Tukso kay Dan Part 28

Chapter 28

Habang nilalandas ang daan pabalik sa tahanan ni Angela ay hindi mapigilan ni Lance ang sarili na palihim na sulyapan ang katabing dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganito ang ayos ni Angela, medyo pawisan ang mukha nito at sa bandang leeg. At napalunok si Lance ng mapansin na hindi nakasara ng unang butones sa blouse ni Angela. Nakakaakit tingnan si Angela sa ayos ngayon ng dalaga, nakakapagpainit ng pakiramdam na lalong nagpapahirap sa damdamin ni Lance.

Habang nasa loob ng sasakyan ni Lance ay nasa isipan pa din ni Angela ang mainit na ngyari sa kanila ni Dan sa loob ng library. Mainit ang kanyang pakiramdam at parang ayaw na niyang humiwalay pa kay Dan kanina. Ngunit darating ang araw ng bukas at magkakasama na ulit sila, upang muling bigyang-laya ang pananabik at pag-ibig nila sa isa’t-isa. Isang makahulugang ngiti ang saglit na sumilay sa mapulang labi ni Angela bago niya isinandal ang ulo sa likod ng kinauupuan.

Ang init na nararamdaman ni Lance ay napalitan ng pagkasuya ng mapansin ang ngiti sa labi ni Angela na alam niyang ibang lalake ang dahilan. Maingay niyang ginalit ang makina dahilan upang mapatingin sa kanya ang dalaga.

“Angela, I want to meet him, soon.” ang malamig na sabi ni Lance habang sa daan nakatingin.

“Why Lance? Why bothered meeting him?” ang malamig ding sagot ni Angela.

“Maraming oportunista sa mundo Angela. You don’t know anything how bad people can be. There’s a huge chance na iba ang habol sayo ng kung sinuman ang lalakeng kinahuhumalingan mo.” iritado ang boses ni Lance, hindi napigilan ang sariling damdamin.

Napailing na lang si Angela at ibinaling ang paningin sa labas.

“He’s not like that Lance. Maybe I’m too naive for you but I know him well. He loves me bacause of who I am not for what I have.” nasa tinig ni Angela ang pag-ibig.

Dahil sa narinig ay lalong nagalit ang damdamin ni Lance. Itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka tumingin sa katabing dalaga.

“If that’s true Angela, ipakilala mo siya sa akin. Huwag syang magtago sa likod mo.” ang madiin na sabi ni Lance.

Matiim naman na tumingin si Angela kay Lance.

“W-Why Lance? Why do you really want to meet him? Para ipakita sa kanya na mas higit ka. Fine Lance, I’m going to admit it to you now. Mas gwapo ka, mas may tindig, mayaman ka, nasa sayo na lahat Lance. Now, are you satisfied?” halata sa boses ni Angela ang magkakahalong emosyon na nararamdaman.

Napakapit naman ng mahigpit sa manibela sa Lance. At saka malungkot na tumingin kay Angela.

“Then why Angela? Bakit hindi ako ang minahal mo? Gayung tayo ang mas dapat na para sa isa’t-isa.” ang buong pait na sabi ni Lance.

“Lance, can you teach your heart to love someone else? Because I love him so much. Nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita. Lagi ko siyang gustong kasama at kausap. Kapag magkapiling kaming dalawa, nasa langit na ako Lance. That’s love.”

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Lance, ang pangarap niyang maramdaman sa kanya ni Angela ay ibang lalake ang nagtatamasa.

“Marami ang naghahangad sa katulad mo Lance at marami din ang higit sa akin. So please Lance, can’t you just let me go?” ang buong pusong pagsamo ng dalaga sa binata, ang mga luha ni Angela ay nasa sulok na kanyang mga mata.

Nais maantig ng puso ni Lance sa nakikitang katapatan ni Angela. Ngunit ang kinabukasan na hindi sa kanya mapupunta ang dalagang labis na iniibig ay talagang hindi din niya kaya. Matagal ng panahon na minahal niya si Angela.

“Angela, I have love you since you were fifteen. Mula noon hanggang ngayon ay ikaw pa din ang mahal ko. At ang mga parents natin ay tayo ang gusto para sa isa’t-isa. Mas mahalaga ba siya sayo kaysa sa sarili mong pamilya?” ayaw pa ding sumuko ni Lance, hindi niya kaya talaga.

Isang tapat at malungkot na ngiti ang ibinigay ni Angela Lance. Dahil sa katotohanang mas mahal niya si Dan kaysa sa mga magulang na nagpalaki at nagmahal din naman sa kanya, at kaysa sa kasaganaang nakagisnan at nakasanayan niya.

“Yes Lance, I love him morethan anyone or anything in this world.” ang nakangiting sagot ni Angela kay Lance kasabay ng pagpatak ng luha sa mula kanyang mga mata.

Hindi na kaya ni Lance ang kanyang mga nakikita at naririnig. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan ay tahimik na ihinatid si Angela sa tahanan ng dalaga. Tumigil ang magarang sasakyan ng binata sa tapat ng gate nina Angela. Tumingin si Angela kay Lance, at sa nangungusap niyang mata na nangingislap pa dahil sa luha ay muling nakiusap sa binata.

“If you really love me, if you truly believe in your heart that you love me Lance. Then let me go, hayaan mo akong maging masaya sa piling ng lalakeng mahal ko.”

Napapikit at napayuko naman si Lance. Nakita naman ni Angela ang katapatan ng paghihirap ng kalooban ng binata. Simula ng sumapit siya sa edad na sampu ay lagi na niyang kasama si Lance at itinuring na matalik na kaibigan. Ngunit ng dahil sa nararamdaman ng binata ay narito sila ngayon sa ganitong sitwasyon. Wala namang kasalanan talaga si Lance. Tulad niya ay nagmahal lamang din naman si Lance. Paano niya magagawang magalit sa binata na alam nyang tunay ang pagpapahalaga sa kanya.

Hinawakan ni Angela ang braso ni Lance at saka ngumiti sa binata. Mula sa kanyang pagkakayuko ay nagtaas ng mukha ang binata at saka tumingin kay Angela.

“Lance, thank you, sa lahat ng sandali na naroon ka.” at minsan pang pumatak ang luha ni Angela para kay Lance. Kasabay ng pagpatak ng luha na iyon ang mga alala ni Lance sa panahon ng kanyang kabataan.

At saka tuluyan ng lumabas si Angela sa sasakyan ng binata. Inantay na makalayo muna si Lance bago niya tinuyo ang mga luha sa kanyang mukha. Kinalma ang sarili at saka pumasok sa kanilang tahanan.

*****

Pagpasok ni Dan sa may resto-bar at nakita niyang masayang magkakwentuhan sa may counter sina Alex at Mika. Silang dalawa lang ni Alex ang madalas na nasa tabi ng counter kapag walang masyadong customers. Hindi naman kasi nakikipag-usap si Mika sa ibang staff ng tulad sa kanila ni Alex.

Ngumiti sa kanya sina Mika at Alex ng makita siya. Itinuro naman ni Dan ang direksyon ng locker room at tumango lang ang dalawa. Nang nasa locker room na siya ay mabilis siyang nagpalit ng damit. Pagawi niya sa pinto papasok sa bar ng marinig niya ang malungkot at malambing na tinig ni Arcelle.

“Dan…”

Lumingon si Dan at pumihit patalikod. At nakita niya ang lungkot sa magandang mukha ni Arcelle maging ang bahagyang pamumugto ng mga mga nito.

“Mag-usap muna tayo saglit, sa office ko.” ang mahinang pakiusap ni Arcelle.

“Yes Mam..” ang sagot ni Dan. Alam nyang nais ni Arcelle na tawagin nya ang kanilang manager sa pangalan nito kapag silang dalawa ang magkasama ngunit nais niyang ibalik ang dati nilang relasyon.

Nalungkot naman si Arcelle si narinig. Para bang nais ni Dan na dumistanya sa kanya. Ngayon pa namang kailangan niya ang binata sa panahon ng kanyang kalungkutan.

Magkasunod silang naglakad papunta sa office ni Arcelle. Pagkapasok nilang dalawa ay nakababa na ang blinds at ini-lock ni Arcelle ang pinto. Kinabahan naman si Dan ngunit alam nyang walang dapat magaganap pa sa kanila.

Yumakap si Arcelle kay Dan, naghahanap ng pagmamahal sa binata.

“D-Dan.. Kailangan kita… Ngayong gabi.., gusto kong magkasama tayong dalawa.” nasa tinig ni Arcelle ang pananabik at ang lungkot na nadarama.

“Mam…”

“Arcelle ang itawag mo sa akin Dan.. Please..” ang muling pakiusap ni Arcelle, wala na ang pagbabanta.

Huminga ng malalim si Dan.

“Arcelle may ngyari ba sayo?” ang tanong ng binata.

Nagsimula ng humikbi si Arcelle sa pag-alala sa ngyari ngayong araw. Sa kanyang nagtatalong damdamin para kay Arman at kay Dan. Sa kanyang nalamang kapwa pala sila nagtataksil ng asawa sa isa’t-isa.

“Iniwan ko na ang asawa ko Dan. Maaari na tayong magsimulang dalawa.”

Natigilan naman si Dan, ito ang kinatatakutan niyang sitwasyon.

“Dan…”

Inilayo niya ang katawan ni Arcelle mula sa kanya. Hindi siya ang kailangan ni Arcelle kung hindi ang init ng kanyang katawan. Pilit nyang pipigilan ang sarili na muling makasiping si Arcelle at ito ang simula ng kanyang mahirap na pagpipigil. Nangako siya kay Angela na malapit ng maging silang dalawa at wala ng iba pa. Kailangan na niyang magsimula ngayon upang itama at ayusin ang bawat lihim na relasyon. Hindi niya bibigyan ng ligaya si Arcelle tapos ay paluluhain din naman niya pagkatapos.

“Arcelle, hindi ko alam ang katiyakan ng pinagdadaanan mo ngayon. Ngunit nakita ko ang lungkot sayong mga mata. Alam kong kailangan mo ng kadamay ngunit hindi ako iyon.” ang tapat niyang sabi kay Arcelle.

Nagtaas naman ng mukha si Arcelle, nais na makita ang maamong mukha ng binata.

“Hindi ba ako naging mahalaga sayo Dan? Tinikman mo lang ba ko?” ang malungkot na sabi ni Arcelle, ang luha ay nasa gilid ng kanyang mata. Dahil ang katotohanan ay walang kasalanan si Dan dahil siya ang tumukso dito at nagpilit na magtampisaw sila sa kasalanan.

Hinaplos ni Dan ang buhok ni Arcelle.

“Isang alaala kang hindi ko malilimutan Arcelle. Ngunit ayaw kong maging dahilan ng mga susunod mo pang pagluha. Kung makikilala mo ang tunay mong kailangan ay sa kanya magpunta. Huwag mong hanapin sa akin ang huwad na kaligayahan na yun lang ang kaya kong ibigay sayo. Ngunit hindi ko gagawin dahil may tunay na minamahal din ako.” ang malungkot na sabi ni Dan, nais niyang tugunan ang pangangailangan ni Arcelle ngunit kung patuloy siyang lulusong sa apoy ng kasalanan ay tuluyan na siyang hindi makakaahon dito.

Banayad niyang hinalikan sa pisngi si Arcelle. At saka kumalas sa pagkakayakap nito, gumawi sa may pinto at nilingon si Arcelle.

“Balik na ako sa loob Mam… Kung… Kung wala na po akong trabaho bukas… ”

Ngumiti si Dan sa kanyang magandang manager.

“Tanggap ko po ang desisyon ninyo. Sa saglit ko pong pananatili dito ay maraming masasaya din po akong alalala na babaunin sa pag-alis ko. Mali at kasalanan man pong isipin, isa po kayo sa mga alaalang nagpasaya sa akin dito. Sana po Mam Arcelle…, ay matagpuan nyo din ang kaligayahan na nakita ko, na para lamang talaga sa inyo. At naniniwala po akong pong makakabangon kayo sa inyong kalungkutan, naroon man ako o wala ay makakapagsimula ulit kayo.”

At tuluyan ng lumabas si Dan sa opisina ni Arcelle. Mabigat din naman ang kanyang loob dahil alam nyang malungkot si Arcelle at may pinagdadaanan talaga ito. Ngunit hindi siya ang tamang lalake na kailangan ni Arcelle. Ang sandaling sarap sa init at laman na kaya niyang ibigay kay Arcelle ay hindi makakatumbas sa tunay na kaligayahan na kayang ibigay na lalakeng para talaga kay Arcelle. Sa isang sulok ng kanyang puso at isipan ay tapat niyang hangad na lumigaya si Arcelle. At ngayon ay mas magaan ang loob niya dahil natapos na niya ang isang relasyon na simula pa lang ay mali na.

Pagpasok niya sa bar ay si Alex agad ang nakita niyang naglilinis ng lamesa. Mula sa kanyang kinatatayuan ay napangiti siya ng makitang hindi maitago ni Alex ang mga palihim nitong tingin kay Mika. Siya naman ngayon ang tumingin sa counter na kinaroroonan ni Mika. Sa nalalapit na panahon ay ang relasyon naman nila ni Mika ang kailangan niyang tapusin, masakit man sa kanilang kalooban, lalo na kay Mika, na alam niyang mahal siya talaga. Muli siyang napatingin sa kaibigan na si Alex at napailing. Kailangan niyang tanggapin dalawa o higit pang ibibigay sa kanya ni Alex. Ngunit kung tutulungan siya ng tadhana ay ang nais niyang ipalit sa ibibigay na mga suntok sa kanya ng kaibigan ay isang kapalit na hindi nito malilimutan.

*****

Kanina pa wala si Dan at naiwang nakatulala sa kawalan si Arcelle. Ubos na ang kanyang mga luha at masakit na ang kanyang mga mata. Hindi na niya alam ang gagawin. Iniwan na niya ang asawa at ngayon ay iniyawan naman siya ni Dan. Hindi niya masisisi si Dan sa ginawa nito. Dahil sa simula pa lang ay alam niyang may kasintahan ang binata at nakiagaw lang siya ng atensyon at pagmamahal dito. At ng kanyang magawa na ang kanyang pagnanasa ay naghangad pa siya ng mas higit pa sa kayang ibigay ni Dan. Hindi naman siya dating ganito kahinang babae. Ngunit tunay pa lang dumarating sa atin ang panahon ng pagsubok. Na magbabago ang isang tao dahil sa pang-aakit at kahinaan sa tukso. Ngunit hindi matatapos ang lahat dahil sa isang pagkakamali. Dahil ang tao ay may kakayahang bumangon at magsimula ulit.

Tumayo na si Arcelle at nagpasya ng umuwi. Malungkot siyang naglakad hanggang sa makarating sa bar. Iginala niya saglit ang kanyang paningin at hinanap si Dan, at saka nagsimulang lumakad sa direksyon ng binata.

Kasalukuyang nagliligpit si Dan ng mga naiwang pinag-inuman sa lamesa ng natigilan siya. Dahil narinig niya banayad na sinabi ng nagdaan sa tabi niya.

“Salamat Dan.” ang paalam ni Arcelle sa kanya.

Itinuloy na niya ang kanyang ginagawa ng hindi na tumingin pa sa kanilang manager.

*****

Hindi muna lumabas si Arcelle sa loob ng kanyang sasakyan ng makarating siya sa tapat ng tinitirhan na apartment. Nag-isip siya ng dapat niyang gawin. Kailangan niyang umalis sa tinitirhan niya ngayon at magsimulang mamuhay na mag-isa sa bagong buhay na haharapin niya. Lumabas na siya sa sasakyan at gumawi na papunta sa kanilang apartment ni Arman. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa madilim na loob ng kanilang tirahan. Isang nakakabinging katahamikan ang sumalubong sa kanya na nakasayanan na naman niya.

Binuksan niya ang ilaw at labis na nabigla ng nakitang nakaupo ang asawa sa sofa na naghihintay sa kanya. Malungkot ang mga mata ni Arman na nakatingin sa kanya. Ibinaba niya ang paningin, walang papel sa harapan ng asawa.

Mula naman sa kanyang pagkakaupo ay tiningnan ni Arman ang bagong dating na si Arcelle. Nakita niya sa magandang mukha ng asawa at ang labis nitong kalungkutan. Tumayo si Arman at lumapit sa asawa. Ibinalik ang wedding ring ni Arcelle habang nakatingin sa mata ng asawa.

“I’m sorry Arcelle. Naging mahina ako.” nasa tinig ni Arman ang lungkot at pagsisisi.

Mapait na ngumiti si Arcelle sa asawa at saka mabilis na pinalis ang luha sa kanyang mga mata. Marahang itinulak ang kamay ni Arman palapit sa dibdib nito.

“Marumi na ako Arman. Pero wala kang kasalanan. Naglandi na din ako.” na sinabayan ni Arcelle ng isang pang mapait na ngiti.

Hindi napigilan ni Arman ang sarili dahil sa kanyang mga narinig. Lalaki pa din siya at babae si Arcelle.

(“PAK!”)

Isang malakas na sampal ang inabot ng magandang mukha ni Arcelle sa asawa. Natigilan naman si Arman dahil sa kanyang nagawa at napaupo na lang siya. Si Arcelle naman ay nakangiti lang na hinawakan ang nasampal niyang pisngi. Naglakad na papasok sa kanilang kwarto si Arcelle. At saka nagsimulang mag-impake, kinuha lang lahat ng mahalaga at kailangan niya, saka na lang niya babalikan ang iba pa. Pagkatapos mag-impake ay pumunta na siya sa salas. Tumayo siya saglit doon upang tingnan ang asawang inibig din naman niya. Kung bakit sila nakarating sa ganito ay dahil sa kanilang kapusukan at kahinaan. Magsisi man siya ay huli na, nagawa na niya ang kasalanan.

“Goodbye Arman.” ang mahina at malungkot na paalam niya sa asawa.

Malapit na siya sa may pinto ng narinig niya ang pangalan mula sa labi ng asawa.

“Arcelle…” ang malungkot na pagtawag ni Arman.

Natigil siya sa paglalakad at lumingon sa asawa. Nagtama ang kanilang paningin at nangusap ang kanilang mga mata.

“Bakit mo sinabi sa akin ang totoo? Maaari ka namang magsinungaling?” si Arman na nakatingin pa din sa mata ni Arcelle.

Mapaklang tumawa ng bahagya si Arcelle na sinabayan ng muling pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Tumingin kay Arman at saka sinagot ang tanong ng asawa.

“Bakit Arman? Masakit ba? Anong pakiramdam ng malaman mong nagtaksil ang asawa mo sayo? Masarap ba?” si Arcelle na hindi na napigil ang patuloy na pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Nakaramdam ng matinding pait sa dibdib si Arman. Ganito pala ang pakiramdam ng makaalam ng katotohanan ng kataksilan. Masakit pa lang lunukin lalo na kapag ikaw ang nasaktan. Ngunit bakit hindi niya inalala ang damdamin ng asawa. Na para bang siya lang ang may karapatan na masaktan dahil lalake siya.

Ang tunay na dahilan ni Arcelle kung bakit niya iyon sinabi sa asawa ay hindi lamang para ibalik dito ang hapdi na naranasan niya. Kung hindi para alamin kung mamahalin pa din siya ni Arman sa kabila ng pagkakamali niya. Nais niyang maging tapat kay Arman kahit sa maaaring huling sandali ng pagsasama nilang dalawa. Kung nanaisin nilang magsimula ulit, dapat walang lihim na kinatatakutan ang bawat isa.

Muling gumawi si Arcelle palabas, hila ang maleta. Mahigpit na hinawakan ang seradura ng pinto. Muling natigil ng marinig ang huling tanong ng asawa.

“M-Mahal mo pa ba ako Arcelle?” ang malungkot na tanong ni Arman habang nakatingin sa nakatalikod na asawa.

Hindi na sumagot si Arcelle, patuloy na lang lumuha. Mahal pa din naman niya si Arman ngunit paano sila magsisimula, tanggap pa din ba siya ng asawa? Pinihit niya ang seradura ng yumakap mula sa likod niya ang asawa.

“Huwag kang umalis Arcelle.” ang pakiusap ni Arman. Ramdam niya ang bigat sa kanyang puso sa isiping hindi na niya muli pang makakapiling si Arcelle.

“Mahal mo pa ba ko Arman? O kailangan mo lang ako?” ang malungkot na tanong ni Arcelle.

Ipinihit ni Arman si Arcelle, banayad na hinaplos ang namumulang pisngi ng asawa at saka iyon hinalikan.

“I love you Arcelle. Mahal pa din kita. Magsimula tayo ulit, katulad ng dati. Hindi na kita sasaktan. Please Arcelle. Huwag mo akong iwan.” ang madamdaming pakiusap ni Arman habang nakayakap sa asawa.

“Madumi na ako Arman, nadungisan na kita.” si Arcelle na patuloy pa din sa pagluha.

“Marami akong kasalanan din sayo Arcelle. Kaya wag nating balikan at muli pang pag-usapan ang ating mapait ng nakaraan. Ang mahalaga ay mahal pa din natin ang isa’t-isa at magsisimula ulit tayong dalawa.”

Dahil sa narinig ay yumakap na din si Arcelle sa asawa at patuloy na lumuha sa dibdib nito.

“I’m so sorry too Arman, naging mahina din ako….”

Hinaplos ni Arman ang likod ng asawa at masuyo itong hinalikan sa buhok.

Muli nilang hinanap ang mata ng isa’t-isa at muling naghinang ang kanilang mga labi. Ngayon ay ramdam nila na ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. Na hindi kaya ng pagsubok at pagkakamali na gibain ang pagsasama nilang dalawa. Isinuot ni Arman pabalik kay Arcelle ang wedding ring ng asawa. At mabilis na hinila ni Arman papasok si Arcelle sa kwarto nilang mag-asawa. Inalis ang bedsheet at saka ibinaligtad ang kama. Natawa naman ng bahagya si Arcelle habang lumuluha ng masaya. Mabilis nilang hinubaran ang bawat isa na parang may humahabol sa kanila. At sa buong magdamag ng gabing iyon ay paulit-ulit nilang nilasap ang masarap na simula ng panibagong yugto ng kanilang pagsasama.

“Hon… Ohhh….”

“Ahh… Ahhh… H-Hon…

“I love you Arman….”

“I love you too Arcelle….”

At tuluyan ng napatid ang pagkauhaw at pagnanasa ni Arcelle kay Dan. At sa kanyang isipan habang kapiling si Arman ay lihim na nagpasalamat kay Dan. Dahil kung pinaunlakan ni Dan ang kanilang pagtatampisaw sana ngayong gabi sa kasalanan ay hindi niya tiyak kung ang bigay ng tadhana na pagkakataon sa kanilang mag-asawa para muling magmahalan at magkabalikan ay mangyayari pa.

*****

Magkatabing magkayakap ang kahubaran nina Mika at Dan, katatapos na naman ng kanilang mainit na pagtatalik. Nakahiga ang ulo ni Mika sa balikat ni Dan habang nilalaro ng daliri ang matipunong dibdib ng binata. Ang nasa isip naman ni Dan ay kung paano sisimulan ang balak na pagtatapos sa relasyon nila ni Mika.

“Mika, hanggang kailan panggabi ang ate mo?”

Tumingin naman si Mika kay Dan.

“Hm? Hanggang sa Sabado, lingguhan ang palit ng sched ni Ate.”

Nag-isip si Dan, ibig sabihin ay mayroon pa silang araw para magtabi ni Mika. Nais na sana niyang matigil ang ginagawa nila ni Mika ngunit parang mahihirapan siya. Magkatabi lang kwarto nila ni Mika at madali para sa dalaga ang pilitin siya. Pagkatapos naman ng ilang araw ay matatapos na ang panggabi ni Ella. Nangangahulugan iyon ng dalawang linggo siyang makakaiwas na magtabi sila ni Mika.

“Bakit Dan? Ma-miss mo ako kaagad?” ang nagbibirong tanong ni Mika.

Pinisil niya ng bahagya ang malambot nitong pisngi.

“Dan naman. Pangigilan ba ang pisngi ko.” si Mika na nagkunwang nasaktan ngunit masaya naman.

“Mika, anong palagay mo kay Alex?” si Dan na nagnanais na paglapitin ang dalawang kaibigan.

“Mabait si Alex, mabiro at masarap ding kausap. Maalalahanin saka….” natigilan si Mika ng naisip kung bakit nagtatanong si Dan.

“Dan ha, parang gusto mo na akong ibigay kay Alex.” nagtatampo na talaga siya. Si Dan ang mahal niya at hindi si Alex. Kaibigan lang talaga ang nararamdaman niya para sa binatang kasama nila sa trabaho.

Napangiti naman si Dan at saka tumingin kay Mika.

“Gusto ko si Alex para sayo Mika. Alam kong ikaw ang magpapasya para sa sarili mo dahil ikaw ang may-ari ng puso at damdamin mo. Ngunit alam nating may hangganan din tayo Mika. Kung darating ang araw na maghihiwalay tayo. Sana ay maalala mo ang sinabi ko at tingnan mo din naman si Alex.”

Dito na naramdaman ni Dan ang tahimik na pagluha ng dalagang nakayakap sa kanya. Niyakap niya ito at inalo, hinagod-hagod ang buhok nito. Alam niyang hindi niya iyon dapat na ginawa dahil masasaktan at malulungkot si Mika. Ngunit kailangan niyang magsimula na alang-alang sa kanilang dalawa at sa pangako niya kay Angela na malapit na silang maging malayang dalawa.

“Mika…”

Muling nagtaas ng mukha si Mika, nasa magandang mukha ng dalaga ang mga luha ng kalungkutan na hindi nito kayang pigilan.

“Dan, gusto ko pang magbaon ng maraming ala-ala na kasama ka.”

Pinahid ni Dan ang mga luha sa mga mata ni Mika at tumingin sa nangingsilap nitong mga mata.

“Mika… Hindi lang ikaw ang magbabaon ng masasayang alaala nating dalawa. Ganun din ako sayo, iingatan ko sa aking alaala ang bawat sandali na magkasama tayo.”

Lalong hindi na napigil ni Mika ang luha sa kanyang mga mata. Alam niya at tanggap na maghihiwalay din sila ni Dan ngunit hindi ganito kabilis. Ayaw pa niya, hindi pa siya handa, may kulang pa, isang alaala ni Dan sa kanya na lagi niyang makakasama.

“Dan.. W-wag muna ngayon, ok. Please Dan… Wag muna ngayon…” ang pakiusap ni Mika.

Wala naman nagawa si Dan kung hindi pakalmahin si Mika.

“Tahan na Mika, hindi pa ngayon…..” si Dan na hinalikan sa buhok ang dalaga.

Muling isinubsob ni Mika ang didbdib sa binata. Nagpaparamdam na si Dan, ayaw man niyang isipin ay nalalaman niyang malapit na ang katapusan. Isa lang naman ang hiling ni Mika ng mangyari bago sila maghiwalay.

Muling nagtaas ng tingin si Mika.

“Dan.. ”

Tumingin din naman si Dan kay Mika.

“Mika…”

“G-gusto kong…. m-mabuntis mo muna ako bago tayo maghiwalay. Yun lang Dan ang hiling ko sayo.” ang buong pusong pakiusap ni Mika. Maliban dun ay wala na siyang nais pang iba. Kung hindi niya makakapiling si Dan sa buong buhay niya. Kasama naman niya ang anak nila na magiging kuhanan niya ng lakas at ligaya.

Hindi alam ni Dan ang isasagot kay Mika. Ayaw niyang bigyan ng pasanin ang dalaga dahil sa kanya. Ngunit ayaw naman niyang magbigay ng huwad na pangako sa dalaga. Kailangan niyang magsabi ng totoo, yun man lang ay magawa niya para sa dalagang tapat na umiibig sa kanya.

“Mika, hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magkasama. Sa panahong magkasama tayo, mangyari sana ang hiling mo Mika.” si Dan habang hinaplos ang mukha ni Mika.

Tumango naman si Mika, tinanggap na din ang sinabi ni Dan. Wala naman siyang magagawa. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Mika ng muling tumingin sa mata ni Dan.

“Basta wag muna ngayon Dan….”

Isang malungkot na ngiti din ang ibinigay ni Dan kay Mika.

“Hindi pa ngayon Mika…”

At muling naglapat ang kanilang mga labi. Ramdam ni Dan ang lungkot sa labi at halik ni Mika. Ngunit kailangan niyang maging matatag mula ngayon upang isa-isang itama ang kanyang pagkakamali. Kapag nakalaya na siya kay Mika…… Si Christine naman ang haharapin niya. Sa isipin pa lang na ito ay naramdaman na agad ni Dan na parang dinudurog ang puso niya. Ang sandaling mawawala na sa kanya si Christine upang maging malaya sila ni Angela ay sadyang napakasakit din pala. Paano niya sasabihin at ipagtatapat kay Christine ang katotohanan tungkol sa kanila ni Angela?

Napakalas siya ng halik kay Mika, at nakita ni Mika ang luha sa mga mata ni Dan. Niyakap ni Mika si Dan at ikinulong sa kanyang dibdib at hinayaang lumuha doon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang lumuha si Dan ngunit alam nyang hindi siya ang dahilan. Naalala niya ang magandang dalagita na may alon-alon na buhok sa wallet ni Dan.Iyon malamang ang dahilan.

Sa buhay ng tao ay dumarating ang bawat simula at may katapusan. Kung paano matatapos ang lahat ay hindi pa din alam ni Dan.

(Ipagpapatuloy…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *