Tukso kay Dan Season 2 Part 6

Chapter 6

Malapit ng mag alas nuebe ng umaga ng muling bumalik si Mika sa kwarto ni Dan. Nakatapos na siyang maglaba at magsampay ay himbing pa din ito. Nakangiti siyang naupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa binata. Nang hindi siya nakatiis ay nahiga na din siya sa tabi ni Dan at saka niya ito banayad na hinalikan sa labi.

Dahil sa kanyang ginawa ay marahang nagmulat ng mga mata si Dan.

“Ang sarap ng tulog mo ah, malapit na kayang mag-nine.” ang nakangiting si Mika.

Ngumiti din si Dan kay Mika at saka siya muling pumikit.

“Konti pa, tuwing Linggo lang naman ako nakakabawi ng mahabang tulog.”

Nagsimulang haplusin ni Mika ang buhok ni Dan, “Nakapaglaba na ako Dan, nakapagsampay na din, maglilinis na lang ng kwarto at magluluto mamaya ng tanghalian natin.” ang naglalambing na dalaga.

“Huwag na kayong magluto ni Ella ng tanghalian, may mga dala akong pagkain kagabi. Magsaing na lang ng kanin.” ang nakapikit pa ding si Dan habang nadarama ang masarap at banayad na paghaplos sa kanyang buhok.

“Saan nakalagay?”

“Kina Alyssa, ipinalagay ko muna sa ref nila para di masira.”

“Saan galing?”

Ngunit hindi na sumagot si Dan, pinilit ang sarili na muling iminulat ang kanyang mga mata. At saka hinalikan sa labi ang katabing si Mika, “Bangon na ako, marami akong na-miss na subjects habang nasa ospital. Self-study na lang siguro ako maghapon.” at saka siya bumangon na mula sa kama.

“Kunin ko muna yung agahan mo Dan, kumain ka muna bago ka magsimula.”

“Salamat Mika.” ang nakangiting si Dan. Nagtuloy na siya sa banyo upang ayusin ang sarili.

Nang makapasok na si Dan sa banyo ay saka bumalik si Mika sa kwarto nilang magkapatid.

“Mika, wala ka bang balak na ipamigay yung iba dito? Napakadami nito. Hindi naman ako masyadong mahilig sa matamis. Sayang lang kung masisira, malambot na nga yung iba?” si Ella habang hawak ang isang tupperware at doon na nakalagay ang mga chocolates na natanggap ng kapatid.

“Bigyan ko lang si Dan ng ilan baka gusto niya. Tapos magdala ka din Ate sa factory nyo at ipamigay mo sa mga kaibigan mo.” ang sagot naman ni Mika.

“Hindi mo ba talaga kilala ang nagpadala nito? Mahal ang mga ito Mika, kahit yung mga bulaklak na kasama ng mga ito ay parang mamahalin din.”

“Hindi talaga Ate, napapaisip din nga ako kung sino ang nagbigay. Ayaw ko talagang tanggapin dapat pero ipinilit sa akin ng guard.”

“Ingat ka Mika ha, baka iba na ito.” ang nag-aalalang si Ella.

Ngumiti lang si Mika sa kapatid, “Di naman siguro Ate, dati na naman akong nakakatanggap ng mga ganyan eh.”

“Basta mag-ingat ka pa din.” ang may diin na sabi ni Ella.

“Oo Ate, wag kang mag-aalala.” at saka kumuha si Mika ng isang chocolate mula sa tupperware.

“S-Si Dan, gising na ba siya?” ang tanong ni Ella, hindi nais ipahalata sa kanyang bunsong kapatid ang magkahalong kaba at pananabik na makita ang binata. Ang binatang labis na nagpaligaya kay Mika na dahilan ng kanyang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang sariling katawan.

“Gising na siya Ate, wag na daw tayong magluto mamayang tanghali. May dala daw siya kagabi, magsaing na lang.”

“Di mabuti, makakapagpahinga na tayo ng maaga.”

Nagsimula na si Ella at Mika na maglinis ng kanilang kwarto, pagkatapos ay isinunod na linisin naman ni Mika ang kwarto ni Dan. Habang naglilinis ay hindi maiwasan ni Mika ang sarili na hindi masayang tingnan ang binatang abala sa pag-aaral. May halaga na din naman siya sa buhay ni Dan. Isang parte na siya ng buhay ni Dan na hindi na mawawala matapos man ang mga sandaling dahilan ng kaligayahan niya.

*****

Nasa loob ng paborito nilang refreshment bar ang mga kaibigan ni Christine na sina Cherry at Rose, kasama ng dalawang dalaga sina Carlo, Dave at James. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa insidenteng nangyari kay Dan.

Dahil ang alam nila ay kung ano ang napag-usapang dahilan nina Angela at Christine. Pinalabas na lang nila na may mga lalakeng nangursununada sa kanilang dalawa habang papasok sila sa school. Pinalad na naroon si Dan at sinita ang mga iyon. Nagalit umano ang mga lalake kaya inabangan si Dan sa paglabas, sinundan sa trabaho at doon sapilitang isinama upang gawan ng masama. Nang matapos ang mga lalake ay saka nila pinakawalan si Dan na puro pasa ang katawan.

“What’s up with Angela and Christine? Bakit kailangan pa nilang magbantay kay Dan sa ospital? Don’t get me wrong, I’m sad about sa nangyari kay Dan. Pero siya naman ang may kasalanan dahil nakialam pa siya. Kaya nga may guard na naka station sa may gate. I have no objection about kay Angela, yun ang personality niya talaga. But Christine is already engaged, she needs to be extra careful or people will talk about it.” si Cherry na hindi maitago ang inis, dahil one week na nilang hindi nakakasama sa mga gala at happenings si Christine, idagdag pang ayaw nilang magkaroon ng problema si Christine ng dahil lang kay Dan.

Napailing na lang si Rose, uminom ng juice at saka siya naman ang nagsalita, “About that engagement, I still can’t believe na Christine got engaged without us being there. I know it’s a surprise even to her, but still, nakakainis lang ng sobra. Kay Dan naman, maybe naaawa lang sila dun sa tao. Since Dan is an orphan, walang mag-aasikaso sa kanya sa ospital. Besides, somehow, maybe they feel guilty na rin sa nangyari kay Dan.”.

“Masyado lang kasing mapapel yang si Dan, pasikat siguro kina Angela. He deserves it, atleast yun lang ang inabot niya.” ang inis ding si Dave.

“I have to agree with you Pare, dapat alam ni Dan kung saan siya dapat lumugar.” ang segunda naman ni Carlo.

“Dave, may interes ka pa din ba kay Angela?” ang tanong ni Cherry.

Napabuntunghininga na lang si Dave, “I still like her, I really do. Pero napakahirap niyang i-please at ang hirap mag-setup ng lakad na kasama siya, and then this one guy shows up na parang boyfriend niya kung umasta. I don’t know, I’m still undecided kung mag stop na ako kay Angela.”

“Well, you have a point, that guy is so handsome, better than both of you ni Carlo. Sadyang mahihirapan ka.” ang natatawang si Rose. “How about you Carlo? Christine is already engaged. Give up ka na din ba?” ang patuloy ni Rose.

“It’s a hopeless case, so stop na talaga ako. It hurts my pride to be honest, but at least I have some sweet moments with her.” na sinabayan ni Carlo ng tipid na ngiti.

“It’s your fault Carlo eh, kung hindi mo na pinakawalan si Christine, and you handle her better. Baka sayo siya napunta. Imagine, both of you are almost there tapos ganyan pa ang nangyari.” Si James na nakaramdam ng inggit at pagkadismaya sa kaibigan, dahil minsan ng naikwento sa kanilang dalawa ni Dave ang mga mainit na ginawa ni Carlo kay Christine.

“Guys, stop talking about her like that or lalayasan namin kayo dito. Have some respect naman kay Christine.” ang may diin na sabi ni Cherry.

“I second that too.” si Rose na hindi na din nakangiti.

“Sorry, hindi lang maiwasan, nakaka-frustrate lang kasi.” ang hinging paumanhin ni Carlo.

“Carlo, Dave, I think it’s time na para humanap kayo ng iba. Angela and Christine are already taken by guys better than both of you. Get over it na and make a fresh start.” si Cherry na kay Carlo nakatingin at may ibang naglalaro sa kanyang isipan.

“I’ll try, para maka-move on na din ako. Since next month na ang Campus Night, I need someone to be with me para sa gabing iyon.” at saka nagpakawala si Carlo ng pilit na ngiti.

“How about you Dave?” ang tanong ni Carlo na kay Dave nakatingin.

“I don’t know Pare, Christine is engaged but not Angela. She doesn’t have a ring in her finger so I still have my chances. Bahala na.” ang malungkot na tugon ni Dave. Matagal na siyang may gusto kay Angela at ngayon lang siya nahirapan ng ganito. Hindi madali sa kanya ang sumuko lalo’t matindi talaga ang tama niya sa dalaga.

“Ikaw Rose, anyone in mind na gusto mong maging partner?” si Cherry.

“Sa Campus Night?” ang naniniyak na si Rose.

“Of course, diba yun na ang pinag-uusapan natin.”

“As of now, no one. It’s been a month na ng nag-break kami ng secret ex ko. Parang ayaw ko muna. Like Dave na lang siguro, bahala na. Ikaw?”

“You’ll never guess.” ang nakangiting si Cherry, uminom ng juice at saka muling tinapunan ng tingin ang nasa harap na si Carlo na sa labas naman nakatingin. Sinundan naman ng tingin ni Cherry ang tinitingnan ni Carlo at nakaramdam siya ng pagkainis.

“Guys, do you know them?” sabay turo ni Carlo sa grupo ng mga kababaihan na kanyang tinitingnan sa labas.

“Bakit, may type ka ba sa kanila?” ang natatawang si James.

“I like the girl in the middle.” ang pag-amin ni Carlo, dahil sadyang maganda ang dalagang natipuhan.

“Ah, that’s Samantha, classmate ko siya ng first year. Pero iba ang circle of friends niya.” si Rose na nakatingin na din sa labas.

Ngumiti si Carlo kay Rose, “Can you introduce me to her?” ang preskong sabi ni Carlo na muling nagkaroon ng sigla.

Napailing naman si Rose, “Sorry Carlo. I know her, pero hindi kami close.”

“Tsk, too bad then.” saka muling tumingin si Carlo sa grupo nina Samantha na ngayon ay palayo na. Sa isip ay naroon ang masidhing pagnanais na makilala ang dalaga.

Si Dave naman ay patuloy lang na sa bote ng soda nakatingin habang nag-iisip ng malalim. Si Cherry naman ay halata ang pagkasuya dahil sa nakikitang pagkagusto ni Carlo sa dalagang sinunsundan pa din nito ng tingin. Di na din sila nagtagal pa sa loob at pagkatapos ay nagpatuloy na kanilang sa paggagala.

*****

Pagsapit ng tanghali ay nagpunta na si Dan sa bahay nina Alyssa. Ngunit wala doon ang dalaga at si Damian ang humarap sa kanya.

“Naihabilin na sa akin ni Alyssa yung ipinalagay mo Dan bago sila umalis. Pero maaari ba kitang makausap saglit.”

“Sige po.”

“Tuloy ka sa loob Dan, doon tayo sa kusina.” si Damian na pinatuloy na ang binata.

Kinuha ni Damian ang kailangan ng binata mula sa ref at ipinatong iyon sa lamesa. Hinila ang isang upuan at pinaupo si Dan. Naupo na din si Damian pagkatapos.

“Dan, alam kong abala ito sayo pero wala kaming pagpipilian na mag-asawa. Sana ay maunawaan mo kami. Sa susunod na Sabado ay may darating kaming mga pamangkin na mula sa probinsya. Nais ng mga magulang nila na dito sila manirahan sa amin. Wala naman kaming bakanteng kwarto dito sa loob ng bahay kaya yung kwarto mo na lang ang ipapagamit namin. Biglaan kasi ito Dan, kaya pasensya ka na talaga.” ang malungkot na paliwanag ni Damian, alam niyang hindi madali ito kay Dan ngunit wala siyang magagawa. Ito ang napagkasunduan nilang gawin ng kanyang asawang si Celia. Kaya nag-usap na silang dalawa kagabi pa na isama ni Celia ang dalawang anak sa labas upang makausap niya ng sarilinan si Dan.

“Naiintindihan ko naman po kayo.” at saka huminga si Dan ng malalim, may suliranin na naman siya. Mukhang hindi na aabot ng pagtatapos ng semestre ang muli niyang paglipat ng tirahan.

“Pwede po bang bigyan nyo po ako sa ng isang linggo para po makahanap ng bagong tutuluyan.” ang pakiusap ni Dan.

Tumango si Damian, alam naman niya ang sitwasyon ng binata, “Okay lang , sana ay makahanap ka agad. Pasenya ka na talaga.”

“Ibabalik na lang namin yung isang buwan mong sobra na bayad. Para magamit mo din.”

Napilitang ngumiti si Dan, “Salamat po.”

Kinuha ni Damian ang plastic bag na nasa lamesa at iniabot kay Dan. Nagpaalam na si Dan sa kanya na ihinatid naman niya hanggang sa may pinto. Nang nakalabas na si Dan sa may gate ay napapailing na bumalik si Damian sa loob. Alam niyang hindi matutuwa ang panganay sa ginawa nilang mag-asawa ngunit ito ang marapat lang na mangyari.

Dumiretso na si Dan sa kwarto ng magkapatid at inilagay ang dala sa lamesa. Kinuha naman ni Mika ang mga laman niyon at isa-isang inilabas.

“S-Saan galing ang mga ito Dan?” ang tanong ni Mika kahit may hinala ng namamahay sa kanyang dibdib.

Ngunit hindi na sumagot si Dan.

“Lutong bahay ba ang mga ito?”

“Mika…” si Dan na tipid na ngumiti sa dalaga.

Natigilan naman saglit si Mika, saka nakuha ang ibig sabihin ni Dan. Pagkatapos niyang kunin ang mga pagkain ay ininit na niya ang mga iyon at saka ihinain para sa kanilang tanghalian. Habang kumakain sila ay hindi masyadong nagsasalita si Dan na ipinagtataka nilang dalawa. Dahil kanina lang habang kausap nila si Dan ay hindi naman ito ganito. Pagkatapos nilang kumain ay una ng nagpaalam sa kanila si Dan. Nang matapos si Mika sa pagliligpit ay iniwan na niya ang kapatid sa kwarto nila at pumunta sa kwarto ng binata.

Pagpasok ni Mika sa loob ay naabutan niya si Dan na muling abala sa ginagawa nitong pag-aaral. Ipinatong niya ang isang pitsel na may lamang malamig na tubig sa lamesa at saka niya hinila ang isang upuan at naupo sa tabi ni Dan.

“Dan…”

“Hm…”

“Galit ka ba sa akin?” ang malungkot na tanong ng dalaga.

Tiningnan ni Dan si Mika, binigyan niya ng isang ngiti ang dalaga at saka nagsalin ng malamig na tubig sa baso. “Bakit naman ako magagalit sayo?” , at saka siya uminom.

“Gawa kasi ng pagtatanong ko sayo kanina. Minsan kasi nagiging matanong talaga ako. Tapos naging tahimik ka ng bigla habang kumakain na tayo. Alam mo naman Dan na ayaw kong nagagalit ka sa akin.” ang sabi ni Mika sa mababang tinig habang magkahawak ang dalawa niyang kamay.

Banayad na hinaplos ni Dan ang pisngi ng dalaga, “Mika, hindi yun ang dahilan.”.

Pinatatag ni Dan ang sarili para sa mga salitang bibitawan na alam niyang magiging dahilan ng matinding kalungkutan ni Mika. Dahil ang nakikita niyang sitwasyon ni Mika ay ang siya ding naging katulad ng sitwasyon ni Diane.

Sa dibdib naman ng dalaga ay naroon ang hindi mawalang kaba lalo’t nakatingin sa kanya ang malungkot na mga mata ni Dan.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, “M-Malapit na ba?”

Malungkot na tumango si Dan, “Isang linggo na lang Mika.”

Mahigpit na yumakap si Mika sa katawan ni Dan at saka siya tahimik na umiyak sa dibdib nito. “A-Ayaw ko pa Dan…, gusto ko matagal pa.”

Hinaplos ni Dan ang buhok ni Mika ng paulit-ulit. “Kailangan ko ng umalis Mika sa lugar na ito.”

“D-Dannn…, a-ayaw ko pa talaga…”, nag-angat siya ng kanyang luhaang mukha at saka siya lumuluhang nakiusap sa binata, “H-Hanggang dito na lang ba talaga tayo Dan?”

Walang ng salitang maibigay pa sa lumuluhang dalaga si Dan upang maglubag ang kalooban nito. Alam naman ni Dan na ito ay nakatakda ng mangyari at noon pa siya nakahanda. Ngunit bakit hirap siyang makalunok at ang pait ay nasa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa pagdurusang nararanasan ni Mika, ito ang katotohanan na kanyang nararamdaman.

Naghihinagpis naman ang kalooban ni Mika. Ngayon pa lang ay ramdam na niya ang hapdi ng nalalapit nilang paghihiwalay. Hindi na niya makakasabay sa pagkain at pag-uwi ang binata. Hindi na niya magagawa ang pagsisilbi kay Dan na isa sa kanyang mga kasiyahan. Paano ang mga gabing darating na hindi na niya katabi si Dan?

Nag-angat ng mukha si Mika at malungkot na ngumiti kay Dan, “Yakapin mo ako Dan”.

Inilipat ni Dan ang kanyang kamay mula sa paghaplos sa buhok nito at saka niya mahigpit na niyakap si Mika.

“I love you Dan.” ang buong pag-ibig na sabi ni Mika habang patuloy siya sa tahimik niyang pagluha. Lalayo na si Dan, ang kanyang pinapangambahang sandali ay dumating na. Hindi na magtatagal ay maghihiwalay na silang dalawa.

“Mika, minsan iniisip ko. Sa mga sitwasyong dumating sa aking buhay. Kung ano ba ang dapat kong ginawa upang wala ng lumuha pa? Ngunit ako ay ako Mika, isang bahagi ko na ang pagiging mahina sa tukso.”

Mula sa dibdib ni Dan ay muling nag-angat ng paningin si Mika, hinaplos niya ang malungkot na mukha ni Dan na nakatingin ngayon sa kanya. “Walang taong perpekto Dan, ang lahat sayo ay tanggap ko maging ang iyong kahinaan. Dahil inibig kita ng buo, at wala akong pinagsisisihan. Nasasaktan man ako ngayon, pero naging bahagi pa din ako ng buhay mo. Sa isang tulad ko Dan, sapat na sa akin yun.” at saka muling ngumiti ng malungkot si Mika.

Kanina pa nakabalik si Mika sa kwarto nilang magkapatid ay nakatingin pa din siya sa kawalan. Alam niyang nagdurusa ngayon si Mika dahil kanya na itong iiwan. Masakit din naman sa kanya, ngunit ang nais niya ay tuluyan ng tapusin ang relasyon nilang dalawa. Upang makapagsimula ulit si Mika sa piling ng lalakeng karapat-dapat sa dalaga.

Sa kwarto naman ng magkapatid ay patuloy pa din sa pag-iyak si Mika habang inaalo siya ng kanyang Ate Ella.

“A-ayaw na ni Dan Ate…”

“Aalis na siya dito. P-Paano na ako Ate…?”

Hindi naman napigilan ni Ella ang lumuha habang hinahaplos ang likod ng kapatid. Napakalupit talaga ng tadhana kay Mika. Kailan kaya darating ang araw na matatagpuan ni Mika ang pag-ibig na para sa kanya talaga?

*****

Sa isang bagong umaga. Pagkatapos sipating mabuti ang sarili sa salamin ay isang masayang ngiti ang nasa labi ni Leandro. Nagwisik siya ng bagong biling cologne, nagsuot ng di kakapalang jacket at saka lumabas na ng kanyang kwarto. Dumiretso na siya sa kusina at naabutang nag-aagahan doon ang kanyang ina at kapatid. Lumapit siya sa kanyang ina at humalik sa pisngi nito.

“Morning Mom.” ang nakangiting si Leandro at saka ito dumampot ng isang sandwich.

“You look and smell nice today Lean. May hindi ba ako alam?” ang nakangiting tanong ng kanyang ina. Nang walang sagot mula sa binatang anak ay ibinaling ni Susan ang paningin sa kanyang bunso. “Khate?”

Ngumiti lang ang dalagita sa kanyang ina, “I know nothing Mom.”

“Kayo talagang dalawa. Super protective sa isa’t-isa.”

Pagkatapos ubusin ang sandwich ay naghugas na ng kamay si Leandro. Lumapit naman sa kanya si Katrina at saka nagsalita ng mahina.

“I like to meet her Kuya Lean.”

Ngumiti si Leandro sa kapatid, “Me too.”

Napa-giggle naman si Katrina, “Hindi pa nga pala kayo magkakilala.” Dahil nasabi na din sa kanya ng kanyang Kuya Leandro kung paano nito nalaman ang pangalan ni Angela. “Do something about that Kuya ha, not unless she already have someone she is inlove with.”

Natigilan saglit si Leandro, nasa isipan na naman niya ang posibilidad na iyon. Ngunit umaasa pa din siya na sana ay wala pang nagmamay-ari sa puso ng dalagang lihim niyang itinatangi.

Hinaplos niya ang ulunan ng kapatid, “I’m going to find out that soon enough, dahil alam kong kukulitin mo lang ako ng kukulitin about that.” ang natatawang si Leandro.

“It’s the first time kasi Kuya Lean na you admit na you were inlove. And I really do like to meet her, sana nga one day ay maipakilala mo siya sa amin. For sure Dad and Mom will like her too.”

“I’m hopeful Khate, na sana ay hindi pa ako too late para sa kanya.”

“Khate, Lean, time to go na. Baka abutan pa kayo ng ulan.” ang paalala ng kanilang ina dahil sa madilim na kalangitan.

Pagkatapos tuyuin ang kanilang mga kamay ay sabay na silang lumakad palabas ng kanilang bahay. May sariling tagahatid si Katrina sa school habang nagmamaneho naman ng sarili niyang sasakyan si Leandro.

“Later Kuya Lean.”

“Wish me luck.”

“Goodluck Kuya.” ang nakangiting si Katrina.

Inantay munang makapasok ni Leandro sa loob ng sasakyan ang kapatid at saka siya sumakay na din sa sarili niyang sasakyan. Magaan ang kanyang pakiramdam habang nilalandas ang daan patungo sa pamantasan. Nais na niyang makita si Angela at nananabik na talaga siya. Napangiti siyang mag-isa, dahil ngayong lang nangyari ang ganito sa kanya. Umiibig na siya sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang matapat niyang pag-amin sa kanyang sarili.

*****

Maagang pumasok si Christine patungo sa pamantasan dahil nais niyang makausap si Dan. Habang nasa daan ay nilalaro niya ang suot na engagement ring. Nais sana niyang ilihim ang tungkol sa kanyang engagement sa mga kaibigan ngunit mabilis pa ding kumalat ang balita. Kaya ngayon ay hindi niya maalis sa kanyang daliri ang mamahaling singsing na ibinigay sa kanya ni Brandon. Dahil ayaw niyang magkaroon ng suliranin tungkol dito na tiyak na makakarating pa sa kanyang mga magulang. Sa nakalipas na isang araw at gabi na kasama niya si Brandon ay nais ng bumigay ng kanyang katawan. Kaya kailangan niyang makita si Dan, kailangan niya ito upang alamin ang kung ano ang dapat niyang gawin. Ang puso o katawan? Sino ang mas higit na masusunod sa dalawa?

Mabigat pa din ang pakiramdam ni Dan ng gumising siya kaninang umaga. Hindi sila nagtabi ni Mika na nauunawaan naman niya. Umaasa na lang siya na matapos sana ng maaga ang paghihirap ni Mika.

Napansin ni Dan si Christine na nasa may hindi kalayuan mula sa gate. Nagtama ang kanilang paningin at alam niyang siya ang hinihintay ng dalaga. Ang balak niya ay dumiretso sana sa may library upang mag-selfstudy dahil maaga pa naman. At sa pagsapit naman ng hapon ay kailangan muna niyang maghanap ng bagong malilipatan bago pumasok sa trabaho.

“Dan…”

“Christine…, May problema ba?”

Bahagyang umiling si Christine, “Dan, we need to talk. Can you spend some time with me, now. Please.”

May sapat namang oras pa bago magsimula ang unang klase.

“Okay Christine, saan tayo? Sa may rooftop ba?”

“No, not this time, let’s take a walk. Gusto ko lang na kasama kita, like before. Do you remember?”

“Naalala ko Christine, hindi ko nakakalimutan ang moment nating iyon.” at saka ngumiti si Dan sa dalaga.

Malungkot na ngumiti si Christine, “I’m still engaged Dan.” saka niya itinaas ang kamay upang ipakita ang singsing na suot sa binata. “I have to do this to protect myself and our relationship.”

“Nauunawaan ko Christine.”

“That’s why I’ll head first sa may east gate. After sometime, sumunod ka sa akin. I’ll wait for you there.” ang paalala ni Christine pagkatapos ay ngumiti siya sa binata.

“I’ll be there Christine.” ang sagot ni Dan habang nakatingin sa malungkot na mga mata ni Christine na parang nais na umiyak. Hindi niya maipaliwanag ngunit kahit nakangiti si Christine ay parang may nakatagong lungkot sa maganda nitong mukha.

Nagsimula ng lumakad palayo si Christine, papunta sa lugar kung sila magkikita. Alam niyang may gumugulo ngayon sa dalaga na hindi pa nito masabi sa kanya. At yun din malamang ang dahilan kung bakit nito nais na magkasama silang dalawa. Ngunit kailangan muna niyang makausap si Angela bago siya sumunod kay Christine. Ayaw niyang mag-alala si Angela kung sakaling kapwa wala sila ni Christine sa unang klase ngayong umaga.

*****

Pagkatapos iparada ang kanyang sasakyan ay agad na nagtungo si Leandro sa may library. Nagbabakasakaling muling makikita doon si Angela. Pagpasok niya sa loob ng library agad siyang gumawi sa may pinakadulong parte ng library. Ang malamig na hangin na nasa loob ng lugar na iyon ay hindi kayang bawasan ang mainit na pakiramdam ni Leandro. Dahil ilang dipa lang mula sa kanya ay muli na naman niyang nasilayan ang iniibig na dalaga. Gaya ng dati ay tahimik itong nag-aaral na mag-isa. Kinakabahan siyang lumapit sa lamesang kinaroroonan ni Angela, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.

“Mind if I seat here?” ang nakangiting si Leandro habang nakatingin kay Angela.

Nag-angat naman ng tingin si Angela. Dahil sa ito ang unang pagkakataong nakita ni Leandro ng malapitan si Angela ay lalo siyang napaibig sa napakaamo at maganda nitong mukha. Maitim ang mga mata nito at mapula ang labi na bumagay sa maputi at makinis na balat ng dalaga. Nais sanang mapa-giggle ni Leandro dahil sa ekspresyon ni Angela ngunit pinigilan niya ang sarili. Dahil parang batang kinagat ng bahagya ni Angela ang sulok ng ibabang labi nito at saka iginawi ang paningin sa ilang bakanteng lamesa na malapit sa kanila.

“It’s okay kung hindi maaari.” ang sabi ni Leandro, nakaramdam na matinding disappointment. Dahil alam niyang maganda siyang lalake at may tindig din naman. Marami ang nagkakagusto sa kanya ngunit ayaw niyang magsamantala kaya hindi pa siya nagkakanobya. Ngayong nakaramdam siya ng pag-ibig sa kauna-unahang pagkakataon ay parang wala pa ditong epekto ang kanyang karisma.

“Hmm, o-okay lang naman.” si Angela na ayaw maging rude sa estudyanteng nakatayo malapit sa kanya. Ibinaba niya ang tingin at itinuloy ang kanyang ginagawa. Kanina pa niya hinihintay si Dan na alam niyang papasok ng maaga. Kahapon lang ng huli silang magkita at miss na miss na ulit niya ang binata.

Si Leandro naman ay sobrang saya ng pakiramdam. Binuksan ang notebook at isang libro sa harapan at saka siya nagsimulang mag-aral habang panay ang palihim na tingin sa nasa harap na si Angela. Malapit lang sa kanya si Angela at ang mabangong samyo na nagmumula sa buhok nito ay kaysarap damhin.

Malayo pa lang ay tanaw na ni Dan si Angela na may kasamang ibang estudyante sa lamesa. Nang napansin na may mga bakanteng lamesa pa ay alam na niya ang dahilan. Inayos niya ang sakbit na bag sa balikat at diretsong nagtuloy sa lamesa ng dalaga. Napansin naman siya ni Angela na nakatingin na ngayon sa kanya. Tahimik siyang lumampas sa dalaga at nagtuloy sa tagong parte ng library.

Nang alam na niyang naroon na si Dan sa kanilang paboritong lugar ay tumayo na si Angela na dala ang isang libro. Gumawi muna siya sa kabilang shelf na parang may hinahanap, at saka siya nagtuloy sa lugar kung saan naroon si Dan.

Inilagay ni Angela ang librong hawak sa isang shelf at mabilis na yumakap sa binata.

“Bakit ngayon ka lang Dan? Kanina pa kaya kita gustong makita.” ang nagtatampong sabi ni Angela habang mahigpit na nakayakap kay Dan.

Hinaplos-haplos naman ni Dan ang mahabang buhok ng kasintahan, “I miss you too Angela.”

Itinaas ni Dan ang mukha ng dalaga at saka niya ito mainit na hinagkan sa labi. Ramdam nila ang kakaibang init na lumalabas sa kanilang katawan habang magkahinang ang kanilang labing laging sabik na sabik sa isa’t-isa. Dahil kapwa nila alam na may ibang estudyanteng malapit sa kanila.

“Dan, I don’t know him ha, ayaw kong mag-isip ka ng iba.” si Angela ng maghiwalay ang kanilang labi upang makasagap sila ng hangin.

Napangiti naman si Dan, “Alam ko Angela, kailanman, never akong magkakaroon ng doubt sayo.”

Matamis namang ngumiti ang dalaga, “More pa Dan, let’s kiss pa.”

Muling naghinang ang kanilang labi ng matagal pa. At saka niya niyakap ng mahigpit ang dalagang pinakamamahal niya.

“I love you Angela.”

“I love you too Dan.”

Bahagyang inilayo ni Dan ang katawan ni Angela na nakayakap sa kanya. At pagkatapos ay saka niya sinabi ang pakiusap ni Christine.

“Okay Dan, thank you for letting me know. I trust you naman. I also heard about sa engament ni Christine. So she probably have a lots in her mind right now.”

“Thank you din Angela.”

“Hm.. But Dan..” si Angela na saglit na tumigil sa pagsasalita.

“Go on Angela, may nais kang sabihin.”

“Dan, since Christine is already engaged…” si Angela na nakatingin sa mga mata ni Dan. “M-Maybe it’s the right time na… P-Para tayo na lang dalawa talaga.” at saka muling yumakap ng mahigpit si Angela kay Dan.

Muling hinaplos naman ni Dan ang buhok ng dalaga, “Wag kang mag-alala Angela, I’ll keep my promise.”

Nakangiting tumango na lang si Angela, sana nga ay ito na ang sandaling pinapangarap niya. Ang maging sila na lang dalawa ni Dan at wala ng iba pa.

Pagkatapos ng minsan pang mainit na halik ay nagpaalam na si Dan kay Angela upang puntahan si Christine na naghihintay sa kanya. Sa kabilang parte dumaan si Dan at bumalik naman si Angela sa lamesa na may masayang ngiti sa kanyang labi.

Napansin naman ni Leandro na parang naging masaya ang dalagang nasa harap niya. Kaya minsan pa niyang nilakasan ang kanyang loob at pagkalipas ng mahaba ding sandali ay nagsimulang kausapin ang dalaga.

“I can’t help but noticed na engineering books din ang mga gamit mo.” si Leandro na nakangiti sa dalaga.

Tipid na ngumiti si Angela sa kaharap at napilitan siyang sumagot, “Third year, Civil.”

May sasabihin pa sana si Leandro ngunit tumayo na si Angela at nagsimulang ayusin ang mga gamit nito.

“I’ll go na.” ang maiksing paalam ni Angela.

Naiwan naman si Leandro na muling nakaramdam ng lungkot. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makipagkilala ng personal kay Angela. Tiyak na malulungkot din si Katrina dahil inaasahan na ng kapatid na magiging kakilala na niya si Angela.

*****

Kiming ngumiti si Christine ng dumating na din si Dan. Gaya ng dati ay nauna siyang naglakad habang nakasunod lang sa kanya si Dan. Makulimlim ang panahon at nagbabadya ang ulan. Ngunit kapwa hindi nila alintana ang parang nakikiayong panahon sa damdamin ni Christine. Patuloy silang naglakad papunta sa park kung saan sila dating nagpunta. Nang nakalayo na sila ng bahagya ay marahan ang naging hakbang ni Christine hanggang sa magkasabay na silang naglalakad ni Dan.

Ang malamig na hangin sa umagang iyon ay nakikipaglaro sa kanila kasabay nito ang pagpatak ng ulan mula sa madilim na kalangitan.

Hinawakan ni Dan ang kamay ni Christine at inaya ang dalaga papasok sa isang phonebooth. Habang nasa loob ay kapwa sila nakatingin sa pagpatak ng ulan sa labas na bumabasa din sa mga haliging salamin ng kinaroroonan nila.

“Dan, do you remember, naulan din that time ng una tayong nagpunta dito?” si Christine habang nakatingin pa din sa labas.

Tumingin naman si Dan sa malungkot na dalaga, “I still remember Christine.”

“Christine, alam kong may ibang laman ang isipan mo.”

Tumingin na din si Christine kay Dan, paano niya sasabihin sa binata na nadadarang na siya. Na kailangang ilayo na siya ni Dan upang maging magkasama silang dalawa. Ngunit si Angela ang mas mahal ni Dan at pangalawa lamang siya.

“I’m sorry.”

“Tungkol saan?”

“Because I’m about to do something… kahit ayaw ng puso at isipan ko.”

“Hindi ko maintidihan Christine, kung hindi mo gustong gawin, then wag mong gawin. Ikaw higit sa lahat ang makakapagpasya para sa sarili mo.”

“I know, pero deep inside me, something is telling me to do it. That I really want it.”

“Christine…”

BInuksan ni Christine ang pintuan ng phonebooth. At saka siya ngumiti kay Dan, “I love you Dan, always remember that. But I’m still me, I thought na nagbago na ako. That’s why I really hate myself right now.”

At saka lumabas ang dalaga mula sa loob at hinayaang mabasa ng ulan ang kanyang mukha at katawan. Matamis siyang ngumiti kay Dan habang magkahinang ang kanilang paningin.

Tiningnang mabuti ni Dan si Christine na ngayon ay basang-basa na ng ulan. Lumabas din siya mula sa loob at nilapitan ng napakalapit si Christine.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tama ang kanyang nasa isip. Dahil ang mainit na luha ng dalaga ay kasama ng ulan bumabasa sa kanyang kamay.

“Christine.”

“Hold me in your arms Dann.”

At saka niyakap ni Dan ng mahigpit si Christine na ngayon ay nakayakap din sa kanya. Ang malamig na hangin at ulan ay kapwa hindi nila alintana. Dahil ang init na nagmumula sa kanilang katawan ay sapat ng pananggalang nila.

Muling ngumiti si Christine habang nakayakap pa din siya kay Dan, “I don’t know what the future holds para sa atin Dan. But I love you, and I know that it’s real. Hindi ka man maging akin Dan, at hindi man ako maging sayo. All of the memories na kasama kita ay mananatili sa puso ko. But before it does happen, na hindi ka magiging sa akin, know this, I will not give up on you that easy.”

“Christine… I-”

Hindi na naituloy ni Dan ang kanyang sasabihin dahil kinabig ni Christine ang kanyang batok upang paghinangin ang kanilang labi. Muling bumukal ang mainit na luha mula sa mga mata ni Christine kasabay ng patuloy na pagpatak ng ulan. Alam naman ni Christine ang sasabihin sa kanya ni Dan. Na silang dalawa ni Angela ang nasa puso ng binata. Dalawa sila ni Angela sa puso ni Dan, ngunit batid niyang mas matimbang ang kanyang kaibigan. Kaya hindi niya kasalanan kung makapaglaro siya ng apoy, may karapatan din siyang ibigay ang katawan niya sa iba, may pag-ibig man o wala ay hindi na mahalaga. “I will always love you Dan.” ang tahimik na sinabi ng puso ni Christine.

(Ipagpapatuloy…)

7 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *