Masarap na Aguinaldo Part 41

Pasado ala sais na ng umaga ngunit bahagyang madilim pa ang paligid. Inakala ni Diane na napaaga lamang ng dating ang mga kaibigang susundo sa kanya at ganoon na lang ang kanyang pagkabigla nang masumpungan ang kumpare sa may gate.

“Greg?! Ano’ng ginagawa mo dito?” paangil ngunit pabulong niyang sambit.

Napatingala siya sa bintana ng kwarto ng kanyang mga magulang na nasa may tapat ng gate. Bagaman dinig niya ang pag-ugong ng aircon sa silid ay nag-aalala siya na baka maulinigan sa itaas ang pag-uusap nila ng kumpare.

“Mare, please… Pwede ka bang sumama sa’kin? Gusto lang sana kitang makausap.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan, Greg! Saka paano mo nalamang nandito ako?” pagtataka ni Diane.

“Nadinig ko sa pag-uusap ni Pam at Dennis na nandito kayo ni JR… Pakiusap Diane… Wala naman akong balak na masama… Gusto lang kitang makausap para makahingi ng dispensa sa lahat.”

Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Diane noong nakaraan ay batid ni Greg na hindi na madaling mapabigay ang kumare. Sadyang pumapalag na ito. Kaya ang mahalaga ngayon ay mapasama niya muna si Diane. Bahala na kung paano niya ito didiskartehan pagkatapos.

Parang kinurot ang dibdib ni Diane nang matuklasang nag-uusap pa rin sila Dennis at Pam at ikinwento pa nito sa inaanak ang pag-alis nilang mag-ina sa kanilang bahay. Di tuloy niya maiwasang muling magduda na may namamagitan pa din sa magninong hanggang sa ngayon.

Lalong naguluhan ang kanyang isip. Ngunit mas natuon ang kanyang pansin sa kumpareng nagpupumilit na makausap siya sa kabila ng ilang ulit na niyang pagtatangkang layuan ito.

“Hindi pwede! Paalis ako Greg, may lakad ako.” sagot niya sa pag-asang maapaalis na niya ito.

“Oh edi dyan na lang tayo sa loob mag-usap, mabilis lang naman. Para madalaw ko din ang inaanak ko…”

Kilala naman ng mga magulang ni Diane si Greg at alam na malapit itong kaibigan ni Dennis. Kung tutuusin ay wala namang problema na dumalaw doon ang ninong ni JR. Ngunit dahil mayroon ding iniingatang lihim kaya’t hindi kumportable si Diane na patuluyin pa si Greg sa bahay ng mga magulang.

Akmang tutuloy na sa loob ng bakuran si Greg nang harangan ito ni Diane at itulak sa dibdib. Muling napatingala sa bintana sa itaas sa pangambang magising at sumilip ang kanyang mama o papa.

“No! Hindi pwede dito! Tsk sige, sige na… tara halika na nga.”

Sa takot na makatunog ang kanyang mga magulang sa namamagitan sa kanila ng kumpare ay napilitan si Diane na sumama na lang kay Greg. Maingat niyang inilapat at inilock ang gate at muling sumulyap sa bintana ng master’s bedroom sa itaas na nanatili namang nakasara ang mga kurtina.

Mabilis siyang lumakad palapit sa pick-up ni Greg. Sa pagmamadali niyang makasakay ay di na niya napansin ang pilyong ngisi na gumuhit sa labi ng kumpare.

Tahimik lamang sila habang bumabaybay sa kalsada. Nakakunot ang noo ni Diane at tila lumulutang ang isip habang nakatingin sa labas ng bintana.

Pasimple namang sumusulyap-sulyap si Greg sa kumare. Kahit naninibago siya sa gupit ng buhok nito na lampas lamang ng balikat ay lutang pa din ang angkin nitong ganda. Nakapatong ang dalang tote bag sa kandungan nito ngunit namamasdan pa din niya ang makinis nitong mga hita mula sa laylayan ng bestidang suot.

“Dito na lang tayo…” biglang wika ni Diane sabay turo sa papalapit na gasolinahan.

May sapat na distansya na iyon mula sa kanila at malabo nang may makita pa si Diane na kakilala. Pinili niyang doon na lang pahintuin si Greg upang madali siyang makahingi ng tulong sakali mang magtangka ito na may gawing hindi niya gusto.

Simpleng napaismid si Greg. Hindi man iyon ang kanyang plano ay wala na siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi ng kumare. Mahirap namang ideretso niya agad at sapilitang dalhin ito sa condo dahil tiyak na mag-eeskandalo din ito.

Kailangan niya munang muling kunin ang tiwala ni Diane. Ipinihit niya ang manibela papasok sa gasolinahan at pumarada sa tapat ng convenience store na naroon.

Kakatwa para kay Diane na nasa ganoong lokasyon sila ni Greg. Tila nagbalik sa kanyang alaala ang unang pagkakataon na nagtaksil sila kay Dennis. Sa convenience store sa isang gasolinahan din siya inantay noon ni Greg na makalabas mula sa duty niya sa ospital.

Biglang naalala ni Diane ang kanyang lakad. Nangambang baka sa pagdating ng mga kaibigan ay malaman ng mga magulang na hindi niya kasama ang mga ito.

Agad siyang nagmessage na huwag na siyang daanan sa kanilang bahay. Balak niyang magdala na lang ng sariling sasakyan at sumunod na lamang sa okasyon matapos nilang mag-usap ni Greg.

“Oh, ano ba’ng pag-uusapan natin?” iritadong tanong niya sa kumpare.

Ramdam ni Greg sa boses ni Diane ang disgusto. Alam niyang mahihirapan siyang maisakatuparan ang kanyang binabalak ngunit kailangan pa rin niyang subukan.

“Teka… kamusta ba kayo ni JR? Bakit pala kayo umalis sa inyo?… Dahil ba sa nalaman ni Dennis?… Sinaktan ka ba niya?…” nag-aalalang tanong ni Greg.

Akmang hahaplusin niya ang pisngi ni Diane ngunit napabalikwas ito ng ilag.

“No. Hindi naman ako magagawang saktan ni Dennis… At least, not physically… pero–”

Di napigilan ni Diane na mapahagulgol nang maungkat ang tungkol sa away nilang mag-asawa. Sa loob kasi ng ilang buwan na nilang pagtitikisan ni Dennis na humantong na nga sa pag-alis nilang mag-ina ay wala siyang kahit sinong napagsabihan ng kanyang mga dinadala at kinimkim lamang ang lahat ng iyon.

Humablot si Greg ng ilang piraso ng tissue at iniabot iyon kay Diane. Akma pa sana niyang hahagurin ang likod nito ngunit bumalikwas ulit ang balikat ni Diane upang ilagan ang kamay ni Greg. Napakapit na lang siya sa sandalan ng kumare habang nakalingon dito at patuloy na nakikinig.

“Ang lakas ng loob niyang ipamukha sa’kin na may ginagawa akong mali! Huhuhu… Yun pala–”

Panay ang yugyog ng balikat ni Diane habang nakasubsob sa mga tissue na nasa kanyang palad. Di na napigil ang pagbuhos ng emosyon na pilit niyang itinatago maging sa kanyang mga magulang.

“Hulaan ko… May babae si Dennis? Nahuli mo?”

Hindi kumibo si Diane ngunit nabasa agad ni Greg dito na tama ang kanyang hula. Kilala naman kasi niya ang likas na ugali ng kanyang kumpare kaya’t hindi na rin siya nagulat.

Natigilan naman si Diane sa tanong ni Greg. Kahit parang sasabog ang dibdib sa sama ng loob at gustong-gustong magsumbong sa kumpare ay minabuti niyang hindi na ikwento ang natuklasan niyang namamagitan kay Dennis at Pam.

Masyado nang magulo ang sitwasyon sa kanila pa lamang tatlo. Kung malalaman pa ni Greg na pinakialaman ni Dennis ang anak nito ay baka mas lalo lang maging kumplikado ang mga bagay sa pagitan ng dalawang pamilya.

Nangangamba din siya na baka kung ano pa ang magawa ni Greg kay Dennis. Kahit may pinagdadaanan sila ng mister ay ayaw niya na mapahamak ito.

“Gagong Dencio… di pa rin pala talaga nagbago ang loko.” tatawa-tawang sambit ni Greg at muli itong napasandal sa kanyang upuan.

“Mga bata pa lang kami, madali talagang magsawa yung si Dennis… Laruan, bag, sapatos, kahit anong gamit niya, ako ang taga-salo… Nag-iisang anak na lalaki eh saka may kaya sila kaya sunod ang luho, panay ang pabili.”

Tahimik na nakikinig lamang si Diane sa kwento ni Greg. Hindi na rin naman iyon lingid sa kanya. Hindi man niya naabutang buhay ang mga magulang ng mister ay naikukwento ng mga hipag niya ang ugaling iyon ng kanilang kapatid.

“Ang masaklap, kahit nung nagbinata na kami, ganon din siya sa babae. Madaling magsawa. Komo madaming available na pamalit… Wala, lapitin si gago eh.”

Nagpatuloy ang pagkukwento ni Greg. Kung paano niya itinatago noon si Dennis kapag ayaw nito umuwi dahil may iniiwasang mga babae na pinupuntahan ito maging sa bahay. Kung paano niya pagtakpan ang kaibigan sa mga magulang nito kapag napapadpad ito kung saan-saan dahil sa hilig nito sa babae.

“Kahit kaibigan ko si Dennis, noon pa dismayado ako kung paano lang niya paglaruan ang mga babae. Kung magpalit ng syota yan noon, parang nagpapalit lang ng damit eh. At ang alam ko, wala talaga siyang balak mag-asawa.”

“Pero nagbago na siya eh! Nagbago na siya… akala ko nagbago na siya…” singit ni Diane, pahina ng pahina ang boses sa panlulumo, at muli na naman itong napahagulgol.

“Alam mo ba mare… Unang kita ko pa lang sa’yo nun sa ospital nung naoperahan tuhod ni Dennis, nagkagusto na ako sa’yo… Alam din niya yun… Kaso syempre may sabit na ‘ko hahaha… Si Dennis ang binata kaya siya na ang dumiskarte sa’yo…”

May munting ngiting gumuhit sa labi ni Diane na waring nagpipigil ng tawa sa nadinig habang dinadampian nito ng tissue ang gilid ng mga matang tuloy-tuloy sa pagluha.

“Pero naisip ko no’n… sana wag kang mapasama sa mahabang listahan ng mga babaeng tinikman lang niya… Sana naman kako seryosohin ka na ni Dennis at ‘wag saktan ang damdamin mo.”

Muling kumuha si Greg ng mga tissue at iniabot iyon kay Diane na di matigil sa pag-iyak. Damang-dama niya ang bigat ng pinagdadaanan nito ngunit ipinagpatuloy lamang niya ang paglalahad.

“Hanggang sa ikinasal nga kayo. Syempre masaya ako para sa inyo, akalain mong mapatino mo yung gagong ‘yon… Pero wala, mukhang hindi pa rin talaga siya nagbago.”

Napalingon si Diane kay Greg. Namumugto na ang mga mata nito sa pag-iyak. Tikom ang mga labi. Pilit inaawat ang sariling mabanggit sa kumpare na ang babaeng kinalolokohan ni Dennis ay walang iba kundi ang mismong anak nito.

“Sadyang mahilig kasi yung si Dennis sa maganda, sexy, bata, lalo na pag virgin–”

Hindi na naituloy pa ni Greg ang sinasabi nito dahil lalong nagpalahaw ng iyak si Diane. Panay ang yugyog ng balikat nito at alon ng dibdib sa paghahabol ng hininga.

Nakapikit habang nakatukod ang ulo patingala sa sandalan. Umaagos ang luha sa mukha pababa sa kanyang leeg. Nakamasid lamang si Greg. May iba man siyang pansariling pakay ay di rin niya mapigilan na maawa dahil sa bigat ng dinaramdam ng kumare.

Inabot ni Greg ang bote ng tubig sa kanyang gilid. Binuksan ang takip at iniabot iyon kay Diane habang tinatapik ang balikat nito na sa pagkakatong ito ay hindi na nito inilagan.

“Oh mare… relax lang… o uminom ka muna…”

Nanginginig ang kamay ni Diane na inabot ang bote ng tubig at uminom ng kaunti. Parang nanuyo na ang kanyang lalamunan dahil sa kaiiyak kanina pa.

Sadyang napakasakit mapaalalahanan ng katotohanan na hindi na siya birhen nang makuha ni Dennis. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung ano ang kulang sa kanya at nagawa siyang pagtaksilan ng mister at sa inaanak pa nito. At iyon pala ang lamang ni Pam, si Dennis ang nakauna dito.

Awang-awa si Diane sa kanyang sarili. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkainsecure. Di mapigilan ang sariling maisip na baka iyon ang isa sa mga dahilan kaya nagawa ng asawang pumatol pa sa iba.

“Wag na nga nating pag-usapan ang pambababae ni Dennis, andyan na yan eh. Saka hindi naman ‘yan ang dahilan ng pagluwas ko…”

Kahit humihikbi ay pinilit ni Diane na kumalma na at ayusin ang sarili. Gusto din niyang matapos na ang pag-uusap nila ni Greg upang makauwi na siya at makasunod sa okasyong pupuntahan. Ngunit kahit papaano ay nakaluwag sa kanyang dibdib ang pag-iyak niya sa kumpare.

“Gusto ko lang sana magpaliwanag sa’yo at humingi ng dispensa sa lahat…”

Tahimik na nakinig si Diane sa mga sasabihin ni Greg. Hindi niya masisiguro kung kaya niyang ibigay ang kanyang pang-unawa at kapatawaran ngunit minabuti niyang makinig man lang dito dahil na din sa ginawa nitong pagdamay sa kanya kanina.

“Mapatawad mo sana ‘ko Diane… pero nadarang lang ako. Kung hindi naman ako kinuntyaba ni Dennis noon, hindi naman kita pakikialaman. Saka–”

Biglang nag-angat ng kamay si Diane sa kumpare upang awatin ito sa pagsasalita kaya’t natigilan si Greg.

“Teka pare… naguguluhan ako… Ano’ng kinuntyaba? Kinuntyaba saan??”

Napakabilis ng tibok ng puso ni Diane. Litong-lito man sa sinasabi ni Greg ay matinding kaba ang naramdaman niya sa kanyang dibdib patungkol sa sinasabi nito.

“Diane, asawa ka ng kaibigan ko… Kahit naman anong paghanga ko sa’yo noon, hindi ako mangangahas na galawin ka kung walang basbas niya.”

Panay ang iling ni Diane habang nakalingon kay Greg. Bakas ang pagkalito sa mukha nito na tila hindi makapaniwala sa ipinapahiwatig ng kumpare.

“A-Alam mo ‘yon? May… may usapan kayo ni Dennis nung unang may nangyari sa’tin?”

“Oo.” tugon ni Greg sabay tango.

Halos malaglag ang panga ni Diane sa natuklasan. Ang usapan nilang mag-asawa ay aakitin lang niya si Greg noon. Wala siyang kaalam-alam na may kasunduan din pala ang magkumpare.

Bigla siyang nanliit sa kanyang sarili. Magkakuntyaba pala ang dalawa. Alam ni Greg. Planado ang nangyari. Pakiramdam niya tuloy ay para lang siyang gamit kung ipahiram ng kanyang asawa.

“Hindi nga ako makapaniwala nung sinabi niya sa’kin ang plano niya… Sino ba namang lalaki ang gusto ipatikim sa iba ang asawa… Pero ‘yun ang trip niya eh… Pabor din naman sa’kin kaya pumayag ako.”

Napatukod ang kanang siko ni Diane sa may bintana at sinapo ang kanyang ulo. Naguguluhan man sa mga nadidinig ay pilit niyang inaalala ang mga nangyari at binibigyang linaw ang kanyang isip.

“Akala ko isang beses lang. Pero nakiusap siya ulit nung anniversary niyo… Sino ba naman ako para tumanggi eh noon pa talaga ako may gusto sa’yo… Kung makakaulit edi mas mainam…”

“Ha? A-Ano?! Alam ni Dennis yung nangyari sa atin nung anniversary namin?! Nung pinuntahan mo ‘ko sa ospital? Alam niya ‘yon??”

Tumango sa kanya si Greg. Napakunot naman ang noo ni Diane at hindi makapaniwala sa mga rebelasyon ng kumpare.

“Paano? Tinawagan pa niya ako no’n! Kausap ko pa siya sa phone nung nasa motel tayo.” naguguluhang tanong ni Diane at muli na namang dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.

“Alam niyang magkasama tayo no’n Diane… Pati yung nangyari sa kusina nung magbe-birthday ako, tanda mo ba? Nung lasing siya?… Gising siya no’n… Nanonood siya sa’tin.”

May hinanap si Greg sa kanyang telepono at inilahad iyon sa kumare. Nanlalabo man ang kanyang paningin dahil sa pag-iyak ay nilingon ni Diane ang ipinapakita ni Greg.

Pahapyaw niyang nabasa ang sagutan ng mensahe ng dalawa habang pinagpaplanuhan nga siya noong Enero. Napasapo na lang ang kamay nito sa bibig dahil sa kanyang natuklasan.

Ang unang beses na pagniniig nila ni Greg nang hindi alam ng kanyang mister. Ang tagpong iyon na halos kainin siya ng labis na pagkakunsiyensya ay si Dennis din pala ang may pakana.

Nag-scroll pa si Greg sa chat conversation nila ni Dennis ngunit muli nang ipinaling ni Diane ang tingin sa labas ng bintana. Sapat na ang kanyang nakita para mapatotohanan ang sinasabi ni Greg.

Kasabay ng kanyang pagluha ay ang pagbagsak ng mahinang buhos ng ulan. Tila maging ang langit ay nakikidalamhati sa sakit na nadarama sa kanyang natuklasan.

Masakit na nga na malaman niyang may namamagitan kay Dennis at kay Pam. Tila kulang pa ba iyon at isa na namang lihim ang kanyang natuklasan na lalong nagpabigat sa kanyang dinadala.

Kay tagal na panahon niyang ininda sa kanyang kunsiyensiya ang mga pinaggagawa nila ni Greg. Iyon naman pala ay si Dennis pa mismo ang kusang nagpapahiram sa kanya sa kumpare nito. Gano’n na lang pala kung ipamigay siya ng asawa. Para siyang pag-aari nito. Parang siyang gamit.

“Napakahirap mabiyudo Diane… mahirap ang nag-iisa…” muling sambit ni Greg.

Basag ang boses nito. Napalingon si Diane sa kumpare at nakitang nangingilid ang luha sa mga mata ni Greg.

“Masisisi mo ba ako… na nawili ako? Na nadarang tayo?” wika nito nang nakakapit ng mahigpit sa manibela.

“Nananahimik ako mare… Si Dennis ang nag-alok sa akin. Tapos ganon-ganon na lang, bigla niya ‘kong ilalaglag? Biglang tama na?… Puro siya ang masusunod? Wala ba ‘kong nararamdaman?”

Kahit papaano ay nauunawaan ni Diane ang pinagmumulan ni Greg. Dahil nung nalaman ni Dennis ang namamagitan sa kanila ay ganoon na lang siya kung kastiguhin at tikisin nito.

Halos madurog siya sa malamig na pagtrato ni Dennis ngunit tiniis niya iyon. Dahil alam niyang nagkasala siya, nagtaksil siya sa kanyang mister. Ngunit ang mas masakit ay sa kabila ng ganoong pagtrato ay matutuklasan niyang pinagtataksilan din pala siya nito.

Para silang tau-tauhan lang sa laro ni Dennis. Kikilos kapag ginusto niya. At hihinto kapag sinabi na nito.

“Napamahal ka na sa’kin Diane eh… Sa buhay ko, dalawang babae lang ang minahal ko… Si Elsa… at ikaw. At mahal kita hanggang ngayon…”

Hindi na rin napigilan ni Greg na maiyak. Muling siyang kumuha ng tissue at idinampi iyon sa kanyang mata at ilong.

“Pero ngayong ayaw mo na talaga… wala akong magagawa kundi tanggapin ‘yon.”

Napalingon si Diane kay Greg habang dumadaloy din ang mga luha sa kanyang mukha. Napakapit sa braso ng kumpare at pinisil iyon.

“Mapatawad mo sana ako sa lahat, Diane… Pero kung asawa lang kita, hinding-hindi kita ipapahiram sa iba… Kasi mahalaga ka sakin, kaya iingatan kita… Sa akin ka lang.”

“Greg–”

Naantala na ang sasabihin ni Diane dahil sa mabilis na pagdukwang ni Greg at hinalikan siya nito sa labi. Halik na puno ng emosyon at pagpapahalaga.

Natigilan si Diane sa ginawa ni Greg na agad din namang napaatras at humingi ng paumanhin.

“So-Sorry mare… Nadala lang ako, pasensiya ka na…”

Hindi sumagot si Diane na nakatitig lamang sa mga mata ng kumpare. Kinabig niya sa batok si Greg papalapit sa kanya at muling sinalubong ng mainit na halik ang mga labi nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *