Masarap na Aguinaldo Part 42

Labis na nagsisi sa kanyang nagawang kasalanan. Ngunit nalamang may basbas pala iyon ng kanyang mister sa simula. Ito ang may ideya at mismong nagset-up ng inakala niyang una niyang pagtataksil dito noong kanilang anibersaryo. Kasalanan pa din ba iyong maituturing?

Ang alam ni Diane ay sila lamang dalawa ni Dennis ang may plano tungkol sa pang-aakit niya kay Greg, Disyembre noong nakaraang taon. Yun pala ay may kasunduan din ang magkumpare.

Kasunduan na dapat ay minsan lang magaganap ngunit nasundan pa ng ikalawa, ikatlo, at humantong na nga sa isang relasyong bawal. Ugnayan na ilang buwan ding nagpatuloy at pilit na inilihim.

Binagabag ng kunsensiya sa kamaliang nagawa. Nagpasya na itigil na at magbago. Tiniis ang pagkastigo ng kabiyak. Saka malalamang planado naman pala ang pinagsimulan ng lahat.

Alam ni Diane na sariling desisyon niyang sumuong sa kasalanan. Ngunit napakasakit na ang taong nagawan niya ng mali, ay siya pala mismong nagpain sa kanya sa tukso. Tuksong humantong sa kanyang pagkadarang.

Kaya naman pala ganoon na lang kalakas ang loob ni Greg. Dahil may basbas naman pala ni Dennis. Hindi tuloy maiwasang maisip na baka may kinalaman pa din sa kakaibang pantasya ng mister kaya’t muli siya nitong ipinagamit sa kumpare.

Nagtaksil siya noong anniversary nila. May basbas pala ni Dennis.

Nagtaksil siya noong kaarawan ni Greg. May basbas pala ulit ni Dennis.

Nagtaksil siyang muli noong birthday mismo ng mister. Nakatunog si Dennis at ganoon na lang ang galit nito. Bakit? Dahil ba wala na siyang pahintulot? Dahil siya lang ang pwedeng magdikta kung kailan makikiapid sa iba ang kanyang asawa?

Isang bagay. Ganoon ang pakiramdam ni Diane nang mga oras na iyon dahil sa natuklasan. Isang bagay na si Dennis ang magpapasya kung kanino niya ito gustong ipahiram at kung kailan lang pwede. Na susunod lang sila ni Greg sa larong gusto nito.

Hulyo pa nang huling kusang-loob siyang nakipagniig sa kumpare. Noong inimbitahan pa nito ang isang delivery boy upang manood sa kanila. Kinagabihan ng araw ding iyon ay may nangyari sa kanila ni Dennis sa kotse matapos siyang sunduin nito mula sa condo building ni Greg.

Doon niya napagtanto na kahit mas nasasarapan ang kanyang katawan sa pagtatalik nila ng kumpare, walang katumbas ang satispaksyon na nakukuha niya sa pagniniig nilang mag-asawa dahil si Dennis talaga ang kanyang mahal.

Aminado siyang may mga pagkakataong ang sarap na nararamdaman ng kanyang katawan ay napagkakamalan niya na namumuong damdamin para sa kumpare. Kaya naman hanggat maaga pa ay nagpasya na siyang itigil na ang namamagitan sa kanila ni Greg upang huwag na siyang mahulog dito ng tuluyan.

Pinilit niyang iwasan si Greg. Kahit umabot na sa puntong binablackmail na siya nito ay pinilit niyang magawan ng paraan upang matigil na ang pagtataksil niya kay Dennis. Dahil kahit ito ang nagsimula ng laro nilang tatlo, mali pa rin na kanya itong pinagtataksilan.

Isang ulirang kabiyak. Mapagmahal na asawa at isang mabuting ama. Si Dennis ang lalaking pinili niyang makasama sa buhay kaya’t marapat lang na talikuran na niya ang pakikiapid at maging tapat dito.

Tapat sa kanya ang mister. Ang lalaking ni minsan ay hindi niya naisip na magagawa siyang ipagpalit sa iba. Na magagawa siya nitong saktan.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Siya pa ang nakatuklas. Para siyang pinagsakluban ng langit nang madiskubre niya ang relasyon ng kanyang asawa sa inaanak nito. Mas bata. Mas sariwa. Birhen. Kapisan pa nila sa kanilang bahay.

Tapos ay nalaman niyang kinuntyaba pala ni Dennis si Greg at pinayagan din pala nito ang mga nauna nilang pagniniig ng kumpare. Bakit, dahil ba may ibang babae pa pala ito na mas bata?

Umasa siyang sa wakas ay maaayos na nila ni Dennis ang kanilang problema at mabubuo nang muli ang kanilang pamilya. Ngunit sa kanyang mga nalaman, sa isang iglap ay parang gumuho ang lahat.

Pakiramdam ni Diane ay para na lang siyang basahan. Ginamit. Pinaglaruan. Ipinamigay. Pinagtaksilan. Basahang matapos pakinabangan ay kay dali lang pinalitan.

Agad na nagsugpong muli ang mga labi sa pagpasok nila sa unit ni Greg. Panay ang hagod ng mga sabik na kamay nito sa katawan ng kumare. Inilapat niya ang pinto at ni hindi na nagawang ilock sa pagmamadali at sa kasabikan.

“Miss na miss kita Diane… Ramdam mo ba gaano katigas titi ko? Uhmpp…”

Halos matumba sila sa gigil na pagyapos ni Greg sa katawan ni Diane. Habang nakapulupot ang mga braso ng kumare sa kanyang batok ay hindi naman magkamayaw ang mga kamay niya sa paglamutak sa mga suso, hita, at puwet nito.

Damang-dama ni Diane ang katigasan ng lamang nasa loob ng pantalon ni Greg na dumuduldol sa kanyang puson sa pagkakalapat ng kanilang katawan. Halos mapaangat ang mga paa niya sa sahig sa gigil na pagsalat ni Greg sa kanyang hiyas mula sa ilalim ng kanyang pwet.

“Masarap ako di ba Greg?… Uhhmm… Nakakalibog pa rin ako di ba?” usal ni Diane sa pagitan ng mga halik.

“Gagong Dennis… Kung asawa kita… hinding-hindi na ‘ko titikim ng iba!”

Sa kanilang pag-usad papalapit sa kama ay kanya-kanya na silang hubad ng mga saplot. Ibinaba ni Greg ang zipper sa likod ng bestida ni Diane habang kinakalas naman ng kumare ang kanyang sinturon. Saglit na maglalayo ang mga labi upang maghubad ng damit at muli ring maglalapat.

Nang tuluyang mahubad ang lahat ng kanilang saplot ay naupo si Greg sa kama at pasaklang na kumandong paharap si Diane. Habang sila’y paghahalikan ay dama ni Diane sa pagitan ng kanilang katawan ang titi ni Greg. Kay init ng lamang iyon na tila bakal sa tigas.

Kahit inuusig ng kunsensya dahil sa nakaambang mangyari ay pilit niya iyong isinantabi. Parang sasabog ang kanyang dibdib dahil sa mga nalaman. Kailangan niyang makaganti.

Mabilis na gumapang ang mga labi ni Greg pababa sa kanyang leeg, patungo sa kanyang suso. Bawat dampi ng halik ay nakakapaso. Bawat hagod ng bigote ay nakakakiliti. Pagdapo sa kanyang suso ay bigla nitong sinupsop ang isa niyang utong.

“Ahhh… shit pareee…”

Tumingala sa kanya ang mga mata nito saka lumipat ang mga labi sa kabilang utong. Pinagmamasdan ang kanyang reaksyon sa sabik nitong paghigop sa magkabilang korona ng kanyang dibdib.

Panay din ang himas ng mga kamay nito sa makinis niyang likod, saka bababa upang lamutakin ang kanyang puwitan.

“Ang sarap mo Diane… puta… ang sarap susuhin nitong mga ‘to…”

Sinapo ni Greg ang magkabilang suso ng kumare. Nilamutak ang mga iyon habang halinhinan niyang nilalaro ng dila at kinakagat-kagat ang mga utong. Ramdam niya ang mainit na singaw na nagmumula sa namamasang hiwa ni Diane na kumakaskas sa kanyang burat.

Napapaliyad si Diane sa pagpapala ni Greg sa kanyang dibdib. Di mapigilang mapasabunot sa buhok ng kumpare sa tuwing ngangatngatin ang kanyang utong na balot na ng laway nito.

“Ahhh… halika baby… putcha bumawi ka sakin ha… binitin mo ‘ko nung nakaraan!”

Habang yapos si Diane ay bahagyang umatras si Greg at pahalang na nahiga sa kama. Napakapit siya sa baywang ng kumare habang inuumpisahan nitong ikaskas ang naglalaway na hiyas sa sabik niyang uten.

Hinawakan na ni Diane ang titi ni Greg at inihagod iyon sa kanyang hiwa. Napalingon siya sa headboard kung saan niya iginapos si Greg noong nakaraan upang tuluyan nang makalaya mula sa panggigipit nito. Ngunit heto siya at muli na namang magpapaangkin.

“Ugghh ang iniiitt… miss ko na ‘yan! Pasok mo na Diane… punong-puno ‘tong bayag ko!”

Nakatuon ang isang kamay niya sa dibdib ni Greg habang ang isa ay iginiya ang titi nito upang mapatapat sa bungad ng kanyang lagusan. Napaahon ang kanyang tingin sa glass wall ng unit. Kita niya ang repleksyon ng babaeng muli na namang magkakasala. Babaeng nasaktan at nais gumanti.

“Miss mo ‘to Greg? Masarap ‘to di ba?”

At unti-unti na nga niyang inupuan ang mala-posteng burat ni Greg. Di napigil na mapaluha habang nararamdaman ang muling pagtarak ng titi ng kumpare sa kanyang lagusan. Muli na naman siyang magkakasala.

“Ahhhh… Diiiannneee… ang sarap mooo!!!”

Sa gigil ni Greg ay napahigpit ang kapit nito kay Diane at sinalubong na ito ng kadyot upang maisagad na ang kanyang burat. Kita niyang napanganga ang kumare sa pagtama ng dulo ng kanyang titi sa matres nito.

Hapit na hapit ang laman ni Diane na bumalot sa kanyang burat. Damang-dama ni Greg ang init at dulas sa loob. Ang sikip ng kwebang kay sarap hagurin kasabay ng pagtitig niya sa magandang mukha ng kumare na alam niyang sarap na sarap sa kanyang kargada.

Inumpisahan ni Diane na gumiling. Sa halip na libog ay nilulukuban ito ng poot dahil sa kanyang mga natuklasan. Poot na tila maiibsan lamang sa pamamagitan ng pagganti.

Kagat-labing sinapo ni Greg ang magkabilang suso ni Diane at nilamas ang mga iyon habang tuloy ito sa paggiling. Iniipit pa sa kanyang mga daliri ang tirik na mga utong na namula na sa kanyang pagkakasupsop.

“Yaaann… Sarap mo talaga gumiling… Tangna parang hinihigop titi ko…”

Nakamasid si Greg sa kanyang burat habang naglalabas-masok ito at nilalamon ng puke ni Diane. Kita niya ang namumuting katas ng kumare na bumabalot doon. Tanaw niya ang maninipis na labi ng kiki nito na yumayakap sa kanyang tarugo.

“Masikip pa rin ako di ba Greg?… Masarap pa din ako?” tanong ni Diane habang tuloy sa pagkabayo sa burat ng kumpare.

Di mawala sa isip ni Diane ang relasyon ni Dennis kay Pam. Pirming pinapasok ng insecurity ang kanyang isip. Nagawang pumatol ni Dennis sa mas bata. Mas sariwa. Di maiwasang maisip na dahil ba sa virgin si Pam. Samantalang hindi si Dennis ang nakauna sa kanya.

“Oo naman!! Ikaw pinakamasarap na nahindot ko, Diane…”

Wala nang pakialam si Greg kahit naghihinagpis ang kumare. Di alintana ang pagtangis nito basta tuloy lang ang kanilang kantutan.

Sa pagmamadali ay hindi na niya nagawang paganahin ang aircon sa kanilang pagpasok. Kaya’t magkahalo na ang luha at pawis na bumabaybay sa leeg at pagitan ng mga suso ng kumare.

Iba din ang gigil na nararamdaman niya ngayon sa bawat giling at kadyot ni Diane. Wala na siyang pakialam kahit ano pa ang nagtulak dito upang muling magpaiyot. Ang importante ay muli na naman niyang naangkin ang kumare.

“Pero bakit siya nambabae!! Bakit siya pumatol sa teenager!”

Di sinasadyang mapahampas ang kamay ni Diane sa dibdib ni Greg dahil sa paghihinagpis. Napahinto ito sa paggiling at tuluyan nang napahagulgol sa labis na sama ng loob sa asawa at pagkahabag sa kanyang sarili.

Kinabig ni Greg si Diane upang mapadapa sa kanya at muling siniil ng halik ang mga labi nito. Pilit inaalo ang kumare habang kumakadyot pataas ang kanyang balakang.

“Napakasarap mo Diane… Walang mali sa’yo… Kung asawa lang kita, ni minsan hindi kita ipapatikim sa iba… Hinding-hindi ako papatol sa ibang babae… Ikaw lang iiyutin ko!”

Bumalikwas si Greg upang maihiga si Diane at siya naman ang umibabaw. Saka nito inundayan ng kadyot ang naglalawa nang puke ng kumare. Lumalangitngit ang kama sa gigil niyang pag-ulos habang tuloy pa din si Diane sa pag-iyak.

Nangingiwi na lang si Diane sa sunod-sunod na ulos. Damang-dama niya ang labis na pagkasabik ni Greg na halos mayupi na ang kanyang katawan sa ratrat nitong pagkasta. Dinig na dinig sa buong unit ang malakas na tunog ng kaskasan ng basang mga ari.

“Tang ina Diane… tagal kong nasabik sa’yo!”

Pumapatak na kay Diane ang pawis mula sa mukha at leeg ni Greg. Namumula ang mukha nito at naninigas ang kalamnan ng balikat at mga braso sa pagkakatukod sa kama.

Pabilis ng pabilis ang mga kadyot. Kayod na kayod sa loob ang titi nitong tila pumipintig at lalo pang lumaki. At agad napatukod si Diane sa balakang ni Greg.

“Pare! Hugutin mo ha!”

Mula nang umalis sila ni JR sa bahay ay itinigil na ni Diane ang pag-inom ng pills. Irregular din ang dalaw niya nang mga nakaraang buwan kaya’t hindi na niya tiyak kung safe siya noon.

“Ahhhhhh… Eto na ‘ko Diane eh!!”

Ramdam na ni Greg ang pagbigat ng kanyang bayag at ang napipinto niyang pagsabog. Lalo niyang kinayog ng kasta ang puke ng kumare at isinagad iyon ng husto.

“Hindi pwede Greg!! Hugutin mo please!! Sa labas mo iputok!” palahaw ni Diane habang pilit na itinutulak palayo ang balakang ng kumpare.

At walang ano-ano’y kumadyot ng malakas si Greg at naramdaman niya ang pagsabog ng mainit na tamod nito sa kanyang kaibuturan. Sa dami ay umagos pa ang iba palabas sa kanyang pwerta at tumulo sa guhit ng kanyang puwet.

“Unggghh… tanginaaaa… Saraaapppp!!!”

Kandalukot ang mukha ni Greg habang ninanamnam ang sarap ng pagbuga ng kanyang kargada sa loob ni Diane. Makailang-beses pa siyang kumadyot-kadyot upang simutin ang laman ng kanyang tarugo.

Alam niyang hindi nilabasan si Diane. Ngunit wala siyang magagawa doon dahil sa batid niyang madaming ibang iniinda ang kalooban nito.

Dinampian niya ng halik sa labi si Diane saka umahon at nagmadaling buksan ang aircon. Dali namang nagtungo si Diane sa banyo habang patuloy pa din sa pagtangis.

Inakala niyang gagaan ang kanyang kalooban kapag nakaganti siya kay Dennis. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Lalo lamang nadagdagan ang kanyang iniinda. Dahil pakiramdam niya ay lalo siyang naging marumi.

Pasado alas dose. Katatapos lang ligpitin ni Diane ang kanilang pinagkainan. Nagpasya siyang huwag nang sumunod sa dadaluhang okasyon at doon na lang sa condo ni Greg magpalipas ng oras.

Bagaman hindi pa niya tuluyang nalilimutan at napapatawad ang mga ginawang panggigipit sa kanya ng kumpare noong nakaraan ay nakatagpo naman siya dito ng balikat na masasandalan. Ang tanging taong mahihingahan ng kanyang mga dinadala.

Muli na namang nadagdagan ang bigat sa kanyang kalooban. Sama ng loob kay Dennis, at pagkadismaya sa sarili dahil sa panibagong pagkakamaling nagawa. Wala naman siyang ibang makakausap tungkol sa mga problema kaya’t minabuti niyang manatili na muna roon.

“Alam mo baby, wag mo na masyadong pinoproblema si Dennis. Matagal nang gano’n yon! Likas talaga don pagiging babaero!” natatawang kantyaw ni Greg habang nagbubuhos muli ng alak sa basong hawak ni Diane.

“At likas din sa’yo di ba? Tigilan mo nga ‘ko.” pambabara nito sa kumpare sabay irap.

Hindi maiwasan ni Diane na mapaismid. Nagagawa pa kasi ni Greg na magbiro tungkol sa pambababae ni Dennis. Kung nalalaman lang nito na ang sariling anak ang siyang pinakialaman ni Dennis, tiyak na mas masahol pa ang reaksiyon nito. Kaya naman nagpasyang siyang huwag na ipaalam dito ang kanyang nalaman.

“Saka pwede ba, ‘wag mo na nga akong tinatawag niyan. Kinikilabutan ako.”

Napakamot-ulo na lang si Greg. Sa kabila ng nangyari sa kanila ng kumare kanina at kahit naghihinga ito ng saloobin sa kanya ay muli na naman itong nagbalik sa pagiging mailap.

Masakit mang isipin ngunit mukhang para dito ay talagang taos na sila. Mukhang nakipagtalik si Diane sa kanya bunga lang ng matinding emosyong dinadala nito, at hindi dahil sa nasabik din ito sa kanya. Ngunit wala naman siyang reklamo. Natikman pa rin niyang muli ang kumare.

Ang importante ay mapalagay muli ang kalooban nito sa kanya. Na maramdaman nito ang kanyang pagdamay. Saka na muna ang iba pa niyang mga balak. May tamang pagkakataon para doon.

“Tsk kita mo… nasira tuloy ‘tong head board ng kama. Pagapos-gapos pa kasi…” biro ni Greg habang iniinspeksyon ang nawasak na bahagi ng kahoy na headboard.

Nakaupo si Diane sa isang silya malapit sa may glass wall sa sulok ng silid sa bandang paanan ng kama. Akap-akap niya ang nakatuping mga binti na nakasampa din sa upuan. Nakahilig ang ulo sa salamin habang nakadungaw sa mga sasakyang nagdaraan sa kalsada sa ibaba.

Napalingon siya kay Greg sa tinuran nito at isang mapaklang ngiti lamang ang kanyang isinagot. Ibinalik niya ang tingin sa labas, bahagyang inalog-alog ang basong hawak upang laruin ang mga yelong lumulutang sa alak saka siya muling uminom.

“Nasaan na nga pala yung picture ko? Malamang lagi mong tinitignan at pinagpapantasyahan ang alindog ko ‘no?” hirit muli ni Greg.

Sa nadinig ay may munting ngiting gumuhit sa mga labi ni Diane kahit nanatili itong nakadungaw sa labas ng gusali. Naalala niya ang itsura ng kumpare sa litratong iyon.

Bakas sa mukha ang pagkabigla at galit habang nakabuyangyang ang pagkalalaki nito. Sa puntong iyon, kahit papaano ay para siyang nakaganti sa pagiging tuso ni Greg.

“Sira. Wala na ‘yon, matagal ko nang binura. Aanhin ko pa ‘yon… eh alam na rin naman ni Dennis ang tungkol satin.” malungkot niyang tugon.

Kaya lang naman niya kinunan ng ganoong larawan si Greg ay bilang pangontra sa pananakot nito na ipapadala kay Dennis ang kanilang sex video. Dahil ayaw niyang makumpirma ni Dennis ang tungkol sa kanilang dalawa.

Ngunit nalaman pa din ng mister ang kanilang itinatagong ugnayan na naging sanhi nga ng panlalamig at pagpapasakit nito sa kanya. Kaya’t wala ng silbi ang litrato ni Greg. Nangyari din naman kasi ang kanyang pinangangambahan.

“Oo nga pala… paano ba nalaman ni Dennis? Ahhh… sinend mo sa kanya yung video? Ano pa nga ba.” nanlulumo niyang sambit.

Naupo si Greg sa paanan ng kama malapit sa kanya.

“Hindi ko din alam! Hindi ko sinend, Diane. Paano ko naman magagawa ‘yon, edi lalo kang namuhi sa’kin? Lalo mo ‘kong lalayuan.”

Hindi lumilingon si Diane at nagpatuloy lang sa pakikinig sa sinasabi ni Greg.

“Pasensya ka na sakin no’n mare… Nagawa ko lang naman ipanakot ‘yon sa’yo kasi nga ayaw kong… ayokong mawala ka.”

“Pero naisip ko nga na kung ayaw mo na talaga, wala akong magagawa eh… kailangan kong tanggapin. Kaya sana patawarin mo din ako sa nangyari kanina–”

“Shhh… mali ko din ‘yon pare. Hindi na ‘yon dapat nangyari.” sabat ni Diane nang naiiling.

Tumango na lamang si Greg at dinukot mula sa bulsa ang bago niyang cellphone at tila may hinahanap doon.

“Yung screenshot ng video call natin dati, wala na di na naretrieve. Wala na ‘kong kopya non…”

Patuloy ito sa pag-swipe sa screen. Nang makita nito ang hinahanap ay iniabot niya ang telepono kay Diane.

“Oh ayan… Maniwala ka man o hindi, ayan na lang ang kopya ko ng video. Sige delete mo na… Pasensiya na ulit ha.”

Hindi kumibo si Diane. Saglit niyang pinanood ang video ngunit agad din niyang itinigil. Kung yung video nila ni Greg noong December ay tinatablan siya, iyon ay dahil alam iyon ni Dennis at alam niyang nag-enjoy din ang mister sa ginawa nila ng kumpare.

Ngunit iba ang videong kanyang napapanood sa oras na iyon kaya’t agad din niyang inihinto. Hindi niya maatim na panoorin ang sarili sa ginawa niyang pagtataksil sa kanyang asawa.

Hindi siya makakasigurong wala na ngang ibang kopya ngunit ramdam niya sa boses ni Greg na nagsasabi ito ng totoo. At tuluyan na nga niyang binura ang videong iyon ng kanilang kataksilan.

Lumipas ang mga oras, sinikap ni Greg na libangin ang kumare. Sa kanilang pag-uusap ay may mga pagkakataon pa ring bigla na lang itong mapapaiyak habang naghihinga ng hinaing tungkol kay Dennis.

Sinisikap niya itong patawanin ngunit kapag naaalala ang mga nagawa ni Dennis ay muling sumisiklab ang galit nito. Susundan ng matinding awa sa sarili at pagsisisi sa mga salang nagawa.

Namumula na ang mukha ni Diane sa nainom, madaldal na din ito at kung ano-ano na ang ikinukwento at anay ang tawa. Kung siya lang ay parang nadedemonyo na naman siyang muling samantalahin ang pagkakataon upang ito’y maangkin. Ngunit pinigilan niya ang sarili sapagkat ayaw niyang tuluyang masuklam si Diane sa kanya.

“Hala ba’t ang dilim na agad? Nako uuwi na ‘ko pare… huwag mo na ‘kong hatid, magbu-book na lang ako ng ride.” wika nito habang namamaybay sa shelves at dingding papunta sa banyo.

“Sira ka ba? Nakainom ka eh, iuuwi ka na tiyak ng driver! Bukas ka na lang umuwi tutal may dala ka namang mga damit.”

Hindi naman nahirapan si Greg na kumbinsihin si Diane. Ayaw din kasi nitong makita siya ng mga magulang sa ganoong ayos na halos di na makalakad dahil sa nainom.

Ganoon na nga ang nangyari. Matapos muling makapaligo at magbihis ay nagmessage na lang si Diane sa kanyang mama na kinabukasan na siya makakauwi. Agad itong tumawag sa kanya ngunit kinancel niya iyon.

Maingay dito ma, text na lang. Pakitingin na lang muna ulit si jr ha

Oo kami na bahala. Eh anong oras ka pala makakauwi bukas? Di ba pupunta kamo si dennis?

Natigilan si Diane sa tanong ng ina. Sa sobrang sama ng kanyang loob ay montik na nyang malimutan ang tungkol sa napagkasunduan nilang pagsisimba at pag-uusap mag-asawa.

Sige na ma ha, nagkakasiyahan dito eh

Ok anak, mag-ingat ka dyan ha. Physical distancing ha

Asiwang napangisi si Diane sa mensaheng nabasa mula sa ina. Bagaman sa iisang kama sila malamang matutulog ni Greg ay wala na siyang intensiyon na muli pang may mangyari sa kanila ng kumpare. Ano man ang pinagdadaanan nila ni Dennis, alam niyang mali pa rin ang nangyari kanina. Maling-mali.

Opo ma. Pakikiss na lang ako kay jr ha. Good night

Pinipigilan ni Greg ang kanyang sarili ngunit sadyang hindi maawat ang mga mata na hagurin ng tingin ang katawan ng kumare. Habang nakaupo ito sa gilid ng kama at abalang nagtatype sa kanyang cellphone ay nagpipyesta naman ang kanyang paningin dito. Kahit sa suot nitong gray t-shirt at pink na shorts ay parang naaaninagan niya ang alindog nito sa ilalim ng mga saplot.

Matapos makapaghabilin sa magulang ay si Greg naman ang binalingan ni Diane. Pumalilalim siya sa kumot habang nahihiga at itinabon iyon hanggang sa kanyang leeg.

“Pare umaasa akong nagkaintindihan na tayo sa napag-usapan natin kanina.”

“Oo Diane, don’t worry. Sa sofa na lang ako matutulog… sige na magpahinga ka na.”

“Hmm… sige.”

Hindi na nagtagal mula nang mahiga si Diane ay nahimbing na ito sa pagtulog. Marahil dahil sa pagod na isip at damdamin na sinamahan pa ng nainom na alak.

Nakamasid lamang si Greg mula sa sofa sa kumareng balot na balot ng kumot. Tumayo siya at maingat na naupo sa kabilang gilid ng kama.

Dumukwang at pinagmasdan ng mas malapitan ang mukha ng asawa ni Dennis. Maga at namumugto ang mga mata nito sa pag-iyak. Namumula ang mga pisngi dahil sa nainom. Bahagyang nakabuka ang mapupulang labi at langhap niya ang mabango nitong hininga.

May pwersang humahatak sa kanya na dampian ng halik ang mga labing iyon. Ngunit pinilit niyang magtimpi at pinigilan ang sarili. Alam niyang kayang-kaya niyang samantalahin ang pagkakataon ngunit nagpasya siyang huwag iyong ituloy. Lalo lamang iyong makakasira sa kanyang mga balak.

Hindi na namalayan ni Greg na nakatulog na siya sa kama sa tabi ni Diane. Madaling-araw na nang magising siya upang umihi at sa pagmulat ng kanyang mga mata ay tila isang panaginip ang nagkatotoo. Nagising siyang nasa tabi niya si Diane. Sumandaling naisip niyang parang sila ang mag-asawa.

“Sakin ka na lang kasi…” bulong niya.

Gustong-gusto niya sana itong yakapin. Muling damhin ang kinis at lambot ng katawan nito sa kanyang mga bisig. Muling angkinin ang katawang kanyang kinahuhumalingan.

Subalit gusto niyang tuparin ang naipangako kay Diane. Ayaw na din niyang may mangyari pa sa kanila kung labag naman sa loob nito. Kung mapapasakanya man ang kumare, gusto niya ay ito mismo ang nagpasya.

Matapos magbanyo ay muli siyang nahiga sa tabi ng kumare. Minasdan muli ang magandang mukha nito mula sa malamlam na liwanag sa labas. Hanggang sa muli siyang tinangay ng antok at nakatulog.

<6:00 AM alarm>

Nakapikit ang isang mata na inabot ni Diane ang nag-iingay na telepono at dinismiss iyon. Muling inilapag sa side table saka napansin ang braso ni Greg na nakadantay sa kanyang bewang.

Sa kama din pala ito natulog. Pinakiramdaman niya ang sarili at alam niyang wala namang nangyari. Maingat niyang inalis ang braso nito na nakayakap sa kanyang katawan at muli siyang pumikit.

Maya-maya’y muling nagising si Diane sa notification ng mga mensaheng magkasunod niyang natanggap.

Good morning hon

Gumagayak na ko. Sunduin na kita maya-maya ha, mass muna bago tayo mag-usap

Napaahon si Diane paupo sa kama at sumandal sa may headboard. Biglang nagising ang kanyang diwa. Biglang bumugso ang damdamin.

Nakakunot ang kanyang noo habang gigil na tumitipa ng mga letra. Tila nag-uunahan ang mga salitang gustong iparating sa asawa.

Ano pag-uusapan natin?

Kung paano nyo pinlano ni greg yung december? Yung anniv natin? Yung bday nya?

Pag-uusapan ba natin kung kanino mo ko ipapagamit next? Habang kayo ni pam tuloy ang ligaya nyo?!

Nangingilid ang luha at umaalon ang dibdib ni Diane habang nagtatype. Pansamantala mang natabunan ng alak ang iniinda ay hindi niyon nabura ang sakit sa kanyang dibdib.

Hinanap niya ang video na isinend niya sa sarili kahapon mula sa cellphone ni Greg. Nang makita ay agad naman niya iyong ipinadala sa asawa.

Gusto mong pinapagamit katawan ko sa iba di ba? Kapag ako ang nagpasyang ipagamit ang katawan ko, yun ang hindi pwede! Tapos ano, papatol ka sa ibang babae? Sa mas bata?!

O ayan, namnamin mo! Tignan mo ang ginawa mo sakin dennis!

Napasubsob na lang si Diane sa mga brasong nakapatong sa kanyang tuhod at muli na namang napahagulgol sa sama ng loob. Kakatwang ang video na kinatatakutan niya noon na mapanood ng asawa, siya pa ngayon mismo ang nagpadala dito.

Napasapo na lang ang palad ni Dennis sa ulo habang binabasa ang sunod-sunod na reply ni Diane. Masyado siyang naging abala sa negosyo nang mga nagdaang araw ngunit di nawawala sa kanyang isip ang pagkasabik sa pagsapit ng Linggo.

Kay tagal niyang hinintay ang araw na iyon. Isang buwan niyang tiniis na mag-isa kaya naman ganoon na lang ang kanyang tuwa sa napipintong pag-uusap nilang mag-asawa. Ngunit sa tono ni Diane dahil sa mga panibagong nalaman nito ay mukhang malabo na iyong mangyari.

May kaba niyang pinindot ang play button sa video na ipinadala ng misis. Napamaang na lamang siya sa kanyang nakita.

Una pa lang ay alam niya agad na luma na iyon dahil mahaba pa ang buhok ni Diane sa video. Gayon pa man, para siyang sinampal nang makita niya si Diane na kasama si Greg.

Napailing siya sa nakikita. Saglit na nanood ngunit di rin naatim ang namamalas na halikan pa lang ng kanyang asawa at kumpare sa may pintuan. At agad din niyang itinigil ang panonood.

Wala siyang naramdamang libog sa kanyang nakita. Wala siyang ibang nadama kundi purong sakit.

Naisip niya na bilang cuckold, dapat ay tatablan siya sa nasasaksihan. Ngunit sa puntong iyon niya napagtanto na may hangganan ang kanyang mga pantasya. Mas nananaig ang pagmamahal sa asawa at pamilya kaysa sa libog.

Wala nang balak si Dennis na panoorin pa ang videong iyon. At agad na niya iyong binura.

Sinubukan niyang tawagan si Diane ngunit hindi nito sinagot. Sa ikalawang pagtawag niya ay unattended na ang telepono nito. Napayuko na lang si Dennis sa panlulumo. Alam niyang hindi na matutuloy ang kanilang pag-uusap.

Nagising si Greg sa mga hikbi ni Diane mula sa kanyang tabi. Tahimik siyang bumangon at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape.

Habang iniikot ang kutsarita sa tasa ay muli siyang napalingon kay Diane. Nakaramdam ng awa sa pagdadalamhati nito. Biglang may tila sumusundot sa kanyang kunsensya.

Mukhang hindi na lang dapat niya nasabi dito ang tungkol sa usapan nila noon ng kumpare. Nakadagdag pa tuloy iyon sa iniinda ng kalooban nito. Sa kagustuhan niyang pasamain ang imahe ni Dennis ay nasasaktan naman niya si Diane. Ngunit ang nasabi ay nasabi na at hindi na niya mababawi.

“Oh… kape muna… Para magkakulay naman ang iyak mo, hindi puro tubig…” biro nito habang inilalapag sa side table ang tasa at platito.

“Pagod na ‘ko Greg… pagod na pagod na ko…” hinang-hinang sambit ni Diane.

Muli itong nahiga patagilid at namaluktot. Tuloy pa din ang agos ng luha sa gilid ng kanyang mata. Naupo naman si Greg sa silya sa tabi ng kama malapit kay Diane.

“Alam mo mare, kailangan mo siguro lumayo muna para makapag-isip. Yung ikaw lang. Pakawalan mo don lahat ng dinadala mo… para hindi ka na nahihirapan ng ganyan.” payo nito habang humihigop ng kape.

“Magsabi ka lang sakin kung gusto mo mag-get away ha… May kliyente akong may resort sa Batangas. Sarado sila ngayon pero tumatanggap ng special arrangements basta kakilala… Pwede kang doon mag-isip.”

Mag-isang umuwi si Diane sa bahay ng mga magulang nang umagang iyon. Si Greg naman ay may idadaan lang daw sa bahay ng kapatid ni Elsa at uuwi na din ng Batangas pagkatapos.

Pagdating niya sa bahay ay madatnan ni Diane ang kanyang papa na nag-aabang sa may bakuran.

“Oh bakit ngayon ka lang, DJ?… Tumawag si Dennis kanina, hinahanap ka. Hinahagilap ka namin, di ka naman matawagan. Ngayon kayo mag-uusap di ba?” hindi napigilang pag-uusisa ng ama ni Diane.

“Wala na yun, Pa. Si JR po?” maigsi niyang tugon.

“Andon sa kwarto namin, natutulog pa.”

Malungkot na pumasok si Diane sa loob ng bahay at dumeretso paakyat sa kanyang kwarto. Ni hindi na nagawang batiin ang kanyang mama na nasa may kusina.

Labis nang nag-aalala ang mag-asawa sa pinagdadaanan ng mag-asawang Diane at Dennis. Wala nang mga magulang ang kanilang manugang kaya’t tanging sila na lamang ang gumagabay sa mga ito. At ganon na lang ang kanilang awa para sa apo na siyang naiipit sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Dumeretso si Diane sa kanyang banyo. Habang nakatapat sa buhos ng tubig mula sa shower ay muli na naman siyang napaiyak. Dismayado sa mga nagawa sa kanya ni Dennis. Dismayado rin sa kanyang sarili para sa mga salang nagawa.

Kinakabog ng kamao ang kanyang dibdib na nangingirot dahil sa pighati. Halo-halong emosyon ang lumulukob ngayon sa kanyang pagkatao. Pagsisisi. Panghihinayang. Galit.

Paano pa mabibigyan ng puwang ang pag-uusap kung galit ang mas nangingibabaw ngayon kaysa sa pagmamahal?

“DJ, anak?” tawag ng mama ni Diane habang marahang kumakatok sa pinto.

“Tuloy ka, Ma…”

Nakaupo si Diane sa kama habang kinukuskos ng twalya ang kanyang buhok. Tumuloy naman sa silid ang kanyang ina at naupo sa kanyang tabi.

“Hindi na naman kayo nakapag-usap ‘nak…”

“Ma, lalo lang kaming magkakasakitan ni Dennis kapag nag-usap kami. Hindi na siguro uubra na magkaayos pa kami. Masyado na kasing maraming nangyari…”

Agad napatikom ang mga labi ni Diane sa pagpipigil na may masabi sa kanyang ina. Kinurap-kurap ang kanyang mga mata at pinipigilang tumulo ang luhang muling nangingilid doon.

“Minsan ganoon talaga… Magkakasakitan talaga kayo. Mabuti pa nga ‘yon… ilabas niyo na sa isa’t isa lahat ng sakit, kaysa ganyan na kinikimkim n’yo.”

Hindi na nakakibo si Diane at napayuko na lamang.

“May anak kayo DJ… Kung kayong dalawa lang ni Dennis, madaling maghiwalay kapag hindi na kayo nagkakasundo… Pero andyan si JR… Paano ang apo ko?”

Sabay na napalingon ang mag-ina sa pagbukas ng pinto ng silid. Bumungad doon ang papa ni Diane at si JR na agad tumakbo papalapit sa ina nito.

“MOMMY!!!”

“JR! I missed you, baby!”

At tuluyan nang umagos ang mga luha ni Diane at sinalubong ng mahigpit na yakap ang kanyang anak.

Maghapong tuliro si Dennis. Binabagabag ng kunsensiya. Hindi mapakali sa kakaisip.

Nauunawaan niya ang pinanggagalingan ni Diane. Alam niyang napakasakit para dito ang natuklasan lalo’t hindi naman nito alam na kaya niya muling kinasabwat noon si Greg ay para bigyang katuparan ang pantasya nito.

Bilang babae, alam din niyang napakasakit para kay Diane na malaman ang tungkol sa namagitan sa kanila noon ni Pam. Kung siya nga na cuckold na nalilibugan sa kantutan ng misis at kumpare, labis na nasaktan nang malamang tumuloy pa din pala ang ugnayan ng dalawa nang hindi niya nalalaman, ano pa si Diane na walang kamalay-malay sa namamagitan sa kanila ng kanyang inaanak.

Ramdam ni Dennis na unti-unti nang lumalabo ang pag-asang magkaayos sila ni Diane. Ngunit hindi niya iyon maaaring payagan. Hindi siya puwedeng sumuko.

Hapon na nang magpasya pa rin siyang pumunta sa bahay ng mga biyenan. Nagmessage siya sa papa ni Diane at sang-ayon ito sa kanyang plano. Isa na namang pakikipagkuntyabahan ang kanyang ginawa, ngunit sa pagkakataong ito, iyon ay para sa katiting na nalalabing pag-asa na magkaayos silang mag-asawa.

Napamaang na lamang si Diane nang makitang pumasok si Dennis sa loob ng kanilang sala. Pinukol niya ng naguguluhang tingin ang kanyang papa na siyang lumabas upang magbukas ng gate para sa kanyang mister. Tila kinukwestyon ang ginawa ng ama gayong mariin niyang bilin sa mga magulang na ayaw niyang makausap o makaharap si Dennis.

Saglit na nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din siyang umiwas at tumayo.

“JR… Daddy mo oh… Ma, akyat na muna ko sa kwarto.” kunot-noo niyang sambit.

“Hon, please naman… mag-usap na tayo…” awat ni Dennis sabay pigil sa braso ni Diane.

Bago pa makatanggi ang anak ay hindi na napigil ng papa ni Diane na sumabat sa dalawa.

“Diane. Tama na ‘yan. Walang maaayos kung panay mag-iiwasan. Mag-usap kayo at pagpasyahan nyo kung ano ang gagawin nyo sa pamilya nyo.”

Sa tono ng kanyang Papa ay wala nang nagawa si Diane kundi tumalima sa payo nito. Hinablot niya ang kanyang bag at tahimik na lumabas.

“Ma, Pa, alis po muna kami…”

Ngiti at tango ang itinugon ng mag-asawa at tumapik pa ang papa ni Diane sa kanyang balikat. Agad nang nagmadali si Dennis na makahabol kay Diane. Nilampasan niya ito sa paglalakad at inunahang magbukas ng passenger door ng kanyang SUV.

“Magdadala ‘ko.” tipid na sambit nito at dumeretso na sa kanyang kotse na nakaparada sa unahan ng sasakyan ng mister.

Magkasunod na umalis ang dalawang sasakyan. Habang bumabaybay sila sa daan ay magkahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik ng mga alaala. Ang mga road trip nila noon mula nang magnobyo pa lamang, maging ang pagkakarera nila ni Diane sa expressway.

Padilim na ang paligid. Nang mapahinto sila sa stoplight ay natanaw niya mula sa light tint ng kotse ni Diane na nagbukas ito ng stereo. Base sa pagpindot nito sa screen ay alam niyang ang paborito nitong istasyon sa radyo ang pinakikinggan nito.

Nag-tune in din siya sa parehas na istasyon. Doon man lang ay may muli silang pagsaluhan. Kahit sa pakikinig man lang sa parehas na mga kanta.

Sa pagpapatuloy ng kanilang pagbaybay sa daan ay pirmi lamang siyang nakabuntot sa likuran ng kotse ni Diane. Tila ba siya stalker na natutuwang tanawin kahit ang simpleng pagtapik-tapik ng kamay nito sa manibela sabay sa saliw ng mga kanta.

Jazz, Christmas songs, ballads. Magaganda ang mga kantang pinapatugtog ngunit may isang sadyang pumukaw sa kanyang damdamin. Bakit nga ba hindi gayong nakabisa na niya ang liriko ng kantang iyon dahil sa lumipas na mga linggo ay madalas niya iyong sabayan sa tuwing mapapakinggan.

“Remember someone tonight with… When Love and Hate Collide…” wika ng DJ sa radyo.

Inilakas pa ni Dennis ang volume ng kanyang stereo at muling sinabayan ang kanta habang nakatanaw kay Diane na nasa kanyang unahan.

You could have a change of heart
If you would only change your mind
Instead of slamming down the phone girl
For the hundredth time
I got your number on my wall
But I ain’t gonna make that call
When divided we stand baby
United we fall

Got the time, got a chance, gonna make it
Got my hands on your heart, gonna take it
All I know, I can’t fight this flame

You could have a change of heart
If you would only change your mind
‘Cause I’m crazy ’bout you baby
Time after time

Without you, one night alone
Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone?
Without you…
Can’t stop the hurt inside
When love and hate collide

I don’t wanna fight no more
I don’t know what we’re fighting for
When we treat each other baby
Like an act of war
I could tell a million lies
It would come as no surprise
When the truth is like a stranger
Hits you right between the eyes

There’s a time, and a place, and a reason
And I know I got a love to believe in
All I know, got to win this time

Without you, one night alone
Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone?
Without you…
Can’t stop the hurt inside
When love and hate collide

You could have a change of heart
If you would only change your mind
‘Cause I’m crazy ’bout you baby
Crazy… Crazy…

Without you, one night alone
Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone?
Without you, one night alone
Is like a year without you baby
If you have a heart at all
Without you…
Can’t stop the hurt inside
When love and hate collide

Sa pagtatapos ng kanta taon sa pagpasok nila ng gate ng kanilang village ay natanaw niyang nagpahid ng luha si Diane, saka ito nagpatay na ng stereo.

Magkasunod silang pumarada sa tapat ng kanilang bahay. Binuksan ni Dennis ang gate at tumuloy na si Diane sa loob.

Naupo si Dennis sa may dining table at nagmwestra ng kamay kay Diane na maupo din doon sa kanyang harapan. Kahit padabog ay tumalima naman ito at naupo.

Napabuntong-hininga si Dennis. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Ayaw niyang sabayan ang emosyon ng asawa. Ayaw niyang matulad ang pag-uusap na iyon sa kumprontasyon nila noong nakaraan.

Nakabibingi ang katahimikan. Tila walang gustong mauna.

Magkasapo ang mga palad ni Dennis sa kanyang pagkakadukwang sa lamesa. Habang si Diane ay nakahalukipkip ang mga braso sa pagkakasandal nito sa upuan at nakakunot ang noo.

“May gusto kang sabihin… o itanong?” basag ni Dennis sa katahimikan.

Hindi kumibo si Diane at nanatiling nakatingin lamang sa kanya.

“Hmm sige. Ako may tanong… kailangan mo pa ba talagang isend sakin yung video na ‘yon?”

“O bakit? Di ba doon ka nalilibugan? Yung pinapaiyot mo ‘ko sa kumpare mo? O di ayan, idagdag mo sa koleksyon mo. Panoorin mo ng paulit-ulit kung paano ako iyutin ni Greg.”

Kumakabog ang kanyang dibdib. Kahit nagpapanting ang tenga sa nadidinig ay pinilit ni Dennis na magpakahinahon.

“Sige. Tatahimik muna ako. Sige… ilabas mo na lahat Diane. Sabihin mo na lahat ng gusto mo sabihin para matapos na ‘to.”

Saglit na tumayo si Dennis para kunin ang bote ng whisky sa kitchen counter saka bumalik sa lamesa bitbit ang dalawang baso.

“Go. Nakikinig ako.” sambit nito habang nagbubuhos sa mga baso.

“Dennis, sobrang sakit ng dibdib ko ngayon sa mga nangyayari…”

“I know. Ako rin.” di napigilang sagot ni Dennis at tinungga nito ng diretso ang laman ng kanyang baso at muling nagbuhos.

“Alam kong mali ang nagawa ko… Ang nagawa namin ni Greg… Alam kong malaki ang kasalanan ko sa’yo at pinagsisisihan ko ‘yon ng husto… I’m sorry! I’m so sorry!”

Tuluyang umagos ang mga luha sa kanyang pag-amin ng pagkakasala sa mister at napasapo ang dalawang kamay ni Diane sa kanyang mukha.

“Pero sana maisip mo din, kung bakit ko yun nagawa… Kung bakit humantong sa ganon.”

“Dahil ginusto mo.” masimpleng singit ni Dennis.

“Aminado ako… ginusto ko!”

Saglit na binuksan ni Diane ang kanyang bag upang kumuha ng tissue at idinampi iyon sa kanyang mga pisngi.

“Inaya mo ‘ko sa larong gusto mo… Kahit ayoko, pinagbigyan kita… Isinali mo si Greg… Nag-enjoy kami sa laro… Akala ko tapos na…”

“Inaya nya ‘ko ulit… At ako naman si gaga, pumayag ako kahit alam kong mali… Akala ko nagkakasala ako sa’yo… Yun pala… kaya ang lakas ng loob ni Greg magyaya kasi sinabihan mo sya na magsolo kami?”

“Dennis… tapatin mo nga ako, asawa ba talaga ang tingin mo sa’kin?”

Napahagulgol na ng iyak si Diane sa huling linyang binitiwan dahil sa sama ng loob. Muling nagbabalik at nananariwa sa kanya ang mga tagpong iyon. Hindi pa rin makapaniwala na nagawa siyang ipagamit ng mister ng hindi niya nalalaman.

Masakit na nga sa kalooban niya ang nagawang pagtataksil. Ang magkasala sa kanyang asawa ng dahil sa pagiging marupok sa tawag ng laman. Mas masakit pa na alam pala iyon ni Dennis. Na naatim nitong basbasan ang panunukso ni Greg. Nang hindi niya nalalaman.

Isang bagay na kung magpapalit sila ay hindi niya mapahihintulutan. Kung mambababae man si Dennis ay wala siyang magagawa. Hindi niya iyon kontrolado. Pero ang kumausap ng ibang babae para akitin at tikman si Dennis? Subukin ang katatagan nito? Hindi niya iyon magagawa.

“Naisipan ko lang naman ‘yon para tuparin cheating fantasy mo.” katwiran ni Dennis.

Nagulat si Diane sa sinabi ng mister at hindi napigilang mapataas ang kanyang boses.

“Cheating fantasy?! Cheating fantasy, Dennis?! The hell with those fantasies! WALA AKONG BALAK MANLALAKE!! Wala akong balak magpagamit sa kahit kanino!! Sayo lang… Sa asawa ko lang…” at muling nanghina ang boses nito sa panlulumo.

Tahimik lamang na nakikinig si Dennis habang umiinom. Agad na pinapahid ang bawat luhang malalaglag sa kanyang mata.

“Nadarang ako… kami… Nagkasala kami sayo… kay Elsa… Maayos naman ang pagkakaibigan ng mga pamilya natin dati… hindi sana hahantong sa ganito kundi dahil sa gabing ‘yon…”

“Tiniis ko panlalamig mo sa’kin… Kahit tinitikis mo ko, wala kang nadinig sa’kin di ba… dahil alam ko malaki ang kasalanan ko sa’yo. Kahit matagal ko nang iniwasan si Greg… tiniis ko lahat… Yun pala… yun pala…” at napasubsob na lang ito sa kanyang mga brasong nakatuon sa lamesa.

Tila kinurot ang dibdib ni Dennis. Sa sama ng loob niya noon sa misis at sa kumpare ay di na niya napapansin na kay Diane niya naibuhos ang lahat. Gayong maging siya naman ay may itinatagong kasalanan dito.

“Kaya ba gano’n mo na lang ako kung ipamigay? Dahil andyan si Pam? Na akala ko parang anak mo na… Yun pala inaasawa mo sa pamamahay ko pa mismo?!”

Nag-ahon ng ulo si Diane at nanlilisik ang mga mata habang nakatitig kay Dennis. Nanginginig sa galit ang mga kamay nitong nakatikom. Walang mapagsidlan ang sama ng loob dahil sa tiniis niyang pangangastigo ng mister gayong maging ito pala ay may milagro ding ginagawa.

“Nagkamali ako. Matagal nang tapos yun Diane… I’m really sorry.”

“Wow. Sorry? Ganon lang, ok na?! Tapos? Bakit? Kasi nasa Batangas sya ngayon?!”

Naiiling na lang si Dennis. Batid niyang kahit sinong babae ay hindi basta-basta maniniwala kung sasabihan mong tapos na ang iyong pagloloko. Lalo na si Diane. Dahil noon pa man ay matindi ito kung magselos.

“Kelan nyo ginagawa? Kapag pumapasok ako sa trabaho? Kapag tulog ba ako? Saan?! Sa kama ba mismo natin?!”

Napabalikwas ng tayo si Dennis. Hindi na niya gusto ang kinakahinatnan ng usapan. Mukhang hahantong na naman iyon kagaya nung nakaraan.

Lumakad siya papunta sa sala at naupo sa sofa. Agad naman siyang sinundan doon ni Diane.

“Oh bakit hindi ka makasagot? Kapag ako nakiapid, gano’n mo na lang ako kung tikisin? Pero kapag ikaw–”

“PAANONG HINDI EH MONTIK MAMATAY ANG ANAK KO DAHIL SA KAKATIHAN NYO!”

Natigalgal si Diane sa nadinig. Hanggang ngayon pala ay sa kanya pa rin isinisisi ni Dennis ang aksidenteng iyon kay JR na montik nitong ikapahamak.

“Wala akong magagawa kung sa akin mo talaga ibubunton ang sisi. Pero mali ang iniisip mo. Hindi ako umalis non para magpakasarap… Nakikipagkalas ako non kay Greg… Dahil ginigipit nya ko para wag ko syang hiwalayan. Binabantaan niya ko na ipapaalam sa’yo.”

Napatiim-bagang si Dennis sa narinig. Talagang walang kakuntentuhan ang kumpare. Kahit pala umaayaw na ang kanyang misis ay iginigiit pa rin nito ang sarili kay Diane.

“So dahil sa namamagitan sa amin ni Greg, ok na makipagrelasyon ka sa inaanak mo? Kapag ikaw, pwede? You are such a brat. Ano, lagi na lang yung gusto mo ang masusunod?!”

“Diane please naman. Kaya nga tayo nag-uusap… Para maayos na natin ‘to hindi ba?”

Inilapag ni Dennis ang bitbit na baso sa may lamesita. Inabot niya ang kamay ni Diane ngunit agad nitong hinawi ang kanyang kamay.

“Diane… Alam ko napakarami kong nagawang mali… I’m sorry… Kung pwede lang talagang ibalik ang isang taon, gagawin ko!… Pero andito na ‘to eh… Kaya sana mapatawad mo na ko… Mapatawad na natin ang isa’t isa… Gusto ko lang naman mabuo na tayo ulit.”

“Puro ikaw eh. Puro yung gusto mo. Paano naman yung gusto ko?”

“Bakit, ano ba ang gusto mo?” sambit ni Dennis.

“GUSTO KITANG SAKTAN! Gusto kong maramdaman mo ‘tong nararamdaman ko ngayon!!” hiyaw ni Diane habang humahagulgol.

Batid ni Dennis na mas may iniinda si Diane sa mga oras na iyon. Matagal na niyang natunugan ang namamagitan sa kanyang misis at kumpare. At dahil dati naman na iyong nangyari at nagpatuloy lamang ng hindi niya alam, mas kaya niyang dalin ang sakit.

Iba sa kaso ni Diane. Na alam niyang labis na nasaktan dahil sa nalaman nito tungkol sa kanila ni Pam. Dahil sa sinapit nitong paninikis mula sa kanya. Dahil sa nalaman nitong may sabwatan sila ni Greg sa umpisa ng pakikipagrelasyon ni Diane dito.

“Alam mo ba Dennis… Magkasama kami ni Greg magdamag. Lumuwas siya, do’n ako sa condo niya natulog. Alam mo hindi dahil gusto ko… Matagal na kong walang interes kay Greg…”

Tumitig ito sa mga mata ni Dennis saka itinuloy ang sasabihin.

“GUSTO KONG GUMANTI. GUSTO LANG KITANG SAKTAN.” buong diin nitong wika habang nakatitig sa mga mata ng kabiyak.

Malalim na buntong-hininga ang lumabas sa mga labi ni Dennis. Damang-dama niya ang sakit na iniinda ng kanyang asawa. Labis siyang nalulungkot na siya ang sanhi ng sama ng loob nito.

Ano na lang kung malaman pa nitong sa nakaraang buwan na sila ay magkahiwalay ay minsan siyang nakapagdala ng babae sa opisina. Dala ng impluwensya ng alak at sa matinding sama din ng loob sa pag-alis ng kanyang mag-ina kaya niya iyon nagawa.

Wala na siyang balak na ipaalam pa iyon kay Diane. Lalo lamang itong masasaktan at lalo lamang gugulo ang sitwasyon.

Napayuko si Dennis, nakatukod sa hita ang mga siko at nakasapo ang mga kamay sa kanyang ulo. Masakit man sa kanyang kalooban ang ipinagtapat nito, isang bagay lang talaga ang nais niyang malaman.

“Diane… magkakaayos pa ba tayo?”

“Tapusin na natin ‘to. Alam nating pareho na hindi na tayo babalik pa sa dati. Wag na nating ipilit.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Dennis sa nadinig mula kay Diane. Napakasakit madinig mula dito ang noon pa niyang pinangangambahan.

“Hindi ka mawawalan ng karapatan kay JR… Patawad sa lahat, Dennis… Hindi siguro talaga tayo para sa isa’t isa.”

Mabigat man sa kalooban ni Diane ang kanyang pasya ay iyon na marahil ang pinakamainam nilang gawin. Ang tuluyang maghiwalay.

Parehas na silang wasak. Hindi na mabubura pa ang mga kasalanang nagawa nila sa isa’t isa at paulit-ulit lamang silang madudurog kung ipipilit pa nilang magsama.

Walang kibo si Dennis at nanatili lamang na nakasapo ang dalawang kamay sa kanyang ulo habang nakayuko. Pilit ikinukubli ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mukha.

Tahimik na tumayo si Diane. Hinubad at inilapag ang kanyang wedding ring sa lamesita at tuluyan nang umalis.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *