Masarap na Aguinaldo Part 34

“Bakit pa eh tenant ako dito… kasama naman niya ko.” katwiran ni Greg sa kausap na building security.

“Kahit na Sir, SOP po eh. Lalo na ngayon mahigpit talaga sa guests at kailangan din yan sa contact tracing. Ma’am pakisuyo na lang, log na lang po kayo sa Reception.” wika ng guwardiya sabay turo sa Information counter.

Wala nang nagawa si Diane kundi magrehistro. Alumpihit niyang isinulat ang kanyang pangalan sa logbook at nag-iwan ng ID sa receptionist upang mabigyan ng visitor’s pass.

Di pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari nang nakaraang araw kung saan montik na silang magpang-abot ni Dennis habang kasama niya si Greg. Kung nagkataon, malaking gulo. Magkakalamat ang kanilang relasyon at masasayang ang lahat ng pagsusumikap niya na makabawi sa mister para sa lahat ng mga pagkakataong naglihim at nagtaksil siya dito.

Habang nasa sasakyan sila ni Greg kanina ay walang imikan ang dalawa. Halo-halo na ang nararamdaman ni Diane. Balisa, muhi, kunsensya, at matinding pagsisisi. Kundi lang sana siya bumigay sa tukso nung araw pa mismo ng wedding anniversary nilang mag-asawa, hindi na siguro hahantong ang lahat sa kinalalagyan niya ngayon.

Ngunit bukod pa doon ay may iba pa siyang nararamdaman. Hindi maipaliwanag na kaba na nag-uudyok sa kanya na umuwi. Ito ay sa kabila ng banta ng kalaguyo na ipapadala ang hawak na ebidensiya ng kanilang kataksilan sa kanyang mister.

Kumakabog ang kanyang dibdib at may kung anong nag-uudyok sa kanya na umuwi. Kaya naman nang makababa na sila sa 4th floor ay akmang hahabol si Diane na muling makasakay ng elevator bago pa tuluyang magsara ang pinto niyon.

“Oh teka… saan ka??!”

Nalingon ni Greg ang kasama at agad sinunggaban ang braso nito nang makitang muli itong sasakay ng elevator. Tapos ay sinenyasan na niya ang operator na sumandaling nag-abang kung sasakay ba sila ulit.

“Greg ano ba, nasasaktan ako!” daing ni Diane.

“Oh eh bat ka aalis? Halika na…” at hinatak nito ang kumare papunta sa kanyang unit.

Nang mabuksan ang pinto ay patulak siyang iginiya ni Greg papasok. Himas-himas ni Diane ang braso na nakabakat pa ang mahigpit na pagkakahawak doon ng kumpare kanina.

“Ano ba greg, bat dinala mo pa ko dito? Wala naman na tayong dapat pag-usapan. Tapos na tayo!”

Napalingon sa kanya si Greg habang isinasara ang pinto.

“Anong tapos pinagsasasabi mo?!”

Nagpanting ang tainga ni Greg sa nadinig kaya’t nakapagtaas siya ng tono. Akmang lalapitan niya sana si Diane ngunit napaatras ito. Bakas sa mga mata ng kumare ang takot at pagkasuklam kaya’t pinilit niyang magpakahinahon.

“Diane naman… Ano, ganon-ganon na lang yon? Kailangan kita eh… Paano naman ako?” sagot niya ng pagsusumamo sa kumare.

Walang hindi gagawin si Greg wag lang mawala sa kanya ang babaeng tinatangi. Kung hindi niya ito makuha sa paninindak, baka sakaling kapag nakiusap siya ay pakinggan siya nito. Kahit pa dahil lang sa awa, ay ayos lang sa kanya. Ang importante ay nasa kanya pa din si Diane.

“Tapos na Greg. Tama na…”

“Pero hindi ko kayang mawala ka Diane… Please naman oh…” pakiusap nito at pilit na hinawakan ang isang kamay ng kumare na agad naman nitong binawi.

“Ayoko na nga! Ano ba ang hindi mo maintindihan don? AYOKO NA!!”

Bigo si Greg. Walang pagbabago sa tono ni Diane. Mukhang ni hindi man lang ito naapektuhan sa kanyang pagsusumamo. Tila desidido na talaga ito na wakasan na ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Balik sa orihinal na plano. Sindakan.

“HINDE!!” Napahampas ng malakas ang kamay ni Greg sa lamesa na ikinagitla ni Diane. Gayon pa ma’y nanatili ang talas ng tingin nito sa kumpare.

“Kayo nagsimula ng larong ‘to Diane… tapos ano, ganon na lang? Bigla niyo ‘kong ilalaglag?!” sumbat ng desperadong kalaguyo.

“Labas si Dennis dito Greg–”

“At bakit labas?!” sabat nito. “Eh di ba sabi mo, siya naman ang may gusto na ipagamit ka sakin?”

“Minsan lang yon! Sinubukan lang. Hindi na yon dapat nasundan pa… lalo na at hindi alam ni Dennis!”

Naputol ang diskusyon ng dalawa sa pag-ring ng telepono ni Diane. Si Pam ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot ngunit bago pa mailapat ang cellphone sa kanyang tainga ay hinablot iyon ni Greg. Pinindot ang pulang buton upang putulin ang tawag, inilagay sa silent mode ang telepono, at initsa sa lamesa.

“Mamaya na yan… Ito… ito ang mas dapat iniintindi mo…” Dumutdot ito sa kanyang phone at itinapat sa kumare ang screen.

“Ano kaya ang reaksyon ni Dennis kapag mapanood niya yan… makita niya kung paano tayo maglaro… ha Diane?” nanunuya nitong tanong habang hawak ang cellphone.

Napatanga na lang si Diane sa video. Kanina ay hindi nya ito gaanong naaninagan nang unang i-play ni Greg upang pilitin siyang sumama sa condo. Ngunit ngayon ay napakalinaw niyang napapanood ang ebidensiya ng kanyang kataksilan.

Kitang-kita niya kung paano lumiyad ang kanyang balakang sa paghabol sa burat ng kumpare. Dinig na dinig ang kanyang tili nang biglang isagad nito sa kanya ang batuta habang kausap ni Greg sa cellphone si Dennis.

Para silang kagaya ng mga nasa home-made amateur porn na napapanood sa internet. Napasulyap si Diane sa estante ng TV. Sa hinuha niya ay doon itinago ni Greg ang camera na nagrecord ng bawat mainit nilang sandali. Ang matibay na ebidensiya na siyang pinuproblema niya ngayon.

Kagat-labi siya sa panlulumo. Di niya maisip kung paano matatangap ng mister kung sakaling mapanood nito ang kanyang kataksilan. Kung paanong para syang pokpok na nagpagamit kay Greg nang hindi nito nalalaman. At nagtapos pa ang video sa pagpapaputok nito ng tamod sa kanyang mukha.

“Ano ba Greg, hindi pa ba sapat na nakuha mo na lahat? Ano pa ba gusto mo?” naluluha nitong sambit. Garalgal ang boses nito na tila pinanghihinaan na ng loob.

“Ikaw Diane… ikaw ang gusto ko. Gusto ko maging akin ka…”

Lumapit ito sa kumare at akmang hahalikan ito sa labi. Ngunit mabilis siyang naitulak ni Diane sa dibdib at patuloy na napaatras hanggang sa makarating sa paanan ng kama.

“Hinding-hindi ako magiging sayo! Dahil wala kang kwenta Greg… WALA KANG KWENTA!”

Nanlilisik ang mga mata, parang torong humangos si Greg pasugod kay Diane. Biglang dinakma ang leeg nito at idinikdik ang kumare sa dingding sa tabi ng TV rack. Napasinghap na lang ang babaeng nakatingkayad at napakapit sa kamay na sumunggab sa kanyang leeg.

Hindi ito makapaniwalang mapagbubuhatan siya ng kamay ni Greg. Lalo siyang napuno ng pagsisisi. Mabuti na lamang at nagawa niyang pigilan ang sarili na tuluyang mahulog ang loob sa kumpare na makailang beses na din niyang nakaniig.

Kung maibabalik lamang talaga ay hindi na sana siya bumigay noong Enero. Hindi na lang sana niya binigyang katuparan ang matagal na niyang pantasya na magtaksil sa kanyang asawa.

Hindi niya akalaing ang simpleng thrill na inasam niyang maranasan ay hahantong sa ganito. Na malalagay sa alanganin ang kanilang pagsasamang mag-asawa. Na posibleng malamatan ang mga pagkakaibigan. Na magagawa siyang saktan ni Greg.

“Sakin ka Diane… Akin ka…” nakangisi nitong bulong habang pinagagapangan ng dulo ng kanyang ilong at mga labi ang mukha ng kumare.

Saka ito sinibasib ni Greg ng mariing halik sa labi. Ipinararamdam dito na siya pa rin ang may kontrol sa sitwasyon. Na hawak niya ito sa leeg. Literally and figuratively.

Panay ang ubo ni Diane habang nakasapo sa kanyang leeg nang bitawan na siya ni Greg. Habol na habol ang paghinga nito sa muling pagluwag ng kayang lalamunan. Di akalaing kaya pala siyang gamitan ng pisikal na paninindak ng kumpare.

“Hubad…” utos nito at bahagya pang humakbang paatras upang panoorin si Diane sa paghuhubad ng saplot.

Ngunit di iyon halos nadinig ng babaeng hindi pa lubusang nakakabawi ang paghinga mula sa pagkakasakal niya.

“Sinabing hubad!!”

Nagitla si Diane sa paghiyaw ni Greg na sinamahan pa ng matalas na tingin nito. Labag man sa kanyang kalooban, napilitan na lang itong sumunod sa takot na muling masaktan ng obsessed na kumpare.

Kunot-noo nitong hinubad ang suot na pambahay na t-shirt at shorts maging ang mga damit panloob habang masama ang tingin kay Greg. Padabog at mabilisan, wala ni katiting na bakas ng pang-aakit kundi purong pagkasuklam ang mababakas sa babaeng napilitan lamang sumunod.

Ngunit di iyon alintana ni Greg. Takam na takam na nakamasid habang isa-isang natatanggal ang mga piraso ng damit na nakabalot sa katawang kanyang kinahuhumalingan. Naka-abang na muling malantad sa kanya ang kabuuan ng babaeng kanyang iniibig at inaasam na muling maangkin.

Akma niyang lalapitan si Diane nang bigla itong tumalilis upang umiwas. Hubo’t hubad itong napatakbo papunta sa salaming dingding sa dulo ng unit. Parang bubuwit na nagkumahog tumakas sa pusang nag-aambang umatake kahit alam namang wala siyang ibang mapupuntahan.

Ilang hakbang lang ni Greg at nagpang-abot din sila ni Diane. Nahawakan niya ito sa buhok at idinuldol ang gilid ng mukha nito sa dingding habang nakalapat ang kanyang buong katawan sa likuran nito.

Napakapit na lang ang mga kamay ni Diane sa salamin habang tinutuunan siya ni Greg sa bandang batok. Ramdam niya ang lamig ng salamin na nakalapat sa buo niyang katawan. Halos mapipi ang malulusog na susong naipit sa pagkakaduldol ng katawan ni Greg mula sa likod.

“Greg ano ba! Bitiwan mo ko… nasasaktan ako!”

“Wag ka na kasing pumalag baby… alam ko namang gusto mo rin eh…”

Hinawi nito ang buhok ni Diane at inumpisahang dilaan ang pingol ng tainga nito. Gumapang ang mga halik ni Greg pababa sa gilid ng leeg papunta sa balikat habang sinasamyo ang halimuyak ng katawan ng kumare.

Kahit panay ang kislot ni Diane upang umiwas ay wala itong magawa sa mariing pagkakaipit ng katawan ng kumpare. Dama niya ang pagbukol ng naninigas na ari nito na nakaduldol sa ibabaw ng kanyang puwitan.

“Ughh… Greeeg…”

Ramdam ng buhong kumpare sa malamyos na boses ni Diane ang unti-unting pagbigay nito. Pinagapang niya ang kanang kamay mula sa makinis nitong hita, paakyat sa matambok na puwet at hinimas iyon.

Patuloy na bumaybay ang palad sa makurba nitong balakang at baywang saka sumapo sa isang suso. Nilamas niya iyon at kinurot-kurot ang utong. Napapangisi pa habang minamasdan ang mukha ng kumare.

Tanaw ni Greg sa labas ang maaliwalas na langit, ang abalang kalsada at ang mga istruktura sa paligid ng gusali. Ngunit may anggulo din na maaaninagan sa reflection ang pagkunot ng mukha ni Diane sa ginagawa niyang paglapirot sa tigas na tigas nitong utong.

“Sarap baby di ba…” bulong nito saka gumapang pababa ang kamay upang salatin ang matambok na hiyas na nagsisimula nang mamasa.

“Ahhh… shit!” di napigilang bulalas ni Diane nang salatin ni Greg ang madulas na kuntil at kanti-kantiin iyon ng dulo ng daliri.

Maging si Greg ay ramdam ang naiipong laway sa dulo ng kanyang burat. Pasakyod na itong kumakadyot sa ilalim ng puwet ng kumare.

Damang-dama ni Diane ang laki at tigas ng tarugong humahagod sa kanyang likuran. Tiyak na bakat iyon sa malambot na tela ng walking shorts na suot ni Greg. Ramdam niya ang pagsiksik niyon sa pagitan ng kanyang mga hita at sa guhit ng kanyang puwet.

Kusa nang pumihit paharap si Diane. Automatic namang yumukod si Greg upang halikan ito sa labi ngunit pumihit ang ulo nito upang umiwas. Pumaling siya upang habulin ang mailap na mga labi ngunit muli iyong ipinihit palayo ng kumare.

Natigilan si Greg sa pagtataka. Saka naman ngumisi si Diane at hinawakan ng magkabilang kamay ang mukha ng kumpare at dinampi-dampian ng halik ang panga nito papalapit sa labi. Nang akmang sasalubungin ni Greg ang kanyang mga labi ay bigla na namang lumayo ang mukha ni Diane.

“Shh… ako lang…” pabulong na sita nito, at muli nitong hinalikan ang mga labi ni Greg. Mas malalim at mas masuyo.

Sa tuwing gaganti ng halik si Greg ay kumakalas si Diane. Saka muling idadampi ang mga labi at maglilikot ang dila sa kumapre. Ngunit sa bawat tangka nito na tumugon ay panandaliang hihinto si Diane, kinukundisyon ang kalaguyo na siya lamang ang maaaring gumalaw.

Maging ang pagdapo ng kanyang mga kamay sa suso at puwet nito ay sinasalag ng hawi ng braso o tampal ng kamay. At agad ding nakuha ni Greg ang larong gusto ng misis ni Dennis.

“Wag mo ko hahawakan Pa… ako lang hahawak sayo…” sambit ng kumare sabay kagat at hatak sa kanyang labi.

Ipinailalim ni Diane ang mga braso sa suot na t-shirt at hinaplos ang katawan at dibdib nito. Muli niya itong hinalikan sa labi habang gumagapang ang kanyang mga daliri patungo sa magkabilang utong at nilapirot ang mga iyon.

Kusa nang hinubad ni Greg ang kanyang pang-itaas. Hirap na hirap sa pagtitimping hawakan ang kumare. Sa gigil ay muli niyang idinagan ang kanyang katawan sa malabot nitong katawan upang ipitin ito sa salamin.

May kakaibang init na dulot ang pagdidikit ng kanilang balat sa pagkakalapat ng dibdib ni Greg sa kanyang mga suso. Ramdam ni Diane ang tigas na tigas na titing nakatuon sa kanyang puson at kumakadyot-kadyot.

“Aarte ka pa kasi, gusto mo naman pala…” bulong ni Greg habang patuloy na ipinadadama sa babae ang katigasan ng kanyang burat.

Malanding irap lamang ang isinagot ni Diane at itinulak nito si Greg pahiga sa kama. Sabik na napaatras si Greg at umayos ng pwesto ng pagkakahiga, atat na nag-abang sa mga susunod na gagawin ng kumare.

Sumunod si Diane at sumampa sa paanan ng kama. Pagapang itong lumapit habang nakatitig sa mga mata ni Greg. Pinanatili ang pagkakahinang ng kanilang paningin habang kinakalas nya ang butones at zipper ng shorts nito.

“Gusto mo nyan, ha baby? Tang ina nabitin ako sayo kahapon sa fire exit… tagal kang namiss niyang alaga ko!” sambit ni Greg habang pinanonood si Diane na hubarin ang kanyang shorts.

Halos sumayad ang mukha nito sa kanyang harapan. Montik pang tamaan ng umigkas niyang burat nang hatakin nito pababa ang kanyang brip at sabay hinubad kasama ng shorts.

Di na nagpatumpik-tumpik si Diane at agad na sinunggaban ng dalawang kamay ang batuta ni Greg. Pinaghahalikan ang mahabang katawan niyon mula sa puno pataas sa naglalaway na ulo.

Parang sinisilaban si Greg habang dinadama ang mga halik ni Diane na dumadampi sa kanyang burat, maging ang pasabik na paggapang ng basang dila nito. Lalo na nang dilaan nito ang palibot ng kanyang ulo at nilaro-alro pa ang butas.

Hinawi niya ang buhok nito upang mamasdan mabuti ang gagawing pagtsupa ni Diane sa sabik na sabik niyang alaga. Nakita pa niyang gumuhit ang precum nang dumikit ang dulo ng kanyang tite sa mapulang labi ng magandang kumare.

“Ahhhh… subo mo Diaaane…” pagsusumamo nito sa patuloy na panunudyo ng babae sa kanyang burat.

Halik, hagod, dila, bahagyang sipsip at subo sa ulo. Kahit napapaangat na ang balakang ni Greg ay hindi pa rin iyon tuluyang ipinapasok ni Diane sa kanyang bibig. Tila nasisiyahan pa ito sa ginagawang pagpapasabik sa kumpare.

Sa gigil ay di na nakapagpigil si Greg. Inabot niya ang isang suso ni Diane at mariin iyong nilamutak. Isinipit pa sa dalawang daliri sa naninigas na utong at inipit-ipit iyon. Agad itinigil ni Diane ang pagpapak sa tarugo ni Greg at hinawi ang kamay nito.

“Kasi naman eh… Sabi nang ako lang hahawak sayo Pa… relax ka lang okay?”

Napangisi na lang si Greg, kumapit na lang siya sa kobre kama upang hindi na maglikot ang kanyang mga kamay.

Isang halik sa namumulang ulo ng burat at gumapang na ang mga labi ni Diane pataas sa puson ng kumpare. Bitin man ay hinayaan na lang ito ni Greg sa gusto nitong gawin. Kahit papano ay naeenjoy din niyang si Diane ang tumatrabaho at sumusunod lang siya sa utos nito.

Patuloy na gumapang pataas ang mga halik ni Diane. Ramdam ni Greg ang pagsayad ng naninigas nitong mga utong sa kanyang balat. Dama niya ang init at dulas ng puday nito na sumasayad sa kanyang hita.

“Ughhh… Ang sarap Diaaane… yan sipsipin mo utong kooo… ohhhh…”

Napapadiin ang kapit ni Greg sa kobre habang pumapaling ang ulo. Malanding nilaro ni Diane ng dila ang magkabilang utong at sinipsip. Kinagat-kagat pa ang mga iyon habang minamasdan ang pagngiwi ng mukha ng kalaguyo.

Lalo pa itong naulol nang maramdaman ang pagdikit ng basang hiyas ng kumare sa kanyang naghuhumindig na burat. Habang hinahalik-halikan nito ang kanyang leeg ay gumigiling ito sa kanyang ibabaw. Tila sarap na sarap na ikinakaskas doon ang pukeng sabik na din magpaiyot.

Ramdam ni Greg ang masaganang katas na bumubukal mula sa kweba nito. Dama niya ang singaw ng mainit na hiwang humahagod sa galit niyang alaga.

Muling binalingan ni Diane ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nagtangkang gumanti ng halik dahil ayaw na niyang muling maantala pa ang kantutan nila. Hinayaan na lang niya ito na laplapin ang kanyang labi habang hawak nito ang kanyang burat at hinahagod sa naglalawang lagusan.

“Gusto mo nito? Ha Pa?” malanding tanong ni Diane.

Umahon ito at pumwesto upang itutok ang galit na galit na burat ni Greg sa kanyang bungad. Napalamukos na lang ang magkabilang kamay ng lalake sa hinihigaan nitong unan nang pasabik na upu-upuan ng kumare ang kanyang uten. Dama niya ang paglabas-masok ng ulo niyon sa bungad ng mainit na kweba.

“Tang ina ka Diane! Ughh sakyan mo na!”

Napakadyot na pataas si Greg ngunit inasahan na iyon ni Diane kaya’t mabilis siyang nakaahon upang hindi sumalpak ang titi nito sa loob. Ipinagpatuloy lamang nito ang paggiling habang nakangising nakatitig sa kumpare.

Ngunit hindi na makapagtimpi pa si Greg, husto na ang pagpapasabik ni Diane. Napakapit ito sa balakang ng kumare at pilit iyong ibinaba upang mapaupo na ito at tuluyang maisuksok na ang kanyang burat.

“Pa naman di ka makaantay eh!” inis na bulalas ni Diane. “Sabi nang wag mo ko hawakan eh… ako lang gagalaw…”

Napalingon ito sa rolyo ng packaging tape na nakapatong sa ilang kahon ng samples ng produkto nila Greg. Nakalapag lang ang mga iyon sa may sahig sa gilid ng kama kaya madali iyong nadukwang ni Diane.

“Tigas ng ulo mo eh! Eto sayo ha…” pilyang sita ni Diane.

Hinatak nito pataas lampas sa ulo ang magkabilang braso ni Greg at isinuot ang mga kamay nito sa mga puwang sa kahoy na headboard ng kama. Saka ito dumukwang upang talian ng packing tape ang pinagsamang kamay ng kumpare sa likod ng headboard.

“Eh sa tigas na tigas na talaga eh! Putsa talagang balak mo ko torture-rin sa sabik baby ah… sige gusto ko yan…”

Madidinig ang langitngit ng pagkalas ng packing tape mula sa rolyo habang patuloy si Diane sa pag-ikot niyon sa mga nakagapos na kamay ni Greg. Siniguradong niyang hindi iyon basta-basta makakalas ng kumpare.

Sige naman ang pag-ahon ng ulo nito sa pagtatangkang abutin ng nguso ang kanyang mga suso. Pilya namang inililiyad ni Diane ang kanyang katawan palayo kaya’t sumasayad lang halos ang kanyang mga utong sa natatakam na mga labi ni Greg na inilabas pa ang dila upang abutin ang mga iyon.

Nang masigurong matibay na ang pagkakagapos ay muli itong bumalik sa pwesto at ikinaskas ang naglalawang puki sa molang tarugo ng kumpare. Gumigiling habang sumisiksik sa matambok na pisngi ng kanyang puke ang matabang burat nito.

Napanganga si Greg nang itinutok na iyon ni Diane sa kanyang butas. Pigil-hininga habang dahan-dahan nang ibinaba ang balakang nito sa kanyang uten. Halos tumulo ang kanyang laway nang maramdaman ang muling pagpasok ng ulo sa masikip at mainit na lagusan ng kanyang kumare.

“Yan tuloy mo na! Upuan mo na! Ughhh utog na utog na ko pota!” tarantang hiyaw nito.

Ngunit sa halip na isagad na ni Diane ay tumigil ito sa pag-indayog. Tinitigan lamang nito si Greg. Pero ang mga pilyang ngiti kanina ay napalitan ng matalas na tingin ng lubos na pagkasuklam.

Mabilis itong umahon mula sa kama. Nagmadaling kunin ang kanyang telepono sa ibabaw ng lamesa at agad na binalikan si Greg.

Nanginginig ang kamay ni Diane habang nakatutok ang cellphone sa nakahubad at nakagapos na kumpare. Tatlong kuha. Tama na siguro iyon sa isip-isip niya.

“Diane ano to?!” tanong ni Greg na naguguluhan sa bilis ng mga pangyayari. Hindi agad mawari kung ang nagaganap ay bahagi pa rin ba ng gustong laro ng kumare.

Nagmadali na si Diane na magbihis. Kabadong nakamasid pa din kay Greg dahil baka madali lang nitong makalagan sa pagkakagapos ang mga kamay kapag tinangka siya nitong habulin.

Saka lang nakatunog ang kumpare nang makitang nagbibihis na si Diane. Napatingala ito sa kanyang mga kamay na mahigpit na nakagapos ng packing tape sa likuran ng headboard. Makailang beses hinila ni Greg ang mga braso upang pwersahin iyon ngunit sadyang matibay ang pagkakatali.

“Putang ina Diane hindi nakakatawa!! KALAGAN MO TO!!” Kita ang galit ni Greg na namumula na ang mukha sa pagpipilit na haltakin ang mga kamay niyang nakagapos sa kama.

Pagkatapos magbihis ay agad dinampot ni Diane ang dalawang cellphone ni Greg at buong pwersa iyong ibinato sa sahig. Nagtalsikan ang mga pira-pirasong bahagi at piyesa ng mga iyon.

“TAPOS NA TAYO GREG! HINDI MO NA KO MAHAHAWAKAN!!” bulalas ng babae na nagmadali nang lumabas ng unit.

“Diane bumalik ka dito!! Kalagan mo to!! DIAAANE!!!”

————————-

Nagmadaling umalis ng gusali si Diane. Umuwi itong lutang at lito ang isip. May kaba kung makabubuti ba o makasasama ang kanyang ginawa kay Greg.

Hindi na niya napag-isipan kung ano ang dapat niyang gawin sa panggigipit ng kumpare. Basta ang alam nya, ang nakatitiyak siya, gusto na niyang tuluyang wakasan ang namamagitan sa kanila alang-alang sa kanyang pamilya.

Kanina sa condo, sinakyan niya ang libog nito. Ang tanging paraan na kanyang naisip upang makagawa ng paraan na madispatsa ang litrato at video na nagsisilbing alas ni Greg upang patuloy siyang takutin at mapapayag sa mga gusto ng kumpare.

Batid niya na ang pagbasag sa mga telepono ay hindi kasiguraduhan na wala nang kopya na maipananakot sa kanya. Ngunit dahil sa litratong kanyang nakuha, kahit papaano ay mayroon na rin siyang panabla ngayon kay Greg.

Isang mensahe ng pagpalag. Isang mensahe ng pagtanggi na patuloy na mahawakan sa leeg.

Kusang humahakbang ang kanyang mga paa sa pamilyar na ruta pabalik sa kanilang village habang lumilipad pa rin ang kanyang isip. Walang kamalay-malay si Diane sa aberyang naganap sa kanilang bahay kanina habang nasa unit siya ng kumpare.

Sa pagbaybay niya sa sidewalk sa tapat ng hilera ng mga kabahayan sa main road ay napukaw ang kanyang diwa ng sirena ng humaharurot na ambulansiyang lumampas sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang matanaw na lumiko iyon sa kalye kung saan naroon ang kanilang bahay.

Napasilip siya sa hawak na cellphone. Saka lang napansin ang namumulang notifications ng mga missed calls mula kay Pam at Dennis na lalong nagpakabog sa kanyang dibdib.

Hangos si Diane sa paglalakad na napatakbo na sa pagmamadaling makauwi. Gayon na lang ang pagkagitla at halos tumigil ang tibok ng kanyang puso nang makarating sa kanto at makitang nakaparada ang ambulansiya sa tapat ng kanilang bahay.

Naroon din at nakaparada sa labas ang sasakyan ni Dennis. Tanaw niya ang mga kapitbahay na sumisilip mula sa kanilang mga bakuran upang mag-usyoso.

Siya na naturingang ilaw ng tahanan ay wala ring kaalam-alam sa nangyari. Kabado man sa madadatnan ay napatakbo na ito pauwi sa kanilang bahay.

“Oh my God! JR!!” hiyaw ng nag-aalalang ina nang makita ang anak na ineeksamen ng dalawang lalaking paramedic sa kanilang sala.

Nakatayo ang musmos at nakanganga habang may sinisilip sa bibig nito ang mga rumesponde. Agad napuna ni Diane ang pamumutla ng anak. Kapansin-pansin din ang sumisilbatong tunog sa bawat paghinga ng paslit.

Agad kinapitan ni Dennis sa magkabilang braso si Diane pagpasok nito sa pinto. Mas minabuting pigilan ang pag-hysterical nito upang huwag makaabala sa mga paramediko sa pag-check sa kanilang anak.

“Hon! Ano’ng nangyari?!” baling ni Diane sa asawa.

“Ano nangyari?! Hindi ba dapat ako magtanong nyan sayo?!”

Hindi naitago ni Dennis ang pagkadismaya sa kanyang boses. Abalang-abala siya kanina sa mga transaksiyon sa kanyang auto shop nang makatanggap ng emergency call mula kay Pam.

Halos mambangga siya sa daan sa kasisingit sa pag-aapurang makauwi. Tinatawagan niya si Diane ngunit maging siya ay hindi rin ito macontact. Habang nagmamaneho ay siya na ang tumawag ng ambulansiya upang humingi ng tulong.

“Saan ka ba galing? Sabi ni Pam taga-village lang ang customer mo… bakit ngayon ka lang? Di mo sinasagot mga tawag namin. Ba’t nagcellphone ka pa?!” sunod-sunod na tanong ng tensyonadong ama.

Hindi na nagawa ni Diane na makasagot habang ninenerbiyos na nakamasid pa rin sa assessment na ginagawa kay JR.

“Ninang sorry… Nagpatawag kasi ng biglaang meeting ang boss ko kanina kaya hindi ko gaano nabantayan si JR…” balisang wika ni Pam.

“Tsk, ano ba kasi nangyari?!” tanong ni Diane na tila may tono at tingin ng paninisi sa inaanak ni Dennis.

Sa paglalahad ni Pam, naglalaro si JR sa sala habang siya ay nasa dining table at abala sa kanyang online meeting. Maya-maya’y nakarinig na lang siya ng kalansing ng mga nahulog na barya sa sahig. Paglingon niya sa kusina ay nakita niya si JR doon, nakahawak sa leeg nito, tumutulo ang laway at naduduwal.

Agad siyang napahangos upang saklolohan ang kinakapatid na may hawak-hawak pang barya at mukhang may nalulon. Pinilit niyang kumalma sa kabila ng pag-aasul ng kulay ng labi ng bata na halatang hindi makahinga.

Bahagya nyang itinuwad si JR at tinapik ang likod nito sa pag-asang mailuluwa ng bata ang nalulon. Nang hindi pa rin iyon nailabas, mula sa likod ay ginamitan niya ng magkasapong kamao na nakapwesto sa ilalim ng ribs ng bata at mabilis na diniinan pataas ang tyan nito ng ilang beses.

Sa kabutihang-palad ay nailuwa na ni JR ang pisong nalulon. Muli na itong nakahinga at kahit papano ay bahagyang bumalik sa normal ang kulay ng kanyang balat. Ngunit napansin ni Pam ang kakaibang tunog sa paghinga ng bata na tila mayroon pang naiwan sa lalamunan nito.

Muli niyang sinubukang mag-apply ng pressure sa likod at tiyan ni JR ngunit hindi na niya iyon mapalabas. Doon na niya sinubukang tawagan si Diane. Nang hindi niya ito macontact ay saka siya tumawag na kay Dennis.

Nanlamig si Diane sa mga nadinig. Ganon na lang ang kanyang pagkakunsensiya lalo’t tanda niyang siya ang nakapaglapag sa counter ng mga baryang iyon kanina.

Maingat naman silang tatlo na huwag mag-iiwan ng maliliit na bagay na maaaring maabot at maisubo ng bata. Ngunit dahil kahapon pa nakalutang ang isip dahil sa pamomroblema kay Greg ay hindi na nito namalayan na ang mga kilos pa niya ang maglalagay sa kanyang anak sa kapahamakan.

Bukod pa roon ay sa halip na nasa bahay siya upang alagaan ang anak ay hindi siya matawagan kanina habang naroon siya sa unit ni Greg. Kailangan siya ng anak ngunit kalaguyo ang kanyang kasama.

Kaya naman pala balisa siya kanina, tila ramdam niyang mayroong mangyayaring hindi maganda. At naturingan siyang nurse ngunit ni hindi niya nagawang agapan ang emergency ng anak.

Hindi lang siya nagkakasala sa kanyang asawa, nagiging pabaya na rin siyang ina dahil sa masalimuot na sitwasyon nila ngayon ng kumpare.

“I’m so sorry talaga ninang, ninong… nalingat talaga ko! Sorry!” maluha-luhang sambit ng dalaga habang nakasapo ang mga kamay sa kanyang bibig.

“Mii!” tawag ni JR sa kanyang ina nang bitiwan na ito ng lalaking may sinisilip sa kanyang bibig.

“My baby!!”

Lumakad ang paslit palapit kay Diane na lumuhod naman at yumakap sa anak ng mahigpit. Tarantang pinakinggan at inobserbahan din ang paghinga ng anak na madidinig pa rin ang tila pagsilbato mula sa lalamunan nito.

Nakahinga na kahit papano si Diane nang makitang generally ay maayos naman ang anak. Pinaghahalikan nito ang mukha ni JR habang niyayapos.

“Ah Ma’am… Mabuti na lang po marunong ng Heimlich maneuver si ate. Kung hindi po kasi nadislodge yung isang barya kanina… baka nahuli na po tayo. She saved the kid’s life.”

Napalingon na lang kay Pam si Diane habang yakap si JR at ginawaran ito ng tingin ng lubos na pasasalamat. Pinisil naman ni Dennis ang balikat ng inaanak upang ipadama din dito ang pagpapahalaga sa nagawa nito para sa kanilang anak.

“Pero mukhang may nakabara pa po sa lalamunan ng bata kaya we recommend na dalin na po agad sa ospital… Oh kuya JR… suot mo lang to ha…” mungkahi ng isa pang paramediko at sinuotan nito si JR ng oxygen mask na nakakabit sa isang portable na tangke.

Hindi nagdalawang-isip ang mag-asawa na dalhin na si JR sa ospital. Sinamahan ni Diane si JR sa ambulansiya habang sumunod naman si Dennis dala ang sasakyan nito.

Matapos ang ilang tests, matagumpay namang naalis ng mga doktor ang isa pang barya through endoscopic retrieval habang naka-sedate ang bata. Wala namang naging komplikasyon kaya’t inantay lang itong magising at agad din silang nabigyan ng clearance na makauwi.

Ganon na lang ang pasasalamat ni Diane na walang masamang nangyari sa anak. Sa likod pa ito naupo nang pauwi na sila mula sa ospital at hindi mabitiwan ng yapos si JR na napakalikot at parang wala namang nangyari.

Gayon pa man ay labis pa din ang panlulumo ng kalooban ni Diane. Montik nang mawala ang pinakamamahal na anak sa isang iglap nang dahil sa kanyang kapabayaan.

Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung nagkataon. Hindi niya mapapatawad si Greg. At alam niyang hinding-hindi sila mapapatawad ni Dennis.

Tahimik lang na napapasulyap sa kanyang mag-ina sa rear-view mirror ang padre de pamilya habang nagmamaneho. Nagpapasalamat na walang masamang nangyari sa anak, ngunit bukod doon ay may mas malalim pang iniisip.

————————-

Nakakunot ang noo ni Dennis habang nakatitig sa entry ni Diane sa logbook ng building. Dinobol-check pa niya ang petsa at oras. Tama. Sabado ng umaga kung kailan nagkaroon ng emergency kay JR, naroon ulit ang butihin niyang asawa sa building na iyon.

Nagsinungaling si Diane. Hindi totoo ang sinabi nito na matapos magdeliver sa ka-village nila ay dumeretso ito sa labasan upang may bilhin. Ang totoo, muli pala itong nagpunta sa condo building kung saan niya ito sinundan nung Biyernes.

“Brad, kilala mo may-ari ng Unit 416?” tanong ni Dennis sa kinuntyabang security guard habang tuloy sa paglipat ng mga pahina ng logbook.

“Ah si Mr. Uy. Madaming unit yon dito sir, puro naka-lease lahat. Kaso hindi ako pamilyar dun sa nakakuha ng 416 eh.” sagot ng palinga-lingang sikyo.

“Hmm Sir mag-roving lang ako saglit habang hinihintay ko rerelyebo sa poste ko. Iwan ko na muna sayo yang logbook.”

Tumango lang si Dennis habang abalang sinisiyasat ang mga entry sa talaan. Nang maka-alis ang guwardiya ay isinara niya ang bintana ng sasakyan at ipinagpatuloy ang paghahanap.

Hindi na niya maalala ang eksaktong petsa nung Hulyo kung kailan niya sinundo si Diane sa building na iyon nung minsang malakas ang ulan. Pinagtyagaan niyang suyurin ang mga nakatala hanggang sa wakas ay nakita na niya ang lumang log ni Diane na kanyang hinahanap. At hindi nga siya nagkamali. Room 416 din.

Napasandal siya sa head rest ng driver seat, nakapikit na napabuntong-hininga sa kanyang natuklasan. Gustong-gusto niyang tawagan si Diane at diretsang tanungin tungkol sa bagay na iyon, ngunit mas minabuti niyang magtimpi.

Isa-isang pinicture-ran ni Dennis ang mga pahina ng entries ni Diane. Tatlo lamang ang alam niya, ngunit naisip niyang posibleng may iba pang mga pagkakataon na pumupunta doon ang asawa nang hindi niya nalalaman. At ang matibay na pagtitiwala sa kabiyak ay agad na nabahiran ng pagdududa.

Nang bumalik ang gwardiya ay iniabot na niya dito ang logbook kasama ang isang USB flash drive. Ibinigay niya ang mga petsa at oras ng CCTV footages na gusto niyang ipakuha.

“Sakto sir tapos na duty ko. Diskartehan ko na lang makuha sa opisina yung kailangan nyong kopya ng CCTV. Paantay na lang boss.” at dali-dali nang tumungo ng elevator ang guwardiya upang umakyat sa lobby.

Tila in denial si Dennis nang mga sandaling iyon. Malinaw naman ang katotohanang sumambulat sa kanya ngunit pinipilit pa ring bigyan ng paliwanag ng kanyang isip.

Gayon pa man, kada palusot na kanyang mabubuo ay kinokontra din ng umuusig na katwiran ng isang pinindehong asawa at tinraydor na kaibigan.

Baka naman may suki lang si Diane sa unit na iyon. Suki ng produkto? O suki ng kanyang katawan?

Baka may kaibigan pala ito doon na hindi lang naikwento sa kaniya. May kaibigan? O may kalaguyo na hindi magawang layuan?

Baka kahawig lang ni Greg ang nakita si Pam sa building. Baka nagkataon lang na nasa-Manila ang kumpare. ‘Nagkataon lang? Putang ina.’ sa isip-isip ni Dennis. Napakuyumos na lang ang mga kamay nito sa kanyang buhok habang nakayuko sa manibela.

Honey Calling…

Nilingon lang niya ang kanyang telepono kahit na si Diane ang nagrehistro na tumatawag. Piniling huwag sagutin ang asawang tiyak na nagtataka at nag-aalala kung bakit gabi na ay hindi pa siya nakakauwi. Ni mga mensahe nito ay hindi niya binasa sa pangambang baka kung ano pa ang maisagot niya dito.

Kinuha niya ang kanyang laptop at binuksan. Hindi na makapaghintay na makita ang CCTV footage na ipinakuha. Panay ang lingon niya sa pinto ng elevator sa pagkainip sa guwardiyang inalok bayaran upang mabigyan na ng konkretong sagot ang kanyang mga suspetsa.

Halos isang oras din inabot bago nakabalik ang inutusan. Ang tila pinakamahabang isang oras na ata na pinaghintay niya sa kanyang tanang buhay.

Nang maiabot sa kanya ang USB ay agad niya iyong isinaksak sa port ng kanyang laptop. Kinuha niya sa ibabaw ng dashboard ang halagang kanilang napagkasunduan at iniabot iyon sa guwardiya.

Nanginginig ang kamay ni Dennis sa touchpad ng laptop. Kabadong binuksan ang footage sa hallway ng 4th Floor Residential Wing noong Biyernes ng hapon kung kailan umakyat pa siya doon sa pag-aalala kay Diane.

Wala siyang kakurap-kurap sa video na nagsimula nang mag-play sa screen. Ni hindi na niya napansin nang magpaalam ang guwardiya. Parang walang nadinig nang magsabi itong kontakin na lang siya ulit kung may nais pang ipasilip.

Kumakabog ang kanyang dibdib. Kahit nahihinuha na kung ano at sino ang makikita sa footage ay iba pa rin pala kapag nasaksihan na iyon ng sariling mga mata.

At napatiim-bagang na lang si Dennis sa kanyang nakita.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *