Tukso kay Dan Part 29

Chapter 29

Nagmulat na ng mata si Dan ay mahimbing pa din ang tulog ni Mika. Tiningnan ni Dan ang natutulog na nakahubad na dalaga sa tabi niya. May bakas pa ng luha sa magkabilang pisngi nito. Alam na ni Dan kung bakit tinanghali ng gising si Mika, matagal itong umiyak kagabi habang natutulog siya. Maingat niyang inalis sa kanyang dibdib ang kamay ng dalaga. Hinalikan sa buhok ang natutulog na si Mika at saka siya tuluyang bumangon sa kama. Kinuha ang mga pamalit na pamasok at ang nakasabit na twalya, saglit pang tiningnan ang himbing na dalaga at saka si Dan pumasok na sa banyo upang maligo. Kailangan niyang pumasok ng maaga at marami pa siyang dapat na tapusin na gawain sa pamantasan. Mamayang hapon naman ay ang makakapiling niya si Angela sa kwartong ito. At si Angela naman ang ihihiga niya sa kamang kinaroroonan ngayon ni Mika. Nakaramdam siya ng lungkot dahil mas nauna pa niyang naihiga si Mika ngunit pagdating naman ng tamang panahon ay kay Angela na lang ang kamang iyon.

Ilang pagbuhos pa ng tubig ang narinig ni Mika at nagising na din siya. Tiningnan niya ang orasan, pasado alas-sais na pala. Alam nyang naliligo na ngayon si Dan at parating na din ang Ate Ella niya. Dahil sa matagal na pag-iyak kagabi ay napuyat siya. Hindi pa naman siya iiwan ni Dan, may panahon pa sila, may pag-asa pa din na mangyari ang pangarap niya. Nagsimula ng magbihis si Mika at lumabas na ng kwarto ni Dan. Bumalik sa kwarto nilang magkapatid at saka mabilis na naghanda ng agahan.

*****

Pagbaba ni Angela sa may salas ay nabungaran niyang naroon na si Lance. Nakaramdam siya ng matinding kalungkutan, ngayon ang araw ng Huwebes na usapan nila ni Dan. Ngayong narito si Lance sa umaga ay tiyak na maghihintay ulit ito sa kanya sa hapon sa may pamantasan. Hindi na sila matutuloy ni Dan dahil tiyak na sasabihin ni Lance sa kanyang ama ang pagkawala niya ng ilang oras sa hapon. Pinalis niya ang lungkot sa kanyang isipan, magiging magkapiling din sila ni Dan. Hindi mang ngayong araw ay sa panahong darating. Lumapit si Angela kay Lance na nakatingin sa kanya. Bagaman ito ang dahilan ng kanyang kalungkutan ay ayaw na niyang maging malamig sa binata. Nasabi na niya ang nais niya, na kay Lance na ang pagpapasya kung paano nito tatanggapin ang katotohanan na may iniibig siyang iba.

Habang pababa si Angela sa hagdan ay nakatingin na agad si Lance sa maganda at maamong mukha ng dalaga. Nakasuot lang si Angela ng isang asul na blouse at maong na pantalon. Simple lang talagang mag-ayos ang dalaga ngunit lutang pa din ang kagandahan ni Angela at ang mahubog nitong katawan. Naalala pa niya ang bawat sinabi ni Angela kahapon sa kanya. Ang mga pagsamo at pakiusap nito na lubhang mahirap sa kanya ang tanggapin. Hindi pa niya kayang isuko si Angela lalo’t hindi pa niya nakilala ang lalakeng nagmamay-ari sa puso ng dalaga.

“Lance…” si Angela habang nakatingin sa binata.

Tumayo naman si Lance. Nagpatuloy na si Angela sa kusina at kasunod ang binata. Tahimik silang kumain kasabay ang mga magulang ni Angela. Pagkakuha ng gamit ni Angela ay lumapit sa kanyang mga magulang na nasa kusina pa. Humalik sa pisngi ng kanyang ama at ina at saka nagpaalam na.

“Bye Mom…”

“Bye Dad…”

Nakatingin naman sa kanyang ang mga magulang. Kahapon lamang sila hindi nakaranas ng halik mula sa anak ay parang napakatagal na panahon na agad ang lumipas.

“I love you both.” ang nakangiting sabi ni Angela sa mga minamahal na magulang.

Iba ang naramdaman ni Alice sa mainit na halik ng nag-iisang anak na may kasamang deklarasyon ng pagmamahal sa kanila.

“Iha, is everything ok?” ang nag-aalalang tanong ni Alice, bagaman masaya sa ginawa ng anak ay may ibang pakiramdam siya.

Tumango naman si Angela at ngumiti ulit sa ina.

“I’m fine Mom. I’m going na po.”

“Go ahead Iha, Lance is waiting.” ang huling sabi ng ama ni Angela bago lumayo ang dalaga.

Tumalikod na si Angela at nagtuloy na palabas. Naiwan si Anton na labis na nag-iisip. May kakaibang siyang nararamdaman sa anak mula pa kahapon na hindi niya matukoy o maipaliwanag. Bakit ganun na lamang ang pagtanggi ng anak kay Lance at sa plano nilang kasal ng dalawa? Hindi naman bago ito kay Angela at noon pa nalalaman ng anak ang posibilidad na ito. May iba pang mabigat na dahilan na hindi sinasabi si Angela sa kanila. Umusal si Anton sa sarili na sana ay mali ang iniisip niya, kung hindi ay makakagawa siya ng hakbang na alam niyang ikalulungkot ng nag-iisa niyang anak.

*****

Tahimik silang dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Nais magsalita ni Angela ngunit hindi niya alam ang sasabihin kay Lance. Alam niyang malungkot pa din ito at mabigat ang nararamdaman.

“Lance…” ang mahinang tawag ni Angela habang nakatingin sa binata.

Hindi sumagot si Lance, ayaw nyang magsalita. Dahil sa sandaling magsalita siya ay tiyak na masasaktan lang niya ang damdamin ni Angela. Hindi niya kayang isuko pa si Angela. Kung hindi siya mahal ng dalaga ay hindi na mahalaga sa kanya. Matututunan din siyang mahalin ni Angela kapag mag-asawa na silang dalawa at sa iisang tahanan na nakatira. Ito ang nasa isip ni Lance na ayaw niyang mabago pa ng mga pakiusap at sasabihin ni Angela.

Ipinaling na lang ni Angela ang paningin at malungkot na tumingin sa labas. Pagdating nila sa pamantasan ay saka nagsalita si Lance bago makababa si Angela.

“Angela… Stay for a while. I have something to say.” ang sabi ni Lance na nakatingin sa dalaga.

Nakaramdam naman ng pagkailang si Angela, lalo na ng makita niyang maraming estudyanteng dumadaan ang napapatingin sa kanila.

“Angela…”

Napilitan siyang lumingon sa binata.

“I’ll wait for you here at three. Nakausap ko na ang daddy mo at sinabi ko na gusto kong lumabas tayo ngayong hapon. He already gave his permission Angela. Let’s have a date this afternoon, we’ll start there, ok.” ang madiin na sabi ni Lance, sa ayaw o gusto ni Angela ay mapipilitan din itong sumama sa kanya. Lihim siyang natuwa, nasa kanyang palad pa din naman si Angela.

“Lance, please. Don’t do this. Ayaw na kitang saktan.” ang pakiusap ng dalaga dahil alam nyang labis na ding naghihirap si Lance dahil sa kanya.

Mapait namang ngumiti si Lance, mabilis na napalitan ng lungkot ang saglit na saya na naramdaman.

“Kung ayaw mo talaga akong masaktan Angela, then please love me and be mine.” ang pakiusap ni Lance habang nakatingin sa mata ni Angela.

Malungkot na tumingin lang si Angela sa mukha ni Lance.

“I’m sorry Lance. But that is something na hindi mangyayari kailanman.” ang matapat na sagot ni Angela.

Lalo namang bumigat ang pakiramdam ni Lance.

“Why Angela? You don’t even know him for a long time. Mas matagal na tayong magkakilala.” nasa tinig ni Lance ang hindi maitagong lungkot, na sa ilang buwan lang na nakalipas ay labis ng inibig ni Angela ang kasintahan nito.

“Because I feel that I already belong to him bago pa kami nagkakilala Lance. At kung may susunod pa akong lifetime Lance, alam kong sa kanya pa din ang pag-ibig ko at para pa din kami sa isa’t-isa.” ang buong pag-ibig na sabi ni Angela, walang pakialam may makapansin man sa labas sa pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Dahil iyon ang tunay na nararamdam ng dalaga. Na para bang matagal na silang magkakilala ni Dan at nabuhay na silang dalawa sa mga nakalipas na panahon. At paulit-ulit lamang nilang nararanasan ang kanilang pagmamahalan. Dahil sa pangako ng walang hanggang pag-ibig at kaligayahan sa piling ng bawat isa.

Muling ngumiti ng buong pait si Lance dahil sa sinabi ni Angela na humiwa ng malalim sa kanyang puso at damdamin.

“Then let’s put your love to the test Angela.” ang hamon ni Lance.

“Do it Lance, with all your might. At pagkatapos mong gawin ang lahat ng gusto mo. Then I’ll wish na you’ll find someone that will finally give you true happiness.”

Pinalis ni Angela ng panyo ang mga luha na kanina pa nagsimulang gumuhit sa kanyang magkabilang pisngi.

“I’m going to hurt you Angela at iniisip mo pa din ang kaligayahan ko. Why?” ang malungkot na tanong ni Lance.

“Because you deserves it…, dahil minsan sa aking buhay, you were there for me too. A wish is the least I can do to make you happy Lance.” ang patuloy ni Angela habang nagpapahid pa din ng mga luhang ayaw tumigil mula sa kanyang mga mata.

Nakuyom ni Lance ang mga palad. Nagtatalo ang damdamin sa nais at dapat niyang gawin.

“Goodbye Lance.” ang malungkot na paalam ni Angela at lumabas na siya sa sasakyan ng binata.

Pagkababa na ni Angela sa sasakyan ay mabilis na umalis si Lance at nagpunta sa isang tahimik na lugar at doon hinayaan na pumatak ang mga luhang ayaw niyang makita ng iniibig na dalaga.

*****

Maagang pumasok si Alyssa ng araw na iyon. Nais niyang makausap si Dan tungkol kay Christine. Mahal at mahalaga sa kanya si Angela na kanyang kaibigan. Ramdam niyang tunay na nag-iibigan sina Angela at Dan ngunit kailangan pa din niyang malaman ang totoo. Kaagad na nagtungo si Alyssa sa loob ng library at hinanap si Dan. Mabuti na lamang at iilan lang ang mga estudyante sa loob ng malaking library ng umagang iyon. Nakita niya ang binata sa pinakadulong parte na abala sa ginagawa nitong pag-aaral habang may ilang libro na nakabukas sa harapan nito. Alam nyang mali at hindi dapat ngunit buong pag-ibig pa din niyang pinagmasdan si Dan. Mahal pa din niya ang binata sa kabila ng pagsuko niya dito para sa kaibigang si Angela. Wala naman siyang ginawang masama dahil ang hindi niya kayang utusan o pigilan ang puso na huwag umibig kay Dan. Sana lamang ay lumipas ng mabilis ang mga araw na makalimot na agad ang sawi niyang puso.

Natigil sa pagsusulat si Dan ng marinig niya ang pagbati sa kanya ni Alyssa malapit sa kinauupuan niya.

“H-Hi Dan.” ang nakangiting bati ng dalaga pero may pag-aalinlangan, dahil hindi niya alam ang magiging reaksyon ni Dan sa nais niyang malaman.

Nagtaas ng paningin si Dan.

“Alyssa.” si Dan na ngumiti din sa dalaga.

“Pwedeng maupo Dan.”

“Hindi ako ang may-ari ng library Alyssa.” ang nagbibirong sabi ni Dan at saka nagsenyas na maupo ang dalaga.

Nakatingin sila ngayon sa isa’t-isa. Nag-aalangan si Alyssa sa nais niyang malaman, baka lumabas na masyado na siyang nanghihimasok sa relasyon ng dalawa. Ramdam naman ni Dan na may gustong sabihin si Alyssa.

“Alyssa…” ang malumanay na sabi ni Dan.

Huminga ng malalim muna si Alyssa bago nagsalita.

“Dan, I hope you don’t get mad at me for asking pero kaibigan ko si Angela at alam mo yun.” ang panimula ni Alyssa.

“Sige Alyssa, tuloy mo.”

Tungkol dun sa picture Dan. Kayo ni Angela ang may relationship pero bakit picture ni Christine ang nasa wallet mo?”

Natigilan saglit si Dan, ngayon ay kilala na din ni Alyssa si Christine, noon pa niya naisip ang posibilidad na mangyayari ito ng makita ni Alyssa ang picture na nasa wallet niya at naging kaibigan nito si Angela.

Inilabas ni Dan ang kanyang wallet, binuksan at ipinakita kay Alyssa.

“Inalis mo na?”

Tumango naman si Dan.

“Isang pagkakamali ko yun Alyssa.” ang pag-amin ni Dan.

“Sino si Christine sayo Dan?”

Tiningnan muna ni Dan si Alyssa, at saka kinuha mula sa kanyang bag ang kanyang cattleya. Ipinabasa kay Alyssa ang kulay rosas na booklet. At pagkatapos ay ang kulay asul naman.

Habang binabasa ni Alyssa ang mga naisulat ni Dan para sa dalawang dalaga ay ramdam niya ang bawat salita sa kanyang paningin. Napakainit ng kanyang pakiramdam dahil damang-dama niya ang pagpapahalaga at pagmamahal ni Dan kay Christine at pag-ibig naman nito kay Angela. Halos ang lahat ng mga pangyayari ay nakadetalye doon. Marahan niyang isinara ang kwadernong cattleya ni Dan at ibinalik iyon sa binata. At pagkatapos ay nagpahid ng butil ng luha sa kanyang mata. Kaysarap pa lang umibig ni Dan. Hindi na siya magtatakang kapwa labis na nahulog ang loob nina Christine at Angela kay Dan.

“Alyssa, wag mo sanang sabihin ang tungkol dito kahit na kanino.” ang pakiusap ni Dan.

Tumango naman si Alyssa.

“Salamat Alyssa.”

“Pero Dan, kailangan mo ng pumili. Hindi mo sila maaaring mahalin pareho. Mahal mo si Christine pero mas mahal mo si Angela. Unfair sa inyong tatlo ang sitwasyon nyo ngayon. Kay Christine na umaasa sayo, at sa inyong dalawa ni Angela na dapat ay malaya sa relationship nyo.”

“Alam ko Alyssa, hindi mo lang alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon. Dapat na akong mag-desisyon para matapos na lahat ng ito pero kailangan ko lang ng kaunting panahon pa. Hindi ko din alam kung paano ko ito sasabihin kay Christine.” nahihirapan na din si Dan, paano niya haharapin si Christine at ipagtatapat dito ang tungkol sa kanila ni Angela.

Nakita naman ni Alyssa ang paghihirap ni Dan, nakaramdam siya ng awa sa binata.

“D-Dan, nakahanda ka ba?” ang nag-aalalang tanong ni Alyssa.

Natamik naman si Dan, sa isipan niya ay alam na niya ang isusunod ni Alyssa.

“Sa posibleng balik sayo ng lahat ng ito. Christine and Angela are very different to us, nasa mundo sila na iba sa atin. May mga magulang sila at nakakatiyak akong may mga lalake ding naghahangad sa kanila. Hindi madali para sa kanila ang tanggapin ka at ang relasyon mo sa kanilang dalawa. At kapag pinili mo na si Angela, nakakatiyak ka ba na papayag si Christine ng ganun na lang. And, Angela’s parents Dan, alam kong alam mo ang magiging pagtutol nila sayo.”

Isang tipid na ngiti muna ang ibinigay ni Dan kay Alyssa bago siya sumagot.

“Hindi ko masasabing nakahanda ako sa lahat Alyssa. Dahil hindi ko naman nakikita ang mga mangyayari sa hinaharap. Ngunit isa lang ang natitiyak ko, para sa kaligayahan at pagmamahal ni Angela ay handa kong gawin ang lahat. At nagsisimula na ako Alyssa. Alam kong marami akong pagbabayaran ngunit ngyari na ang mga iyon at tapos na ang nakalipas. Haharapin ko na lang ang mga ibibigay sa akin ng kasalukuyan at aasa na may pag-asa pa ako sa kinabukasan. Wala namang akong magagawa na Alyssa, ngyari na ang lahat ng ito sa amin dahil sa akin. Kung may isang kailangang magdusa at magbayad ng lahat. Ako ang tatanggapap ng mga kabayarang iyon.” ang malungkot na sabi ni Dan, dahil malaki naman talaga ang posibilidad na maaaring mangyayari ang sinabi ni Alyssa.

Natahimik lang si Alyssa, napapikit ng mata at napaluha para kay Dan. At umasa na sana ay malampasan lahat ni Dan ang mga pagsubok na tiyak na darating sa buhay ng binata dahil sa dalawang dalagang minahal nito ng sabay.

*****

Maaga ding pumasok si Christine ng araw na iyon. Nais niyang makausap si Alyssa, may alam ang dalaga na hindi niya alam. Kailangang mag-usap silang dalawa. Nakita niyang pumasok si Alyssa sa loob ng library, sinundan niya ang dalaga doon. Malayo pa lang ay nakita na niya si Dan. Nakaramdam siya ng saya. Ngunit naglaho ang kanyang ngiti sa labi ng umupo si Alyssa sa harap ni Dan. Maingat siyang lumapit, sa isang nakatalikod na lagayan ng libro. Tahimik siyang nakinig sa pag-uusap ni Dan at Alyssa. At ang mga luha ay mabilis na dumaloy mula sa kanyang mga mata ng malaman ang tungkol kay Dan at kay Angela na may relasyon na din pala. Maging ang pag-alis ni Dan ng picture na ibinigay niya sa wallet ng binata. Isang pagkakamali lang ba siya kay Dan? Sa binatang labis niyang inibig at minahal. Nasaan na ang mga pangakong binitawan ni Dan sa kanya kapag magkasama silang dalawa?

Natigil ang dalawa na parang may binabasa si Alyssa. Nang muling nagpatuloy na mag-usap ang dalawa ay lalong naghirap ang damdamin niya.

Mas mahal ni Dan si Angela kaysa sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng mga namagitan at pag-ibig na ibinigay niya kay Dan ay sa ganito siya gagantihan ng binata. Ang lahat ng ito ay halos dumurog sa puso ni Christine. Tahimik siyang umiyak na lamang ng dahil sa mga nalaman. Nakaramdam siya ng galit kay Dan at kay Angela na kapwa nagsisinungaling pala sa kanya. Humigpit ang kanyang palad at lumapit sa nakaupong dalawa.

“D-Dan….” si Christine na hindi na nagawang itago ang luha sa kanyang mga mata.

Sabay na napatingin sina Alyssa at Dan kay Christine. Namutla at labis na kinabahan si Alyssa. Malungkot namang ngumiti si Dan. Dumating na ang araw na kinatakukutan niya.

“S-sa rooftop tayo Dan. Now.” ang madiin at malamig na sabi ni Christine.

Nagpahid ng luha si Christine sa kanyang mga mata at mukha at saka nagsimulang lumakad palabas.

Naiwan namang nakaupo pa din si Alyssa na kinakabahan habang humikbi. Si Dan naman ay nagsimula ng ayusin ang mga gamit na nasa harapan.

“I-I’m so sorry Dan. Hindi ko alam na narito pala siya.” ang malungkot na sabi ni Alyssa habang nagpapahid ng luha sa mga mata.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Dan kay Alyssa.

“Wala kang kasalanan Alyssa, concern ka lang kay Angela dahil kaibigan mo siya. At alam ko namang darating din ang araw na ito.” ang malungkot na sabi na lang ni Dan. Mabigat ang kanyang pakiramdam at nanlalamig siya.

Pagkatapos mag-ayos ng kanyag mga gamit at ay marahan niyang tinapik sa balikat si Alyssa.

“Una na ako Alyssa.”

Mabigat ang mga hakbang ni Dan habang naglalakad papunta sa rooftop. Alam niyang nasaktan niya ng labis ang damdamin ni Christine, at ngayon ay kailangan niyang harapin ng tapat ang lahat ng gagawin at sasabihin nito sa kanya.

Nang nakalabas na sa library si Christine at Dan ay nagpasyang sumunod si Alyssa. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Dan sa panahong hindi inaasahan ng binata. Tahimik siyang sumunod ng naka-distanya sa dalawa. Kinakabahan siya sa maaaring maging pag-uusap ng dalawa. Natigil siya sa paglalakad ng may tumawag sa kanya.

“Alyssa…” si Angela na tipid na ngumiti sa kaibigan, nasa mukha pa din niya ang lungkot na nadarama.

Pagkakita ni Alyssa kay Angela ay mabilis niyang niyakap ang kaibigan. Nailang naman si Angela dahil nagsimulang magtinginan ang ilang mga estudyante sa kanila.

“A-Alyssa, what’s wrong? Ok ka lang ba?” ang nag-aalalang tanong ni Angela sa humihikbing kaibigan.

Umiling naman si Alyssa habang nagpapahid ng luha na kanina pa hindi mapatid sa paglabas.

“Magkasama ngayon sina Dan at Christine sa may rooftop ng building na yun. I’m sorry Angela, dahil sa akin nalaman ni Christine ang tungkol sa inyo ni Dan. I’m really sorry.” ang naluluha pa ding si Alyssa.

Kinabahan naman si Angela dahil magkasama ngayon sina Dan at Christine. Ngunit naguguluhan pa din siya kung paano nalaman ni Alyssa ang tungkol sa lihim na relasyon ni Dan at Christine.

“Please calm down Alyssa. Sabihin mo sa aking lahat para maunawaan ko.” ang pakiusap ni Angela.

At nagsimula ng sabihin ni Alyssa ang lahat ng kanyang nalalaman at buong pangyayari na naganap sa library kanina lamang.

Nasa rooftop na si Dan. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Nakita niyang nakasandal ang likod ni Christine sa pader habang nasa ilalim ng shade. Lumapit siya sa umiiyak na dalaga at humarap dito.

“Christine…” ang mahinang pagtawag ni Dan.

Nagtaas ng mukha si Christine at nakita ni Dan ang magkahalong lungkot at galit sa magandang mukha ng dalaga.

“Dan. Clenched you teeth.” ang madiin na sabi ni Christine.

Ihinanda naman ni Dan ang sarili.

(“PAK!”)

Pagkatapos ng isang malakas na sampal ay muling tumingin si Dan sa malungkot na mata ni Christine.

(“PAK!”)

Muling hinarap ni Dan si Christine, kailangan niyang tanggapin ang lahat ng mga ito.

(“PAK!”)

Sa bawat malalakas na sampal ibinigay ni Christine kay Dan ay nasasaktan din naman siya. Dahil sa sarili niyang palad ay namumula na ngayon ang pisngi ng binatang pinakamamahal niya. Ngunit ang hapdi at galit na nasa loob ng kanyang dibdib ay kailangang maibsan kung hindi ay baka mabaliw siya dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Isang huling sampal pa sana ang kanyang ibibigay sa maamong mukha ni Dan ngunit natigilan siya ng muling magtama ang kanilang paningin ng muling pumaling ang binata sa kanya. Naalala niya ang unang araw na nagkita silang dalawa. Sa kanilang magkatabing upuan na naging simula ng pagmamahalan nilang dalawa. Ang mga tingin na iyon sa kanya ni Dan na hindi naglaho kailanman.

“D-Dan….” at yumakap si Christine ng mahigpit sa binata at patuloy na lumuha sa dibdib nito.

Hindi alam ni Dan ang gagawin, ayaw kumilos ng kanyang mga kamay.

“P-Please Dan, yakapin mo ako. Haplusin mo ulit ang buhok ko like you did everytime.” ang buong pusong pakiusap ni Christine sa kanya.

Napaluha na si Dan dahil sa alam nyang paghihirap ng kalooban ni Christine. Ngunit ang mga luha niya ay hindi sapat upang pawiin ang pagdurusa ng dalagang umiiyak ngayong nakayakap sa kanya.

“Yakapin mo ako Dan, parang awa mo na Dan. Yakapin mo ulit ako!” ang malakas na tinig ni Christine ay sumabay sa hangin kasama ng pagtangis ng dalaga.

“I-I love you Dan. P-Please say “I love you too Christine”.” ang patuloy na pakiusap ng ngayon ay nahahapis na dalaga. Puno ng kalungkutan ang kanyang puso. Ayaw niyang tanggapin na ang pinakamamahal niyang si Dan ay hindi na sa kanya at pag-aari na ng iba.

Sa likod naman ng pinto ay tahimik na umiiyak si Angela habang naririnig ang pagmamakaawa ni Christine kay Dan. Alam ni Angela na tunay at tapat din ang pagmamahal ng dalaga sa kasintahan. Sa puso niya ay umaasa siyang manatiling matatag at tapat si Dan at tuluyan ng tapusin ang relasyon nila ni Christine. Ngunit sa isang sulok ng puso ni Angela ay naroon ang habag kay Christine. Kaibigan niya din naman ang dalaga na walang ginawang masama sa kanya. Nagkataon lamang na umibig silang pareho kay Dan na isa lamang sa kanilang dalawa ang maaaring piliin ng binata.

Sa mga sandaling iyon ang biro ng tadhana ay sumugat sa puso nilang tatlo. Kapwa nila ramdam lahat ang hapdi na bunga ng pag-iibigan nila.

Nakaramdam na ng matinding takot si Christine ng pagkatapos ng kanyang mga pakiusap ay hindi pa din kumilos o nagsalita si Dan. Itinaas niya ang kanyang luhaang mukha at hinanap ang maamong mukha ng binata.

“Dan, may kulang pa ba sa akin? Is there something more that I need to do to make you happy. Sabihin mo sa akin Dan at gagawin ko para sayo.” si Christine habang nakatingin sa mga malungkot na mata ni Dan na ngayon ay may luha na din.

“Christine. I’m sorry. Mahalaga ka sa akin at may puwang sa puso ko na laan lamang sayo. Ngunit si Angela ang mas higit na mahal ko.” si Dan habang malungkot pa ding nakatingin sa umiiyak na si Christine. Gusto niyang yakapin ang dalaga ngunit hindi niya magawa. Dahil sa sandaling gawin niya iyon ay hindi na niya matatapos pa ang paghihirap nilang dalawa. Mahal niya si Christine, ngunit mas mahal niya si Angela. Ito ang masakit na katotohanan na nalaman ni Dan habang kapwa sila nahihirapang dalawa.

“D-Dan.. Pinaglaruan mo lang ba ako? Pinaasa sa mga pangako mong ako lang mahal mo. Are you really this coldblooded Dan? To deeply hurt me like this after all that I’ve done and given to you. Where are all the promises that you gave me Dan? Please answer me now!” si Christine habang nakahawak ng mahigpit sa damit ni Dan.

Patuloy na lumuha lamang si Dan, wala siyang maisagot at wala siyang magawa. Mahapdi na din ang kanyang puso dahil sa nakikitang pagdurusa ni Christine.

“I’m really sorry Christine. Kung maaari lang akong magmahal ng dalawa ay hindi kita iiwan.”

Nabuhayan ng loob si Christine, nagkaroon siya ng pag-asa.

“Then you don’t have to choose Dan, pagsabayin mo kami ni Angela. Wala kang maririnig sa akin. Kahit dalawa kami ay ok lang sa akin. As long na sa akin ka pa din, kahit may kahati na ako ay tatanggapin ko pa din. Please Dan. Please, parang awa mo na. Huwag mo naman akong iwan ng ganito.” halos wala ng mailuha pa si Christine, masakit na ang kanyang mata ay labis pa ang sakit sa kanyang dibdib.

“Christine…” at napilitan na si Dan na hagurin ang haplusin ang alon-alon nitong buhok. Ang bawat pakiusap at pagsamo ni Christine ay parang patalim na sumusugat sa kanyang dibdib. Ano bang naging kasalanan ni Christine upang magdusa ito ng ganito.

Nang naramdaman ni Christine ang banayad na paghaplos ni Dan sa kanyang buhok ay muli siyang yumakap sa binata. At sa kanyang muling salita ay nagbigay ng isang mapait na banta habang nakatingin sa maamong mukha ng binata.

“Dan, kapag iniwan mo ako, I’m going to end my life. Sa sandaling mawala ka sa akin, itatapon ko na din ang buhay ko.” ang matinding deklarasyon ni Christine. Labis niyang minahal si Dan, hindi niya kayang mawala sa kanya ang pinakaiibig na binata. Kung iiwan siya ni Dan para kay Angela ay magpapakamatay siya. Upang sa ganoong paraan man lang ay manatiling parte siya ng buhay ni Dan. Laging aalalahanin ni Dan ang ginawa nitong kasalanan sa kanya. Kanya pa din si Dan pagkatapos ng kanyang paglisan.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Dan kay Christine. Ngayon niya nalaman ang ganti sa kanya ng kapalaran. Dahil sa kanyang kapusukan sa init ng laman. Ang karapatang lumigaya sa piling ng dalagang mas mahal niya ay hindi niya kailanman makakamtan. Sa sandaling gawin ni Christine ang sinabi nito, hindi na silang magiging masaya ni Angela kahit magkasama pa silang dalawa. Dahil sa hindi na kaya ni Dan ang kanyang nakikita at naririnig ay niyakap na din niya si Christine.

Dahil sa naramdamang muli ang mainit na pagyakap ni Dan sa kanyang katawan ay kumalma na din si Christine at humikbing nakayakap sa katawan ng binata.

“Dan..” ang mahinang pagtawag ni Christine.

“Christine.. Please huwag mo ng sasabihin ulit iyon.” ang pakiusap ni Dan, ang isipin pa lang na kikitlin ni Christine ang sarili dahil sa kanya ay isang matinding kalungkutan na walang kapantay para sa kanya.

Tumango naman si Christine.

“Then wag mo akong iwan….” ang buong pagsamong pakiusap ni Christine.

Habang magkayakap sila ni Christine ay hindi alam ni Dan ang gagawin. Dapat ay tapusin na niya at tuldukan ang relasyon nilang dalawa ngunit hindi niya magawa dahil sa isang nakakatakot na banta ni Christine. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya mahal si Christine. Mahal din naman niya talaga ang dalaga, ngunit nakilala at dumating sa buhay niya si Angela, ang dalagang mas higit niyang iniibig kaysa kay Christine.

Lalong mabilis na dumaloy ang luha sa mga ni Angela dahil sa sinabi ni Christine. Ramdam niya ang katapatan sa mga sinasabi ng dalaga. Ang pagmamahal nito kay Dan ay katumbas ng sa kanya. Ano ngayon ang gagawin niya? Kapag may ngyari kay Christine, magkapiling man sila ni Dan ay hindi sila magiging totoong maligaya kailanman. Pinalis niya ang mga luha sa kanyang mga mata at saka huminga ng malalim. Binuksan ang pinto at saka lumapit sa dalawa.

Natigilan naman sina Dan at Christine at napalingon sa nakabukas na pinto. Napilitang kumalas si Christine kay Dan at hinarap ang palapit na si Angela.

“Christine….” ang sabi ni Angela habang palapit sa lumuluhang kaibigan.

“There you are, ang mabuti kong kaibigan na umagaw sa akin kay Dan.” ang nang-uuyam na sabi ni Christine, nasa mukha pa din ni Christine ang lungkot na nadarama.

Nagtataka si Christine dahil palapit ng palapit sa kanya si Angela at kita niya ang mga luha sa mata nito. At ng makalapit na ay niyakap ni Angela si Christine.

“Christine…” ang malungkot na sabi ni Angela sa kaibigan.

Muli namang napaluha si Christine. Ang nais na magalit sa dalaga ay hindi na niya magawa. May kasalanan ba sa kanya si Angela? Gayung si Dan ang nagpasya.

“What now Angela?” ang tanong ni Christine sa dalagang nakayakap ngayon sa kanya.

“I don’t know Christine.” ang sabi na lang ni Angela, nalilito din sa sitwasyon nilang tatlo. Mahal niya si Dan at nais niyang sila lamang dalawa ang magkasama ngunit hindi niya kayang may mangyari kay Christine dahil sa kanila.

“I love him Angela…” ang malungkot na sabi ni Christine.

“I know, but he’s mine now Christine…” ang malungkot ding sagot ni Angela.

“We can have him both Angela… Walang dapat masaktan.. Willing ako Angela.. ” ang pakiusap ni Christine, tanggap na niya ang sitwasyon, kung kanya pa din si Dan, kahit kahati niya si Angela ay gagawin niya. Wag lamang mawala sa kanya si Dan.

Habang nakayakap kay Christine ay nakatingin si Angela kay Dan. Nag-iisip ng mabuti kung ano ang dapat niyang gawin.

“For now Christine, tanggap kong dalawa tayo.” si Angela na nakatingin pa din kay Dan.

Magsasalita sana si Dan ngunit umiling si Angela. Ang mahalaga ngayon ay alam na ni Christine na siya ang mas mahal ni Dan. Sapat na iyon muna sa kanya. Nakapaghintay na siya ng matagal, kaya nya pang maghintay pa ng mas matagal hanggang sa makaya na ni Christine.

Naghiwalay na ang dalawa at kapwa inayos ang kanilang mga sarili. Tiningnan ni Christine si Angela, hindi kailanman naisip ni Christine na darating ang araw na makikiusap siya ng ganito kay Angela para kay Dan. Napaka-sweet and caring talaga ni Angela.

Hinawakan ni Christine ang kamay ni Angela.

“Thank you Angela.”

“I did it for all our sake Christine.” ang sabi ni Angela na nakatingin kay Dan.

“Let’s go na, class will start soon.” ang yakag ni Angela sa dalawa. Kailangan niyang maging matatag alang-alang sa kanila ni Dan. Ngayong alam na ni Christine ang tungkol sa kanila ni Dan. Paunti-unti na din sanang matanggap ni Christine na kailangan na niyang magparaya at hanapin ang pag-ibig na para sa kanya.

Magkatabing naglalakad sina Angela at Christine habang kasunod si Dan. Sa isip ni Dan ay napakabait at maalalahanin talaga ni Angela. Handang magtiis para lamang sa kanilang tatlo. Nakahinga ng maluwag si Dan kahit papano. Hindi man tuluyang nakalaya kay Christine ay nalaman na naman ni Christine ang totoo. Na may relasyon na sila ni Angela at mas mahal niya ang dalaga.

*****

Habang nasa klase ay hindi makapag-isip ng maayos si Angela. Nabawasan ang alalahanin niya at hindi na nila kailangang magtago ni Dan kay Christine. Ngunit ang nakatakda niyang pagpunta sa tinitirhan ni Dan ay hindi naman matutuloy dahil kay Lance. Maghihintay mamaya sa kanya si Lance at nais nitong lumabas sila. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa. Dahil tiyak na malalaman ng kanyang mga magulang ang pagkawala niya dahil sasabihin ito ni Lance sa sandaling pilitin niyang makapiling si Dan.

Nagdahilan na lang si Christine kina Cherry at Rose kung bakit namumugto ang mga mata niya. Sinabing may problema siya sa mga magulang. Ngayon ay may kahati na siya kay Dan, kailangan niyang tanggapin ang katotohan na iyon masakit man sa kanya. Dahil higit na mas masakit kung wala na silang relasyon ni Dan. Mahal pa din naman siya ni Dan, mahalaga siya at may puwang na din sa puso ng binata. Kailangan lang niyang palakihin ang puwang na iyon upang muling mapasakanya ng buo ang pag-ibig ni Dan. Hindi pa din siya nawawalan ng pag-asa. Nasa ikatlong-taon pa lang sila. Mahaba pang ang panahon at marami pang magaganap sa kanila. Muling bumalik ang tiwala niya sa sarili at lihim siyang napangiti. Kung siya ang mabubuntis ni Dan ng maaga ay wala ng magagawa pa si Angela.

Wala din sa klase ang isip ni Dan kung hindi nasa pagkikita nila mamaya ni Angela. Hindi niya naitanong sa kasintahan kung sino ang naghatid dito ngayong umaga dahil sa magkakaibang pangyayari na gumulo sa kanyang isipan. Nasasabik na din siya kay Angela ngunit wala naman siyang magagawa kung susunduin ito ni Lance. Dahil kung itatakas niya si Angela ay magagawa niya. Ngunit tiyak na malaking suliranin ang haharapin ng kasintahan kapag nakauwi na ito sa kanilang tahanan. Nasa isip din niya si Christine na labis na nasaktan dahil sa pagkaalam ng dalaga ng tungkol sa kanila ni Angela. Kailangan niyang makausap si Christine at pagaanin ang kalooban nito, dahil nakatali pa din sila sa isang lihim na relasyon na pinayagan naman ni Angela. Sila ni Angela ngunit sila pa din ni Christine, halos wala din namang nagbago sa sitwasyon nilang tatlo.

*****

Pagkatapos ng last subject bago mag-breaktime ay sinabihan ni Angela si Dan na magkita sila ni Dan sa library pagkatapos nila sa canteen. Habang nasa canteen ay sabay na kumain sina si Angela at Alyssa. Kasabay naman ni Christine sina Cherry at Rose. At gaya ng madalas na ngyayari ay mag-isa lang si Dan sa kanyang lamesa. Patayo na sana si Dan ng magsiupo sa harap niya ang trio-goons na sina Carlo, Dave at James. Napabuntunghininga na naman si Dan, tiyak na wala na namang mabuting patutunguhan ang usapan na ito.

“Dan, naibigay mo ba yung love letter namin para kay Christine at Angela.” ang madiin na tanong ni Carlo.

Tumango naman si Dan.

“Nilagyan mo ba ng pangpatamis?” ang sunod na tanong naman ni Dave.

Tumango ulit si Dan, dahil totoo namang nilagyan niya ng pangpatamis ang mga sulat ng mga ito. Yun nga lang ay sa labi nina Angela at Christine napunta ang pangpapatamis ngunit sa basurahan naman napunta ang mga sulat ng dalawang ito.

“Binasa ba nila?” si James na nakihalo na din kahit wala naman itong kinalaman talaga. Mahirap talaga pag extra lang ang papel, kaya kahit kaunti lang ang linya ay bigyan din naman natin ng halaga.

“Tinanggap lang nila at kinuha sa akin. Itanong nyo na lang sa kanilang dalawa kung anong ginawa nila.” ang dahilan na lang ni Dan.

May sasabihin pa sana ang mga ito ngunit kailangan na niyang tumayo. Nakita niyang palabas na sina Angela sa canteen at kailangan pa nilang magkita ng kasintahan sa library.

“Carlo, Dave, maganda din naman sina Cherry at Rose. Bakit hindi nyo subukang sa kanila magbigay ng sulat sa susunod. Una na ako sa inyo.” ang paalam na lang ni Dan sa mga ito.

Napatingin naman sina Dave at Carlo sa direksyon nina Christine. Maganda din naman sina Cherry at Rose, napaisip silang dalawa. Naiwan namang nakatulala si James, “paano naman ako?” ang naitanong na lang nito sa sarili.

*****

Nasa library na si Angela at sabik na naghihintay kay Dan. Tumayo siya ng makitang parating na ang kasintahan. Sa tagong parte ulit siya nagpunta at dito inantay si Dan. Nagyakap sila ng mahigpit ng magkalapit na sila.

“Salamat Angela. Sa desisyon na ginawa mo para sa kapakanan nating tatlo.”

“Because I have to Dan, ayaw kong magkaroon tayo ng guilt kapag tayo na lang dalawa. Somehow I feel na magiging maayos din ang lahat. Hindi man ngayon pero darating din ang time na masaya na tayong magkasama.”

Hinaplos naman ni Dan ang mahabang buhok ni Angela.

“Naniniwala din ako Angela. Mahaba pa naman ang panahon, nagsisimula pa lang tayo. Darating din ang araw na tayo na lang talagang dalawa at wala ng iba pa.”

“Dan ha, it doesn’t mean that you have be with her everytime. Alalahanin mo, ako ang tunay mong girlfriend.” ang parang nagtatampong sabi ni Angela.

Ngumiti naman si Dan. Balik na naman sila sa dati na parang walang ngyaring anuman kanina.

“Yes Mam Angela. Kayo na po ang masusunod.” ang nagbibirong sabi naman ni Dan.

“Dapat lang talaga.” ang nakangiting si Angela.

Naalala ni Dan ang pagkikita nila mamaya.

“Angela, matutuloy ba tayo ngayong hapon?”

Nalungkot naman si Angela.

“Dan, si Lance ang sundo ko ulit mamaya. I really love to be with you today pero wala akong magagawa.” ang malungkot na sabi ni Angela na napayuko na lang.

Itinaas ni Dan ang mukha ni Angela. Ngumiti sa kasintahan at saka hinalikan ito ng banayad sa labi.

“Kiss me more…” ang pakiusap ni Angela.

At muling naghinang ang kanilang mga labi ng matagal at pagkatapos ay tumingin sila ng malapit sa isa’t-isa.

“Again Dan.. Kiss me more pa…” ang muling pakiusap ni Angela.

At sa pagkakataong ito ay naramdaman ni Dan ang pagkabasa ng kanyang mukha dahil sa mainit na luha ni Angela. Pagkatapos ng kanilang mainit at matagal na paghihinang ng labi ay mahigpit na yumakap sa kanya ang dalaga.

“I really miss you so much Dan. Gusto na kitang makasama ulit. Yung tayo lang dalawa.” si Angela na talagang nanabik na kay Dan.

“Ako din naman Angela, gusto na din kitang makasama ulit. Sabik na sabik na din ako sayo.” si Dan na hindi din maitago ang pananabik sa dalaga.

Saglit na nag-isip si Dan.

“Angela, paano kung umalis na tayo ngayon. Mag-skip na lang tayo ng klase at pumunta sa.. sa hotel.” ang nag-aalangang sabi ni Dan.

Labis naman ang kasiyahang naramdaman ni Angela.

“Excellent idea Dan, pero ayaw ko sa hotel tayo. I want to do it in your place.” ang nakangiting sabi ni Angela, masaya na ngayon ang dalaga. Matutuloy na sila.

Nag-aalangan naman si Dan, nasa kwarto nila ngayon ang magkapatid na si Mika at Ella. Kaya sa hotel niya nais sila magpunta ni Angela.

“Angela, mas comfortable tayo sa hotel. Mas malamig at saka mas…”

Hinalikan ni Angela si Dan sa labi upang hindi na maituloy ng kasintahan ang sasabihin.

“I want to do it in your place Dan. Please.” ang muling pakiusap ni Angela. Nais niyang makita ang tinitirhan ng kasintahan at doon maranasan ang mainit na sandali na kanilang muling pagsasaluhan.

Tumango na lang si Dan.

“Why Dan, does something bad happened in the shower sa loob ng kwarto mo?” ang nakangiting tanong ni Angela.

“Gumagana pa din naman Angela.” ang nagbibirong sagot naman ni Dan.

Malambing namang napa-giggle si Angela.

“Yun naman pala eh. Let’s go na.” ang masayang yakag ng dalaga.

*****

Nasa loob naman ng isang marangyang restaurant si Lance at nagpapa-reserved ng isang table sa pinakamagandang pwesto. Nagbayad din ang binata para sa bulaklak at musiko. Magaan ang kanyang pakiramdam. Paunti-unti ay pipilitin niyang makuha ang loob ni Angela. Upang matapos na din ang matagal ng paghihirap ng kanyang damdamin. Pagkatapos asikasuhin ang kanilang pupuntahan mamaya ng dalaga ay bumalik na siya sa pamantasan na pinapasukan. Ilang oras pa ang ipaghihintay niya ngunit nasasabik na siyang muling makita at makasama si Angela kahit alam niyang hindi naman siya mahal ng dalaga. Darating din ang araw na magiging mag-asawa din sila. May pag-ibig man sa kanya o wala si Angela ay hindi na mahalaga.

*****

Magkasunod na lumakad palabas sina Angela at Dan. Pumara ng sasakyan at magkatabing naupo. Ngunit ngayon ay magkahawak kamay na silang dalawa habang nakahilig ang ulo ni Angela sa balikat ni Dan. Wala na sila sa loob ng pamantasan, malaya na silang gawin ang nais nilang dalawa. Napansin ni Dan ang mga tingin ng mga ilang pasaherong lalakeng malapit sa kanila. Lihim siyang napangiti. Sinong lalake ang hindi maaakit sa maganda at maamong mukha ng dalagang kasama niya.

Lalong hinigpitan ni Angela ang pagkakahawak sa kamay ni Dan. At saka nagsalita ng mahina habang nakasandig ang kanyang ulo sa balikat ng kasintahan.

“I love you Dan.”

“I love you too Angela.” ang mahinang sabi din ni Dan.

Sa mga sandaling iyon ay puno ng saya ang kanilang mga damdamin. Dahil nalalapit na naman nilang muling maramdaman ang init ng pag-ibig nila sa isa’t-isa. Kung maaari nga lang na ang mundo ay hindi na umikot pa habang magkasama silang dalawa. Ngunit sa bawat pagdating ng isang unos ay may katahimikan at kapayapaan na mauuna.

(Ipagpapatuloy…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *