pinto ng silid sa kanyang paglabas. Napaiyak na lang si Diane. Pinipilit niyang ibalik ng buo ang kanyang tiwala kay Dennis ngunit hindi niya talaga magawa.

Pagbalik ni Dennis ng Manila kinagabihan ay hindi na niya nadatnan sa bahay ang mag-ina. Wala pati ang mga gamit ng mga ito.

Doon na nagwala si Dennis at nagbasag pa ng mga kagamitan dahil sa pagkadismaya. Wala na. Suko na siya. Ayaw na din niyang sundan pa si Diane upang suyuin.

Marahil nga ay tama ang sinasabi nito na hindi na talaga babalik ang lahat sa dati. Naroon pa ang pagmamahal ngunit sadyang nanlamig na. At kung ipipilit pa nilang magkabalikan, baka lalo lamang silang maging miserable. Lalong kawawa lamang ang kanilang anak.

Sa kanilang pag-uusap sa sumunod na mga araw ay tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon. At noong taong iyon ay napagkasunduan nilang mag-file ng Petition for Annulment.

Makahanap man si Dennis ng bagong makakasama sa buhay ay wala naman na siyang balak magpakasal pang muli ngunit gusto niyang ibigay kay Diane ang lubos na kalayaan nito. Kung hindi na ito magiging masaya sa piling niya, ayaw niyang ipagkait dito ang pag-asang makahanap ng bagong pag-ibig.

Isang napakahirap na desisyon na ipawalang-bisa ang kanilang kasal. Ngunit napagtanto nilang iyon ang praktikal na gawin. Nagkasundo silang sisikapin na lamang maging magkaibigan pa din at mabuting mga magulang kay JR.

Mas mabuti nang magkahiwalay sila nang magkaibigan. Kaysa ipagpatuloy pa ang kanilang pagsasama ngunit parang kaaway naman kung ituring ang isa’t isa.

Sa pagkakaroon na ng bakuna sa COVID ay nagpasya si Diane na magbalik na sa kanyang propesyon bilang nurse. Si Dennis naman ay inilaan na lang ang oras sa pagtutok sa kanyang lumalagong negosyo.

May kasunduan ang dalawa na kahit nasa korte pa ang kanilang petisyon ay pinapayagan na nila ang isa’t isa na magkaroon ng ugnayan sa iba. Baka sa ganoong paraan ay mas madali silang hihilom mula sa kanilang failed marriage.

Sa paglipas ng mga buwan, ilang babae na din ang nagdaan kay Dennis. Ngunit wala na atang makakapukaw ng kanyang pansin at magpapatibok sa kanyang puso na katulad ni Diane. Kahit nga natatanggap na niya ang kanilang paghihiwalay ay pirming suot pa din niya ang kanyang wedding ring.

Ika-24 ng Disyembre, alas-siete ng gabi. Dumalaw si Dennis sa bahay nila Diane upang makita ang anak at magdala ng mga regalo. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may madatnan doong bisita ni Diane.

“Ahhh… Doc Eric… si… si Dennis nga pala… daddy ni JR. Uhmm… Dennis… si Doc Eric… kasamahan ko sa work.” naiilang na pagpapakilala ni Diane sa dalawang lalaki.

“Ikaw talaga Diane… Eric na lang sabi eh.” sambit nito kay Diane saka pumaling kay Dennis.

“Eric, pare.”

Iniabot ng doktor ang kamay nito sa kanya at tinanggap naman iyon ni Dennis. Tumango siya at nakipagkamay dito.

Dumeretso si Dennis sa dining kung saan naroon si JR kasama ang lolo nito habang abalang nagluluto naman ang kanyang lola at kanilang kasambahay. Humalik siya sa anak at tinabihan ang papa ni Diane.

Napakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan si JR na abalang naglalaro ng doctor playset. Ngayon lamang nya iyon nakita na nilalaro ng anak kaya’t malamang ay galing iyon sa bisita ng mommy nito.

“Boyfriend ho niya?” pasimpleng bulong ni Dennis sa papa ni Diane.

“Nako hinde. Manliligaw pa lang. Sa’yo pa din kami boto.” at napangiti si Dennis sa nadinig.

Nakatalikod ang dalawa sa sala sa pagkakauo nila sa hapag-kainan at natatakpan sila ng divider. Humiwa si Dennis sa cake na nasa lamesa at mineryenda iyon habang pabulong na nakikipagkwentuhan.

Nalaman niyang matanda ng limang taon kay Diane ang doktor, walang asawa ngunit may isang anak sa pagkabinata. Nursing ang pre-med na kurso nito kaya’t magkasundo sila ni Diane.

Ipinagtapat daw agad ni Diane dito ang kanyang estado nang magpahayag na nais nitong manligaw at tanggap naman daw nito maging si JR. Pangalawang beses pa lang daw itong nakakadalaw sa kanila pero lumalabas-labas ang kanilang anak kasama ang doktor.

Kahit malinaw ang kanilang usapan na malaya na silang makipagrelasyon sa iba ay may kurot pa din sa puso ni Dennis ang mga nalaman. Mukhang tuluyan nang nakapag-move on si Diane.

“Ma, Pa, alis na daw po si Doc— uhmm… si Eric.” tawag ni Diane mula sa sala.

“Aalis ka na agad, hijo? Oh dalhin mo ‘to. Salamat ulit sa cake ha.” at iniabot ng mama ni Diane ang isang paper bag ng ipinagbalot na handa.

Nasamid si Dennis nang malamang dala pala ng manliligaw ni Diane ang cake na kanyang kinakain. Bumubungisngis ang papa ni Diane nang abutan siya nito ng baso ng tubig habang tinatapik ang kanyang likod.

“Ang dami po nito ah, salamat Tita… Tito, tuloy na po ako at du-duty pa ‘ko…”

“Tito? Pamangkin niyo?” sarkastikong bulong ni Dennis kahit nauubo pa sa pagkakasamid.

Pigil na pigil ang tawa ng papa ni Diane na kumaway na lamang sa bisita.

“Bye JR… enjoy your new toy ha… Dennis, nice meeting you pre…”

Nag-angat na lang din ng kamay si Dennis sa pamamaalam ng doktor.

“Merry Christmas po… Merry Christmas sa’yo… Diane.” paalam nito at akmang hahalik sa pisngi ng nililigawan.

“Ahh… halika na… hatid na kita sa labas…” iwas naman ni Diane at inihatid na niya ang manliligaw palabas ng kanilang gate.

Pagkaalis ng bisita ay lumipat ang dating mag-biyenan sa sala upang doon ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Dumeretso naman si Diane sa kusina upang tumulong sa pagluluto.

“JR oh… open mo na ‘tong gift ni daddy… wag na ‘yang nilalaro mo, pangit naman ‘yan.”

Pabirong ang hirit ni Dennis ngunit halatang may laman. Iniabot niya ang malaking kahon sa anak at inilagay na lang sa ilalim ng Christmas tree ang iba pang mga regalo. Sabik na pinunit ni JR ang palarang nakabalot sa kahon.

“Cool!! Daddy, open!”

Nang makita ang lamang remote control car ay agad na tumayo ang paslit at iniwan na ang laruang bigay ng doktor. Tuwang-tuwang napatakbo sa kanyang daddy upang magpatulong kung paano iyon paganahin.

Parang naantig naman si Diane habang minamasdan ang mag-ama. Batid niyang magkaroon man siya ng ibang makakasama at makakatuwang sa buhay ay walang kahit sinong makakapantay kay Dennis bilang father figure sa kanyang anak.

Wala pang isang oras ang nakalipas ay tumayo na din si Dennis at nagpaalam.

“Pa, tuloy na din ako. Idinaan ko lang talaga yung mga regalo.”

“Ang aga pa, uuwi ka na?” pagtataka ng mama ni Diane

“Didiretso kasi ‘ko ng Batangas, Ma. Kaya naman sigurong umabot ako do’n ng alas dose.”

“Ah gano’on ba. Oh teka lang, ipagbabalot kita. Padalhan ko din mga ate mo…”

Maya-maya’y lumapit sa salas si Diane mula sa kusina habang nagpupunas ng mga basang kamay sa kitchen towel.

“Hmm… Ba’t hindi ka na lang dito mag-Noche Buena… Tapos bukas ka na lang umuwi ng Batangas… Kung gusto mo lang ha.” nakangiting paanyaya ni Diane sa ex-husband nito.

Nagkatinginan ang mama at papa ni Diane na masayang-masaya sa pag-anyaya ng kanilang anak kay Dennis. Noon pa kasi nila gustong imbitahin ito sa tuwing may okasyon ngunit lagi silang pinipigilan ng anak.

Kailangan na daw nilang masanay na wala si Dennis sa kanilang buhay. Kaya naman ganoon na lang ang kanilang galak na si Diane na mismo ang umaya kay Dennis na manatili.

Malugod naman itong nagpaunlak. Hindi katulad noong nakaraang taon na nag-iisa lamang siya, napakasaya niya na kahit nagkahiwalay na nga sila ni Diane ay muli niyang nakasama ang kanyang mag-ina sa Noche Buena.

————————-

2022

Nagpasya sila Dennis at Diane na ibenta na lang ang kanilang bahay at ilaan iyon sa pag-aaral ni JR. Mag-aapat na taong gulang na ito at papasok na sa Nursery na baitang sa taong iyon.

Gusto na din ni Dennis na tuluyan nang malimutan ang masasamang alaalang nakakabit sa bahay na iyon. Kasama ang kanilang aso ay umupa na lamang siya ng studio type apartment na malapit lang sa kanyang shop.

Patuloy na bumubuti ang pagkakaibigan nila Dennis at Diane. Umuusad pa din sa korte ang kanilang annulment. Ngunit kahit ang kanilang anak na lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa ay nanatiling maganda ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa at maayos ang kanilang co-parenting kay JR.

Unconventional ang kanilang set-up ngunit sinisikap nilang maging tapat sa bata. Kahit mahirap talagang ipaliwanag kay JR ang mga bagay-bagay sa mura nitong edad.

“Mommy… hindi mo love si Daddy?” tanong ni JR mula sa likod ng kotse.

Napasulyap si Diane sa rear view mirror upang silipin ang anak. Linggo noon at on the way si Diane upang ihatid si JR sa apartment ni Dennis bago siya pumasok sa ospital.

“Why did you ask?” balik-tanong ni Diane.

“Iba house niya eh. Dapat same house tayo.” malungkot nitong tugon.

“Sweetheart… minsan… there are mommies and daddies na hindi sila together, they don’t live in one house, but they are good friends… like kami ni Daddy.”

Blankong nakatingin lang sa kanyang mommy sa salamin ang walang-muwang na paslit at napabuntong-hininga na lang si Diane sa kamusmusan pa ng anak.

“JR… maliit ka pa ‘nak eh, kaya hindi mo pa naiintindihan. One day, when you get older, ieexplain namin ni daddy sa’yo ha.”

Pinihit ni Diane ang manibela paliko sa kalye ng tinutuluyan ni Dennis. Natanaw na niya ito na nag-aabang sa gate ng apartment complex.

Pagkaparada niya sa tapat ay nilingon ni Diane ang anak at hinaplos ang pisngi nito.

“Basta tatandaan mo… Daddy and I… We both love you very much. Ok?”

Tumango si JR at dumukwang upang humalik sa pisngi ng kanyang mommy sakto sa pagbukas ni Dennis sa pinto ng sasakyan.

“Hey buddy!” bati ni Dennis sa kanyang junior.

“Daddy!”

Sabik na bumaba na ng kotse si JR na kinarga naman ng kanyang ama.

“Thanks Diane ha. Di ko na nasundo, tinanghali ako ng gising eh.”

“Ok lang ano ka ba, du-duty rin naman ako. Sige alis na ko ha… Bye JR!”

“Buhbye Mommy!” at sabay na kumaway ang mag-ama sa paglayo ng sasakyan ni Diane.

Tuloy pa rin ang panunuyo ni Eric. Ngunit dumating sa punto na kinausap na ito ni Diane at tinapat dahil ayaw niya itong paasahin. Sa mga panahong iyon kasi ay tanging pagkakaibigan lamang ang kaya niyang ibigay sa manliligaw.

Wala sa prayoridad ni Diane ang magkaroon ng bagong pag-ibig. Kuntento na siya sa paminsan-minsang paglabas kasama ang mga kaibigan. Mas gusto niyang ilaan ang oras at atensyon niya kay JR at sa kanyang trabaho. Naunawaan naman ni Eric ang kanyang pasya.

Hindi lingid kay Diane na mayroon nang girlfriend si Dennis. Minsan niya kasi itong nakita sa mall na may kasamang babae, sweet na sweet at magkahawak ng kamay.

Aminado siyang may kirot na makitang may bago nang minamahal ang dating mister. Ngunit kailangan niyang tanggapin iyon. Malinaw naman ang kanilang napagkasunduan na malaya na silang makipag-ugnayan sa iba.

Walang nababanggit si Dennis sa kanya tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong girlfriend. Sabagay, wala naman itong obligasyon na ipaalam pa iyon sa kanya. May karapatan ito na maging masaya at alam niyang balang-araw siguro ay makakatagpo din siya ng bagong pag-ibig.

Abril, Sabado ng hapon, kaarawan ni Dennis. Naisipan nila Diane at JR na mag-bake ng cake at idinaan nila iyon sa apartment nito. Dahil wala naman siyang inaasahang bisita ay nagpadeliver na lang si Dennis ng pagkain at inanyayahan ang mag-ina na doon na lang maghapunan.

Kung noong nakaraang taon ay tanging si JR ang kanyang kasama sa bahay upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, masayang-masaya si Dennis na kahit magkaibigan na lamang sila ay nakasama din niya si Diane.

Lumalalim na ang gabi. Panay ang tawanan at kwentuhan ng dalawa habang nakasalampak sa carpet at umiinom. Di na napapansin ang paglipas ng oras dahil sa pag-eenjoy sa company ng isa’t isa.

“Nako Dennis gumagabi na… Sige na, uwi na kami…” sambit ni Diane matapos icheck ang oras sa kanyang telepono.

Nakakadalawang bote na sila ni Dennis. Inubos na ni Diane ang laman ng kanyang baso at inilapag na sa lamesita ang tangan na wine glass. Saka ito bumwelo upang tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig.

“Uuwi pa kayo eh nakainom ka… Mamaya makabangga ka pa, Letty. Mahimbing na tulog ni JR sa sofa oh… bukas na kayo umuwi.” pigil naman ni Dennis dito.

Patayo na si Diane upang gisingin si JR nang hablutin ni Dennis ang kanyang kamay at hatakin siya pabalik. Natigilan naman si Diane sa pag-ahon at napatumba sa ibabaw ni Dennis.

Nagkatapat ang kanilang mga mukha. Namumula ang mga pisngi ni Diane dahil sa nainom. Ngayon na lang sila muling nagkalapit ng ganoon. Ngayon na lang ulit namasdan ni Dennis ang kagandahan ni Diane ng malapitan.

Tinitigan ni Dennis ang namumungay na mga mata ng dating kabiyak, pababa sa ilong nito at dumapo ang kanyang tingin sa mapupula nitong labi. Hindi na niya napigilan ang sariling lumapit upang hagkan iyon.

Marahil bunga lamang ng kanilang nainom o dala din ng mga damdaming matagal nasabik sa isa’t isa, kusang nagpaubaya ang kanilang isip sa kanilang mga katawan. At agad namang gumanti ang mga labi ni Diane sa maalab na halik ni Dennis.

Mainit at puno ng pagkasabik. Tila pinupunan ang matagal na pangungulila sa isa’t isa.

Saglit silang nagkalas at habol-hiningang tinitigan ang mga mata ng bawat isa. Tingin na tila kapwa nagtatanong ngunit hindi na kailangan pa ng kasagutan.

Sa muling paghihinang ng kanilang mga labi ay tuluyan na silang nagpatangay sa agos. Kapwa natataranta habang nagtatanggal ng mga saplot. Magkahinang pa din ang mga labi habang humahakbang patungo sa kama ni Dennis.

Parang sinisilaban si Diane habang dinarama ang bawat haplos ni Dennis sa kanyang katawan. Ang bawat hagod ng mga kamay nito sa kanyang balat. Ang bawat galaw ng mga labi nitong muling naglalakbay sa kanyang kabuuan.

Bumaybay ang mga halik nito mula sa kanyang leeg. Pinagpala ang magkabila niyang suso at nilaro-laro ang kanyang tirik na mga utong. Ninamnam ni Dennis ng husto ang mga bundok na iyon na kay tagal din niyang inasam na matikmang muli.

Patuloy na gumapang ang mga halik ni Dennis pababa sa kanyang tiyan, patungo sa hiyas na naglalawa. Sabik na madiligan matapos ang napakatagal na pagkatigang.

Ramdam ni Dennis ang panginginig ng katawan ni Diane. Tila musika sa kanyang pandinig ang bawat ungol at halinghing nito. Kahit may kirot ay parang tropeyo ang bawat sabunot at kalmot nito sa kanya nang agad itong makaabot sa rurok ng sarap sa kanya pa lang pagromansa.

“Pasok mo, Dennis… God, miss na miss ko na makantot!”

Wala nang alinlangan si Diane sa mga salitang sinasambit habang hinahagod nito ng kamay ang tigas na tigas na burat ni Dennis. Mahigit isang taon na mula nang huli nilang pagniniig at walang ibang lalaking nagdaan sa kanyang buhay.

“Tangina namiss kita ng husto, Diane… miss na miss ko ‘tong puke mo!”

Kapwa nanginginig ang kanilang mga katawan sa libog at pagkasabik. Napasinghap si Diane nang itutok na ni Dennis ang kargada nito sa bungad ng kanyang pagkababae. Ramdam niya ang init at tigas ng tubong iyon na bumubundol sa kanyang laman. Panauhing kay tagal nang hindi dumalaw.

“Ahhh… Fuck me, Dennis! Pasok mo na…” pakiusap nito nang namumungay ang mga mata.

Sa biglang pag-ulos ni Dennis ay tumulo ang luha ni Diane sa di malirip na sarap. Kahit nahihilo mula sa nainom ay ramdam na ramdam niya ang hagod ng lamang iyon na kumakayod sa kanyang loob. Kinakamot ang kati ng pagkasabik at pinapawi ang kirot ng naipong libog.

Sa tagal na ay parang nanibago muli ang kanyang puke. Namumuwalan iyon at banat na banat sa paglabas-masok ng tarugo ni Dennis. Kahit basang-basa ang kanyang kweba ay may bahagyang kirot ng pagkabanat ng laman. Kirot na lalong nagpapatindi sa sarap na kanyang nararamdaman.

Ipinihit ni Dennis si Diane patuwad. Alam niyang paborito nito na iniiyot sa ganoong posisyon. Sa bawat hampas ng kanyang balakang na nagpapaalog sa matambok nitong puwet ay palakas ng palakas ang mga ungol nito. Maya-maya lang ay napapamura na ito sa sarap habang muling nilalabasan.

Mariing napalamukos si Diane sa kobre-kama at kumikintod-kintod ang balakang habang niraragasa ng orgasmo. Hapong-hapo itong napahandusay padapa sa kutson at muli siyang itinihaya ni Dennis saka pinatungan.

“Nakakadalawa ka na ha… Ang sarap mo Diane… tangina namiss kita…” sambit ni Dennis habang hinahalikan ang leeg at tainga nito.

Muling itinuloy ni Dennis ang pagkasta. Titig na titig siya sa mukha ni Diane na nangingiwi habang sagad-sagaran niya itong binabayo. Maging si Diane ay napatingala sa kanya at muling naglapat ang kanilang mga labi.

Sa muling pagsusugpong ng kanilang laman ay tila may damdaming muling nabuhay. Para bang hindi lamang mga katawan nila ang magkalapat, ngunit maging ang kanilang mga puso.

Malakas ang tunog ng kanilang salpukan. Pakiramdam ni Dennis ay mas sumikip si Diane, lawang-lawa din ang lagusan nito. Pati singit ni Diane at maging ang kanyang bayag ay basang-basa sa katas. Hindi maitanggi ang pagkasabik nito sa kantot.

Kusang sumasalubong ang balakang nito habang nakapulupot ang mga hita sa kanyang balakang. Panay ang halik ni Diane sa kanyang leeg at nilalapirot ang magkabila niyang utong habang pinipiga-piga ng laman nito ang kanyang burat sa loob.

“Puta malapit na’ko! Saan ko ipuputok?!”

“Sa loob! Safe ako ngayon, sa loob mo putok! Sige pa Den, malapit na din ako!”

Itinodo na ni Dennis ang pagbayo. Kayog na kayog at namumula na ang puke ni Diane sa sunod-sunod na madidiing ulos. Hanggang sa naramdaman niya ang lalong pagsikip ng lagusan nitong nakakapit sa kanyang laman at ang pagbalot doon ng mainit nitong katas.

Habang nangingisay si Diane sa kanyang ilalim at naninigas ang mga binti ay tuluyan na ding sumirit ang kanyang tamod. Ilang bugso iyong pumulandit sa kaibuturan ng sinapupunan nito. Kahit nakakatikim siya ng ibang babae ay wala pa ring kasing sarap ang pagniniig nilang dalawa ni Diane.

Hingal na hingal na bumagsak ang katawan ni Dennis at muling naglapat ang kanilang mga labing sabik sa isa’t isa. Kapwa mabilis ang tibok ng mga pusong matagal na nangulila.

“No Dennis, mali. Hindi ‘yon dapat nangyari.” sambit ni Diane habang nagbibihis ito.

Maagang nagising si Diane kinabukasan. Di na nila namalayang nakatulog na silang magkatabi at walang saplot matapos ang nangyari kagabi.

Gayon na lang ang kanyang pagsisisi. Kahit aminado siyang nasarapan siya sa nangyari at namiss din niya si Dennis, batid niyang mali iyon. Dahil mayroon itong nobya.

Hindi na lang kumibo si Dennis. Matagal na panahon ang lumipas bago bumuti ang pakikitungo nila ni Diane sa isa’t isa at ayaw niyang muli na naman iyong masira dahil sa nangyari.

Marahil nga ay nakapagmove-on na ito. Marahil nga ay pisikal lang kay Diane ang nangyari. Kahit na sa parte niya ay tila may damdaming muling nabuhay, hindi niya maaaring asahan na ganoon din ang nararamdaman ng dating asawa.

Nagbihis na din si Dennis. Ginising na ni Diane si JR upang magaalam sa daddy nito.

“Dennis kalimutan mo na lang yung nangyari ha… Mas ok na tayo ngayon na ganito.”

Tumango na lang si Dennis.

Ipinagtaka ni Diane nang hindi siya datnan ng buwanang dalaw. Inisip niyang baka delayed lamang iyon kaya’t naghintay pa siya ng ilan pang linggo ngunit wala pa din. Bukod pa roon ay may iba pa siyang mga pagbabagong nararamdaman sa kanyang katawan kaya naman nagpacheck-up na siya.

Doon niya nakumporma ang kanyang hinala. Positive. Nagdadalang-tao nga siya.

Agad niya iyong ipinaalam sa kanyang mga magulang. Ngunit taliwas sa payo ng mga ito ay hindi niya iyon sinabi kay Dennis.

Kahit na namayapa na ang kumare ay matagal na panahon siyang binagabag ng pagkakunsensiya kay Elsa dahil sa naging relasyon nila noon ni Greg. At ayaw na niyang maulit pa iyon.

Ayaw na niyang makaapekto pa sa relasyon ni Dennis at ng nobya nito dahil alam din niya ang pakiramdam ng mapagtaksilan.

Tuloy pa din ang pagpunta-punta ni Dennis sa kanilang bahay upang dalawin si JR. Iniiwasan na lamang siya ni Diane at nagkukulong sa kwarto kapag natataong nasa bahay siya kapag bibisita ito.

Ngunit hindi naman niya habambuhay na maitatago kay Dennis ang kanyang pagbubuntis. At dumating sa puntong nahalata na din nito ang paglaki ng kanyang tiyan kaya naman kinumpronta na siya nito at wala na siyang nagawa kundi umamin.

“Diane naman! Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin?! Wala ba ‘kong karapatang malaman?”

“My mistake… namali ako ng kalkula. I thought I was safe no’n eh.”

“Hindi ‘yan mistake, ok? Anak natin ‘yan eh! Baka nga sign na ‘yan na–”

Hindi na naituloy ni Dennis ang sasabihin nito dahil sa pagsabat ni Diane.

“No. This doesn’t change anything. Gano’n pa din… we will co-parent both of them.”

“Hay Diane…” naiiling na lang na sagot ni Dennis.

“Ayokong makagulo sa inyo ng girlfriend mo. I’ll be fine. Kapag nakapanganak na ‘ko, edi dalawa na sila ni JR na dadalawin mo dito.”

“Huh? Girlfriend? Anong girlfriend? Eh wala naman akong girlfriend?… Kung saan mo man nakuha ‘yan, mali ka ng iniisip… Wala naman nang makakapalit sa’yo sa buhay ko.”

Tila naantig naman si Diane sa nadinig ngunit nanatili pa din siyang firm sa kanyang pasya.

Hinawakan ni Dennis ang magkabila niyang kamay at tinitigan ang kanyang mga mata.

“Look Diane… Gusto ko kayong alagaan… kayong tatlo. Please, kahit ‘wag na para sa akin, para na lang sa mga bata.”

Nalaman man ni Diane na wala talagang kasintahan si Dennis ay hindi pa rin niyon nabago ang kanyang pasya. Maayos na sila ngayon. Ayaw na niyang isugal pa ulit ang matiwasay nilang ugnayan sa pangambang baka maulit na naman ang lahat.

Kung kailan naghihilom na ang kanilang mga sugat, baka manariwa lamang iyon ulit kung muli silang magsama at hindi na naman iyon umayon sa kanilang inaasahan.

“Hindi rason ang mga bata para magkabalikan tayo Dennis eh… Can’t you see, mas ok tayo na magkaibigan… Mas magiging mabuti tayong magulang sa kanila kapag ganitong maayos tayong dalawa.”

Ika-24 ng Disyembre. Palinga-lingang humahangos si Dennis habang hinahanap ang Delivery Room ng ospital. Sa Enero pa due ang dinadala ni Diane ngunit mukhang mapapaaga ang panganganak nito.

Nang makatanggap ng tawag mula sa mama ni Diane ay agad siyang napasugod sa ospital upang damayan ito sa panganganak. Tila nanumbalik ang kaba at pagkasabik na una niyang naramdaman noong isisilang pa lang si JR.

Habang ang buong bansa ay abalang naghahanda para sa Noche Buena, buong pwersa namang umiire si Diane upang iluwal ang ikalawang anak. Ngunit naroon si Dennis sa kanyang tabi upang hawakan ang kanyang kamay.

————————-

2023

Sa pagsilang ng isa pang munting anghel ay lalong nagkalapit sila Diane at Dennis. Patuloy silang naging mabuting magkaibigan habang ginagabayan ang paglaki ng kanilang mga anak.

Mas nadadalas ang pagdalaw ni Dennis. May sarili nang kwarto si JR sa bahay ng lolo at lola nito at may mga gabi na doon siya natutulog katabi ng anak.

Rumerelyebo din siya minsan kay Diane sa pagbabantay sa kanilang baby sa magdamag upang makapagpahinga ito. Sumasama din siya sa mga check-up at pagpapabakuna ng kanilang anak.

Lumipas ang mga buwan at dumating ang kaarawan ni JR. Isang racing theme na party ang nakatakda kinahapunan para sa mga kaklase at kalaro nito. Ngunit paggising pa lang ay sinorpresa na si JR ng kanyang mga magulang.

“Happy Birthday, JR!” bati ng mga ito sa anak na pupungas-pungas pa.

Bitbit ni Dennis ang cake habang vinivideo naman ni Diane ang reaksyon ni JR. Nakangiti at parang napatulala ang paslit habang nakatitig sa kandilang korteng 5 na nasa ibabaw ng makulay na cake nito.

“Oh make a wish sweetheart, tapos blow mo na, dali!” excited na buyo ni Diane.

“Papa Jesus… sana po…”

Pumikit ang paslit at tumingala nang magkasapo ang mga kamay habang humihiling. Humahaba naman ang leeg at halos manlaki ang tainga ng mga magulang upang ulinigan ang sinasambit ni JR sa panalangin nito ngunit hindi nila maintindihan ang ibinubulong.

Sa pagmulat ni JR ay hinipan na niya ang kandila at yumakap sa kanyang mga magulang at nagpasalamat.

“Psst, JR… ano yung winish mo?” pabirong kantyaw ni Dennis sabay siko sa anak.

Hindi naman akalain ni Dennis na sasagot nga ito. Biglang bumalikwas si JR at may hinugot na piraso ng papel sa ilalim ng unan at inilatag iyon sa kanyang kama.

Nagtatakang pinagmasdan iyon ng mga magulang habang binubuksan ng paslit ang pagkakatupi ng papel. Matama silang nakaabang at sa loob ay nakita nila ang isang drawing.

“House? House ang wish mo ‘nak?” nagtatakang tanong ni Diane.

“Opo. House na magkakasama tayo ni daddy inside… tayong apat… happy family…”

Nagkatinginan na lang sila Dennis at Diane sa inosenteng hiling ng kanilang anak. Kahit sanay na ito sa kanilang set-up, kahit nakagawian na nitong matulog sa dalawang bahay, ay umaasam pa rin ito na muling mabubuo ang kanilang pamilya.

Niyakap at hinalikan na lamang si JR ng kanyang mommy at daddy. Kung materyal na bagay lang sana ang gusto nito ay napakadaling maibigay. Ngunit gaano man nila kamahal ang anak, batid nilang hindi ganoon kadali ipagkaloob ang hinihiling nito.

Nagagawa naman nila Dennis at Diane na iparamdam kay JR na buo pa rin ang pamilya nito kahit magkaibigan na lamang ang kanyang mga magulang. Lagi silang kumpleto sa mahahalagang okasyon. Wala ding school activity si JR na hindi nila nadaluhan.

Paminsan-minsan ay nakakapamasyal silang apat nang sama-sama. Kung titignan nga sila ng ibang tao na walang alam tungkol sa kanilang buhay at nakaraan ay iisiping isa silang masayang pamilya na buo.

Maraming broken families na hindi kasing matiwasay ng kanilang set-up, kaya’t mapalad pa din si JR na nagagawang iparamdam ng kanyang mga magulang na buo pa din kahit papano ang kanyang pamilya.

“Ok… Sige po attorney… Maraming salamat.”

Katatapos lang ni Diane makipag-usap sa kanyang abogado sa telepono matapos niyang matanggap via courier ang kopya ng annotated na marriage certificate nila ni Dennis.

Sa taong iyon lumabas ang desisyon ng korte na igrant ang annulment ng kanilang kasal. Kung kailan wala nang mga sumbatan. Kung kailan hindi na sila nag-aaway. Kung kailan tila nakalimot na sila pareho sa masasakit na nangyari, ay saka pa naisa-pinal ang kanilang paghihiwalay.

Kung tutuusin ay pormalidad na lamang naman iyon. Ngunit kapwa din sila nakaramdam ng lungkot nang opisyal nang kilalanin ng batas ang kanilang paghihiwalay. Malaya na silang muli.

Lumipas ang mga buwan na wala namang nagbago sa pakikitungo nila Diane at Dennis sa isa’t isa. Sa trabaho at sa kanilang mga anak pa din kapwa nakatuon ang kanilang atensyon. Kahit nagkahiwalay na sila, ang importante ay mapalaki nila ng maayos ang mga bata.

Napakabilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang isinilang niya ang kanyang baby, ngunit ilang buwan na lamang ay mag-iisang taon na ito. Kahit premature din nang ipinanganak ay malusog ang sanggol at malapit na ngang awatin sa pagdede sa payo ng kanilang pediatrician.

Kasalukuyang nakaupo si Diane sa recliner habang pinapasuso ang anak nang biglang pumasok si JR sa loob ng kanyang kwarto. Humahangos ito bitbit ang diecast na replica car na bigay noon ni Dennis sa kanya noong magnobyo pa lamang sila.

“Look mommy oh… Nao-open pala ‘to?!”

Gamit ang maliit na screwdriver ay nagmadali itong kalasin ang mga turnilyo upang buksan ang hood ng laruang kotse. Habang abala ito ay nakadinig siya ng mga yabag na paakyat ng hagdan at tumambad si Dennis sa nakabukas niyang pinto.

Inayos ni Diane ang telang nakatabon sa kanyang dibdib habang pinapasuso ang anak. Nakangiting sumandal si Dennis sa hamba ng pinto habang pinanonood si JR na excited na binubutingting ang laruan.

“Dennis anong–?”

“Shhh…” sabat nito at ininguso lamang si JR upang panoorin ni Diane ang ginagawa ng kanilang anak.

Nagtataka si Diane sa ikinikilos ng mag-ama na tila may kung anong surpresang binabalak. Muli niyang ibinaling ang tingin sa ginagawa ni JR. Kumakabog ang kanyang dibdib habang pinapanood ang pagkatanggal ng huling turnilyong kinakalas nito.

Sa pagbukas ng hood ay nagtaka si Diane sa kanyang nakita sa loob niyon. Isang susi.

Nakangiting lumapit si Dennis kay Diane at naupo sa gilid ng kama. Excited namang kinuha ni JR ang susi sa loob ng kotse at ipinakita iyon kay Diane.

“Mommy oh! Key ng new house!”

“Dennis! Bakit–?”

“Nagwish si JR di ba… bibiguin ba natin siya?”

Di napigilan ni Diane na maluha nang yumakap si JR sa kanyang leeg at bumulong.

“Please mommy… I really want us together in that house. Please po…”

Parang sasabog ang dibdib ni Diane sa labis na emosyon. Marahil dahil sa mga lumipas na taon, kahit natanggap na niya na hindi talaga sila ni Dennis ang nararapat sa isa’t isa, may katiting na pag-asa pa din siyang pinanghahawakan na baka sakaling mabubuo pa din sa hinaharap ang kanilang pamilya.

Dumukot si Dennis sa kanyang bulsa at inilabas ang engagement ring nito. Napasapo si Diane sa kanyang bibig nang muling makita iyon na tangan ni Dennis.

“Diane… madaming nangyari… Hindi na natin mababago ‘yon… But one thing I realized is that… wala akong ibang minahal at gustong makasama sa habambuhay… kundi ikaw lang… kayo ng mga anak natin…”

Inabot ni Dennis ang kamay ni Diane, pinisil iyon at iniumang ang singsing sa dulo ng kanyang daliri.

“Diane… Will you marry me… again?”

Umiiyak na tumango si Diane at agad siyang niyakap ng mahigpit ni Dennis at hinalikan sa labi. Ang mga labing iyon ng nag-iisang babaeng kanyang minahal.

Kapwa sila lumuluha habang muling isinusuot ni Dennis ang singsing sa kamay ni Diane. Ang babaeng muli’t muli ay kanyang pakakasalan mapatunayan lamang dito ang kanyang wagas na pag-ibig.

Sa kabila ng lahat ng nangyari, ng mga unos na sumubok sa kanila sa pagdaan ng panahon, sa isa’t isa pa rin nila natagpuan ang kaligayahan. At alam ng kanilang mga puso na sa huli, sila talaga ang nakalaan para sa isa’t isa.

Well here we are again
I guess it must be fate
We’ve tried it on our own
But deep inside we’ve known
We’d be back to set things straight

I still remember when
Your kiss was so brand new
Every memory repeats
Every step I take retreats
Every journey always brings me back to you

After all the stops and starts
We keep coming back to these two hearts
Two angels who’ve been rescued from the fall
After all that we’ve been through
It all comes down to me and you
I guess it’s meant to be
Forever you and me, after all

Disyembre nang magpakasal muli sila Diane at Dennis sa huwes. Isang simpleng seremonya ang naganap sa presensya ng pinakamalapit nilang pamilya. Sila ang nagsilbing saksi sa muling pag-iisa ng dalawang taong pinaghiwalay ng mga pagsubok ngunit muling pinagbuklod ng tunay na pag-ibig.

Matapos ang tatlong taon ay muling naisuot ni Diane ang kanyang wedding ring. Dalawang petsa na ang nakaukit sa kanilang mga singsing. Ang isa ay ang una nilang pagpapakasal. At ang isa naman ay ang petsa kung kailan nila muling pinagtibay ni Dennis ang kanilang pagmamahalan.

Wala nang wedding vows. Hindi na kailangan pang mangako. Mas mahalaga na parehas silang natuto sa mga nangyari. Mas pinatibay na sila ng panahon. At sa pagkakataong iyon ay hindi na nila hahayaan na muli pang magkalamat ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Pasko. Madami pa silang kailangang ayusing gamit sa paglipat nila sa bagong tahanan. Ngunit doon na nila napagpasyahang ipinagdiwang ang unang kaarawan ng kanilang bunso at salubungin ang araw ng Pasko. Bagong buhay, bagong simula.

Sa pagkakataong ito ay ramdam ng mag-asawa na tama na ang kanilang pasya na magkabalikan at muling magpakasal. Dahil alam nilang hindi iyon ipinilit. Wala na silang bigat at sama ng loob na dinadala.

Binigyan nila ang mga sarili ng pagkakataon na maghilom. Napatawad na nila ang isa’t isa at maging ang kanilang mga sarili.

Hindi na mabubura pa sa kanilang isip ang mga nangyari, ngunit sa pagkakataong ito ay kaya na nilang iwan ang lahat ng iyon sa nakaraan. At harapin ang isang magandang bukas para sa kanilang pamilya.

Tatlong Pasko ang lumipas na hindi sila buo. Ngunit sa Paskong iyon ay muling nabuklod ng pagmamahal ang kanilang pamilya.

————————-

2024

Musta na pre… long time.

Pasko. Masayang sinalubong ng mag-anak ang kapaskuhan sa bahay ng mga lolo at lola kagabi. Matapos nilang dumalo ng Misa de Gallo ng magkakasama ay doon sila nag-Noche Buena kasama ang mga magulang ni Diane.

Kinaumagahan naman ay umuwi sila ng Batangas upang dumalo sa reunion ng mga kamag-anak ni Dennis na gaganapin sa kanilang ancestral house. Ngunit bago sila dumeretso sa okasyon ay dumaan muna ang mag-anak sa sementeryo.

Inilapag ni Diane ang bunton ng mga bulaklak sa tatlong lapida. Minasdan ang pangalan ng mga yumao nilang kaibigan pati ng junior sana ni Greg na ipinagbubuntis noon ni Elsa. Sa kanyang pagtayo ay muli siyang humawak sa kamay ni Dennis at taimtim na nag-alay ng panalangin para sa mga namayapa.

Tangna pre, baka pati mga anghel dyan nililigawan mo ha! Mare ikaw na bahala dyan!

Nangingisi si Dennis sa sinasambit niya sa kanyang isip, na para bang buhay pa din si Greg at Elsa at kanyang nakakausap.

Apat na taon na mula nang biglaang pumanaw si Greg sa pagsagip sa kanyang buhay. Ang kanyang kababata at pinakamatalik na kaibigan. Ang kanyang kumpare. Ang kanyang kapatid.

Napakalungkot ng kapaskuhan ng 2020. Bukod sa paghihiwalay nila ni Diane, nawala din ang isa sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Nang dahil sa kanya.

Sa halip na Pasko ang paghandaan noon ay sa burol ni Greg naging abala ang mga malalapit dito. Tumapat pa nga ang pa-siyam nito sa mismong araw ng Pasko. Matapos nga niyang dalawin noon si JR sa bahay nila Diane ay mag-isa siyang umuwi ng Batangas.

“JR yung kapatid mo ha… ‘Wag kayo masyadong malikot.” saway ni Diane sa kanilang panganay na nagpapahabol sa kapatid nito sa may damuhan.

Napalingon si Dennis sa kanyang mga anak na masayang naglalaro. Naisip niyang mapalad si JR na makasama pa din siya dahil sa ginawang pagbuwis ng buhay ng ninong nito upang sagipin ang kanyang daddy. At ayun nga at nasundan pa ulit ng isa pa ang kanilang supling ni Diane.

Sa kanyang pagpanaw, ang mga kapatid ni Greg ang nagsilbing guardians nila Pam at Kyle. Paminsan-minsan ay tinatawagan at kinakamusta din ni Dennis ang magkapatid. Kapag may pagkakataon at nakakauwi siya ng Batangas ay dinadalaw din niya ang mga ito.

Masakit sa kanyang kalooban na naging ulilang lubos ang mga bata nang dahil sa kanya. Ngunit hindi naman niya hawak ang mga pangyayari kaya’t sinisikap na lamang niyang makabawi sa mga ito. Iyon naman ang tungkulin ng mga ninong at ninang, ang tumayong ikalawang magulang.

Noong una ay madalas nila iyong pag-awayan ni Diane. Gaya noong bago siya umuwi para sa 40 Days ni Greg at pinagisipan na naman nito ng masama ang magiging pagkikita nila doon ni Pam.

Kahit noong nagkahiwalay sila ulit ay halata niyang iniinda pa rin nito sa tuwing mababanggit niyang uuwi siya ng Batangas. Di maiwasang maalala pa din ang namagitan sa kanila noon ng inaanak.

Ngunit walang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. Nang lumaon ay unti-unti na ding pinawalan ni Diane ang lahat ng kinikimkim na hinanakit hanggang sa bumalik na din sa dati ang turingan ng mag-ninang.

“Oh Hon… ok ka lang ba?” nag-aalalang bulong ni Diane habang hinahagod ang likod ni Dennis nang mapansin ang paghikbi nito.

Tumango si Dennis habang nagpapahid ng mga luha. Hindi na napigilan ang emosyon at pangungulila habang kinakausap sa isip ang kumpare.

Naroon ang labis na panghihinayang na hindi sila tuluyang nagkaayos nang nabubuhay pa ito. Ngunit mas nangingibabaw ang pasasalamat.

Kinapa ni Dennis ng kanang kamay ang peklat sa kanyang kaliwang balikat. Ang marka na habambuhay magpapaalala sa ginawa ni Greg para sa kanya.

Salamat Greg… Sa pangalawang buhay… Hinding-hindi ko sasayangin ang isa pang pagkakataon na itama ang lahat.

————————-

2025

“Greg! Halika na… kain na tayo…”

Napatingin si Diane sa orasan. Malapit nang mag-alas dose. Abala siyang naghahain sa lamesa ng mga putaheng inihanda. Sinindihan din ang mga kandilang napapalibutan ng mga palamuting pampasko.

Sa kanyang pagiging abala ay natigilan siya sa paglilikot ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Napangiti si Diane at hinimas ang kanyang tiyan.

“Merry Christmas din sa’yo, anak.”

Paroo’t parito siya sa kusina sa pag-aasikaso sa hapag. Lumapit si JR sa kanyang mommy at inabot ang bandehado ng lumpiang shanghai na hawak nito at siya na ang nagdala noon sa lamesa.

“Wow sarap nito mommy! Hindi pa ba tayo kakain?” ani ni JR habang dumudukot ng isang piraso.

“Kanina ka pa nga namamapak dyan eh! Sige sunduin mo na nga sa taas yung kapatid mo at nang makapag-Noche Buena na tayo.”

Agad namang sumunod si JR at umakyat upang tawagin ang kapatid na abalang nanonood ng cartoons sa kanilang kwarto.

Matapos ihanda ang lamesa ay nagpasya si Diane na akyatin na ang mga anak. Patungo sa hagdan ay nadaanan niya ang estante at napangiti sa nakaframe na mga larawang naroon.

May mga kuha mula noong magnobyo pa lang sila ni Dennis, hanggang sa ikinasal at dumating si JR. Naroon din ang mga kuha nang muli silang pagpakasal kasama ang dalawa na nilang anak.

May mga larawan din ng mga kaanak, maging mga kaibigan na itinuring na din nilang pamilya. Nangilid ang kanyang luha nang damputin ang isang espesyal na larawan.

Group picture iyon kung saan kasama nilang mag-anak ang pamilya Corpuz. Masayang magkaakbay sila Dennis at Greg sa gitna, magkatabi sila ni Elsa, katabi naman ni Kyle si Pam na buhat-buhat si JR.

Parang kailan lang nang kunan ang litratong iyon. Sa paglipas ng mga taon, sa dami na ng mga nangyari, sa pagkawala man ng kanilang mga kaibigan, may mga bagay na hindi na mababago. At iyon ay ang masasayang alaalang mananatili sa kanilang puso at isip.

Inilapag na niya ang picture frame. Napalingon siya sa kalapit na Belen at inayos ang mga pigurin na naroon. Sina Hosep, Maria, at ang sanggol na Hesus. Ang banal na pamilya na siyang sumisimbolo sa araw ng Pasko.

Kundi dahil sa pagsasakripisyo ni Greg ng buhay nito ay napakaagang naulila ni JR. Sa murang edad ay wala na itong kagigisnang ama sa paglaki nito at hindi na nabuo pa ang kanilang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang pagpapahalaga ni Diane sa ginawa ni Greg.

“Oh JR! Hayaan mo lang si Greg, baka lalo siyang ma-out of balance ‘pag hila-hila mo eh.” paalala ni Diane sa panganay habang tinatanaw niya ang pagbaba ng magkapatid sa hagdan.

David Gregory ang ipinangalan nila ni Dennis sa ikalawa nilang anak. Greg ang naging palayaw nito bilang alaala ng yumao nilang kumpare. Tatlong taong gulang na ito na nagdaraos ng kaarawan tuwing bisperas ng pasko.

Isa-isang humakbang ang musmos na Greg pababa sa mga baitang habang dalawang kamay ang namamaybay sa kanang hawakan ng hagdanan. Nakaalalay naman sa tabi nito ang kanyang kuya.

Pagkababa ng hagdan ay agad na yumakap si Greg sa mommy nito, humalik sa tyan ni Diane at kinausap iyon.

“Merry Christmas, baby!”

Inilapat pa ng dalawang kuya ang kanilang mga tenga upang pakiramdaman ang paggalaw ng baby sa loob.

Napangiti si Diane. Batid niyang parehas excited ang dalawang anak sa kanilang parating na kapatid. Anim na buwan na ang sanggol na kanyang dinadala na sa pagkakataong ito ay isa namang babae.

“Hon, matagal ka pa ba ‘dyan?” tawag ni Diane kay Dennis na abalang nag-iihaw sa kanilang bakuran.

“Malapit na Hon, konti na lang ‘to…”

Sa salas na muna lumagi ang mag-iina habang hinihintay nila si Dennis na pumasok. Maya-maya’y isang tawag ang natanggap ni Diane.

“Hon! Hon! Sila Pam…”

Agad niyang sinagot ang tawag at bumungad sa kanya si Kyle habang katabi ang kanyang ate.

“Merry Christmas, ninang! Mamamasko po! Hehe… Ano’ng handa nyo dyan? Dami ah!”

Masaya ang kamustahan at batian ng magnininang. Maging ang magkapatid na JR at Greg ay sumilip sa camera upang kumaway sa kanilang mga kinakapatid. Maya-maya’y lumabas si Diane upang makasama din si Dennis sa kanilang kamustahan.

Kasalukuyang naghahanda si Pam sa pagsusulit upang maging lisensyadong nurse sa Amerika. Nang makapagtapos ng kolehiyo ay lumipad na ito upang makasama si Alex at doon na sila nagpakasal. Nang lumaon ay sumunod na doon si Kyle at doon na ito nagpatuloy ng pag-aaral.

“Oy Alex, tumataba ka ah!” kantyaw ni Diane.

“Oo nga eh. Paano naman, ang sarap magluto nitong si Pam!”

Si Alex ang nagsilbing lakas ni Pam noong mga panahong lugmok na lugmok ito. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ni Pam at tinanggap niya ito ng buong-buo.

Hindi iniwan ni Pam si Alex noong mga panahong tinamaan ito ng sakit at nanganib ang kanyang buhay. Kahit sa panalangin at sa kanilang regular na pag-uusap ay nagawa niyang damayan ito noon.

Sa tulong naman ni Alex ay nalampasan ni Pam ang lahat ng mapapait na pangyayari sa kanyang buhay. Kahit sa kanilang pag-uusap lamang, magkalayo man sila, ay lagi niya itong nakakaramay. Siya rin ang nagpayo noon kay Pam na kausapin nito si Diane at humingi ng tawad.

Tuluyan nang ibinaon ni Pam sa limot ang dinanas niya sa kamay ni Kaloy. Napatawad na niya ang ama sa nagawa nito. At higit sa lahat, napatawad na din niya ang kanyang sarili sa mga pagkakamaling nagawa nila noon ng kanyang ninong.

Maaga man silang naulila ni Kyle, si Alex ang naging sandigan ni Pam upang patuloy na magpakatatag sa buhay para sa kanilang magkapatid. At ngayon nga ay isang panibagong buhay na ang kanilang kakaharapin sa ibang bansa.

Inilalagay na ni Dennis sa bandehado ang huling piraso ng inihaw. Papasok na siya sa kanilang bahay nang masilip niya sa bintana ang kanyang mag-iina.

Kay sarap ng tawa ni Diane na nakaupo sa sofa habang ang dalawang anak nila ay panay ang himas at pakiramdam sa paggalaw ng tiyan nito.

Ilang taon na ang nakararaan, ibang tanawin ang kanyang sinisilip sa salas ng kanilang lumang bahay. Ang katuparan ng kanyang pantasya na siya niyang hiniling noon bilang regalo.

Pumasok na siya sa loob at inilapag sa lamesa ang kanyang tangan. Saka niya nilapitan ang kanyang mag-iina sa sofa, binalot ang mga ito sa kanyang mga braso at niyakap sila ng mahigpit.

Tumingala si Diane sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.

“Merry Christmas, Hon…” nakangiti nitong sambit.

“Merry Christmas din Hon… Mahal na mahal ko kayo ng mga bata…”

Yumukod si Dennis at dinampian ng masuyong halik sa mga labi si Diane.

My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When they’re shared with you

Looking through some old photographs
Faces and friends we’ll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights all over town
Children’s carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair

I can’t think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is that you’d let me spend
My whole life with you
My idea of a perfect Christmas
Is spending it with you

Napagtanto ni Dennis na hindi ang katuparan ng isang pantasya ang magpapasaya sa kanya.

Isang buo at masayang pamilya… iyon ang maituturing niyang pinakamagandang… Aguinaldo.

~ WAKAS ~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *