Masarap na Aguinaldo Part 40

Malungkot na napalingon si Dennis sa wedding picture nila ni Diane na nakapatong sa gilid ng kama. Napalitan na niya ng bago ang nabasag na frame ng litratong iyon. Kung ganoon nga lang din sana kadaling ayusin ang problema nilang mag-asawa.

Pumasok na ang Disyembre. Mahigit tatlong linggo na mula nang umalis si Diane sa kanilang bahay kasama si JR. Mag-iisang buwan nang hindi nakakasama ni Dennis ang kanyang mag-ina sa bahay na iyon.

Noong gabing umuwi siya at nadatnang wala ang mga ito ay agad niyang tinawagan ang asawa. Ngunit gaya ng kanyang inaasahan, hindi iyon sinagot ni Diane. Makailang beses siyang tumawag at nag-message ngunit talagang walang tugon ang kabiyak.

Sa pag-aalala ay agad siyang napasugod sa bahay ng kanyang mga biyenan. Nakahinga ng maluwag nang makita ang kotse ni Diane na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.

Mula nang ikasal sila at magsama ay ngayon lang nangyari na biglaang umalis si Diane at umuwi sa mga magulang nito. Kaya naman ganoon na lang din ang hiya at pangamba ni Dennis sa sasabihin ng kanyang mga biyenan.

Nag-aalangan niyang pinindot ang door bell. Natanaw pa niya si Diane na sumilip mula sa bintana. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit mabilis din itong umiwas at isinara ang kurtina.

Maya-maya ay lumabas ng gate ang ama ni Diane at siyang humarap sa kanya.

“Dennis… Pasensiya na ha at hindi kita maayang tumuloy…” bungad ng biyenan habang nakatuon ang isang kamay sa balikat ng manugang.

“Ayaw naming manghimasok ano… pero hayaan na muna natin si DJ. Alam mo naman ang mga babae… magpapahupa lang yon…”

Bilang respeto kila Diane at Dennis ay hindi nag-usisa ang mag-asawa. May pagtataka man sila kung ano ang pinagdadaanan ng anak at ng mister nito ay minabuti nilang pigilan ang mga sarili na magtanong. Ngunit nakahandang magbigay ng gabay at payo sakaling magkwento ang mga ito.

Napabuntong-hininga si Dennis, bagsak ang mga balikat habang tumatango sa sinasabi ng ama ni Diane.

“Sige Pa.” maigsing tugon nito. Hindi rin tiyak kung ano ang dapat isagot o sabihin sa kanyang biyenan.

“Lahat ng mag-asawa dumadaan talaga sa pagsubok, anak. Kung ano man ‘yang hindi ninyo pagkakaunawaan, alam naming maaayos niyo din ‘yan para kay JR.”

“Haaay… sana nga po, Pa. Ayoko ding tumagal ‘tong problema namin ni Diane.”

Dismayadong umalis si Dennis nang gabing iyon. Umasa siyang maisasama din niya pauwi ang kanyang mag-ina ngunit ni hindi man lang niya nagawang malapitan o makausap ang mga ito. Tanging ang aso lang nila ang kanyang nasundo pauwi.

Sa unang pagkakataon ay mag-isa lang siyang natulog sa bahay na iyon. Tahimik na tahimik. Hindi niya nadidinig ang bungisngis ng kanyang anak. Hindi nauulinigan ang malamyos na tinig ng kanyang asawa.

May mga pagkakataong pinagtitiyagaan na lamang niyang kausapin ang kanilang aso. Gaya nang dumaan ang Bagyong Ulysses. Habang bumabayo ang malakas na hangin at ulan at nagpapagpagan ang mga yero sa labas at nawalan pa ng kuryente, tanging aso ang kasama niya sa loob ng madilim na bahay.

Sa mga sumunod na araw ay makailang ulit na sinubukan ni Dennis na tawagan at puntahan si Diane ngunit tila hindi pa rin ito handa na makipag-usap. Sadyang mahirap isantabi ng pusong nasaktan ang galit sa minamahal maging ang galit sa sarili para sa mga salang nagawa.

Ang mga araw ay naging mga linggo. Kaysa tuluyang balutin ng depresyon ay itinuon na lang ni Dennis ang pansin sa kanyang negosyo. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho at kadalasan ay gabi na siya umuuwi para na lamang matulog.

Pilit niyang inilihis ang atensyon sa kanyang mga nararamdaman. Galit, panghihinayang, sakit, pagsisisi, at higit sa lahat, pangungulila.

Gustuhin man niyang magpaliwanag sa text ay pinigilan niya ang sarili dahil mas gusto niyang magkausap sila ng personal. Kadalasan ay puro pangangamusta at pag-aayang umuwi para mag-usap ang mga ipinapadala niyang mensahe.

Hon nakita ko post ni mama, bagay sayo gupit mo ah. Tara na uwi na kayo. Miss na miss ko na kayo ni JR

Nababasa naman ni Diane ang kanyang messages. Minsan ay nabubuksan kaagad, minsan ay inaabot ng maghapon o kinabukasan bago mabasa. Ngunit wala siyang natanggap ni isang sagot.

Gayon pa man ay hindi naman nagbago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga biyenan. Kaya’t sa palagay ni Dennis ay hindi nagkwento si Diane sa mga magulang tungkol sa mga detalye ng kanilang pag-aaway.

Minsan ay tinatawagan pa siya ng mga ito upang kamustahin. Dahil din sa kanila ay nakakavideo call niya ang kanyang anak. May ilang pagkakataon pa na kapag umaalis si Diane ay tinitimbrehan siya ng mga ito upang kahit saglit ay madalaw at makasama niya si JR.

Naideliver na kanina ng courier ang Christmas portrait at greeting cards nilang mag-anak. Di napigilan ni Dennis na maluha habang isa-isang tinitignan ang mga kuhang nakaimprenta.

Larawan ng isang masayang pamilya. Sino ang mag-aakala na sa likod ng matatamis na ngiti nilang mag-asawa ay kapwa sila may itinatago palang lihim sa isa’t isa. Mga lihim na nabunyag na.

Napalinga si Dennis sa paligid. Kay gandang pagmasdan ng makukulay na palamuting pampasko na nakaderokasyon sa labas at loob ng kanilang tahanan. Tahanang wala namang laman.

Isinabit niya ang portrait sa dingding at nagpatay na ng mga ilaw sa ibaba. Pumanik na siya sa kwarto. Isang gabi na namang matutulog siyang nag-iisa.

Wala siyang nagustuhang panooring palabas kaya’t nagpatugtog na lang ulit si Dennis ng random na mga kanta sa kanyang laptop. Nitong mga nakaraang araw ay nakakahiligan niyang making sa malulungkot na awitin dahil sadyang nakaka-relate siya sa mensahe ng mga iyon.

Muli niyang kinuha ang engagement ring na nakita niya sa jewelry box ni Diane. Naupo sa gilid ng kama at napasapo ang isang kamay sa kanyang ulo habang tinitignan iyon.

“Hon… ano na’ng nangyari sa’tin?” malungkot niyang sambit habang minamasdan ang singsing.

Aminado siyang naroon pa rin ang matinding sakit ng pagtataksil ni Diane at ni Greg sa kanya. At alam niyang labis pa ding nasasaktan si Diane sa nalaman nito tungkol sa kanila ni Pam. Sinamahan pa ng matinding sumabatan nilang mag-asawa.

Matindi man ang kanyang pagsisisi at panghihinayang ay huli na para doon. Dahil nagkasakitan na silang dalawa. At sa puntong ito, hindi na talaga alam ni Dennis kung paano maaayos ang problema. O kung maaayos pa nga ba.

Dinampot niya ang kanyang telepono at nagbukas ng mga folder. Matagal na niyang nabura ang lahat ng mga litrato ni Pam doon maging ang mga luma nilang pag-uusap. Pinagsisisihan na niya ng lubos, hindi na nakaligtaan niyang burahin ang mga iyon, kundi na naging marupok siya at hinayaang may mamagitan sa kanila ng inaanak.

Hinanap ni Dennis ang video na pinagmulan ng lahat. Ang videong kuha sa kanilang sala noong nakaraang taon. Ang video ng dare na pinag-ugatan ng pagkadarang ng kanyang asawa na nagtulak dito para pagtaksilan siya.

Pinanood niya ang video. Muli niyang namasdan si Diane na nagkakandaliyad habang kinakain ni
Greg sa kanilang sofa. Kung paano maglikot ang katawan nito habang salitang nilalamas ng kumpare ang kanyang mga suso at nilalapirot ang mga utong. Kung paano umigtad at mapaangat ang balakang nito sa paghimod ng kanilang kumpare.

Ngunit di gaya dati na nabubuhay ng husto ang kanyang dugo sa tuwing mapapanood iyon, ngayon ay parang wala na siyang maramdaman. Para siyang estatwang nakamasid na lamang sa kanyang telepono. Hindi pa nagtatagal ang palabas ay itinigil na din niya iyon. At binura.

Empty the Trash? 1 item will be permanently deleted.

Saglit siyang natigilan sa huling warning sa kanyang telepono at sa dalawang pamimilian. Kung kanyang ika-cancel o kung tuluyan na ba talaga niyang buburahin ang alaala ng katuparan ng matagal na niyang pinantasya.

Buo ang loob niyang pinindot ang ‘Empty Trash’.

Wala na. Burado na ang alaalang iyon. Kung pwede nga lang sana niyang burahin din ang lahat ng mapapait na pangyayaring doon nag-ugat.

Napalingon siya sa laptop nang madinig ang pagtugtog ng Hard to Say I’m Sorry ng bandang Chicago. Humiga siya sa kama at napasabay sa kanta habang muling tinitignan ang singsing. Bawat katagang sinasambit ay tila nakalapat sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Muli niyang inabot ang telepono, hinanap ang link sa lyric video at isinend iyon kay Diane. Saka siya muling nagmessage sa asawa.

Let’s talk. Please.

————————-

Malungkot na napalingon si Diane kay JR na katabi niya sa kama habang abalang naglalaro. Walang kamuwang-muwang ang paslit sa pinagdadaanan nilang mag-asawa.

Bagaman mag-iisang buwan na mula nang umalis sila sa bahay ay matindi pa din ang sakit na iniinda ng kanyang kalooban. Masakit na nga na nagawa ng asawang pumatol sa ibang babae, mas matindi pa ang kirot na sa dinami-dami ng babae ay si Pam pa.

Si Pam na para nang anak ni Dennis. Si Pam na pinatuloy niya sa kanilang pamamahay at itinuring na niyang nakababatang kapatid, at para na ding anak dahil sa inaanak ito ng kanyang asawa.

Ni minsan ay hindi niya naisip na magagawa iyon ni Dennis sa kanya. Alam niya na dati itong mahilig sa mga babae ngunit mula nang maging magnobyo sila, ni minsan ay hindi siya nito binigyan ng rason upang magduda o magselos. Kaya’t napakaraming tanong ngayon ang gumugulo sa kanyang isipan.

Naghahanap na ba si Dennis ng mas maganda? Mas bata? Mas sexy? Mas sariwa? Sawa na ba si Dennis sa kanya? Alam niyang napapangalagaan naman niya ang sarili para sa kanyang mister, ngunit sadyang hindi na ba siya sapat?

Halong sakit, pagkadismaya, galit, at pagkainsulto ang kanyang naramdaman nang malaman niya ang namamagitan sa dalawa. Kaya naman upang makaganti sa kirot na iniinda ng kanyang kalooban ay kung ano-anong masasakit na salita ang kanyang nabitawan kay Dennis.

At ang pinakamabigat nga doon ay nang sabihin niyang mas nasasarapan siya kay Greg. Isang kasinungalingan. Sapagkat kahit bali-baligtarin ang mundo, walang makakatumbas sa bawat pagniniig na puno ng pagmamahal na pinagsasaluhan nila noon ng kanyang kabiyak.

Ganon na lang ang kanyang pagsisisi sa knyang nabitiwang mga salita. Alam niyang bilang isang lalaki ay matindi ang dagok noon sa ego ni Dennis. Ngunit huli na sapagkat di na mababawi pa ang mga salitang nabitawan nila sa isa’t isa.

Sinikap niyang ibaling ang atensyion. Hanggat patuloy siyang nag-iisip ay lalo lamang niyang iniinda ang sakit. Ipinagpatuloy niya ang pagtanggap ng orders at itinuon ang pansin sa pagbe-bake.

Unang araw ng Disyembre. Isang tipikal na araw na ginugol ni Diane ang maghapon sa pag-iintindi sa orders ng kanyang mga kliyente. Pagod siya ngunit mas mainam nang maramdaman niya ang pagod kaysa ang sakit ng pinagdadaanan nila ni Dennis.

Pumasok na si Diane sa kanyang kwarto habang akay si JR. Kinarga niya ang anak at inilagay sa kama kasama ang lalagyan ng mga laruan nito.

“Ay ‘nak, let’s keep this ha… ‘Wag to, baka masira mo eh.”

Nang matanaw ay agad ibinukod ni Diane ang laruang kotse na pinaglagyan ni Dennis noon ng kanyang engagement ring. Marahil ay ipinalaro na naman iyon ni Dennis dati sa anak kaya’t napahalo na sa ibang mga laruan nito.

Nakasandal si Diane sa headboard ng kama habang nagbabrowse sa tablet ni JR. Nakalog din doon ang mga accounts niya at maya-maya nga’y may natanggap siyang link at mensahe mula kay Dennis.

Agad naman niyang pinuntahan ang link na isa palang lyric video. Humalik siya sa ulo ni JR at pinindot ang play button.

Everybody needs a little time away
I heard her say, from each other
Even lovers need a holiday
Far away from each other

Hold me now
It’s hard for me to say I’m sorry
I just want you to stay

After all that we’ve been through
I will make it up to you… I promise to
And after all that’s been said and done
You’re just a part of me I can’t let go

Couldn’t stand to be kept away
Just for the day, from your body
Wouldn’t want to be swept away
Far away from the one that I love

Hold me now
It is hard for me to say I’m sorry
I just want you to know
Hold me now
I really want to tell you I’m sorry
I could never let you go

After all that we’ve been through
I will make it up to you… I promise to
And after all that’s been said and done
You’re just a part of me I can’t let go

After all that we’ve been through
I will make it up to you… I promise to

You’re gonna be the only one…

Hindi maiwasan ni Diane na mapaiyak habang pinakikinggan ang kanta. Bawat salita ay nangungusap. Bawat kataga ay kumukurot sa kanyang puso.

Kapwa sila nagkasala ni Dennis sa isa’t isa. Parehas silang nasaktan na patuloy pa rin nilang iniinda sa ngayon. Ngunit baka sapat na ang mga linggong lumipas upang bigyan nila ng pagkakataon ang bawat isa na magpaliwanag at mapakinggan.

Pinahid ni Diane ang mga luhang namamaybay sa kanyang pisngi habang tumitipa siya sa telepono ng sagot.

Sige Dennis.

————————-

Ganoon na lang ang lungkot ni Pam nang malaman ang nangyari sa pagitan ng kanyang ninong Dennis at sa asawa nito. Sinisisi pa rin ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang pagkakadulas ng nasabi dito ay nagdulot tuloy ng malaking problema ang lihim na pilit nilang iningatang magninong.

“Sorry talaga, ninong… Hindi ko kasi alam na si ninang makakasagot!”

“Huwag mo na isipin… Ok na din na nalaman niya, mahirap ding may tinatago eh.”

Kahit ramdam ni Pam na hindi naman siya sinisisi ni Dennis sa nangyari ay naroon pa din ang kanyang panghihinayang. Kung mayroon nga lang sana siyang magagawa upang makatulong.

“Ninong, kung gusto mo… kakausapin ko si ninang. Magsosorry ako sa kanya… ako magpapaliwanag.”

May kaba man sa kakaharaping galit ng kanyang ninang ay nagawa ni Pam na imungkahi iyon may maimungkahi lang para sa ikaaayos ng mag-asawa.

Kasalukuyan namang paakyat ng hagdan si Greg. Didiretso na sana siya sa kanyang kwarto nang maulinigan niya si Pam na may kausap. Inilapat niya ang kanyang tenga sa pinto at nakinig.

“Nako hindi na Pam, ako na bahala. Pumayag naman na ang ninang mo na mag-usap kami sa Linggo… Sana lang talaga maayos na.”

“Sana nga ninong. Eh bakit ba kasi talaga kayo nag-away ni Papa no’n?!”

Napadiin pa ang tainga ni Greg sa pinto sa pag-aabang ng isasagot ng kumpare sa tanong ng kanyang panganay.

“Wala yun Pam, nagkapikunan lang at mga nakainom na.” pagdadahilan ni Dennis sa inaanak.

“Grabe, ang tagal na pala nila ninang dun sa mga lola ni JR. Edi miss na miss mo na si pogi, ninong?”

“Oo nga eh. Nadadalaw ko naman siya minsan kapag umaalis ninang mo, pinapapunta nila ko. Pero sana talaga makumbinsi ko na silang umuwi sa bahay.”

Natigilan si Greg sa nadinig. Batid niyang alam na ni Dennis ang namamagitan sa kanila ni Diane ngunit sa pagkakakilala niya sa kumpare ay hindi ito papayag na masira ang pamilya nito. Ngunit heto, wala siyang kaalam-alam na umalis pala sila Diane at JR sa kanilang bahay.

Nitong mga nakaraang linggo ay tuloy ang pagtawag-tawag at pagmessage niya kay Diane ngunit nasanay na rin siyang hindi ito sumasagot. Binalak niya nga sana itong luwasin ngunit naging abala naman siya sa pinsalang iniwan ng magkasunod na bagyo sa farm niya.

‘Ano namang ginawa mo Dencio?’ naiiling na sambit ni Greg sa sarili habang nakangising naglalakad papasok sa kanyang kwarto.

Mukhang ito na ang pagkakataon na hinihintay niya.

————————-

Abala si Diane buong linggo dahil sa dagsa ng kanyang mga orders. Iminungkahi ni Dennis na Sabado sila mag-usap ngunit may nakatakda namang lakad si Diane kasama ang mga kaibigan kaya’t nakiusap siyang sa Linggo na lamang.

Agad namang pumayag si Dennis. Wala naman kaso sa kanya kung anong araw man gusto ni Diane. Basta labis siyang natutuwa na sa wakas ay pumayag na rin ito na makipag-usap ng maayos sa kanya.

At napagkasunduan nga nila ang araw ng Linggo. Susunduin ni Dennis si Diane upang makapagsimba muna sila ng magkasama bago sila mag-usap.

Mananalanging pagkalooban ng hinahon at lawak ng pag-iisip upang mapakinggan at unawain ang bawat isa. Upang matuldukan na nila ang problema at makapagsimulang ayusin ang pagsasamang nagkalamat.

Dumating ang Sabado. Kaarawan ng dating kasamahan ni Diane sa trabaho. Dadaanan siya ng mga kaibigan at isasabay papunta sa isang resort sa Bulacan na pagmamay-ari ng pamilya ng may kaarawan.

Maagang gumayak si Diane. Excited dahil matagal na din niyang hindi nakasama ang mga dating katrabaho. Sa kwarto ng lolo’t lola na pinatulog si JR kagabi dahil maaga siyang susunduin ng mga kaibigan.

Nang tumunog ang door bell ay dali-dali niyang hinablot ang kanyang mga gamit at nagmadaling lumabas. Ngunit ganoon na lang ang kanyang gulat sa nasumpungan niya sa may gate.

“Greg? Ano’ng ginagawa mo dito?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *